IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: parisian life

XIAO TIME, 25 October 2013: MGA INTERPRETASYON NG “PARISIAN LIFE” NI JUAN LUNA Part 2

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang "Parisian Life" ni Juan Luna.  Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.  Kuha ni John Ray Ramos.

Ang “Parisian Life” ni Juan Luna. Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Kuha ni John Ray Ramos.

24 October 2013, Thursday: http://www.youtube.com/watch?v=RJroET5oXIM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Bilang paggunita natin sa I56th birthday ni Johnny Moon a.k.a. Juan Luna, October 23, 1857, ipagpatuloy natin ang ating paglalahad ng mga interpretasyon ng “Parisian Life” ni Juan Luna.

Si Juan Luna y Novicio sa Roma

Si Juan Luna y Novicio sa Roma

Dr. Eric Zerrudo.  Mula sa dokumentaryo ng GSIS Museo ng Sining ukol sa Parisian Life.

Dr. Eric Zerrudo. Mula sa dokumentaryo ng GSIS Museo ng Sining ukol sa Parisian Life.

Ayon kay Dr. Eric Zerrudo, dating director ng GSIS Museum, nang magkaroon ng kontrobersya sa pagbili ng GSIS sa painting sa auction sa Christy’s sa Hongkong sa halagang PHP 46 Million, inanyayahan ng GSIS ang ilang estudyante ng Fine Arts at suriin ang painting at bigyan ito ng kahulugan.  Nakagawa sila ng simboliko at historikal na interpretasyon sa obra maetsra.  Kailangan liwanagin na ang JVAN LVNA CODE na ito ay hindi sinasabing pakahulugan mismo ni Luna.  Kung titingnan daw ang komposisyon ng painting, gusto raw ni Juan Luna na ang unang mapansin ninyo ay ang babae:  Ang tatlo ay nakatingin sa babae, ang upuan at la mesa ay nakaturo sa babae, ang sombrero at coat ay nakaturo sa babae, ang triangulation ng dyaryo ay nakaturo sa babae.  Kaya mahalaga na makita, sino kaya ang babae?

Nakaturo lahat sa babae.  Kaya kailangan pansinin ang katauhan ng babae.  Kuha ni Xiao Chua.

Nakaturo lahat sa babae. Kaya kailangan pansinin ang katauhan ng babae. Kuha ni Xiao Chua.

Kung titingnan ang babae, tila nakatingin siya sa kawalan, sa porma ng kanyang kamay at nakataas na mga paa, tila hindi kumportable ang babae.  At kung titingnan ang kanyang baywang, ipininta ni Juan Luna na anatomically impossible raw na 12-inches ito!  E master painter siya.

Awkward ang position ng mga kamay at tila nakataas ang paa ng babae.  Yun bang kapag umuurong at nagsasabi siya ng "Wag po! Wag po!"  Kuha ni Xiao Chua

Awkward ang position ng mga kamay at tila nakataas ang paa ng babae. Yun bang kapag umuurong at nagsasabi siya ng “Wag po! Wag po!” Kuha ni Xiao Chua

Ayon sa mga nagbasa ng obra maestra, anatomically impossible 12-inch waist ay kakatwa kung ginawa ng isang bihasang master painter (pero siyempre sa corsette, posible noon).  Kuha ni Xiao Chua.

Ayon sa mga nagbasa ng obra maestra, anatomically impossible 12-inch waist ay kakatwa kung ginawa ng isang bihasang master painter (pero siyempre sa corsette, posible noon). Kuha ni Xiao Chua.

Kung titingnan raw ang awkward na hugis ng babae, magtutugma ito sa isang mapa ng Pilipinas na itinapat sa salamin.  Tingnan, ang Batanes ang naging mga luha ng babae, tugma din ang 12-inch waist sa pinakamakipot na bahagi ng Pilipinas mula sa San Narciso, Zambales hanggang sa Infanta-Real, Quezon.  At kung ilagay mo naman ang Palawan sa braso ng babae magtutugma din ito.  So, ang babae ay si Inang Pilipinas.  Kahit na mukha siyang Pranses, interpretasyon nga, walang basagan ng trip.

