IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Ulong pugot na may karatula at 10 pang mga aral sa pagtuturo ng pelikulang ‘Hermano Puli’

 

20180723_084035

Si Xiao Chua bilang panauhing pandangal at tagapagsalita sa panlalawigang pagdiriwang sa ika-203 taong guning kaarawan ni Hermano Puli sa Plaza Rizal sa kanyang bayang sinilangan ngayong 23 July 2018 sa Lucban, Quezon (dating Tayabas). Kuha ni Jiggy Nacorda ng Provincial Tourism Office ng Quezon.

By Xiao Chua

First published by InterAksyon.com on September 28, 2016 · 9:20 am, republished in this blog for the 203rd birth anniversary of Apolinario de la Cruz.

The film is a very human story, of struggling to fight for what is right when it is so tempting to choose what is wrong. It is a teaching aid about our struggle for freedom and human rights. It is also a love story.

1

Apolinario de la Cruz (Aljur Abrenica) moments before his execution by firing squad in ‘Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli’.

Hati ang mga kritiko ukol sa pelikulang “Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli” (idinirihe ni Gil Portes, at kinatatampukan nina Aljur Abrenica at Louise delos Reyes). Ngunit ang nakagugulat ay ang pagtanggap ng mga nasa akademya dito.

Ayon sa isang iginagalang na historyador mula sa UP, Dr. Milagros Guerrero, “Napakaganda sapagkat ipinapakita sa atin ang isang bahagi ng kasaysayan na hindi dapat malimutan.”

Ayon sa kilalang sosyologong mula sa UP na si Randy David sa Philippine Daily Inquirer, “The movie is very much worth watching because it is another reminder that our people’s march to nationhood was not unilinear and did not happen overnight.”

Ayon naman sa antropologong mula sa Ateneo de Davao na si Brother Karl M. Gaspar, CSsR, “Is it a good film worth patronizing? … Certainly… The film provides the needed visual images to Ileto’s book (Pasyon and Revolution) and helped to make us understand the roots of the Katipunan and how the Catholic faith of the early 1800s helped to give rise to a liberation-oriented consciousness of landless peasants.”

Ayon sa guro ng Kasaysayan sa Far Eastern University Diliman na si John Ray Ramos sa Philippine Graphic, “Hermano Puli can be used as a spring board in teaching heroism to the youth… it is a timely historical love story in a society that discourages love and compassion to our kapwa.”

Samakatuwid, ang pelikulang ito ay isang mahusay na teaching aid ukol sa pagbibigay aral ukol sa kasaysayan. Sa aking palagay bilang historyador at guro, ito ang 11 bagay na maaaring ituro sa mga estudyante matapos ipapanood ang pelikula.

11 Siya si Apolinario de la Cruz, a.k.a. Hermano Puli.

Larawan ni Apolinario de la Cruz bilang donado o lay brother ng Hospitaller St. John of God sa Ospital ng San Juan de Dios

  1. Kung sino nga ba si Hermano Puli at bakit Hermano.

Ang kaunti na nga ng nakasulat ukol sa Hermano, pinagtatalunan pa ng mga historyador ang iilang nalalaman natin ukol sa kanya. Halimbawa, hindi masigurado kung 1814 nga ba o 1815 siya isinilang. At dahil siya ay isinilang sa panahon ng kapistahan ni San Apolinario ay ipinangalan nga siya sa nasabing santo. Kaya naman “Puli” ang naging palayaw niya (Kung ano ang bigkas siya ang baybay—hindi siya tinatawag sa Tayabas na Pule).

Siya ang nagtatag at naging Hermano Mayor ng Cofradia de San Jose. Liban dito, hermano rin siya o donado sa Ospital de San Juan de Dios. Sinasabing ayaw siyang tanggapin ng mga orden bilang pari dahil sa kanyang pagiging indio bagama’t kung tunay ito, puwede naman siyang maging paring sekular kung talagang nanaisin niya.

