IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: belong

XIAO TIME, 1 May 2013: PAANO AT SAAN NAGSIMULA ANG “LABOR DAY”

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pakikibaka ng mga manggagawa para sa isang 8-hour day.  Mula kay Perry, A History of the World.

Ang pakikibaka ng mga manggagawa para sa isang 8-hour day. Mula kay Perry, A History of the World.

1 May 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=YJGbe5zrcoU

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ang Mayo Uno ay International Labor Day?  Huh??? What’s that Pokemón??? Araw ba yan ng mga malapit nang manganak.  Hindi po.  Araw po ito ng paggawa—o pagkilala sa kontribusyon ng mga manggagawa sa pagpapatakbo ng ating lipunan.  Paano ito nagsimula?

02 Araw po ito ng paggawa—o pagkilala sa kontribusyon ng mga manggagawa sa pagpapatakbo ng ating lipunan

Noong mga 1800s, ang mga manggagawa sa Estados Unidos at Europa ay nagtatrabaho ng higit sampung oras at kung minsan ay umaabot pa ng labing-anim na oras!  Imagine!  Kaya naisip ni Robert Owen ng New Lanark, Britanya noong 1817, ang adhikain na dapat ay magkaroon ng mas maikling pagtatrabaho o ang eight-hour day, “Eight hours labour, Eight hours recreation, Eight hours rest.”  Pinaniniwalaan na magiging mas produktibo, balanse at maganda ang buhay ng tao kung ipapatupad ito. Matagal ang naging pakikibaka ng mga manggagawa para matamo ang tinatamasa ng marami sa atin ngayon na eight-hour day.

Ang mga mangagawa sa Europa noong panahon ng Rebolusyong Industriyal.

Ang mga mangagawa sa Europa noong panahon ng Rebolusyong Industriyal.

Mga child laborers sa Europa.

Mga child laborers sa Europa.

Robert Owen

Robert Owen

Ang 8-hour day memorial sa Melbourne, Australia.  Mula sa www.ww2incolor.com.

Ang 8-hour day memorial sa Melbourne, Australia. Mula sa http://www.ww2incolor.com.

Sa kabila ng pagkakaroon na ng mga Australyano at New Zealander ng walong oras na araw noong Dekada 1840s at 1850s pa lamang, matatamo lamang ito ng karamihan sa daigdig sa kalagitnaan ng 20th Century, humigit kumulang 130 years pa ang lilipas.   Ang itinuturing na unang Mayo Uno na araw ng paggawa ay isinagawa ng magmartsa sa Michigan Avenue, Chicago noong May 1, 1886, 127 years ago, ang 80,000 na tao sa pangunguna ng pamilya ni Albert Parsons, pinuno ng Chicago Knights of Labor.

Albert Parsons

Albert Parsons

Lucy Parsonas

Lucy Parsonas

Michigan Avenue, Chicago, May 1, 1886.

Michigan Avenue, Chicago, May 1, 1886.

Matapos nito, sa buong Estados Unidos, sinamahan sila ng 350,000 mga manggagawang nagwelga sa 1,200 pabrika.  Dahil dito umikli ang oras ng paggawa ng marami sa mga manggagawa, ang iba binawasan ang sweldo, ang iba hindi.  Matapos ang tatlong araw, pinaputukan ng mga pulis ang mga nagwewelga sa planta ng McCormick sa Chicago.  Apat ang patay, maraming sugatan.  Kinabukasan, May 3, 1886, bilang protesta sa ginawang ito ng pulis, muling nagmartsa ang mga tao sa Haymarket Square.  Isang bomba ang sumabog at sinisi ng mga awtoridad ang mga Knights of Labor.

Mula sa Wikipedia:  "Exhibit 129a from the Haymarket trial: Chemists testified that the bombs found in Lingg's apartment, including this one, resembled the chemical signature of shrapnel from the Haymarket bomb."

Mula sa Wikipedia: “Exhibit 129a from the Haymarket trial: Chemists testified that the bombs found in Lingg’s apartment, including this one, resembled the chemical signature of shrapnel from the Haymarket bomb.”

Ang Haymarket Incident sa Chicago.  Mula sa Wikipedia:  "This 1886 engraving was the most widely reproduced image of the Haymarket Affair. It inaccurately shows Fielden speaking, the bomb exploding, and the rioting beginning simultaneously."

