IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: maguindanao

XIAO TIME, 8 May 2013: ELECTION RELATED VIOLENCE: MOISES PADILLA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang imahe ni Ramon Magsaysay kalong-kalong ang bangkay ni Moises Padilla:  “Ang bangkay sa aking mga bisig ay hindi katawan ni Moises Padilla kundi ang malamig na bangkay ng ating Inang Bayan.”  Mula sa Video 48.

8 May 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=jAqTvRYwOC8

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa May 13, muli tayong maghahalal ng mga opisyales ng ating pamahalaan.  Dahil sa konsepto natin ng demokrasya sa Pilipinas, ang Haring Bayan ni Andres Bonifacio, ang hari ay ang bayan, siya ang nagpapasya.  Ngunit may mga pulitiko sa atin na akala mo kung sino kung umasta, naghahari-harian.  Magbalik tanaw tayo sa halalan ng 1951, 62 years ago.  Ang pangulo ng Pilipinas noon ay si Elpidio Quirino.  Isa sa kanyang mga pangunahing kapartido ay si Gobernador Rafael Lacson ng Negros Occidental, kinatatakutang warlord na may sariling private army.

Si Pangulong Elpidio Quirino at ang kanyang mga kabig.  Mula sa LIFE.

Si Pangulong Elpidio Quirino at ang kanyang mga kabig. Mula sa LIFE.

Gobernador Rafael Lacson ng Negros Occidental.  Mula sa Time and Life Pictures.

Gobernador Rafael Lacson ng Negros Occidental.  Mula sa parusang kamatayan, binabaan ng Korte Suprema ang hatol sa kanya patungong reclusion perpetua.  Ang iba pa ay binitay. Mula sa Time and Life Pictures.

Walang gustong kumalaban sa kanya.  Ngunit sa isang maliit na bayan ng Magallon nangahas na lumaban sa isang bata ni Lacson ang isang dating gerilya na si Moises Padilla.  Natalo siya sa halalan na iyon, ngunit sa kanyang pagtindig laban sa administrasyon ni Lacson alam niyang markado na siya.  Sinabi niya sa kanyang ina anuman ang mangyari sa kanya, “Tell Magsaysay”—sabihan raw si Ramon Magsaysay, ang kalihim ng Tanggulang Pambansa na kapartido ni Quirino at ni Lacson.  Ngunit ganun ang tiwala niya sa katapatan ni Magsaysay.

Si Kalihim Ramon Magsaysay ng Tanggulang Pambansa.  Magiging Pangulo ng Pilipinas.  Mula sa LIFE.

Si Kalihim Ramon Magsaysay ng Tanggulang Pambansa. Magiging Pangulo ng Pilipinas. Mula sa LIFE.

Isang araw matapos ang halalan, November 13, 1951, nawalang sukat si Padilla.  Matapos ang tatlong araw, natagpuan ang minaltrato at nabubulok niyang katawan.  Nagpadala ng telegrama ang nanay kay Magsaysay.  Kinagabihan, walang pag-aatubiling sumakay ng eroplano ang kalihim kasama sina Chino Roces at Ninoy Aquino ng Manila Times patungong Negros kasama ang hukbong sandatahan ng Pilipinas.

Ang pagpapahirap kay Moises Padilla, na ginaganapan ni Leopoldo Salcedo sa The Moises Padilla Story, isang pelikula na ipinalabas noong 1961.  Ang pumatay kay Padilla ay ginanapan ni Joseph Estrada.  Para sa karagdagang impormasyon tingnan ang bahay-dagitab ng Video 48.

Si Magsaysay ay mahilig talagang biglaang sumasakay sa eroplano.  Mula sa LIFE.

Si Magsaysay ay mahilig talagang biglaang sumasakay sa eroplano. Mula sa LIFE.

Chono Roces, mula sa Koleksyon ng Manila Times.

Chono Roces, mula sa Koleksyon ng Manila Times.

Ang peryodistang si Ninoy Aquino.  Mula kay Alfonso Policarpio.

Ang peryodistang si Ninoy Aquino. Mula kay Alfonso Policarpio.

Isang composite na larawan nina Chino Roces at Ninoy Aquino noong kanilang panahon sa Manila Times.  Mula sa aklat na Chino ni Vergel Santos.

