IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: iloilo

XIAO TIME, 7 May 2013: PATROCINIO GAMBOA, BABAENG ESPIYA NA TAGA-ILOILO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Patrocinio Gamboa.  Mula sa Women of the Revolution.

Patrocinio Gamboa. Mula sa Women of the Revolution.

7 May 2013, Tuesday:  www.youtube.com/watch?v=pI3zfPJFWDM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  November 17, 1898, kahit na bantay-sarado ang mga Espanyol sa daan mula Jaro patungong Sta. Barbara, Iloilo, tatlong libong tao mula sa dalampasigan at looban ng Panay ang nagtipon sa paligid ng isang kawayang tagdan sa harapan ng Casa Municipal.

Ang Sta. Barbara Municipal Hall noong 2006.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang Sta. Barbara Municipal Hall noong 2006. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Bakit sila naroon?  Isang bandila na katulad ng iwinagayway ni Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo sa Kawit ang itinaas sa Sta. Barbara.  Ito ang unang pagkakataon na iwinagayway ang bandila ng Pilipinas sa Kabisayaan.  Pinasinayaan ni Heneral Martin Delgado ang pamahalaang rebolusyunaryo sa Panay!  Malapit sa itinataas na bandila, isang babae ang nakitang buong pagmamalaking nakatayo.

Isang malaking-malaking bandilang Pilipino na iniilawan tuwing gabi, sumasagisag sa pagiging bahagi nito sa kasaysayan ng bandila ng Pilipinas.  Nakaharap ito sa monumento ni Heneral Martin Delgado.

Isang malaking-malaking bandilang Pilipino na iniilawan tuwing gabi, sumasagisag sa pagiging bahagi nito sa kasaysayan ng bandila ng Pilipinas. Nakaharap ito sa monumento ni Heneral Martin Delgado.

05 Ito ang unang pagkakataon na iwinagayway ang bandila ng Pilipinas sa Kabisayaan

544803_308328595935470_1486652543_n

18 Maluwalhating nailusot ang bandila para sa pagdiriwang

Siya ang dahilan kung paano napunta kina Delgado ang bandila—Si Patrocinio Gamboa y Villareal.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Isinilang sa isang kilalang pamilyang ilustrado sa Jaro, Iloilo, 148 years ago, April 30, 1865.  Isang pasaway, patago niyang binasa ang mga nobela ni Rizal at ang mga sulatin ng kababayan niyang si Graciano Lopez Jaena.  Sa pagsisimula pa lamang ng himagsikan sa Iloilo, bahagi na siya ng mga pinuno nito, sumasama sa mga lihim na pulong ng comite conspirador sa Molo simula March 1898.  Dahil bahagi ng alta-sociedad, naging epektibong tiktik o espiya para sa mga mapanghimagsik, ni hindi man lamang nakahalata ang mga Espanyol.  Gayundin, nangalap siya ng mga gamot, pagkain, armas at mga bala para sa mga rebolusyunaryo, nakilala sa tawag na Tia Patron.

Tia Patron.  Mula sa Adarna.

Tia Patron. Mula sa Adarna.

Si Xiao at ang isa sa mga bandilang Pilipino na ginamit noong himagsikan ni Heneral Martin Delgado.

Si Xiao at ang isa sa mga bandilang Pilipino na ginamit noong himagsikan ni Heneral Martin Delgado.  Nasa Museo ng Sta. Barbara.