Tumutugma ang reverse image ng mapa ng Pilipinas sa babae.  Kahit ang Palawan ay maaari mong ilagay sa braso ng babae.  Kuha ni Xiao Chua.

Tumutugma ang reverse image ng mapa ng Pilipinas sa babae. Kahit ang Palawan ay maaari mong ilagay sa braso ng babae. Kuha ni Xiao Chua.

Ang Batanes Islands ang nagmistulang luha ng babae.

Ang Batanes Islands ang nagmistulang luha ng babae.

Ang 12-inch waist ang pinakamaiksing bahagi ng lupa sa Pilipinas mula sa San Narciso, Zambales hanggang Infanta, Real, Quezon.

Ang 12-inch waist ang pinakamaiksing bahagi ng lupa sa Pilipinas mula sa San Narciso, Zambales hanggang Infanta, Real, Quezon.

Alam na natin ngayon ang kwento.  May kasama siyang umalis muna sa eksena dahil may bakanteng silya, coat at sombrero.  Sino ang kasama niya?  Kung titingnan ang dalawang baso, ang laman ng baso ng babae ay kalahati na lamang habang puno pa ang sa kasama niya.  May pagtatangkang pagsamantalahan ang babae.

Ang baso ng babae ay nainom na habang puno pa ang sa lalake. Kuha ni Xiao Chua.

Ang baso ng babae ay nainom na habang puno pa ang sa lalake. Kuha ni Xiao Chua.

At sino ba ang nagsasamantala sa atin noong 1892?  Ang Espanya!  Ayon sa mga potograpo, huwag kukunan ang isang tao sa ilalim ng linya, dahil parang binabarbeque mo ang iyong kinukuhanan.  Tingnan na may linya sa ibabaw ng babae.  Tingnan din ang scarf.  Hindi siya isang scarf, tila itim siya sa leeg ng babae.  Pagsamahing tingnan ang linya at ang itim sa leeg ng babae at makikita mong nakabigti ang babae.  Nasa panganib ang babae.

Pagsamahin ang linya sa itaas na babae at ang itim na leeg, NAKABIGTI ANG BABAE.  Kuha ni Xiao Chua.

Pagsamahin ang linya sa itaas na babae at ang itim na leeg, NAKABIGTI ANG BABAE. Kuha ni Xiao Chua.

Noong 1892, nasa bingit na tayo ng Himagsikan, itinatag ang La Liga Filipina, inaresto si Rizal at itinatag ang Katipunan.  Kaya pinag-uusapan ng tatlo nating bayani na sina Rizal, Juan Luna at Bautista-Lin, ito ang dustang kalagayan ng ating Inang Bayan, ano ang gagawin natin para sa kanya?

Detalye ng "Parisian Life" ni Juan Luna, kuha ni Xiao Chua.

Detalye ng “Parisian Life” ni Juan Luna, kuha ni Xiao Chua.

Tila hinahamon pa rin nila tayo sa kasalukuyan, “Siya ang inyong Inang Bayan, nakalugmok pa rin matapos ang isang siglo, ano ang gagawin mo para sa kanya?”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 12 October 2013)

XIAO TIME, 24 October 2013: MGA INTERPRETASYON NG “PARISIAN LIFE” NI JUAN LUNA Part 1

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang "Parisian Life" ni Juan Luna.  Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.  Kuha ni John Ray Ramos.

Ang “Parisian Life” ni Juan Luna. Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Kuha ni John Ray Ramos.

24 October 2013, Thursday: http://www.youtube.com/watch?v=BCcxiUaXSxk

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  I56 years ago, October 23, 1857, isinilang sa Badoc, Ilocos Norte si Johnny Moon?  Huh?  Who’s that Pokemon?  Hindi ba sikat na restaurant iyon sa Ilocos Norte???  Salin pala ito sa Ingles ng pangalan ni Juan Luna y Novicio, bayani at pintor.

