IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: tagalog

XIAO TIME, 31 October 2013: ANG KAHULUGAN NG SALITANG “UNDAS”

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Undas.  Mula sa Filway's Philippine Almanac (1995).

Undas. Mula sa Filway’s Philippine Almanac (1995).

31 October 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=3nTKRscMGhw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!   Ipinagdiriwang sa daigdig ang Halloween tuwing October 31.  Ang salitang ito ay nagmula salitang “All Hallow’s Evening,” ang kahulugan ng “hallow” ay saint dahil gabing bisperas nga ito ng All Saints’ Day.

Hallow--hindi walang laman, hindi rin "shallow" (korne) kundi banal, ala "hallowed by thy name."  Therefore "all hallows" ay "all saints."

Hallow–hindi walang laman, hindi rin “shallow” (korne) kundi banal, ala “hallowed by thy name.” Therefore “all hallows” ay “all saints.”

Kasabay nito ang bisperas ng pista ng mga patay na ipinagdiriwang pa ng mga sinaunang Celtic bilang “Samhain” kung kalian pinaniniwalaan nilang bumabalik sa mga tahanan nila ang kaluluwa ng mga ninuno nila.  Ginugunita nila ito sa pamamagitan ng “trick or treat,” kumbaga, kung may kakatok sa iyo at hindi mo bigyan ng kahit ano ay maaari ka nilang lokohin ng mga pranks.  Upang kumatawan sa mga kaluluwa na maaari kang saktan kung maging maramot ka, nagsusuot ng kung anu-nong nakakatakot na costume ang mga bata.

Samhain

Samhain

Trick or Treat.  Mula sa cheboygan.com.

Trick or Treat. Mula sa cheboygan.com.

Si Gillianne Cowenn Manlutac Calma noong Undas 2010 sa Garden of the Ascension, Lungsod ng Tarlac.

Si Gillianne Cowenn Manlutac Calma noong Undas 2010 sa Garden of the Ascension, Lungsod ng Tarlac.

Gayundin, gumagawa ng mga inukitang kalabasa o pumpkin ang mga Kanluranin upang pantaboy sa mga masasamang demonyo na naglipana sa tuwing Holloween.  1866 unang nabanggit ang koneksyon ng Hollween at pumpkin sa Amerika.  Mapapansin din na sa kwentong bayan sa Kanluran, ang mga mangkukulam ay may nakaugalian na gawing mga pumpkin ang mga tao.

Pumpkin o jack-o-lantern.  Mula sa National Geographic.

Pumpkin o jack-o-lantern. Mula sa National Geographic.

Dahil sa komersyalisasyon at globalisasyon, umabot ang mga Kanluraning praktis na ito sa Pilipinas.  Ang pista ng patay sa Pilipinas ay tinatawag nating “Undas.”  Nang tanungin ko si Dr. Lars Raymund Ubaldo, na nag-aral ng mga praktis sa burol ng mga Ilokano, ang salitang “Undas” ay nagmula sa Espanyol na “honras funebres” o funeral honors na sa ibang lalawigang Tagalog ay naging “honras” at “undras,” at sa Ilocos ay “atang” na tinatawag ding “umras.”

Prop. Dr. Lars Raymund Ubaldo noong DLSU History Department Teacher Training Workshop noong October 19, 2013.  Kuha ng opisyal na potograpo ng De La Salle University Manila, Kuya Greg (Taga Litrato).

Prop. Dr. Lars Raymund Ubaldo noong DLSU History Department Teacher Training Workshop noong October 19, 2013. Kuha ng opisyal na potograpo ng De La Salle University Manila, Kuya Greg (Taga Litrato).

Dahil sa impluwensyang Katoliko ng mga Espanyol, naitali sa Todos Los Santos o All Saints Day ang paggalang natin sa patay na tila ang ating mga namatay na ninuno ay itinuturing na rin natin na mga santo na nasa langit kasama ng Panginoon.  Ang doktrina ng Santa Iglesia Catolica Romana ay nagsasabi na ang namatay na mahal sa buhay ay ipinapanalangin upang mahango sa purgatoryo, mapunta sa langit o magabayan ang kanilang mga kaluluwa sa kabilang buhay.

