IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: death march

XIAO TIME, 9 April 2013: BAKIT APRIL 9 ANG ARAW NG KAGITINGAN (Pagbagsak ng Bataan, Simbolo ng Katapangan at Kabayanihan)

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Poster na “The Fighting Filipinos” na likha ni Michael Rey Isip na ginamit upang humingi ng suporta para sa mga sundalong Pilipino.

Poster na “The Fighting Filipinos” na likha ni Michael Rey Isip na ginamit upang humingi ng suporta para sa mga sundalong Pilipino.

9 April 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=mL6J1Y_Cb4k

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayon ay Araw ng Kagitingan sa Pilipinas, ang espesyal na araw bilang paggunita sa mga bayaning lolo at lola beterano na lumaban para sa ating kalayaan noong World War 2.  Ginugunita nito ang pagbagsak ng Bataan noong April 9, 1942, 71 years ago ngayong araw.

Araw ng Kagitingan, Mt. Samat, April 9, 2011.  Mula sa peysbuk ni PNoy.

Araw ng Kagitingan, Mt. Samat, April 9, 2011. Mula sa peysbuk ni PNoy.

Mga Lolo Beterano.  Mula sa New York Times.

Mga Lolo Beterano. Mula sa New York Times.

Lola Beterano.  Mula sa peybuk ni PNoy.

Lola Beterano. Mula sa peybuk ni PNoy.

Mga sundalong Hapones, nagdiriwang at nagba-banzai sa pagbagsak ng Bataan, April 1942.

Mga sundalong Hapones, nagdiriwang at nagba-banzai sa pagbagsak ng Bataan, April 1942.

Medyo kakatwa lamang dito sa Pilipinas, sa ibang mga bansa sa Kanluran, ang pagtatapos ng digmaan at pagwawagi sa kanilang mga bayan ang itinuturing na Araw ng Tagumpay ngunit bakit sa Pilipinas, bakit ang ginugunita ay ang pagkatalo?  Nakadagdag daw ito sa imahe na ang mga Pilipinong sundalo ay talunan sa digmaan at si Heneral Douglas MacArthur lamang at ang mga Amerikano ang nagpalaya sa atin.

Tagumpay sa Europa, 1945.

Tagumpay sa Europa, 1945.

Ang Prinsesa Elizabeth (magiging Elizabeth II), Reyna Elizabeth, Primer Ministro Winston Churchill, Haring George VI at Prinsesa Margaret sa balkonahe ng Palasyon ng Buckingham noong Araw ng Tagumpay sa Europa, 1945.

Pagdiriwang ng Victory in Europe Day.

Pagdiriwang ng Victory in Europe Day.

Pagdiriwang ng Victory in Europe Day sa Red Square ng mga Ruso.

Pagdiriwang ng Victory in Europe Day sa Red Square ng mga Ruso.

Ang imahe ng "tagapagpalaya ng Pilipinas"--Hen. Douglas MacArthur

Ang imahe ng “tagapagpalaya ng Pilipinas”–Hen. Douglas MacArthur

Ang imahe ng "tagapagligtas" ng mga Pilipino--ang mga G.I. na Amerikano.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Ang imahe ng “tagapagligtas” ng mga Pilipino–ang mga G.I. na Amerikano. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Imahe ng pagkasawi ng mga Pinoy--"Bataan" ni Fernando Amorsolo, 1942, nasa UP Main Library)

Imahe ng pagkasawi ng mga Pinoy–“Bataan” ni Fernando Amorsolo, 1942, nasa UP Main Library)

Ngunit kailangan nating malaman na ang istorya ng Bataan ay hindi lamang kwento ng pagkatalo.  Dahil sa lakas ng pwersang Hapones, nagdesisyon si MacArthur na imbes na kalat-kalat, ipinatawag lahat ang nakararaming pwersang Pilipino at ilan pang mga Amerikano sa Pilipinas tungo sa tangway ng Bataan noong magsimula ang digmaan (War Plan Orange 3).  Naging magaling ang pagtatanggol sa Bataan na matapos ang mahigit isang buwan, umatras bigla ang mga pwersang Hapones noong February 9, 1942.

