IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: china

XIAO TIME, 20 May 2013: ANG USAPING TAIWAN AT ANG ONE CHINA POLICY

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Jiang Jieshi (Chiang Kai-Shek) at Mao Zedong nang mag-alyansa laban sa mga mananakop na Hapones sa Tsina.  Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, laban ulit sila.  Ang epekto ng away nila hanggang ngayon nadarama natin sa Timog Silangang Asya.

20 May 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=pDmeZjVMh74

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong May 9, 2013 isang nakalulungkot na pangyayari ang naganap sa pagitan ng mga Coast Guard natin at mga mangigngisdang Taiwanese na ikinamatay ng isa sa kanila.  Iniimbestigahan na ito.

Iang bapor ng Philippine Coast Guard sa Balintang Channel sa Batanes.

Iang bapor ng Philippine Coast Guard sa Balintang Channel sa Batanes.

Ang mga kaanak ng mangingisdang namatay sa Balintang Channel nang makita ang kanilang mahal sa buhay.  Mula sa globalbalita.com.

Ang mga kaanak ng mangingisdang namatay sa Balintang Channel nang makita ang kanilang mahal sa buhay. Mula sa globalbalita.com.

Nag-demand ng formal apology ang pamahalaan ng Taiwan mula sa gobyerno ng Pilipinas, gayundin ipinagbawal na ang pagbibigay ng mga permit para makapaghanapbuhay ang mga Pilipino doon.  Hindi rin tinanggap ng premier ng Taiwan na si Jiang Yi-huah ang mga paghingi ng paumanhin mula sa isang spokesperson ng ating pangulo at ng special envoy natin na si Amadeo Perez, chairman ng ating Manila Economic and Cultural Office (MECO) doon, isang paumanhin na mula sa “People of the Philippines.”

Paghiling ng mga Taiwanese ng pormal na protesta.  Mula sa globalpost.com

Paghiling ng mga Taiwanese ng pormal na protesta. Mula sa globalpost.com

Mula sa washingtonpost.com

Mula sa washingtonpost.com

Si Pangulong Noynoy Aquino na ipinapakita bilang isang pirata sa isang protesta.  Mula sa ibtimes.com

Si Pangulong Noynoy Aquino na ipinapakita bilang isang pirata sa isang protesta. Mula sa ibtimes.com

Sa Hongkong, may mga kumampi rin sa mga Taiwanese at nakipagprotesta.

Sa Hongkong, may mga kumampi rin sa mga Taiwanese at nakipagprotesta.

Pagsusunog ng bandilang Pilipino.  Mula sa inquirer.net.

Pagsusunog ng bandilang Pilipino. Mula sa inquirer.net.

Pagsusunog ng bandilang Pilipino ng mga nagpoprotestang Taiwanese.

Pagsusunog ng bandilang Pilipino ng mga nagpoprotestang Taiwanese.

Pagsusunog ng bandilang Pilipino ng mga nagpoprotestang Taiwanese.  Mula sa shanghaidaily.com

Pagsusunog ng bandilang Pilipino ng mga nagpoprotestang Taiwanese. Mula sa shanghaidaily.com

Pagsusunog ng bandilang Pilipino ng mga nagpoprotestang Taiwanese.  Mula sa asianjournal.com.

Pagsusunog ng bandilang Pilipino ng mga nagpoprotestang Taiwanese. Mula sa asianjournal.com.

Premier Jiang Yi-huah sa isang news conference ukol sa Isyung Pilipino.  Mula sa inquirer.net.

Premier Jiang Yi-huah sa isang news conference ukol sa Isyung Pilipino. Mula sa inquirer.net.

Jiang Yi-huah.  Mula sa wantchinatimes.com.

Jiang Yi-huah. Mula sa wantchinatimes.com.

Spokesperson Edwin Lacierda.  Mula sa remate.ph.

Spokesperson Edwin Lacierda. Mula sa remate.ph.

Amadeo Perez, Chairman ng Manila Economic and Cultural Office (MECO)

Amadeo Perez, Chairman ng Manila Economic and Cultural Office (MECO)

Sabi ng premier ng Taiwan, dapat magmula ang pag-sorry mula sa “government of the Philippines.”  Ngunit bakit hindi na lamang ito basta-basta gawin ng pamahalaan, o ipadala ang pangalawang pangulo natin.  Bakit hindi basta-basta nagkokomento ang ating Department of Foreign Affairs sa kapakanan ng 85,000 manggagawang Pilipino doon, ilan sa kanila nakararanas na ngayon ng pang-aapi at pananakit mula sa ilang mamamayan ng Taiwan.