Si Juan Luna y Novicio sa Roma

Si Juan Luna y Novicio sa Roma

Sa panahon na ang mga indio ay minamaliit ng mga Espanyol bilang mga mababang uri ng tao, ang mga obra ni Juan Luna na tulad ng Spoliarium, La Batalla de Lepanto, at Pacto de Sangre ang nagpakita na maaaring makipagsabayan ang mga indio kung sining ang pag-uusapan.

Spoliarium, 1884, nasa National Art Gallery, National Museum of the Philippines.

Spoliarium, 1884, nasa National Art Gallery, National Museum of the Philippines.

La Batalla de Lepanto (1887), nasa Senado ng Espanya, mula sa koleksyong Dr. Eric Zerrudo

La Batalla de Lepanto (1887), nasa Senado ng Espanya, mula sa koleksyong Dr. Eric Zerrudo

Pacto de Sangre.  Ang modelo para kay Legazpi ay ang bayaw ng pintor na si Trinidad Pardo de Tavera.  Si Sikatuna si Jose Rizal.  Obra maestra ni Juan Luna.

Pacto de Sangre. Ang modelo para kay Legazpi ay ang bayaw ng pintor na si Trinidad Pardo de Tavera. Si Sikatuna si Jose Rizal. Obra maestra ni Juan Luna.

Kamakailan, noong October 5 lamang, isang naunang bersyon ng kanyang obra maestra na “España y Filipinas” ang nabili sa auction sa Sotheby’s Hongkong sa halagang US$ 3.5 million o PHP 150 million.  Ganoon kahalaga ang mga Luna ngayon.

Maagang bersyon ng "España y Filipinas" na nabili sa Sotheby's sa Hong Kong.  Mula sa fb page ni Dr. Ambeth R, Ocampo.

Maagang bersyon ng “España y Filipinas” na nabili sa Sotheby’s sa Hong Kong. Mula sa fb page ni Dr. Ambeth R, Ocampo.

Maaalala na nagkaroon din ng usapin noong Oktubre 2002 nang bilhin ng Government Service Insurance System ang “Parisian Life” ni Juan Luna sa halagang isang milyong dolyar o PHP 46 Million!  Marami ang nagprotesta sa sinasabing pagwaldas ng pera ng mga empleyado ng gobyerno nang dahil lamang sa isang painting.  Hindi naman daw nakakain ang Juan Luna kahit na ito ay isang asset ng ating kaban ng bayan na hindi bumababa ang halaga, pero mahabang usapin yan.

Ang dating Pangulo ng GSIS WInston Garcia matapos na mabili para sa GSIS ang obra maestrang "Parisian Life" ni Juan Luna.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Ang dating Pangulo ng GSIS WInston Garcia matapos na mabili para sa GSIS ang obra maestrang “Parisian Life” ni Juan Luna. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Nang mapakinggan ko sa mga lektura ni Dr. Eric Zerrudo, dating director ng GSIS Museum of Art nang bilhin ang painting, nakita ko ang halaga ng pagpapakahulugan natin sa kasalukuyan sa sining, kahit na hindi naman talaga ito mga interpretasyon ni Juan Luna.  Magagamit pa rin natin ito bilang interesanteng tuntungan sa pagtuturo ng kasaysayan, isang bagong lapit sa pagtuturo ng isang itinuturing na “boring subject.”  Ang ehersisyo ay tinawag kong THE JVAN LVNA CODE, parang Da Vinci Code lang ang peg.

Dr. Eric Zerrudo.  Mula sa dokumentaryo ng GSIS Museo ng Sining ukol sa Parisian Life.

Dr. Eric Zerrudo. Mula sa dokumentaryo ng GSIS Museo ng Sining ukol sa Parisian Life.

Si Xiao Chua at si Dr. Eric Zerrudo, March 9, 2007, History and Destiny Room (Juan Luna Room), GSIS Museo ng Sining.

Si Xiao Chua at si Dr. Eric Zerrudo, March 9, 2007, History and Destiny Room (Juan Luna Room), GSIS Museo ng Sining.