War Plan Orange 3, magtipon lahat ng pwersang Pilipino-Amerikano upang ma-frustrate ang mga Hapones at harangan ang bukana ng Manila Bay.  Ito ang War Plan Orange 3.

War Plan Orange 3, magtipon lahat ng pwersang Pilipino-Amerikano upang ma-frustrate ang mga Hapones at harangan ang bukana ng Manila Bay. Ito ang War Plan Orange 3.

Pakikipaglaban ng mga pwersang Pilipino-Amerikano sa Bataan

Pakikipaglaban ng mga pwersang Pilipino-Amerikano sa Bataan

Ang mga Battling Bastards ng Bataan, gumagamit ng flame-thrower.

Ang mga Battling Bastards ng Bataan, gumagamit ng flame-thrower.

Battle of the Points.

Battle of the Points.

Battle of Bataan

Battle of Bataan

Battle of the Pockets.

Battle of the Pockets.

Hawak na noon ng mga Hapones ang halos buong Timog Silangang Asya maliban sa Bataan at Corregidor.  Kumbaga tayo ang huling bumagsak.  Sinabi sa mga tagapagtanggol ng Bataan na may mahabang convoy ng mga bagong gamot, pagkain at mga bala ang paparating upang suportahan sila ngunit, nagdesisyon ang presidente ng Amerika na hindi kayang makipagbakbakan ng Amerika sa dalawang kalaban, sa mga Aleman at sa mga Hapones, kaya nagdesisyon ng “Europe First” at ang mga suplay na dapat ay para sa atin ay ipinadala na lamang sa Europa.  Dismayadong lumisan ng Corregidor sina Pangulong Manuel Quezon at si MacArthur kaya nasabi niya “I Shall Return.”  Muling hinarap ng mga pwersang Pilipino-Amerikano ang mga Hapones noong simula ng April 1942 at dahil wala nga ang mga bagong suplay, madaling nagapi ang tagapagtanggol dahil sa matinding gutom at sakit.  Dahil wala nang bala ang mga tagapagtanggol sa istratehikong Mt. Samat, naghulog na lamang sila ng mga malalaking bato sa mga Hapones.  Nakuha ito ng mga Hapones noong April 3, 1942.

Ang Bataan ang Corregidor ang huling bumagsak sa mga Hapones sa Timog Silangang Asya.  Binigkas ng mundo ang katapangan ng Pinoy, "Remember Bataan."  Mula sa Legacy of Heroes

Ang Bataan ang Corregidor ang huling bumagsak sa mga Hapones sa Timog Silangang Asya. Binigkas ng mundo ang katapangan ng Pinoy, “Remember Bataan.” Mula sa Legacy of Heroes

Ang "kataksilan" ng Pamahalaang Amerikano sa mga Pinoy at sariling mga kababayan:  Europe First.  Hindi rin madali na makapasok ang mga Amerikano sa Asya noon.  Mula sa Legacy of Heroes.

Ang “kataksilan” ng Pamahalaang Amerikano sa mga Pinoy at sariling mga kababayan: Europe First. Hindi rin madali na makapasok ang mga Amerikano sa Asya noon. Mula sa Legacy of Heroes.

Ang Dambana ng Kagitingan na itinayo ng Pangulong Ferdinand Marcos na lumaban din sa Bataan.  Natapos noong 1970.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang Dambana ng Kagitingan na itinayo ng Pangulong Ferdinand Marcos na lumaban din sa Bataan. Natapos noong 1970. Kuha ni Xiao Chua.

Ang Dambana ng Kagitingan sa Mt. Samat, Pilar. Bataan.  555 meters above sea level.  Ang krus ay may taas ng 92 feet.