Heneral Martin Delgado.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Heneral Martin Delgado. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Nanguna siya sa paggawa ng bandila ng Pilipinas hango sa ginawa nina Marcela Agoncillo sa Hongkong at siya rin ang pinag-abutan ng saber na kaloob ni Aguinaldo kay Delgado.  Ang problema, mahihirapan silang makapuslit patungo kay Delgado dahil lahat ng dumadaan patungo ng Sta. Barbara ay mahigpit na kinakapkapan, at binabaril ng walang awa ang makitang rebolusyunaryo.  Walang lalake ang gustong magdala ng mga gamit na ito.  Tanging si Tia Patron ang nagpresinta.  Ibinalot niya sa katawan ang bandila bago nagbihis ng patadiong at nasa loob naman ng tartanilla o calesa ang espada na tinakpan ng dayaming bungalon.  Ang nagpanggap na kutsero ay ang batang tinyente na si Honorio Solinap.  Sa tuwing may checkpoint ng mga cazadores ng mga Espanyol, sisigawan ni Tia Patron ang kutsero niya sabay kurot, kagat at sapak tulad ng isang nagger na asawa.  Sa tuwa sa kanila ng mga sundalo, nakakalimutan nilang inspeksyunin ang mga ito.  Maluwalhating nailusot ang bandila para sa pagdiriwang.

Panandang pangkasaysayan kay Patrocinio Gamboa sa Jaro, Iloilo.

Panandang pangkasaysayan kay Patrocinio Gamboa sa Jaro, Iloilo.

Pandanang pangkasaysayan para kay Heneral Martin Delgado sa Sta. Barbara, Iloilo.

Pandanang pangkasaysayan para kay Heneral Martin Delgado sa Sta. Barbara, Iloilo.

Patuloy na nag-alaga ng mga sugatan at maysakit na mapanghimagsik maging sa pagdating ng mga Amerikano.  Nang alukin siya ng pamahalaan sibil ng pensyon, tinanggihan niya ito sa pagsasabing, “Ibinigay ko ang serbisyo ko bilang pag-aalay ng pag-ibig sa bayan.  Hindi ako himihingi ng kapalit sa mga paglilingkod ko.” Namatay siyang matandang dalaga noong November 1953.  Tia Patron, Manang Patrocinio, daluyan ng ginhawa ng himagsikan, at patunay na sa himagsikang nagtagumpay laban sa mga Espanyol, kasama rin ang mga Bisaya at mga babae!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 26 April 2013)

Mula sa Museo ng Sta. Barbara.

Mula sa Museo ng Sta. Barbara.

XIAOTIME, 17 January 2013: PROPAGANDISTANG ILONGGO, Si Graciano Lopez Jaena at ang Praylokrasya

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 17 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Graciano Lopez Jaena, Prinsipe ng mga Mananalumpating Pilipino, may-akda ng "Fray Botod"

Graciano Lopez Jaena, Prinsipe ng mga Mananalumpating Pilipino, may-akda ng “Fray Botod”

17 January 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=NkZDfCJjJbA

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Kwentuhan muna tayo.  Minsan may isang taong binisita ang kanyang kaibigang prayle na nadestino sa isang malayong lugar noong panahon ng Espanyol, nang magkita sila tinanong ng kaibigan sa pari, “Napakalayo ng paroquiang ito padre.  Hindi po ba malungkot?”  Sagot ng prayle, “Hindi naman, basta’t mayroon akong rosaryo at café contento na ako.”  Tsaka sumigaw ang pari, “Rosario-o-o, maglabas ka nga nan café.”  Makaraan ang ilang taon, muling bumisita ang kaibigan na nagtanong, “Padre!  Nandito pa rin kayo!  Eh, kumusta naman po si Rosario?”  Sagot ng prayle, “Ay, hijo.  Wala na si Rosario… may edad na ako.”  Tsaka sumigaw, “Eda-a-d Buksan mo an mana bintana!”

Komiks mula sa History of the Burgis.  Hinalaw ng papel ni Dr. Nilo S. Ocampo.

Komiks mula sa History of the Burgis. Hinalaw ng papel ni Dr. Nilo S. Ocampo.