Ayon kay Zerrudo, may tatlong popular na interpretasyon ang “Parisian Life.”  Una ay ang literal na interpretasyon na tinatawag kong kwentong barbero interpretation.  May isang coquette o prostitute ang pumasok sa isang kapihan sa Paris na nagpatipo, napansin ng tatlong lalaki na nag-uusap.  Sabi ng nasa dulong kanan, “Uy pare, chicks!”  Sabi ng nasa gitna, “Pare, pustahan tayo, mamaya kateybol ko na yan!”  Tiningnan sila ng ikatlong lalaki at sinabing, “Hindi niyo ba alam na kasama ko na siya kagabi.”

Detalye ng "Parisian Life" ni Juan Luna, kuha ni Xiao Chua.

Detalye ng “Parisian Life” ni Juan Luna, kuha ni Xiao Chua.

Bagama’t parang kalokohan lang, repleksyon pala ang mga linyang binitawan sa personalidad ng tatlong aktwal na modelo ni Luna sa painting—ang may-ari ng painting Dr. Ariston Bautista Lin, kilalang may hilig sa magaganda, si Juan Luna mismo na kumukuha ng mga prostitute bilang modelo para sa kanyang mga paintings, at siyempre ang pangatlong lalaki, ang bida sa lahat, si Jose Rizal na kilala na international ang taste sa kababaihan.

Si Rizal.

Si Rizal.

Juan Luna

Juan Luna

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Xiao Chua, Dr. Santiago Albano Pilar at si Prop. Ana Labrador, January 17, 2007, Vargas Museum.

Xiao Chua, Dr. Santiago Albano Pilar at si Prop. Ana Labrador, January 17, 2007, Vargas Museum.

Ang pangalawang interpretasyon naman ay ang biographical at tragic interpretation ni Santiago Albano-Pilar.  1892 nang ipinta ni Juan Luna ang painting sa Paris, hindi kaya sinasabi ni Juan Luna sa mga kaibigan, “Mga pare, may problema ako, ang asawa ko ay pinaghihinalaan kong may kalaguyong Pranses, si Mssr Dussaq”?  Sa taong ding iyon, dahil sa selos, mapapatay ni Juan Luna ang kanyang biyenan at asawa.  May pangatlo pang popular na interpretasyon.  Abangan bukas.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 12 October 2013)

Paz Pardo de Tavera

Paz Pardo de Tavera

Ang tanging larawan ni Rizal na nakangiti ay larawan niya kasama sina Feliz R. Hidalgo, ang pintor, si Nelly Boustead na kanyang niligawan, at ang mga Pardo de Tavera:  Katabi ni Nelly si Paz Pardo de Tavera at nakaupo si Juliana Gorricho kalong-kalong ang apong si Andres Luna.

Mula kay Alfredo Roces, "Philippine Heritage"

Mula kay Alfredo Roces, “Philippine Heritage”

XIAO TIME, 17 May 2013: ARISTON BAUTISTA @ 150

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Jose Rizal, Juan Luna at Ariston Bautista-Lin, detalye ng "Parisian Life" ni Juan Luna.  Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.  Kuha ni Xiao Chua.

Si Jose Rizal, Juan Luna at Ariston Bautista-Lin, detalye ng “Parisian Life” ni Juan Luna. Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Kuha ni Xiao Chua.

17 May 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=CeblM8hsAMg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  May isang kontrobersyal na painting na nabili ng pamahalaang Pilipino noong 2002 sa pamamagitan ng GSIS na ipininta ng bayaning si Juan Luna noong 1892.  Nabili natin ang obra maestrang “Parisian Life” sa halagang 46 Million Pesos!

Ang "Parisian Life" ni Juan Luna.  Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.  Kuha ni John Ray Ramos.

Ang “Parisian Life” ni Juan Luna. Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Kuha ni John Ray Ramos.

Nagpapakita ito ng isang babaeng nakaupo sa isang Parisian Café na pinagmamasdan ng tatlong lalake.  Ang mga lalaki pala na ito ay sina Jose Rizal, si Juan Luna ang pintor, at ang may-ari ng painting na si Ariston Bautista y Limpingco.  Huh???  Who’s that Pokemón???

