IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: zeus salazar

HUWAG NANG IPAGDIWANG ANG BUWAN NG WIKA

Image

Dahil kaarawan sa Linggo ng Kanyang Kamahalan Pangulong Manuel Quezon na nag-adhika na magkaroon ng isang Pambansang Wika na batay pangunahin na sa Tagalog ngunit kabilang dapat ang mga salita mula sa ibang mga wika sa Pilipinas, kaibigan, tara, usap tayo… sa Filipino.

Madalas ako makakita ng mga karatula sa mga paaralan ngayon na ipinagmamalaki na “This is an English-Speaking Zone.”  Diumano upang tayo ay maging “globally-competitive,” ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang polisiya na halos lahat ng asignatura ay dapat itinuturo sa Ingles.  Dito, kapag ikaw ay nagsasalita sa Ingles, kahit wala namang laman ang sinasabi mo, ang tingin sa iyo ay matalino.  Sa isang mamahaling kolehiyo aming nakita minsan ni Dr. Zeus Salazar, “English is the language of leaders.”  Sabi niya, “Bakit?  Si Napoleon ba iningles ang mga Pranses?  Si Mao ba iningles ang mga Tsino?”

Kahit marami ngayon ang “wrong grammar” sa paggamit ng Ingles, ipinagmamalaki natin na mas marami pa ring nagsasalita ng Ingles dito sa Pilipinas kaysa sa Inglatera.  Kung totoo ito, bakit tila hindi tayo mga pinuno sa daigdig?  Bakit tayo naghihirap?  Bakit walang sapat na marangal na trabaho sa bansa na kinakailangan na matuto tayo ng Ingles upang magsilbi sa pangangailangan ng mga dayuhan sa mga kasambahay, nars at caregiver at tagasagot ng telepono?  Bakit ang Hapon, Tsina, Europa ay mayaman kahit na maging ang mga CEO ng kanilang mga kumpanya ay bobo sa Ingles?  Sapagkat ang biyaya ng edukasyon, ekonomiya at pulitika dito sa Pilipinas ay nananatili lamang sa mga marunong mag-Ingles.  Ang may kontrol sa wika ay may bahagi sa kapangyarihan.  Maraming dahilan kung bakit tayo mahirap, ngunit hindi ba’t kabilang dito ang katotohanang hindi talaga makasawsaw ang mas nakararami sa mga isyu ng pagkabansa?  It’s the language, stupid.

Samahan niyo ako at hirayain natin (let’s imagine):  Sa kabila ng iba’t ibang wika na nakapaloob sa Kapilipinuhan, tayo ay nagkakaintindihan sa isang wika na mula sa ating kapuluan.  Ayon kay Dr. Salazar, “Gumagamit ng mga konsepto at ugali na alam natin lahat ang kahulugan, …pati ang relasyon ng mga kahulugang ito sa isa’t isa.  Ito ay nangyayari lamang kung iisa ang ‘code’—ibig sabihin, may isang pangkabuuang pag-uugnay at pagkakaugnay ng mga kahulugan, kaisipan at ugali.  Mahalaga (at pundamental pa nga) rito ang iisang wika.”  Imbes na sa Ingles lamang nakalimbag ang Harry Potter o Twilight saga, ito ay isinasalin sa wikang mababasa na rin ng mas nakararaming Pilipino; na naglilimbag na tayo ng mga aklat ukol sa pilosopiya, quantum physics o quantum mechanics sa ating sariling wika; Na sa sistemang legal sa Pilipinas hindi na naagrabyado sa kaso ang mga mahihirap dahil wala silang maintindihan; Na naisasama na ang mahihirap sa biyaya ng ating ekonomiya dahil naiintindihan na nila ito; Na unti-unting nabubuo ang ating bansa dahil “nag-uusap tayo,” tulad ng sinasabi ni Boy Abunda, ukol sa ating sariling kasaysayan at karanasan, natutuklasan natin ang ating sariling lakas, at sa pagkakaintindihan nabubuo ang respeto sa isa’t isa, na nagbubunsod ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba.  Hindi ba napakaganda ng bansa natin kung ganoon?