Hermano ang tawag sa kanya sapagkat ito ay katumbas sa Kastila ng Brother, mas mababa kaysa pari subalit mas mataas kaysa sa isang ordinaryong mananampalataya o isang layko. Kunbaga, bahagi ng second order sa simbahan, tulad ng mga Christian Brothers ng De La Salle halimbawa, o ng mga sister na mga madre.

Ngunit ang katawagang Hermano ay isinasalin din bilang kapatid, kaya naman ang ilang mga mason ang tawag din nila sa isa’t isa ay hermano.

Karismatiko ang Hermano, at bagama’t nais niyang manatiling puro para sa gawain ng Diyos, ay may mga usap-usapan na siya raw ay nagkaroon ng mga babae at napangasawa ang isang nagngangalang Juana Laqueo.

Hermana Lina tests Hermano Puli's vow of chastity.

Hermana Lina tests Hermano Puli’s vow of chastity.

Sa pelikula, ang karakter ng labanderang si Hermana Catalina de San Jose ang siyang magsasagawa ng mga #GalawangHermana (salamat, John Ray). Ngunit kung ano ang kahihinatnan nito, kailangang panoorin sa pelikula.

Upang paghandaan ang pagganap, pinuntahan ni Aljur ang mga lugar sa Tayabas na naging bahagi ng buhay ni Puli. Bagama’t may naunang prodyuser na nais sana siyang tanggalin sa pagiging Puli, ipinaglaban niyang siya pa rin ang gumanap. Sabi niya sa akin, bagama’t nahirapan siyang hanapin kung papaanong atake ang gagawin niya sa pagganap bilang Puli, isang salita ang bigla niyang naisip—“compassion.” Mula dito, dumaloy na ang lahat sa kanyang pagganap.

Kung hindi man sa kababaihan nagamit ang kanyang karisma, nagamit niya ito sa kanyang pagtuturo, lumaganap ang samahan at sa kabila ng mapayapang pakikipamuhay ng mga cofrades sa isa’t isa, nilusob sila ng mga Espanyol na naging sanhi sa pagbaril at pagpatay kay Hermano Puli sa gulang lamang na 26 o 27.

  1. Pagpapatuloy ng babaylanismo si Puli.

Hindi totoong ang pananampalataya sa Diyos ay binigay sa atin ng mga Espanyol. Ang Katolisismo at ang Krus, oo. Pero noon pa man, sumasamba na sa Bathala ang ating mga ninuno. Naniniwala rin sila sa mga anito o mga kaluluwang namatay ng mga ninuno na nagbabantay sa kanila.

Noon, may pantay din na pagtingin sa lalaki at babae, parehong may pinakamataas na pinuno ang lipunan na galling sa kanila. Ang datu ang pinunong pulitikal habang ang babaylan naman na isang babae ang pinunong espirituwal.

1.jpg

Hermano Puli meditates inside a cave.

Ayon sa historyador na si Dr. Zeus Salazar, tatlo ang papel ng babaylan, 1) sa babaylan nagbibigay ng mensahe ang mga anito para sa bayan, 2) ang babaylan ang manggagamot ng bayan gamit ang mga halamang gamut at 3) ang babaylan ang tagapagpadaloy ng sariling kultura sa pag-awit niya ng mga epiko sa bayan.

Dahil sa taas ng tingin sa babaeng babaylan sa lipunan noon, mayroong mga lipunan na nagkaroon ng mga lalaking babaylan na maaaring sabihin natin na mga sinaunang bakla—cross dressers na ginagaya ang gawi at pag-awit ng mga babaeng babaylan. Nang dumating ang mga Espanyol, pinalitan ng pari ang babaylan sa mga bayan-bayan bilang pinunong espirituwal kaya naman ang mga babaylan ay namundok at tinawag na mga “aswang,” “mangkukulam” at mga “may sa demonyo.”

Ngunit may mga babaylan, lalaki man at babae ang mga namuno ng mga pag-aalsa laban sa mga Espanyol. Ilan sa kanila—na pinamunuan nina Tamblot, Tapar at Sumuroy ay nagwakas sa pagkalipol ng kanilang mga kasama at sa marahas na pagputol-putol sa kanilang mga ulo at katawan.

