IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: luneta

XIAO TIME, 4 July 2013: ANG ARAW NG PAGKAKAIBIGANG PILIPINO-AMERIKANO

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pagbaba ng bandila ng Amerika at ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa flagpole sa harapan ng Monumento ni Rizal (natatakpan ng entablado) noong July 4, 1946.  Mula sa gov.ph.

Ang pagbaba ng bandila ng Amerika at ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa flagpole sa harapan ng Monumento ni Rizal (natatakpan ng entablado) noong July 4, 1946. Mula sa gov.ph.

4 July 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=F_UPjJa-XKE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  67 years ago, July 4, 1946, kinilala ng Estados Unidos ang kasarinlan ng Pilipinas kasabay ng kanilang Independence Day matapos ang halos kalahating siglo ng kanilang pananakop dito.  Ang napakamakasaysayang pagdiriwang na ito ay ginanap sa isang pansamantalang grandstand na hugis barko ng estado na itinayo na nakaharap sa dagat at sa harapan ng flag pole ng Luneta na ngayon ay mas kilala natin bilang Kilometer 0.  Kakatwa lamang sapagkat tinakpan ng grandstand na ito ang monumento ni Jose Rizal.  Hindi man lamang pinapanood si Rizal?  Kaloka!

Ang pansamantalang grandstand na tinakpan ang Rizal Monument sa harapan  ng flagpole sa Luneta.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang pansamantalang grandstand na tinakpan ang Rizal Monument sa harapan ng flagpole sa Luneta. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang pansamantalang grandstand na tinakpan ang Rizal Monument sa harapan  ng flagpole sa Luneta.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Ang pansamantalang grandstand na tinakpan ang Rizal Monument sa harapan ng flagpole sa Luneta. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Ang pansamantalang grandstand sa hugis ng barko ng estado.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Ang pansamantalang grandstand sa hugis ng barko ng estado. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

[Noong araw na iyon, inaasahan na magkakaroon ng mga matataas na bisita mula sa pamahalaan ng America, kaso hindi sila nagsidatingan.  Siyempre, isinabay ba naman ang independence Day natin sa pagdiriwang ng Independence Day rin ng Amerika kaya ayun.]  Ngunit anuman, naging makulay pa rin ang pagdiriwang.  Dinagsa ito ng napakaraming tao.

Ang nasirang Lumang Gusali ng kongreso at isang arko para sa pagdiriwang.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang nasirang Lumang Gusali ng kongreso at isang arko para sa pagdiriwang. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Makikita sa may malapit sa intramuros ang pagdagsa ng tao patungo sa direksyon ng Luneta.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Makikita sa may malapit sa intramuros ang pagdagsa ng tao patungo sa direksyon ng Luneta. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang pagdagsa ng tao sa may bahagi ng Manila Hotel.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang pagdagsa ng tao sa may bahagi ng Manila Hotel. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Napakaraming tao.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Napakaraming tao. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Napakaraming tao.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Napakaraming tao. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang mga tao sa mga grandstand.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Ang mga tao sa mga grandstand. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Ang mga tao sa may grandstand.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Ang mga tao sa may grandstand. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Sa oras na itinakda, dumating ang motorcade ng Pangulo ng Pilipinas, Manuel Roxas, kasama ang kanyang asawang si Trinidad at anak na si Gerardo, ang tatay ni Secretary Mar Roxas.  Kasama nila ang Unang Ginang Doña Aurora Aragon Quezon na instrumental sa pagkapanalo ni Roxas sa halalan.  Nagpalakpakan ang lahat.  Alas otso nang magsimula ang programa sa isang panalangin ng Obispong Episkopal na si Robert Wilmer.  Nagsalita si Senador Millard E. Tydings na siyang gumawa ng batas na nagpapalaya sa Pilipinas mula sa America.  Ayon sa kanya, sinasaksihan ang lahat ang “one of the most unprecedented, most idealistic and far-reaching events in all recorded history.”  Kasi naman mapayapa raw na ibinibigay ang kasarinlan sa isa pang bansa.  Nag-return ulit si General Douglas MacArthur upang magsalita sa araw na iyon, to “This land and this people, that I have known so long, and loved so well.

Si Senador Millard E. Tydings.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Si Senador Millard E. Tydings. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Si Heneral Douglas MacArthur.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Si Heneral Douglas MacArthur. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Si Heneral Douglas MacArthur.

Si Heneral Douglas MacArthur.

Sa tila “Farewell Speech” ng America sa Pilipinas, nagbabala ang huling US High Commissioner na si Paul V. McNutt na hindi malulutas ng pagsasarili ang lahat ng mga problema ng bansa, matapos nito ay binasa ang proklamasyon na kumikilala sa kasarinlan ng Pilipinas na nilagdaan ni Pangulong Harry S. Truman.  Palakpakan.

