IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: sultanate

XIAO TIME, 23 May 2013: TARHATA KIRAM: ASTIG NA PRINSESANG MUSLIM

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Prinsesa Tarhata Kiram.  Mula sa Pambansang Aklatan at ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Prinsesa Tarhata Kiram. Mula sa Pambansang Aklatan at ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

23 May 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=eMAJJi8O-ek

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  34 years ago, May 23, 1979, namatay sa sakit sa puso sa edad na 73 ang isang prinsesang Muslim, si Tarhata Kiram sa Victoriano Luna General Hospital sa Lungsod Quezon.

Victoriano Luna General Hospital (AFP Medical Center), dito raw ayon sa mga apo ng prinsesa sumakabilang-buhay si Tarhata Kiram noong 1979.  Reaksyon nila ito sa mga tala na nagsasabing sa Veterans Memorial Hospital namatay ang prinsesa.

Victoriano Luna General Hospital (AFP Medical Center), dito raw ayon sa mga apo ng prinsesa sumakabilang-buhay si Tarhata Kiram noong 1979. Reaksyon nila ito sa mga tala na nagsasabing sa Veterans Memorial Hospital namatay ang prinsesa.

Ang naging karera ni Prinsesa Tarhata bilang isang makabayan ay katibayan ng sinabi sa akin ng isang nakatatandang propesor ng kasaysayan ng kasarian sa DLSU Manila, Dr. Luis Camara Dery na kaiba sa ibang mga bansang Islamiko sa daigdig, pinakamalaki ang respeto na ibinibigay sa mga babaeng Pilipinang muslim.  Ito ay dahil sa kultura ng sinaunang bayan bago dumating ang Islam at ang Kolonyalismo, may mataas na rin na pagtingin sa kababaihan.  Ayon sa kanyang mga kaanak, isinilang si Tarhata noong May 24, 1906.  Ama niya si Datu Mawalil Atik Kiram.  Ngunit inampon ng Sultan ng Sulu, Jamalul Kiram II.

Jamalul Kiram II, mula sa jamalashley.wordpress.com.

Jamalul Kiram II, mula sa jamalashley.wordpress.com.

Sa panahon na tila nangibabaw ang patriyarkiya sa bansa, sa mga Muslim man o Kristiyano, winner si Lola!  Dahil prinsesa, mayroon daw siyang grupo ng mga tagasunod na lumalakad sa likuran niya.  Sa kanyang kagandahan, naging pabalat ng Philippines Free Press.  Noong 1920, naging pensionado siya at nagtapos sa University of Illinois, sinamahan siya ng mga groupies niya.

Isang larawan ni Prinsesa Tarhata noong kanyang kabataan (nasa kaliwa).  Mula sa nonlinearhistorynut.com.

Isang larawan ni Prinsesa Tarhata noong kanyang kabataan (nasa kaliwa). Mula sa nonlinearhistorynut.com.

Tarhata Kiram sa America, fashionistang pensionada.

Tarhata Kiram sa America, fashionistang pensionada.

Si Carmen Aguinaldo, anak ni Heneral Emilio Aguinaldo, at si Prinsesa Tarhata Kiram ng Sulu, New York Tribune September 7, 1919.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Si Carmen Aguinaldo, anak ni Heneral Emilio Aguinaldo, at si Prinsesa Tarhata Kiram ng Sulu, New York Tribune September 7, 1919. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ngunit nang matapos ang kanyang edukasyon, nagbalik sa Sulu at kahit may American accent, nagsuot muli siya ng mga kasuotang Tausug at nagbalik sa kanyang pamumuhay.  Medyo may pagkarebelde ang Prinsesa kaya nagpakasal siya sa isang namuno sa 1927 Moro Revolt sa Sulu laban sa mga Amerikano, si Datu Tahil.  Sinamahan niya ito nang matapon sa malayong lugar at nagbalik lamang si Prinsesa Tarhata noong 1931 nang nakilahok siya sa lokal na pulitika.

Ang balikbayang muling niyakap ang kanyang kultura.  Mula sa Yuchengco Museum.

Ang balikbayang muling niyakap ang kanyang kultura. Mula sa Yuchengco Museum.

Nakibaka siya laban sa mga batas na maaaring makasama sa mga Muslim sa Pilipinas, halimbawa ang Bacon Bill, na nilabanan niya kasama si Senador Hadji Butu Rasul dahil ipaghihiwalay nito ang kapuluang Sulu mula sa Mindanao.  Hindi lamang pampulitika, pangsining din ang beauty ni lola, kumatha ng mga awiting Tausug, pinakapopular dito ang “Jolo Farewell.” Naging konsultant ni Rear Admiral Romulo Espaldon, Tanggapan ng Islamic Affairs Regional Commission sa Rehiyon 9.