Ang Dambana ng Kagitingan sa Mt. Samat, Pilar. Bataan. 555 meters above sea level. Ang krus ay may taas ng 92 feet.

Handang lumaban ang mga tagapagtanggol patay kung patay ngunit nagpasya ang mga pinunong Amerikano na sumuko na lamang sa mga Hapones.  Kaya noong April 9, 1942, binasa ni Norman Reyes ang mga katagang sinulat ni Salvador P. Lopez upang ipahayag ang pagkasawi, “Bataan has fallen, but the spirit that made it stand—a beacon to all the liberty-loving peoples of the world cannot fail.”

Ang pakikipag-usap ni Major General Edward King, Jr. sa mga Hapones para sa pagsuko ng Bataan.

Ang pakikipag-usap ni Major General Edward King, Jr. sa mga Hapones para sa pagsuko ng Bataan.

Mga sundalong nakikinig sa Voice of Freedom.

Mga sundalong nakikinig sa Voice of Freedom.

Ang ilan sa mga naipong pwersang pilipino-Amerikano sa pagbabantay ng mga Hapones.

Ang ilan sa mga naipong pwersang pilipino-Amerikano sa pagbabantay ng mga Hapones.

Ang mga gutom na sundalong Amerikano.

Ang mga gutom na sundalong Amerikano.

Tapos, pinalakad pa ang natitirang 60-70,000 ng mga sundalong Pinoy at 11,000 na mga Amerikano sa isang death march ng 100 kilometro sa ilalim ng summer sun, mula Mariveles, Bataan patungong Capas Tarlac.

36 Tapos, pinalakad pa ang natitirang 60-70,000 ng mga sundalong Pinoy

Pagsuko ng mga taga-Bataan at ang pagsisimula ng 100-km Death March, 10-15 April 1942.

Pagsuko ng mga taga-Bataan at ang pagsisimula ng 100-km Death March, 10-15 April 1942.

39 mula Mariveles, Bataan patungong Capas Tarlac 38 sa isang death march ng 100 kilometro sa ilalim ng summer sun

Bataan Death March ni Steele.

Bataan Death March ni Steele.

Ngunit hindi ang Bataan ang katapusan ng kwento.  Sumibol ang isang pambansang kilusang gerilya na siyang nagpanalo ng digmaan, mas madali na lamang nakapasok muli ang mga Amerikano at sumuko sa mga gerilya natin si Heneral Tomoyuki Yamashita sa Kiangan noong 1945.  Hindi tayo talunan.  WE WON THE WAR.  Yan ang katotohanan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Andrew Bldg, DLSU Manila, 3 April 2013)

Pagsuko ni Heneral Tomoyuki Yamashita, Tigre ng Malaya, sa Kiangan, Ifugao, September 1945 sa mga gerilya ng Hilagang Luzon.  Mula sa TIME.

Pagsuko ni Heneral Tomoyuki Yamashita, Tigre ng Malaya, sa Kiangan, Ifugao, September 1945 sa mga gerilya ng Hilagang Luzon. Mula sa TIME.

Ang mga Lolo Beterano habang sinasariwa ang panata nila noong sumali sila sa pakikibaka para sa kalayaan.  Mula kay Heitrid Firmantes

Ang mga Lolo Beterano habang sinasariwa ang panata nila noong sumali sila sa pakikibaka para sa kalayaan. Mula kay Heitrid Firmantes

Saludo kami sa inyo Lolo at Lola Beterano sa inyong TAGUMPAY!!!

Saludo kami sa inyo Lolo at Lola Beterano sa inyong TAGUMPAY!!!

