IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: manila

XIAOTIME, 10 December 2012: TREATY OF PARIS, Nang Ipagbenta ang Pilipinas sa US

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 10 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pag-uusap para sa kapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya sa Paris noong 1898.

Ang pag-uusap para sa kapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya sa Paris noong 1898.

10 December 2012, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=8SRRsToc8gc

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nais kong magpaalam sa aking mga estudyante sa DLSU Manila ngayong ikalawang termino ng taong akademiko 2012-2013, salamat sa ating samahan at magkita-kita tayo sa kampus, sana batiin niyo pa rin ako.  114 years ago ngayong araw, December 10, 1898, nang pirmahan ng Estados Unidos at ng Espanya ang Treaty of Paris na nagtatapos ng Spanish-American War.  Huh?  E ano naman sa atin ito???  Liwanagin natin.

Pagsasalarawan ng pagsabog ng USS Maine sa pantalan ng Havana, Cuba.

Pagsasalarawan ng pagsabog ng USS Maine sa pantalan ng Havana, Cuba.

Noong February 15, 1898 , sumabog ang USS Maine, isang barkong Amerikano na nasa pantalan ng Havana, Cuba.  Sinisi ang mga submarinong Espanyol sa paglubog nito bagama’t matapos ang 100 years kanilang natuklasan na sunog sa coal bunker ng mismong barko ang dahilan ng paglubog nito.  Anuman, nagamit ang insidente upang magdeklara ang Estados Unidos ng Estado ng Pakikidigma sa mga Amerikano.

Detalye ng mural ukol sa kasaysayan ng Pilipinas sa bukana ng ikalawang palapag ng Palma Hall (AS 2nd floor lobby) na nagpapakita ng pakikipag-usap ni Hen. Emilio Aguinaldo sa mga Amerikano.

Detalye ng mural ukol sa kasaysayan ng Pilipinas sa bukana ng ikalawang palapag ng Palma Hall (AS 2nd floor lobby) na nagpapakita ng pakikipag-usap ni Hen. Emilio Aguinaldo sa mga Amerikano.

Sa kontekstong ito, nakipag-usap sa Singapore si Heneral Emilio Aguinaldo kay Consul E. Spencer Pratt at Consul Rounceville Wildman upang tulungan ang mga Pilipino na makamit ang kasarinlan mula sa Espanya.  Ayon kay Aguinaldo, sinabi raw sa kanya na aalagaan ng mga Amerikano ang Pilipinas at pananatilihin ang kasarinlan nito tulad ng ginawa nila sa Cuba.  Samantalang sa mga aklat ng mga Amerikano, makikita nila na wala naming dokumentasyon na nagpapatunay ng mga sinabi ni Pratt.  Kumbaga, para sa kanila dapat hindi lamang ito verbal para maging opisyal habang sapat na sa ating mga Asyano ang palabra de honor at kung minsan insult pang magpasulat.  Pinadala ng Amerika si George Dewey upang pataubin ang pwersang pandagat ng mga Espanyol at nabansagang “Hero of Manila” habang sa buong Pilipinas, ang mga bayan ay pinapalaya na ng mga Anak ng Bayan.

George Dewey, larawan na nasa National Portrait Gallery ng Estados Unidos

George Dewey, larawan na nasa National Portrait Gallery ng Estados Unidos

Paglalarawan sa Battle of Manila Bay na pinagwagian ni Dewey laban sa armadang Espanyol, May 1, 1898.

Paglalarawan sa Battle of Manila Bay na pinagwagian ni Dewey laban sa armadang Espanyol, May 1, 1898.

Sa napipintong pagkapanalo ng ating himagsikan, isinulat ni Ambrosio Rianzares Bautista sa pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas na nilagdaan noong June 12, 1898 na ang ating bansa ay, “…under the protection of our Powerful and Humanitarian Nation, The United States of America.”

Proklamasyon ng Pagsasarili sa Kawit, Cavite, June 12, 1898.

Proklamasyon ng Kasarinlan sa Kawit, Cavite, June 12, 1898.

Naku sa Proklamasyon pala natin ng Independensya, itinali na natin ang sarili natin sa kanila, kaya nariyan pa rin ang impluwensya nila.  Sa pag-asa sa isang salita ng isang dakilang bansa ipinahayag natin ang ating kasarinlan.  Ngunit, pasikreto palang nakikipag-usap ang mga Amerikano at ang mga Espanyol.  Noong August 13, 1898, ginanap ang Mock Battle of Manila kung saan nakuha ng mga Amerikano ang Maynila mula sa mga Espanyol.

Nang makuha ng mga Amerikano ang Fort San Antonio Abad sa Ermita mula sa mga Espanyol matapos ang pekeng labanan sa Maynila, August 13, 1898.

Nang makuha ng mga Amerikano ang Fort San Antonio Abad sa Ermita mula sa mga Espanyol matapos ang pekeng labanan sa Maynila, August 13, 1898.

Mock sapagkat peke pala ito.  Niluto na ito upang matalo ang mga Espanyol ng may dangal.  Nagsimulang magpulong ang dalawang imperyo sa mga suite rooms ng Ministeryo ng Ugnayang Panlabas sa Paris, Pransiya noong October 1, 1898.

Huling araw ng pulong para sa pagbubuo ng Tratado ng Paris, December 10, 1898.

Huling araw ng pulong para sa pagbubuo ng Tratado ng Paris, December 10, 1898.