Ngunit kung tutuusin, si Hermano Puli ay pagpapatuloy rin ng tradisyong babaylaniko: 1) Isa siyang bisyunaryo na naniniwalang nakakausap si Hesus at si Maria sa kanyang mga panaginip, 2) Isa siyang mangaggamotna eksperto sa mga halamang gamut at 3) daluyan ng kultura sa paggamit ng sariling wikang Tagalog sa pagtuturo at pananalangin, sa panahong dominado ng paggamit ng Latin ang simbahan.

Gayundin, ang pag-awit ng epiko ng babaylan ay naging ang pag-awit ng epiko ng bayani ng Katolisismo—si Kristo sa pamamagitan ng Pasyon. Ang Pasyon ay malaking impluwensya kay Puli at sa kanyang mga tagasunod, at paalala ang pag-awit sa pelikula ng Pasyon ng isang aktwal na matanda na umaawit ng Pasyon sa tonong Tayabas na inakyat pa sa bundok ni Direk Gil.

  1. Ang konteksto ng tubig at kuweba at ang paliligo ni Aljur Abrenica sa talon.

Kung ang mga Katoliko ay may Way of the Cross, at peregrinasyon na isang paglalakbay espirituwal, ang sinaunang mga ninuno bago ang mga Espanyol ay naniniwalang ang mga kabundukan ang tahanan ng mga anito. Sila ay makakalikasan at ginagamit ang paliligo sa mga talon at ilog bilang paglilinis ng kalooban at kaluluwa at ang pagsuot-suot sa mga yungib bilang porma ng sakrispisyo at anyo ng pananalangin.

NIKON D3000584_Snapseed

Hermano Puli bathes in the falls of Mt. Banahaw.

Sa kabila ng Katolisismo, nagpatuloy ang praktis na ito at hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy sa mga kapatiran at samahang Rizalista sa Bundok Banahaw, halimbawa. Ang buong paglalakbay ay tinatawag na pamumuwesto. Bawat puwesto ay may pangalan na ng isang Katolikong Santo o karakter mula sa Biblia. Gayundin, ang mga “lakaran” ng Cofradia mula Tayabas hanggang Majayjay at ang pagtungo mula Isabang tungo sa Alitao ay naipakita rin. Ang “lakaran” noon ay porma ng pagsamba at anyo rin ng pakikibaka mula kapatiran ni Puli tungo sa Katipunan ni Bonifacio.

Pinaniniwalaang si Puli at ang mga tagasunod ni Puli ay ginawa ang ganitong uri ng rituwal kaya naman ito ang konteksto ng pananalangin ni Puli sa yungib at paliligo sa talon.

  1. Si Puli at ang pagpapatuloy ng anting-anting.

Sa paniniwala ng mga sinaunang ninuno, upang protektahan ang kaluluwa ng tao, nagsusuot sila ng mga anting-anting, kadalasan ay mga gintong alahas, upang matakot ang masamang kaluluwa na pasukin ang katawan. Pinapanatili nito ang kabutihang loob at mabuting kaluluwa ng tao.

Kahit na dumating ang Katolisismo ng mga Espanyol, nailipat lang ang paniniwala ng mga ninuno natin sa anting-anting sa mga krus at rosaryo bilang pangontra sa masamang espiritu. Sa kaso nina Hermano Puli, ang kanilang anting-anting ay ang kanilang mga eskapularyo. Ngunit upang mas isalarawan pa ang aspektong ito sa pelikula, gumamit sila ng pinakakilalang disenyo ng anting-anting sa Pilipinas—ang triyanggulo na may mata.

  1. May panahon na wala tayong kalayaan sa pananampalataya.

Mahirap maintindihan ang panahon ni Puli, dahil sa panahon natin masigla ang mga relihiyon sa bansa. Dito namayani ang mga katulad ni Ka Felix Manalo ng Iglesia ni Cristo, Bro. Eli Soriano ng Ang Dating Daan (Church of God International), Pastor Apollo C. Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ: The Name Above Every Name, at marami pang iba.