MAPALAD ANG INYONG MGA APO (BLESSED ARE YOUR GRANDCHILDREN)

Episode 1 (Bonus feature): Lolas Talk About The War (30 mins.)
Part 1: http://www.youtube.com/watch?v=RlE1m3…
Part 2: http://www.youtube.com/watch?v=xrAuYt…

Episode 2 (Main feature): Sulat Para Kay Lolo at Lola Beterano (15 mins.)
Part 1: http://www.youtube.com/watch?v=srNAeT…
Part 2: http://www.youtube.com/watch?v=4poIYJ…
Letter for Veteran Grandpa and Grandma (w English subtitles)
Part 1: http://www.youtube.com/watch?v=iTzi2L…
Part 2: http://www.youtube.com/watch?v=jdTv5Z…

TAGUMPAY (The first documentary of PVAO, PHA and UST on World War II in the Philippines):
Part 1: http://www.youtube.com/watch?v=CcEXpl…
Part 2: http://www.youtube.com/watch?v=_grZ-J…
Part 3: http://www.youtube.com/watch?v=XEIZgt…

XIAOTIME, 6 March 2013: MAKULAY NA LAKBAY-ARAL SA TARLAC (Tarlac World History Tour)

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 6 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang arqueta na nagtataglay ng sinasabing isang piraso ng kahoy na nagmula sa mismong krus na pinagkamatayan ng ating Mahal na Panginoong Hesukristo na nakalagak ngayon sa Monasterio de Tarlac.

Ang arqueta na nagtataglay ng sinasabing isang piraso ng kahoy na nagmula sa mismong krus na pinagkamatayan ng ating Mahal na Panginoong Hesukristo na nakalagak ngayon sa Monasterio de Tarlac.

6 March 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=-BBxGjsSfdo

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa subject na World History, kaiba sa mga iba pang mga subject sa paaralan, ang hirap umisip ng lakbay-aral para dito.  Hindi naman tayo puwedeng basta-basta tumungo lahat sa mga Pyramid sa Ehipto, o sa Great Wall of China!

Ang Lalawigan ng Tarlac

Ang Lalawigan ng Tarlac

Mayroon akong mungkahi.  Isang konseptong aking nilkha para sa World History na pupuntahan ang isang lalawigan na hindi gaanong naiisip sa mga lakbay-aral na ito—Ang lalawigan ng Tarlac!  Ito ang tinatawag kong “Tarlac World History Tour:  The Philippines and the World.”

Aquino Center, Tarlac City.

Aquino Center, Tarlac City.

05 Narito ang ilang mahahalagang memorabilia nina Ninoy at Cory Aquino

First stop:  Ang Aquino Center sa San Miguel, Tarlac City.  Narito ang ilang mahahalagang memorabilia nina Ninoy at Cory Aquino, ang mag-asawang naging inspirasyon ng People Power sa bansa noong 1986, kabilang na ang kanyang mga diary sa kulungan, at ang replica ng kulungang ito, at ang duguang damit na suot niya nang siya ay mamartir.

Pahina ng diary ni Ninoy sa kulungan na nakabukas sa unang araw ng kanyang hunger strike.  Panginoon ko, tanging si Cory lamang daw ang nakakaintindi ng sulat niya.  Kuha ni Xiao Chua, sa kagandahang loob ng Aquino Center.

Ang replica ng kulungan ni Ninoy sa Fort Bonifacio sa loob ng Aquino Center.  Cool.  Kuha ni Xiao Chua, sa kagandahang loob ng Aquino Center.

Ang replica ng kulungan ni Ninoy sa Fort Bonifacio sa loob ng Aquino Center. Cool. Kuha ni Xiao Chua, sa kagandahang loob ng Aquino Center.

Duguang white safari suit ni Ninoy nang siya ay mamartir noong August 21, 1983.

Duguang white safari suit ni Ninoy nang siya ay mamartir noong August 21, 1983.

