IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: bahay kubo

XIAO TIME, 22 May 2013: ANG KAHALAGAHAN NG BAHAY KUBO SA KULTURA NG MUNDO (Part 2)

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

William LeBaron Jenney, ang Ama ng modernong American Skyscraper.  Ano ang kinalaman ng Bahay Kubo sa kanya?  Basahin sa ibaba.

William LeBaron Jenney, ang Ama ng modernong American Skyscraper. Ano ang kinalaman ng Bahay Kubo sa kanya? Basahin sa ibaba.

22 May 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=bsA7wSdWUQw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Tulad ng nabanggit kahapon, ang Bahay Kubo o Bahay Austronesyano ay simbolo ng galing nating umangkop sa kapaligiran at klima sa ating bansa.  Na sa kabila ng tropical na init, magkamit tayo ng ginhawa.  Ngunit ano ang nangyari sa Bahay Kubo sa panahong ng Kolonyalismo at pagdating ng impluwensyang banyaga?  Akala natin, ang mga bahay na ipinatayo ng mga Espanyol sa Pilipinas ay tinawag na Spanish houses, ngunit sasabihin sa iyo ng Kastila, “Walang ganyan sa Spain…” LOL.

Bahay Austronesyano.  Isang paglalarawan.

Bahay Austronesyano. Isang paglalarawan.

Mga bahay na bato sa Calle Crisologo sa Vigan, tinatawag na "Spanish Houses."  Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Mga bahay na bato sa Calle Crisologo sa Vigan, tinatawag na “Spanish Houses.” Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Totoong mga bahay sa Espanya, hindi ganito ang mga bahay na bato.  Mula sa featurepics.com.

Totoong mga bahay sa Espanya, hindi ganito ang mga bahay na bato. Mula sa featurepics.com.

Spanish houses.  Mula sa i.teegraph.co.uk.

Spanish houses. Mula sa i.teegraph.co.uk.

Spanish houses sa Espanya.  Mula sa spanishinladproperties.com.

Spanish houses sa Espanya. Mula sa spanishinladproperties.com.

Kasi nang dumating ang Espanyol, ang mga bahay na bato na ipinatayo nila ayon kina Prop. Felipe de Leon, Jr. at Dr. Fernando Nakpil Zialcita, ay bahay kubo rin na nagbago, pero naroon pa rin ang diwa na magkaroon ng ginhawa–malalaking bubong, matataas na kisame, malalaking bintana, may silong at mga materyales na galing sa kalikasan sa ikalawang palapag na siyang tinitirhan.

Xiao Chua at si Prop. Felipe de Leon, Jr. Unibersidad ng Pilipinas Diliman, March 10, 2006.

Xiao Chua at si Prop. Felipe de Leon, Jr. Unibersidad ng Pilipinas Diliman, March 10, 2006.

Xiao Chua at si Dr. Fernando Nakpil Zialcita, Pamantasang Ateneo de Manila, July 24, 2008.

Xiao Chua at si Dr. Fernando Nakpil Zialcita, Pamantasang Ateneo de Manila, July 24, 2008.

Rekonstruksyon ng bahay na bato ng mga Rizal sa Dapitan.  Dinisenyo ni Arkitekto Juan Nakpil, Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura batay sa mga historikal na datos.  Mula sa Lolo Jose:  An Intimate Portrait of Jose Rizal ni Asuncion Lopez-Bantug.

Tulad sa bahay kubo, matataas ang bubong at kisame, at malalaki ang bintana ng mga kolonyal na bahay upang umangkop na mainit at tropikal na klima.  Mula sa Casas Filipinas de Acuzar.

Tulad sa bahay kubo, matataas ang bubong at kisame, at malalaki ang bintana ng mga kolonyal na bahay upang umangkop na mainit at tropikal na klima. Mula sa Casas Filipinas de Acuzar.

Mga bintanang capiz at iba pang mga materyales na mula sa kalikasan natin ang makikita sa bahay na bato, tulad din sa bahay kubo.  At ikalawang palapag lamang ang tinitirhan.  Mula sa aenet.org.

Mga bintanang capiz at iba pang mga materyales na mula sa kalikasan natin ang makikita sa bahay na bato, tulad din sa bahay kubo. At ikalawang palapag lamang ang tinitirhan. Mula sa aenet.org.

Tulad sa bahay kubo ang mga bahay na bato ay may mga silong na hindi tinitirhan.  Isang patio ng bahay sa Intramuros, ang lumang Maynila, 1900.  Koleksyon Dr. Luis Camara Dery.