Ang Cofradia de San Jose ni Hermano Puli ay isa pa ring samahan ng mga layko sa loob ng Iglesia Catolica, maitutulad sa Couples for Christ, Knights of Columbus at mga Catholic Charismatic Movements tulad ng El Shaddai. Sa katunayan nagbibigay sila ng donasyon sa iba’t ibang simbahan sa kanilang pagpapamisa (Take note: hindi sila ang nanghihingi kahit samahan lamang sila ng mga indio). Ang mga resibo nila ay nakaipon sa Pambansang Sinupan.

At ito na nga marahil ang problema. Mas tinangkilik sila ng bayan, mas nagbigay sa kanila ng mga donasyon at mas dumami ang kasapian sa Timog Katagalugan. Kaya binansagan silang mga “erehe”—mga tumatalikod sa mga aral ng Iglesia Catolica. Ito rin ang ibabansag kay Rizal makalipas ang 50 taon.

Ang mga erehe sa panahon ng Spanish Inquisition ng 1480 ay nililitis, pinapahirapan at pinapatay. Dala ng mga Espanyol ang mentalidad na ito sa Pilipinas kaya naman ang Cofradia ay kanilang inusig. Ito ang mentalidad na dala nila sa Pilipinas. Sa mga kalabisan na ito, si St. Pope John Paul II ay humingi na ng kapatawaran noong Great Jubilee Year, “We forgive and we ask forgiveness. We are asking pardon for the divisions among Christians, for the use of violence that some have committed in the service of truth, and for attitudes of mistrust and hostility assumed towards followers of other religions.”

Nauna pa riyan, noong Second Vatican Council noong 1962 – 1965, naglabas ng dalawang dokumento ang Ecumenical Church Fathers, ang Decree on Ecumenism, o ang “Unitatis Redintegrasio” na siyang nagsasabi na ang mga hindi Katolikong mga Kristiyano ay mga napahiwalay na mga kapatid at hindi mga erehe, at ang Declaration on Religious Freedom, o ang “Dignitatis Humanae” na nagsasabi na malaya ang sinuman na sundin ang kanyang kalooban pagdating sa pananampalataya. Iba na ang attitude ng Simbahang Katolika, kung naabutan lamang ni Puli.

scan (32)

Don Domingo Roxas (Archie Adamos, rightmost) tells Hermano Puli to prepare for battle as Fr. Ciriaco de los Santos (Simon Ibarra) and one of his lawyers (Dennis Coronel) look on.

  1. Ang anino ni Don Domingo.

Ang karakter ni Archie Adamos sa pelikula, si Don Domingo Roxas, ay isang negosyanteng kasosyo ni Antonio de Ayala sa pagtatatag ng Casa Roxas, na magiging Ayala Corporation. Tatlong beses siya nakulong dahil sa pagkasangkot sa mga rebelyon, isa na nga ang pag-aalsang Hermano Puli.

Isa siyang Espanyol na isinilang sa Pilipinas o Creole na nagsusulong ng liberalismo sa Pilipinas. Ang ibang mga historyador itinuturing siyang “Pioneer Nationalist” na mas nauna pa kay Rizal.

Dahil ang kapelyan ng Cofradia ay pari rin ni Don Domingo, si Padre Ciriaco de los Santos, nagkakilala si Puli at si Don Domingo at nagbigay ang mayamang negosyante ng mga abogado na siyang naglakad ng paghingi ng permiso sa pamahalaan upang ang Cofradia ay mapahintulutan.

Ngunit sa pelikula, ang pagganap sa kanya ay nagbibigay din ng ilang katanungan. Isa ba siyang provocateur na ginamit lamang si Puli para sa kanyang mga isinusulong na agenda tulad ni Simoun sa El Filibusterismo ni Rizal? O siya, kasama ng Hermano, ang dalawang bayaning nagsulong ng kalayaang manampalataya? May kakulangan sa mga pag-aaral at mga dokumento hinggil dito.

