IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

XIAOTIME, 29 January 2013: SULTAN KUDARAT, Isang Mandirigmang Magiting, Matalino, at Matapang

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 29 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Sultan Dipatwan Kudarat.  Mula sa Mga Dakilang Pilipino ng National Historical Commission of the Philippines.

Sultan Dipatwan Kudarat. Mula sa Mga Dakilang Pilipino ng National Historical Commission of the Philippines.

29 January 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=oO5wSqAH4MM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  38 years ago ngayong buwan, January 1975, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand E. Marcos si Sultan Mohammed Dipatwan Kudarat bilang isang bayani, hindi lamang ng mga taga-Mindanao, kundi ng buong bansa.

Nasa disenyo ng selyong ito sa karangalan ni Sultan Kudarat ag disenyo ng dekorasyong ipinangalan sa kanya.  Mula sa Mga Dakilang Pilipino ng National Historical Commission of the Philippines.

Nasa disenyo ng selyong ito sa karangalan ni Sultan Kudarat ag disenyo ng dekorasyong ipinangalan sa kanya. Mula sa Mga Dakilang Pilipino ng National Historical Commission of the Philippines.

Kasabay nito, upang makilala ng buong bayan, naglabas ng selyo na nagtataglay ng kanyang imahe.  Isang dekorasyon o gawad ang ipinangalan sa kanya ang Order of Kudarat.  Isang probinsya din ang ipinangalan sa kanya at isang monumento sa kanyang karangalan ang ipinatayo sa puso ng Makati Central Business District.

Ang monumento para kay Sultan Kudarat sa harapan ng Kapitolyo ng Lalawigan na nakapangalan sa kanya.

Ang monumento para kay Sultan Kudarat sa harapan ng Kapitolyo ng Lalawigan na nakapangalan sa kanya.

Monumento para kay Sultan Kudarat sa Ayala Triangle, Lungsod ng Makati.

Monumento para kay Sultan Kudarat sa Ayala Triangle, Lungsod ng Makati.

Paano ba naging bayani si Sultan Kudarat.  Si Kudarat ay isinilang noong 1580 at nang mamatay ang kanyang bayaning ama na si Sultan Buisan ng Maguindanao noong 1602, ang batang Kudarat ay hinirang na humalili sa kanya.  Noong 1619, ganap siyang nanungkulan bilang sultan.  Ang tawag sa kanyang ng mga Espanyol ay Cachil Corralat, at nakilala nila bilang isang mandirigmang magiting, matalino at matapang at kinilala siya bilang tunay na pinuno ng mga Muslim sa Maguindanao.   Sa ilalim ni Kudarat, patuloy at malayang nakipagkalakalan ang mga Tsino at iba pang bansa sa kanila at patuloy na nakapangolekta ang mga magigiting na mandirigma niyang Lutao ng mga buwis.  Ang kanyang hukbong may dalawang libong kawal ay naging matagumpay sa pakikidigma sa mga Espanyol.

Ang pagtindig ni Sultan Kudarat sa Lamitan.  Mula sa The Diorama Experience ng Ayala Museum.

Ang pagtindig ni Sultan Kudarat sa Lamitan. Mula sa The Diorama Experience ng Ayala Museum.

Ngunit noong 1637, nakaranas siya ng pagkatalo sa Lamitan sa itinuturing na pinakamadugong labanan na namagitan sa mga Muslim at mga Espanyol sa Pilipinas.  Nasugatan siya sa isa niyang bisig at nang mapagtanto na matatalo din sila sa laban na ito, nagpasya siyang lumikas.  Ngunit hindi niya matagpuan ang kanyang mag-ina.  Ang kanya palang asawa, kilik sa dibdib ang kanilang sanggol na anak ay tumalon sa bangin kaysa maging bihag ng Espanyol.

Ang pagtalon ng mag-ina ni Sultan Kudarat sa Lamitan upang hindi mabihag ng mga Espanyol.  Mula sa The Diorama Experience ng Ayala Museum.

Ang pagtalon ng mag-ina ni Sultan Kudarat sa Lamitan upang hindi mabihag ng mga Espanyol. Mula sa The Diorama Experience ng Ayala Museum.

Mula sa The Diorama Experience ng Ayala Museum.

Mula sa The Diorama Experience ng Ayala Museum.

Sa kabutihang palad, ang mag-ina ni Kudarat ay sumabit sa isang puno at nakaligtas!  Dalawang beses na ninais makipagkasundo ng mga Espanyol kay Kudarat dahil hindi talaga siya mahuli-huli.  Ngunit dahil sa nakikita niyang pang-aabuso ng mga Espanyol, hindi niya tinupad ang mga kasunduan na ito at kinausap ang ibang mga datu na tumiwalag na sa mga Espanyol.  Noong 1663, pansamantalang nilisan ng mga Espanyol ang pulo ng Mindanao dahil hindi tumigil sa paglaban si Kudarat.  Namatay siya noong 1671 sa edad na 90 years old.  Ang panahon ni Kudarat ang nagpakita sa atin na sa kabila ng pananakop ng mga Espanyol may mga pinili na hindi magpasakop, manatiling malaya at may dangal!  Kailangan ng ating bansa ng mga pinunong katulad ni Sultan Kudarat, may political will at may dangal, upang pagkaisahin tayo itayo ang ating bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiaotime.

