IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: dery

XIAO TIME, 10 June 2013: ANG TUNAY NA KULAY NG ASUL SA ATING WATAWAT

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Para matigil ang away kung sky blue o navy blue ang tunay na kulay ng blue, ginawa na lamang royal blue ito noong 1998 Philippine Centennial.  Kaloka.  Pagtataas ng watawat sa Luneta, mula sa Philippine Daily Inquirer.

10 June 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=A8JZPAO-2ZA

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nagkaroon ng debate sa mga historyador, ano nga ba ang tunay na shade ng kulay bughaw sa ating unang watawat?  Sky blue?  Navy blue?

Isang lumang watawat ng Pilipinas na may nakasulat na "Viva La Republica Filipina! Viva!!!" (Bawal na itong gawin ngayon ayon sa Flag and Heraldic Code).  Dark blue ito.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Isang lumang watawat ng Pilipinas na may nakasulat na “Viva La Republica Filipina! Viva!!!” (Bawal na itong gawin ngayon ayon sa Flag and Heraldic Code). Dark blue ito. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Isang lumang bersyon ng watawat ng Pilipinas, hindi walo ang sinag ng araw ay may bungo at itak pa.  Mula kay Paolo Paddeu.

Isang lumang bersyon ng watawat ng Pilipinas, hindi walo ang sinag ng araw ay may bungo at itak pa. Mula kay Paolo Paddeu.

Detalye ng isa sa mga watawat ni Heneral Emilio Aguinaldo.  Dark Blue din ito.

Detalye ng isa sa mga watawat ni Heneral Emilio Aguinaldo. Dark Blue din ito.

Isang paglalarawan ng disenyo ng unang watawat ng Pilipinas na may araw na may mukha at walong sinag, dark blue naman ito at dahil panahon ng Himagsikan ito ginamit, nakataas ang pula (1898-1901).  Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Mula 1901-1907, ang parehong bandila ngunit nakataas naman ang asul.  Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Mula 1901-1907, ang parehong bandila ngunit nakataas naman ang asul. Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Ang unang bandila na ginawa namang sky blue.  Kaloka.

Ang paglalarawan ng unang bandila na ginawa namang sky blue ang blue. Kaloka.

Matapos ang pag-ban sa pagladlad ng watawat dahil sa Flag Law (1919-1936), ito na ang lumaganap na disenyo, wala na ang araw.  Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Matapos ang pag-ban sa pagladlad ng watawat dahil sa Flag Law (1919-1936), ito na ang lumaganap na disenyo, wala na ang araw. Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Dumami kasi ang disenyo ng bandila kaya ipinatupad ni Pangulong Manuel Luis Quezon ang istandardisayon ng sukat, kulay at disenyo ng pambansang watawat sa pamamagitan ng E.O. 23 noong March 25, 1936.  Tinanggal ang mukha sa araw na dating nakalagay sa unang bandila ni Heneral Emilio Aguinaldo at itinakda na navy blue ang kulay ng asul nito.

Pangulong Manuel Luis Quezon

Pangulong Manuel Luis Quezon

Ang tamang sukat ng ating pambansang bandila.

Ang tamang sukat ng ating pambansang bandila.

Ang bandilang inaprubahan ayon sa tamang sukat noong 1936.  Ang blue ay navy blue.  Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Ang bandilang inaprubahan ayon sa tamang sukat noong 1936. Ang blue ay navy blue. Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Ang bandilang pandigmang Pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.  Nasa taas ang pula.  Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Ang bandilang pandigmang Pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1941-1945). Nasa taas ang pula. Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Ngunit ayon sa ilang historyador tulad nina Teodoro Agoncillo at Luis Camara Dery, azul celeste, light o sky blue ang bandila.  Isa sa mga katibayan nito ang sulat mismo ni Mariano Ponce sa isang kaibigang Hapones kung saan kanyang sinabi, “The blue, color of the sky, means our hope in a future prosperity, through progress.”  The blue, color of the sky?  Edi sky blue.

Teodoro A. Agoncillo, 1985.  Kuha ni Dr. Ambeth R. Ocampo

Teodoro A. Agoncillo, 1985. Kuha ni Dr. Ambeth R. Ocampo

Gemma Cruz-Araneta, Dr. Luis Camara Dery at Xiao Chua sa Pambansang Komisyong ng Pilipinas noong February 17, 2013.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua

Gemma Cruz-Araneta, Dr. Luis Camara Dery at Xiao Chua sa Pambansang Komisyong ng Pilipinas noong February 17, 2013. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua

Mariano Ponce

Mariano Ponce

Ang nadilang Pilipino na sky blue ang blue.  Inaprubahan ni Pangulong Marcos mula 1985 hanggang 1986.  Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Ang nadilang Pilipino na sky blue ang blue. Inaprubahan ni Pangulong Marcos mula 1985 hanggang 1986. Mula sa http://malacanang.gov.ph/.

