IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: macapagal

XIAO TIME, 4 July 2013: ANG ARAW NG PAGKAKAIBIGANG PILIPINO-AMERIKANO

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pagbaba ng bandila ng Amerika at ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa flagpole sa harapan ng Monumento ni Rizal (natatakpan ng entablado) noong July 4, 1946.  Mula sa gov.ph.

Ang pagbaba ng bandila ng Amerika at ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa flagpole sa harapan ng Monumento ni Rizal (natatakpan ng entablado) noong July 4, 1946. Mula sa gov.ph.

4 July 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=F_UPjJa-XKE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  67 years ago, July 4, 1946, kinilala ng Estados Unidos ang kasarinlan ng Pilipinas kasabay ng kanilang Independence Day matapos ang halos kalahating siglo ng kanilang pananakop dito.  Ang napakamakasaysayang pagdiriwang na ito ay ginanap sa isang pansamantalang grandstand na hugis barko ng estado na itinayo na nakaharap sa dagat at sa harapan ng flag pole ng Luneta na ngayon ay mas kilala natin bilang Kilometer 0.  Kakatwa lamang sapagkat tinakpan ng grandstand na ito ang monumento ni Jose Rizal.  Hindi man lamang pinapanood si Rizal?  Kaloka!

Ang pansamantalang grandstand na tinakpan ang Rizal Monument sa harapan  ng flagpole sa Luneta.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang pansamantalang grandstand na tinakpan ang Rizal Monument sa harapan ng flagpole sa Luneta. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang pansamantalang grandstand na tinakpan ang Rizal Monument sa harapan  ng flagpole sa Luneta.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Ang pansamantalang grandstand na tinakpan ang Rizal Monument sa harapan ng flagpole sa Luneta. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Ang pansamantalang grandstand sa hugis ng barko ng estado.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Ang pansamantalang grandstand sa hugis ng barko ng estado. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

[Noong araw na iyon, inaasahan na magkakaroon ng mga matataas na bisita mula sa pamahalaan ng America, kaso hindi sila nagsidatingan.  Siyempre, isinabay ba naman ang independence Day natin sa pagdiriwang ng Independence Day rin ng Amerika kaya ayun.]  Ngunit anuman, naging makulay pa rin ang pagdiriwang.  Dinagsa ito ng napakaraming tao.

Ang nasirang Lumang Gusali ng kongreso at isang arko para sa pagdiriwang.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang nasirang Lumang Gusali ng kongreso at isang arko para sa pagdiriwang. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Makikita sa may malapit sa intramuros ang pagdagsa ng tao patungo sa direksyon ng Luneta.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Makikita sa may malapit sa intramuros ang pagdagsa ng tao patungo sa direksyon ng Luneta. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang pagdagsa ng tao sa may bahagi ng Manila Hotel.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang pagdagsa ng tao sa may bahagi ng Manila Hotel. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Napakaraming tao.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Napakaraming tao. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Napakaraming tao.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Napakaraming tao. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang mga tao sa mga grandstand.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Ang mga tao sa mga grandstand. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Ang mga tao sa may grandstand.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Ang mga tao sa may grandstand. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Sa oras na itinakda, dumating ang motorcade ng Pangulo ng Pilipinas, Manuel Roxas, kasama ang kanyang asawang si Trinidad at anak na si Gerardo, ang tatay ni Secretary Mar Roxas.  Kasama nila ang Unang Ginang Doña Aurora Aragon Quezon na instrumental sa pagkapanalo ni Roxas sa halalan.  Nagpalakpakan ang lahat.  Alas otso nang magsimula ang programa sa isang panalangin ng Obispong Episkopal na si Robert Wilmer.  Nagsalita si Senador Millard E. Tydings na siyang gumawa ng batas na nagpapalaya sa Pilipinas mula sa America.  Ayon sa kanya, sinasaksihan ang lahat ang “one of the most unprecedented, most idealistic and far-reaching events in all recorded history.”  Kasi naman mapayapa raw na ibinibigay ang kasarinlan sa isa pang bansa.  Nag-return ulit si General Douglas MacArthur upang magsalita sa araw na iyon, to “This land and this people, that I have known so long, and loved so well.

Si Senador Millard E. Tydings.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Si Senador Millard E. Tydings. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Si Heneral Douglas MacArthur.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Si Heneral Douglas MacArthur. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Si Heneral Douglas MacArthur.

Si Heneral Douglas MacArthur.

Sa tila “Farewell Speech” ng America sa Pilipinas, nagbabala ang huling US High Commissioner na si Paul V. McNutt na hindi malulutas ng pagsasarili ang lahat ng mga problema ng bansa, matapos nito ay binasa ang proklamasyon na kumikilala sa kasarinlan ng Pilipinas na nilagdaan ni Pangulong Harry S. Truman.  Palakpakan.