Senador Hadji Butu Rasul.

Senador Hadji Butu Rasul.

Si Admiral Romulo Espaldon habang nakamasid sa likuran ni Pangulong Ferdinand Marcos habang nagpapasuko ng mga rebeldeng Muslim.  Mula sa Kristiyanismo, niyakap ni Espaldon ang Islam.

Si Admiral Romulo Espaldon habang nakamasid sa likuran ni Pangulong Ferdinand Marcos habang nagpapasuko ng mga rebeldeng Muslim. Mula sa Kristiyanismo, niyakap ni Espaldon ang Islam.

Mula sa jamalashley.wordpress.com:  "Princess Tarhata Kiram holding my sister, Alnahar Mobina Fatima during my sister’s baptism (paggunting). At the center is Sultan Zein ul Abidin II and to his right is my mother, Sitti Rahma Yahya-Abbas"

Mula sa jamalashley.wordpress.com: “Princess Tarhata Kiram holding my sister, Alnahar Mobina Fatima during my sister’s baptism (paggunting). At the center is Sultan Zein ul Abidin II and to his right is my mother, Sitti Rahma Yahya-Abbas”

Nakilala siya sa kanyang pagsusulong ng kapakanan ng kanyang mga kababayang Moro sa pamahalaan.  Sa kanyang pagkamatay noong 1979, hindi lamang ang kanyang dalawang anak na sina Putri Denchurain at Datu Agham Kiram ang kanyang naiwan, naiwan din niya ang sambayanang Moro na kanyang pinagsilbihan sa kanyang buong buhay.  Bilang pagkilala sa kanyang mga nagawa, noong 1984, pinarangalan siya ng estado ng Pilipinas kapwa sa pamamagitan ng paglalagay ng isang historical marker ukol sa kanya sa Jolo mula sa National Historical Institute, at sa paglalabas ng isang tatlong-pisong selyo mula sa Kawanihan ng Koreo.

Ang seremonya ng paglilipat sa mga taga Jolo, Sulu ng isang tandang pangkasaysayan na nagpupugay sa papel ni Tarhata Kiram sa kasaysayan ng Pilipinas noong 1984.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang seremonya ng paglilipat sa mga taga Jolo, Sulu ng isang tandang pangkasaysayan na nagpupugay sa papel ni Tarhata Kiram sa kasaysayan ng Pilipinas noong 1984. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang Php 3.00 selyo na nagpupugay kay Prinsesa Tarhata Kiram.

Ang Php 3.00 selyo na nagpupugay kay Prinsesa Tarhata Kiram.

Si Prinsesa Tarhata Kiram ay isang katibayan na maaring mapanatili ang pagkakakilanlan na Moro habang nakikipagkaisa rin sa bayang Pilipino, at katibayan rin siya ng kontribusyon at lakas ng babaeng Muslim sa Pilipinas—tulad ni PTV Newscaster na si Princess Sittie Habibah Sarip.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

Princess Sittie Habibah Sarip--na gumawa ng kasaysayan bilang unang nakabelong Muslim na nagbasa ng balita sa pambansang telebisyon, siyempre sa makasaysayang Telebisyon ng Bayan.  Mula sa gmanetwork.com

Princess Sittie Habibah Sarip–na gumawa ng kasaysayan bilang unang nakabelong Muslim na nagbasa ng balita sa pambansang telebisyon, siyempre sa makasaysayang Telebisyon ng Bayan. Mula sa gmanetwork.com

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 18 May 2013, pasasalamat sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas at sa apo sa tuhod ni Prinsesa Tarhata Kiram, Sitti Katrina Kiram-Tarsum Nuqui, anak ni Dayang Dayang Putri Pangian Taj-Mahal Kiram Tarsum Nuqui na anak naman ni Prinsesa Denchurain Kiram Tarsum)

XIAOTIME, 4 December 2012: DATU ALI NG BUAYAN, Juramentado o Bayani?

Broadcast of Xiaotime news segment last Tuesday, 4 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Datu Ali at ang kanyang pamilya.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinusat Lidasan.

Datu Ali at ang kanyang pamilya. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

4 December 2012, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=2rLwzirZw2A

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay ang episode na ito sa mga kaibigang nagsusulong ng kapantasang Muslim at nagbabantay ng alaala ng mga bayaning Moro, sina Dato Yusuf Ali Morales at Muhammad Sinsuat Lidasan na kaanak ng mga Sultan ng Buayan sa Maguindanao.