Para sa maraming Pilipino kahit ngayon, ang imahe ng mga prayle noong panahon ng mga Espanyol ay matakaw, kalbo, arogante, mabagsik, manyakis, gahaman, sakim, ganid sa pera at kapangyarihan.  Hindi man lamang naiiisip na kaiba ito sa kanilang papel bilang mga Alagad ng Diyos.  Sa kabila ng katotohanang hindi naman lahat ng prayle ay masama at marami pa nga ang naging mabuti sa mga indio, at pawang galing naman ang imahe sa mga kathang-isip na karakter ni Padre Damaso mula sa mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Rizal, nanatili ang imahe ng masamang prayle sa mga Pilipino.

Si Carlos Celdran habang tinutuya ang mga obispo ng Simbahang Katoliko sa isang inter-faith na pagdiriwang ng Bibliya sa loob ng Katedral ng Maynila, September 30, 2010.

Si Carlos Celdran habang tinutuya ang mga obispo ng Simbahang Katoliko sa isang inter-faith na pagdiriwang ng Bibliya sa loob ng Katedral ng Maynila, September 30, 2010.

Ang taong tatalakayin natin ang isa sa mga nagpalaganap ng imaheng ito, 117 years ago sa Linggo, January 20, 1896, namatay sa Barcelona, Espanya si Graciano Lopez Jaena?  Jaena???  Huh???  Who’s that Pokémon???  Siya ang propagandistang taga-Jaro, Iloilo na isinilang noong December 18, 1856.  Relihiyoso ang kanyang mga magulang, ipinasok siya sa seminaryo at naging mahusay pa na theologian sa klase ngunit nakita niya ang masamang kalagayan ng mga indio.  Nag-aral ng medisina at ginamot ang mga mahihirap.  Nakita niyang isang dahilan ng kanilang kahirapan ay ang pang-aabuso ng ilang prayle at mga opisyal na sibil.  Upang isiwalat ang mga ito, isinulat niya ang mapantuyang katha ukol sa mga prayle “Fray Butod.”

17 Ang butod ay kataga na nangangahulugang mahigit pa sa mataba at matakaw, kundi masiba

Ang butod ay kataga na nangangahulugang mahigit pa sa mataba at matakaw, kundi masiba.  Nilantad nito ang kasakiman, katamaran, kalupitan at pagiging mahilig ng mga prayle.  Nagtungo siya sa Espanya noong 1880 at nakilala bilang “Prinsipe ng mga Mananalumpating Pilipino.”  Ilang baso lang ng alak ay napakagaling na niyang magsalita.  Ayon kay Rizal si Lopez Jaena na ang “pinakamatalinong Pilipinong nakilala niya, na higit na mahusay pa kaysa sa kanya.”

Super liwanag na scan ng La Solidaridad mula sa koleksyon ng larawan ni Dr. Vic Torres.

Super liwanag na scan ng La Solidaridad mula sa koleksyon ng larawan ni Dr. Vic Torres.

Siya ang naging unang editor ng La Solidaridad.  Bumalik sa Maynila noong 1890 sa alias na Diego Laura upang mangalap ng suporta para sa mga aktibidad sa Espanya.  Ngunit nang malapit nang mabisto ay umalis muli ng Pilipinas.  Pinasabi niya sa mga mahal niya sa buhay sa pamamagitan ng kanyang pamangkin na si Marciano bago umalis, “Ihalik mo ako sa kanila, dahil hindi ko na sila makikita pang muli.”  Tulad ni del Pilar, si Jaena ay naghirap upang itaguyod ang paghingi ng reporma sa Espanya, nagpulot na lamang ng upos ng sigarilyo at hinithit ang mga ito upang malimutan ang gutom.  Ayun, nagka-tb at namatay nga noong 1896.  Tunay ngang hindi lahat ng prayle noong panahon ng mga Espanyol ay masama subalit hindi naman masasabing wala itong batayan, may ilang mga masasamang pari na nang-abuso.  Hindi naman siguro sinungaling sina Jaena.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(People’s Television Network, 4 January 2013)