Mga OFW sa Taiwan.  Mula sa remate.ph.

Mga OFW sa Taiwan. Mula sa remate.ph.

Isa sa mga nasaktan sa pananakit ng ilang Taiwanese sa mga Pilipino.

Isa sa mga nasaktan sa pananakit ng ilang Taiwanese sa mga Pilipino.

Mga Taiwanese na may baseball bat na handang ihataw sa mga Pilipino.

Mga Taiwanese na may baseball bat na handang ihataw sa mga Pilipino.

Ito kasi ay isang masalimuot na diplomatikong usapin na may ugat sa kasaysayan.  Liwanagin natin.  Noong 1949, nagtapos ang digmaang sibil sa Tsina sa pagitan ng pamahalaang Kuomintang sa pangunguna ni Heneralisimo Chiang Kai Shek (Jiang Jieshi), pangulo ng Republika ng Tsina (ROC) at ng mag rebeldeng komunista sa pamumuno ni Tagapangulong Mao Zedong.  Nagwagi sina Mao at si Chiang Kai Shek naman at ang kanyang pamahalaan ay lumikas sa isla ng Taiwan upang ipagpatuloy ang kanyang pamahalaan, ang ROC, at ituring na sila pa rin ang tunay na mga namumuno sa buong Tsina, in-exile nga lang.

Chiang Kai-shek (Jiang Jieshi).  Mula sa cliptank.com.

Chiang Kai-shek (Jiang Jieshi). Mula sa cliptank.com.

Si Mao Zedong nang iproklama niya ang pagtatatag ng People's Republic of China, October 1, 1949.

Si Mao Zedong nang iproklama niya ang pagtatatag ng People’s Republic of China, October 1, 1949.

Isang napakagandang romantikong paglalarawan ng pagproklama ni Mao sa pagkakatatag ng People's Republic of China sa Tiananmen Square.  Mula sa TIME.

Isang napakagandang romantikong paglalarawan ng pagproklama ni Mao sa pagkakatatag ng People’s Republic of China sa Tiananmen Square. Mula sa TIME.

Isa ng Taiwan, kung saan ipinagpatuloy nina Chiang ang Republic of China.

Isa ng Taiwan, kung saan ipinagpatuloy nina Chiang ang Republic of China.

Ang komunistang People’s Republic of China (PRC) ay naging isa sa pinakalamaking ekonomiya sa daigdig at noong 1970s, kinailangang buksan ni First Lady Imelda Marcos ang diplomatikong relasyon natin sa Tsina.  Isa sa implikasyon nito na kailangan kilalanin na isa lamang ang Tsina at ito ang PRC—One China Policy.

Nang halikan ni Mao Zedong ang kamay ng Unang Ginang Imelda Marcos, ang asawa ng pangulong nagpakulong at nantortyur sa mga Maoista ang siya ring pangulo na magbubukas ng pintuan ng ugnayan sa People's Republic of China noong Dekada 1970s.

Nang halikan ni Mao Zedong ang kamay ng Unang Ginang Imelda Marcos, ang asawa ng pangulong nagpakulong at nantortyur sa mga Maoista ang siya ring pangulo na magbubukas ng pintuan ng ugnayan sa People’s Republic of China noong Dekada 1970s.

Ang Tsina at ang Taiwan.

Ang Tsina at ang Taiwan.

In short, para sa atin, hindi natin kinikilala ang Taiwan ROC na isang estado, probinsya lamang ito ng Tsina, kaya hindi tayo basta-basta maaaring magbigay ng sorry bilang isang pamahalaan o makitaan man lamang ng anumang pagkilalang diplomatiko sa Taiwan dahil maaari tayong lumabag sa polisiyang isa lamang ang Tsina at iprotesta naman ito ng mas malaking Tsina.  Kaya MECO lamang at wala tayong embahada doon.

