XIAO TIME, 23 October 2013: PAGPATAY KAY CONG. FLORO CRISOLOGO SA LOOB NG KATEDRAL NG VIGAN

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang duguan at walang buhay na katawan ni Cong. Floro Singson Crisologo na nakahandusay sa sahig ng Katedral ng Vigan, October 18, 1970.  Mula sa Crisologo Museum.

Ang duguan at walang buhay na katawan ni Cong. Floro Singson Crisologo na nakahandusay sa sahig ng Katedral ng Vigan, October 18, 1970. Mula sa Crisologo Museum.

23 October 2013, Wednesday: http://www.youtube.com/watch?v=5-V_wdDJkO8

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ang Vigan ay isang tourist destination na mapayapa at maunlad.  Hindi natin sukat akalain na noon pook pala ito ng mga malalagim na pangyayari.  43 years ago, October 18, 1970, naganap ang isang malagim ng trahedya.

St. Paul's Cathedral sa Vigan, Ilocos Sur.  Pook ng malagim na trahedya.  Kuha ni Xiao Chua.

St. Paul’s Cathedral sa Vigan, Ilocos Sur. Pook ng malagim na trahedya. Kuha ni Xiao Chua.

Habang nakaluhod at nagdarasal sa isang misa sa St. Paul’s Cathedral sa Vigan, Ilocos Sur, si Congressman Floro Singson Crisologo, bigla na lamang itong binaril sa likod ng kanyang ulo, at habang nakahandusay, may isa pang lalaking bumaril sa kanyang puso.  Tumakas patungong Plaza Burgos ang dalawang salarin at naglaho sa mga makasaysayang kalye ng Vigan.

Ang rta na tinakasan ng mga salarin ayon sa mga nakasaksi.  Mula sa Crisologo Museum.

Ang rta na tinakasan ng mga salarin ayon sa mga nakasaksi. Mula sa Crisologo Memorabilia Museum.

Ang brutal na pagpatay kay Cong. Floro Singson Crisologo sa loob ng Katedral ng Vigan, October 18, 1970.

Ang brutal na pagpatay kay Cong. Floro Singson Crisologo sa loob ng Katedral ng Vigan, October 18, 1970.  Mula sa Crisologo Memorabilia Museum.

Mula sa Crisologo Museum.

Mula sa Crisologo Memorabilia Museum.

Hanggang ngayon, cased unclosed ito.  Sa dami ng nakaaway sa pulitika ng kongresista hindi malaman kung sino nga ba ang utak ng pagpatay.  Ang asasinasyon sa kanya ay larawan ng magulong sitwasyong pulitikal noon sa Ilocos Sur na sinasalamin ng mismong poster ni Crisologo, “O Lord, make us Keep the Ballots clean to help our people, use the Bullets well to defend the oppressed, pray the Beads always to save our souls.”  Patayan ng patayan ang mga magkakalaban sa pulitika.

Floro Singson Crisologo, obra maestra sa loob ng Crisologo Memorabilia Museum sa Vigan, Ilocos Sur.

Floro Singson Crisologo, obra maestra sa loob ng Crisologo Memorabilia Museum sa Vigan, Ilocos Sur.

05 Poster ni Crisologo

Ang komprontasyon nina Bingbong at Floro Crisologo laban kina Chavit Singson na panakaw na nakuhanan ng mga potograpo.

Ang komprontasyon nina Bingbong at Floro Crisologo laban kina Chavit Singson na panakaw na nakuhanan ng mga potograpo.

Ang dinastiyang Crisologo ay nagsimula nang maging delegado ng Malolos Congress noong 1898 at gobernador ng Ilocos Sur noong 1901 ang bayani ng rebolusyon at manunulat na si Marcelino “Mena” Crisologo.  Ilang terminong naging kongresista si Floro Crisologo mula 1946, matapos niyang ipagtanggol ang bayan laban sa Hapones sa Bessang Pass bilang bahagi ng USAFIP-Northern Luzon.

Floro Singson Crisologo bilang isang beterano, obra maestra sa loob ng Crisologo Memorabilia Museum sa Vigan, Ilocos Sur.

Floro Singson Crisologo bilang isang beterano, obra maestra sa loob ng Crisologo Memorabilia Museum sa Vigan, Ilocos Sur.

Floro Singson Crisologo bilang isang kongresista, obra maestra sa loob ng Crisologo Memorabilia Museum sa Vigan, Ilocos Sur.

Floro Singson Crisologo bilang isang kongresista, obra maestra sa loob ng Crisologo Memorabilia Museum sa Vigan, Ilocos Sur.

Naging pamana niya sa bansa ang Republic Act 4155 na nagpapalakas ng industriya ng Virginia Tobacco, ang Republic Act 4449 na nagtatatag ng University of Northern Philippines, at ang batas na nagtatatag sa Social Security System.  Ang kamatayan ng kongresista ang naging hudyat ng pagtatapos ng paghahari ng kanilang dinastiya sa Ilocos Sur.

