IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

AN ANDRES BONIFACIO TIMELINE (In commemoration of the month of the 150th birth anniversary of the Father of the Filipino Nation, updated and edited November 2017)

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan.  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan. Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

  • 30 Nobyembre 1863—Isinilang si Andres Bonifacio sa Tondo, Maynila.  Panganay sa anim na magkakapatid.  Nag-aral sa ilalim ni Guillermo Osmeña na taga Cebu.  Naghanap-buhay kasama ang mga kapatid sa pamamagitan ng pagbenta ng mga baston at abaniko.  Naging clerk-messenger sa Fleming and Co. at Fressel and Co.  Itinuturing ni Dr. Milagros Guerrero na isang young urban professional noong mga panahong iyon.  Naulila ng lubos sa edad na 22.  Aktor siya sa Teatro Porvenir kasama nina Aurelio Tolentino at Macario Sakay at paborito niyang karakter si Bernardo Carpio, ang itinuturing na tagapagligtas ng mga Tagalog.  Naging bihasa siya sa Wikang Tagalog at nagbasa rin ng mga salin sa Espanyol ng mga aklat ni Alexandre Dumas, Les Miserables ni Victor Hugo, Las Ruinas de Palmyra, ukol sa Himagsikang Pranses, Buhay ng mga Pangulo ng Estados Unidos, Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal, Ang Bibliya, maging mga aklat ukol sa medisina at batas.
Ang magkakapatid na Bonifacio.  Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Ang magkakapatid na Bonifacio. Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Si Andres habang nagbebenta ng baston at abaniko sa patio ng simbahan.  Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Si Andres habang nagbebenta ng baston at abaniko sa patio ng simbahan. Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Nagsikap si Bonifacio na matuto sa sarili at naging palabasa.  Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Nagsikap si Bonifacio na matuto sa sarili at naging palabasa. Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Ang Katipunan

  • Enero 1892—May dokumento na natagpuan sa Archivo Militar sa Espanya na isinulat mismo ng Katipunan ukol sa plano ng pagtatatag at istruktura ng Kataas-taasang Katipunan bago pa man ito pormal na maitatag noong Hulyo 7, 1892.
Unang pahina ng "Casaysayan; Pinagcasunduan; Manga daquilang cautosan," Enero 1892.  Mula sa Archivo General Militar de Madrid sa pamamagitan ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Unang pahina ng “Casaysayan; Pinagcasunduan; Manga daquilang cautosan,” Enero 1892. Mula sa Archivo General Militar de Madrid sa pamamagitan ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

  • 3 Hulyo 1892—Itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.  Ang Liga ay naglalayong pagsama-samahin ang kapuluan sa isang katawan, proteksyon para sa lahat, pagtatanggol laban sa kaguluhan at kawalan ng katarungan, pagpapaunlad ng edukasyon, agrikultura, at pangangalakal, at pag-aaral at pagsasagawa ng mga reporma.  Naging kasapi nito sina Andres Bonifacio, Deodato Arellano at Apolinario Mabini.
Unang pahina ng orihinal na manuskrito ng saligang batas ng La Liga Filipina na isinulat ni Rizal sa Hongkong, 1892.

Unang pahina ng orihinal na manuskrito ng saligang batas ng La Liga Filipina na isinulat ni Rizal sa Hongkong, 1892.

  • 6 Hulyo 1892—Inaresto si Rizal at ikinulong sa Fuerza Santiago, at matapos ang ilang araw, 17 Hulyo 1892, dumating si Rizal sa Dapitan bilang isang destiero.
  • 7 Hulyo 1892—Sa Kalye Azcarraga (ngayo’y CM Recto), itinatag ni Andres Bonifacio ang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK), kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata (nang hasik o triangolo), Valentin Diaz, Deodato Arellano, Briccio Pantas at iba pang kasama.
  • Oktubre 1892—Dahil sa kabagalan ng metodong triangolo sa pagkuha ng mga kasapi, napagkayarian na ibasura ito tungo sa inisasyon.  Nang umabot ng isandaan ang kasapi ng Katipunan, nagkaroon ng halalan para sa Kataas-taasang Sanggunian at naging Kataas-taasang Pangulo (Supremo) si Deodato Arellano.
  • Pebrero 1893—Naging Kataas-taasang Pangulo si Roman Basa.
Sanduguan sa Katipunan,.  Detalye ng mural na "History of Manila" ni Carlos V. Francisco.

Sanduguan sa Katipunan,. Detalye ng mural na “History of Manila” ni Carlos V. Francisco.

  • Maagang 1895—Nahalal na Kataas-taasang Pangulo si Andres Bonifacio.  Muli siyang mahahalal sa 31 Disyembre 1895 at Agosto 1896 bago mabunyag ang lihim na samahan.
  • 12 Abril 1895—Tumungo si Andres Bonifacio at mga kasama sa Kweba ng Pamitinan, Bundok Tapusi, sa Montalban, tila sumusunod sa yapak ng maalamat na Tagapagligtas ng mga Tagalog, si Bernardo Carpio, at sinasabing isinigaw at isinulat sa mga pader ng kweba ng Makarok sa pamamagitan ng uling, “Naparito ang mga Anak ng Bayan, Hinahanap ang Kalayaan.  Mabuhay ang Kalayaan!”
Bundok Tapusi, Montalban.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Bundok Tapusi, Montalban. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

  • Marso 1896—Lumabas ang una at huling edisyon ng pahayagan ng Katipunan, ang Kalayaan.  Mula 300 kasapi, dumami ang kasapian sa tinatayang 30,000 miyembro.  Sa mga sulatin dito, sa Kartilya ng Katipunan ni Emilio Jacinto at iba pang akdang Katipunan makikita ang konsepto nila ng tunay na Kalayaan ng Katipunan na nakabatay sa kaginhawaan at matuwid at mabuting kalooban.  Gayundin, ang konsepto ng bansa na nakabatay sa pagkakaisa, kapatiran at pagmamahalan ng mga Tagalog (Taga-Ilog) tungo sa katuwiran at kaliwanagan.
  • 21 Hunyo 1896—Binisita ni Dr. Pio Valenzuela, bahagi ng pamunuan ng Katipunan, si Rizal sa Dapitan at pinaalam ng una sa huli ang binabalak na Himagsikan.  Inalok ni Valenzuela si Rizal na maging Pangulo ng Katipunan.  Tumanggi si Rizal at pinayuhan na kailangan ng armas, maghanda bago mag-alsa, humingi ng tulong sa mga mayayaman, at gawing heneral si Antonio Luna.
Isang paglalarawan ng pag-uusap nina Drs. Valenzuela at Rizal sa Dapitan.

Isang paglalarawan ng pag-uusap nina Drs. Valenzuela at Rizal sa Dapitan.

Pagkabunyag ng Katipunan at Unang Sigaw ng Himagsikan

  • 19 Agosto 1896—Sinalakay ang Diario de Manila at natuklasan ang Katipunan matapos na isumbong ni Teodoro Patiño sa cura parroco ng Tondo na si P. Mariano Gil ang lihim na samahan.  Buong gabing nanghuli ang mga Espanyol ng mga pinaghihinalaang kasapi.
Padre Mariano Gil.  Mula kay Dr. Isagani Medina.

Padre Mariano Gil. Mula kay Dr. Isagani Medina.

  • 24 Agosto 1896—Ayon sa mga historyador na sina Guerrero, Encarnacion at Villegas, naganap  ang unang sigaw ng Himagsikan at punitan ng sedula (pagsira ng dokumento bilang simbolo ng paghiwalay sa Espanya–Grito de Balintawak, ang iba’t ibang lugar na binanggit sa mga tila magkakasalungat na tala–Balintawak, Kangkong, Bahay Toro, Pugad Lawin—ang unang tatlo ay mga lugar sa Balintawak).  Ayon kay Aurelio Tolentino, ang tunay na sinigaw ni Bonifacio sa “Unang Sigaw” ay:  “Kalayaan o kaalipinan?  Kabuhayan o kamatayan?  Mga kapatid:  Halina’t ating kalabanin ang mga baril at kanyon upang kamtin ang sariling kalayaan!”  At sa pulong sa araw na iyon sa kamalig ni Tandang Sora sa Sitio Gulod, Barrio Banlat, Kalookan, itinatag ang Rebolusyunaryong Pamahalaan at si Andres Bonifacio ang naging pangulo nito.  Napagkasunduan rin ang magaganap na pagsalakay sa Maynila sa hatinggabi ng 29-30 Agosto 1896.
Unang Sigaw ng Himagsikan.

Unang Sigaw ng Himagsikan.

Letterhead ni Andres Bonifacio, dokumento na nagtatalaga kay Emilio Jacinto bilang Pinunong Hukbo ng Hilaga ng Maynila kung saan binabanggit na si andres Bonifacio ang Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan--ang unang pamahalaang pambansa at mapanghimagsik (Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion).

Letterhead ni Andres Bonifacio, dokumento na nagtatalaga kay Emilio Jacinto bilang Pinunong Hukbo ng Hilaga ng Maynila kung saan binabanggit na si andres Bonifacio ang Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan–ang unang pamahalaang pambansa at mapanghimagsik (Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion).