Prinsesa Bai Aizian Utto Camsa

Prinsesa Bai Aizian Utto Camsa

Noong nakaraang November 24, 2012, binigyan po ako ng karangalan ng Sultanate of Buayan Darussalam, sa pamamagitan ni Prinsesa Bai Aizian Utto Camsa, ng karangalang “Darjah Kebesaran Sultan Akmad Utto Camsa” na may titulong pandangal na “Dato” dahil sa aking pagtalakay ng kultura at ng mga bayaning Moro dito sa “Xiao Time.”

04 na may titulong pandangal na “Dato”

Inspirasyon ang iginawad ninyo sa akin upang lalong magpunyagi na responsableng isalaysay ang mga kwentong may saysay sa ating lahat.  Ang tatalakayin ko po ngayon ay ang kanilang ninunong si Datu Ali.  Si Datu Ali, ang Rajah Muda o Crowned Prince ng Sultanato ng Buayan sa Maguindanao at pinuno ng Hilagang Lambak ng Cotabato, ang kinikilalang pinuno ng teritoryo at mamamayang Maguindanaon noong kanyang panahon, dekada 1900s.  Anak siya ni Sultan Muhammad Bayao.  Ngunit, nagnanais ang mga bagong saltang mananakop na Amerikano na maghari sa Maguindanao, si Datu Ali ang naging pinakamalaki nilang tinik.  Dinigma sila ni Datu Ali noong una sa pamamagitan ng harapang pakikipaglaban ngunit paglaon gamit na ang digmaang pangerilya.  Kahit ang mabangis na heneral na mga Amerikano na si Leonard Wood, na magiging gobernador heneral ng Pilipinas, ay hindi naitago ang paghanga kay Datu Ali, “by far the most capable Moro we have run into.”

Heneral Leonard Wood

Heneral Leonard Wood

Upang makipagnegosasyon kay Datu Ali, naging tagapamagitan ng mga Amerikano ang isang respetadong Imam na si Sharif Afdal ngunit hindi naging mabunga ang mga usapang ito.

Sharif Afdal, nagyoyosi, naka-shades.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Sharif Afdal, nagyoyosi, naka-shades. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Naging istratehiya ng mga mananakop ang “Divide and Rule” policy kung saan pag-aaway-awayin ang mga Pilipino upang hindi magkaisa at nang hindi magkaroon ng malaking banta sa kanilang pananakop.

Datu Guimbangan.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Datu Guimbangan. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Kinidnap sa Fort Serenaya ang kapatid niyang si Datu Guimbangan upang hikayatin siyang sumuko ngunit hindi siya natinag.  Kaya pinakilos ng mga Amerikano ang mga taong may hinanakit kay Datu Ali upang pagtaksilan siya.  Bilang negosyador, si Sharif Afdal ang nagsabi ng kinaroroonan ni Datu Ali kay Datu Piang, na nagpasa naman ng impormasyon sa mga Amerikano.

Datu Piang.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Datu Piang. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Inatasan ang 22nd Infantry sa pamumuno ni Kapitan F.R. McCoy.  Si Datu Enok naman ang gumabay sa mga Amerikano sa pinakaligtas at pinakahindi nababantayan na ruta patungo sa kampo ni Datu Ali.

Kapitan F. R. McCoy.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Kapitan F. R. McCoy. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Datu Enok.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Datu Enok. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

October 22, 1905, umaga, nilusob ng mga Amerikano ang bahay ni Datu Ali, nakaganti ng putok ang datu ngunit nakaiwas si Tinyente Remington at binaril ang datu, bumagsak siya at nagtangkang tumakas upang lumaban muli ngunit tinapos na siya ng mga kalaban.  Ito ang pataksil na wakas ng pinakamalaking hamon sa pananakop ng Amerika sa Maguindanao.

Ulat ng mga Amerikano sa pagpaslang kay Datu Ali.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Ulat ng mga Amerikano sa pagpaslang kay Datu Ali. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Ayon kay Datu Ali, “Ang mga taong takot mamatay ay mas magandang takpan na lamang ng palay sa kanilang libingan.”  Para sa ilan sa atin, kapag lumalaban ang Muslim para sa kanilang lupa, juramentado o nag-aamok sila.  Ngunit ang mga katulad ni Datu Ali ay dapat kilalaning bayani na isinakripisyo ang buhay, nag-sabil, para sa tunay na kalayaan ng bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(McDo Taft, 27 November 2012)