XIAOTIME, 4 December 2012: DATU ALI NG BUAYAN, Juramentado o Bayani?

Broadcast of Xiaotime news segment last Tuesday, 4 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Datu Ali at ang kanyang pamilya.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinusat Lidasan.

Datu Ali at ang kanyang pamilya. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

4 December 2012, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=2rLwzirZw2A

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay ang episode na ito sa mga kaibigang nagsusulong ng kapantasang Muslim at nagbabantay ng alaala ng mga bayaning Moro, sina Dato Yusuf Ali Morales at Muhammad Sinsuat Lidasan na kaanak ng mga Sultan ng Buayan sa Maguindanao.

Prinsesa Bai Aizian Utto Camsa

Prinsesa Bai Aizian Utto Camsa

Noong nakaraang November 24, 2012, binigyan po ako ng karangalan ng Sultanate of Buayan Darussalam, sa pamamagitan ni Prinsesa Bai Aizian Utto Camsa, ng karangalang “Darjah Kebesaran Sultan Akmad Utto Camsa” na may titulong pandangal na “Dato” dahil sa aking pagtalakay ng kultura at ng mga bayaning Moro dito sa “Xiao Time.”

04 na may titulong pandangal na “Dato”

Inspirasyon ang iginawad ninyo sa akin upang lalong magpunyagi na responsableng isalaysay ang mga kwentong may saysay sa ating lahat.  Ang tatalakayin ko po ngayon ay ang kanilang ninunong si Datu Ali.  Si Datu Ali, ang Rajah Muda o Crowned Prince ng Sultanato ng Buayan sa Maguindanao at pinuno ng Hilagang Lambak ng Cotabato, ang kinikilalang pinuno ng teritoryo at mamamayang Maguindanaon noong kanyang panahon, dekada 1900s.  Anak siya ni Sultan Muhammad Bayao.  Ngunit, nagnanais ang mga bagong saltang mananakop na Amerikano na maghari sa Maguindanao, si Datu Ali ang naging pinakamalaki nilang tinik.  Dinigma sila ni Datu Ali noong una sa pamamagitan ng harapang pakikipaglaban ngunit paglaon gamit na ang digmaang pangerilya.  Kahit ang mabangis na heneral na mga Amerikano na si Leonard Wood, na magiging gobernador heneral ng Pilipinas, ay hindi naitago ang paghanga kay Datu Ali, “by far the most capable Moro we have run into.”

Heneral Leonard Wood

Heneral Leonard Wood

Upang makipagnegosasyon kay Datu Ali, naging tagapamagitan ng mga Amerikano ang isang respetadong Imam na si Sharif Afdal ngunit hindi naging mabunga ang mga usapang ito.

Sharif Afdal, nagyoyosi, naka-shades.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Sharif Afdal, nagyoyosi, naka-shades. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Naging istratehiya ng mga mananakop ang “Divide and Rule” policy kung saan pag-aaway-awayin ang mga Pilipino upang hindi magkaisa at nang hindi magkaroon ng malaking banta sa kanilang pananakop.

Datu Guimbangan.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Datu Guimbangan. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Kinidnap sa Fort Serenaya ang kapatid niyang si Datu Guimbangan upang hikayatin siyang sumuko ngunit hindi siya natinag.  Kaya pinakilos ng mga Amerikano ang mga taong may hinanakit kay Datu Ali upang pagtaksilan siya.  Bilang negosyador, si Sharif Afdal ang nagsabi ng kinaroroonan ni Datu Ali kay Datu Piang, na nagpasa naman ng impormasyon sa mga Amerikano.

Datu Piang.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Datu Piang. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Inatasan ang 22nd Infantry sa pamumuno ni Kapitan F.R. McCoy.  Si Datu Enok naman ang gumabay sa mga Amerikano sa pinakaligtas at pinakahindi nababantayan na ruta patungo sa kampo ni Datu Ali.

Kapitan F. R. McCoy.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Kapitan F. R. McCoy. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Datu Enok.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Datu Enok. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

October 22, 1905, umaga, nilusob ng mga Amerikano ang bahay ni Datu Ali, nakaganti ng putok ang datu ngunit nakaiwas si Tinyente Remington at binaril ang datu, bumagsak siya at nagtangkang tumakas upang lumaban muli ngunit tinapos na siya ng mga kalaban.  Ito ang pataksil na wakas ng pinakamalaking hamon sa pananakop ng Amerika sa Maguindanao.

Ulat ng mga Amerikano sa pagpaslang kay Datu Ali.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Ulat ng mga Amerikano sa pagpaslang kay Datu Ali. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Ayon kay Datu Ali, “Ang mga taong takot mamatay ay mas magandang takpan na lamang ng palay sa kanilang libingan.”  Para sa ilan sa atin, kapag lumalaban ang Muslim para sa kanilang lupa, juramentado o nag-aamok sila.  Ngunit ang mga katulad ni Datu Ali ay dapat kilalaning bayani na isinakripisyo ang buhay, nag-sabil, para sa tunay na kalayaan ng bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(McDo Taft, 27 November 2012)