XIAO TIME, 29 October 2013: ANG UNANG TV BROADCAST SA PILIPINAS
Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

James Lindbergh, ang Ama ng Telebisyong Pilipino at tagapagtatag ng Bolinao Electronics Corporation. Mula sa http://timerime.com/en/timeline/397360/Timeline+in+Philippine+Television/.
29 October 2013, Tuesday: http://www.youtube.com/watch?v=t4XWxsn4Mik
Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime! 60 years ago, October 23, 1953, lumabas ang pinakaunang broadcast ng telebisyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng DZAQ TV Channel 3. Alam niyo ba na ang pinakaunang mga imahe na nakita sa telebisyon sa Pilipinas ay ang pagpaparty ng mga mayayaman sa hardin ni Judge Antonio Quirino sa Sitio Alto, at ang pinakaunang taong nakita sa telebisyon ay walang iba kung hindi ang kapatid ni Tony na si Pangulong Elpidio Quirino.

Pagsasalarawan ng unang broadcast ng DZAQ-TV (Mula sa ad ng ABS-CBN noong 2003 sa Philippine Daily Inquirer).

Judge Antonio Quirino. Mula sa http://timerime.com/en/timeline/397360/Timeline+in+Philippine+Television/.
Paano ba naisakatuparan ang makasaysayang pangyayaring ito? Itinatag muna ni James Lindbergh noong 1946 ang isang radio station, ang Bolinao Electronics Corporation o BEC, taga-Bolinao, Pangasinan kasi ang misis niyang Pinay. Sa Amerika, ang telebisyon ay una nang sinubukan ni Philo Farnsworth sa kanyang image dissector camera tube noong 1927, nang ipakita niya dito ang isang straight line.

Bolinao Electronics Corporation. Mula sa http://timerime.com/en/timeline/397360/Timeline+in+Philippine+Television/.

Mga empleyado ng Bolinao Electronics Corporation habang nagsasalo sa pagkain. Mula sa Nostalgia Manila.
Maging ang mga pamantasan, ang Unibersidad ng Santo Tomas ay nag-eeksperimento na ng home-made receiver at ang Feati naman ay nagkaroon ng experimental TV station. Naisip ni Lindbergh na ang susunod na hakbang para sa kanyang kumpanya ay pumasok sa telebisyon. Si Judge Tony Quirino naman ay hindi nabigyan ng permit na magkaroon ng isang istasyong pantelebisyon dahil nangamba ang pamahalaan na baka gamitin ito para sa kampanya para sa ikalawang termino ni Elpidio Quirino. Kaya nakipagsanib-pwersa si Tony Quirino kay Lindbergh at binili ang ilang bahagi ng shares ng BEC na muling pinangalanan na Alto Broadcastng System.

Alto Broadcasting System. Mula sa http://timerime.com/en/timeline/397360/Timeline+in+Philippine+Television/.

Radiowealth, unang distributor ng TV sa Pilipinas. Mula sa http://timerime.com/en/timeline/397360/Timeline+in+Philippine+Television/.

Itsura ng mga unang telebisyon sa Pilipinas. Mula sa http://timerime.com/en/timeline/397360/Timeline+in+Philippine+Television/.
Muling hinarang ng Bangko Sentral ang pagpapahiram ng pautang na dolyar kay Quirino dahil masyado raw risky ang bagong negosyong papasukin, kaya humingi na lamang ng tulong sa Quirino sa Radio Corporation of America (RCA). Nagtayo sila ng tore sa San Juan at nag-import at nagbenta ng tinatayang 150-300 TV sets. At ito na nga ang naging daan upang mapanood ang pinakaunang TV broadcast na iyon kasama ang Pangulong Quirino. Si Lindbergh ang kinilalang “Ama ng Telebisyong Pilipino” at noong araw na iyon, ang Pilipinas ang ika-15 bansa pa lamang na nagkaroon ng telebisyon sa mundo, pangalawa sa Asya. Ang ABS noon ay nagkaroon ng opisina sa Roxas Blvd. at nagpalabas mula ika-anim hanggang ikasampu ng gabi.
Dati rati mga pelikulang banyaga ang madalas ipalabas sa telebisyon, hanggang ang makasaysayang Heswitang si Padre James Reuter ay gumawa ng kasaysayan at nagpalabas sa telebisyon ng isang live stage play, ang Cyrano de Bergerac, na tumagal ng tatlong oras at mga estudyante ang lahat ng aktor. Hindi naglaon sabayang ipinalabas sa telebisyon ang mga popular na programa sa radio tulad ng Tawag ng Tanghalan, Kuwentong Kutsero, at Student Canteen.

Mga host ng “Student Canteen” kasama ni Eddie Ilarde, sina Connie Reyes at Helen Vela. Mula sa Philippine Star.
Noong 1958, itinatag ng mga Lopez ang Chronicle Broadcasting Network (CBN) at binili nila ang ABS, na naging ABS-CBN. Hindi naglaon, noong 1961 nagkaroon ng DZBB-TV-7 o Republic Broadcasting System (RBS) ni Bob Stewart na magiging GMA na ang pinakasikat na programa ay Gabi ng Lagim hanggang matatag noong 1974 ang DWGT-TV 4 na hindi naglaon ay magiging People’s Television o Telebisyon ng Bayan.

Chronicle Broadcastong Network. Mula sa http://timerime.com/en/timeline/397360/Timeline+in+Philippine+Television/.

DZBB Channel TV-7. Mula sa http://timerime.com/en/timeline/397360/Timeline+in+Philippine+Television/

Global Media Arts (GMA). Mula sa http://timerime.com/en/timeline/397360/Timeline+in+Philippine+Television/.

Uncle Bob Stewart. Mula sa http://twicsy.com/i/oH4GJb.

Government Television, naging People’s Television. Mula sa http://timerime.com/en/timeline/397360/Timeline+in+Philippine+Television/.
At iyan ang pagsisimula sa bansa ng ngayon ay makapangyarihang impluwensya sa buhay nating lahat, ang telebisyon. Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.
(Pook Amorsolo, UP Diliman, 12 October 2013)