  • 25 Agosto 1896—Sagupaan ng KKK at ng mga Espanyol sa Pasong Tamo malapit sa Bahay ni Tandang Sora, talunan ang mga Espanyol.
  • 26 Agosto 1896—Sagupaan ng KKK at ng mga Espanyol sa Caloocan at Malabon, talunan ang mga Espanyol.
  • 30 Agosto 1896—Madaling araw nang pangunahan ni Bonifacio ang pag-atake sa Polvorín, San Juan del Monte (Ngayo’y Pinaglabanan).  Nagkaroon ng sabay-sabay na pagsalakay sa buong lalawigan ng Maynila.  Hindi sumipot ang hukbo ng Cavite sa napagkasunduang pag-aalsa.  Ipinailalim ni Gob. Hen. Ramon Blanco ang walong lalawigan—Maynila, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, Cavite, at Batangas, sa ilalim ng Batas Militar (Sinasagisag ng walong sinag ng araw sa ating bandila).
Ang Pagsalakay ni Andres Bonifacio sa Pinaglabanan sa madaling araw ng August 30, 1896.  Kung gayon, paano siya nakatulog at hindi nakapaghudyat kung naroon nga sila sa San Juan?  Mula sa "History of Manila," mural ni Carlos V. Francisco, na nasa City Hall ng Maynila.

Ang Pagsalakay ni Andres Bonifacio sa Pinaglabanan sa madaling araw ng August 30, 1896. Kung gayon, paano siya nakatulog at hindi nakapaghudyat kung naroon nga sila sa San Juan? Mula sa “Filipino Struggles Through History,” mural ni Carlos V. Francisco, na nasa City Hall ng Maynila.

Katipunan sa Cavite

  • 31 Agosto 1896—Nagapi ni Hen. Artemio Ricarte ang mga Espanyol sa San Francisco de Malabon, Cavite.  Sinimulan ang pag-aalsa sa Cavite sa pangunguna ni Hen. Emilio Aguinaldo.
  • 9-11 Nobyembre 1896—Pagtatagumpay ng Cavite laban sa mga Espanyol sa labanan sa Binakayan.  Gamit ng mga taga-Cavite ang Giyerang Pantrintsera sa Zapote at Cavite Viejo sa pangangasiwa ng inhinyero na nagtapos sa Ghent, Belgium na si Edilberto Evangelista na namatay sa Labanan sa Zapote noong 17 Pebrero 1897 .
Ang mga trintsera ng Cavite na itinayo ni edilberto Evangelista habang epektibong ginagamit... ng mga Amerikano.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Ang mga trintsera ng Cavite na itinayo ni Edilberto Evangelista habang epektibong ginagamit… ng mga Amerikano. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

  • 30 Disyembre 1896—Bahagi ng serye ng mga pagbitay na may kinalaman sa himagsikan, binaril si Rizal sa Bagumbayan.  Nasa Cavite na noong mga panahon na iyon si Bonifacio na inanyayahan upang uyusin ang sigalot ng mga paksyon ng Katipunan sa lalawigang iyon—ang Magdiwang, Magdalo at Mapagtiis.
Aktwal na larawan ng pagbaril kay Gat Dr. Jose Rizal noong 30 December 1986 sa ganap na 7:03 ng umaga.

Aktwal na larawan ng pagbaril kay Gat Dr. Jose Rizal noong 30 December 1986 sa ganap na 7:03 ng umaga.

Kumbensyon ng Tejeros, Pacto de Tejeros at Naic Military Agreement

  • 22 Marso 1897—Sa kanyang kaarawan, nahalal in absentia si Emilio Aguinaldo bilang pangulo ng pamahalaang rebolusyunaryo sa Kumbensyon sa Casa Hacienda ng Tejeros (Binalaan ni Diego Mojica si Bonifacio na maraming mga balota ang napunan na bago pa man ang halalan, ang ispekulasyon ay hindi pinansin ni Bonifacio).  Nauna nang pumayag si Bonifacio na palitan ang Katipunan bilang pamahalaan sa pagkumbinsi ng kumbensyon basta anumang mapagkayarian ng kapulungan ay igagalang.  Ngunit nang tutulan ni Daniel Tirona ang pagkakahalal ni Bonifacio sa consuelo de bobong posisyon ng Direktor ng Interyor dahil siya ay walang pinag-aralan at hindi abogado ay nainsulto si Bonifacio, tinutukan ng baril si Tirona, pinawalang-bisa ang konseho bilang tagapangulo nito, at lumisan.
Ang pagbunot ng baril ni Andres Bonifacio upang hamunin ng duwelo ang uminsulto sa kanyang pagkatao na si Daniel Tirona sa Kumbensyon ng Tejeros, 22 March 1897.

Ang pagbunot ng baril ni Andres Bonifacio upang hamunin ng duwelo ang uminsulto sa kanyang pagkatao na si Daniel Tirona sa Kumbensyon ng Tejeros, 22 March 1897.

  • 23 Marso 1897—Bumalik sa Casa Hacienda ng Tejeros sina Bonifacio at mga tagapanalig upang tutulan ang naganap na halalan sa pamamagitan ng Acta de Tejeros.  Habang nanumpa bilang Pangulo si Aguinaldo sa harapan ni P. Villfranca sa Tanza.  Nang ipahayag ang bagong mga opisyales ng pamahalaan noong 17 Abril 1897, kapwa mga Magdiwang at Magdalo ay kabilang na dito.
Huling pahina at mga lagda sa Acta de Tejeros, March 23, 1897.    Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Huling pahina at mga lagda sa Acta de Tejeros, March 23, 1897. Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

  • 19 Abril 1897—Pagpupulong sa Casa Hacienda ng Naic ng pangkat ni Bonifacio.  Nang masabihan ni Lazaro Makapagal, napasugod ang namalariang si Aguinaldo sa nasabing pulong at muntik nang magkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng mga hukbo ni Aguinaldo at Bonifacio.  Nagulat pa si Aguinaldo na ang kanyang dalawang tapat na kawal na sina Mariano Noriel at Pio del Pilar ay kasama ng Supremo.  Muling bumalik kay Aguinaldo ang dalawang heneral at nanguna sa pag-uusig sa mga Bonifacio.
Huling pahina at mga lagda sa Acta de Naic, April 19, 1897.  Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Huling pahina at mga lagda sa Acta de Naic, April 19, 1897. Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Paglilitis at Pagpaslang kay Bonifacio

  • 28 Abril 1897—Ang sugatang sina Andres at Procopio Bonifacio ay inaresto at dinala sa Naic.  Nasawi si Ciriaco Bonifacio sa pataksil na paglusob ng sariling kababayan sa Limbon, Indang sa pangnguna ni Kol. Agapito Bonzon, na nagtangka ring gahasain ang asawa ng Supremo at Lakambini ng Katipunan Gregoria de Jesus.  Sa Casa Hacienda ng Naic, ikinulong sa bartolina sa ilalim ng hagdanan sa loob ng tatlong araw ang Supremo, dalawang beses lamang pinakain pagkaing hindi na dapat banggitin.
Ang bartolina sa Naic.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang bartolina sa Naic. Kuha ni Xiao Chua.

Gregoria de Jesus.  Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Bahay Nakpil-Bautista.

Gregoria de Jesus. Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Bahay Nakpil-Bautista.

  • 1 Mayo 1897—Sa pagbagsak ng Naic sa mga Espanyol, lumipat sina Aguinaldo at ang kanilang mga bihag sa Maragondon, Cavite kung saan ipinagpatuloy ang paglilitis sa magkapatid na Bonifacio.  Hindi naisakatuparan ang pagliligtas sana sa Supremo na gagawin ng pangkat nina Diego Mojica.
Ang matandang bahay sa Maragondon kung saan nilitis ang Supremo Andres Bonifacio.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang matandang bahay sa Maragondon kung saan nilitis ang Supremo Andres Bonifacio. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

  • 10 Mayo 1897—Isinakatuparan ng pangkat ni Lazaro Macapagal ang kautusan ng Consejo de Guerra na barilin at patayin ang magkapatid na Bonifacio sa mga kabundukan ng Maragondon.  Ngunit ayon sa testimonya kay Guillermo Masangkay ng dalawa raw sa mga Katipunerong pumatay kay Bonifacio, binaril si Procopio pero tinaga raw hanggang mamatay si Andres Bonifacio.
"The Verdict," obra ni Rody Herrera. Ayon sa testimonya ni Lazaro Makapagal. Makikita sa aklat na Fine Artists of the Philippines 1999 ni Marlene Aguilar at Larry Bortles.

“The Verdict,” obra ni Rody Herrera. Ayon sa testimonya ni Lazaro Makapagal. Makikita sa aklat na Fine Artists of the Philippines 1999 ni Marlene Aguilar at Larry Bortles.

Pagkamatay sa isang duyan.  Paglalarawan ni Egai Fernandez mula sa aklat na Supremo ni Sylvia Mendez Ventura.

Pagkamatay sa isang duyan. Paglalarawan ni Egai Fernandez mula sa aklat na Supremo ni Sylvia Mendez Ventura.

Andres Bonifacio.  Mula sa Kasaysayan The Story of the Filipino People.

Andres Bonifacio. Mula sa Kasaysayan The Story of the Filipino People.

XIAO TIME, 25 October 2013: MGA INTERPRETASYON NG “PARISIAN LIFE” NI JUAN LUNA Part 2

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang "Parisian Life" ni Juan Luna.  Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.  Kuha ni John Ray Ramos.

Ang “Parisian Life” ni Juan Luna. Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Kuha ni John Ray Ramos.

24 October 2013, Thursday: http://www.youtube.com/watch?v=RJroET5oXIM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Bilang paggunita natin sa I56th birthday ni Johnny Moon a.k.a. Juan Luna, October 23, 1857, ipagpatuloy natin ang ating paglalahad ng mga interpretasyon ng “Parisian Life” ni Juan Luna.

Si Juan Luna y Novicio sa Roma

Si Juan Luna y Novicio sa Roma

Dr. Eric Zerrudo.  Mula sa dokumentaryo ng GSIS Museo ng Sining ukol sa Parisian Life.

