IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: legazpi

XIAO TIME, 8 August 2013: INTRAMUROS: LUNGSOD SA LOOB NG MGA PADER

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

The Building of Intramuros.  Obra maestra ni Fernando Amorsolo.  Mula sa Pacto de Sangre.

The Building of Intramuros. Obra maestra ni Fernando Amorsolo. Mula sa Pacto de Sangre.

8 August 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=j2bltcomixg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  441 years ago, August 20, 1572, sumakabilang buhay si Miguel Lopez de Legaspi, ang conquistador ng mga Islas Filipinas, isang taon lamang matapos nilang itatag ng mga Espanyol ang kolonyal na Lungsod ng Maynila mula sa kaharian ni Rajah Soliman. 

Representasyon ng pagkamatay ni Miguel Lopez de Legaspi sa kanyang nitso sa Simbahan ng San Agustin na nilikha ng Espanyol na iskultor na si Juan Manuel Iriarte sa kagandahang loob ng Ministry of Froeign Affairs ng Espanya.  Mula sa Koleksyon ng Aklatan ng Sinupang Xiao Chua.

Bago siya mamatay, ang lungsod na pinabakuran niya ng kawayan ay mayroon nang mga 150 na mga kabahayan na nakapaloob sa mga parisukat sa pagitan ng mga nagkukrus na daan tulad sa Europa—Roman Grid Pattern, at ang simbahan at monasteryo ng mga unang paring tumungo sa Pilipinas, ang mga Agustino. 

Ang pagtatayo ng mga Espanyol ng mga pader na kahoy sa paligid ng Lungsod ng Maynila.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagtatayo ng mga Espanyol ng mga pader na kahoy sa paligid ng Lungsod ng Maynila. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Noong 1574, ayon sa pinakamadaling basahin at pinakakomprehensibong gabay sa lungsod na isinulat ni Jose Victor Torres, ang Ciudad Murada, ang lungsod na ito ay binigyan ng titulo o karangalan ng Haring Felipe II, sa kanya ipinangalan ang ating bansang Pilipinas, bilang Insigne y siempre leal ciudad (katang-tangi at laging tapat na lungsod). 

Si Xiao Chua at Jose Victor Torres, 2013, mula sa Koleksyon ng Aklatan ng Sinupang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at Jose Victor Torres, 2012, mula sa Koleksyon ng Aklatan ng Sinupang Xiao Chua.

Pabalat ng Ciudad Murada.  Mula sa Aklatan ng Sinupang Xiao CHua.

Pabalat ng Ciudad Murada ni Dr. Vic Torres. Mula sa Aklatan ng Sinupang Xiao Chua.

Haring Felipe Segundo.  Obra maestra ni Antonio moro batay kay Pantoja de la Cruz.

Haring Felipe Segundo. Obra maestra ni Antonio moro batay kay Pantoja de la Cruz.

Ang coat of arms ng Maynila na nagpapakita ng  isang kastilyo bilang sagisag ng Kaharian ng Castille, ang pinakamalaking kaharian sa Espanya, at ang merlion, o ang ultramar na simbolo ng mga Espanyol para sa kapuluang Pilipinas.  Mula kay Dr. Ambeth R Ocampo.

Noong 1574, sumalakay ang piratang Tsino na kinatatakutan ng mga Portuges sa Malacca, mga Olandes, maging ng mga Muslim, si Limahong, kasama ng ilang indio tulad ni Rajah Soliman.  Bagama’t nabigo, kamuntik nang maagaw ang Maynila.  Noong 1587, isang pasaway na kandila ang hindi nabantayan sa burol ni Gob Hen. Gonzalo Ronquillo de Peñalosa sa Simbahan ng San Agustin.  Sinunog nito ang simbahan, sinunog din nito ang buong lungsod. 

Ang pagsalakay ni limahong sa Maynila.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagsalakay ni limahong sa Maynila. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagsalakay ni Limahong.  Detalye mula sa mural ni Carlos V. Francisco na pinamagatang "Filipino Struggles Through History" na nasa Bulwagang Katipunan ng City Hall ng Lungsod ng Maynila.

Ang pagsalakay ni Limahong. Detalye mula sa mural ni Carlos V. Francisco na pinamagatang “Filipino Struggles Through History” na nasa Bulwagang Katipunan ng City Hall ng Lungsod ng Maynila.

