IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

XIAOTIME, 6 February 2013: ANG MAKASAYSAYANG BAHAY NI HENERAL EMILIO AGUINALDO

Broadcast of Xiaotime news segment last Wednesday, 6 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi.  Kuha ni G. Angelo Aguinaldo, apo sa tuhod ng heneral.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi. Kuha ni G. Angelo Aguinaldo, apo sa tuhod ng heneral.

6 February 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=UMbuwdHhaIk

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Pagbati kina Ate Gina, Kuya Vener at kay Sir Angelo Aguyinaldo, mga tagapag-alaga ng Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite.

Si Xiao kasama si Kuya Vener Vales at Ate Gina Ayran.

Si Xiao kasama si Kuya Vener Vales at Ate Gina Ayran.

Si Xiao Chua habang ipinapasa ang Watawat ng Pilipinas kay Sir Angelo Aguinaldo sa mismong balkonahe ng bintana kung saan ipinroklama ng lolo niya sa tuhod ang independensya.

Si Xiao Chua habang ipinapasa ang Watawat ng Pilipinas kay Sir Angelo Aguinaldo sa mismong balkonahe ng bintana kung saan ipinroklama ng lolo niya sa tuhod ang independensya.

49 years ago ngayong araw, February 6, 1964.  Namatay si Heneral Emilio Aguinaldo, el presidente dela Republica Filipina sa edad na 95 years old!  Namatay siya tatlong araw bago magtanghal ang Beatles sa unang pagkakataon sa Ed Sullivan Show sa New York.  Biruin niyo inabot pa niya ang Beatles!  Si Heneral Aguinaldo ay namatay sa Veterans Memorial Hospital sa Lungsod Quezon, sa piling ng iba pang maysakit na mga beterano, ang kapakanan nila ay kanyang itinaguyod sa kanyang buong buhay.

Ang mahal na Pangulong Emilio Aguinaldo isang taon bago sumakabilang-buhay.  Mula sa LIFE.

Ang mahal na Pangulong Emilio Aguinaldo isang taon bago sumakabilang-buhay. Mula sa LIFE.

Isang taon bago mamatay ang heneral, noong 1963, ibinigay niya sa pamahalaan bilang donasyon ang kanyang mansyon sa Kawit, Cavite, kung saan sa gitnang bintana nito ipinroklama ang independencia sa pagwawagi ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol noong June 12, 1898.

09 sa pagwawagi ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol noong June 12, 1898

Ang bahay na ito ay naitayo na noong 1849 pa lamang at nagpapakita na maykaya ang kanyang mga magulang, mga principalia na namumuno ng bayan.  Liban pa dito, nasa malapit sa simbahan ang kanyang bahay at nasa mismong camino real o main road patungong Maynila.  Sa mga larawan noong 1898, makikita nang naipatayo na noon ang ekstensyon ng bahay na tinatawag na family wing, pawid pa lamang ang bubungan.

Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Ngunit wala pa ang pamosong balkonahe at tore na pitong palapag ang taas, imagine!  Maidadagdag ito noong maagang 1920s.

Ang disenyong kabibe na nagbubukas upang maging hawakan ng paso o baso.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Ang disenyong kabibe na nagbubukas upang maging hawakan ng paso o baso. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Si Xiao Chua habang minomonstra ang pagbubukas ng kabibe.  Nakuha niya kay Kuya Vener ang teknik na ito.

Si Xiao Chua habang minomonstra ang pagbubukas ng kabibe. Nakuha niya kay Kuya Vener ang teknik na ito.

Dahil walang nais na sayanging espasyo ang heneral, naglagay siya ng mga taguan ng mga dokumento o sandata sa mga upuan, mga disenyong kabibe na nagbubukas bilang flower holder, mga sikretong pintuan na nagbubukas tungo sa ibang mga kwarto, mga kisame na maaaring pagtakasan, at bilang paghahanda sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naglagay siya ng lagusan patungo sa air raid shelter na lulusot patungong simbahan mula sa bumubukas na mesang ito.  Cool!

Butas na nagpapakita ng air raid shelter ni Hen. Aguinaldo.

Butas na nagpapakita ng air raid shelter ni Hen. Aguinaldo.

Si Xiao habang ipinapakita ang pagbubukas ng mesa at ng butas na lagusan patungo sa air raid shelter.

Si Xiao habang ipinapakita ang pagbubukas ng mesa at ng butas na lagusan patungo sa air raid shelter.