Ang Haymarket Incident sa Chicago. Mula sa Wikipedia: “This 1886 engraving was the most widely reproduced image of the Haymarket Affair. It inaccurately shows Fielden speaking, the bomb exploding, and the rioting beginning simultaneously.”

D6A-25-ExplorePAHistory-a0j8p3-a_349

Humina ang organisasyon nila ngunit lumakas naman ang pandaigdigang paggunita sa Mayo Uno bilang Araw ng Paggawa.  Bagama’t sa Estados Unidos, ginawang unang Lunes ng Setyembre ang Araw ng Paggawa upang mailayo sa pagdiriwang ng mga sosyalista at komunista, sa Pilipinas, sinunod ang pandaigdigang petsa ng Mayo Uno.

24 Humina ang organisasyon nila ngunit lumakas naman ang 25 pandaigdigang paggunita sa Mayo Uno bilang Araw ng Paggawa

Ang mga haligi ng pandaigdigang Komunismo:  Karl Marx, Friedrich Engels, Vladimir Lenin, Josef Stalin, Mao Zedong.

Ang mga haligi ng pandaigdigang Komunismo: Karl Marx, Friedrich Engels, Vladimir Lenin, Josef Stalin, Mao Zedong.

Nang maaresto nang dahil sa pangunguna ng welga laban sa MERALCO ang Ama ng Philippine Organized Union na si Don Isabelo de los Reyes na pinuno ng Union Obrera Democratica, pinalitan siya ni Dominador Gomez, ang lolo ni Richard Gomez, at inorganisa niya ang unang Mayo Uno sa Pilipinas noong 1903 nang mahigit isanlibong katao ang nagmartsa patungong Palasyo ng Malacañang.  Naaresto rin si Gomez ngunit nagpapatuloy pa rin ang pakikibaka matapos ang higit isang siglo.

Isabelo de los Reyes

Isabelo de los Reyes

Dominador Gomez.  Mula sa Bayang Magiliw ng Adarna.

Dominador Gomez. Mula sa Bayang Magiliw ng Adarna.

Nakalulungkot ito, ibig sabihin kakaunti pa lamang ang nagbabago sa kondisyon ng mga manggagawa.  Laganap din ngayon ang union-busting.  Sa mga manggagawa, patuloy sana tayong makibaka para sa ating karapatan ng mahinahon at maayos.  At sa ilang mga kapitalista, bawas-bawasan ang kasakiman, hindi ninyo madadala ang inyong salapi sa kabilang buhay.  Maging parehas po tayo.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 27 April 2013)

Si Ka Crispin Beltran sa Liwasang Bonifacio na nangunguna sa protesta para sa Araw ng Paggawa, 2003.  Mula sa Filway's Philippine Almanac  2012.

Si Ka Crispin Beltran sa Liwasang Bonifacio na nangunguna sa protesta para sa Araw ng Paggawa, 2003. Mula sa Filway’s Philippine Almanac 2012.

Ang walang hanggang paghingi ng pagtaas sa sahod ng mangagawa noong Araw ng Paggawa 2003.  Mula sa Filway's Philippine Almanac 2012.

Ang walang hanggang paghingi ng pagtaas sa sahod ng mangagawa noong Araw ng Paggawa 2003. Mula sa Filway’s Philippine Almanac 2012.

"Mga mangagawa ng daigdig, magkaisa!  Walang mawawala sa inyo kundi ang inyong mga tanikala!" - Karl Marx

“Mga mangagawa ng daigdig, magkaisa! Walang mawawala sa inyo kundi ang inyong mga tanikala!” – Karl Marx

 

XIAO TIME, 19 April 2013: LEONA FLORENTINO, ISANG NATATANGING PILIPINA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Monumento para kay Leona Florentino sa Plaza Leona sa Vigan, Ilocos Sur.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Monumento para kay Leona Florentino sa Plaza Leona sa Vigan, Ilocos Sur. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

19 April 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=zaKecbgGIRM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  164 years ago ngayong araw, April 19, 1849, isinilang si Leona Florentino sa Vigan, Ilocos Sur.  Huh???  Who’s the Pokemón???  Kung magmamasid ka sa paglalakad mo sa makasaysayang Calle Crisologo sa Vigan kung saan naroroon ang mga tanyag na lumang bahay na dinadayo ng mga turista, sa dulo nito malapit sa simbahan hindi mo mapapalampas ang isang Plaza na ang pangalan ay Leona, may isang restaurant na ang pangalan ay Café Leona at pinagigitnaan ito ng isang monumento nakaupong babae na nagsusulat.