Napagtanto ang pangangailangan na gawing mas matibay ang lungsod.  Ang gumawa ng plano ay ang Heswitang si Padre Antonio Sedeño at sinimulang ipatupad ni Goberndor Heneral Santiago de Vera sa pagpapatayo ng mga tanggulang adobe na Fuerza Santiago, at ang pabilog na Nuestra Señora de Guia o Baluarte de San Diego) kapwa sa batong adobe

Baluarte de San Diego.  Planong gawing watch tower (bantayan) ngunit hindi itinuloy, ibinaon sa lupa hanggang aksidenteng madiskubre noong 1979.  Tinanggal  ang lupa at muling isinaayos ng Intramuros Administration.

Isang larawan sa Furza Santiago noong 1903.  Mula sa Wikipedia.

Isang larawan sa Furza Santiago noong 1903. Mula sa Wikipedia.

Ang humalili sa kanya, si Gobernador Heneral Gomez Perez Dasmariñas, ang siyang nagsimulang magpalibot ng buong lungsod sa pader noong Hunyo 1590 sa utos na rin ng hari.  Dalawang beses din kasi siyang pinagtangkaang kikilan ng tributo ng pinunong Hapones na si Hideyoshi.  Hindi lang pader ang kanyang ipinalibot sa lungsod kundi pati na rin mga ilog-ilogan o moat tulad sa mga midyibal na mga kastilyo sa Europa. 

Hideyoshi.  Mula a Wikipedia.

Hideyoshi. Mula a Wikipedia.

Ilog-ilogan na may drawbridge na parang mga kastilyo sa Europa, ito ang Ravelin Real de Bagumbayan.  Mula kay intrepiddreamer.wordpress.com.

Ilog-ilogan na may drawbridge na parang mga kastilyo sa Europa, ito ang Ravelin Real de Bagumbayan. Mula kay intrepiddreamer.wordpress.com.

Ikonikong gareta o bantayan ng Intramuros.

Ikonikong gareta o bantayan ng Intramuros.

Lumang mapa ng Intramuros noong 1713 na ginawa ni Antonio Fernandez Rojas mula sa orihinal ni Antonio Fernandez Rojas.  Nagpapakita ito ng kaayusan ng mga kalsada ayon sa Roman Grid Pattern at ang mga ilog-ilogan o moat na hindi basta-basta ilog kundi may mga harang na maliliit na isla.  Mula sa Ciudad Murada.

Siyempre, hindi ang mga mananakop ang nagtayo nito, kundi ang mga indio.  Sila ang kumuha ng mga batong adobe mula sa Guadalupe sa San Pedro de Makati, sila ang nagpaanod ng mga ito sa ilog, ang nagbuhat at nagtayo ng mga ito.  Ngunit nang matapos, tanging mga pari, opisyal at mga sundalong Espanyol lamang ang tumira at nakinabang. 

Ang pagpapaanod ng mga troso sa mga dagat at ilof ng mga indio sa pagtatatag ng Intramuros.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagpapaanod ng mga troso sa mga dagat at ilof ng mga indio sa pagtatatag ng Intramuros. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagbuhat ng mga indio sa batong adobeng gagamitin sa pagtatayo ng mga pader na nagmula sa Guadalupe sa San Pedro de Makati.

Ang pagbuhat ng mga indio sa batong adobeng gagamitin sa pagtatayo ng mga pader na nagmula sa Guadalupe sa San Pedro de Makati.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagtatayo ng mga indio ng Intramuros.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagtatayo ng mga indio ng Intramuros. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang mga pari at mga opisyal Espanyol ng pamahalaang kolonyal ang tumira sa Intramuros.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang mga pari at mga opisyal Espanyol ng pamahalaang kolonyal ang tumira sa Intramuros. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang mga mayayamang Espanyol ang siyang tumira sa Intramuros.  Nasa Plaza Mayor sila sa harapan ng Palacio del Gobernador.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang mga mayayamang Espanyol ang siyang tumira sa Intramuros. Nasa Plaza Mayor sila sa harapan ng Palacio del Gobernador. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Nakilala ang lungsod sa tawag na Intramuros—nakapaloob sa mga pader.  Ito lamang noon ang lungsod ng Maynila, kung saan naroroon ang lahat ng mahahalagang mga tanggapan ng pamahalaan, mga kumbento at monasteryo, mga paaralan.  Umabot sa mahigit pito ang bilang ng simbahan sa loob nito, ang labas nito ay tinawag na mga arabal o suberbs

Intramuros--Sa Loob ng mga pader. Itong 64 ektaryang lupain na ito ang tanging Lungsod ng Maynila noon.