08 nagtatatag ng University of Northern Philippines

Ang pagpirma sa batas na nagtatag sa Social Security System ni Pangulong Diosdado Macapagal na isinulong ni Cong. Floro Crisologo.  Obra maestra sa loob ng Crisologo Memorabilia Museum sa Vigan, Ilocos Sur.

Gobrnadora Carmeling Crisologo kasama ang Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos.  Mula sa Crisologo Memorabilia Museum sa Vigan, Ilocos Sur.

Gobernadora Carmeling Crisologo kasama ang Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos. Mula sa Crisologo Memorabilia Museum sa Vigan, Ilocos Sur.

Nabigo ang kanyang asawang si Carmeling Crisologo na muling mahalal bilang gobernador, at ang kanilang anak na si Vincent, alias Bingbong na pinuno ng private army na mga saka-saka, ay nahatulang makulong sa salang pagsunog sa Barangay Ora Centro at Ora Este sa bayan ng Bantay noong 1970, mga barangay na sumuporta sa kalaban nila sa pulitika, ang pamangkin ni Congressman Floro na si Luis “Chavit” Singson.

Si Vincent "Bingbong" Crisologo noong kanyang kabataan.  Mula sa Crisologo Memorabilia Museum sa Vigan, Ilocos Sur.

Si Vincent “Bingbong” Crisologo noong kanyang kabataan. Mula sa Crisologo Memorabilia Museum sa Vigan, Ilocos Sur.

Ang mag-amang Crisologo, sina Floro at Bingbong, habang iniinspeksyon ang pinsala ng sunog na nangyari sa Bantay.  Mula sa Crisologo Memorabilia Museum sa Vigan, Ilocos Sur.

Ang mag-amang Crisologo, sina Floro at Bingbong, habang iniinspeksyon ang pinsala ng sunog na nangyari sa Bantay. Mula sa Crisologo Memorabilia Museum sa Vigan, Ilocos Sur.

Si Ninoy Aquino kasama si Luis "Chavit" Singson nang ilibing ang tagasuporta ni Singson na si Florencio Parel na pinaslang ng mga Saka-saka.  Mula sa Ninoy:  The Willing Martyr.

Si Ninoy Aquino kasama si Luis “Chavit” Singson nang ilibing ang tagasuporta ni Singson na si Florencio Parel na pinaslang ng mga Saka-saka. Mula sa Ninoy: The Willing Martyr.

Nang maging Gobernador si Chavit ilang buwan matapos ang asasinasyon, ipinagpatuloy niya ang programang gawing tourist destination ang Vigan na pinasimulan ni Gobernadora Carmeling, at di naglaon, naghari rin ang kapayapaan sa Ilocos Sur.  Si Bingbong Crisologo naman ay nagbagong-buhay, naging isang Born-Again Christian sa kulungan at si Chavit mismo ang lumakad para mapalaya ito bago ang Bagong Taon ng 1981.  Si Bingbong ay naging konsehal at kongresista sa Quezon City, at isa ring pastor ng Bibliya, naghahatid na ng mabuting balita.  At makikita sa larawan na ito na bati-bati na rin ang magkakalaban noon.

ALL IS WELL:  Sina Kong. Bingbong Crisologo, SPM Jerry Singson, dating Gobernador Carmeling Crisologo, Gob. Luis “Chavit” Singson, at Atty. Joy Crisologo sa pagdiriwang ni Gob. Carmeling ng kanyang ika-88 kaarawan noong 5 June 2011 sa Cordillera Inn, Heritage Village, Vigan City.  Kuha ni Dante Tacata ng Tawid News Magazine.

Ang mansyon ng Crisologo sa Vigan ay isa nang museo na nagpapaalala sa atin, nagwawakas din ang mga dinastiyang pulitikal na nag-iiwan sa atin ng pamana ng kanilang paglilingkod-bayan at mga aral ng kanilang pagkakamali.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 10 October 2013)

Ang matandang itsura ng tahanan ng mga Crisologo na ngayon ay isang museo.  Mula sa Crisologo Memorabilia Museum sa Vigan, Ilocos Sur.

Ang matandang itsura ng tahanan ng mga Crisologo na ngayon ay isang museo. Mula sa Crisologo Memorabilia Museum sa Vigan, Ilocos Sur.

Ang lagusan patungo sa eksibit ng mga memorabilia ni Floro Crisologo, kasama na ang kanyang duguang mga damit.  Mula sa Crisologo Memorabilia Museum sa Vigan, Ilocos Sur.

Ang lagusan patungo sa eksibit ng mga memorabilia ni Floro Crisologo, kasama na ang kanyang duguang mga damit. Mula sa Crisologo Memorabilia Museum sa Vigan, Ilocos Sur.

Rekreasyon ng tanggapan ni Kong. Floro Crisologo.  Mula sa Crisologo Memorabilia Museum sa Vigan, Ilocos Sur.

Rekreasyon ng tanggapan ni Kong. Floro Crisologo. Mula sa Crisologo Memorabilia Museum sa Vigan, Ilocos Sur.