IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

XIAO TIME, 19 April 2013: LEONA FLORENTINO, ISANG NATATANGING PILIPINA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Monumento para kay Leona Florentino sa Plaza Leona sa Vigan, Ilocos Sur.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Monumento para kay Leona Florentino sa Plaza Leona sa Vigan, Ilocos Sur. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

19 April 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=zaKecbgGIRM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  164 years ago ngayong araw, April 19, 1849, isinilang si Leona Florentino sa Vigan, Ilocos Sur.  Huh???  Who’s the Pokemón???  Kung magmamasid ka sa paglalakad mo sa makasaysayang Calle Crisologo sa Vigan kung saan naroroon ang mga tanyag na lumang bahay na dinadayo ng mga turista, sa dulo nito malapit sa simbahan hindi mo mapapalampas ang isang Plaza na ang pangalan ay Leona, may isang restaurant na ang pangalan ay Café Leona at pinagigitnaan ito ng isang monumento nakaupong babae na nagsusulat.

Calle Crisologo, heritage Village sa Vigan, Ilocos Sur.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Calle Crisologo, heritage Village sa Vigan, Ilocos Sur. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Cafe Leona

Cafe Leona

Ang Linangan Educational Trips habang kumakain sa Plaza Leona.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang Linangan Educational Trips habang kumakain sa Plaza Leona. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Monumento para kay Leona Florentino sa Plaza Leona sa Vigan, Ilocos Sur.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Monumento para kay Leona Florentino sa Plaza Leona sa Vigan, Ilocos Sur. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Kapag binasa ang marker sa kapihan na kanya palang tinirhan noon, makikita mo na siya pala ang pangunahing babaeng makata sa Ilocos, na nagsulat si Wikang Ilocano at Espanyol, satirist rin siya at nagsusulat ng dula.  Ang tawag ng iba sa kanya ay Ina ng “Philippine women’s literature” na tumulay sa tradisyong pasalita sa tradisyon ng pagsusulat o literature.  Bago dumating ang mga Espanyol, ang mga babae talaga, ang mga babaylan at binukot, ang tagakwento ng epiko at pasalitang mga tradisyon.

Babaylan.  Guhit ni Christine Bellen.

Babaylan. Guhit ni Christine Bellen.

Ngunit sa pagdating ng Espanyol, itinaguyod nila ang patriyarkiya at ang pagbusal sa bibig ng kababaihan.  Ang mga babaylan ay tinawag na mga bruha at mangkukulam at sinumang babaeng mangahas na maging mas matalino sa mga lalaki ay ituturing na hindi katanggap-tanggap.  Mas maraming kababaihan ang hindi nakapag-aral.  Bago isilang si Leona, isinalin na sa Kapampangan noong 1844 ni Doña Luisa Gonzaga de Leon ng Bacolor, Pampanga ang Ejercicio Cotidiano, itinuturing siya na unang babaeng awtor sa Pilipinas.  Si Leona ay isinilang sa isang mayamang pamilya sa Vigan, at nagsusulat na siya ng mga tula sa edad na sampung taong gulang.  Ang naging unang guro niya ay ang kanyang ina matapos nito naturuan din ng ilang pang mga pribadong tutor at ng isang edukadong paring Ilokano na nagturo sa kanya ng mas malalim na Espanyol at inusig pa siya na pahasain ang kanyang pagtula.  Ina siya ng makabayang propagandista, iskolar, pulitiko, religious at labor leader na si Don Isabelo “Belong” de los Reyes at nang makita ko sa marker na isinilang siya noong 1864, nagulat ako!  Kaybatang ina ni Leona!

Isabelo "Don Belong" de los reyes

Isabelo “Don Belong” de los reyes

Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ikinasal siya sa isang pulitikong si Elias de los Reyes sa edad na labing-apat at nagkaroon ng limang bunga ang kanilang samahan.  Nakalulungkot lamang na dahil sa feministang mga pinagsusulat niya, nilayuan siya ng kanyang asawa at mga anak at nanirahang mag-isa.  Noong October 4, 1884, patay na siya sa edad na 35.

Puntod ni Leono Florentino at ng asawang si Elias de los Reyes sa Katedral ng Vigan.  Mula sa Sinupang Xiao Chua.

Puntod ni Leono Florentino at ng asawang si Elias de los Reyes sa Katedral ng Vigan. Mula sa Sinupang Xiao Chua.

