IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: negros

XIAO TIME, 31 July 2013: ANG KODIGO NI KALANTIAW

PARA SA TUNAY NA KALANTIAW, TUMUNGO SA BABA NG PAGE NA ITO MATAPOS BASAHIN ANG ARTIKULO.

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Kalantiaw at Lubluban.  Obra maestra ni Carlos "Botong" Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Si Kalantiaw at Lubluban. Obra maestra ni Carlos “Botong” Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

31 July 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=uTSXeZSLVnA

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong 1913, may natagpuan na dokumento na pinamagatang Ancient Legends of the Island of Negros na isinulat ng isang prayleng Espanyol na nagngangalang José María Pavon.  At dito makikita ang sinasabing 18 mga sinaunang batas ng mga Pilipino bago dumating ang mga Espanyol na isinulat diumano ng isang nagngangalang Kalantiaw at nilikha sa Aklan noong 1433.

Mga dahon kung saan raw  nakasulat ang Kodigo ni Kalantiaw.  Nawasak noong digmaan.  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ayon sa batas na ito, kung ikaw ay nakapatay, nagnakaw o sinaktan ang mga matatanda, ikaw ay itatali sa isang bato at ibubulid sa ilog o kumukulong tubig.  Gayundin, kung malaki utang mo sa datu na hindi mo nabayaran, tatlong beses na ang iyong kamay ay ibubulid sa kumukulong tubig.  Wala ring sinuman ang bibigay sa labis na tawag ng laman o magkaroon ng mga asawang ubod ng bata dahil sa unang beses na gawin mo ito, ikaw ay palalanguyin ng tatlong oras at sa ikalawa naman ay hahampasin hanggang mamatay sa pamamagitan ng latigong may mga tinik.  Hindi rin dapat gambalain ang kapayapaan ng mga libingan, dahil hahampasin ng latigong may tinik hanggang mamatay.  Papatawan ng parusang bitay ang makapatay ng pating o buwaya na may stripes.  Huh?? So pwede kung walang stripes?

Bitay para sa papatay ng buwaya na may stripes.

Bitay para sa papatay ng buwaya na may stripes.

Gayundin, kamatayan din kung mamamana ka sa gabi sa mga matatandang babae at lalaki.  So, ok lang kung mamana sa araw ng mga bata?  Gagawin ka namang alipin kung may-ari ka ng aso na kumagat sa datu.  Papaluin naman sa loob ng dalawang araw ang mga mga umaawit habang naglalakbay sa gabi!  Whaaaaat???

Hahampasin ng dalawang araw ang mga umaawit kapag naglalakbay sa gabi.

Hahampasin ng dalawang araw ang mga umaawit kapag naglalakbay sa gabi.

Ipapakagat ka naman sa mga langgam sa loob ng kalahating araw kung ikaw ay makapatay ng itim na pusa kapag new moon.  So ok lang kung puting pusa kapag full moon.

Kapag pumatay ka ng itim na pusa, ipapakagat ka sa langgam sa loob ng kalahating araw.  So ok lang kung ang pusang ito, hahaha.

Kapag pumatay ka ng itim na pusa, ipapakagat ka sa langgam sa loob ng kalahating araw. So ok lang kung ang pusang ito, hahaha.

Susunugin naman ang mga eetyas kung saan sinasamba ang mga anito.  Sa matagal na panahon, ginawa itong ebidensya na mayroon na tayong sinaunang batas, nilagay si Kalantiaw sa sining, sa selyo, naisulat sa bakal, at naging pangalan ng dekorasyon para sa mga retiradong punong hurado ng Korte Suprema—ang Order of Kalantiaw.

Ang pahina sa aklat nina Teodoro Agoncillo at Oscar Alfonso, "History of the Filipino People" na nagpapakita ng pahina  ukol sa Kodigo ni Kalantiaw.  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang pahina sa aklat nina Teodoro Agoncillo at Oscar Alfonso, “History of the Filipino People” na nagpapakita ng pahina ukol sa Kodigo ni Kalantiaw. Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Rajah Kalantiaw sa sining.

