XIAOTIME, 7 January 2013: TANDANG SORA, Ina ng Katipunan, Ina ng Bayan

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 7 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Aktwal na larawan ni Melchora Aquino, a.k.a. Melchora Aquino.  Reyna Elena siya noon, o di ba?  ANG GANDA NG LOLAH MO!

Aktwal na larawan ni Melchora Aquino, a.k.a. Melchora Aquino. Reyna Elena siya noon, o di ba? ANG GANDA NG LOLAH MO!

7 January 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=C-G__onpN74

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Maligayang kaarawan noong Biyernes sa aking mahal na ito na si Charlemagne John Chua, Kok-Chin for short, na madalas akong suportahan sa pamamagitan ng panonood ng lahat ng aking TV interviews.  Salamat sa suporta tito.  Noong isang linggo rin, sa huling araw ng taong 2012, sumakabilang buhay naman ang Heswitang pari na si Padre James Reuter, S. J. sa edad na 96.

Fr. James Reuter, S.J.

Fr. James Reuter, S.J.

Kilala natin siya bilang nakatatanda na naging masigasig sa pagpapakalat ng mabuting balita ng Katolisismo sa pamamagitan ng teatro at media.  Gayundin, nakibaka rin siya laban sa diktadura at nagkaroon ng malaking papel sa People Power Revolution noong 1986 bilang tagapag-ugnay ng mga rebelde sa pamamagitan ng radyo.  Kahit na Amerikano, pinili na maging Pilipino at sumama sa bayan upang maglingkod.  Kahapon naman ang 201 taong kaarawan ng isa pang bayaning nakatatanda.  January 6, 2013, isinilang sa Banlat, ngayon ay Lungsod Quezon si Melchora Aquino.  Huh?  Who’s that Pokemon???  Siya ba yung nanay ni Rizal??? Hindi po.

Likhang-sining sa dating libingan ni Tandang Sora.  Gawa ni Florante “Boy” Beltran Caedo.  Nasa Himalayang Pilipino sa Lungsod Quezon.

Likhang-sining sa dating libingan ni Tandang Sora. Gawa ni Florante “Boy” Beltran Caedo. Nasa Himalayang Pilipino sa Lungsod Quezon.

Si Melchora Aquino ang bayaning mas kilala natin bilang si Tandang Sora, anak ng mayamang mga magsasaka.  Si Melchora habang lumalaki ay laging naiimbita upang maging Reyna Elena ng Santacruzan na kadalasan kinatatampukan ng pinakamaganda sa isang lugar, malambing magsalita, mahilig umawit, at palakiabigan nag-oorganisa ng mga pabasa ng Pasyon ni Hesukristo tuwing mahal na araw.  Pinakasalan niya si Fulgencio Ramos na naging cabesa de barangay, kaya nakilala na rin siya sa tawag na Kabesang Melchora.  Ngunit maagang nabalo at naiwan sa kanya ang pag-aalaga sa anim na anak at ang mga negosyo at bukirin ng asawa.   Noong Agosto 1896, 84 taong gulang na siya at nag-eenjoy sa bunga ng kanyang kasipagan, sumiklab ang himagsikan ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan kung saan kasama ang kanyang anak na si Juan.  Hindi pinagkait ang tahanan mga reboluyunaryo.  Ipinabukas ang kamalig ng kanyang maraming palay, nagpakatay ng mga hayup at ipinakain sa mga tao.

Unang Bugso ng Himagsikan sa obra ni Rody Herrera na nagwagi ng ikalawang gantimpala sa 1963 Bonifacio Centennial National Art Contest (Nasa City Hall ng Lungsod ng Maynila).

Unang Bugso ng Himagsikan sa obra ni Rody Herrera na nagwagi ng ikalawang gantimpala sa 1963 Bonifacio Centennial National Art Contest (Nasa City Hall ng Lungsod ng Maynila).

Noong August 24, 1896, ang limang daang tao noong nakaraang araw ay nadagdagan at naging isang libo!!!  At doon sa kanyang bahay sa Sitio Gulod, Barrio Banlat, hinalal ang Supremo Andres Bonifacio na Pangulo ng Pamahalaang Rebolusyunaryo at sinimulan na ang himagsikan.  Malapit sa kaniyang tahanan, napaatras ni Bonifacio ang pwersa ni Tinyente Ros na isang Espanyol.  Sa payo ng Supremo, tumakas at tinahak sa maulang panahon ang daan patungong Novaliches ngunit sa Pasong Putik sa nasabing lugar siya ay naaresto, kinulong ng magdamag sa bahay ng kabesa, at di naglaon ay ikinulong ang matanda sa Bilibid.  Ipinatapon siya sa Guam at nakabalik na lamang noong 1903, sa edad na 91.  Tinanggihan niya ang alok na bayad sa kanya ng mga Amerikano dahil sa kanyang pagsisilbi sa himagsikan.  Noong February 20, 1919, ang Ina ng Katipunan, ang Ina ng Bayan, ay namahinga na sa gulang na 107.

Mausoleo delos Veteranos de la Revolution sa Cementerio del Norte, La Loma, Lungsod ng Maynila.  Unang pinaglibingan kay Tandang Sora.  Kuha ni Dennis Villegas.

Mausoleo delos Veteranos de la Revolution sa Cementerio del Norte, La Loma, Lungsod ng Maynila. Unang pinaglibingan kay Tandang Sora. Kuha ni Dennis Villegas.

Inilibing siya sa La Loma Cemetery, matapos sa Himlayang Pilipino, at noong nakaraang taon para sa kanyang bicentenary inilipat ang kanyang mga labi sa Tandang Sora Shrine sa kanyang tahanan sa Lungsod Quezon.

Ang paglilipat sa bangkay ni Tandang Sora noong isang taon, Enero 2012 mula sa Himlayang Pilipino.

Ang paglilipat sa bangkay ni Tandang Sora noong isang taon, Enero 2012 mula sa Himlayang Pilipino.  Kuha ng Philippine Daily Inquirer.

Simple lang ang aral ng buhay nina Padre Reuter at Tandang Sora, mga lolo at lolang bayani, na walang pinipiling edad ang pagmamahal sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 4 January 2013)

Ang bagong libingan ni Tandang Sora sa Banlat.

Ang bagong libingan ni Tandang Sora sa Banlat.