IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: aglipay

XIAO TIME, 25 March 2013: SIGAW NG CANDON AT ANG REBOLUSYUNARYONG PAMANA NG ILOCOS

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Federico Isabel Reyes, nanguna sa Cry of Candon.  Mula kay Orlino Ochosa.

Federico Isabel Reyes, nanguna sa Cry of Candon. Mula kay Orlino Ochosa.

25 March 2013, Holy Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=nPkWjGxCg4w

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayon, ang turismo ng Vigan at ng Ilocandia ay natatali sa mga pamanang kolonyal ng mga Espanyol—mga lumang bahay, mga lumang simbahan, at iba pa.  Mungkahi ng historyador na si Jaime Veneracion, maaaring gawing maka-Pilipino ang pananaw ng turismo doon at ipakita ang mga rebolusyunaryong pamana ng mga bayaning Ilokano sa ating bansa.  Ilang taon na rin na isinasagawa nila sa Samahang Pangkasaysayan ng Bulacan na ang Heroes’ Trail sa Tirad Pass, Ilocos Sur kung saan namatay ang batang heneral na Bulakenyo na si Gregorio del Pilar noong 1899.

Ang mga Bandoleros sa pangunguna ni Rex Flores bilang si Macario Sakay kasama si Dr. Nilo S. Ocampo sa Tirad Pass, Ilocos Sur, bilang paggunita sa kabayanihan ni Gregorio del Pilar.

Ang mga Bandoleros sa pangunguna ni Rex Flores bilang si Macario Sakay kasama si Dr. Nilo S. Ocampo sa Tirad Pass, Ilocos Sur, bilang paggunita sa kabayanihan ni Gregorio del Pilar.

Sa bahay na ito sa Vigan, Ilocos Sur din lumaki si Padre José Burgos na isinilang noong 1837.  Ilang lakad lang, sa bahay naman na ngayon ay isa nang restaurant nanirahan ang isang kilalang babaeng makata at nanunulat ng dulang Ilokano noon na si Leona Florentino, ang kanyang mga akda ay naisalin sa iba’t ibang wikang pandaigdig at naitanghal sa Espanya, Paris at St. Louis sa Missouri, gayundin sa Pranses na International Encyclopedia of Women’s Works noong 1889.  Sa harap nito, isang monumento at plaza ang inalay sa kanya.

Burgos House, Vigan, Ilocos Sur.

Burgos House, Vigan, Ilocos Sur.

Padre Jose A. Burgos.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Padre Jose A. Burgos. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Cafe Leona sa Crisologo Street, Vigan, Ilocos Sur

Cafe Leona sa Crisologo Street, Vigan, Ilocos Sur

Monumento ni Leona Florentino.  Kuha ni Xiao Chua

Monumento ni Leona Florentino. Kuha ni Xiao Chua

Ang libingan ni Leona Florentino, 35 taong gulang, sa Katedral ng Vigan.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang libingan ni Leona Florentino, 35 taong gulang, sa Katedral ng Vigan. Kuha ni Xiao Chua.

Siya ang ina ng isang makabayang propagandista at iskolar, si Don Isabelo de los Reyes, isa sa tagapagtatag ng Iglesia Filipina Independiente o IFI.  Ang unang Obispo Maximo nito na si Don Gregorio Aglipay, ang magkapatid na Juan at Antonio Luna, si Heneral Artemio Ricarte at ang isa sa mga kasama ni Andres Bonifacio nagtatag ng Katipunan, at treasurer ng samahan na si Valentin Diaz ay pawang mga Ilokano.  Si Diaz ay isinilang sa plaza na ito malapit sa makasaysayang Paoay Church sa Ilocos Norte noong 1849.

Isabelo de los Reyes

Isabelo de los Reyes

Obispo Gregorio Aglipay

Obispo Gregorio Aglipay

Si Xiao Chua kasama ni Jonathan Balsamo sa harapan ng monumento ni Obispo Aglipay sa Batac, Ilocos Norte.

Si Xiao Chua kasama ni Jonathan Balsamo sa harapan ng monumento ni Obispo Aglipay sa Batac, Ilocos Norte.

Ang kabaong ni Obispo Aglipay sa likod ng altar ng Simbahan ng IFI sa Batac, Ilocos Norte.  Kuha ni Xiao Chua

Ang kabaong ni Obispo Aglipay sa likod ng altar ng Simbahan ng IFI sa Batac, Ilocos Norte. Kuha ni Xiao Chua

Juan at Antonio Luna

Juan at Antonio Luna

Artemio Ricarte

Artemio Ricarte

Ang pagtatatag ng Katipunan ni Andres Bonifacio, kasama si Valentin Diaz.  Mula sa Aklat Adarna.

Ang pagtatatag ng Katipunan ni Andres Bonifacio, kasama si Valentin Diaz. Mula sa Aklat Adarna.

illust2

Sa sari-sari store na ito sa Plaza ng Paoay ang pook sinilangan ni Valentin Diaz.  Mga Kuha ni Xiao Chua.

Sa sari-sari store na ito sa Plaza ng Paoay ang pook sinilangan ni Valentin Diaz. Mga Kuha ni Xiao Chua.