Dito maaaring maikwento ang lugar ng ating People Power sa hanay ng mga kilusan para sa demokrasya sa daigdig, isang modelo nang matagumpay na mapayapang pagtatanggal sa isang diktadura na ginagaya hanggang ngayon ng ibang bansa.  Ang paggalang na ito ay makikita sa mga magagandang state gifts na ibinibigay noon sa Pangulong Cory ng iba’t ibang pinuno sa daigdig.

Ang tanda ng pagbibigay galang ng mga pinuno ng daigdig kay Cory:  Paggawad sa kanya ng order of chrysanthemum.  Kuha ni Karen Lacsamana-Carrera, manager ng Aquino Center.

Ang tanda ng pagbibigay galang ng mga pinuno ng daigdig kay Cory: Paggawad sa kanya ng order of chrysanthemum. Kuha ni Karen Lacsamana-Carrera, manager ng Aquino Center.

Kimona na inihandog kay Cory Aquino.

Kimona na inihandog kay Cory Aquino.

Ang Martin Luther King, Jr. Non-Violent Peace prize na iginawad kay Cory Aquino ng balo ng martir na si Coretta Scott-King.  Kuha ni Karen Lacsamana-Carrera, manager ng Aquino Center.

Ang Martin Luther King, Jr. Non-Violent Peace prize na iginawad kay Cory Aquino ng balo ng martir na si Coretta Scott-King. Kuha ni Karen Lacsamana-Carrera, manager ng Aquino Center.

Kamakailan lamang, bumisita ang mga kaguruan ng Miriam College sa pamumuno ni Dr. Victoria Apuan sa Aquino Center at nagpakuha ng retrato kasama ang lakbay-guro nilang si Xiao Chua, ang manager ng Aquino Center na si Karen Carrera, at ang dalawang bagong mga monumento nina Ninoy at Cory.

Second Stop:  Ang Tarlac Eco-Tourism Park.  Sa napakagandang pasyalan at simbahan na ito sa itaas ng isang bundok sa San José, Tarlac na ipinatayo ng yumaong gobernador ng Tarlac José “Aping” Yap makikita ang isang estatwa ni Hesukristo na katulad ng makikita sa Rio de Janeiro, at isang Monasterio na pinangangalagaan ng Servants of the Risen Christ kung saan maaaring masilayan at mahawakan ang arqueta na nagtataglay ng isa raw bahagi ng tunay na krus kung saan namatay ang mahal na Panginoon.

Monasterio de Tarlac sa tuktok ng isang bundok sa San Jose, Tarlac.  Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Monasterio de Tarlac sa tuktok ng isang bundok sa San Jose, Tarlac. Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Ang tanawin mula sa Monasterio.  Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Ang tanawin mula sa Monasterio. Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Yumaong Congressman Jose "Aping" V. Yap.

Yumaong Congressman Jose “Aping” V. Yap.

Ang Kapilya ng Banal na Krus kung saan matatagpuan ang arqueta na nagtataglay ng diumano'y bahagi ng orihinal na krus ni Kristo.

Ang Kapilya ng Banal na Krus kung saan matatagpuan ang arqueta na nagtataglay ng diumano’y bahagi ng orihinal na krus ni Kristo.

Altar ng kapilya ng banal na krus.

Si Xiao Chua habang nagdidiskurso ukol sa pagkamatay ni Hesukristo sa harapan ng altar ng kapilya ng banal na krus, July 6, 2011.

Larawan ng lalagyan ng bahagi ng sinasabing orihinal na krus ni Kristo na nasa loob ng arqueta.  Mula kay Virgilio "Ver" Buan.

Larawan ng lalagyan ng bahagi ng sinasabing orihinal na krus ni Kristo na nasa loob ng arqueta. Mula kay Virgilio “Ver” Buan.

Kuha ng mga estudyante ni Xiao, July 6, 2011.

Kuha ng mga estudyante ni Xiao, July 6, 2011.