Isang nag-sky blue na watawat.  Baka luma na.  Mula kay thepinoywarrior.

Isang nag-sky blue na watawat. Baka luma na. Mula kay thepinoywarrior.

Kaya naman, naglabas ang Pangulong Ferdinand E. Marcos ng E.O. 1010 noong February 25, 1985 na nagpapalit ng kulay bughaw patungong sky blue.  Namatay ang isyu matapos ang eksaktong isang taon sa pagkapirma ng utos.  Napatalsik si Marcos ng EDSA.

Mahal na Pangulong Ferdinand  Marcos.  Mula sa repo.assetrecovery.com

Mahal na Pangulong Ferdinand Marcos. Mula sa repo.assetrecovery.com

Ayon naman sa ibang historyador, azul marino, dark o navy blue ang bughaw dahil ito ang kulay ng bandila ng Estados Unidos na pinagbatayan ng mga kulay ng pambansang watawat ayon sa orihinal na dokumento ng pagsasarili, ang Acta.  Tila nag-iba rin ang testimonya ni Ponce dahil sa isang sulat niya kay Ferdinand Blumentritt, gumawa siya ng drowing ng ating watawat at dito makikita na azul oscuro ang bughaw na nasa kalagitnaan ng light blue at navy blue.

Ferdinand Blumentritt.  Mula sa Retrato Filipinas Photo Collection.

Ferdinand Blumentritt. Mula sa Retrato Filipinas Photo Collection.

Dark blue, dahil navy blue ang blue sa watawat ng Estados Unidos.

Dark blue, dahil navy blue ang blue sa watawat ng Estados Unidos.

Sabihin na lamang natin, nagkaroon ng maraming bersyon ng asul ang watawat dahil nang inutos ni Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo na ipakopya ito, kung ano lamang ang mga telang makuha, iyon ang itinatahi.  Tulad ng sinabi ni Dr. Dery, “Rebolusyon, magulo ang panahon.”

Si Heneral Emilio Aguinaldo sa harapan ng Aguinaldo-Suntay flag na siyang pinaniniwalaan ng ilan na isa sa pinakaunang, kung hindi man ang pinakaunang watawat ng Pilipinas.

Si Heneral Emilio Aguinaldo sa harapan ng Aguinaldo-Suntay flag na siyang pinaniniwalaan ng ilan na isa sa pinakaunang, kung hindi man ang pinakaunang watawat ng Pilipinas.

Ngunit noong 1998, tila tinapos na rin ang debate sa pagkapasa ng Flag and Heraldic Code of the Philippines, ang blue ay ginawa na lamang royal blue, yung katamtamang kulay lang ng bughaw.  Pero magandang tanong siguro, ano kaya ang blue na makikita sa blue ng orihinal na bandila na tinahi ni Marcela Agoncillo noong 1898?  Abangan bukas.

Ayon sa Flag and Heraldic Code of the Philippines, ang blue...

Ayon sa Flag and Heraldic Code of the Philippines, ang blue…

... ay royal blue na lamang.  Somewhere in between dark blue and sky blue.

… ay royal blue na lamang. Somewhere in between dark blue and sky blue.

Bakit nga ba mahalaga ang tila mababaw o trivial na usapin ng kulay at mga disenyo ng watawat at ang mga kahulugan nito?  Sapagkat ang pambansang watawat ang sagisag ng lahat ng Pilipino sa buong Pilipinas, at sa buong mundo.  Nararapat lamang na iisa ang disenyo nito.  Para sa bawat umaga na ang mga bata, propesyunal at mamamayan ay manunumpa ng katapatan at magpupugay sa isang himig at isang bandila sa alinmang sulok ng bansa, sumusumpa tayo sa iisang Inang Bayan, na siyang nararapat lamang pagsilbihan ng ating buong isip, salita at gawa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 1 June 2013)

Ang blue ng kasalukuyang watawat ay Royal Blue na!  Mula sa Dambanang Aguinaldo.

Ang blue ng kasalukuyang watawat ay Royal Blue na! Mula sa Dambanang Aguinaldo.