Isang composite na larawan nina Chino Roces at Ninoy Aquino noong kanilang panahon sa Manila Times. Mula sa aklat na Chino ni Vergel Santos.

Nakarating sila sa Magallon, tahimik, walang nangahas magturo sa kanilang kung nasaan ang bahay ni Moises Padilla.  Hanggang makakita sila ng bahay na maliwanag at doon nga nakahimlay sa isang mesa ang malamig at duguang katawan ni Moises Padilla.  Nang lapitan niya ang ina ni Padilla, nagpakilala siya, “I am Ramon Magsaysay.”

Si Ramon Magsaysay.

Si Ramon Magsaysay.

Umatungal ang babae, lumuhod kay Magsaysay at naglupasay, “My son is dead!  My son is dead!”  Himingi ng permiso si Magsaysay sa ina na sa kanyang pagbalik sa Maynila, dadalhin niya ang bangkay ni Padilla sa Maynila upang ma-autopsy.  Pagbaba sa paliparan, kalong-kalong ni Magsaysay ang duguang katawan ni Padilla.  Madalas niyang sabihin, “Ang bangkay sa aking mga bisig ay hindi katawan ni Moises Padilla kundi ang malamig na bangkay ng ating Inang Bayan.”  Hiniling niya kay Pangulong Quirino na suspindihin ang kapartido nilang si Lacson.  Sa kabila ng pagtutol ng mga kapartido, sinuspindi ni Quirino ang gobernador.  Pinadis-armahan din ni Magsaysay ang tatlong libong mga bata ni Lacson.  At kahit “amiable” naman ang gobernador at hindi naman siya ang may gawa mismo ng krimen, agad siyang kinasuhan, napatunayang maysala at nahatulan ng kamatayan kasama ang 22 iba pa kabilang na ang 3 alkalde at 3 hepe ng pulisya.

Ang bayan ng Magallon ay pinangalanang Moises Padilla.  Mula sa Wikipedia.

Ang bayan ng Magallon ay pinangalanang Moises Padilla. Mula sa Wikipedia.

Doon sa isang kahalintulad na krimen na naganap mahigit tatlong taon na ang nakalilipas sa Maguindanao, kung saan 58 katao ang napatay, ganito rin kaya ang maging resolusyon at makamit kaya ng mga pamilya ang hustisya?

Election Related Violence:  Ampatuan Massacre, 2009.  Makakamit din kaya ang hustisya tulad ng ginawa ni Magsaysay para kay Moises Padilla?

Election Related Violence: Ampatuan Massacre, 2009. Makakamit din kaya ang hustisya tulad ng ginawa ni Magsaysay para kay Moises Padilla?

Election Related Violence:  Ampatuan Massacre, 2009.

Election Related Violence: Ampatuan Massacre, 2009.

Election Related Violence:  Ampatuan Massacre, 2009.

Election Related Violence: Ampatuan Massacre, 2009.

Hindi natin pwedeng hintayin na mabuhay muli si Magsaysay.  Maging tayo si Magsaysay at ipatupad natin ang pagbabago ng bayan sa ating pagboto.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 4 May 2013, mga datos mula sa mga sinulat ni Ramon Martinez at pakikipagkwentuhan sa apo ng Pangulong Ramon Magsaysay na si Sir Paco Magsaysay)

XIAOTIME, 4 December 2012: DATU ALI NG BUAYAN, Juramentado o Bayani?

Broadcast of Xiaotime news segment last Tuesday, 4 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Datu Ali at ang kanyang pamilya.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinusat Lidasan.

Datu Ali at ang kanyang pamilya. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

4 December 2012, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=2rLwzirZw2A

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay ang episode na ito sa mga kaibigang nagsusulong ng kapantasang Muslim at nagbabantay ng alaala ng mga bayaning Moro, sina Dato Yusuf Ali Morales at Muhammad Sinsuat Lidasan na kaanak ng mga Sultan ng Buayan sa Maguindanao.