Recuerdos de Patay (souvenir of the dead) sa Pampanga noong panahong sinauna.  Pansinin kung papaano inaangat ang patay upang masilayan sa larawan.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies.

Recuerdos de Patay sa Pampanga.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies.

Recuerdos de Patay sa Pampanga. Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies.

Prusisyon ng patay sa Pampanga.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies.

Ngunit hindi ba kayo nagtataka, kapag undas ay nagdadasal tayo mismo sa kamag-anak natin at kinakausap natin sila?  Ito na ang pananatili ng sinaunang kulturang Pilipino na mas matanda pa sa Katolisismo sa Pilipinas.  Naniniwala tayo na tayong ay may mga kaluluwa ngunit kapag tayo ay namatay ay naglalakbay tayo sa mga ilog at dagat gawa nga na tayo ay isang maritime culture tulad ng makikita sa bangang Manunggul.  Ang mga namatay na kaluluwa ay itinuturing na anito na nagbabalik sa kalikasan, sa mga ilog, sa mga bundok, sa mga bato at sa mga punongkahoy.  Sila ay kinakatawan ng mga estatwa at inaalayan at dinadasalan natin ang mga ninuno natin na ito.  At pinaniniwalaan na nakikipag-usap pa ang mga anito sa atin noon sa pamamagitan ng mga babaylan at catalonan.

Paglilibing sa Cordillera.  Mula sa Filway's Philippine Almanac (1995).

Paglilibing sa Cordillera. Mula sa Filway’s Philippine Almanac (1995).

Isang namatay sa Cordillera.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Isang namatay sa Cordillera. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Bullol, representasyon ng anito sa Ifugao.  Kuha ni Neil Oshima.

Bullol, representasyon ng anito sa Ifugao. Kuha ni Neil Oshima.

Illustration of the worldview and belief in the afterlife of early Filipinos in Palawan.  Photo from the Dante Ambrosio-Xiao Chua Archives.

Illustration of the worldview and belief in the afterlife of early Filipinos in Palawan. Photo from the Dante Ambrosio-Xiao Chua Archives.

Adoring the Manunggul Jar at the National Museum and learning about the common culture and belief of all Austronesians, the ancestors of Filipinos.

Adoring the Manunggul Jar at the National Museum and learning about the common culture and belief of all Austronesians, the ancestors of Filipinos.

Muli, ngayon alam niyo na ang UNDAS ay nagmula sa Honras Funebres, hindi sa binaligtad na “SADNU?”  Dahil hindi naman sad ang pista ng patay sa Pilipinas, hindi ba HAPPYNU ito?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Andrew Bldg., DLSU Manila, 29 October 2013)

Undas sa mga "apartment."  Mula sa kjrosales.blogspot.com.

Undas sa mga “apartment.” Mula sa kjrosales.blogspot.com.

Undas.

Undas.

Ang angkan ng mga Briones ng Lungsod ng Tarlac noong Undas 2010 sa Garden of the Ascension.  Hindi Sad Nu?  Happy Nu!  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang angkan ng mga Briones ng Lungsod ng Tarlac noong Undas 2010 sa Garden of the Ascension. Hindi Sad Nu? Happy Nu! Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

XIAO TIME, 21 June 2013: ANG MAGKATAMBAL NA KASAYSAYAN NG LUNGSOD NG MAYNILA AT NG METRO MANILA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Metro Manila:  Gates of Hell o Gotham City?  Kuha ni Louie Oviedo noong mga pag-ulan ng "Habagat," August 8, 2012 mula sa fb ng UP Socius.

Metro Manila: Gates of Hell o Gotham City? Kuha ni Louie Oviedo noong mga pag-ulan ng “Habagat,” August 8, 2012 mula sa fb ng UP Socius.