Hindi na niya nakita ang pagkilala na ibinigay sa kanya ng daigdig.  Isinalin ang mga akda niya sa iba’t ibang wikang dayuhan at naitanghal sa Madrid Exposition ng 1887, sa Paris International Exposition noong 1889 at sa St. Louis International Exposition sa Missouri, Estados Unidos noong 1904.  22 na tula niya ang naisama sa International Encyclopedia of Women’s Works sa Pransya noong 1889.

Madrid Exposition, 1887

Madrid Exposition, 1887

Paris Universal Exposition, 1889.

Paris Universal Exposition, 1889.

St. Louis Universal Exposition, 1905

St. Louis Universal Exposition, 1905

Si Leona Florentino ang unang Pilipinang babae na kinilala sa pandaigdigang entablado.  Kung kinalimutan siya ng kanyang mga kaanak, hindi dapat siya kalimutan ng bansa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 13 April 2013)

XIAO TIME, 18 April 2013: MGA IMPORMASYONG NAKAPALOOB SA KOGA PAPERS NA NAKUHA SA CEBU NOONG WORLD WAR II

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Admiral Mineichi Koga, ang commander ng Japanese Imperial Combined Fleet, pabalat ng TIME magazine.

Admiral Mineichi Koga, ang commander ng Japanese Imperial Combined Fleet, pabalat ng TIME magazine.

18 April 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=vJFN5AXPkvk

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong isang linggo ginunita natin ang Araw ng Kagitingan.  Dahil Fall of Bataan ang basis nito, tila na-highlight ang pagkatalo ng mga Pilipino at ang tanging nagligtas sa mga Pilipino ay ang pagbabalik ni MacArthur at ang mga Amerikano noong October 1944.

Fall of Bataan, nagsaya ang mga Hapones.  April 9, 1941.

Fall of Bataan, nagsaya ang mga Hapones. April 9, 1941.

Ngunit ang hindi masyadong nababanggit, ang papel ng mga gerilyang Pilipino sa pangkalahatang pagwawagi laban sa mga Hapones noong digmaang Pasipiko.  69 years ago ngayong buwan, April 1, 1944, madaling araw, nang isang eroplano ang bumagsak sa dagat malapit sa baybayin ng San Fernando at Carcar sa Timog Cebu.

Mula kay Col. Manuel Segura.

Mula kay Col. Manuel Segura.

Banda rito bumagsak ang eroplano ni Koga sa Timog Cebu.  Mula kay Col. Manuel Segura.

Banda rito bumagsak ang eroplano ni Koga sa Timog Cebu. Mula kay Col. Manuel Segura.

Ang sakay ng eroplano:  Ilang susing opisyal ng hukbong pandagat ng imperyong Hapones na nasa isang inspection mission.  Nahuli ng mga Pilipinong gerilya sa Cebu sa pamumuno ng isang Amerikanong si James Cushing sina Vice Admiral Shigeru Fukudome, Chief of Staff ng Japanese Imperial Combined Fleet, at siyam pang opisyal at mga tauhan ng Imperial Japanese Navy.  Nasawi sa crash si Admiral Mineichi Koga, ang commander ng combined fleet.

James Cushing.  Mula kay Col. Manuel Segura.

James Cushing. Mula kay Col. Manuel Segura.

Vice Admiral Shigeru Fukudome, Chief of Staff ng Japanese Imperial Combined Fleet

Vice Admiral Shigeru Fukudome, Chief of Staff ng Japanese Imperial Combined Fleet

Admiral Mineichi Koga, Japanese Imperial Combined Fleet

Admiral Mineichi Koga, Japanese Imperial Combined Fleet

Mula sa wreckage ng eroplano, inanod ang isang maleta na puno ng mga papeles ni Koga.  Natagpuan ito ng mga gerilya dito kanilang nakita ang detalyadong mga plano ng mga Hapones na magdulot ng matinding pinsala sa papalapit na mga pwersang pandagat ng mga Amerikano.

Isang pahina ng salin sa Ingles ng Koga Papers.

Isang pahina ng salin sa Ingles ng Koga Papers.