Tulad ng isang sariling estado, ipinadala ng Kongreso ng Malolos ang matalinong abogado na si Felipe Agoncillo upang katawanin ang Pilipinas, pinagsarhan lamang siya ng pintuan at hindi pinansin ng dalawang panig sa Paris.

11 Felipe Agoncillo

Nilagdaan ang tratado noong December 10, 1898 at napagkasunduan na ibigay ang Cuba, Puerto Rico, Guam at Pilipinas sa Estados Unidos.  Ang Pilipinas nakuha sa halagang $ 20 Million.  Hindi raw pagbebenta ito, bayad lamang ito sa mga nagastos ng Espanya upang “paunlarin” ang mga lugar na ito.  Nang ang maling balita na ang mga Pilipino ang unang nagpaputok sa pagsisimula ng Philippine-American War noong February 2, 1899, after two days, ang hating Kongreso ng Estados Unidos ay bumoto sa ratipikasyon ng tratado,  sa botong 57 to 27, isang boto lamang ang sobra upang sumapat sa 1/3 vote na kinakailangan sa ratipikasyon.

17 “special relations” sa Estados Unidos

Naging legal sa pananaw ng Amerikano ang kanilang pananakop sa atin.  At dito nagsimula ang isang siglo na nating “special relations” sa Estados Unidos, kung saan, tulad sa pananalita ni Renato Perdon, tayo ay naging Brown Americans of Asia.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Makati City, 6 December 2012)

XIAOTIME, 8 October 2012: PAGTATAPOS NG KALAKALANG GALYON

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 8 October 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang galyong Andalucia nang dumako ito sa Pilipinas noong 2010. Kuha ni Fraulaine Rapal.

8 October 2012, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=D13zsLJOaLE&feature=plcp

¡Buenas tardes y buenos noches señoras y señores!  Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  197 years ago [ngayon, 8 Oktubre 1815] nagtapos ang Kalakalang Galyon na minonopolyo ng mga mananakop na Espanyol sa loob ng 250 years!

Fray Andres de Urdaneta, tagapagdiskubre ng pinakamahabang rutang pangkalakalan sa Kasaysayan ng Daigdig.

Ang explorer na si Father Andres de Urdaneta ang nakadiskubre ng ruta noong bumalik siya sa Mexico mula sa Pilipinas noong 1565, sinundan niya ang direksyon ng hangin ng mga bagyo sa Pasipiko at nakilala ito sa tawag na Manila-Acapulco Galleon Trade o Nao de China.  Ngunit tila mali ang tawag na ito.  Ang mga produktong mula sa India; Japan; mga produktong Tsino na kinahihibangan ng mga Europeo tulad ng porcelain, ivory, silk o seda, at iba pa

Inmaculada Concepcion na gawa sa ivory, ilan sa mga produktong dinadala ng Kalakalang Galyon. Mula sa Koleksyong Museo ng San Agustin.

; mga pamintang mula sa Moluccas; at ilan lamang na mga produkto ng mga Indio tulad ng mga bulak mula sa Ilocandia at mga likhang sining na nililok, ay isinasakay sa mga Galyon, na tinatawag na Nao.  Ang mga ito ay dadalhin sa Acapulco, ngunit hindi ito natatapos doon.  Dadalhin ang mga produkto sa pamamagitan ng lupa patungong Veracruz, matapos nito ay dadalhin sa Havana, Cuba, at ikakalat na sa mga bansa sa Timog Amerika at dadalhin na rin patungong Sevilla, Espanya.  Kaya mas nararapat na tawagin itong Kalakalang Maynila-Acapulco-Sevilla—Ang pinakamahabang Trade Route sa Kasaysayan ng Daigdig!!!

Kapalit ng lahat ng mga produkto ay ang mga pera na mabilis naman na ipinambabayad sa mga bansang pinagmulan ng produkto.  Dahil din sa kalakalang ito, napadpad sa Pilipinas ang mga halamang nasa Amerika lamang na ngayon ay bahagi na ng buhay ng mga Pilipino:   tabako, mais, cacao, kape, cassava, mani, sili, beans, at kamatis.  Bagama’t kumita ang Espanya sa monopolyo ng pangangalakal na ito sa Pilipinas, ang mga indio ay nakatungangang parang mga timawa, nagsibak lamang ng mga kahoy na ipinanggawa ng mga galyon at kinuhanan ng mga ani, nilaspatangan ang interes ng mga maliliit.  Ang tanging nakinabang ay ang mga Espanyol at iba pang dayuhan.  Noong 1815, dahil na rin sa pakikipaglaban sa kalayaan ng mga Mexicano laban sa mga Espanyol, natigil ang Kalakalang Galyon.  Sa pagtatapos nito, mas naging malaya na makipagkalakalan ang Pilipinas sa daigdig.  Nagbukas sa lahat ang oportunidad kahit sa ilang mga indio na sa kalaunan ay nag-aral at naging mga ilustrado na nakibaka rin para sa pagbubuo ng ating nasyon.  Sabi ng mga eksperto, ang Kalakalang Galyon ay maagang manipestasyon ng globalisasyon na kontrolado lamang ng malalakas na bansa.  Ang malayang kalakalan ay maihahambing sa Cyberspace na parang isang karinderyang bukas sa lahat ng gustong magtinda, bumili at magpahayag ng sarili.  Ang daang matuwid ay nag-aadhika ng isang sistemang liberal ngunit nangangalaga rin sa interes ng maliliit at lokal na negosyo at nagtataguyod ng malayang pagpapahayag ng sarili.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, 4 October 2012)