21 June 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=Tsep0NNU6N4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  442 years ago, June 24, 1571, itinatag ni Miguel Lopez de Legaspi ang kolonyal na Ciudad de Manila matapos mapilitan ang huling hari ng Maynila na si Rajah Soliman na isuko ang kanyang kaharian at parang mga iskwater na iniwan ang kanilang lumang bayan at nag-resettle sa Ermita at Malate, ang lugar na tinawag na Bagumbayan.

Miguel Lopez de Legaspi.  Mula sa La Ilustracion Filipina.

Miguel Lopez de Legaspi. Mula sa La Ilustracion Filipina.

Rajah Soliman, mula sa "History of Manila" mural ni Carlos "Botong" Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal.  Nasa City Hall ng Maynila.

Rajah Soliman, mula sa “History of Manila” mural ni Carlos “Botong” Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal. Nasa City Hall ng Maynila.

Ang kuta ni Soliman sa Maynila ayon kay J. Martinez, 1892.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang kuta ni Soliman sa Maynila ayon kay J. Martinez, 1892. Mula sa Pacto de Sangre.

Fort Santiago noong panahon ng mga Espanyol, dito makatirik ang dating kuta ni Soliman, ni Alfredo Carmelo, 1960.  Mula sa Pacto de Sangre.

Fort Santiago noong panahon ng mga Espanyol, dito makatirik ang dating kuta ni Soliman, ni Alfredo Carmelo, 1960. Mula sa Pacto de Sangre.

Bago dumating ang mga Espanyol, ang Maynila ay isang kaharian sa bunganga ng Ilog Pasig at ng Look ng Maynila, ang area na ngayon ay nasa Fort Santiago.  Ayon sa disertasyon ni Dr. Lars Raymund Ubaldo, ang lugar sa dalampasigan ng mga bakawan at ang tagpuan ng ilog at dagat na tinatawag sa Ingles na delta, ay tinatawag na “alog” ng mga ating ninuno.  At iyon raw ang tunay na pinagmulan ng salitang “Tagalog,” taga-alog at hindi taga-ilog.

Ang delta o "alog" ng Manila Bay at Pasig River.  Mula sa Wikipedia, 1800s.

Ang delta o “alog” ng Manila Bay at Pasig River. Mula sa Wikipedia, 1800s.

Ang bunganga ng Ilog Pasig sa Look ng Maynila--ang alog, maaaring pinagmulan ng salitang Tagalog--Taga-alog.  Mula sa manilahub.blogspot.com.

Ang bunganga ng Ilog Pasig sa Look ng Maynila–ang alog, maaaring pinagmulan ng salitang Tagalog–Taga-alog. Mula sa manilahub.blogspot.com.

Ang alog ng Look ng Maynila at Ilog Pasig ngayon.  Kuha ni David Montasco.

Ang alog ng Look ng Maynila at Ilog Pasig ngayon. Kuha ni David Montasco.

Si Xiao Chua at Dr. Lars Raymund Ubaldo sa tamabayan ng kanilang organisasyon UP Lipunang Pangkasaysayan sa UP Diliman, January 10, 2005.  Kapwa sila ngayon nagtuturo sa De La Salle University.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang Maynila noon ang nagsisilbing “toll gate” sa mga mangangalakal na nais magtungo sa mga iba’t ibang mga mauunlad na kaharian sa Laguna de Bai.  Ang Maynila ay nagmula sa salitang “nila,” isang indigo plant na tumutubo sa ilog, may nila.

Ang Look ng Maynila mula sa kalawakan.  Mula sa wv.mei.titech.ac.jp

Ang Look ng Maynila mula sa kalawakan. Mula sa wv.mei.titech.ac.jp

Mula Tondo at Maynila, ang Ilog Pasig ay bumabagtas hanggang Laguna de Bai--mga dating kaharian na tinukoy sa Laguna Copperplayte Inscription.  Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Mula Tondo at Maynila, ang Ilog Pasig ay bumabagtas hanggang Laguna de Bai–mga dating kaharian na tinukoy sa Laguna Copperplayte Inscription. Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Ang Nila, mula sa Flora de Filipinas ni Padre Manuel Blanco.

Ang Nila, mula sa Flora de Filipinas ni Padre Manuel Blanco.