Ito ang layunin ng Pantayong Pananaw at Bagong Kasaysayan, iskwelang pangkaisipan na sinimulan ni Dr. Salazar at patuloy na pinapanday ng mas nakababatang mga historyador (Para sa buong paliwanang, puntahan ang http://bagongkasaysayan.org), na sa pagbabalik-tanaw natin sa kasaysayan na “may saysay” sa atin, sa ating sariling wika, para sa bayan, mas maiintindihan natin ang ating sarili.  Maliit kasi ang tingin natin sa ating sarili dahil sa mga “historia” na isinulat ng mga dayuhan sa kanilang perspektiba at nagturo sa atin na umasa lamang sa kanila.  Bagama’t marami ang nagsusulat ukol sa ating kultura at kasaysayan, marami ang hindi nito naaabot dahil sa Ingles lamang nasusulat ang mga ito.

Hindi tayo maaaring maging “globally competitive” kung hindi tayo nagkakaintindihan bilang bansa at hindi matibay ang ating kultura.  Sapagkat ang nais ng globalisasyon ay magkaroon ng isang kultura ang daigdig upang mabenta ang mga produkto ng mga dominanteng bansa.  Magigising tayo minsan na wala na tayong pagkakakilanlan, na patay na ang ating pagkabansa tulad ng sinabi ni Simoun kay Basilio sa mga nobela ni Rizal.  Imbes na mapakinabangan natin ang globalisasyon, magagamit lamang tayo nito.

May mga nag-adhika noon na Ingles na ang maging pambansang wika tulad nina Isidoro Panlasigui.  Tinuruan na daw kasi ang Pilipino na magbasa ng Ingles, at may grupo na ayaw tanggapin ang Tagalog/Filipino bilang wikang pambansa.  Ngunit, ibang usapan kasi kung naiintindihan talaga ang kayang basahin.  Marami na sa kapuluan ang nakakaintindi ng Filipino dahil sa media.  Ang wika kasi ay kultura.  Ibig sabihin, hindi mairerepresenta ng isang dayuhang wika ang yaman ng ating kultura at damdamin tulad ng isang wika mula sa Pilipinas.  Ang “rice” sa Ingles ay palay, bigas, kanin, bahaw, tutong, sinangag, lugaw at iba pa sa Filipino.

Kapuri-puri ang halimbawa ng Pangulong Noynoy Aquino na kausapin ang bayan sa wika nito.  Nasa diwa siya ng kanyang ina na kahit elitista at Inglesera ay inutos sa kanyang Executive Order 335 na gamitin ang Filipino sa mga gawain ng estado.  Ayon kay Adrian Cristobal noong 1988, “This…is what President Corazon Cojuangco Aquino can legitimately parade as her achievement…:  That she has inducted the government and therefore the political realm into the same universe inhabited by the many…..  It is her one true act of statesmanship, an act that bolder presidents couldn’t dare because of the loud objections of regional leaders….  This presidential act will do more for our nationhood than any gesture at leadership.”  1 Agosto kapwa namatay ang Pang Quezon (1944) at Pang. Cory (2009).  Sana alalahanin din ang huli na tagapagtaguyod ng Wikang Pambansa sa buwan na ito at tunay na ipatupad ang kanyang magandang sinimulan.

Totoo, mahalaga pa rin sa akin ang matuto, magsulat at magsalita ng Ingles, at maganda pa nga matuto pa tayo ng Espanyol, Tsino, Aleman, Italiano, at iba pa.  Ngunit mali na itaguyod ang dayuhang wika habang isinasakripisyo nating ang pag-usbong ng Filipino at mga wika sa Pilipinas hindi lamang sa akademya kundi sa pamahalaan at ekonomiya.  Ito ay isang krimen sa ating kultura.  Kung patuloy na ipapatupad ang “English Only Policy” sa mga paaralan, nag-aaksaya lang tayo ng panahon, huwag na nating ipagdiwang ang Buwan ng Wika.

Sa mga nagtataguyod ng Filipino at ng mga wika sa Pilipinas, huwag mag-alala.  May kakampi tayo kay Emilio Jacinto, “tunay na [mahalaga ang] tao kahit laking-gubat at walang nababatid kundi ang sariling wika.”

Unang lumitaw sa pitak na “Walking History” sa Good Morning Philippines, 19 Agosto 2011.

WALKING HISTORY

Adoring the Manunggul Jar at the National Museum and learning about the common culture and belief of all Austronesians, the ancestors of Filipinos.

Hi this is Xiao Chua, a student of history.

…and it’s XIAOTIME!