Tingnan ang larawan na ito ni Ariston Bautista, lagyan mo lang ng sombrero, pati pose ay katulad ng hitsura ng ikatlong lalaki sa "Parisian Life."  Kuha ni Xiao Chua mula sa GSIS Museo ng Sining.

Tingnan ang larawan na ito ni Ariston Bautista, lagyan mo lang ng sombrero, pati pose ay katulad ng hitsura ng ikatlong lalaki sa “Parisian Life.” Kuha ni Xiao Chua mula sa GSIS Museo ng Sining.

Isa siya sa mga hindi kilalang bayani ng ating bayan.  Ngayong taon, ipinagdiwang natin ang 150th anniversary ng kanyang kapanganakan sa Sta Cruz, Maynila, February 25, 1863.  Bilang bahagi ng pagdiriwang, inanyayahan ako at ang isang bagong gradweyt ng BA History na ginawang tesis si Ariston Bautista na si Patricza Torio ng GSIS Museo ng Sining na magsalita ukol sa bayaning Tsinoy sa kanyang mismong bahay na ipinatayo, Ang Bahay Nakpil-Bautista Museum noong May 4.

Prop. Michael Charleston "Xiao" Chua

Prop. Michael Charleston “Xiao” Chua

Patricza "Pat" Torio

Patricza “Pat” Torio

Lektura sa pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ni Ariston Bautista-Lin.  Kuha ni John Ray Ramos.

Lektura sa pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ni Ariston Bautista-Lin. Kuha ni John Ray Ramos.

Si Prop. Bobbie Santos-Viola, kaanak ni Julio Nakpil, Ariston Bautista (standee), Xiao Chua at Joshua Duldulao.  Kuha ni John Ray Ramos.

Si Prop. Bobbie Santos-Viola, kaanak ni Julio Nakpil, Ariston Bautista (standee), Xiao Chua at Joshua Duldulao.  May dalawang eksibit ngayong taon ukol sa buhay ni Ariston Bautista-Lin, sa GSIS Museo ng Sining at sa mas maliit na replica nito sa Bahay Nakpil-Bautista.  Kuha ni John Ray Ramos.

Isang mayamang estudyante ng medisina, nang magkaroon ng epidemya ng kolera noong 1880s, ibinigay niya ang kanyang serbisyo sa paggamot sa mga may karamdaman ng libre.  Nagtungo siya sa Europa at naging bahagi ng Kilusang Propaganda at ng La Solidaridad.

Ang mga anak ni Manuel Lin Bautista kasama ang kanilang tiyo na si Ariston Bautista.  Clockwise mula sa pinaka-kanan:  Dr. Ariston, Petra Bautista, Mariano Bautista, Enrique Bautista, Ariston Bautista, at Marina Bautista.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.  Kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ang mga anak ni Manuel Lin Bautista kasama ang kanilang tiyo na si Ariston Bautista. Clockwise mula sa pinaka-kanan: Dr. Ariston, Petra Bautista, Mariano Bautista, Enrique Bautista, Ariston Bautista, at Marina Bautista. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Grupo ng mga propagandista sa Espanya, hanapin niyo nga si Rizal at si del Pilar?

Grupo ng mga propagandista sa Espanya, hanapin niyo nga si Rizal, Marcelo del Pilar at Ariston Bautista?

Si Ariston Bautista (gitna) kasama ng mga propagandista sa Espanya.  GSIS Museum

Si Ariston Bautista (gitna) kasama ng mga propagandista sa Espanya. GSIS Museum

Pinondohan ang ating pamahalaan sa kanilang paglaban sa mga Amerikano at nang matapos ang digmaan, ginamit ang kanyang pera upang magpadala ng mga Pilipinong iskolar patungo sa Estados Unidos, ang mga pensionados.  Mahilig siya sa kagandahan, mga kababaihan, sining at musika at sinuportahan ang mga alagad ng sining na Pinoy tulad ni Fabian dela Rosa.

"Tampuhan" ni Juan Luna, 1895.  Ang modelo para sa lalaki ay si Ariston Bautista-Lin.

