IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: aguinaldo republika

XIAO TIME, 7 May 2013: PATROCINIO GAMBOA, BABAENG ESPIYA NA TAGA-ILOILO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Patrocinio Gamboa.  Mula sa Women of the Revolution.

Patrocinio Gamboa. Mula sa Women of the Revolution.

7 May 2013, Tuesday:  www.youtube.com/watch?v=pI3zfPJFWDM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  November 17, 1898, kahit na bantay-sarado ang mga Espanyol sa daan mula Jaro patungong Sta. Barbara, Iloilo, tatlong libong tao mula sa dalampasigan at looban ng Panay ang nagtipon sa paligid ng isang kawayang tagdan sa harapan ng Casa Municipal.

Ang Sta. Barbara Municipal Hall noong 2006.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang Sta. Barbara Municipal Hall noong 2006. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Bakit sila naroon?  Isang bandila na katulad ng iwinagayway ni Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo sa Kawit ang itinaas sa Sta. Barbara.  Ito ang unang pagkakataon na iwinagayway ang bandila ng Pilipinas sa Kabisayaan.  Pinasinayaan ni Heneral Martin Delgado ang pamahalaang rebolusyunaryo sa Panay!  Malapit sa itinataas na bandila, isang babae ang nakitang buong pagmamalaking nakatayo.

Isang malaking-malaking bandilang Pilipino na iniilawan tuwing gabi, sumasagisag sa pagiging bahagi nito sa kasaysayan ng bandila ng Pilipinas.  Nakaharap ito sa monumento ni Heneral Martin Delgado.

Isang malaking-malaking bandilang Pilipino na iniilawan tuwing gabi, sumasagisag sa pagiging bahagi nito sa kasaysayan ng bandila ng Pilipinas. Nakaharap ito sa monumento ni Heneral Martin Delgado.

05 Ito ang unang pagkakataon na iwinagayway ang bandila ng Pilipinas sa Kabisayaan

544803_308328595935470_1486652543_n

18 Maluwalhating nailusot ang bandila para sa pagdiriwang

Siya ang dahilan kung paano napunta kina Delgado ang bandila—Si Patrocinio Gamboa y Villareal.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Isinilang sa isang kilalang pamilyang ilustrado sa Jaro, Iloilo, 148 years ago, April 30, 1865.  Isang pasaway, patago niyang binasa ang mga nobela ni Rizal at ang mga sulatin ng kababayan niyang si Graciano Lopez Jaena.  Sa pagsisimula pa lamang ng himagsikan sa Iloilo, bahagi na siya ng mga pinuno nito, sumasama sa mga lihim na pulong ng comite conspirador sa Molo simula March 1898.  Dahil bahagi ng alta-sociedad, naging epektibong tiktik o espiya para sa mga mapanghimagsik, ni hindi man lamang nakahalata ang mga Espanyol.  Gayundin, nangalap siya ng mga gamot, pagkain, armas at mga bala para sa mga rebolusyunaryo, nakilala sa tawag na Tia Patron.

Tia Patron.  Mula sa Adarna.

Tia Patron. Mula sa Adarna.

Si Xiao at ang isa sa mga bandilang Pilipino na ginamit noong himagsikan ni Heneral Martin Delgado.

Si Xiao at ang isa sa mga bandilang Pilipino na ginamit noong himagsikan ni Heneral Martin Delgado.  Nasa Museo ng Sta. Barbara.