Prinsesa Bai Aizian Utto Camsa

Prinsesa Bai Aizian Utto Camsa

Noong nakaraang November 24, 2012, binigyan po ako ng karangalan ng Sultanate of Buayan Darussalam, sa pamamagitan ni Prinsesa Bai Aizian Utto Camsa, ng karangalang “Darjah Kebesaran Sultan Akmad Utto Camsa” na may titulong pandangal na “Dato” dahil sa aking pagtalakay ng kultura at ng mga bayaning Moro dito sa “Xiao Time.”

04 na may titulong pandangal na “Dato”

Inspirasyon ang iginawad ninyo sa akin upang lalong magpunyagi na responsableng isalaysay ang mga kwentong may saysay sa ating lahat.  Ang tatalakayin ko po ngayon ay ang kanilang ninunong si Datu Ali.  Si Datu Ali, ang Rajah Muda o Crowned Prince ng Sultanato ng Buayan sa Maguindanao at pinuno ng Hilagang Lambak ng Cotabato, ang kinikilalang pinuno ng teritoryo at mamamayang Maguindanaon noong kanyang panahon, dekada 1900s.  Anak siya ni Sultan Muhammad Bayao.  Ngunit, nagnanais ang mga bagong saltang mananakop na Amerikano na maghari sa Maguindanao, si Datu Ali ang naging pinakamalaki nilang tinik.  Dinigma sila ni Datu Ali noong una sa pamamagitan ng harapang pakikipaglaban ngunit paglaon gamit na ang digmaang pangerilya.  Kahit ang mabangis na heneral na mga Amerikano na si Leonard Wood, na magiging gobernador heneral ng Pilipinas, ay hindi naitago ang paghanga kay Datu Ali, “by far the most capable Moro we have run into.”

Heneral Leonard Wood

Heneral Leonard Wood

Upang makipagnegosasyon kay Datu Ali, naging tagapamagitan ng mga Amerikano ang isang respetadong Imam na si Sharif Afdal ngunit hindi naging mabunga ang mga usapang ito.

Sharif Afdal, nagyoyosi, naka-shades.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Sharif Afdal, nagyoyosi, naka-shades. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Naging istratehiya ng mga mananakop ang “Divide and Rule” policy kung saan pag-aaway-awayin ang mga Pilipino upang hindi magkaisa at nang hindi magkaroon ng malaking banta sa kanilang pananakop.

Datu Guimbangan.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Datu Guimbangan. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Kinidnap sa Fort Serenaya ang kapatid niyang si Datu Guimbangan upang hikayatin siyang sumuko ngunit hindi siya natinag.  Kaya pinakilos ng mga Amerikano ang mga taong may hinanakit kay Datu Ali upang pagtaksilan siya.  Bilang negosyador, si Sharif Afdal ang nagsabi ng kinaroroonan ni Datu Ali kay Datu Piang, na nagpasa naman ng impormasyon sa mga Amerikano.

Datu Piang.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Datu Piang. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Inatasan ang 22nd Infantry sa pamumuno ni Kapitan F.R. McCoy.  Si Datu Enok naman ang gumabay sa mga Amerikano sa pinakaligtas at pinakahindi nababantayan na ruta patungo sa kampo ni Datu Ali.

Kapitan F. R. McCoy.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Kapitan F. R. McCoy. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Datu Enok.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Datu Enok. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

October 22, 1905, umaga, nilusob ng mga Amerikano ang bahay ni Datu Ali, nakaganti ng putok ang datu ngunit nakaiwas si Tinyente Remington at binaril ang datu, bumagsak siya at nagtangkang tumakas upang lumaban muli ngunit tinapos na siya ng mga kalaban.  Ito ang pataksil na wakas ng pinakamalaking hamon sa pananakop ng Amerika sa Maguindanao.

Ulat ng mga Amerikano sa pagpaslang kay Datu Ali.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Ulat ng mga Amerikano sa pagpaslang kay Datu Ali. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Ayon kay Datu Ali, “Ang mga taong takot mamatay ay mas magandang takpan na lamang ng palay sa kanilang libingan.”  Para sa ilan sa atin, kapag lumalaban ang Muslim para sa kanilang lupa, juramentado o nag-aamok sila.  Ngunit ang mga katulad ni Datu Ali ay dapat kilalaning bayani na isinakripisyo ang buhay, nag-sabil, para sa tunay na kalayaan ng bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(McDo Taft, 27 November 2012)