“Tampuhan” ni Juan Luna, 1895. Ang modelo para sa lalaki ay si Ariston Bautista-Lin.

Pangulo siya ng isang factory ng sigarilyo, ang “Germinal” at bahagi ng lupon ng Agricultural Bank, pinayo niya sa pamahalaan na magbigay ng pautang sa mga nagtatanim ng asukal at naging instrumental sa pagtatag ng isang National Bank of the Philippines.  Ngunit lagi siyang tumutulong at nasa panig ng mga malilit, naging kilalang pilantropo.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa GSIS Museo ng Sining.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa GSIS Museo ng Sining.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Katibayan mula sa Germinal, firmado ni Ariston Bautista-Lin.  Koleksyon Patricza Torio, kuha ni Xiao Chua.

Katibayan mula sa Germinal, firmado ni Ariston Bautista-Lin. Koleksyon Patricza Torio, kuha ni Xiao Chua.

Naging pinuno din siya ng Clinical Department ng Kolehiyo ng Medisina ng UP at sa tuwing tatambay sa mga mahihirap na maysakit ng Philippine General Hospital, pinapasaya niya sa kanyang pagpapatawa ang mga pasyente.  May gamot pa siya na nagawa para sa kolera at tuberculosis ngunit hindi niya ito pinagkakitaan, ibinigay niya sa pamahalaan ng libre.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Napangasawa niya si Petrona Nakpil, at sa kanyang malaking bahay na ipinatayo sa tabi ng Estero de Quiapo noong 1913-1914, pinatuloy niya ang mga kapatid ni Petrona kabilang na ang Katipunerong si Julio Nakpil at ang kanyang asawa na balo ni Bonifacio na si Gregoria de Jesus.

Ang Bahay Nakpil habang itinatayo, 1913-1914.  Mula sa Bahay-Nakpil.

Ang Bahay Nakpil habang itinatayo, 1913-1914. Mula sa Bahay-Nakpil.

Bahay-Nakpil na may dekorasyon para sa isang pista, Dekada 1930s.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Bahay-Nakpil na may dekorasyon para sa isang pista, Dekada 1930s. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ang likuran ng Bahay-Nakpil, may dalawang naliligo sa Estero de Quiapo sa larawan.  Ngayon, gudlak!  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ang likuran ng Bahay-Nakpil, may dalawang naliligo sa Estero de Quiapo sa larawan. Ngayon, gudlak! Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Petrona Nakpil.  Mula a Bahay Nakpil-Bautista.

Petrona Nakpil. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Si Petrona Nakpil, kasama ang ilang bisita ng Bahay Nakpil, nasilip kung saan ang kanyang kapatid na si Julio Nakpil.   Mula kay Prop. Bobbie Santos-Viola.

Si Petrona Nakpil, kasama ang ilang bisita ng Bahay Nakpil, nasilip kung saan ang kanyang kapatid na si Julio Nakpil.  Makikita sa background ang orihinal na “Parisian Life.” Mula kay Prop. Bobbie Santos-Viola.

Julio Nakpil.  Mula sa bahaynakpil.org.

Julio Nakpil. Mula sa bahaynakpil.org.

Gregoria de Jesus.  Mula sa bahaynakpil.org.

Gregoria de Jesus. Mula sa bahaynakpil.org.

Hindi niya ipinagyabang ang kanyang mga mabuting gawa, naging inspirasyon siya sa marami.  Nang mamatay siya noong March 3, 1928, kahit walang pasabi, parang magic na sumulpot ang daang-daang tao upang nakiramay, naglakad pa ang mambabatas na si Sergio Osmeña noong kanyang libing sa Cementerio del Norte.

Ang mausoleong Bautista-Nakpil sa Cementerio del Norte.  Mula sa filhistory,com.

Ang mausoleong Bautista-Nakpil sa Cementerio del Norte. Mula sa filhistory,com.

Paalala si Ariston Bautista-Lin sa atin na ang mga maykaya sa atin ay hindi kailangan maging sakim, maaaring magkaroon ng puso para sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 11 May 2013)