Rajah Kalantiaw sa sining.

Si Marcos bilang tagapagmana ni Kalantiaw, ang pinakaunang tagapagbatas.  Obra ni Leonardo Cruz.

Si Marcos bilang tagapagmana ni Kalantiaw, ang pinakaunang tagapagbatas. Obra ni Leonardo Cruz.

Ang selyo bilang parangal kay Rajah Kalantiaw.

Ang selyo bilang parangal kay Rajah Kalantiaw.

Marker para kay Rajah Kalantiaw sa Aklan.

Marker para kay Rajah Kalantiaw sa Aklan.

RPS Datu Kalantiaw nang sumayad sa dalampasigan ng Calayan, September 21, 1981 (anibersaryo ng Batas Militar.  79 ng 97 na mga tauhan nito ang namatay, ang pinakamalalang sakuna sa Philippine Navy.

RPS Datu Kalantiaw nang sumayad sa dalampasigan ng Calayan, September 21, 1981 (anibersaryo ng Batas Militar. 79 ng 97 na mga tauhan nito ang namatay, ang pinakamalalang sakuna sa Philippine Navy.  Mula sa Wikipedia

Napakalupit naman pala ng mga ninuno natin at ang sabaw lang nila.  Buti nalang, napatunayan ng isang dayuhang iskolar, si William Henry Scott, na pekeng dokumento ito na nilagay ng isang nagngangalang Jose Marco.  Ayon kay Ambeth Ocampo sa kanyang katatapos pa lamang na lektura sa Ayala Museum, marami pang mga dokumentong pagkasaysayan ang pineke ni Jose Marco, maging ang nobela raw ni Padre Burgos na La Loba Negra.

William Henry Scott

William Henry Scott

Jose Marco

Jose Marco

Sinaunang kalendaryo raw ng mga sinaunang Pilipino na gawa ni... Jose Marco.  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Sinaunang kalendaryo raw ng mga sinaunang Pilipino na gawa ni… Jose Marco. Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Orihinal na manuskrito ng La Loba Negra na sinulat raw ni Padre Jose Burgos na gawa pala ni... Jose Marco.  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Orihinal na manuskrito ng La Loba Negra na sinulat raw ni Padre Jose Burgos na gawa pala ni… Jose Marco. Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ngunit bakit nagtagumpay si Marco sa krimen niyang ito na pekehin ang nasyon?  Ayon kay Ambeth, sa pagnanais natin na likhain ang bansa—forge the nation, napeke ni Marco ang bansa—forge the nation.  Sa panahon na naghahanap tayo ng ginintuang nakaraan, lumikha siya nito para sa atin.

Ang poster ng katatapos lamang na lektura ni Dr. Ambeth R. Ocampo noong July 20, 2013 sa Ayala Museum.

Ang poster ng katatapos lamang na lektura ni Dr. Ambeth R. Ocampo noong July 20, 2013 sa Ayala Museum.

Si Ambeth Ocampo sa kanyang July 20, 2013 lecture sa Ayala Museum.  Kuha ni Xiao Chua.

Si Ambeth Ocampo sa kanyang July 20, 2013 lecture sa Ayala Museum. Kuha ni Xiao Chua.

Ang mga tao ay naisyahan sa lektura ni Dr. Ambeth Ocampo.  Kuha ni Xiao Chua.

Si Xiao Chua at mga kasama--tagahanga lahat ni Sir Ambeth.  Mula kay MJ Numerosa Beldera ng Holy Spirit National High School.

Si Xiao Chua at mga kasama–tagahanga lahat ni Sir Ambeth. Mula kay MJ Numerosa Beldera ng Holy Spirit National High School.

Ngayon, mas marami nang eksperto sa iba-ibang disiplina ng Agham Panlipunan na mas maingat sa pagsusuri ng mga datos at dokumento sa pagsasalaysay ng kwento ng bayan kaya harinawa hindi na maloko ang bansa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Sa taxi, 25 July 2013)

Ang tunay na Kalantiaw?  Ang kahulugan ng pangalan sa Wikang Tsino.