Dr. Eric Zerrudo. Mula sa dokumentaryo ng GSIS Museo ng Sining ukol sa Parisian Life.

Ayon kay Dr. Eric Zerrudo, dating director ng GSIS Museum, nang magkaroon ng kontrobersya sa pagbili ng GSIS sa painting sa auction sa Christy’s sa Hongkong sa halagang PHP 46 Million, inanyayahan ng GSIS ang ilang estudyante ng Fine Arts at suriin ang painting at bigyan ito ng kahulugan.  Nakagawa sila ng simboliko at historikal na interpretasyon sa obra maetsra.  Kailangan liwanagin na ang JVAN LVNA CODE na ito ay hindi sinasabing pakahulugan mismo ni Luna.  Kung titingnan daw ang komposisyon ng painting, gusto raw ni Juan Luna na ang unang mapansin ninyo ay ang babae:  Ang tatlo ay nakatingin sa babae, ang upuan at la mesa ay nakaturo sa babae, ang sombrero at coat ay nakaturo sa babae, ang triangulation ng dyaryo ay nakaturo sa babae.  Kaya mahalaga na makita, sino kaya ang babae?

Nakaturo lahat sa babae.  Kaya kailangan pansinin ang katauhan ng babae.  Kuha ni Xiao Chua.

Nakaturo lahat sa babae. Kaya kailangan pansinin ang katauhan ng babae. Kuha ni Xiao Chua.

Kung titingnan ang babae, tila nakatingin siya sa kawalan, sa porma ng kanyang kamay at nakataas na mga paa, tila hindi kumportable ang babae.  At kung titingnan ang kanyang baywang, ipininta ni Juan Luna na anatomically impossible raw na 12-inches ito!  E master painter siya.

Awkward ang position ng mga kamay at tila nakataas ang paa ng babae.  Yun bang kapag umuurong at nagsasabi siya ng "Wag po! Wag po!"  Kuha ni Xiao Chua

Awkward ang position ng mga kamay at tila nakataas ang paa ng babae. Yun bang kapag umuurong at nagsasabi siya ng “Wag po! Wag po!” Kuha ni Xiao Chua

Ayon sa mga nagbasa ng obra maestra, anatomically impossible 12-inch waist ay kakatwa kung ginawa ng isang bihasang master painter (pero siyempre sa corsette, posible noon).  Kuha ni Xiao Chua.

Ayon sa mga nagbasa ng obra maestra, anatomically impossible 12-inch waist ay kakatwa kung ginawa ng isang bihasang master painter (pero siyempre sa corsette, posible noon). Kuha ni Xiao Chua.

Kung titingnan raw ang awkward na hugis ng babae, magtutugma ito sa isang mapa ng Pilipinas na itinapat sa salamin.  Tingnan, ang Batanes ang naging mga luha ng babae, tugma din ang 12-inch waist sa pinakamakipot na bahagi ng Pilipinas mula sa San Narciso, Zambales hanggang sa Infanta-Real, Quezon.  At kung ilagay mo naman ang Palawan sa braso ng babae magtutugma din ito.  So, ang babae ay si Inang Pilipinas.  Kahit na mukha siyang Pranses, interpretasyon nga, walang basagan ng trip.

Tumutugma ang reverse image ng mapa ng Pilipinas sa babae.  Kahit ang Palawan ay maaari mong ilagay sa braso ng babae.  Kuha ni Xiao Chua.

Tumutugma ang reverse image ng mapa ng Pilipinas sa babae. Kahit ang Palawan ay maaari mong ilagay sa braso ng babae. Kuha ni Xiao Chua.

Ang Batanes Islands ang nagmistulang luha ng babae.

Ang Batanes Islands ang nagmistulang luha ng babae.

Ang 12-inch waist ang pinakamaiksing bahagi ng lupa sa Pilipinas mula sa San Narciso, Zambales hanggang Infanta, Real, Quezon.

Ang 12-inch waist ang pinakamaiksing bahagi ng lupa sa Pilipinas mula sa San Narciso, Zambales hanggang Infanta, Real, Quezon.

Alam na natin ngayon ang kwento.  May kasama siyang umalis muna sa eksena dahil may bakanteng silya, coat at sombrero.  Sino ang kasama niya?  Kung titingnan ang dalawang baso, ang laman ng baso ng babae ay kalahati na lamang habang puno pa ang sa kasama niya.  May pagtatangkang pagsamantalahan ang babae.

Ang baso ng babae ay nainom na habang puno pa ang sa lalake. Kuha ni Xiao Chua.

Ang baso ng babae ay nainom na habang puno pa ang sa lalake. Kuha ni Xiao Chua.

At sino ba ang nagsasamantala sa atin noong 1892?  Ang Espanya!  Ayon sa mga potograpo, huwag kukunan ang isang tao sa ilalim ng linya, dahil parang binabarbeque mo ang iyong kinukuhanan.  Tingnan na may linya sa ibabaw ng babae.  Tingnan din ang scarf.  Hindi siya isang scarf, tila itim siya sa leeg ng babae.  Pagsamahing tingnan ang linya at ang itim sa leeg ng babae at makikita mong nakabigti ang babae.  Nasa panganib ang babae.

Pagsamahin ang linya sa itaas na babae at ang itim na leeg, NAKABIGTI ANG BABAE.  Kuha ni Xiao Chua.

Pagsamahin ang linya sa itaas na babae at ang itim na leeg, NAKABIGTI ANG BABAE. Kuha ni Xiao Chua.

Noong 1892, nasa bingit na tayo ng Himagsikan, itinatag ang La Liga Filipina, inaresto si Rizal at itinatag ang Katipunan.  Kaya pinag-uusapan ng tatlo nating bayani na sina Rizal, Juan Luna at Bautista-Lin, ito ang dustang kalagayan ng ating Inang Bayan, ano ang gagawin natin para sa kanya?

Detalye ng "Parisian Life" ni Juan Luna, kuha ni Xiao Chua.

Detalye ng “Parisian Life” ni Juan Luna, kuha ni Xiao Chua.

Tila hinahamon pa rin nila tayo sa kasalukuyan, “Siya ang inyong Inang Bayan, nakalugmok pa rin matapos ang isang siglo, ano ang gagawin mo para sa kanya?”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 12 October 2013)

XIAO TIME, 24 October 2013: MGA INTERPRETASYON NG “PARISIAN LIFE” NI JUAN LUNA Part 1

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang "Parisian Life" ni Juan Luna.  Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.  Kuha ni John Ray Ramos.

Ang “Parisian Life” ni Juan Luna. Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Kuha ni John Ray Ramos.

24 October 2013, Thursday: http://www.youtube.com/watch?v=BCcxiUaXSxk

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  I56 years ago, October 23, 1857, isinilang sa Badoc, Ilocos Norte si Johnny Moon?  Huh?  Who’s that Pokemon?  Hindi ba sikat na restaurant iyon sa Ilocos Norte???  Salin pala ito sa Ingles ng pangalan ni Juan Luna y Novicio, bayani at pintor.

Si Juan Luna y Novicio sa Roma

Si Juan Luna y Novicio sa Roma

Sa panahon na ang mga indio ay minamaliit ng mga Espanyol bilang mga mababang uri ng tao, ang mga obra ni Juan Luna na tulad ng Spoliarium, La Batalla de Lepanto, at Pacto de Sangre ang nagpakita na maaaring makipagsabayan ang mga indio kung sining ang pag-uusapan.

Spoliarium, 1884, nasa National Art Gallery, National Museum of the Philippines.

Spoliarium, 1884, nasa National Art Gallery, National Museum of the Philippines.

La Batalla de Lepanto (1887), nasa Senado ng Espanya, mula sa koleksyong Dr. Eric Zerrudo

La Batalla de Lepanto (1887), nasa Senado ng Espanya, mula sa koleksyong Dr. Eric Zerrudo

Pacto de Sangre.  Ang modelo para kay Legazpi ay ang bayaw ng pintor na si Trinidad Pardo de Tavera.  Si Sikatuna si Jose Rizal.  Obra maestra ni Juan Luna.

Pacto de Sangre. Ang modelo para kay Legazpi ay ang bayaw ng pintor na si Trinidad Pardo de Tavera. Si Sikatuna si Jose Rizal. Obra maestra ni Juan Luna.

Kamakailan, noong October 5 lamang, isang naunang bersyon ng kanyang obra maestra na “España y Filipinas” ang nabili sa auction sa Sotheby’s Hongkong sa halagang US$ 3.5 million o PHP 150 million.  Ganoon kahalaga ang mga Luna ngayon.

Maagang bersyon ng "España y Filipinas" na nabili sa Sotheby's sa Hong Kong.  Mula sa fb page ni Dr. Ambeth R, Ocampo.

Maagang bersyon ng “España y Filipinas” na nabili sa Sotheby’s sa Hong Kong. Mula sa fb page ni Dr. Ambeth R, Ocampo.

Maaalala na nagkaroon din ng usapin noong Oktubre 2002 nang bilhin ng Government Service Insurance System ang “Parisian Life” ni Juan Luna sa halagang isang milyong dolyar o PHP 46 Million!  Marami ang nagprotesta sa sinasabing pagwaldas ng pera ng mga empleyado ng gobyerno nang dahil lamang sa isang painting.  Hindi naman daw nakakain ang Juan Luna kahit na ito ay isang asset ng ating kaban ng bayan na hindi bumababa ang halaga, pero mahabang usapin yan.

