IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: kapampangan

XIAO TIME, 4 June 2013: SI BAMBALITO, ANG UNANG DOKUMENTADONG MARTIR PARA SA KALAYAAN NG BANSA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

"Rajah Sulayman's Last Stand at Maynila, June 3, 1521."  Isang obrang watercolor na ginawa ni Dan H. Dizon na lumitaw sa In The Grade School Magazine, 1964.  Sa kagandahang loob ni Director Robby Tantingco ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

“Rajah Sulayman’s Last Stand at Maynila, June 3, 1521.” Isang obrang watercolor na ginawa ni Dan H. Dizon na lumitaw sa In The Grade School Magazine, 1964. Sa kagandahang loob ni Director Robby Tantingco ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.  Hindi si Rajah Soliman kundi si Bambalito.

3 June 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=J7iNNLWpSUU

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  442 years ago, June 3, 1571, naganap ang Battle of Bangkusay sa Tondo sa pagitan ng mga Kapampangan at mga Espanyol.  Sa mga primaryang batis tulad ng sinulat ni Miguel Lopez de Legaspi, hindi pinangalanan ang kabataang pinuno ng mga Makabebe na namatay sa laban.  Ngunit, hanggang ngayon, pinapakalat na ang pinunong napatay ay si Rajah Soliman, ang Hari ng Maynila.  Nakakaloka lang kasi after a few years, 1574, si Rajah Soliman ay makikita na sumabay sa pag-atake ng Tsinong piratang Limahong sa Maynila.  Huh???  Patay nabuhay??? Ano yun multo???

Rajah Soliman, mula sa "History of Manila" mural ni Carlos "Botong" Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal.  Nasa City Hall ng Maynila.

Rajah Soliman, mula sa “History of Manila” mural ni Carlos “Botong” Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal. Nasa City Hall ng Maynila.

Nakalagay sa caption ng isang lupang opisyal na publikasyon ng Pamahalaang Panlungsod ng Manila, Building a Better Manila, na si Rajah Soliman ang namatay sa Labanan sa Bangkusay.  Mali.

Nakalagay sa caption ng isang lupang opisyal na publikasyon ng Pamahalaang Panlungsod ng Manila, Building a Better Manila, na si Rajah Soliman ang namatay sa Labanan sa Bangkusay. Mali.  Obra ni Botong Francisco.

Si Rajah Soliman at si Limahong sa mural ni Botong Francisco "History of Manila."

Si Rajah Soliman at si Limahong sa mural ni Botong Francisco “History of Manila.”

Ang confusion ay nagsimula nang pangalanan ni Pedro Paterno sa kanyang Historia de Filipinas ang pinuno bilang si “Toric Soleiman.”  So ayun, kaya inakala ng mga taga Maynila na ito ang kanilang huling hari.  Naisulat ito sa mga libro, napatayuan ng mga monumento, nailagay sa mga likhang-sining, si Rajah Soliman, ang bayani ng Maynila, ang bayani ng Bangkusay!

Monumento para sa palabang si Rajah Soliman sa Liwasang Rajah Sulayman sa harap ng Simbahan ng Malate sa Maynila.  Sa totoo lang, isinuko niya rin sa huli ang Maynila sa mga Espanyol.

Monumento para sa palabang si Rajah Soliman sa Liwasang Rajah Sulayman sa harap ng Simbahan ng Malate sa Maynila. Sa totoo lang, isinuko niya rin sa huli ang Maynila sa mga Espanyol.

Monumento para sa palabang si Rajah Soliman sa Liwasang Rajah Sulayman sa harap ng Simbahan ng Malate sa Maynila. Sa totoo lang, isinuko niya rin sa huli ang Maynila sa mga Espanyol.

Monumento para sa palabang si Rajah Soliman sa Liwasang Rajah Sulayman sa harap ng Simbahan ng Malate sa Maynila. Sa totoo lang, isinuko niya rin sa huli ang Maynila sa mga Espanyol.

Ang busto para kay Rajah Soliman sa Luneta na nagpapakita sa bakal na siya ang bayaning namatay sa Labanan sa Bangkusay.

Ang busto para kay Rajah Soliman sa Luneta na nagpapakita sa bakal na siya ang bayaning namatay sa Labanan sa Bangkusay.

Ang busto para kay Rajah Soliman sa Luneta na nagpapakita sa bakal na siya ang bayaning namatay sa Labanan sa Bangkusay.  Inilagay ang mga ito noong panahon ng Sentenaryo kasama ng iba pang hindi masyadong kilalang bayani.

Ang busto para kay Rajah Soliman sa Luneta na nagpapakita sa bakal na siya ang bayaning namatay sa Labanan sa Bangkusay. Inilagay ang mga ito noong panahon ng Sentenaryo kasama ng iba pang hindi masyadong kilalang bayani.