Tulad sa bahay kubo ang mga bahay na bato ay may mga silong na hindi tinitirhan. Isang patio ng bahay sa Intramuros, ang lumang Maynila, 1900. Koleksyon Dr. Luis Camara Dery.

Mula sa ideasbeyondborders.com/

Mula sa ideasbeyondborders.com/

Mula sa ideasbeyondborders.com.

Mula sa ideasbeyondborders.com.

Hindi ibig sabihin na kung babalikan ang kulturang Pilipino, magbahay kubo na tayo ulit, kundi nagpapakita na nagbabago ang kultura sa pag-agos ng panahon.  Dinamiko.  Nasasalamin pa rin ang diwa ng Bahay Austronesyano maging sa mga gusaling Gabaldon, Palma at Melchor Hall ng UP, mga ordinaryong bungalow na nagbibigay ng ginhawa lalo kung may airconditioning, at inspirasyon ni Leandro Locsin ang hugis ng Bahay Kubo sa kanyang disenyo para sa teatro ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.

Ang diwa ng bahay Austronesyano o bahay kubo ay makikita pa rin sa...

Ang diwa ng bahay Austronesyano o bahay kubo ay makikita pa rin sa…

Mga gusaling pampaaralan na Gabaldon na ipinatayo noong panahon ng mga Amerikano.

Mga gusaling pampaaralan na Gabaldon na ipinatayo noong panahon ng mga Amerikano.

Ang Bulwagang Palma sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman na dinisenyo ni Arkitekto Cesar Concio.  Mula sa http://kahayl.tumblr.com/.

Ang Bulwagang Palma sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman na dinisenyo ni Arkitekto Cesar Concio. Mula sa http://kahayl.tumblr.com/.

Leandro Locsin, Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura.

Leandro Locsin, Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura.

Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.  Obra ni Arkitekto Leandro Locsin.  Inspirasyon ang alon ng dating dagat na pinagtayuan ng gusali at ang hugis ng bahay kubo.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Obra ni Arkitekto Leandro Locsin. Inspirasyon ang alon ng dating dagat na pinagtayuan ng gusali at ang hugis ng bahay kubo. Mula sa Marcos Presidential Center.

Ngunit kung kamagha-mangha ito, mas kamangha-mangha na may impluwensya sa buong mundo ang ating Bahay Austronesyano.  Huh???  Talaga.  Nabanggit sa akin ito ng manunulat na si A.Z. Juan Jose Jollico Cuadra na sumakabilang buhay nito lamang April 30, 2013.  Ito ang kwento ni William Le Baron Jenney.

Si Xiao Chua at si A.Z. Jollico Cuadra, Calamba, Laguna, June 19, 2009.

Si Xiao Chua at si A.Z. Jollico Cuadra, Calamba, Laguna, June 19, 2009.

Si A. Z. Jollico Cuadra (May 24, 1939-April 30, 2013), "Enfant terrible of Philippine art noong Dekada 1960 at tinaguriang Byron ng Literaturang Pilipino.  Mula kay Josephine Manapsal ng Celyo Rizal, Inc.

Si A. Z. Jollico Cuadra (May 24, 1939-April 30, 2013), “Enfant terrible of Philippine art noong Dekada 1960 at tinaguriang Byron ng Literaturang Pilipino. Mula kay Josephine Manapsal ng Celyo Rizal, Inc.

Isinilang noong 1832 sa Fairhaven, Massachusetts, sa isang amang nagmamay-ari ng isang kumpanya ng mga barko.  Siya ay kabilang sa engineering staff ni Heneral Ulysses Grant noong Digmaang Sibil sa Estados Unidos.

Firmadong larawan ni William LeBaron Jenney.

Firmadong larawan ni William LeBaron Jenney.

Heneral Ulysses Grant

Heneral Ulysses Grant

Ang nagpapakita ng First Minnesota Regiment noong digmaang sibil sa Estados Unidos.  Mula sa nationalguardmil.com.

Ang nagpapakita ng First Minnesota Regiment noong digmaang sibil sa Estados Unidos. Mula sa nationalguardmil.com.

Noong 1850, tatlong buwan na bumisita sa Pilipinas sakay ng isa sa barko ng kanyang ama, napansin ng arkitekto at inhinyerong si Jenney nang minsang bumagyo na ang istruktura ng mga bahay sa Pilipinas ay napakagaan at napaka-flexible.  Sumayaw-sumunod lamang sa lakas ng bagwis ng sigwa.  Ayon sa mga tala, ito ang nag-inspire sa kanya na gayahin ang flexibility ng frame ng Bahay Austronesyano.  Noong 1879, ipinatayo niya ang unang Leiter Building at noong 1884, ipinatayo niya sa Chicago ang Home Insurance Building, ang unang metal-frame skyscraper sa Estados Unidos.