Ang dating Pangulo ng GSIS WInston Garcia matapos na mabili para sa GSIS ang obra maestrang "Parisian Life" ni Juan Luna.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Ang dating Pangulo ng GSIS WInston Garcia matapos na mabili para sa GSIS ang obra maestrang “Parisian Life” ni Juan Luna. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Nang mapakinggan ko sa mga lektura ni Dr. Eric Zerrudo, dating director ng GSIS Museum of Art nang bilhin ang painting, nakita ko ang halaga ng pagpapakahulugan natin sa kasalukuyan sa sining, kahit na hindi naman talaga ito mga interpretasyon ni Juan Luna.  Magagamit pa rin natin ito bilang interesanteng tuntungan sa pagtuturo ng kasaysayan, isang bagong lapit sa pagtuturo ng isang itinuturing na “boring subject.”  Ang ehersisyo ay tinawag kong THE JVAN LVNA CODE, parang Da Vinci Code lang ang peg.

Dr. Eric Zerrudo.  Mula sa dokumentaryo ng GSIS Museo ng Sining ukol sa Parisian Life.

Dr. Eric Zerrudo. Mula sa dokumentaryo ng GSIS Museo ng Sining ukol sa Parisian Life.

Si Xiao Chua at si Dr. Eric Zerrudo, March 9, 2007, History and Destiny Room (Juan Luna Room), GSIS Museo ng Sining.

Si Xiao Chua at si Dr. Eric Zerrudo, March 9, 2007, History and Destiny Room (Juan Luna Room), GSIS Museo ng Sining.

Ayon kay Zerrudo, may tatlong popular na interpretasyon ang “Parisian Life.”  Una ay ang literal na interpretasyon na tinatawag kong kwentong barbero interpretation.  May isang coquette o prostitute ang pumasok sa isang kapihan sa Paris na nagpatipo, napansin ng tatlong lalaki na nag-uusap.  Sabi ng nasa dulong kanan, “Uy pare, chicks!”  Sabi ng nasa gitna, “Pare, pustahan tayo, mamaya kateybol ko na yan!”  Tiningnan sila ng ikatlong lalaki at sinabing, “Hindi niyo ba alam na kasama ko na siya kagabi.”

Detalye ng "Parisian Life" ni Juan Luna, kuha ni Xiao Chua.

Detalye ng “Parisian Life” ni Juan Luna, kuha ni Xiao Chua.

Bagama’t parang kalokohan lang, repleksyon pala ang mga linyang binitawan sa personalidad ng tatlong aktwal na modelo ni Luna sa painting—ang may-ari ng painting Dr. Ariston Bautista Lin, kilalang may hilig sa magaganda, si Juan Luna mismo na kumukuha ng mga prostitute bilang modelo para sa kanyang mga paintings, at siyempre ang pangatlong lalaki, ang bida sa lahat, si Jose Rizal na kilala na international ang taste sa kababaihan.

Si Rizal.

Si Rizal.

Juan Luna

Juan Luna

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Xiao Chua, Dr. Santiago Albano Pilar at si Prop. Ana Labrador, January 17, 2007, Vargas Museum.

Xiao Chua, Dr. Santiago Albano Pilar at si Prop. Ana Labrador, January 17, 2007, Vargas Museum.

Ang pangalawang interpretasyon naman ay ang biographical at tragic interpretation ni Santiago Albano-Pilar.  1892 nang ipinta ni Juan Luna ang painting sa Paris, hindi kaya sinasabi ni Juan Luna sa mga kaibigan, “Mga pare, may problema ako, ang asawa ko ay pinaghihinalaan kong may kalaguyong Pranses, si Mssr Dussaq”?  Sa taong ding iyon, dahil sa selos, mapapatay ni Juan Luna ang kanyang biyenan at asawa.  May pangatlo pang popular na interpretasyon.  Abangan bukas.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 12 October 2013)

Paz Pardo de Tavera

Paz Pardo de Tavera

Ang tanging larawan ni Rizal na nakangiti ay larawan niya kasama sina Feliz R. Hidalgo, ang pintor, si Nelly Boustead na kanyang niligawan, at ang mga Pardo de Tavera:  Katabi ni Nelly si Paz Pardo de Tavera at nakaupo si Juliana Gorricho kalong-kalong ang apong si Andres Luna.

Mula kay Alfredo Roces, "Philippine Heritage"

Mula kay Alfredo Roces, “Philippine Heritage”

XIAO TIME, 22 October 2013: SAN PEDRO CALÚNGSOD

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

San Pedro Calúngsod, Bisaya. TV grab mula sa opisyal na coverage ng Centro Televisivo Vaticano ng kanonisasyon sa Lungsod ng Vaticano noong October 21, 2012.  Si San Pedro ang nasa ikalawa sa pinakamataas na pwesto sa altar na iyon, malapit na malapit sa gitna.  Ang larawan ay ipininta ni Rafael del Casal at ang modelo ay si Ronald Tubid.

22 October 2013, Tuesday: http://www.youtube.com/watch?v=RkvuSY7Q_ck

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Isang taon na ang nakalilipas, October 21, 2012, hinirang ang binatilyong Bisaya na si Pedro Calúngsod ni Pope Benedict XVI bilang ikalawang Pilipinong Katolikong Santo sa Lungsod ng Vaticano! Ang tanging banggit lang sa binatilyo sa mga dokumentong Espanyol ayon kay Fr. Ildebrando Leyson ay “Pedro Calonsor Bissaya.”  Wala ring imahe na narekord ukol kay San Pedro Calúngsod kaya ang obra ni Rafael del Casal na ginamit sa kanonisasyon ay minodelo ng basketbolistang Ilonggo na si Ronald Tubid ng Barako Bull noong kabataan niya.  Nabansagan siyang “The Saint.”

Mula sa fb page na "Stunning and Interesting Facts that you didn't know." http://www.facebook.com/photo.php?fbid=418697224851901&set=a.289245514463740.77512.289243791130579&type=1&theater

Mula sa fb page na
“Stunning and Interesting Facts that you didn’t know.” http://www.facebook.com/photo.php?fbid=418697224851901&set=a.289245514463740.77512.289243791130579&type=1&theater

Ipininta ni Alfredo Esquillo batay sa mga larawan ni Alan Bengzon  ng modelo sa santo na si Ronak Tubid.  Nasa bungad na bulwagan ng Loyola School of Theology ng Pamantasang Ateneo de Manila.

Ipininta ni Alfredo Esquillo batay sa mga larawan ni Alan Bengzon ng modelo sa santo na si Ronak Tubid. Nasa bungad na bulwagan ng Loyola School of Theology ng Pamantasang Ateneo de Manila.

Ayon sa tala ni Padre Catalino G. Arevalo, S.J., katuwang si Pedro ng isang Heswitang si Blessed Diego Luis de San Vítores sa kanilang misyon ng pangangaral na nagsimula noong June 16, 1668 sa mga taga Marianas o Guam.  Kumbaga, “boy” lamang ni Father Diego si Pedro—katulong sa pagbuhat ng gamit at maaaring katulong din sa pangangaral.  Sa edad na 40, malabo na rin ang mata ng pari kaya baka katulong na rin niya sa pagbasa.  Oo, katulong lang siya, ngunit kahit na gayon, nang manganib ang buhay ng Pari, nagpakita siya ng ekstraordinaryong kabayanihan.

Blessed Diego de San Vitores.  Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Vaticano.

Blessed Diego de San Vitores. Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Vaticano.

San Pedro Calúngsod, obra na nasa Ristorante delle Mitre, kantina ng CBCP, sa Intramuros, Maynila.  Kuha ni Xiao Chua.

San Pedro Calúngsod, obra na nasa Ristorante delle Mitre, kantina ng CBCP, sa Intramuros, Maynila. Kuha ni Xiao Chua.

Nagpumilit si Padre Diego na binyagan ang isang batang anak ng isang kasike o Chamorro na si Matapang noong April 2, 1672.  Dahil sa angas-angasan na pinakalat ng isang kriminal na Tsino mula sa Maynila na si Choco na may lason ang pambinyag ng mga pari, sinabi ni Matapang, “Walang silbi ang binyag, pinapatay ninyo ang mga bata… Sawa na kami sa inyong binyag at aral.”  Sagot ng padre, “…Ayaw kong mamatay siyang di binyagan at hindi makarating sa langit.  Kung gusto mo patayin mo ako pagkatapos, ngunit hayaan mo munang binyagan ko ang bata.”  Kasama ang kaibigan na si Hirao na ayaw sanang patayin ang itinuturing niyang mabuting pari ngunit nabuyo nang tawaging “duwag,” kumuha sila ng mga sandata.   Nang lumusob ang dalawang Chamorro sa tabing dagat, si Pedro ang unang nakita at sinibat ng sinibat ngunit maliksi si Pedro at laging nakakaiwas.  Kung sinunod lamang nila ang payo na mag-armas sana naipagtanggol niya ang sarili at ang pari.  Sa huli tinamaan si Pedro sa dibdib.  Matapos nito, biniyak nila ng machete ang kanyang ulo.

Ang pagpatay kay San Pedro Calúngsod, mula sa komiks na Pedro Calúngsod:  A Youth for Christ.

Ang pagpatay kay San Pedro Calúngsod, mula sa komiks na Pedro Calúngsod: A Youth for Christ.

Ang pagkamartir ni Beato Diego Luis de San Vítores sa mga Isla ng Marianas (Guam), 2 Abril 1672.

Ang pagkamartir ni Beato Diego Luis de San Vítores sa mga Isla ng Marianas (Guam), 2 Abril 1672.