Intramuros–Sa Loob ng mga pader. Itong 64 ektaryang lupain na ito ang tanging Lungsod ng Maynila noon.

Ang Plaza Complex ng Intramuros ang pinakasentro ng Imperyong Espanyol sa Asya!!!  Mga gusali mula sa kaliwa:  Ayuntamiento (City Hall), Katedral ng Maynila at Palacio del Gobernador.  Mula sa National Media Production Center.

Ang Plaza Complex ng Intramuros ang pinakasentro ng Imperyong Espanyol sa Asya!!!  Mga gusali mula sa kaliwa:  Ayuntamiento (City Hall), Katedral ng Maynila at Palacio del Gobernador.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang San Agustin Church, ang pinakamatandang simbahan sa Pilipinas.  Mula sa San Agustin.

Ang San Agustin Church, ang pinakamatandang simbahan sa Pilipinas. Mula sa San Agustin.

Ang Calle Real.  Mula sa Intramuros of Memory.

Ang Calle Real. Mula sa Intramuros of Memory.

Ang Puerte del Parian kung saan bumbili ang mga Espanyol sa mga mangangalakal na Tsino sa labas ng intramuros.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang Puerte del Parian kung saan bumbili ang mga Espanyol sa mga mangangalakal na Tsino sa labas ng intramuros. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang mga pader ng Intramuros mula sa Binondo at ilog Pasig.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang mga pader ng Intramuros mula sa Binondo at ilog Pasig. Mula sa Pacto de Sangre.

Mapa ng Intramuros at mga Arabales, 1898.

Mapa ng Intramuros at mga Arabales, 1898.

Sa loob ng tatlong siglo, pinrotektahan ng pader ang Pamahalaang Espanyol mula sa lahat ng banta, at ipinakita na mula sa Intramuros dumaloy ang ginhawa para sa kolonya, ang sentro ng Emperyong Espanyol sa Silangan!  Ang Intramuros ay bahagi po ng ating kasaysayan, ingatan po natin ito.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time. (Pook Amorsolo, UP Diliman, 27 July 2013)

Katedral ng Maynila ngayon sa perspektiba ng isang pool ng tubig-ulan.  Mula sa The Intramuros Collection.

Katedral ng Maynila ngayon sa perspektiba ng isang pool ng tubig-ulan. Mula sa The Intramuros Collection.

XIAO TIME, 5 July 2013: ANG PAPEL NI MIGUEL LOPEZ DE LEGAZPI SA ATING KASAYSAYAN

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Miguel Lopez de Legazpi.  Mula sa La Ilustracion Filipina.

Miguel Lopez de Legazpi. Mula sa La Ilustracion Filipina.

5 July 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=ikjETWEEbVk

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Matapos ang pagkasawi ni Magellan sa Mactan, nagpadala ang Hari ng Espanya ng iba pang mga ekspedisyon patungo sa mga kapuluang ito—ang mga ekspedisyon nina Loaysa, Cabot, Saavedra at Villalobos na may tatlong pangunahing misyon:  Makipagkasundo sa mga bayan; magpaumanhin sa mga taga-Cebu sa nangyaring panggagahasa ng mga tauhan ni Magellan; ibalik ang mga labi ni Magellan.

Ang kamatayan ni Magellan, mula sa facebook ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ang kamatayan ni Magellan, mula sa facebook ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Lahat sila ay nabigo.  Marami pa sa mga pinuno nito ay nabihag ng mga karibal na Portuges na hawak ang kalapit na Moluccas o Spice Islands.  Ngunit inutusan ng Hari ng Espanya, Felipe Segundo ang Viceroyalty ng Nueva España sa Mexico na muling magpadala ng isa pang ekspedisyon sa Pilipinas.