Heneral Martin Delgado.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Heneral Martin Delgado. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Nanguna siya sa paggawa ng bandila ng Pilipinas hango sa ginawa nina Marcela Agoncillo sa Hongkong at siya rin ang pinag-abutan ng saber na kaloob ni Aguinaldo kay Delgado.  Ang problema, mahihirapan silang makapuslit patungo kay Delgado dahil lahat ng dumadaan patungo ng Sta. Barbara ay mahigpit na kinakapkapan, at binabaril ng walang awa ang makitang rebolusyunaryo.  Walang lalake ang gustong magdala ng mga gamit na ito.  Tanging si Tia Patron ang nagpresinta.  Ibinalot niya sa katawan ang bandila bago nagbihis ng patadiong at nasa loob naman ng tartanilla o calesa ang espada na tinakpan ng dayaming bungalon.  Ang nagpanggap na kutsero ay ang batang tinyente na si Honorio Solinap.  Sa tuwing may checkpoint ng mga cazadores ng mga Espanyol, sisigawan ni Tia Patron ang kutsero niya sabay kurot, kagat at sapak tulad ng isang nagger na asawa.  Sa tuwa sa kanila ng mga sundalo, nakakalimutan nilang inspeksyunin ang mga ito.  Maluwalhating nailusot ang bandila para sa pagdiriwang.

Panandang pangkasaysayan kay Patrocinio Gamboa sa Jaro, Iloilo.

Panandang pangkasaysayan kay Patrocinio Gamboa sa Jaro, Iloilo.

Pandanang pangkasaysayan para kay Heneral Martin Delgado sa Sta. Barbara, Iloilo.

Pandanang pangkasaysayan para kay Heneral Martin Delgado sa Sta. Barbara, Iloilo.

Patuloy na nag-alaga ng mga sugatan at maysakit na mapanghimagsik maging sa pagdating ng mga Amerikano.  Nang alukin siya ng pamahalaan sibil ng pensyon, tinanggihan niya ito sa pagsasabing, “Ibinigay ko ang serbisyo ko bilang pag-aalay ng pag-ibig sa bayan.  Hindi ako himihingi ng kapalit sa mga paglilingkod ko.” Namatay siyang matandang dalaga noong November 1953.  Tia Patron, Manang Patrocinio, daluyan ng ginhawa ng himagsikan, at patunay na sa himagsikang nagtagumpay laban sa mga Espanyol, kasama rin ang mga Bisaya at mga babae!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 26 April 2013)

Mula sa Museo ng Sta. Barbara.

Mula sa Museo ng Sta. Barbara.

XIAOTIME, 23 January 2013: SAYSAY NG REPUBLIKA NG MALOLOS

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 23 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

23 January 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=ncw0CY8dqC0

Si Emilio Aguinaldo patungo sa kanyang inagurasyon bilang pangulo Unang Republika sa Malolos, 23 Enero 1899.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Si Emilio Aguinaldo patungo sa kanyang inagurasyon bilang pangulo Unang Republika sa Malolos, 23 Enero 1899. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  114 years ago ngayong araw, January 23, 1899, matapos ang ratipikasyon ng isang konstitusyon na binalangkas ng Kongreso ng Malolos, pinasinayaan sa Simbahan ng Barasoain ang Republica Filipina, na mas kilala sa tawag na Republika ng Malolos.

Diorama sa Ayala Museum na nagpapakita ng Kongreso ng Malolos.

Diorama sa Ayala Museum na nagpapakita ng Kongreso ng Malolos.

Ang republikang ito ay itinatag upang patunayan sa mga dayuhan na umaakmang agawin ang tagumpay ng ating himagsikan na mayroon na tayong sariling estado na namumuno sa ating sarili.  Kung ikukumpara kahit sa iba pang mga dakilang bansa sa Asya tulad ng Tsina at India, ang republikang ito ang itinuturing na Unang Konstitusyunal na Demokratikong Republika sa Asya sa kanluraning modelo dahil na rin sa unang paggalaw ng paghihimagsik ni Andres Bonifacio noong 1896.  Wala na siya sa eksena nang magkaroon ng Republika.  Si Emilio Aguinaldo na ang el presidente na sumumpa sa katungkulan noong araw na iyon at inatasan niya si Apolinario Mabini na maging pangulo ng gabinete at kalihim ng Ugnayang Panlabas.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy.  El Presidente.  Mula sa Great Lives:  Emilio Aquinaldo.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy. El Presidente. Mula sa Great Lives: Emilio Aquinaldo.