William LeBaron Jenney, na naging inspirasyon ang Bahay Kubo sa kanyang pinausong disenyo ng gusali.  Itinuturing na Ama ng modernong American skyscraper.

William LeBaron Jenney, na naging inspirasyon ang Bahay Kubo sa kanyang pinausong disenyo ng gusali. Itinuturing na Ama ng modernong American skyscraper.

Leiter building 1 (1879).  Disenyo ni Jenney.  Mula sa artificeimages.com.

Leiter building 1 (1879). Disenyo ni Jenney. Mula sa artificeimages.com.

Home Insurance Building sa Chicago (1884), unang metal frame skyscraper sa Estados Unidos.  Inspirasyon mula sa bahay kubo.

Home Insurance Building sa Chicago (1884), unang metal frame skyscraper sa Estados Unidos. Inspirasyon mula sa bahay kubo.

Si Jenney ang tinuturing na Ama ng Modernong American Skyscraper na naging modelo ng mga matatayog na gusali sa daigdig, at noong 1998, nagtamo ng ranggong 89 sa aklat na 1,000 Years, 1,000 People: Ranking the Men and Women Who Shaped the Millennium.

36 nagpapakita sa atin na tunay na maipagmamalaki

Bahay Kubo.  Obra maestra ni Cesar Buenaventura.

Bahay Kubo. Obra maestra ni Cesar Buenaventura.

Bulkang Mayon at Bahay Kubo.  Obra ni Anna Baker mula sa fineartamerica.com.

Bulkang Mayon at Bahay Kubo. Obra ni Anna Baker mula sa fineartamerica.com.

Ang mga skyscraper sa downtown Manhattan.  Sino ang mag-aakalang ang mga matatayog na gusaling ito ay may batayang dinisenyo naghango ng inspirasyon mula sa bahay na Pilipino.  Mula sa famouswonders.com.

Pasakalye:  "Lunch Atop a Skyscraper."  Tanyag na larawan.

Pasakalye: “Lunch Atop a Skyscraper.” Pinapakita ang mga gusali sa Manhataan, New York at ang pamosong Central Park.  Tanyag na larawan.

Hanep pala ang ating bahay kubo, nagpapakita sa atin na tunay na maipagmamalaki ang arkitekturang Pilipino na hindi lamang pala nagbibigay ginhawa sa bayang ito, nagbigay pamana pa at nag-impluwensyahan ng arkitektura ng buong daigdig.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 11 May 2013)

XIAO TIME, 21 May 2013: ANG KAHALAGAHAN NG BAHAY KUBO SA ATING KULTURA (Part 1)

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Bahay Kubo

Bahay Kubo

21 May 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=BZDiPibSIyM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  May isang tradisyunal na awitin tayong mga Pilipino na nagpapakita kung gaano kahalaga ang Bahay Kubo sa ating kultura.  Inayos ito at pinakalat ni Assemblyman at Justice Norberto Romualdez, uncle ni Imelda Marcos, sa kanyang “Progressive Music Series” noong 1939.

Mga unang nota ng Bahay Kubo.

Mga unang nota ng Bahay Kubo.

Justice Norberto Romualdez

Justice Norberto Romualdez

Problema, tulad ng napansin ni Brod Pete, pinuno ng samahang Ang Dating Doon, ang awit na ito ay hindi talaga tungkol sa bahay kubo dahil niratrat ang gulay, puro gulay na—singakamas at talong, sigarilyas at mani, sitaw, bataw, patani, at iba pa.  At nang isalin ito ng mga Inglesero, “My Nipa Hut” ang kinalabasan.  Ayon kay Brod Pete mali ito, dapat daw ay “My Nepa Q-Mart” dahil andaming gulay.  Alien?

Isko Salvador a.k.a. Brod Pete, kasama si Brother Willie at Brother Jocel ng Samahang Ang Dating Doon.

Isko Salvador a.k.a. Brod Pete, kasama si Brother Willie at Brother Jocel ng Samahang Ang Dating Doon.

Aklat pambatang Bahay Kubo ng Tahanan Books for Young Readers.  Mga dibuho ni Hermes Alegre.

Aklat pambatang Bahay Kubo ng Tahanan Books for Young Readers. Mga dibuho ni Hermes Alegre.

Niratrat ang gulay.  Dibuho ni Hermes Alegre.