Nilapitan ni San Vitores si Pedro, binulungan ng ilang salita si Pedro matapos ay bumaling sa dalawa, itinaas ang krusipiho upang sila’y hikayating magsisi.  Kung paano pinatay si Pedro, ganoon din pinatay si Padre Diego.  Naunahan ni Pedro ang kanyang among pari sa pagkasanto nang aprubahan ng Vaticano ang isang milagrong kinakailangan—nang ang isa diumanong babaeng dineklara nang patay sa atake sa puso ay nabuhay nang ipanalangin siya ng doktor kay Pedro noong 2003.

Isang milyong tao ang dumalo sa misang pasasalamat para kay San Pedro Calúngsod na ginanap sa Lungsod ng Cebu at pinangunahan ni Ricardo Cardinal Vidal at Pangulong Noynoy Aquino, November 29, 2013.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Bahagi ng isang milyong dumalo sa misang pasasalamat para kay San Pedro Calúngsod sa Lunsod ng Cebu, November 29, 2012.

Bahagi ng isang milyong dumalo sa misang pasasalamat para kay San Pedro Calúngsod sa Lunsod ng Cebu, November 29, 2012.

Kung tutuusin, sa perspektibong Chamorro, maituturing pang kabayanihan ang ginawa nina Matapang at Hirao na nagtanggol sa kanilang kultura.  Ngunit huwaran din si Pedro, anuman ang ating pananampalataya, ng sinabi ni Hesus sa ebanghelyo, “Wala nang hihigit pang pag-ibig kaysa rito, na ang isang tao ay mag-alay ng kaniyang buhay para sa kaniyang mga kaibigan.” (Juan 15:13, SND).  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 12 October 2013)

Isang bata ang nagbibigay respeto sa batang santo mula sa Visayas, si San Pedro Calúngsod.  Mula sa Rappler.

Isang bata ang nagbibigay respeto sa batang santo mula sa Visayas, si San Pedro Calúngsod. Mula sa Rappler.

XIAO TIME, 8 August 2013: INTRAMUROS: LUNGSOD SA LOOB NG MGA PADER

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

The Building of Intramuros.  Obra maestra ni Fernando Amorsolo.  Mula sa Pacto de Sangre.

The Building of Intramuros. Obra maestra ni Fernando Amorsolo. Mula sa Pacto de Sangre.

8 August 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=j2bltcomixg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  441 years ago, August 20, 1572, sumakabilang buhay si Miguel Lopez de Legaspi, ang conquistador ng mga Islas Filipinas, isang taon lamang matapos nilang itatag ng mga Espanyol ang kolonyal na Lungsod ng Maynila mula sa kaharian ni Rajah Soliman. 

Representasyon ng pagkamatay ni Miguel Lopez de Legaspi sa kanyang nitso sa Simbahan ng San Agustin na nilikha ng Espanyol na iskultor na si Juan Manuel Iriarte sa kagandahang loob ng Ministry of Froeign Affairs ng Espanya.  Mula sa Koleksyon ng Aklatan ng Sinupang Xiao Chua.

Bago siya mamatay, ang lungsod na pinabakuran niya ng kawayan ay mayroon nang mga 150 na mga kabahayan na nakapaloob sa mga parisukat sa pagitan ng mga nagkukrus na daan tulad sa Europa—Roman Grid Pattern, at ang simbahan at monasteryo ng mga unang paring tumungo sa Pilipinas, ang mga Agustino. 

Ang pagtatayo ng mga Espanyol ng mga pader na kahoy sa paligid ng Lungsod ng Maynila.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagtatayo ng mga Espanyol ng mga pader na kahoy sa paligid ng Lungsod ng Maynila. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Noong 1574, ayon sa pinakamadaling basahin at pinakakomprehensibong gabay sa lungsod na isinulat ni Jose Victor Torres, ang Ciudad Murada, ang lungsod na ito ay binigyan ng titulo o karangalan ng Haring Felipe II, sa kanya ipinangalan ang ating bansang Pilipinas, bilang Insigne y siempre leal ciudad (katang-tangi at laging tapat na lungsod). 

Si Xiao Chua at Jose Victor Torres, 2013, mula sa Koleksyon ng Aklatan ng Sinupang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at Jose Victor Torres, 2012, mula sa Koleksyon ng Aklatan ng Sinupang Xiao Chua.

Pabalat ng Ciudad Murada.  Mula sa Aklatan ng Sinupang Xiao CHua.

Pabalat ng Ciudad Murada ni Dr. Vic Torres. Mula sa Aklatan ng Sinupang Xiao Chua.

Haring Felipe Segundo.  Obra maestra ni Antonio moro batay kay Pantoja de la Cruz.

Haring Felipe Segundo. Obra maestra ni Antonio moro batay kay Pantoja de la Cruz.

Ang coat of arms ng Maynila na nagpapakita ng  isang kastilyo bilang sagisag ng Kaharian ng Castille, ang pinakamalaking kaharian sa Espanya, at ang merlion, o ang ultramar na simbolo ng mga Espanyol para sa kapuluang Pilipinas.  Mula kay Dr. Ambeth R Ocampo.

Noong 1574, sumalakay ang piratang Tsino na kinatatakutan ng mga Portuges sa Malacca, mga Olandes, maging ng mga Muslim, si Limahong, kasama ng ilang indio tulad ni Rajah Soliman.  Bagama’t nabigo, kamuntik nang maagaw ang Maynila.  Noong 1587, isang pasaway na kandila ang hindi nabantayan sa burol ni Gob Hen. Gonzalo Ronquillo de Peñalosa sa Simbahan ng San Agustin.  Sinunog nito ang simbahan, sinunog din nito ang buong lungsod. 

Ang pagsalakay ni limahong sa Maynila.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagsalakay ni limahong sa Maynila. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagsalakay ni Limahong.  Detalye mula sa mural ni Carlos V. Francisco na pinamagatang "Filipino Struggles Through History" na nasa Bulwagang Katipunan ng City Hall ng Lungsod ng Maynila.

Ang pagsalakay ni Limahong. Detalye mula sa mural ni Carlos V. Francisco na pinamagatang “Filipino Struggles Through History” na nasa Bulwagang Katipunan ng City Hall ng Lungsod ng Maynila.

Napagtanto ang pangangailangan na gawing mas matibay ang lungsod.  Ang gumawa ng plano ay ang Heswitang si Padre Antonio Sedeño at sinimulang ipatupad ni Goberndor Heneral Santiago de Vera sa pagpapatayo ng mga tanggulang adobe na Fuerza Santiago, at ang pabilog na Nuestra Señora de Guia o Baluarte de San Diego) kapwa sa batong adobe

Baluarte de San Diego.  Planong gawing watch tower (bantayan) ngunit hindi itinuloy, ibinaon sa lupa hanggang aksidenteng madiskubre noong 1979.  Tinanggal  ang lupa at muling isinaayos ng Intramuros Administration.

Isang larawan sa Furza Santiago noong 1903.  Mula sa Wikipedia.

Isang larawan sa Furza Santiago noong 1903. Mula sa Wikipedia.

Ang humalili sa kanya, si Gobernador Heneral Gomez Perez Dasmariñas, ang siyang nagsimulang magpalibot ng buong lungsod sa pader noong Hunyo 1590 sa utos na rin ng hari.  Dalawang beses din kasi siyang pinagtangkaang kikilan ng tributo ng pinunong Hapones na si Hideyoshi.  Hindi lang pader ang kanyang ipinalibot sa lungsod kundi pati na rin mga ilog-ilogan o moat tulad sa mga midyibal na mga kastilyo sa Europa. 

Hideyoshi.  Mula a Wikipedia.

Hideyoshi. Mula a Wikipedia.

Ilog-ilogan na may drawbridge na parang mga kastilyo sa Europa, ito ang Ravelin Real de Bagumbayan.  Mula kay intrepiddreamer.wordpress.com.

Ilog-ilogan na may drawbridge na parang mga kastilyo sa Europa, ito ang Ravelin Real de Bagumbayan. Mula kay intrepiddreamer.wordpress.com.

Ikonikong gareta o bantayan ng Intramuros.

Ikonikong gareta o bantayan ng Intramuros.

Lumang mapa ng Intramuros noong 1713 na ginawa ni Antonio Fernandez Rojas mula sa orihinal ni Antonio Fernandez Rojas.  Nagpapakita ito ng kaayusan ng mga kalsada ayon sa Roman Grid Pattern at ang mga ilog-ilogan o moat na hindi basta-basta ilog kundi may mga harang na maliliit na isla.  Mula sa Ciudad Murada.

Siyempre, hindi ang mga mananakop ang nagtayo nito, kundi ang mga indio.  Sila ang kumuha ng mga batong adobe mula sa Guadalupe sa San Pedro de Makati, sila ang nagpaanod ng mga ito sa ilog, ang nagbuhat at nagtayo ng mga ito.  Ngunit nang matapos, tanging mga pari, opisyal at mga sundalong Espanyol lamang ang tumira at nakinabang. 

Ang pagpapaanod ng mga troso sa mga dagat at ilof ng mga indio sa pagtatatag ng Intramuros.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagpapaanod ng mga troso sa mga dagat at ilof ng mga indio sa pagtatatag ng Intramuros. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagbuhat ng mga indio sa batong adobeng gagamitin sa pagtatayo ng mga pader na nagmula sa Guadalupe sa San Pedro de Makati.