Muli, ang bayani ng Bangkusay ay hindi si Rajah Soliman kundi isang kabataang pinunong Makabebe.  At ito ang kanyang kwento.  Nang muling bumalik ang mga Espanyol sa pamumuno ni Legaspi upang tuluyang masakop ang Maynila noong 1571, ayon sa mga tala, nag-organisa ang mga Makabebe ng pwersang lalaban sa mga mananakop at sinamahan sila ng mga kaharian sa tabi ng Ilog Pampanga tulad ng mga taga Hagonoy sa Bulacan.  Ang pwersa nila ay umabot ng 2,000 katao sakay ng 40 karakoa, ang sinaunang warship ng mga ninuno natin, na nagpapakita ng kapangyarihang naval ng mga Kapampangan noon.

Encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570.  Mula sa Pacto de Sangre.

Encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Mula sa Pacto de Sangre.

Miguel Lopez de Legaspi.  Mula sa La Ilustracion Filipina.

Miguel Lopez de Legaspi. Mula sa La Ilustracion Filipina.

Miguel Lopez de Legaspi.  Mula sa La Ilustracion Filipina.

Miguel Lopez de Legaspi. Mula sa La Ilustracion Filipina.

Sina Bambalito at ang mga taga Hagonoy, mula sa "Kasaysayan ng Bulakan Mural sa Hiyas ng Bulacan Museum, Capitol Complex, Malolos, Bulacan.  Obra ng mga tagapagtatag na kasapi ng Lakan-Sining ng Bulacan sa ilalim ni Guillermo Tolentino, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal, sa pananaliksik ni Jose P.W. Tantoco.  Kuha ni Xiao Chua.

Sina Bambalito at ang mga taga Hagonoy, mula sa “Kasaysayan ng Bulakan Mural sa Hiyas ng Bulacan Museum, Capitol Complex, Malolos, Bulacan. Obra ng mga tagapagtatag na kasapi ng Lakan-Sining ng Bulacan sa ilalim ni Guillermo Tolentino, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal, sa pananaliksik ni Jose P.W. Tantoco. Kuha ni Xiao Chua.

Karakoa

Karakoa

Karakoa, obra ni Bernard Lacanlale.  Mula kay Ian Christopher Alfonso.

Karakoa, obra ni Bernard Lacanlale. Mula kay Ian Christopher Alfonso.

Humimpil sila sa Bangkusay, sa Tondo at nakipag-usap kay Lakan Dula, na nauna nang ibinigay ang Tondo sa mga Espanyol.  Nakipagkasundo siya sa batang pinuno, kung makakapatay raw sila ng higit 50 mga Espanyol, sasama ang mga taga Tondo sa laban.  Nilapitan din ng mga emisaryong Espanyol ngunit kanyang sinabi sa kanila nang nakataas ang kanyang kampilan, “Nawa’y lintikan ako ng araw at hatiin sa dalawa, at nawa’y bumagsak ako sa kahihiyan sa harapan ng mga kababaihan upang kamuhian nila ako, kung maging sa isang sandali ay maging kaibigan ko ang mga Kastilang ito!”

"Brave Warrior."  Obra ni Dan H. Dizon, 1979.  Sa kagandahang loob ni Director Robby Tantingco ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

“Brave Warrior.” Obra ni Dan H. Dizon, 1979. Sa kagandahang loob ni Director Robby Tantingco ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Tsaka ang lolo mo ay lumundag sa bahay nang hindi gumagamit ng anumang hagdanan at tumungo na sa kanyang karakoa, nag-iwan ng habiling magtutuos sila sa Bangkusay.  Naghiyawan ang mga taumbayan.  Ngunit sa labanang iyon, sa kwento mismo ni Padre Gaspar de San Agustin, hindi nakitaan ang pinunong “pinakamatapang sa buong isla” ng anumang kahinaan o pagkalito sa pakikipaglaban nang malapitan sa mga Espanyol sakay ng kanyang karakoa hanggang ang kabataang pinuno ay matamaan ng bala at mamatay.

Pabalat ng "Conquistas de las Islas Filipinas, 1565-1615" ni Padre Gaspar de San Agustin.

Pabalat ng “Conquistas de las Islas Filipinas, 1565-1615” ni Padre Gaspar de San Agustin.

Martin de Goiti, ang namuno sa mga Espanyol na sumagupa sa mga Macabebe.  Mula sa Ayala Museum.

Martin de Goiti, ang namuno sa mga Espanyol na sumagupa sa mga Macabebe. Mula sa Ayala Museum.

Nang makita ito ng mga tao niya, nagsipulasan na sila.  Sa isang dokumentong sinulat noong 1590, pinangalanan ang kabataang pinuno na ito na si Bambalito.  Si Lapulapu ang unang dokumentadong bayani na nakipaglaban sa mga mananakop, si Bambalito naman ang pinakaunang dokumentadong martir para sa kalayaan ng bansa.