Ang tunay na Kalantiaw? Ang kahulugan ng pangalan sa Wikang Tsino.

Ang tunay na Kalantiaw?  Ang kahulugan ng pangalan sa Wikang Tsino.

Ang tunay na Kalantiaw? Ang kahulugan ng pangalan sa Wikang Tsino.

XIAO TIME, 8 May 2013: ELECTION RELATED VIOLENCE: MOISES PADILLA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang imahe ni Ramon Magsaysay kalong-kalong ang bangkay ni Moises Padilla:  “Ang bangkay sa aking mga bisig ay hindi katawan ni Moises Padilla kundi ang malamig na bangkay ng ating Inang Bayan.”  Mula sa Video 48.

8 May 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=jAqTvRYwOC8

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa May 13, muli tayong maghahalal ng mga opisyales ng ating pamahalaan.  Dahil sa konsepto natin ng demokrasya sa Pilipinas, ang Haring Bayan ni Andres Bonifacio, ang hari ay ang bayan, siya ang nagpapasya.  Ngunit may mga pulitiko sa atin na akala mo kung sino kung umasta, naghahari-harian.  Magbalik tanaw tayo sa halalan ng 1951, 62 years ago.  Ang pangulo ng Pilipinas noon ay si Elpidio Quirino.  Isa sa kanyang mga pangunahing kapartido ay si Gobernador Rafael Lacson ng Negros Occidental, kinatatakutang warlord na may sariling private army.

Si Pangulong Elpidio Quirino at ang kanyang mga kabig.  Mula sa LIFE.

Si Pangulong Elpidio Quirino at ang kanyang mga kabig. Mula sa LIFE.

Gobernador Rafael Lacson ng Negros Occidental.  Mula sa Time and Life Pictures.

Gobernador Rafael Lacson ng Negros Occidental.  Mula sa parusang kamatayan, binabaan ng Korte Suprema ang hatol sa kanya patungong reclusion perpetua.  Ang iba pa ay binitay. Mula sa Time and Life Pictures.

Walang gustong kumalaban sa kanya.  Ngunit sa isang maliit na bayan ng Magallon nangahas na lumaban sa isang bata ni Lacson ang isang dating gerilya na si Moises Padilla.  Natalo siya sa halalan na iyon, ngunit sa kanyang pagtindig laban sa administrasyon ni Lacson alam niyang markado na siya.  Sinabi niya sa kanyang ina anuman ang mangyari sa kanya, “Tell Magsaysay”—sabihan raw si Ramon Magsaysay, ang kalihim ng Tanggulang Pambansa na kapartido ni Quirino at ni Lacson.  Ngunit ganun ang tiwala niya sa katapatan ni Magsaysay.

Si Kalihim Ramon Magsaysay ng Tanggulang Pambansa.  Magiging Pangulo ng Pilipinas.  Mula sa LIFE.

Si Kalihim Ramon Magsaysay ng Tanggulang Pambansa. Magiging Pangulo ng Pilipinas. Mula sa LIFE.

Isang araw matapos ang halalan, November 13, 1951, nawalang sukat si Padilla.  Matapos ang tatlong araw, natagpuan ang minaltrato at nabubulok niyang katawan.  Nagpadala ng telegrama ang nanay kay Magsaysay.  Kinagabihan, walang pag-aatubiling sumakay ng eroplano ang kalihim kasama sina Chino Roces at Ninoy Aquino ng Manila Times patungong Negros kasama ang hukbong sandatahan ng Pilipinas.

Ang pagpapahirap kay Moises Padilla, na ginaganapan ni Leopoldo Salcedo sa The Moises Padilla Story, isang pelikula na ipinalabas noong 1961.  Ang pumatay kay Padilla ay ginanapan ni Joseph Estrada.  Para sa karagdagang impormasyon tingnan ang bahay-dagitab ng Video 48.