Dahil si Heneral Aguinaldo ay alam din ang kanyang mahalagang papel sa kasaysayan, nag-iwan ng ilang disenyo ang heneral sa bahay na nagpapakita ng kanyang buhay at ng ating kasaysayan—ang mga bintanang nagpapakita ng mga karanasan niya at ng kanyang pamilya at dalawang naging asawa, ang representasyon ng Inang Bayan at ng walong sinag ng araw sa kisame na kumakatawan sa walong unang lalawigan na lumaban sa mga Espanyol noong Himagsikan, at isang relief map ng Pilipinas sa may hapag kainan!  Far out!

Representasyon ng isa sa dalawang naging asawa ng heneral.

Representasyon ng isa sa dalawang naging asawa ng heneral.

Bas relief ng Inang Bayan.

Bas relief ng Inang Bayan.

Ang disenyong araw na may walong sinag na nagpapakita ng mga pangalan ng walong lalawigan na pinatawan ng Batas Militar noong Himagsikang 1896.

Ang disenyong araw na may walong sinag na nagpapakita ng mga pangalan ng walong lalawigan na pinatawan ng Batas Militar noong Himagsikang 1896.

May ilang mahalagang artifak na naiwan sa bahay:  Ang mga bandila na nagpapakita ng orihinal na araw na may mukha na kanyang dinisenyo, ang espada ni Heneral Aguirre na kanyang nakuha at nang kanyang makita ay kaedad niya at ginawa sa Toledo noong 1869!  At isang bato na mahilig niyang pahinghan sa Palanan, Isabela kung saan siya nahuli noong 1901.

Ang awakan ng espada ni Heneral Aguirre na nakuha ni Aguinaldo, nilinang noong 1869 sa Toledo, sa taon na isinilang ang heneral.

Ang awakan ng espada ni Heneral Aguirre na nakuha ni Aguinaldo, nilinang noong 1869 sa Toledo, sa taon na isinilang ang heneral.

Ang matandang Don Emilio hawak ang kanyang paboritong trophy--ang espada ni Heneral Aguirre.  Sa kanyang tagumpay sa labang iyon siya napatanyag.  Mula sa Philippines Free Press.

Ang matandang Don Emilio hawak ang kanyang paboritong trophy–ang espada ni Heneral Aguirre. Sa kanyang tagumpay sa labang iyon siya napatanyag. Mula sa Philippines Free Press.

Bato raw sa Palanan, Isabela na pinagpapahingahan ni Heneal Aguinaldo.

Bato raw sa Palanan, Isabela na pinagpapahingahan ni Heneral Aguinaldo.

Kapansin-pansin din na paborito niya ang disenyo ng kalabaw, paborito niyang hayup.  Sumakay kasi siya minsan sa kalabaw at pinagkamalang magsasaka lamang noong rebolusyon kaya siya naligtas sa pagkahuli at may mga alamat na nakita raw siya sa isang laban nakasakay sa isang puting kalabaw.

Kalabaw sa ilalim ng balkonahe.

Kalabaw sa ilalim ng balkonahe.

Kalabaw sa ibabaw ng balkonahe.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa ibabaw ng balkonahe. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa tagiliran ng bahay.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa tagiliran ng bahay. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Inilibing si Heneral Aguinaldo sa likuran ng kanyang bahay na kanyang ipinamana para sa kasaysayan.  Kontrobersyal man siyang pigura sa maraming tao, nararapat lamang siyang kilalanin na isa sa lumaban sa mga dayuhan sa revolucion, ang Ama ng ating Pambansang Watawat at Pambansang Awit, at tinanggap ang hamon na pamunuan ang gobierno sa murang edad na 28.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(McDonald’s Philcoa, 29 January 2013)

Si Heneral Aguinaldo sa harap ng pinaniniwalaang unang watawat ng Pilipinas.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Si Heneral Aguinaldo sa harap ng pinaniniwalaang unang watawat ng Pilipinas. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

XIAOTIME, 5 February 2013: ANG BATTLE FOR THE LIBERATION OF MANILA

Broadcast of Xiaotime news segment last Tuesday, 5 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

5 February 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=g2UgBVfVckI

Nasusunog na ang timog na bahagi ng Maynila,  Ang San Sebastian Church mula sa tore ng Sto. Tomas.  Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Nasusunog na ang timog na bahagi ng Maynila, Ang San Sebastian Church mula sa tore ng Sto. Tomas. Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  68 years ago noong Linggo, February 3, 1945, dumating ang mga Amerikano sa Maynila at sinimulang bawiin ito mula sa mga Hapones.  Ang labanan na ito na tumagal ng isang buwan ay tinawag na Battle for the Liberation of Manila.  Sa araw na iyon, agad na napalaya sa gabi ng mga Amerikano ang civilian internment camp sa Unibersidad ng Sto. Tomas kung saan nakakulong ang mga nangangayayat na na mga sibilyang Amerikano sa Maynila.  Sa pagpasok ng mga Amerikano, may pagkakahati nang naganap sa Hukbong Hapones.  Inatasan na ni Heneral Tomoyuki Yamashita, Pangkalahatang Tagapamuno ng Lahat ng Hukbong Hapones sa Pilipinas ang lahat ng pwersang Hapones na iwan na ang Maynila at tumungo sa kabundukan upang doon na lamang ipagpatuloy ang pakikibaka.