Bambalito.  Obra ni Joel Pabustan Mallari mula sa Singsing:  Memorable Kapampangans ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Bambalito. Obra ni Joel Pabustan Mallari mula sa Singsing: Memorable Kapampangans ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Monumento para kay Bambalito sa Plaza ng Macabebe.  Kuha ni Ian Christopher Alfonso ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Monumento para kay Bambalito sa Plaza ng Macabebe. Kuha ni Ian Christopher Alfonso ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Inskripsyon sa monumento ni Bambalito sa Macabebe, Pampanga.  Kuha ni Ian Christopher Alfonso ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Inskripsyon sa monumento ni Bambalito sa Macabebe, Pampanga. Kuha ni Ian Christopher Alfonso ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Nakilala man ang mga Kapampangan sa pagiging hukbo ng mga Espanyol at siyang humuli kay Heneral Aguinaldo, mula kay Bambalito, Luis Taruc hanggang kay Ninoy Aquino, nakipaglaban din ang mga Kapampangan para sa kalayaan ng bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 25 May 2013, mula sa pananaliksik nina Robby Tantinco, Ian Alfonso at Vic Torres)

XIAOTIME, 16 October 2012: PINAGMULAN NG LA NAVAL

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 16 October 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Nuestra Señora del Santissimo Rosario de La Naval de Manila, kuha ni Aldwin Ong mula sa aklat na “The Saga of La Naval: Triumph of a People’s Faith.”

16 October 2012, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=6hiqb0vbaak&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong linggo po, 14 October 2012, ang pista ng Our Lady of the Most Holy Rosary of La Naval na ipinagdiriwang tuwing ikalawang linggo ng Oktubre ng bawat taon!  Bakit nga ba may La Naval?  Ano ang La Naval?  363 years ago, mga unang buwan ng taong 1646, tila sunod-sunod ang masamang balita para sa Maynila.  Kakatapos pa lamang ng isa sa pinakamalakas na lindol na naranasan ng Maynila noong nakaraang Nobyembre, nang mabalitaan nila ang obsesyon ng mga Olandes na salakayin ang Maynila, ang sentro ng Imperyong Espanyol sa Silangan!  Upang iharap sa malaking hukbong pandagat ng mga Olandes, hinanda ng mga Espanyol ang… ting!  Dalawang outdated na Galyon—ang Rosario at ang Encarnacion na sinamahan ng dalawang barkomg Tsino o sampan.  Tig-200 tao ang inilagay sa bawat galyon, isandaan sa mga ito ay mga kabataan at mga lalaking mula sa mga prominenteng pamilya sa Maynila, karamihan ay mga nadirigmang Tagalog at Kapampangan.  Magkahiwalay na nangako ang mga pinuno ng hukbo na sina Hen. Lorenzo de Orella y Ugalte at Almirante Sebastían Lopez na lalakad ng nakatapak sa Simbahan ng Sto. Domingo sa harapan ng Mahal na Ina ng Sto. Rosario sa bawat tagumpay na ibibigay sa kanila.  Noong 3 Marso 1646, umalis ng Cavite ang mga galyon.  Limang labanan ang naganap mula 15 Marso hanggang sa huling labanan ng 3 Oktubre 1646.  Sa lahat ng labanan, tinugis at pinaurong ng dalawang lumang galyon ang nakararaming barkong Olandes!  Nanalo ang mga Espanyol at ang mga Indio sa pagtatanggol sa kanilang lupa.  Nagpasalamat at nagdiwang ang kapwa sakop at mananakop at nagtungo sa Sto. Domingo Church sa Intramuros upang magpasalamat.  Ang mga marinero ay tumupad sa kanilang pangako na lumakad ng nakayapak sa paanan ng imahen ng Sto. Rosario.  Napatunayan ng Arsobispado ng Maynila na mahimala ang pagkapanalo sa labanan at tinawag ang Mahal na Ina ng Sto. Rosario bilang La Naval.  Nawasak ng digmaan ang Simbahan ng Sto. Domingo ngunit patuloy na namintuho ang mga tao sa birhen sa bago nitong Simbahan sa Lungsod Quezon, ginawa pang patrona ng lungsod dahil halos magkasabay ang pista sa pagkakatatag nito.  Sa pananaw ng mga relihiyoso, binuhay ng himala ang diwa ng Katolikong Maynila at ipinakita ang kabutihan ng Maykapal sa Pilipinas.  Ngunit para kay Nick Joaquin, dito nadiskubre ang galing ng mga Tagalog at Kapampangan sa pagtatanggol sa mga Espanyol.  Hangga’t kakampi ng mga Espanyol ang Bayang Tagalog at Kapampangan, patuloy na nanaig ang mga Espanyol.  Nang bumitaw ang mga ito sa Himagsikang 1896, doon na nagsimulang lumagapak ang Imperyong Espanyol.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, 8 October 2012)

 

Battle of La Naval

La Naval in Blue Lights