IMG_4389 IMG_4386

Isa namang lihim na samahang makabayan, ang Espiritu de Candon, ang itinatag sa isa sa mga bayan sa Ilocos Sur.  Noong March 24, 1898, nahulihan sila ng isang kasapi at dahil pinahirapan, nabunyag ang samahan.  Kinagabihan sa isang piging, nalaman ito ng isa sa kanyang mga kasama, si Federico Isabelo Abaya.  Dali-daling tinawagan ni Kapitan Belong ang kanyang mga kasama, nag-armas, at alas dos ng umaga kinabukasan, 115 years ago ngayong araw, sinalakay nila ang himpilan ng guardia civil ng Candon.  Matapos nito ay kinuha nila ang convento at pinugutan ng ulo ang kanilang kura paroko at dalawang bisitang prayle.  Itinaas niya ang bandilang pula ng himagsikan sa plaza at ipinroklama ang malayang Republika ng Candon.  Ito ang tinawag na Ikkis ti Kandon o Cry of Candon.

Ikiis ti Candon.  Mula sa Philippine Almanac.

Ikiis ti Candon. Mula sa Philippine Almanac.

Candon Church

Candon Church

Isabelo Abaya.  Mula sa Arnaldo Dumindin.

Isabelo Abaya. Mula sa Arnaldo Dumindin.

Pinalaya din nila ang bayan ng Santiago ngunit ang mga naiwan sa Candon ay nahuli ng mga Espanyol at binitay.  Si Isabelo Abaya ay nakatakas at naging kasapi ng Hukbong Rebolusyunaryo sa ilalim ni Koronel Manuel Tinio at sa Philippine-American War ay nakipaglaban kasama ng mga Igorot sa Labanan sa Caloocan laban sa mga bagong mananakop na Amerikano.

Col. Manuel Tinio.

Col. Manuel Tinio.

Mga Igorot sa Battle of Caloocan.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga Igorot sa Battle of Caloocan. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Cry of Candon Monument

Isabelo Abaya Monument

Si Abaya ay napatay noong May 3, 1900 at ang kanyang katawan ay binandera sa plaza na ito ng Candon kung saan niya itinaas ang banderang pula ng kalayaan.  Ano pa nga ba ang maaasahan sa mga kalahi nina Diego at Gabriela Silang:  Kagitingan!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 March 2013)

XIAOTIME, 2 October 2012: SI AGLIPAY BA ANG NAGTATAG NG AGLIPAYAN CHURCH? (Iglesia Filipina Independiente)

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 2 October 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Mahal na Birhen ng Balintawak

2 October 2012, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=1Sgr5BWsyb8&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Kahapon po ang ika-isandaan at sampung anibersaryo ng pagpirma ng sampung sekular na mga pari sa pamumuno ni Obispo Gregorio Aglipay [sa ikalawa sa anim na bahagi ng] konstitusyon ng Iglesia Filipina Independiente sa Sta. Cruz, Maynila.  Idineklara nila ang kanilang sarili bilang isang bagong pananampalataya na hindi kumikilala sa kapangyarihan ng Santo Papa sa Roma.  Nakilala ang Simbahan bilang Aglipayan Church, ngunit lingid sa kaalaman ng marami, hindi si Apo Aglipay ang nagtatag nito.  Isa sa mga tagapagtatag nito ay si Don Belong—Isabelo delos Reyes.  Nakita ni Don Belong na sa kanyang mga pag-aaral bilang isang iskolar at folklorista na may potensyal na magkaroon ng pagsasama ng sinaunang mga paniniwala at ng Kristiyanismo, kaya kinumbinsi niya ang nagdadalawang-isip noon na si Apo Aglipay na kumalas na sa Roma upang maiwasan ang sitwasyon baka mapalitan lamang ang mga prayleng kanilang kinamuhian ng mga bagong Amerikanong mga pinunong simbahan.  Itinatag nila ang simbahan noong Agosto [Tres], taon ding iyon ng 1902.  Isang kaibahan nila sa mga paring Katoliko ay maari silang mag-asawa.  Isa sila sa pinakamalaking Kristiyanong denominasyon sa Pilipinas at tinatayang anim na milyon ang kanilang kasapi, ang mga unang kasapi nito ay mga kasapi ng Katipunan at mga rebolusyunaryo.  Si Pangulong Ferdinand Marcos ay bininyagang isang Aglipayano.  Makabayan at progresibo ang oryentasyon ng samahan.  Si Don Belong ay ang unang labor leader ng ating bansa at pinuno ng Union Obrera Democratica Filipina.  Si Apo Aglipay naman ay inatasang mangolekta noon ng pondo sa Ilocos para sa mga rebolusyunaryong Pilipino.  Hindi nakapagtataka na minsan na nilang idinekalarang santo si Gat Dr. José Rizal at nagdarasal sa Mahal na Birhen ng Balintawak, isang birheng Maria sa wangis ni Inang Bayan na may kasamang batang may nakasukbit na itak at may dala-dalang watawat na may nakasulat, “Ama ko, sumilang nawa ang aming pagsasarili.” Ang kanilang pakikisangkot sa bayan ay makikita sa paglingap sa mahirap ng ika-siyam na Obispo Maximo nito na si Alberto Ramento ng Tarlac, Tarlac.  Ninakawan at brutal na pinatay si Ramento.  Isang aral na maaaring makuha mula sa mga Aglipayano:  Kung tunay na mahal mo ang Diyos, dapat mahal mo rin ang bayan mo.  Pro Deo et Patria, para sa Diyos at para sa Bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, 26 September 2012, pasasalamat po kay Dr. Lars Raymund Ubaldo sa pagtulong sa episode na ito at kay Kristine Conde-Bebis, isang kasapi ng IFI, sa pagwawasto sa ilang mga datos sa blog na ito.)

Isabelo “Don Belong” de los Reyes

Obispo Maximo I Gregorio Aglipay kasama ang dalawa niyang pari.

Obispo Maximo IX Alberto Ramento