Ang pagbuhat ng mga indio sa batong adobeng gagamitin sa pagtatayo ng mga pader na nagmula sa Guadalupe sa San Pedro de Makati.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagtatayo ng mga indio ng Intramuros.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagtatayo ng mga indio ng Intramuros. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang mga pari at mga opisyal Espanyol ng pamahalaang kolonyal ang tumira sa Intramuros.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang mga pari at mga opisyal Espanyol ng pamahalaang kolonyal ang tumira sa Intramuros. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang mga mayayamang Espanyol ang siyang tumira sa Intramuros.  Nasa Plaza Mayor sila sa harapan ng Palacio del Gobernador.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang mga mayayamang Espanyol ang siyang tumira sa Intramuros. Nasa Plaza Mayor sila sa harapan ng Palacio del Gobernador. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Nakilala ang lungsod sa tawag na Intramuros—nakapaloob sa mga pader.  Ito lamang noon ang lungsod ng Maynila, kung saan naroroon ang lahat ng mahahalagang mga tanggapan ng pamahalaan, mga kumbento at monasteryo, mga paaralan.  Umabot sa mahigit pito ang bilang ng simbahan sa loob nito, ang labas nito ay tinawag na mga arabal o suberbs

Intramuros--Sa Loob ng mga pader. Itong 64 ektaryang lupain na ito ang tanging Lungsod ng Maynila noon.

Intramuros–Sa Loob ng mga pader. Itong 64 ektaryang lupain na ito ang tanging Lungsod ng Maynila noon.

Ang Plaza Complex ng Intramuros ang pinakasentro ng Imperyong Espanyol sa Asya!!!  Mga gusali mula sa kaliwa:  Ayuntamiento (City Hall), Katedral ng Maynila at Palacio del Gobernador.  Mula sa National Media Production Center.

Ang Plaza Complex ng Intramuros ang pinakasentro ng Imperyong Espanyol sa Asya!!!  Mga gusali mula sa kaliwa:  Ayuntamiento (City Hall), Katedral ng Maynila at Palacio del Gobernador.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang San Agustin Church, ang pinakamatandang simbahan sa Pilipinas.  Mula sa San Agustin.

Ang San Agustin Church, ang pinakamatandang simbahan sa Pilipinas. Mula sa San Agustin.

Ang Calle Real.  Mula sa Intramuros of Memory.

Ang Calle Real. Mula sa Intramuros of Memory.

Ang Puerte del Parian kung saan bumbili ang mga Espanyol sa mga mangangalakal na Tsino sa labas ng intramuros.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang Puerte del Parian kung saan bumbili ang mga Espanyol sa mga mangangalakal na Tsino sa labas ng intramuros. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang mga pader ng Intramuros mula sa Binondo at ilog Pasig.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang mga pader ng Intramuros mula sa Binondo at ilog Pasig. Mula sa Pacto de Sangre.

Mapa ng Intramuros at mga Arabales, 1898.

Mapa ng Intramuros at mga Arabales, 1898.

Sa loob ng tatlong siglo, pinrotektahan ng pader ang Pamahalaang Espanyol mula sa lahat ng banta, at ipinakita na mula sa Intramuros dumaloy ang ginhawa para sa kolonya, ang sentro ng Emperyong Espanyol sa Silangan!  Ang Intramuros ay bahagi po ng ating kasaysayan, ingatan po natin ito.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time. (Pook Amorsolo, UP Diliman, 27 July 2013)

Katedral ng Maynila ngayon sa perspektiba ng isang pool ng tubig-ulan.  Mula sa The Intramuros Collection.

Katedral ng Maynila ngayon sa perspektiba ng isang pool ng tubig-ulan. Mula sa The Intramuros Collection.

XIAO TIME, 17 October 2013: WHISTLE BLOWING SA PILIPINAS (Whistle Blowers part 2)

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Governor Luis "Chavit" Singson.  Mula sa EDSA Dos:  A Nation in Revolt.

Governor Luis “Chavit” Singson. Mula sa EDSA Dos: A Nation in Revolt.

17 October 2013, Thursday: http://www.youtube.com/watch?v=xNaMkVYqGn0

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Usong-uso ngayon ang mga whistle blowers sa ating mga balita, ngunit kung titingnan sa kasaysayan ng ating bansa, hindi na ito bago.  Magbalik-tanaw tayo.  Sa isang testimonya sa US Congress at sa kanyang aklat na The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I, inilantad ni Prmitivo Mijares noong 1975 ang mga kalabisan ng Pangulong Marcos.  Nawalang sukat si Mijares.

Primitivo Mijares, awtor ng The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I.  Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Primitivo Mijares, awtor ng The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I. Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Sa kabila nito marami pa ang sumunod sa yapak ni Tibo.  Ang paglalantad ni Defence Minister Juan Ponce Enrile na pandarayang ginawa niya, lalong-lalo na sa Cagayan, sa halalang snap noong 1986 ang siyang naging mitsa na nagpaalab ng People Power Revolution sa EDSA na tuluyang nagpatalsik sa Pangulong Marcos.

Ang pagtiwalag nina Ramos at Enrile sa Camp Aguinaldo, February 22, 1986.   Mula sa Bayan Ko!

Ang pagtiwalag nina Ramos at Enrile sa Camp Aguinaldo, February 22, 1986. Mula sa Bayan Ko!

Noong, taong 2000, ang pagbubunyag ni Gobernador Luis Chavit Singson na ang Pangulong Joseph Estrada ay tumatanggap ng jueteng payola bilang si Asiong Salonga, “The Lord of All Jueteng Lord” ay nagbunsod sa impeachment ng Pangulong Estrada.  At sa paglilitis naman, ibinunyag ni Emma Lim na tumatanggap siya ng pera mula kay Erap para sa amo niyang si Gobernador Singson.  Hindi nagpasindak sa panlilito ng de kampanilyang abogado, nasabi niya nang tanungin kung kumain ang kasama niya ng iced tea, sumagot ba naman ng, “Uminom po ng iced tea, hindi po niya kinain, your honor.”

Uminom po ng iced tea, hindi po niya kinain, your honor:  Sagot ni Emma Lim kay Atty. Estelito Mendoza.  Mula sa Bayan Ko!

Uminom po ng iced tea, hindi po niya kinain, your honor: Sagot ni Emma Lim kay Atty. Estelito Mendoza. Mula sa Bayan Ko!

At sino ang makakalimot kay Clarissa Ocampo, ang mismong senior vice-president ng trust department ng Equitable PCI Bank na nagsabi na nagbukas ng account ang Pangulong Estrada bilang si Jose Velarde.  Ang mga pagbunyag na ito ang nagbunsod ng tinaguriang EDSA Dos na nagpaalis sa Pangulong Estrada sa Malacanang.

Si Xiao Chua at si Ma'am Clarissa Ocampo, 2011.  Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at si Ma’am Clarissa Ocampo, October 13, 2011. Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Nariyan din si narcotics agent Mary “Rosebud” Ong na nagbunyag ng mga illegal na aktibidad diumano ng isang senador.

Mary "Rosebud" Ong.

Mary “Rosebud” Ong.

At siyempre sa panahon ng Pangulong Gloria Arroyo, nariyan si intelligence agent Vidal Doble, Jr. at National Bureau of Investigation Deputy Director Sammy Ong na siyang nagsiwalat ng “Hello Garci” scandal; sina Joey de Venecia at Jun Lozada na nagsiwalat ng NBN-ZTE Broadband Deal; sina Sandra Cam at Boy Mayor na nagsiwalat ng pagtanggap ng unang pamilya ng pera mula sa jueteng noong 2005.  Si Boy Mayor ay pinaslang noong 2010;

Vidal Doble.  Mula sa Agence France Presse.

Vidal Doble. Mula sa Agence France Presse.

Samuel Ong.

Samuel Ong.

Joey Lozada habang minomonstra ang pagsasabi sa kanya ng Unang Ginoo ng "Back Off."

Joey Lozada habang minomonstra ang pagsasabi sa kanya ng Unang Ginoo ng “Back Off.”

Si Xiao Chua at si Jun Lozada, Quirino Grandstand, June 30, 2010.  Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at si Jun Lozada, Quirino Grandstand, June 30, 2010. Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Boy Mayor at Sandra Cam.  Mula sa ABS-CBN News Channel.

Boy Mayor at Sandra Cam. Mula sa ABS-CBN News Channel.

si Atty. Melchor Magdamo na nagbunyag ng PHP 690 million ballot secrecy folder scam, at si Col. George Rabusa na nagsiwalat ng mga pabaon sa pamunuan ng military.  At ang orgmate ko sa UP Lipunang Pangkasaysayan na si Congressman Romeo Candazo na siya palang pinakaunang whistle blower ukol sa anomalya sa prok barrel noon pang 1996.

Si Xiao Chua at si Atty. Melchor Magdamo sa set ng The Bottomline, June 2010.  Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at si Atty. Melchor Magdamo sa set ng The Bottomline, June 2010. Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at si Col George Rabuza sa set ng The Bottomline, March 2, 2011.  Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at si Col George Rabuza sa set ng The Bottomline, March 2, 2011. Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Romeo Candazo.

Romeo Candazo.

Ang frontpage ng pagbubunyag ni Kongresista Romeo Candazo noong 1996.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Ang frontpage ng pagbubunyag ni Kongresista Romeo Candazo noong 1996. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Ayon kay Edmund Burke, “The only thing necessary for the triumph of evil is for good men do nothing.”  Mahirap maging whistle blower dahil kung lumantad ka, tila nakabaon na ang isang paa mo sa hukay, dead man walking ka na, ngunit kailangang humugot ng napakalalim na tapang at lakas mula sa pag-ibig sa nakararami, sa bayan, sa pag-asang hindi na ito maulit.  Yan ay kung hindi kakalimutan ang kasaysayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Faculty Center, Old Library, DLSU Manila, 8 October 2013)

Edmunde Burke.

Edmunde Burke.

Heidi Mendoza, COA accountant na nagbunyag ng anomalya sa AFP.

