XIAOTIME, 15 February 2013: ANG PAGGAROTE SA TATLONG PARING GOMBURZA

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 15 February 2013, at News@1 at News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre José Apolonio Burgos, malamang sa malamang composite na larawan.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre José Apolonio Burgos, malamang sa malamang composite na larawan. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

15 February 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=6PAtXRwo8Ds

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  141 years ago sa linggo, February 17, 1872, binitay ang tatlong paring martir na kolektibo nating tinatawag na GomBurZa.  Tagapagtaguyod sila ng sekularisasyon para makuha ng mga sekular na pari noon ang pagiging kura paroko mula sa mga Espanyol na miyembro ng mga relihiyosong orden o mga paring regular.

Mga prayleng Dominikano sa Piat, Cagayan, 1875-1880.  Mula sa philhistorypics.blogspot.com.

Mga prayleng Dominikano sa Piat, Cagayan, 1875-1880. Mula sa philhistorypics.blogspot.com.

Mariing tinutulan ito ng mga orden marahil dahil sa kapangyarihan ng kura paroko sa isang bayan, hindi nila mabitawan ito.  Kung tutuusin, hindi na nila kailangan ang kanilang ipinaglalaban.  Si Padre José Burgos ay kura paroko ng Katedral ng Maynila, si Jacinto Zamora naman ng Marikina at si Padre Mariano Gomes ng Bacoor, Cavite.  Napakataas na ng kanilang mga posisyon sa Simbahang Pilipino.

José Apolonio Burgos.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

José Apolonio Burgos. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.

Padre Jacinto Zamora.

Padre Jacinto Zamora.

Padre Mariano Gomes.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Padre Mariano Gomes. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Simbahan ng Bacoor, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Simbahan ng Bacoor, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Ngunit ginamit ang pangalan ni Padre Burgos upang manghikayat ng sasama sa nabigong Cavite Mutiny noong January 20, 1872.  Si Padre Gomes naman ayon sa ilang eksperto ay maaaring may kaalaman sa mutiny bilang pinaghihingahan ng sama ng loob at pinagkukumpisalan ng mga manggagawa sa Cavite.  Si Jacinto Zamora naman bagama’t isa sa mga nagtatatguyod ng sekularisasyon ay nadawit dahil nang i-raid ang kanyang tahanan, nahulihan siya ng isang sulat na nag-iimbita sa kanya na magdala ng “bala at pulbura.”  Mahilig sa sugal ng baraha si Zamora at ang imbitasyon na iyon ay code nilang magbabarkada para sa pera sa sugal.  Tsk, dahil sa sugal naging biktima pa siya ng mistaken identity.  Nagbigay sa kanila ng mga abogado na ibinenta lamang sila sa hukuman at sinabing umamin sila sa kanilang pagkakasala.  Napatunayan silang nagkasala at hinatulan sila ng kamatayan noong February 15, 1872 upang bitayin matapos ang dalawang araw.  Nang si Padre Gomes ay tinanong kung kanino niya nais mangumpisal, kanyang sinabi, “Piliin niyo na ang pinakamahigpit naming kaaway para mabatid nila ang kalinisan ng aming budhi.”

Monumento ni Padre Gomes sa Bacoor, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Padre Gomes sa Bacoor, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Nang hilingin ng Gobernador Heneral Rafael Izquierdo na ipahubad sa Arsobispo ng Maynila Meliton Martinez ang abito ng mga pari upang hindi sila mamatay na pati, tumanggi ang arsobispo at iniutos pa na patunugin ang lahat ng kampana sa oras ng kanilang kamatayan.   Sa araw ng pagbitay, ang nagsangkot sa mga pari sa rebelyon, si Zaldua, ang unang binitay, akala niya ililigtas siya ng mga Espanyol.  Si Gomes naman ang sinunod at sinabi ayon sa pananaliksik ni Luis Dery kanyang sinabi sa pamangkin, “Huwag kang lumuha anak, ang taong tunay na nagmamahal sa lupang tinubuan ay hindi namamatay sa higaan.”  Maluwag niyang tinaggap ang kamatayan sa edad na 72.  Si Zamora naman ay nakatulala na parang isang maamong tupa, nabaliw na siya sa mga nangyari sa kanya.

Monumento ni Padre Burgos sa Plaza Burgos, Vigan, Ilocos Sur.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Padre Burgos sa Plaza Burgos, Vigan, Ilocos Sur. Kuha ni Xiao Chua.

Si Burgos ang iyak ng iyak.  Sa lahat ng tinamo niyang pitong digri, dalawa sa mga ito ay doktorado, sa edad ng 35 ito lang pala ang sasapitin niya.  Ipinipilit niya na wala siyang kasalanan.  Nang si Benito Corominas ay sumagot, “Maging si Kristo ay walang kasalanan.”  Sabat ni Burgos sa kanya, “Duwag!”  Ayon sa marker na ito sa pinagpatayan, strangulation ang pagpatay sa garote.  Ayon sa historian na si Ambeth Ocampo, pagbali ito sa leeg na nagbubunsod ng kagyat na kamatayan sa biktima.

Isang diorama ng Gomburza na tumutungo sa kanilang kamatayan.  Kuha ni Xiao Chua sa Burgos Museum, Vigan, ilocos Norte.

Garrote Vil

Garrote Vil

Ang marker na Ingles sa obelisk ng sayt ng paggarote sa GomBurZa na nagsasabing pagsakal at mabagal ang pagkitil ng buhay sa garrote.

Ang marker na Ingles sa obelisk ng sayt ng paggarote sa GomBurZa na nagsasabing pagsakal at mabagal ang pagkitil ng buhay sa garrote.

Sa aklat na ito, ibinigay ni Ambeth Ocampo ang mga tala na nagsasabing ang garrote ay hindi mabagal na pagsakal kundi mabilis na pagputol ng spine.

Sa aklat na ito, ibinigay ni Ambeth Ocampo ang mga tala na nagsasabing ang garrote ay hindi mabagal na pagsakal kundi mabilis na pagputol ng spine.

Paggarote sa tatlong paring martir.  Isang bas relief sa Quezon Memorial Monument sa Lungsod ng Quezon.  Kuha ni Xiao Chua.

Paggarote sa tatlong paring martir.  Dapat may takip ang mukha ng biktima.  Isang bas relief sa Quezon Memorial Monument sa Lungsod ng Quezon. Kuha ni Xiao Chua.

Paggarote sa tatlong paring martir.  Detalye ng monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Caloocan na nilikha ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Xiao Chua.

Paggarote sa tatlong paring martir. Detalye ng monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Caloocan na nilikha ni Guillermo Tolentino. Kuha ni Xiao Chua.

Tahimik na tumangis ang buong bayan, ayaw man lang banggitin ang taong iyon sa takot.  Ngunit hindi nila ito nakalimutan.  Iaalay ni Rizal ang ikalawa niyang nobela sa tatlo at gagawing password ang Gomburza sa Katipunan ni Bonifacio.  Ang kanilang pag-aalay ng buhay ay isa sa mga inspirasyon ng Himagsikan ng mga Anak ng Bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Leong Hall, ADMU, 8 February 2013)