Niratrat ang gulay. Dibuho ni Hermes Alegre.

"Singkamas at talong, sigarilyas at mani. " Dibuho ni Hermes Alegre.

“Singkamas at talong, sigarilyas at mani. ” Dibuho ni Hermes Alegre.

"Sitaw, bataw, patani..."  Dibuho ni Hermes Alegre.

“Sitaw, bataw, patani…” Dibuho ni Hermes Alegre.

Hindi dapat "My Nipa Hut" kundi...

Hindi dapat “My Nipa Hut” kundi…

My Nepa Q-Mart.

…My Nepa Q-Mart.  Alien?

Mahalaga nga ang bahay kubo ngunit ayon kay Dr. Zeus Salazar, dahil sa pinakalat ng kolonyalismo na nosyon ng “Kahit munti,” akala natin maliliit ang mga bahay kubo.  Ngunit tulad ng Langgal at Torogan sa Maguindanao, malalaki ito at ilang pamilya ang pwedeng tumira.  Maaari tong tawaging Bahay Austronesyano, ang kultural na gamit na tugon sa tropikal na klima sa karagatang Pasipiko.

Langgal sa isanlibong piso.

Langgal, tradisyunal na sambahang Moro na isang malaking kubo, sa isanlibong piso.

Pinagmulan ng ilustrasyon ng langgal sa isanlibong piso.  Mula sa kapuluang Sulu.

Pinagmulan ng ilustrasyon ng langgal sa isanlibong piso. Mula sa kapuluang Sulu.

Sinaunang Torogan, sa Marawi City, 30 November 2005.

Sinaunang Torogan, sa Marawi City, 30 November 2005.

Ang pagbisita ni Xiao Chua sa pamosong Sinaunang Torogan, Marawi City, 30 November 2005.

Ang pagbisita ni Xiao Chua sa pamosong Sinaunang Torogan, Marawi City, 30 November 2005.

Cross section ng Torogan.  Mula sa historyofarchitecture.weebly.com.  No copyright infringement intended.

Cross section ng Torogan. Mula sa historyofarchitecture.weebly.com. No copyright infringement intended.

Kumbaga, iangkop ng Pinoy ang Bahay Kubo sa kanyang mainit na kapaligiran at klima upang magtamo ng ginhawa.  Nasa paligid lamang natin ang mga materyales nito—kumbaga dapat ang kanta, “Bahay kubo, kahit munti, hagdan kawayan, dingding sawali.”

Bahay kubo sa kabukiran.

Bahay kubo sa kabukiran.

Bahay kubo sa kabukiran.

Bahay kubo sa kabukiran.

Nagbibigay ng ginhawa sa nasa loob ng bahay.  El Ciego (The Blind Man), 1929.  Obra maestra ni Fernando Amorsolo.

Nagbibigay ng ginhawa sa nasa loob ng bahay. El Ciego (The Blind Man), 1929. Obra maestra ni Fernando Amorsolo.

Ang mga malalaking bubong na nipa at cogon ang siyang nagaabsorb ng init na mula sa sikat ng araw, habang ang mga malalaking bintana at matataas na kisame nito ang malayang nagpapadaloy ng hangin.  Ang pagkakaroon ng silong nito ay kapwa proteksyon sa mga mababangis na hayop, sa init ng lupa sa araw at lamig nito sa gabi.

Reproduksyon ng Bahay Kubo ni Jose Rizal sa Dapitan.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Reproduksyon ng Bahay Kubo ni Jose Rizal sa Dapitan. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang bahay kung saan namatay si Apolinario Mabini sa Nagtahan.  Mula sa Great Lives Series.

Ang bahay kung saan namatay si Apolinario Mabini sa Nagtahan. Mula sa Great Lives Series.

Bahay kubo na may mataas na silong.

Bahay kubo na may mataas na silong.  Hindi lamang sa proteksyon laban sa hayop, sa init ng lupa sa tuwing araw at sa lamig naman nito sa gabi, proteksyon din ito laban sa baha.  Kailangan muling ikonsidera ang disenyong may diwang bahay kubo sa mga bahaing lugar.  Dapat hindi tinitirhan ang unang palapag!

At kung sakaling lilipat ng lugar, madali itong ilipat magbayanihan lamang ang mga kaibigan at kapitbahay sa pagbuhat nito sa bagong lokasyon.  Ang huling imahe na ito ang kumakatawan ng minimithing pagkakaisa ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyan—bayanihan lipat bahay.