Heidi Mendoza, COA accountant na nagbunyag ng anomalya sa AFP.

Ombudsman Conchita Carpio-Morales, nagbunyag ng mga natatagong deposito ng isang punong mahistrado sa pamamagitan ng mga dokumento mula sa AMLC.

Ombudsman Conchita Carpio-Morales, nagbunyag ng mga natatagong deposito ng isang punong mahistrado sa pamamagitan ng mga dokumento mula sa AMLC.

XIAO TIME, 16 October 2013: WHISTLE BLOWER SA PILIPINAS: PRIMITIVO MIJARES (Whistle Blowers Part 1)

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Primitivo Mijares at ang kanyang 16-years old na anak na si Boyet, mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Primitivo Mijares at ang kanyang 16-years old na anak na si Boyet, mula sa Eugenia Apostol Foundation.

16 October 2013, Wednesday: http://www.youtube.com/watch?v=Lz26rT8iCSE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  “Benhur Luy, Luy, Luy | Oh she’s only lookin’ to me.”  Si Benhur Luy yang pinakakilalang whistleblower sa pinakahuling telenovela ng koruspsyon sa bansa—ang pork barrel scam.  Ngunit siya ay pinakahuli lang sa mahaba nang kasaysayan ng whistleblowing sa bansa.

Benhur Luy.  Mula sa Interaksyon.

Benhur Luy. Mula sa Interaksyon.

Benhur Luy.  Mula sa Rappler

Benhur Luy. Mula sa Rappler

Whistleblower.  Mula sa airobserver.wordpress.com.

Whistleblower. Mula sa airobserver.wordpress.com.

Maaari sigurong sabihin na ang whistleblowing ay singtanda na rin ng mismong korupsyon, dahil nangyayari ito kapag mayroong nilalantad na iregularidad o korupsyon sa isang institusyon.  Mula sa salitang whistle o yung pito na tinatawag ding silbato.  Ginagamit ito kapag may “foul” sa mga laro.  Alam niyo bang sa Estados Unidos ay nagkaroon na ng whistleblower protection law nang aprubahan ito ng Continental Congress noong 1778, matapos na resbakan ng commander-in-chief ang continental navy ang dalawang whistleblower nang sampahan niya ang mga ito ng libelo.  Alam niyo rin bang sa Estados Unidos may mismong Office of the Whistleblower na umaagapay naman sa mga whistleblower sa mga pribadong kumpanya na gumagawa ng anomalya.

Si Sean McKessy, Pinuno ng Office of the Whistleblower sa Estados Unidos.

Si Sean McKessy, Pinuno ng Office of the Whistleblower sa Estados Unidos.

Isa sa mga sikat na whistleblower sa US ay si “Deep Throat” na siyang nagbigay ng impormasyon sa dalawang Washington Post reporters na sina Bob Woodward at Carl Bernstein sa ilalim ng isang garahe.  Ang impormasyon ay ukol sa tangkang pagtatakip ng mismong Pangulong Richard Nixon sa panloloob na ginanap sa headquarters ng kalabang Democratic Party sa Watergate Building noong 1972.  Ang mga paghahayag ni Deep Throat na siya palang Associate Director ng Federal Bureau of Investigation na si Mark Felt, ang siyang nagtulak kay Nixon na magbitiw sa tungkulin bago ma-impeach.

"Woodstein" -- Si Bob Woodward at Carl Bernstein ng Washington Post.

“Woodstein” — Si Bob Woodward at Carl Bernstein ng Washington Post.

Opisina ng Democratic National Convention sa Watergate.

Opisina ng Democratic National Convention sa Watergate.

Si Deep Throat ay si Mark Felt.  Mula sa Wikipedia.

Si Deep Throat ay si Mark Felt. Mula sa Wikipedia.

Ang pagbibitiw ni Richard Milhous Nixon, August 9, 1974.

Ang pagbibitiw ni Richard Milhous Nixon, August 9, 1974.

Isa pang whistleblower ay si Linda Tripp, empleyado ng Pentagon, na kumaibigan kay Monica Lewinsky at siyang nagrekord ng mga pakikipag-usap niya kay Monica ukol sa sekswal na relasyon ni Monica sa Pangulong William Jefferson Clinton.  Isa ito sa ebidensya na ginamit upang ma-impeach si Clinton noong 1998.

Linda Tripp.

Linda Tripp.

Si Monica Lewinsky, intern ng White House, at ang kanyang "boss" na si Pangulong William Jefferson "Bill" Clinton.

Si Monica Lewinsky, intern ng White House, at ang kanyang “boss” na si Pangulong William Jefferson “Bill” Clinton.

Sa Pilipinas, nauna nang maging whistleblower ang isa sa pinakapinagkakatiwalaang propagandista ni Pangulong Ferdinand Marcos na si Primitivo Mijares.  Si Mijares ang sumulat ng mahaba at komprehensibong pagpapaliwanag kung bakit ipinroklama ang Martial Law sa Sunday Express noong September 24, 1972.  Kumbaga kung may Josef Goebbels si Hitler, may Tibo Mijres si Marcos.  Sinasabing maaari siyang pumasok sa opisina ng pangulo ng walang kaukulang appointment, lakas!

Primitivo Mijares.  Naging Pangulo ng Manila Press Club.  Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Primitivo Mijares. Naging Pangulo ng Manila Press Club. Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Ngunit nakaalitan ni Tibo ang kapatid ni Imelda Marcos na si Kokoy Romualdez kaya naman kumalas siya sa diktador noong 1975.  Tinangka ng rehimen sa suhulan siya ng US$ 100,000.00 ngunit sa kabila nito, tumestigo siya sa US Congress ukol sa mga iregularidad sa pamahalaan ni Marcos.  Sinulat niya rin ang aklat na The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I makalipas ang isang taon, matapos ito, nawalang sukat si Mijares.  Naging desaparecido.

Primitivo Mijares, awtor ng The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I.  Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Primitivo Mijares, awtor ng The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I. Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I.  Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I. Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Autograph mula kay Primitivo Mijares, isang huling mensahe para sa bayan?  Mula sa http://thelivingrice.blogspot.com/2009/12/remembering-primitivo-mijares-and-his.html.

Autograph mula kay Primitivo Mijares, isang huling mensahe para sa bayan? Mula sa http://thelivingrice.blogspot.com/2009/12/remembering-primitivo-mijares-and-his.html.

Hindi naglaon, nakatanggap ang anak niyang si Boyet nang tawag sa telepono noong 1977 na nagsasabing buhay ang kanyang ama at gusto siyang makita.  Dalawang linggo matapos nito, natagpuang patay si Boyet, tonortyur, binunot lahat ng kuko at 33 saksak ng ice pick sa buong katawan, 16 na taong gulang lamang siya.

Boyet Mijares.  Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Boyet Mijares. Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 8 October 2013)

XIAO TIME, 15 October 2013: ANG HAJJ AT ANG EID AL-ADHA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Tawaf.  Mula sa muftisays.com.

Ang Tawaf. Mula sa muftisays.com.

15 October 2013, Tuesday: http://www.youtube.com/watch?v=0Fbipnjf_ow

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Eid Mubárak ang pagbati natin para sa Ummah, o sa buong kapatirang Islam, sa araw ng Eid al-Adha, October 15 2013.  Ano ba ang kahulugan ng Eid Mubárak?  Ito ay pagbati na kapag isinasalin sa Filipino ay “Mapagpalang Kapistahan.”  Kaya po holiday ngayon, in fact, ang Pilipinas tanging bansang hindi Muslim na nagpapahalaga sa kapistahang ito ng ating mga kapatid sa Islam sa ganitong paraan.  Ang Eid al-Adha, o ang Kapistahan ng Sakripisyo o Greater Eid, ay ang pagdiriwang ng mga muslim ng pagtatapos ng Hajj.  Ang hajj ay paglalakbay patungong Mecca sa Arabia, ang sentro ng Islam, na dapat gawin minsan man lang sa buong buhay ng isang Muslim.  Sa hajj, pinapraktis ng mga Muslim ang tawaf, o ang paglakad ng pitong beses counter-clockwise sa paligid ng itinuturing na sentro ng pananampalatayang Islam, ang Kaaba.

Pagsasagawa ng tawaf Kaaba sa Mecca.  Mula sa Wikipedia.

Pagsasagawa ng tawaf Kaaba sa Mecca. Mula sa Wikipedia.

Kung papaano isinasagawa ang tawaf.  Mula sa Wikipedia.

Kung papaano isinasagawa ang tawaf. Mula sa Wikipedia.

Kung saan sa direksyon nito nananalangin ang lahat ng Muslim sa buong mundo.  Gayundin ang Ramy al-Jamarat, kung saan pitong beses nilang babatuhin ang isang poste o pader, ang Jamrat’al’Aqabah na kumakatawan sa demonyong uminis kay Abraham o Ibrahim.

Pagbato sa representasyon ng demonyo sa Bundok Arafat, ang Jamrat'al'Aqabah.  Hindi si Yasser ha.  Mula sa hajjguide.org.

Pagbato sa representasyon ng demonyo sa Bundok Arafat, ang Jamrat’al’Aqabah. Hindi si Yasser ha. Mula sa hajjguide.org.