Ang konstitusyon na niratipika at pangunahing inakda ni Felipe Calderon na kinopya sa mga konstitisyon ng Pransya, Belgium, Brazil, Mexico, Guatemala at Costa Rica.

Felipe Calderon. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Felipe Calderon. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ipinaglaban naman ng ibang delegado ang kalayaan sa pananampalataya.  Upang hindi magkaroon ng monopolyo ang iisang tao o grupo sa kapangyarihan at magkaroon ng checks and balances, nagkaroon din ng tatlong sangay ang pamahalaan—executive, legislative at judiciary.

Limbag na edisyon ng Saligang Batas ng Malolos.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Limbag na edisyon ng Saligang Batas ng Malolos. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Dahil nga panahon ito ng digmaan at himagsikan, may mga lugar sa Pilipinas na kinatawan ng mga taong hindi mana taga-roon ngunit kahit papaano nagkaroon ng semblance ng representasyon ng buong Pilipinas.  Nagpadala pa ng diplomat ang pamahalaan ito sa Pransya at Amerika sa iba’t ibang bansa, si Felipe Agoncillo, na napagsarhan ng pinto sa Paris nang pinag-uusapan na ang pagbili ng Estados Unidos sa Pilipinas mula sa Espanya.

Sina Felipe Agincillo at Juan Luna bilang mga diplomat na Pilipino sa ibang bansa.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Sina Felipe Agincillo at Juan Luna bilang mga diplomat na Pilipino sa ibang bansa. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ngunit bakit tinawag na Krisis ng Republika ng historian na si Teodoro Agoncillo ang mga pangyayari sa Malolos.  Kung titingnan ang mga pulitikahan na nangyari sa loob ng republika, lalo na ang naging mga paninira kay Mabini, parang salamin din ito ng pulitika na umiiral sa mga pinuno natin hanggang ngayon.  Kung titingnan ang mga larawan ng mga kasiyahan sa Malolos ayon kay Zeus Salazar, mapapansin na ang mga taga-Malolos ang bayan, ay nakamasid lamang sa paligid, nasa tagiliran lamang sila.

Ang parada ng pangulo sa pagpapasinaya ng Republika ng Malolos, January 23, 1899.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ang parada ng pangulo sa pagpapasinaya ng Republika ng Malolos, January 23, 1899. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Sa larawan na ito sa loob ng simbahan ng Barasoain habang binubuksan ang Kongreso noong September 15, 1898, matagal nang may mga nakakapansin sa linyang nasa larawan, ngunit nang pakitaan ako ng mas malinaw na larawan ni Ian Alfonso, napansin namin na lubid ito na naghihiwalay sa mga kinatawan ng kongreso at ng mga manonood na mamamayan.

Ang larawan ng pagbubukas ng Kongreso ng Malolos noong September 15, 1898.  Pansinin ang mahabang linya, ang tali.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ang larawan ng pagbubukas ng Kongreso ng Malolos noong September 15, 1898. Pansinin ang mahabang linya, ang tali. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Kinagabihan, sa piging na ginanap, ang menu nila ay nasa Wikang Pranses.  At taliwas sa pinakita ng isang pelikula na San Miguel Beer ang kanilang ininom na noon ay inumin ng mga mahihirap, nakalagay sa menu na champagne, cognac at iba pa ang kanilang tinungga.

Menu ng piging para sa pagbubukas ng Kongreso ng Malolos na nasa Wikang Pranses., September 15, 1898.  Sosyal.  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Menu ng piging para sa pagbubukas ng Kongreso ng Malolos na nasa Wikang Pranses., September 15, 1898. Sosyal. Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Pakana lahat ni Pedro Paterno ang kabonggahan na ito habang ang mga karaniwang tao ay naghihirap.  Bagama’t kapuri-puri ang republika sa paggiit na may sarili na tayong pamahalaan na una pa sa mga nasakop na mga bansa sa Asya, kailangang tanggapin ang katotohanan na salamin din ito ng pagsisimula ng demokrasyang elit na umiiral sa atin hanggang ngayon.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 19 January 2013)