Mga watawat ng Pilipinas sa isang tulay sa Maynila.  Mula sa EPA.

Mga watawat ng Pilipinas sa isang tulay sa Maynila. Mula sa EPA.

Watawat Festival sa Alapan, kung saan natagumpay ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol na nagbunsod sa unang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas.  Mula sa traveltothephilippines.info.

Watawat Festival sa Alapan, kung saan natagumpay ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol na nagbunsod sa unang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas. Mula sa traveltothephilippines.info.

Ang bituwin at araw niya kailan pa ma'y di magdidilim...

Ang bituwin at araw niya kailan pa ma’y di magdidilim…

Nagpupugay tayong lahat sa iisang bandila.  Mula sa Philippine Star.

Nagpupugay tayong lahat sa iisang bandila. Mula sa Philippine Star.

XIAO TIME, 23 May 2013: TARHATA KIRAM: ASTIG NA PRINSESANG MUSLIM

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Prinsesa Tarhata Kiram.  Mula sa Pambansang Aklatan at ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Prinsesa Tarhata Kiram. Mula sa Pambansang Aklatan at ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

23 May 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=eMAJJi8O-ek

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  34 years ago, May 23, 1979, namatay sa sakit sa puso sa edad na 73 ang isang prinsesang Muslim, si Tarhata Kiram sa Victoriano Luna General Hospital sa Lungsod Quezon.

Victoriano Luna General Hospital (AFP Medical Center), dito raw ayon sa mga apo ng prinsesa sumakabilang-buhay si Tarhata Kiram noong 1979.  Reaksyon nila ito sa mga tala na nagsasabing sa Veterans Memorial Hospital namatay ang prinsesa.

Ang naging karera ni Prinsesa Tarhata bilang isang makabayan ay katibayan ng sinabi sa akin ng isang nakatatandang propesor ng kasaysayan ng kasarian sa DLSU Manila, Dr. Luis Camara Dery na kaiba sa ibang mga bansang Islamiko sa daigdig, pinakamalaki ang respeto na ibinibigay sa mga babaeng Pilipinang muslim.  Ito ay dahil sa kultura ng sinaunang bayan bago dumating ang Islam at ang Kolonyalismo, may mataas na rin na pagtingin sa kababaihan.  Ayon sa kanyang mga kaanak, isinilang si Tarhata noong May 24, 1906.  Ama niya si Datu Mawalil Atik Kiram.  Ngunit inampon ng Sultan ng Sulu, Jamalul Kiram II.

Jamalul Kiram II, mula sa jamalashley.wordpress.com.

Jamalul Kiram II, mula sa jamalashley.wordpress.com.

Sa panahon na tila nangibabaw ang patriyarkiya sa bansa, sa mga Muslim man o Kristiyano, winner si Lola!  Dahil prinsesa, mayroon daw siyang grupo ng mga tagasunod na lumalakad sa likuran niya.  Sa kanyang kagandahan, naging pabalat ng Philippines Free Press.  Noong 1920, naging pensionado siya at nagtapos sa University of Illinois, sinamahan siya ng mga groupies niya.

Isang larawan ni Prinsesa Tarhata noong kanyang kabataan (nasa kaliwa).  Mula sa nonlinearhistorynut.com.

Isang larawan ni Prinsesa Tarhata noong kanyang kabataan (nasa kaliwa). Mula sa nonlinearhistorynut.com.

Tarhata Kiram sa America, fashionistang pensionada.

Tarhata Kiram sa America, fashionistang pensionada.

Si Carmen Aguinaldo, anak ni Heneral Emilio Aguinaldo, at si Prinsesa Tarhata Kiram ng Sulu, New York Tribune September 7, 1919.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Si Carmen Aguinaldo, anak ni Heneral Emilio Aguinaldo, at si Prinsesa Tarhata Kiram ng Sulu, New York Tribune September 7, 1919. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ngunit nang matapos ang kanyang edukasyon, nagbalik sa Sulu at kahit may American accent, nagsuot muli siya ng mga kasuotang Tausug at nagbalik sa kanyang pamumuhay.  Medyo may pagkarebelde ang Prinsesa kaya nagpakasal siya sa isang namuno sa 1927 Moro Revolt sa Sulu laban sa mga Amerikano, si Datu Tahil.  Sinamahan niya ito nang matapon sa malayong lugar at nagbalik lamang si Prinsesa Tarhata noong 1931 nang nakilahok siya sa lokal na pulitika.