(Pizza Hut Technohub, 24 January 2013)

XIAOTIME, 28 January 2013: JULIAN FELIPE, ANG KOMPOSITOR NG PAMBANSANG AWIT

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 28 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Julian Felipe

Julian Felipe

 

28 January 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=ynyNkSIWnYg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  152 years ago ngayong araw, January 28, 1861, isinilang si Julian Felipe, ang inatasan ni Heneral Emilio Aguinaldo na gumawa ng isang martsa para sa pagpoproklama ng kasarinlan o independencia matapos ang napipintong pagtatagumpay ng himagsikan laban sa mga Espanyol.  Nagkita sina Aguinaldo at Felipe sa Calle Arsenal sa Cavite Puerto noong June 5, 1898 at matapos ang anim na araw, June 11, 1898, pumunta si Felipe sa bahay ni Heneral Aguinaldo dala-dala ang borador ng piyesa.

Ang mansyon ng mga Aguinaldo noong 1898.  Mula sa Ang Tahanan ng Kasarinlan.

Ang mansyon ng mga Aguinaldo noong 1898. Mula sa Ang Tahanan ng Kasarinlan.

Ang loob ng bahay ni Aguinaldo.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang loob ng bahay ni Aguinaldo. Kuha ni Xiao Chua.

Habang nagpapahinga mula sa isang pulong, pinakinggan nina Heneral Emilio at Heneral Mariano Trias at at ng Kalihim Pandigma na si Heneral Baldomero Aguinaldo ang pagtugtog ni Felipe ng kanyang komposisyon.  Dahil nagustuhan nila ito, pinaulit nila ito ng ilang beses kay Felipe!  Pinangalanang nila ang piyesa na Marcha Filipino Magdalo na kalaunan ay naging Marcha Nacional Filipina.

Ang piyesa para sa Marcha Nacional ni Felipe.  Mula sa Mansyong Aguinaldo.

Ang piyesa para sa Marcha Nacional ni Felipe. Mula sa Mansyong Aguinaldo.

Tinuro ni Felipe ang piyesa ng musika sa Banda San Francisco de Malabon (na ngayon ay Banda Matanda) at pinatugtog nila ang marcha kinabukasan June 12, 1898, proklamasyon ng independencia, matapos basahin ang teksto ng pagpapahayag ng kasarinlan habang opisyal na iwinawagayway ang bagong watawat ng Pilipinas.   Napansin ni Kalihim Alejandro Roces na tila naging inspirasyon ni Felipe sa unang galaw ng musika ang pambansang awit ng Espanya ang Marcha Real, habang ang pangalawa naman ay hawig sa Triumphal March sa operang Aida ni Verdi na ginagamit natin ngayon bilang graduation song, at ang pangatlo naman ay may hawig sa pambansang awit ng Pransya, ang Marseillaise.

Isang maluwalhating eksena mula sa Aida ni Verdi.

Isang maluwalhating eksena mula sa Aida ni Verdi.

Sa pag-amin mismo ni Felipe, “kusang nagpasok ng mga himig na gumugunita sa Marcha Real ng Espanya upang mapangalagaan ang alaala ng lumang kalunsuran.”

Moro-moro

Moro-moro

Ngunit ayon kay Dr. Ambeth Ocampo, may hawig din sa Pilipinong mga musika tulad ng Moro-Moro at ayon din kay Propesor Felipe de Leon, Jr., mas inspirasyon ng ating pambansang awit ang tradisyunal na mga musika ng prusisyon at kundiman kaysa ang ibang mga kanluraning musika.

Felipe de Leon Jr., Zeus Salazar at Xiao Chua

Felipe de Leon Jr., Zeus Salazar at Xiao Chua

Anuman, sinasabing tinanggihan ni Felipe ang alok ng isang Español na bilhin ang eksklusibong karapatan sa paglalathala ng pambansang awit.  Parab sa kanya, pag-aari ng bayan ang musikang ito.  Noong December 4, 1943, binigyan ng pamahalaan si Felipe ng Php 4,000.00 bilang pabuya sa kanyang komposisyon.  Pinakiusapan din siya ng pamahalaan na muling aregluhin ang martsa, kung ang orihinal na areglo ang susundin, sobrang napakataas ng pag-awit natin at hihingalin tayong parang mga kabayo sa sobrang bilis nito.  Nagkaroon lamang ng titik ang Marcha Nacional nang si José Velásquez Palma ay naglathala ng titik para dito na nasa wikang Espanyol sa La Independencia noong September 3, 1899.

José Velásquez Palma

José Velásquez Palma

Ang pamagat ng kanyang tula ay Filipinas na nagsisimula sa mga katagang “Tierra adorada, hija del sol de oriente.”  Kahit kolonya tayo ng Amerika, sinasabing noong 1918, nagwagi tayo ng pangalawang pinakamagandang pambansang awit sa isang patimpalak na ginanap sa Boston, Estados Unidos.  Noong Dekada 1920, nagkaroon ito ng saling Ingles na ginawa nina Camilo Osias at Mary A. L. Lane na may pamagat na Land of the Morning.

Camilo Osias

Camilo Osias

Ang Lupang Hinirang sa Wikang Filipino na ating inaawit ngayon ay isinalin lamang noong 1956 at ginawa lamang opisyal noong 1963.  Ang ating pambansang martsa ay produkto ng isang rebolusyon, di katulad ng sa Amerika na ang musika ay nagmula sa awit ng mga manginginom noon.  Kaya kapag inaawit natin ang pambansang awit na pamana sa atin ng mga bayani, dibdibin natin ito.

27 Ito ang nagpapaalala na sa isang himig natin, nagkakaisa tayo bilang isang bansa

Ito ang nagpapaalala na sa isang himig natin, nagkakaisa tayo bilang isang bansa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pizza Hut Technohub, 24 January 2013)

26 Ang ating pambansang martsa ay produkto ng isang rebolusyon