XIAOTIME, 19 February 2013: ANG BAYANING SI JOSÉ ABAD SANTOS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 19 February 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

José Abad Santos.  Mula sa gov.ph.

José Abad Santos. Mula sa Mula sa Official Gazette.

19 February 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=i2y2RHMewTY

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  127 years ago ngayong araw, February 19, 1886, isinilang sa San Fernando, Pampanga si José Abad Santos.  Huh??? Who’s that Pokémon??? Siya ay isa sa mga bayani na nasa ating isanlibong pisong papel.

Si José Abad Santos kasama sina Josefa Llanes Escoda at Vicente Lim sa ating New Generation Bills na isanlibong piso.

Si José Abad Santos kasama sina Josefa Llanes Escoda at Vicente Lim sa ating New Generation Bills na isanlibong piso.

Ngunit bakit nga ba siya nasa ating pera?  Sa kabila ng katotohanang nakapagsilbi lamang siya na Punong Mahistrado ng Korte Suprema sa loob lamang ng limang buwan at hindi naman niya nagampanan ng regular ang kanyang pinakamataas na katungkulan sa hudikatura, si José Abad Santos ay mananatiling pinakakilala sa mga Punong Hurado dahil sa kanyang kabayanihan bilang unang martir-mahistrado.

Bantayog kay José Abad Santos sa Kapitolyo ng Pampanga.

Bantayog kay José Abad Santos sa Kapitolyo ng Pampanga.

Bantayog kay José Abad Santos sa harapan ng Museo ning Angeles sa Pampanga.  Kuha ni Xiao Chua.

Bantayog kay José Abad Santos sa harapan ng Museo ning Angeles sa Pampanga. Kuha ni Xiao Chua.

Dahil sa kanyang angking katalinuhan, napili siya na maging isa sa 18 mga iskolar o pensionados na tumungo sa Estados Unidos noong 1904 upang mag-aral at tapusin ang kanyang hayskul.  Nag-aral siya ng mga kurso sa abogasya sa University of Illinois, Northwestern University at George Washington University kaya napabilang sa United States Bar.

José Abad Santos

José Abad Santos

Ngunit piniling bumalik sa Pilipinas upang simulan ang kanyang mahabang karera ng pagsisilbi para sa hudikatura ng kanyang bayang tinubuan.  Mula sa pagiging clerk ng Archives Division ng Executive Bureau at Bureau of Justice, umangat hanggang maging Kalihim ng Katarungan noong 1922.  Dahil sa kanyang hidwaan kay Goberndaor Heneral Leonard Wood, siya at iba pang kasama ay nagsipagbitiw sa puwesto sa tinatawag na “Cabinet Crisis of 1923.”

Leonard Wood.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Leonard Wood. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Bumalik sa pribadong praktis ngunit noong 1928, muling nahirang na Kalihim ng Katarungan.  Noong 1932, nahirang na Kasamang Mahistrado ng Korte Suprema.  Ngunit mula 1938 hanggang 1941, “hiniram” siya ni Pangulong Manuel Quezon upang maging maging Kalihim ng Katarungan sa ikatlong pagkakataon. Para kay Abad Santos, ang batas ay isang instrumento upang maibsan ang kahirapan at magbigay ng ginhawa sa bayan, lalo na sa mga mahihirap.  Bagama’t kaibayo sa paniniwala, dito kanyang kaisang-diwa ang kanyang radikal na kuya na si Pedro Abad Santos.

José Abad Santos .  Mula sa Legacy of Heroes.

José Abad Santos . Mula sa Legacy of Heroes.

Ang nakatatandang kuya ni José Abad Santos, ang radikal na si Pedro Abad Santos.

Ang nakatatandang kuya ni José Abad Santos, ang radikal na si Pedro Abad Santos.