US High Commissioner Paul V. McNutt.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

US High Commissioner Paul V. McNutt. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Ang pagsasalita ni High Commissioner McNutt.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang pagsasalita ni High Commissioner McNutt. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Nang maulanan si High Commissioner McNutt habang nagtatalumpati.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Nang maulanan si High Commissioner McNutt habang nagtatalumpati. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

At doon, sa saliw ng mga pambansang awit ng Estados Unidos at Pilipinas, ibinaba ni McNutt ang bandila ng Estados Unidos at itinaas ni Pangulong Roxas ang bandila ng Pilipinas.  Matapos manumpa bilang unang pangulo ng ikatlong Republika, nagtalumpati si Roxas, “We have reached the summit of the mighty mountain of independence toward which we and our fathers have striven during the lifetime of our people.”  Sabay puri sa kabaitan ng Amerika.

Si Paul V. McNutt habang ibinababa ang bandila ng Estados, at si Manuel A. Roxas habang itinataas ang bandila ng Pilipinas. Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Si Paul V. McNutt habang ibinababa ang bandila ng Estados, at si Manuel A. Roxas habang itinataas ang bandila ng Pilipinas. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Ang mga naulanang bandila:  ibinababa ang sa Amerika at itinataas ang Pilipinas.  Kaya pala parang mabigat ang hitsura.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang bayan habang masayang sumasaksi sa kasaysayan.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Ang bayan habang masayang sumasaksi sa kasaysayan. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Isa sa mga carroza na luamhok sa parada ng kasarinlan.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Isa sa mga carroza na luamhok sa parada ng kasarinlan. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Ngunit, sabi nga ni Heneral Emilio Aguinaldo, “Ibinalik o isinauli lamang ng mga Amerikano ang Kalayaang inagaw sa atin noong taong 1899.”  Ang araw na ito ay taunang ipinagdiwang bilang Independence Day hanggang ilipat ito ni Pangulong Diosdado Macapagal patungong June 12 noong 1962.  Naging Republic Day at hindi naglaon, Philippine-American Friendship Day.  Nang muling isadula ang pangyayari matapos ang 50 taon noong July 4, 1996, nakita ko sa telebisyon nang kakatwang sumabit ang bandilang Amerikano sa bandilang Pilipino na tila ayaw itong paangatin.

Ang kakatwang pagkakasabit ng bandilang Amerikano sa papaangat na bandilang Pilipino, July 4, 1996.  Mula sa Star-Entangled Banner ni Sharon Delmendo.

Ang kakatwang pagkakasabit ng bandilang Amerikano sa papaangat na bandilang Pilipino, July 4, 1996. Mula sa Star-Entangled Banner ni Sharon Delmendo.

Sa huling linya ng pambansang awit ng Pilipinas, nakataas din ang bandila.  Nasambit ng isang presidential security guard, “Mukhang talagang ayaw umalis ng mga Kano sa atin.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 29 June 2013)

XIAO TIME, 16 May 2013: ANG PAPEL NG PHILIPPINE HISTORICAL ASSOCIATION SA PAGLILIPAT NG ARAW NG KASARINLAN PATUNGONG HUNYO 12

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

WINNER!  Itinaas ni Pangulong Diosdado Macapagal ang kamay ng pangulo ng unang republika na si Emilio Aguinaldo na noon ay mahigit 90 taong gulang na!

WINNER! Itinaas ni Pangulong Diosdado Macapagal ang kamay ng pangulo ng unang republika na si Emilio Aguinaldo na noon ay mahigit 90 taong gulang na!  Mula sa Aguinaldo Shrine:  Home of Independence.

16 May 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=cMAfMj8DjGY

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong July 4, 1946, kinilala ng pamahalaan ng Estados Unidos ng Amerika ang kasarilan ng mga Pilipino at isinuko ang lahat ng kontrol sa mga kapuluan.  Mula noon hanggang 1961, ang Kasarinlan ng Republika ng Pilipinas ay ipinagdiriwang sa araw na July 4, na Independence Day rin ng mga Amerikano.

Ang pagbaba ng bandila ng Amerika at ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa flagpole sa harapan ng Monumento ni Rizal (natatakpan ng entablado) noong July 4, 1946.  Mula sa gov.ph.

Ang pagbaba ng bandila ng Amerika at ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa flagpole sa harapan ng Monumento ni Rizal (natatakpan ng entablado) noong July 4, 1946. Mula sa gov.ph.

Mula sa National Media Production Center.

Mula sa National Media Production Center.