Nakadetalye rin dito ang kumpletong pagtataya ng lakas at disposisyon ng mga barkong pandigma ng mga Hapones.  Dahil sa high strategic value ng mga papeles, hinanap ng mga Hapones ang mga papeles ni Koga sa mga dalampasigan ng Naga hanggang Carcar.  Brutal ang naging pamamaraan nina Koronel Takeshi Watanabe upang maisakatuparan ang kanilang misyon na mahanap ang mga Koga Papers at ang mga bihag na mga Hapones, minaltrato at pinatay ang mga sibilyan at sinunog ang mga bahay at tinugis ang mga gerilya hanggang sa kagubatan ng Cebu.  Ngunit hindi isinuko ng mga gerilya ang mga papel.  Matatagpuan ang kamangha-manghang kwento sa aklat na The Koga Papers ni Manuel Segura, na isa sa mga gerilya sa Cebu na kalahok sa mga nangyari.

The Koga Papers ni Col. Manuel Segura.

The Koga Papers ni Col. Manuel Segura.

Col. Manuel Segura

Col. Manuel Segura

Col. Manuel Segura kasama ang mga fans niya na sina John Ray Ramos at Xiao Chua, tangan ang mga kopya nila ng mga aklat ni Segura ukol sa mga gerilya sa Cebu--"Tabunan" at "The Koga Papers," Marso 2013, Camp Aguinaldo.

Col. Manuel Segura kasama ang mga fans niya na sina John Ray Ramos at Xiao Chua, tangan ang mga kopya nila ng mga aklat ni Segura ukol sa mga gerilya sa Cebu–“Tabunan” at “The Koga Papers,” Marso 2013, Camp Aguinaldo.

Isinilid ang mga dokumento ito sa isang sisidlan ng bala ng mortar, waterproof, itinawid ng dagat patungo sa Negros Oriental.  Mula dito, isinakay sa isang submarino at dinala sa Australia, kay Heneral Douglas MacArthur mismo sa kanyang himpilan sa Southwest Pacific Command.

Ang mga matatapang na gerilya sa Cebu.  Mula kay Col. Manuel Segura.

18 itinawid ng dagat patungo sa Negros Oriental

Mula sa mga Koga Papers, nalaman nilang ang mga Hapones ay naghahanda sa paglalanding ng mga Amerikano mula sa Mindanao, ngunit mahina ang depensa sa bandang Visayas.  Plano sanang bumalik ni MacArthur sa Sarangani Bay sa Mindanao noong December 1944.  Dahil sa bagong impormasyon, pinaaga ni MacArthur ang nakatakdang pagbabalik tungo sa October 20, 1944, sa Leyte sa Visayas.

Ang pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur kasama ni Pangulong Sergio Osmena.

Ang pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur kasama ni Pangulong Sergio Osmena.

Dahil sa Koga Papers na dinala ng mga Pinoy sa mga Amerikano, napadali ang pagwawagi laban sa mga Hapones sa digmaang Pasipiko.  Nang bumalik ang mga Amerikano sa Cebu sa Talisay Beach noong March 26, 1945, maliit na lamang na pwersang Hapones ang kanilang kinalaban, sinalubong sila ng mga matagumpay na gerilyerong Cebuano.

Mapa ng Cebu Landing.  Mula sa opisyal na ulat ni Heneral Douglas MacArthur.

Mapa ng Cebu Landing. Mula sa opisyal na ulat ni Heneral Douglas MacArthur.

Cebu Landing ng mga Amerikano sa Talisay Beach, March 26, 1945

Cebu Landing ng mga Amerikano sa Talisay Beach, March 26, 1945

Maliit na pwersang Hapones na lamang ang sinagupa nila...

Maliit na pwersang Hapones na lamang ang sinagupa nila…

Sinalubong ang mga Amerikano ng mga gerilyanong Cebuano.  Mula kay Col. Manuel Segura.

Sinalubong ang mga Amerikano ng mga gerilyanong Cebuano. Mula kay Col. Manuel Segura.

Ang mgasumukong sundalomng Hapones sa Cebu.  Mula kay Col. Manuel Segura.

Ang mgasumukong sundalomng Hapones sa Cebu. Mula kay Col. Manuel Segura.

Maging sa Visayas napatunayan natin, hindi tayo talunan.  WE WON THE WAR.  Yan ang katotohanan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(St. Joseph Hall, DLSU Manila, 3 April 2013, pasasalamat kay John Ray Ramos sa pagtulong na isulat ang episode na ito.)