Amadeo Perez, Chairman ng Manila Economic and Cultural Office (MECO)

Amadeo Perez, Chairman ng Manila Economic and Cultural Office (MECO)

Manila Economic and Cultural Office (MECO)

Manila Economic and Cultural Office (MECO)

Isa rin sa ipinapakita ng media nila doon ay hindi raw tayo sinsero sa paghingi ng tawad dahil nakangiti pa rin ang pangulo at ang saya-saya sa Pilipinas.  Teh, malamang po ay eleksyon, at ang Pangulong Noynoy Aquino, ayon nga sa isang komentarista sa radio in fairness, ay may mukhang hindi sumisimangot, laging nakangiti.  Kultural ito, pansinin niyo na kahit may malaking problema tayong kinakaharap, napapakamot lang tayo ng ulo at napapangiti.  Coping mechanism lamang ito para hindi gaanong bumigat ang mahirap na nating buhay.

Nakangiting Pangulong Noynoy Aquino nang bumoto sa Tarlac at kinunan ng reaksyon ukol sa Isyung Taiwan at ng halalan 2013.  E ano bang problema kung nakangiti, at least hindi supladito.  Mula sa inquirer.net.

Kritikal na paglalarawan kay PNoy ng mga dyaryong Hongkong na nakangiti noong Hostage Crisis sa Luneta noong August 2010.

Kritikal na paglalarawan kay PNoy ng mga dyaryong Hongkong na nakangiti noong Hostage Crisis sa Luneta noong August 2010.

Si PNoy, Pinoy na Pinoy.

Si PNoy, Pinoy na Pinoy.

Mahirap ngunit nakangiti. Mula sa poverties.org.

Mahirap ngunit nakangiti. Mula sa poverties.org.

Sana mas maintindihan natin ang kultura ng bawat isang bayan at alam kong hindi natin gagawin sa mga Taiwanese dito ang ginagawa nila sa ating mga kababayan.  Hindi tayo ganoong klaseng bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 17 May 2013)

XIAO TIME, 20 March 2013: ANG ISTORYA NG BUHAY NI MARIANO PONCE (Ponce@150)

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries, earlier, 20 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Jose Rizal, Marcelo del Pilar at ...Sino nga ba yung nakaupo na iyon??? Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Jose Rizal, Marcelo del Pilar at …Sino nga ba yung nakaupo na iyon??? Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

20 March 2013, Wednesday:

Xiao Chua’s speech at the official national commemoration of the 100th death anniversary of Mariano Ponce in Baliuag, Bulacan, 23 May 2018 documented by Giovanni Labao.

Xiao Time Ponce @150

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  May isang pamosong retrato sa ating kasaysayan na nagpapakita ng ating tatlong heroes sa Espanya noong 1890.  Kilala ng halos lahat ng tumitingin si José Rizal dahil sa kanyang unmistakable one-sided emo hair at si Marcelo H. del Pilar dahil sa kanyang mala-Pringles na bigote, pero ang nakaupo—oo siya nga si Mariano Ponce.  Pero kilala nga ba talaga natin si Mariano Ponce?

aaaah.  Si Mariano Ponce.

aaaah. Si Mariano Ponce.

150 years ago sa Biyernes, March 22, 1863, isinilang siya sa Baliuag, Bulacan.  Nag-aral sa Letran at UST bago tumulak pa-España noong 1881 upang mag-aral ng medisina at samahan ang Kilusang Propaganda na humihingi ng reporma sa mga mananakop na Espanyol.  Patnugot siya ng poetry section ng kilusan, at sa La Solidaridad na kanyang itinatag noong 1889, sumulat sa alyas na Naning, ang kanyang palayaw, Tikbalang, at Kalipulako, ang inaakalang orihinal na pangalan ni Lapu-Lapu.

Mariano Ponce, mula sa Vibal Foundation, Inc.

Mariano Ponce, mula sa Vibal Foundation, Inc.

Kalipulako, ang tunay na pangalan ni Lapulapu, ay isang alyas ni Mariano Ponce.

Kalipulako, ang tunay na pangalan ni Lapulapu, ay isang alyas ni Mariano Ponce.

Matapos maaresto sa Pilipinas ng dalawang araw sa pagsiklab ng himagsikan, tumakas pa-Pransiya at hindi naglaon sa Hongkong upang sumama sa ilang Tsino at Tsinoy na nangampanya para sa Pilipinas sa labas ng bansa, ang Junta Revolucionaria.

Junta Revolucionaria sa Hongkong.

Junta Revolucionaria sa Hongkong.