Ang pabalat ng sipi ng souvenir program para sa paggawad ng Kasarinlan ng Pilipinas mula sa Amerika, July 4, 1946

Ang pabalat ng sipi ng souvenir program para sa paggawad ng Kasarinlan ng Pilipinas mula sa Amerika, July 4, 1946

Ang paglagda ng mga Founding Fathers ng Amerika sa Proklamasyon ng Kasarinlan ng Estados Unidos, obra maestra ni Jonathan Trumbull, nakasabit sa silid na nagtataglay ng mahalagang dokumento na ito sa Kongreso ng Estados Unidos).

Napansin ng marami na kapag July 4 ang pagdiriwang ng Independence Day, ang mga dapat na importanteng bisita natin ay naroon sa pagdiriwang ng mga Amerikano, kumbaga, nang-a-outsihine ang peg.  Nagpapakita rin ang Independence Day na July 4 na nakatali pa rin tayo sa interes ng mga Amerikano.  Napansin rin na sa deklarasyon na ginawa ni Pangulong Truman, ginamit lamang ang salitang “recognize the independence” at hindi naman “grants independence.”

Ang official White House portrait ni Pangulong Harry S. Truman.

Ang official White House portrait ni Pangulong Harry S. Truman.

Tulad ng sinabi ni Heneral Emilio Aguinaldo, “Ibinalik o isinauli lamang ng mga Amerikano ang Kalayaang inagaw sa atin noong taong 1899.”  Tomoh!  Oo nga naman.  Nang pagwawagian na ng mga Anak ng Bayan ang himagsikang Pilipino laban sa mga Espanyol, ipinroklama ni Heneral Emilio Aguinaldo ang independencia ng Pilipinas noong June 12, 1898.

Proklamasyon ng Pagsasarili sa Kawit, Cavite, June 12, 1898.

Proklamasyon ng Pagsasarili sa Kawit, Cavite, June 12, 1898.

Nakita ng ilang mga historyador ang kahalagahan ng June 12 bilang Araw ng Kasarinlan na TAYO ang nagproklama at hindi lamang ibinigay ng ibang tao sa atin.  Isang retiradong propesor ng Kasaysayan ng UP at dating mambabatas mula sa Romblon na si Propesor Gabriel F. Fabella ang nanguna sa kampanya na ilipat ang Independence Day mula July 4 patungong June 12.  Isa siya sa mga tagapagtatag ng aming organisasyon, ang Philippine Historical Asscociation o PHA.  Ang Board of Governors ng kapisanang ito, sa pangunguna ng pangulo nito na si Esteban de Ocampo, ang naglabas noong March 24, 1960 ng isang malakas na resolusyon na humihiling sa Pangulo ng Pilipinas, ang honorary president ng PHA na iproklama ang June 12 ng bawat taon bilang “Independence Day.”

Logo ng Philippine Historical Association.

Logo ng Philippine Historical Association.

Prop. Gabriel Fabella

Prop. Gabriel Fabella

Prop. Esteban de Ocampo

Prop. Esteban de Ocampo

Nagbigay ng buong suporta ang matandang Aguinaldo.  Actually, matagal na ring gusto ito ni Macapagal bagong pulitiko pa lamang siya, ngunit nakakita siya ng oportunidad nang hindi aprubahan ng Kongreso ng Amerika ang karagdagang 73 Million Dollars na war payment para sa mga Pilipino noong May 9, 1962.  Bakit ang mga nakalaban natin na Hapones todo-todo ang pagtulong nila, tayong kakampi wala.  Tsk.  Galit ang mga Pilipino.  Kinansela ni Macapagal ang kanyang nakatakdang state visit sa Amerika at matapos lamang ang tatlong araw, 51 years ago, May 12, 1962, inilabas ng Pangulo ang Proclamation no. 28 na nagtatakda na gawing public holiday ang June 12 bilang Independence Day.

Unang pagdiriwang ng June 12 Independence Day sa Kawit, Cavite noong 1962:  Ang matandang Aguinaldo kasama si Pangulong Diosdado Macapagal.  Mula sa gov.ph.

Unang pagdiriwang ng June 12 Independence Day sa Kawit, Cavite noong 1962: Ang matandang Aguinaldo kasama si Pangulong Diosdado Macapagal. Mula sa gov.ph.

Sa unang pagdiriwang na iyon, itinaas pa ni Macapagal ang kamay ang Pangulo ng Unang Republika na si Aguinaldo.  Sinundan ito ng batas na isinulong ni Congressman Ramon Mitra, Sr. ng Mountain Province na tuluyan nang naglilipat ng Independence Day na pinirmahan ni Macapagal noong August 4, 1964.  Simbolikal nating sinabi sa mga Amerikano sa paglilipat ng Independence Day na hindi na tayo aasa sa Amerika.  Kailan kaya ito magiging lubos na katotohanan?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 11 May 2013)