"Entrevista de Goiti y Rajah Soliman," and encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Obra maestra ni Fernando Amorsolo.  Mula sa Pacto de Sangre.

“Entrevista de Goiti y Rajah Soliman,” and encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Obra maestra ni Fernando Amorsolo. Mula sa Pacto de Sangre.

Ito ang naging kabisera ng mga Espanyol, at ang Ciudad de Manila noon ay yaon lamang nasa paligid ng pinatayuan nilang mga pader—Intramuros.  Nang dumating ang mga Amerikano, maging ang mga nasa labas ng pader ay naging Lungsod ng Maynila.

Ang lumang mapa ng Espanyol na Ciudad de Manila na napapalibutan ng mga pader--Intramuros (Latin para sa nasa loob ng mga pader).  Nakaayon sa Leyes de las Indias ng mga Espanyol, ito ang naging huwaran ng iba pang mga pueblo o bayan sa Pilipinas--may sentro na tinatawag na Plaza at nahahati sa parisukat ayon sa Roman Grid Pattern.  Sa town planning na ito, nasa plaza ang pinakamahalagang institusyon ng Simbahan at Casa Gobierno, at ang mga bahay na pinakamalapit sa plaza ay yaong sa may kapangyarihan.

Ang lumang mapa ng Espanyol na Ciudad de Manila na napapalibutan ng mga pader–Intramuros (Latin para sa nasa loob ng mga pader). Nakaayon sa Leyes de las Indias ng mga Espanyol, ito ang naging huwaran ng iba pang mga pueblo o bayan sa Pilipinas–may sentro na tinatawag na Plaza at nahahati sa parisukat ayon sa Roman Grid Pattern. Sa town planning na ito, nasa plaza ang pinakamahalagang institusyon ng Simbahan at Casa Gobierno, at ang mga bahay na pinakamalapit sa plaza ay yaong sa may kapangyarihan.

Dahil napalibutan ng mga matataas na pader ang Intramuros, hindi napabagsak sa loob ng tatlong daang taon ang Conquista.  Mapa mula sa Pacto de Sangre.

Dahil napalibutan ng mga matataas na pader ang Intramuros, hindi napabagsak sa loob ng tatlong daang taon ang Conquista. Mapa mula sa Pacto de Sangre.

Ang Intramuros sa panahon ng mga Amerikano, lumalaki na ang Lungsod ng Maynila.

Ang Intramuros sa panahon ng mga Amerikano, lumalaki na ang Lungsod ng Maynila.

Hindi na lamang Intramuros ang Lungsod ng Maynila noong panahon ng Amerikano, isinama na ang mga dating arabales o suburbs.

Hindi na lamang Intramuros ang Lungsod ng Maynila noong panahon ng Amerikano, isinama na ang mga dating arabales o suburbs.

Dahil maliit ang Maynila, hiniraya o nagkaroon ng vision si Pangulong Manuel Quezon na magtatag ng isang mas malaki at planadong bagong pangkabeserang lungsod na nakapangalan sa kanya, Quezon City, noong 1939.  Naging ganap na kabisera ng Pilipinas ang Quezon City noong 1948 ngunit binawi ito ni Pangulong Marcos noong 1976.

Si Pangulong Manuel Luis Quezon sa kanyang talumpating pampasinaya bilang Unang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas, November 15, 1935 sa lumang gusali ng Kongreso sa Maynila.  Ito ang pinagbatayan ng sikat niyang monumento.

Angnpaglalagay ng batong panulukan sa Lungsod Quezon na pinangunahan ni... Quezon.  Mula sa Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas.

Angnpaglalagay ng batong panulukan sa Lungsod Quezon na pinangunahan ni… Quezon. Mula sa Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas.