Bayanihan

Bayanihan ni Fernando Amorsolo

Bayanihan ni Carlos "Botong" Francisco, 1962.  Nasa UniLab.

Bayanihan ni Carlos “Botong” Francisco, 1962. Nasa UniLab.

Pagdating ng napakaraming bagyo sa ating bansa, bumagsak man, madaling itayo.  At madalas dahil gawa sa kawayan, sumusunod at umaayon lamang sa malakas na hangin.

Binagyong bahay kubo.  Pwede pa!

Binagyong bahay kubo. Pwede pa!

Ayon sa aking guro, kaklase at kaibigan, ang antropologong si Dr. Carlos Tatel, Jr. nasasalamin din sa bahay kubo ang pagkakaiba ng kanluraning konsepto ng tahanan bilang mga pribadong espasyo sa ating konsepto ng tahanan bilang bukas na espasyo kung saan doon lahat nagaganap ang gawain ng mga pamilya—tulugan, kainan, atbp. na sa aking palagay ay nakaambag sa ating kultura ng close family ties.

Dr. Carlos Tatel, Jr.  Mula sa peybuk ni Edwin Valientes.

Dr. Carlos Tatel, Jr. Mula sa peybuk ni Edwin Valientes.

Kanluraning bungalow:  Pribadong espasyo.  Mula sa homeconcepts.ca.

Kanluraning bungalow bilang Pribadong espasyo. Mula sa homeconcepts.ca.

Bahay Kubo bilang bulas na espasyo.  Cross-secton ng Bale o bahay ng Ifugao.    Mula sa historyofarchitecture.weebly.com.  No copyright infringement intended.

Bahay Kubo bilang bulas na espasyo. Cross-secton ng Bale o bahay ng Ifugao. Mula sa historyofarchitecture.weebly.com. No copyright infringement intended.

Bale ng Ifugao.  Mula sa bossfromhell73.wordpress.com.

Bale ng Ifugao. Mula sa bossfromhell73.wordpress.com.

Bale ng Ifugao sa bakuran ni Cora Relova, Campo, Pila, Laguna.  Mula kay Paulo Lazaro.

Authentic bale ng Ifugao sa bakuran ni Cora Relova, Campo, Pila, Laguna. Mula kay Paulo Lazaro.

Close family ties.  Naging posible dahil sa bahay kubo.  Dibuho ni Hermes Alegre.

Close family ties. Naging posible dahil sa bahay kubo. Dibuho ni Hermes Alegre.

Ginagawang opisina ng datu, tulad ng ginagawa rin ngayon ng mga pulitiko sa kanilang mga bahay, at sa disenyo nito, lalo na sa Torogan, hindi lamang kakikitaan ng okir kundi ng disenyo ng naga o ahas, makapangyaihang espiritu sa ating sinaunang pananampalataya bilang bantay.

Ang datu sa kanyang tahanan/tanggapan.  Mula sa Lopez Clinic, Roces cor. Quezon Ave., Lungsod Quezon.  Malapit sa Sogo Hotel.

Ang datu sa kanyang tahanan/tanggapan. Mula sa Lopez Clinic, Roces cor. Quezon Ave., Lungsod Quezon. Malapit sa Sogo Hotel.

Torogan, palasyo ng mga datu sa Lanao noong unang panahon.  Mula kay Allan ng fieldchronicles.wordpress.com.

Torogan, palasyo ng mga datu sa Lanao noong unang panahon. Mula kay Allan ng fieldchronicles.wordpress.com.

Panolong na may disenyong Naga o ang mitikal na ahas bilang gabay.  Mula kay Allan ng fieldchronicles.wordpress.com.

Panolong na may disenyong Naga o ang mitikal na ahas bilang gabay. Mula kay Allan ng fieldchronicles.wordpress.com.

Ang mitikal na Naga habang nakain ang araw, paliwanag sa Timog Silangang Asya at Timog Asya para sa eklipse.  Mula sa colorsofindia.com.

Ang mitikal na Naga habang nakain ang araw, paliwanag sa Timog Silangang Asya at Timog Asya para sa eklipse. Mula sa colorsofindia.com.

Ngunit ano ang nangyari sa bahay kubo nang dumating ang kolonyalismo?  Nawala ba ito?  Ano ang pamanang iniwan ng bahay kubo sa arkitektura ng daigdig.  Abangan bukas.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 11 May 2013)

Bahay kubo sa kabukiran:  "Walang kalungkutan."  Mula sa angel119.wordpress.com.

Bahay kubo sa kabukiran: “Walang kalungkutan.” Mula sa angel119.wordpress.com.