Felipe II (Segundo).  Mula sa Pacto de Sangre

Felipe II (Segundo). Mula sa Pacto de Sangre

At si Adelantado Miguel Lopez de Legazpi ang napili.  Naging katuwang niya ang isang paring Agustino, si Padre Andres de Urdaneta, na bago maging pari ay beterano na ng Ekspedisyong Loaysa kaya alam na niya ang ruta patungong Pilipinas at pamilyar na sa pasikot-sikot sa kapuluan.

Isang paglalarawan kay Andres de Urdaneta bilang isang sundalo ni Antonio Valverde.

Isang paglalarawan kay Andres de Urdaneta bilang isang sundalo ni Antonio Valverde.

Padre Andres de Urdaneta

Padre Andres de Urdaneta

Padre Andres de Urdaneta.  Mula sa san Agustin Church.

Padre Andres de Urdaneta. Mula sa San Agustin Church.

Siya ang magiging alas ng ekspedisyon.  Umalis sila ng Mexico noong November 1864 at matapos ang dalawang buwan, nakarating sa Samar noong February 20, 1565.  Sa Bohol, sa pag-aakalang sila ay mga Portuges, nagsilikas sa kabundukan o nag-ilihan ang mga tao ngunit nang malaman ni Rajah Sikatuna na ibang mga tao ito, siya ay nakipagsandugo kay Legazpi, isang punto sa ating kasaysayan ni ipininta ni Juan Luna at ang obra maestra ngayon ay nasa Palasyo ng Malacañan.

Pacto de Sangre.  Ang modelo para kay Legazpi ay ang bayaw ng pintor na si Trinidad Pardo de Tavera.  Si Sikatuna si Jose Rizal.  Obra maestra ni Juan Luna.

Pacto de Sangre. Ang modelo para kay Legazpi ay ang bayaw ng pintor na si Trinidad Pardo de Tavera. Si Sikatuna si Jose Rizal. Obra maestra ni Juan Luna.

Si Pangulong Noynoy Aquino matapos na umakyat sa Palasyo ng Malacanan, nasa likuran niya ang Pacto de Sangre ni Juan Luna.  Mula sa Yes! Magazine.

Si Pangulong Noynoy Aquino matapos na umakyat sa Palasyo ng Malacanan, nasa likuran niya ang Pacto de Sangre ni Juan Luna. Mula sa Yes! Magazine.

Ang tradisyunal na sayt ng Sanduguan na pinatayuan ng monumento na obra maestra ni Napoleon V. Abueva.

Ang tradisyunal na sayt ng Sanduguan na pinatayuan ng monumento na obra maestra ni Napoleon V. Abueva.

Si Prop. Ambeth Ocampo sa aktwal na sayt ng Sanduguan.

Si Prop. Ambeth Ocampo sa aktwal na sayt ng Sanduguan.

Kung para sa mga Boholano, tunay na kapatid na ang turing nila sa mga Espanyol bilang isang dugo na lamang sila, wala naman itong kahulugan sa mga Espanyol at tumalikod din sa kapatirang ito tulad ng binaggit ni Andres Bonifacio sa kanyang “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog.”

Ang ruta ng mga galyon mula Maexico patungong Pilipinas na nadiskubre ni Urdaneta.

Ang ruta ng mga galyon mula Maexico patungong Pilipinas na nadiskubre ni Urdaneta.

Ang ruta ng Ekspedisyon ng Legazpi sa Pilipinas.

Ang ruta ng Ekspedisyon ng Legazpi sa Pilipinas.

Noong April 27, dumating sila sa Sugbu ngunit nilabanan ng mga tauhan ni Rajah Tupas.  Ngunit hindi naglaon, dahil sa mas diplomatikong approach ni Legazpi, nakipagkasundo rin sa mga Espanyol si Rajah Tupas.  Kalaunan, ang Cebu ang naging pinakaunang kolonyal na lungsod sa Pilipinas noong 1571.

Obra maestra ni Fernando Amorsolo na nagpapakita ng pakikitungo ng Legazpi sa mga Pilipino (expolorer-philippines.com)

Obra maestra ni Fernando Amorsolo na nagpapakita ng pakikitungo ng Legazpi sa mga Pilipino (expolorer-philippines.com)

Fort San Pedro sa Cebu, na may monumento ni Legazpi.  Mula sa driftwoodjourneys.com.