Heneral Tomuyuki Yamashita. Mula sa Warsaw of Asia:  The Rape of Manila.

Heneral Tomuyuki Yamashita. Mula sa Warsaw of Asia: The Rape of Manila.

Ang hukbong katihan o army, kung saan nabibilang ang kumander ng buong pwersa na si Yamashita, ay sumunod sa kanya at lumalayo na ang Maynila.  Ngunit, ang hukbong pandagat o navy sa pamumuno ni Rear Admiral Sanji Iwabuchi ng Manila Naval Defence Force, ay nagpasaway kay Yamashita at nanatili sa Maynila upang ipagtanggol ito.

Rear Admiral Sanji Iwabuchi.  Mula sa Warsaw od Asia:  The Rape of Manila.

Rear Admiral Sanji Iwabuchi. Mula sa Warsaw od Asia: The Rape of Manila.

Dali-daling pinakalat ni Iwabuchi ang mga navy na walang kasanayan sa pakikipagdigma sa lupa.  Binomba at pinabagsak nila ang mga tulay kaya lubos na nahirapan ang mga pwersang Amerikano.  Noong February 23 lamang umabot ang mga Amerikano sa Intramuros at upang maiwasan ang mas maraming kamatayan, imbes na eroplano, kinanyon nila ito ng artillery shells, at dahil wala namang pinipiling kakampi o kalaban ang mga bomba, marami pa rin ang namatay sa mga labanang ito.  Pinanghaharang ng mga Hapones ang kanilang mga bihag sa mga pader upang sila ang unang makanyon.

Mula sa Intrmuros of Memory.

Mula sa Intrmuros of Memory.

Sa pagkubkob ng Fort Santiago noong February 25, torch blower ang ginamit nila sa bawat kwarto upang lumabas ang mga Hapones.  600 bihag na sundalong Pilipino-Amerikano ang iniwan ng mga Hapones sa isang masikip na kwarto hanggang sila ay mamatay sa gutom at suffocation.  Inilibing sila sa ilalim na marmol na krus na ito.

Ang marmol na krus na tanda na ito ang huling hantungan ng 600 mga sundalo na natagpuang patay sa lugar na iyan.  Luha ni Xiao Chua.

Ang marmol na krus na tanda na ito ang huling hantungan ng 600 mga sundalo na natagpuang patay sa lugar na iyan. Luha ni Xiao Chua.

At sa pagkahuli nga ng mga huling sundalong Hapones sa Gusali ng Finance, nagtapos ang labanan sa Maynila noong March 3, 1945.  Sa matagal na panahon, ang mga Hapones naman ay inakala natin na naging marahas sa pagpatay ng mga tao dahil desperado na sila sa pagdating ng mga Amerikano.  Ngunit, sa mga insidente ng atrocities dito sa Maynila makikita na sistematiko ang pagpatay na ito na maaaring may basbas pa mula sa Tokyo—sistematiko ang paglusob sa mga kabahayan, mga ospital at mga simbahan upang pumatay ng mga tao, ibayoneta ang mga bata at gahasain ang mga babae.

Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Sa lahat-lahat, 16,665 ang namatay mula sa Hukbong Hapones, 1,010 lamang mula sa  Hukbong Amerikano, at ang totoong naging biktima ng kapwa pagbomba ng mga Amerikano at ng sistematikong pangmamasaker ng mga sibilyan ay 100,000 tao.  Ang lubos na nagbaka ng kasawian ay ang mga Manileño.  Ang Maynila ang naging IKALAWANG PINAKAGUMUHONG “ALLIED” NA LUNGSOD SA DAIGDIG, pangalawa lamang sa Warsaw, Poland.

Ang pagguho ng Letran College sa Intramuros.

Ang pagguho ng Letran College sa Intramuros.

Ang Fort Santiago.

Ang Fort Santiago.

Ang lumang gusali ng Kongreso. Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Ang lumang gusali ng Kongreso. Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Ang Maynila matapos ng Liberasyon--nawasak ng kapwa mga Hapones at Amerikano.

Ang Maynila matapos ng Liberasyon–nawasak ng kapwa mga Hapones at Amerikano.

Ngunit, ang ”Rape of Manila” ay tila hindi na natin natatandaan.  Hindi natin napapagtanto na katulad din nito ang naging karanasan ng napakaraming mga bayan sa Pilipinas noong digmaan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Andrew Bldg., DLSU Manila, 28 January 2013)