US High Commissioner Paul V. McNutt.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

US High Commissioner Paul V. McNutt. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Ang pagsasalita ni High Commissioner McNutt.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang pagsasalita ni High Commissioner McNutt. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Nang maulanan si High Commissioner McNutt habang nagtatalumpati.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Nang maulanan si High Commissioner McNutt habang nagtatalumpati. Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

At doon, sa saliw ng mga pambansang awit ng Estados Unidos at Pilipinas, ibinaba ni McNutt ang bandila ng Estados Unidos at itinaas ni Pangulong Roxas ang bandila ng Pilipinas.  Matapos manumpa bilang unang pangulo ng ikatlong Republika, nagtalumpati si Roxas, “We have reached the summit of the mighty mountain of independence toward which we and our fathers have striven during the lifetime of our people.”  Sabay puri sa kabaitan ng Amerika.

Si Paul V. McNutt habang ibinababa ang bandila ng Estados, at si Manuel A. Roxas habang itinataas ang bandila ng Pilipinas. Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Si Paul V. McNutt habang ibinababa ang bandila ng Estados, at si Manuel A. Roxas habang itinataas ang bandila ng Pilipinas. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Ang mga naulanang bandila:  ibinababa ang sa Amerika at itinataas ang Pilipinas.  Kaya pala parang mabigat ang hitsura.  Mula sa newsreel ng FitchettFilm.com.

Ang bayan habang masayang sumasaksi sa kasaysayan.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Ang bayan habang masayang sumasaksi sa kasaysayan. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Isa sa mga carroza na luamhok sa parada ng kasarinlan.  Mula sa newsreel na "Philippine Independence."

Isa sa mga carroza na luamhok sa parada ng kasarinlan. Mula sa newsreel na “Philippine Independence.”

Ngunit, sabi nga ni Heneral Emilio Aguinaldo, “Ibinalik o isinauli lamang ng mga Amerikano ang Kalayaang inagaw sa atin noong taong 1899.”  Ang araw na ito ay taunang ipinagdiwang bilang Independence Day hanggang ilipat ito ni Pangulong Diosdado Macapagal patungong June 12 noong 1962.  Naging Republic Day at hindi naglaon, Philippine-American Friendship Day.  Nang muling isadula ang pangyayari matapos ang 50 taon noong July 4, 1996, nakita ko sa telebisyon nang kakatwang sumabit ang bandilang Amerikano sa bandilang Pilipino na tila ayaw itong paangatin.

Ang kakatwang pagkakasabit ng bandilang Amerikano sa papaangat na bandilang Pilipino, July 4, 1996.  Mula sa Star-Entangled Banner ni Sharon Delmendo.

Ang kakatwang pagkakasabit ng bandilang Amerikano sa papaangat na bandilang Pilipino, July 4, 1996. Mula sa Star-Entangled Banner ni Sharon Delmendo.

Sa huling linya ng pambansang awit ng Pilipinas, nakataas din ang bandila.  Nasambit ng isang presidential security guard, “Mukhang talagang ayaw umalis ng mga Kano sa atin.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 29 June 2013)

XIAOTIME, 21 December 2012: STATE FUNERAL PARA KAY DR. JOSÉ RIZAL

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 21 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Bungo ni Rizal.  Larawan mula kay Dr. Ambeth Ocampo

Bungo ni Rizal. Larawan mula kay Dr. Ambeth Ocampo

21 December 2012, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=iaqY5uah7hw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa December 30, muling isasadula ng National Historical Commission of the Philippines at ng Knights of Rizal ang paglilibing kay Gat. Dr. José Rizal sa Luneta makalipas ang isandaang taon.  Masalimuot ang naging paglalakbay ng bangkay ng ating National Hero.

Larawan ni Rizal, obra maestra ni RB Enriquez.  Nasa Department of English and Comparative Lietrature of UP Diliman.  Kuha ni Xiao Chua.

Larawan ni Rizal, obra maestra ni RB Enriquez. Nasa Department of English and Comparative Lietrature of UP Diliman. Kuha ni Xiao Chua.

Matapos niyang mabaril sa Luneta de Bagumbayan, hindi ibinigay ng mga awtoridad ang bangkay niya sa kanyang pamilya sa kabila ng pakiusap ng kaniyang inang si Doña Teodora Alonso.  Agad naghanap ng mga bagong hukay na mga libingan ang kapatid ni Rizal na si Narcisa sa Paang Bundok o North Cemetery kung saan ibinilin ni Rizal na mailibing.  Ngunit nabalitaan niya na mayroong bagong hukay na libingan sa hindi na ginagamit na sementeryo ng Paco.  Noong hapon daw na iyon, binayaran niya ang mga bantay nito at ipinalagay ang panandang marmol ng kanyang nakabaligtad na initials—RPJ, upang hindi nakawin ang bangkay o hindi ilipat ng mga Espanyol.