Fort San Pedro sa Cebu, na may monumento ni Legazpi. Mula sa driftwoodjourneys.com.

Isang liham ni Miguel Lopez de Legazpi.  Mula sa www.travelandpositiveliving.com.

Isang liham ni Miguel Lopez de Legazpi. Mula sa http://www.travelandpositiveliving.com.

Pirma ni Legazpi.  Mula sa www.travelandpositiveliving.com.

Pirma ni Legazpi. Mula sa http://www.travelandpositiveliving.com.

Ngunit hindi ibig sabihin na nasakop ang Cebu ay nasakop na ang buong Pilipinas, simula lamang ito ng mahabang proseso ng Conquista.  Lumipat siya sa Panay noong 1569, at ginamit ang mga dayuhan ng mga mandirigmang Panayanhon upang tulungan sila sa paggalugad at pananakop ng mga kalabang Moro sa Mindoro at Luzon na nilulusob sila.  Pinamunuan sila ng apo ni Legazpi na si Juan de Salcedo at Martin de Goiti.  Tampuhan ng Bisaya at Tagalog, noon pa pala iyon???

Juan de Salcedo.  Obra maestra ni Dan Dizon.

Juan de Salcedo. Obra maestra ni Dan Dizon.

Rajah Matanda kasama si Legazpi.  Obra ni Dan Dizon.

Rajah Matanda kasama si Legazpi. Obra ni Dan Dizon.

Martin de Goiti, ang namuno sa mga Espanyol na sumagupa sa mga Macabebe.  Mula sa Ayala Museum.

Martin de Goiti, ang namuno sa mga Espanyol na sumagupa sa mga Macabebe. Mula sa Ayala Museum.

"Entrevista de Goiti y Rajah Soliman," and encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Obra maestra ni Fernando Amorsolo.  Mula sa Pacto de Sangre.

“Entrevista de Goiti y Rajah Soliman,” and encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Obra maestra ni Fernando Amorsolo. Mula sa Pacto de Sangre.

Isang taon matapos na matalo ni de Goiti sina Rajah Soliman at ang mga taga-Maynila noong 1570, tumungo doon mismo si Legazpi at itinatag niya kasama ni Padre Urdaneta ang Lungsod ng Maynila, 442 years ago, June 24, 1571 na ginugunita ngayon bilang Araw ng Maynila.

Pagdating ni Legazpi at Urdaneta sa Maynila, 1571.  Mula sa Simbahan ng San Agustin.

Ang sagisag ng kolonyal na Lungsod ng Maynila.

Ang sagisag ng kolonyal na Lungsod ng Maynila.  Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Namatay siya sa kanyang lungsod makalipas ang isang taon, August 20, 1572 at inilibing sa Simbahan ng San Agustin.  Ngayon, ang lumang monumento nina Legazpi at Urdaneta ay ninanakawan at kinakalakal ang mga bakal.  Naku!  Magtigil po kayo!  Bahagi po yan ng kasaysayan!

Ang libingan ni Legazpi at iba pang mga personahe sa San Agustin Church.

Ang libingan ni Legazpi at iba pang mga personahe sa San Agustin Church.

Monumento ni Legazpi at Urdaneta sa Luneta na ipinagawa noong huling bahagi ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas. Mula sa Pacto de Sangre.

Monumento ni Legazpi at Urdaneta sa Luneta na ipinagawa noong huling bahagi ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas. Mula sa Pacto de Sangre.

Ang dating kinalalagyan ng plake at ang estatwa ngayon sa ilalim ng Legazpi-Urdaneta monument noong wala na ito.  Pati daliri nawala.  Kaloka.  Mula sa nostalgiafilipinas.blogspot.com.

Ang dating kinalalagyan ng plake at ang estatwa ngayon sa ilalim ng Legazpi-Urdaneta monument noong wala na ito. Pati daliri nawala. Kaloka. Mula sa nostalgiafilipinas.blogspot.com.

Ang monumento ni Legazpi at Urdaneta ay unti-unting kinikilo.   Mula sa nostalgiafilipinas.blogspot.com.

Ang monumento ni Legazpi at Urdaneta ay unti-unting kinikilo. Mula sa nostalgiafilipinas.blogspot.com.

Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 8 June 2013)