Ang elliptical circle at ang Quezon Memorial Monument.  Ang sanang magiging kapital ng Pilipinas.  Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Ang elliptical circle at ang Quezon Memorial Monument. Ang sanang magiging kapital ng Pilipinas. Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Palaki ng palaki ng palaki ng palaki.  Ito ang masasabi ukol sa kabisera ng Pilipinas lalo na nang itatag ni Pangulong Ferdinand E. Marcos noong November 7, 1975 ang Metropolitan Manila Commission o MMC na binubuo ng apat na mga lungsod ng Maynila, Quezon, Pasay at Caloocan; at ng labintatlong iba pang mga bayan upang maging Metropolitan Manila o National Capital Region.

Ang lalawigan ng Rizal ay hinati, ang pinakamauunlad na bayan nito ay naging bahagi ng Metropolitan Manila.  Naloka siguro ang mga Rodriguez ng Rizal.  Mula kay armandobalajadia.com.

Ang lalawigan ng Rizal ay hinati, ang pinakamauunlad na bayan nito ay naging bahagi ng Metropolitan Manila. Naloka siguro ang mga Rodriguez ng Rizal. Mula kay armandobalajadia.com.

Ang mapa ng Metropolitan Manila o National Capital Region.

Ang mapa ng Metropolitan Manila o National Capital Region ngayon.

Inatasan niya ang Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos na maging gobernador at upang diumano ay maiwasan ang pagtatampo ni Gobernador Isidro Rodriguez ng Lalawigang Rizal na pinagkunan ng lahat ng pinakamayayaman nilang bayan, ginawang alkalde ng Quezon City ang asawa niyang si Adelina S. Rodriguez.

Alkalde Adelina Rodriguez.  Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Alkalde Adelina Rodriguez. Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Nang manumpa ang Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos bilang tanging "Gobernador ng Metropolitan Manila" noong November 7, 1975 sa Palasyo ng Malacanan.

Nang manumpa ang Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos bilang tanging “Gobernador ng Metropolitan Manila” noong November 7, 1975 sa Palasyo ng Malacanan.

Si Imelda Marcos habang pinupulong ang mga alkalde ng Metropolitan Manila.  Naging makapangyarihan siyang gobernador hawak ang 15 % ng pambansang budget.    Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Si Imelda Marcos habang pinupulong ang mga alkalde ng Metropolitan Manila. Naging makapangyarihan siyang gobernador hawak ang 15 % ng pambansang budget. Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Nag-adhika si Imelda na ibigay ang 11 Basic Needs of Man, kaya tila kinuyog na parang mga bubuyog ng mga tao ang kabisera.  Lumaki ang populasyon nito.  Plano niyang palakihin ang land area ng MM, dadagdagan ang reclaimed area hanggang Cavite at isasali na ang area hanggang Real, Quezon upang maging bahagi ng MM!!!  Ang tanging lungsod sa daigdig na nakaharap sa dalawang malalaking katawan ng tubig.  Hindi ito natuloy.

Mapa na nagpapakita ng planong pinalaking Metropolitan Manila na nakaharap kapwa sa Dagat Kanlurang Pilipinas (Look ng Maynila) at Karagatang Pasipiko (Infanta-Real, Quezon).  Mula sa Metropolitan Manila Development Authority Library).

Nagpatuloy ang MMC sa pamamagitan ng  Metropolitan Manila Development Authority at nag-iwan din ito ng pamana.  Kaiba sa “Gates of Hell” na tawag sa lungsod ni Dan Brown, may progreso sa Metro Manila.

Ang Metropolitan Manila ngayon.

Ang Metropolitan Manila ngayon.

Solid na Manila shot na tila nagpapapala ang Panginoon.

Solid na Manila shot na tila nagpapapala ang Panginoon.Kuha ni Huno Garces.

Ang mga nakahimpil na tinitirhang maliliit na casco sa Ilog Pasig sa Lumang Maynila.

Ang mga nakahimpil na tinitirhang maliliit na casco sa Ilog Pasig sa Lumang Maynila.

Ang mga bahay sa gilid ng ilog.  Mula sa fb ni Delmar Taclibon.

Ang mga bahay sa gilid ng ilog. Mula sa fb ni Delmar Taclibon.

Paano naman ang rural poor?  Mula sa newsbox.unccd.int.

Paano naman ang rural poor? Mula sa newsbox.unccd.int.