Ang balikbayang muling niyakap ang kanyang kultura.  Mula sa Yuchengco Museum.

Ang balikbayang muling niyakap ang kanyang kultura. Mula sa Yuchengco Museum.

Nakibaka siya laban sa mga batas na maaaring makasama sa mga Muslim sa Pilipinas, halimbawa ang Bacon Bill, na nilabanan niya kasama si Senador Hadji Butu Rasul dahil ipaghihiwalay nito ang kapuluang Sulu mula sa Mindanao.  Hindi lamang pampulitika, pangsining din ang beauty ni lola, kumatha ng mga awiting Tausug, pinakapopular dito ang “Jolo Farewell.” Naging konsultant ni Rear Admiral Romulo Espaldon, Tanggapan ng Islamic Affairs Regional Commission sa Rehiyon 9.

Senador Hadji Butu Rasul.

Senador Hadji Butu Rasul.

Si Admiral Romulo Espaldon habang nakamasid sa likuran ni Pangulong Ferdinand Marcos habang nagpapasuko ng mga rebeldeng Muslim.  Mula sa Kristiyanismo, niyakap ni Espaldon ang Islam.

Si Admiral Romulo Espaldon habang nakamasid sa likuran ni Pangulong Ferdinand Marcos habang nagpapasuko ng mga rebeldeng Muslim. Mula sa Kristiyanismo, niyakap ni Espaldon ang Islam.

Mula sa jamalashley.wordpress.com:  "Princess Tarhata Kiram holding my sister, Alnahar Mobina Fatima during my sister’s baptism (paggunting). At the center is Sultan Zein ul Abidin II and to his right is my mother, Sitti Rahma Yahya-Abbas"

Mula sa jamalashley.wordpress.com: “Princess Tarhata Kiram holding my sister, Alnahar Mobina Fatima during my sister’s baptism (paggunting). At the center is Sultan Zein ul Abidin II and to his right is my mother, Sitti Rahma Yahya-Abbas”

Nakilala siya sa kanyang pagsusulong ng kapakanan ng kanyang mga kababayang Moro sa pamahalaan.  Sa kanyang pagkamatay noong 1979, hindi lamang ang kanyang dalawang anak na sina Putri Denchurain at Datu Agham Kiram ang kanyang naiwan, naiwan din niya ang sambayanang Moro na kanyang pinagsilbihan sa kanyang buong buhay.  Bilang pagkilala sa kanyang mga nagawa, noong 1984, pinarangalan siya ng estado ng Pilipinas kapwa sa pamamagitan ng paglalagay ng isang historical marker ukol sa kanya sa Jolo mula sa National Historical Institute, at sa paglalabas ng isang tatlong-pisong selyo mula sa Kawanihan ng Koreo.

Ang seremonya ng paglilipat sa mga taga Jolo, Sulu ng isang tandang pangkasaysayan na nagpupugay sa papel ni Tarhata Kiram sa kasaysayan ng Pilipinas noong 1984.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang Php 3.00 selyo na nagpupugay kay Prinsesa Tarhata Kiram.

Ang Php 3.00 selyo na nagpupugay kay Prinsesa Tarhata Kiram.

Si Prinsesa Tarhata Kiram ay isang katibayan na maaring mapanatili ang pagkakakilanlan na Moro habang nakikipagkaisa rin sa bayang Pilipino, at katibayan rin siya ng kontribusyon at lakas ng babaeng Muslim sa Pilipinas—tulad ni PTV Newscaster na si Princess Sittie Habibah Sarip.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

Princess Sittie Habibah Sarip--na gumawa ng kasaysayan bilang unang nakabelong Muslim na nagbasa ng balita sa pambansang telebisyon, siyempre sa makasaysayang Telebisyon ng Bayan.  Mula sa gmanetwork.com

Princess Sittie Habibah Sarip–na gumawa ng kasaysayan bilang unang nakabelong Muslim na nagbasa ng balita sa pambansang telebisyon, siyempre sa makasaysayang Telebisyon ng Bayan. Mula sa gmanetwork.com

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 18 May 2013, pasasalamat sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas at sa apo sa tuhod ni Prinsesa Tarhata Kiram, Sitti Katrina Kiram-Tarsum Nuqui, anak ni Dayang Dayang Putri Pangian Taj-Mahal Kiram Tarsum Nuqui na anak naman ni Prinsesa Denchurain Kiram Tarsum)