Siya ang naghanda ng balangkas para sa pamahalaang rebolusyunaryo sa muling pag-uwi ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Pilipinas, naging isa sa pinakauna nating mga diplomat at pumunta sa Yokohama, Japan upang bumili ng amunisyon para sa rebolusyon ngunit lumubog ang segunda manong barko dahil sa bagyo at hindi nakarating ang mga bala sa Pilipinas.  Kung titingnan ang larawang ito na kinunan sa Yokohama, naging magkaibigan pala sila ni Sun Yat Sen, ang Ama ng Modernong Bansang Tsina.

Sun Yat Sen, unang pangulo ng modernong Republika ng Tsina.  Close sila ni Ponce.

Sun Yat Sen, unang pangulo ng modernong Republika ng Tsina. Close sila ni Ponce.

Sino si Sun?  Sino si Ponce?

Sino si Sun? Sino si Ponce?

Nakakaloko ang larawan na ito, mapagkakamalan mong si Sun Yat San ang naka-kimono, yun pala, siya ang naka-amerikana habang si Ponce, ang Pilipino, ang naka-kimono.  Asteeeg!  Pinahiram pa ni Ponce si Sun ng mga baril na nabili nila sa isang Mr. Nakamura.  Sabi nga ni Ambeth Ocampo, nakamura nga sila pero niloko naman.  Puro mga kalakal na bakal ang nasa shipment.  Na-swindle sila.

Ang titulo ng larawan na ito ay "Sun Yat Sen meeting reporter of Look in Japan 1901."  Kung ang tinutukoy ay ang nakaupong lalaki sa gitna, obviously, nasa lugar sila ng mga Pilipinong makabayan, makikita si Ponce na naka-kimono at ang kopya ng La Independencia na nakasabit sa tabi niya.  Mula sa Wikipedia.

Ang titulo ng larawan na ito ay “Sun Yat Sen meeting reporter of Look in Japan 1901.” Kung ang tinutukoy ay ang nakaupong lalaki sa gitna, obviously, nasa lugar sila ng mga Pilipinong makabayan, makikita si Ponce na naka-kimono at ang kopya ng La Independencia na nakasabit sa tabi niya. Mula sa Wikipedia.

Matapos maglakbay sa Tsina, Indo-Tsina, Cambodia at Thailand bumalik sa Maynila kasama ng asawang Hapones, at nahalal pang kinatawan ng ikalawang distrito ng Bulacan sa Philippine Assembly.

Si Gobernador Heneral William Cameron Forbes kasama sa kanan si Mariano Ponce, isa sa kanyang mga tagapayo.

Si Gobernador Heneral William Cameron Forbes kasama sa kanan si Mariano Ponce, isa sa kanyang mga tagapayo.  Mula kay Austin Craig.

Sinulat niya ang kanyang alaala Cartas Sobre la Revolucion.  Ang lolo mo rin ang isa sa unang popular historian, kolumnista siya ng mga historikal na pitak sa kanyang Filipino Celebres at Efemerides Filipinas kasama si Jayme C. de Veyra.  Sinusundan siya ng mga katulad nina Carmen Guerrero Nakpil, Ambeth Ocampo, at Jaime Veneracion.

Jayme C. de Veyra, katuwang ni Ponce sa kanyang historical column na Efemerides Filipinas.

Jayme C. de Veyra, katuwang ni Ponce sa kanyang historical column na Efemerides Filipinas.

Anak ni Ponce:  Historical columnist Carmen Guerrero Nakpil kasama si Xiao Chua.

Anak ni Ponce: Historical columnist Carmen Guerrero Nakpil kasama si Xiao Chua.

Anak ni Ponce:  Historical columnist Lamberto Ambeth" Ocampo kasama si Xiao Chua.

Anak ni Ponce: Historical columnist Lamberto “Ambeth” Ocampo kasama si Xiao Chua.

Anak ni Ponce:  Historical columnist Jaime B. Veneracion kasama si Xiao Chua.

Anak ni Ponce: Historical columnist Jaime B. Veneracion kasama si Xiao Chua.

Sa kanyang pagtungo sa Hongkong upang bisitahin ang kanyang kaibigang si Sun yat Sen, namatay siyang bigla sa Civil Hospital ng Hongkong noong May 23, 1918 sa edad na 55.  Sa iyong kaarawan, patawarin mo kami Mariano Ponce na hindi namin nababanggit lagi ang kontribusyon mo.  Nais ka pa naming na lalong makilala.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 16 March 2013)

30 namatay siyang bigla sa Civil Hospital ng Hongkong noong May 23, 1918 sa edad na 55 31 Sa iyong kaarawan, patawarin mo kami Mariano Ponce