This is my new blog which I created to anticipate the closure of my multiply blog, Ang Tarlakin (winner of the 2007 Wikipinoy of the Year for History) by December.  I would also like to have a more accessible and permanent home for my more serious thoughts.

Earlier today, I toured two sets of people in Luneta and Intramuros — about a hundred or so college students, and then, some kids.  In between being a student and teacher of history, I am a lakwatchero, who uses the spaces around us to teach history.

The past will always be a part of travelling.  Yup.  Everywhere we go, there are remnants and monuments of what used to be.  But to many, the past is irrelevant.  The dictionary definition of History is “the written record of past events,” and since we Filipinos did not keep records before the foreigners came, most of what we have read was their narratives on us in their perspective and language.  We became too harsh on ourselves in the process—thinking we are an inferior, bad people.  But try to view the past in the Filipino perspective, and we will be selling the idea that our best tourism asset is really our people.  I was taught by my mentor, historian Dr. Zeus Salazar, that the root word of our equivalent term for History, Kasaysayan, is “saysay.”  Saysay can mean “story” but it is also a word for “meaning.”  Seeing in the past what is meaningful and relevant to us, the people?  Hmmm, this sounds like a novel idea since we are coming from a perception that history classes are irrelevant and are the best sleeping pills.

Saysay of Lakwatcha

What does Lakwatcha really mean?  Lakwatcha editor Ai Macalintal once asked me this question.  Since I am not an expert on languages, I consulted mentors and friends.  Dr. Nilo Ocampo of the UP Department of Filipino referred me to the Vito Castillo Santos’s “Vicassan’s Pilipino-English Dictionary,” in which it says Lacuacha is a word from the Spanish that means “truancy.”  Truancy???  That explains why, when I asked Dr. Salazar and my friend Prof. Alvin Campomanes of the University of Asia and the Pacific what Lakwatcha meant for them, they both said it’s to loiter, roam around or promenade to shirk from duty.

Not a very positive word, it seems.  But we all know that culture and words are dynamic and the people can redefine them over time.  In this magazine, we can redefine lakwatcha to mean not just a vacation to get away from “the grey and frenzied hurly burly of the city life,” as Jose Mari Chan puts it.  It can also mean to travel and know ourselves as a people by discovering our different and shared histories and cultures.  Another mentor of mine Dr. Vic Villan of the UP Depatment of History, had another theory on how lakwatcha can mean to us.  It can come from the Cebuano “lakaw,” or the Hiligaynon “lakat” and the Tagalog “lakad,” all refers to the act of walking.

Saysay in Lakwatcha

Aside from being a teacher and historian, I am a historian-on-board buses for Linangan Education Trips (which specializes in historical educational tours) which I have been doing since 2006.  With this, I am able to lead students to remember the past in the spirit of the Katipunan’s “peregrinasyon.”  I learned from Dr. Jimmy Veneracion that during the years after the Philippine Revolution of 1896, the veterans of the Katipunan, returned to their battlefields, in groups remembering their fallen comrades, mga kapatid, which they called “peregrinasyon” or pilgrimages (as when we have spiritual journeys to the Holy Land).  When we travel to Fort Santiago, Banahaw, Biak-na-Bato, Mt. Nagpatong in Cavite, Luneta, Pinaglabanan, Corregidor, and many other places around the archipelago, we are honoring those who died before us so we can be free and have the opportunity to be good Filipinos.

Recently, I learned from the other tour company which hires my services, the Heroes Square Heritage Corporation (it owns the beautiful commercial building in front of Fort Santiago and it facilitates Intramuros tours with actors portraying historical personages for young kids) that in European museums, they call tour guides “docents.”  It’s the first time I heard it used in the Philippines.  For Heroes Square, the docent is not just a tour guide but is also a passionate teacher who teaches love of country.  In the next blogs, I hope that you join me as fellow travellers in a “pereginasyon” to know how great a people we are.  It’s time to recognize ourselves in the words of Tito Boy Abunda, “We are Filipinos, we are your best friends in Asia.”

I am proud to be a docent.  I give meaning to lakwatcha.  I am walking history…

This first post is dedicated to Dr. Ambeth R. Ocampo, whose birthday we celebrate tomorrow, for bringing me to the journey of history with his book Rizal Without The Overcoat when I was in grade 5.  Reading him and trying to catch his tone I first realized how I wanted to be a cool history teacher just like him.