Ang tanging Vatican-approved relic ng krus na nasa Asya na ipinaubaya sa atin ng isang nagsasarang monasteryo sa Alemanya noong 2005.  Dito maaaring talakayin ang halaga ng krus at ng mga holy relics na ito sa kasaysayan ng paglago Kristiyanismo, paano napadpad ang Katolisismo sa Pilipinas, at ang lugar natin bilang tanging Katolikong bansa sa Asya.

Ang Capas National Shrine na gumugunita sa Death March noong Abril 1942.  Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Ang Capas National Shrine na gumugunita sa Death March noong Abril 1942. Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Third Stop, Capas National Shrine, kung saan nagtapos ang 100 kilometrong kalbaryo ng mga sundalong Pilipino-Amerikano noong Abril 1942 na tinawag na “Death March.”  Dito sa Camp O’Donnell, maaaring ituro na sa kabila ng pagkasawing ito naipakita ang kabayanihan ng mga gerilyerong Pinoy na sa huli ay nagtagumpay din laban sa mga Hapones at nakapag-ambag sa buong pagwawagi ng digmaang Pasipiko.

Larawan ng pagsuko sa Bataan na sinundan ng pagpapalakad ng isandaang kilometro sa mga sundalong Pilipino-Amerikano, ang Death March.

Larawan ng pagsuko sa Bataan na sinundan ng pagpapalakad ng isandaang kilometro sa mga sundalong Pilipino-Amerikano, ang Death March.

Ang dustang kalagayan ng mga sundalong Pilipino-Amerikano sa concentration camp ng mga Hapones sa Kampo O'Donnell, Capas, Tarlac.  Kumalat ang mga sakit dahil sa masikip na pinagkakasya sila sa mga barracks.  Mula sa Pambansang Sinupan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Ang dustang kalagayan ng mga sundalong Pilipino-Amerikano sa concentration camp ng mga Hapones sa Kampo O’Donnell, Capas, Tarlac. Kumalat ang mga sakit dahil sa masikip na pinagkakasya sila sa mga barracks. Mula sa Pambansang Sinupan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Ang mahabang prusisyon ng mga namamatay sa Kampo O'Donnell, mas matindi pa kaysa sa Death March.

Ang mahabang prusisyon ng mga namamatay sa Kampo O’Donnell, mas matindi pa kaysa sa Death March.

34 sa buong pagwawagi ng digmaang Pasipiko

Ang mga pangalan ng mga lumaban noong digmaan ay nakaukit sa itim na mga bato sa paligid ng malaking monumento.  Nahanap ang mga pangalan sa pananaliksik ni Dr. Ricardo Trota Jose.  Kuha ni Xiao Chua

Ang mga pangalan ng mga lumaban noong digmaan ay nakaukit sa itim na mga bato sa paligid ng malaking monumento. Nahanap ang mga pangalan sa pananaliksik ni Dr. Ricardo Trota Jose. Kuha ni Xiao Chua

35 Makikita sa paligid ng mataas na monumento

Makikita sa paligid ng mataas na monumento ang pangalan ng mga Pilipinong lumaban sa digmaan.  Ang mga lakbay-aral ay isang lehitimong gawain na pinahihintulutan dahil alam naman natin na ang edukasyon ay hindi dapat magtapos sa apat na sulok ng klasrum, lalo na kung ito ay responsableng ginagawa.

Ang mga estudyante ni Xiao Chua sa De La Salle University sa plaza ng Lungsod ng Tarlac, July 6. 2011.

Ang mga estudyante ni Xiao Chua sa De La Salle University sa plaza ng Lungsod ng Tarlac, July 6. 2011.

Hindi naman makatwiran na tuluyang ipagbawal ito dahil itinataguyod din nito ang kabuhayan ng dulot ng lokal na turismo, at iilan lamang naman na malungkot na insidente ng aksidente ang nangyari.  Hindi ba’t hindi naman kailangan sunugin ang buong bahay kung inanay lang naman ang isang bahagi nito?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.