Inilarawan siya na may hindi pangkaraniwang talento, integridad, at sigasig na maglingkod sa kanyang bayan.  Nang sumiklab ang World War II, bisperas ng Pasko 1941:  bago lumuwas patungong Corregidor ang Pangulong Manuel Quezon, hinirang niya si Abad Santos na maging Punong Mahistrado ng Korte Suprema.  Gayundin, sabay niyang tinanganan ang Kalihiman ng Katarungan, at ang Pananalapi, Pagsasaka at Pangangalakal.

Ang pagsumpa ni José Abad Santos bilang Punong Mahistrado sa harapan ni Pangulong Manuel Quezon.  Habang nakamasid sina Jorge Vargas, José P. Laurel ay Claro M. Recto sa Palasyo ng Malacañan.  Sa bintana makikita ang Bahay Pangarap, December 24, 1941.  Mula sa gov.ph.

Sa pag-alis ni Quezon patungong Estados Unidos, pinili niyang manatili sa bansa kaya hinirang siya ni Quezon na mamuno sa bansa, “to act on all matters of government” bilang isa sa itinuturing niyang pinakamahusay na tauhan sa serbisyong pampamahalaan.

Mula sa kaliwa:  Jose Avelino (Secretary of Labor), Benigno S. Aquino Sr. (Secretary of Agriculture), Rafael Alunan (Secretary of the Interior), Quezon, Manuel Roxas (Secretary of Finance), Jose Abad Santos (Secretary of Justice) at Jorge Bocobo (Secretary of Public Instruction).  Mula sa The Pinoy Warrior,

Nadakip siya ng mga Hapones malapit sa Carcar, Cebu at tatlong linggong ipinailalim sa matinding imbestigasyon.  Nang himukin siya ng mga Hapones na pasukuin si Manuel Roxas, tumanggi siya at sinabing “Nanaisin ko pang mamamatay kaysa mabuhay sa kahihiyan.”  Dinala siya sa Malabang, Lanao del Sur kung upang patayin.  Kasama niya noon ang kanyang anak na si Jose Jr. o Pepito na nang malaman ang sasapitin ng ama ay napaiyak.

José Abad Santos, Jr. o Pepito sa panayam ng Department of Defense para sa Legacy of Heroes habang inaalala ang pagkamatay ng kanyang ama.

José Abad Santos, Jr. o Pepito sa panayam ng Department of Defense para sa Legacy of Heroes habang inaalala ang pagkamatay ng kanyang ama.

Sabi sa kanya ng ama, “Huwag kang umiyak, Pepito.  Ipakita mo sa mga taong ito na matapang ka.  Bihira ang pagkakataon na mamatay para sa ating bayan.  Hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon, anak.”  Parehas silang lumuhod at nanalangin, at matapos ay nagyakap.  Dinala na si Abad Santos ng mga Hapones at umakyat naman sa bahay si Pepito at kinuha ang aklat dasalan.

Ang pabalat ng Filipino Heroes Comic Series ukol kay Abad Santos ni Manuel Franco at inilathala ng National Book Store, Inc. noong 1974 na nagpapakita ng mga huling sandali ni Abad Santos.  Mula sa Komiklopedia.

Habang binabasa ang panalangin para sa mga namatay, narinig na niya ang sunod-sunod na putok.  2:00 ng hapon ng 2 Mayo 1942 noon, alam na ni Pepito na wala na ang kanyang ama, namatay na isang bayani.  Sabi nila, marami raw abogado sa impiyerno.  Hindi siguro isa doon si José Abad Santos.  Tunay na huwaran, sana dumami pa ang mga abogado kalahi niya.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Jollibee DLSU Taft, 15 February 2013)

Ang larawan ni Abad Santos na nasa Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas.  Obra Maestra ni Dominador Dionisio Hilario Castañeda.  Mula sa Philippine History in Art.

Ang larawan ni Abad Santos na nasa Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas. Obra Maestra ni Dominador Dionisio Hilario Castañeda. Mula sa Philippine History in Art.