Calle Crisologo, heritage Village sa Vigan, Ilocos Sur.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Calle Crisologo, heritage Village sa Vigan, Ilocos Sur. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Cafe Leona

Cafe Leona

Ang Linangan Educational Trips habang kumakain sa Plaza Leona.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang Linangan Educational Trips habang kumakain sa Plaza Leona. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Monumento para kay Leona Florentino sa Plaza Leona sa Vigan, Ilocos Sur.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Monumento para kay Leona Florentino sa Plaza Leona sa Vigan, Ilocos Sur. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Kapag binasa ang marker sa kapihan na kanya palang tinirhan noon, makikita mo na siya pala ang pangunahing babaeng makata sa Ilocos, na nagsulat si Wikang Ilocano at Espanyol, satirist rin siya at nagsusulat ng dula.  Ang tawag ng iba sa kanya ay Ina ng “Philippine women’s literature” na tumulay sa tradisyong pasalita sa tradisyon ng pagsusulat o literature.  Bago dumating ang mga Espanyol, ang mga babae talaga, ang mga babaylan at binukot, ang tagakwento ng epiko at pasalitang mga tradisyon.

Babaylan.  Guhit ni Christine Bellen.

Babaylan. Guhit ni Christine Bellen.

Ngunit sa pagdating ng Espanyol, itinaguyod nila ang patriyarkiya at ang pagbusal sa bibig ng kababaihan.  Ang mga babaylan ay tinawag na mga bruha at mangkukulam at sinumang babaeng mangahas na maging mas matalino sa mga lalaki ay ituturing na hindi katanggap-tanggap.  Mas maraming kababaihan ang hindi nakapag-aral.  Bago isilang si Leona, isinalin na sa Kapampangan noong 1844 ni Doña Luisa Gonzaga de Leon ng Bacolor, Pampanga ang Ejercicio Cotidiano, itinuturing siya na unang babaeng awtor sa Pilipinas.  Si Leona ay isinilang sa isang mayamang pamilya sa Vigan, at nagsusulat na siya ng mga tula sa edad na sampung taong gulang.  Ang naging unang guro niya ay ang kanyang ina matapos nito naturuan din ng ilang pang mga pribadong tutor at ng isang edukadong paring Ilokano na nagturo sa kanya ng mas malalim na Espanyol at inusig pa siya na pahasain ang kanyang pagtula.  Ina siya ng makabayang propagandista, iskolar, pulitiko, religious at labor leader na si Don Isabelo “Belong” de los Reyes at nang makita ko sa marker na isinilang siya noong 1864, nagulat ako!  Kaybatang ina ni Leona!

Isabelo "Don Belong" de los reyes

Isabelo “Don Belong” de los reyes

Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ikinasal siya sa isang pulitikong si Elias de los Reyes sa edad na labing-apat at nagkaroon ng limang bunga ang kanilang samahan.  Nakalulungkot lamang na dahil sa feministang mga pinagsusulat niya, nilayuan siya ng kanyang asawa at mga anak at nanirahang mag-isa.  Noong October 4, 1884, patay na siya sa edad na 35.

Puntod ni Leono Florentino at ng asawang si Elias de los Reyes sa Katedral ng Vigan.  Mula sa Sinupang Xiao Chua.

Puntod ni Leono Florentino at ng asawang si Elias de los Reyes sa Katedral ng Vigan. Mula sa Sinupang Xiao Chua.

Hindi na niya nakita ang pagkilala na ibinigay sa kanya ng daigdig.  Isinalin ang mga akda niya sa iba’t ibang wikang dayuhan at naitanghal sa Madrid Exposition ng 1887, sa Paris International Exposition noong 1889 at sa St. Louis International Exposition sa Missouri, Estados Unidos noong 1904.  22 na tula niya ang naisama sa International Encyclopedia of Women’s Works sa Pransya noong 1889.

Madrid Exposition, 1887

Madrid Exposition, 1887

Paris Universal Exposition, 1889.

Paris Universal Exposition, 1889.

St. Louis Universal Exposition, 1905

St. Louis Universal Exposition, 1905

Si Leona Florentino ang unang Pilipinang babae na kinilala sa pandaigdigang entablado.  Kung kinalimutan siya ng kanyang mga kaanak, hindi dapat siya kalimutan ng bansa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 13 April 2013)