Ngunit hindi ba’t sa sobrang pagbibigay ng ginhawa sa kabisera natin, nasakripisyo ang mga probinsya natin?  Pag-isipan natin, paano kaya natin maiiwasan ito?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Razon’s, UP-Ayala Technohub, 30 October 2012, 8 June 2013)

XIAOTIME, 16 October 2012: PINAGMULAN NG LA NAVAL

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 16 October 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Nuestra Señora del Santissimo Rosario de La Naval de Manila, kuha ni Aldwin Ong mula sa aklat na “The Saga of La Naval: Triumph of a People’s Faith.”

16 October 2012, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=6hiqb0vbaak&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong linggo po, 14 October 2012, ang pista ng Our Lady of the Most Holy Rosary of La Naval na ipinagdiriwang tuwing ikalawang linggo ng Oktubre ng bawat taon!  Bakit nga ba may La Naval?  Ano ang La Naval?  363 years ago, mga unang buwan ng taong 1646, tila sunod-sunod ang masamang balita para sa Maynila.  Kakatapos pa lamang ng isa sa pinakamalakas na lindol na naranasan ng Maynila noong nakaraang Nobyembre, nang mabalitaan nila ang obsesyon ng mga Olandes na salakayin ang Maynila, ang sentro ng Imperyong Espanyol sa Silangan!  Upang iharap sa malaking hukbong pandagat ng mga Olandes, hinanda ng mga Espanyol ang… ting!  Dalawang outdated na Galyon—ang Rosario at ang Encarnacion na sinamahan ng dalawang barkomg Tsino o sampan.  Tig-200 tao ang inilagay sa bawat galyon, isandaan sa mga ito ay mga kabataan at mga lalaking mula sa mga prominenteng pamilya sa Maynila, karamihan ay mga nadirigmang Tagalog at Kapampangan.  Magkahiwalay na nangako ang mga pinuno ng hukbo na sina Hen. Lorenzo de Orella y Ugalte at Almirante Sebastían Lopez na lalakad ng nakatapak sa Simbahan ng Sto. Domingo sa harapan ng Mahal na Ina ng Sto. Rosario sa bawat tagumpay na ibibigay sa kanila.  Noong 3 Marso 1646, umalis ng Cavite ang mga galyon.  Limang labanan ang naganap mula 15 Marso hanggang sa huling labanan ng 3 Oktubre 1646.  Sa lahat ng labanan, tinugis at pinaurong ng dalawang lumang galyon ang nakararaming barkong Olandes!  Nanalo ang mga Espanyol at ang mga Indio sa pagtatanggol sa kanilang lupa.  Nagpasalamat at nagdiwang ang kapwa sakop at mananakop at nagtungo sa Sto. Domingo Church sa Intramuros upang magpasalamat.  Ang mga marinero ay tumupad sa kanilang pangako na lumakad ng nakayapak sa paanan ng imahen ng Sto. Rosario.  Napatunayan ng Arsobispado ng Maynila na mahimala ang pagkapanalo sa labanan at tinawag ang Mahal na Ina ng Sto. Rosario bilang La Naval.  Nawasak ng digmaan ang Simbahan ng Sto. Domingo ngunit patuloy na namintuho ang mga tao sa birhen sa bago nitong Simbahan sa Lungsod Quezon, ginawa pang patrona ng lungsod dahil halos magkasabay ang pista sa pagkakatatag nito.  Sa pananaw ng mga relihiyoso, binuhay ng himala ang diwa ng Katolikong Maynila at ipinakita ang kabutihan ng Maykapal sa Pilipinas.  Ngunit para kay Nick Joaquin, dito nadiskubre ang galing ng mga Tagalog at Kapampangan sa pagtatanggol sa mga Espanyol.  Hangga’t kakampi ng mga Espanyol ang Bayang Tagalog at Kapampangan, patuloy na nanaig ang mga Espanyol.  Nang bumitaw ang mga ito sa Himagsikang 1896, doon na nagsimulang lumagapak ang Imperyong Espanyol.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, 8 October 2012)

Battle of La Naval

La Naval in Blue Lights