Isang paggunita ng mga pamilya at kaibigan sa naging libingan ni Rizal sa Sementeryo ng Paco, 1902.  Larawan mula sa eksibit ng Rizal Sesquicentennial International Conference ng Unibersidad ng Pilipinas noong Hunyo 2011.

Nang masakop ng mga Amerikano ang Maynila matapos ang Mock Battle of Manila, noong Agosto 1898, hinukay na muli ang bangkay ni Rizal at doon napatunayan na inilibing siya ng walang dangal, walang kabaong.

Ang urnong ivory o garing na dinisenyo ni Romualdo Teodoro de Jesus.  Larawan mula kay Dr. Vic Torres.

Ang urnong ivory o garing na dinisenyo ni Romualdo Teodoro de Jesus. Larawan mula kay Dr. Vic Torres.

Dinala sa bahay ni Narcisa sa Binondo ang mga buto, hinugasan at inilagay sa urno garing o ivory na dinisenyo ni Romualdo Teodoro de Jesus.  Doon namalagi ang mga labi ni Rizal hanggang 1912.

Ang ina ni Rizal na si Teodora Alonso habang ipinapamalas ang bungo ng anak sa kanilang tahanan sa Binondo.  Larawan mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Ang ina ni Rizal na si Teodora Alonso habang ipinapamalas ang bungo ng anak sa kanilang tahanan sa Binondo. Larawan mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Ang ina ni Rizal, kung maibigan, ay ipakikita pa sa mga bisita ang bungo ng anak.

Ang paglilipat ng mga Caballeros de Rizal at ng mga mason sa mga labi ni Rizal patungo sa huling hantungan nito sa Luneta de Bagumbayan.  Larawan mula sa In Excelsis ni Felice Prudente Sta. Maria.

Ang paglilipat ng mga Caballeros de Rizal at ng mga mason sa mga labi ni Rizal patungo sa huling hantungan nito sa Luneta de Bagumbayan, Deceber 30, 1912. Larawan mula sa In Excelsis ni Felice Prudente Sta. Maria.

Noong December 29, 1912, mula sa Kalye Estraude sa Binondo, Maynila, ipinrusisyon ng mga mason at ng mga Caballeros de Rizal o Knights of Rizal ang urno patungo sa Ayuntamiento sa Intramuros kung saan buong gabi itong binantayan.

Isang Cabllero ni Rizal habang binabantayan ang mga labi Rizal sa bulwagang marmol ng Ayuntamiento de Manila.  Larawan mula sa In Excelsis ni Felice Prudente Sta. Maria.

Isang Cabllero ni Rizal habang binabantayan ang mga labi Rizal sa bulwagang marmol ng Ayuntamiento de Manila. Larawan mula sa In Excelsis ni Felice Prudente Sta. Maria.

Kinaumagahan, sa isang solemn procession, naglakbay sa huling pagkakataon ang mga labi ni Rizal at inilibing sa magiging paanan ng pambansang monumento para kay Rizal na manggagaling pa sa Switzerland.

Ang mga Caballeros de Rizal (Knights of Rizal) habang dinadala ang mga labi ni Rizal sa isang prusison patungo sa Luneta.  Larawan mula sa koleksyon ni Renato Perdon.

Ang mga Caballeros de Rizal (Knights of Rizal) habang dinadala ang mga labi ni Rizal sa isang prusison patungo sa Luneta. Larawan mula sa koleksyon ni Renato Perdon.

Ngunit hindi lahat ng buto ni Rizal ay nailibing doon.  May nag-iisang piraso, isang vertebra o bahagi ng spine na tinamaan ng bala ang ibinukod at ngayon ay matutunghayan sa isang relikaryo sa Rizal Shrine, ang museo ng pinagkulungan ni sa Fort Santiago.

Ang vertebra ni Rizal na tinamaan daw ng bala.  Nasa Rizal Shrine sa Fort Santiago.  Kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ang vertebra ni Rizal na tinamaan daw ng bala. Nasa Rizal Shrine sa Fort Santiago. Kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ang mangyayaring muling pagsasadula ng paglilibing sa ating National Hero sa Luneta ang siyang tanging pagkakataon na tila magkakaroon muli ng State Funeral si Rizal, ang unang pagkakataon na mapaparangalan ang kanyang mga labi bilang isang malaya at nagsasariling bansa.  Kaya sa prusisyon mula Binondo hanggang Luneta sa umaga ng December 30, 2012, makilahok po tayo!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(PTV, 13 December 2012)