Ang mga nakatungo dito sa paglalakbay na ito ay tinatawag na mga Hajji o Hajja.  Sa pagtatapos ng paglalakbay, o ang mismong Eid al-Adha, kumakatay ng mga tupa upang pagsaluhan ng mga nasa Mecca bilang paggunita sa pagnanais ni Propeta Ibrahim na sundin ang kalooban ng Allah na isakripisyo ang kanyang panganay at pinakamamahal na anak bilang tanda ng kanyang pagmamahal sa Allah.  Nag-submit si Ibrahim, aslammah, pagsuko, ang kahulugan mismo ng salitang Islam.  Sa kabutihan ng Diyos nang saksakin niya ang anak hindi man lamang ito naano at may nakita silang ram o tupa na nakatay na at ito na lamang ang isinakripisyo.  Mabuti ang Diyos.  Kaibahan lamang, sa kwento ng Biblia ng mga Hudyo at Kristiyano, ang tinutukoy na pinakamamahal na anak ay si Isaac, ang itinuturing na ama ng mga Hudyo.  Habang sa Quaran ng mga Muslim, si Ismael, ang ama ng mga Arabo, ang ibinalak na isakripisyo.  Sa araw na iyon, pagsikat ng araw, ang mga Muslim ay tumutungo sa Masjid o Mosque, o maging sa eidgah o pook na dinadalanginan tuwing eid upang manalangin.  Exempted sa sama-samang pananalangin na ito ang mga may karamdaman, nagbibiyahe, at mga babaeng may dalaw, bagama’t kailangan pagsaluhan din nila ang kabutihan at pakikipagkapatiran ng mga Muslim sa araw na iyon sapagkat kadalasan matapos ang pananalangin, nagpipiging sila at kumakain.  At kung nagtataka kayo bakit nag-iiba-iba ang mga petsa ng kapistahang Muslim taon-taon, ito ay dahil ibinabatay ito sa kalendaryo lunaryo o sa paglitaw ng buwan.  Ayon kay Prop. Ayshia Fernando Kunting ng Western Mindanao State University ng Zamboanga, “Ang mga eid ang dalawang pagkakataon sa isang taon na nagkakasama-sama ang mga Muslim at nagdiriwang, simpleng pagre-affirm ng kapatiran, walang dekorasyon, walang parade, simpleng salu-salo ng magkakapatid.”

Ayshia Fernando Kunting, UP Diliman, August 2012.  Kuha ni Xiao Chua.

Ayshia Fernando Kunting, UP Diliman, August 2012. Kuha ni Xiao Chua.

Piging para sa Eid

Piging para sa Eid

Bilang paggalang sa mga kapatid nating Muslim ang ating pagpapahalaga sa araw na ito, ngunit sana magkaroon din ng Eid al-Adha sa kinabukasan na ipagdiriwang sa isang ganap na mapayapang Muslim Mindanao!  Assalamu Alaikum, Sumainyo ang kapayapaan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Andrew Hall, DLSU Manila, 8 October 2013)

XIAO TIME, 11 October 2013: FR. PATRICK PEYTON AT ANG FAMILY ROSARY CRUSADE

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Fr. Patrick Peyton at ang paborito niyang larawan ng Madonna and the Child ni Bartolome Esteban Murillo (nasa Galleria Palatina, Florence, Italya).

Fr. Patrick Peyton at ang paborito niyang larawan ng Madonna and the Child ni Bartolome Esteban Murillo (nasa Galleria Palatina, Florence, Italya).

11 October 2013, Friday: http://www.youtube.com/watch?v=y69dejB96Js

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  367 years ago, October 3, 1646, nagwagi ang dalawang outdated na barkong Espanyol laban sa malaking hukbong pandagat ng mga Olandes sa mga karagatan ng Pilipinas matapos ang limang labanan.

Ang Battle of La Naval.  Mula sa aklat na "The Saga of La Naval:  Triumph of a People's Faith."

Ang Battle of La Naval. Mula sa aklat na “The Saga of La Naval: Triumph of a People’s Faith.”

Ang sinasabing mahimalang pangyayari na ito ay dahil diumano sa sama-samang pagdarasal ng mga tao sa mahal na Birhen ng Sto. Rosario sa Sto. Domingo Church sa Intramuros.  Kaya naman tinawag ang birhen na La Naval at ang pista nito ay ipinagdiriwang tuwing ikalawang linggo ng Oktubre hanggang ngayon na nailipat na ang Simbahan sa Lungsod Quezon.

Nuestra Señora del Santissimo Rosario de La Naval de Manila, kuha ni Aldwin Ong mula sa aklat na "The Saga of La Naval:  Triumph of a People's Faith."

Nuestra Señora del Santissimo Rosario de La Naval de Manila, kuha ni Aldwin Ong mula sa aklat na “The Saga of La Naval: Triumph of a People’s Faith.”

Nang umusad ang panahon at naging moderno na ito, tila unti-unting nawawala ang tradisyon ng sama-samang pagdarasal.  Isang dayuhan ang tutulong naman na ipalaganap muli ang pagdarasal ng rosaryo ng mga pamilya ng sama-sama.  Naaalala niyo ba si Fr. Patrick Peyton, yung paring Holy Cross na lumalabas-labas sa TV noon?

Father Patrick Peyton, CSC., Servant of God.

Father Patrick Peyton, CSC., Servant of God.

Well, naniniwalang binibiyayaan ng Diyos ang mga pamilyang sama-samang nagdarasal.  Isinilang noong 1909 sa Ireland, pang-anim sa siyam na anak ni John at Mary Payton.  Mahirap, laging natutulog ng gutom ngunit bawat gabi ang nanay niya ay tatawagan sila para sa pananalangin at pangungunahan ng kanilang ama ang pagdarasal ng rosaryo.  Ayon kay Fr. Patrick, “Praying to God was as natural to him as breathing the air.”  Malaki ang impak ng pananampalatayang ito ng kanyang mga magulang.

Pamilya ni John at Mary Payton, si Patrick ay nasa kaliwa ng kanyang ina (kanan sa nakatingin).  Mula sa Family Rosary Crusade.

Pamilya ni John at Mary Payton, si Patrick ay nasa kaliwa ng kanyang ina (kanan sa nakatingin). Mula sa Family Rosary Crusade.

Upang makaraos sa kahirapan, nagtungo sa Amerika kasama ang kapatid noong 1928 sa Scranton, Pennsylvania at naging janitor sa Katedral ng St. Joseph.  Makalipas ang isang taon, pumasok kasama ng kapatid sa Holy Cross Seminary sa Notre Dame, Indiana.  Biglang natigil ang pagaaral ng isang taon nang lumala ang kanyang tuberculosis.  Mamamatay na siya nang manalangin siya kay Maria at ipinangako na kung gumaling siya, gagawin niya ang lahat upang ipalaganap ang muling pagdarasal ng pamilya ng sama-sama.  Matapos ang isang linggo, gumaling na siya at nakabalik agad sa pag-aaral.

Nakababatang Fr. Patrick Peyton.

Nakababatang Fr. Patrick Peyton.

The Savior, The Redeemer at the Master ay mga pelikula ukol sa buhay ni Hesukristo na nasa misteryo ng Santo Rosaryo.  Sino bang hindi nakapanood ng mga ito kapag Holy Week?  Mula sa Family Rosary Crusade.

Isang Rosary Rally kung saan milyon ang dumadayo upang makinig kay Padre Peyton.

Isang Rosary Rally kung saan milyon ang dumadayo upang makinig kay Padre Peyton.

Isang video grab mula sa Manila Rally noong Disyembre 1985 (Marian Year) kung saan dalawang milyong tao ang dumagsa sa Luneta upang makiisa kay Father Peyton.  Matapos ang dalawang buwan, nagka-EDSA na.

Itinatag niya ang Family Rosary Crusade noong 1942, at noong 1947 Family Theater na nagpapalabas ng mga radio show at pelikula na may kapupulutang aral, tulad noong Jesus Christ na hindi nakikita ang mukha kapag mahal na araw.  Malalaking artista sa Hollywood ang sumuporta sa kanyang mga gawain.  Noong 1948, sinimulan niya ang mga malalaking rosary rally na nang maglaon ay dinaluhan ng 28 Milyong tao sa iba’t ibang bansa sa mundo, 6 Milyon mula sa iba’t ibang pagbisita niya sa Pilipinas, pinakamalaking bilang sa alinmang bansang kanyang napuntahan.  Namatay siya noong June 3, 1992 sa San Pedro, California.

Si Padre Peyton habang nananalangin.  Mula sa Family Rosary Crusade.

Si Padre Peyton habang nananalangin. Mula sa Family Rosary Crusade.

Noong taong iyon, Grade 2 ako, nanonood na ako ng kanilang programa sa telebisyon.  Walang cable noon kaya ito lang ang mapapanood ng Sabado ng umaga.  Sinulatan ko pa nga sila at sumagot naman sila.  At kahit na hindi na ako Katoliko, ang mga kwento ni Bernard Factor Cañaveral sa “Once Upon A Saint” ay naging inspirasyon sa akin na patuloy na maging malaab sa aking mga paniniwala.

Sagot sa sulat ko sa Family Rosary Crusade noong Grade 2 ako.  Walong taong gulang pa lamang ako noon.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Sagot sa sulat ko sa Family Rosary Crusade noong Grade 2 ako. Walong taong gulang pa lamang ako noon. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua kasama ang idoloniyang si Bernard Factor Canaveral.  Kuha ni Xiao Chua.

Si Xiao Chua kasama ang idolo niyang si Bernard Factor Canaveral. Kuha ni Xiao Chua.

Si Padre Peyton sa harapan ng billboard ng Family Rosary Crusade sa Pilipinas.

Si Padre Peyton sa harapan ng billboard ng Family Rosary Crusade sa Pilipinas.

Iiwan ko kayo sa pamamagitan ng mga sikat na habilin lagi ni Fr. Patrick, “The family that prays together, stays together,” at “The World at Prayer is a world at peace.”    Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 5 October 2013)