Si Magsaysay ay mahilig talagang biglaang sumasakay sa eroplano.  Mula sa LIFE.

Si Magsaysay ay mahilig talagang biglaang sumasakay sa eroplano. Mula sa LIFE.

Chono Roces, mula sa Koleksyon ng Manila Times.

Chono Roces, mula sa Koleksyon ng Manila Times.

Ang peryodistang si Ninoy Aquino.  Mula kay Alfonso Policarpio.

Ang peryodistang si Ninoy Aquino. Mula kay Alfonso Policarpio.

Isang composite na larawan nina Chino Roces at Ninoy Aquino noong kanilang panahon sa Manila Times.  Mula sa aklat na Chino ni Vergel Santos.

Isang composite na larawan nina Chino Roces at Ninoy Aquino noong kanilang panahon sa Manila Times. Mula sa aklat na Chino ni Vergel Santos.

Nakarating sila sa Magallon, tahimik, walang nangahas magturo sa kanilang kung nasaan ang bahay ni Moises Padilla.  Hanggang makakita sila ng bahay na maliwanag at doon nga nakahimlay sa isang mesa ang malamig at duguang katawan ni Moises Padilla.  Nang lapitan niya ang ina ni Padilla, nagpakilala siya, “I am Ramon Magsaysay.”

Si Ramon Magsaysay.

Si Ramon Magsaysay.

Umatungal ang babae, lumuhod kay Magsaysay at naglupasay, “My son is dead!  My son is dead!”  Himingi ng permiso si Magsaysay sa ina na sa kanyang pagbalik sa Maynila, dadalhin niya ang bangkay ni Padilla sa Maynila upang ma-autopsy.  Pagbaba sa paliparan, kalong-kalong ni Magsaysay ang duguang katawan ni Padilla.  Madalas niyang sabihin, “Ang bangkay sa aking mga bisig ay hindi katawan ni Moises Padilla kundi ang malamig na bangkay ng ating Inang Bayan.”  Hiniling niya kay Pangulong Quirino na suspindihin ang kapartido nilang si Lacson.  Sa kabila ng pagtutol ng mga kapartido, sinuspindi ni Quirino ang gobernador.  Pinadis-armahan din ni Magsaysay ang tatlong libong mga bata ni Lacson.  At kahit “amiable” naman ang gobernador at hindi naman siya ang may gawa mismo ng krimen, agad siyang kinasuhan, napatunayang maysala at nahatulan ng kamatayan kasama ang 22 iba pa kabilang na ang 3 alkalde at 3 hepe ng pulisya.

Ang bayan ng Magallon ay pinangalanang Moises Padilla.  Mula sa Wikipedia.

Ang bayan ng Magallon ay pinangalanang Moises Padilla. Mula sa Wikipedia.

Doon sa isang kahalintulad na krimen na naganap mahigit tatlong taon na ang nakalilipas sa Maguindanao, kung saan 58 katao ang napatay, ganito rin kaya ang maging resolusyon at makamit kaya ng mga pamilya ang hustisya?

Election Related Violence:  Ampatuan Massacre, 2009.  Makakamit din kaya ang hustisya tulad ng ginawa ni Magsaysay para kay Moises Padilla?

Election Related Violence: Ampatuan Massacre, 2009. Makakamit din kaya ang hustisya tulad ng ginawa ni Magsaysay para kay Moises Padilla?

Election Related Violence:  Ampatuan Massacre, 2009.

Election Related Violence: Ampatuan Massacre, 2009.

Election Related Violence:  Ampatuan Massacre, 2009.

Election Related Violence: Ampatuan Massacre, 2009.

Hindi natin pwedeng hintayin na mabuhay muli si Magsaysay.  Maging tayo si Magsaysay at ipatupad natin ang pagbabago ng bayan sa ating pagboto.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 4 May 2013, mga datos mula sa mga sinulat ni Ramon Martinez at pakikipagkwentuhan sa apo ng Pangulong Ramon Magsaysay na si Sir Paco Magsaysay)