Anuman, si Hermano Puli at si Don Domingo ay masasabing una sa kanilang panahon na makita ang kahalagahan ng kalayaang manampalataya na itataguyod din sa bansa sa pagdating ng panahon.

  1. Ulong pugot na may karatula: Ang overkill na gawain ng mga manlulupig.

Nang malipol ang Cofradia sa Alitao, pataksil na hinuli si Puli ng kapwa mga indio, nilitis at binaril hanggang mamatay. Subalit hindi nagkasya doon ang mga Espanyol. Iniutos nila tulad sa ibang mga naunang mga pinuno ng mga pag-aalsa na katayin ang katawan ni Puli sa harapan ng madla, ilagay sa mga kawayan at ikalat sa buong lalawigan ng Tayabas. Ang kanyang ulo ay inilagay sa plaza ng Tayabas na may karatulang “Ako si Hermano Puli, isang ‘erehe’. Huwag ninyong tutularan…” Ginawa ito upang sindakin ang bayan.

Si Puli ay nabuhay sa isang lipunang walang pagpapahalaga sa buhay at karapatan ng mga mahihirap na indio. At ang bayan na kakalimutan ang ganitong yugto sa kasaysayan ay maaaring ulitin ito.

  1. Itinuloy ni Bonifacio ang sinimulan ng Hermano.

Dalawang taon matapos ang pagpaslang kay Puli, ang kanyang pagkamatay ay ipinaghiganti ng isang rehimento ng mga sundalong indio sa ilalim ng Espanya sa pag-aalsa ng Rehimiyento ng Tayabas sa Fort Santiago. Sigaw ng kanilang pag-aalsa na nagwagi ng isang araw lamang, “Independencia!!!”

Isang Padre Pedro Pelaez ang nakita sa mga dokumento na tumutulong kay Hermano Puli. Ang pari na ito pagdating ng panahon ang mangunguna sa unang kilusan para sa sekularisasyon. Ipagpapatuloy ang kanyang samahan ni Padre Jose Burgos na ginarote kasama ng dalawa pang pari para ipaglaban ang pagiging kura paroko ng mas marami pang secular at indiong pari. Si Padre Burgos ay kaibigan ni Paciano Mercado na siya namang nagturo ng pagkamakabayan sa kanyang kapatid na si Jose Rizal.

At isa sa mga tagahanga ni Rizal, si Andres Bonifacio, ang nagpatuloy ng mala-Cofradiang kapatiran sa Kataas-taasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan na nagturo rin ng pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa kapwa tulad ni Hermano Puli. Na kung hindi mag-iibigan bilang magkakapatid at hindi magkakaroon ng mabuting kalooban ang mga anak ng bayan, hindi maaabot ang kaginahawaan at hindi makakamit ang tunay na kalayaan. Sa mga akdang Katipunan, ang unang utos ay pag-ibig.

  1. Bayani o hangal? Santo o baliw?

Isang tinukoy ng mga kritiko ng pelikula ay ang kawalan ng pagdududa ng pelikula sa ginagawa ni Puli. Kung sa ngayon nga naman uusbong ang isang katulad ni Puli, maaari siyang tawaging hangal. Baliw na pinuno ng isang kulto na ipinahamak ang kanyang mga tagahanga tulad ng pananaw kay Valentin de los Santos ng Lapiang Malaya o ni Jim Jones na siyang nagdala sa kanilang mga tagasunod sa kanilang mga kamatayan.

38.jpg

Bagama’t simpatetiko ang pelikula sa kabayanihan at karisma ni Puli, naroon pa rin ang mga boses ng pagdududa. Halimbawa, ang manliligaw ni Hermana Lina na kumatawan sa mga iskeptiko sa samahan, at ang pari mismo na si Padre Ciriaco ay tumangging mabigyan ng anting-anting. Ibinibigay na sa manonood ang kapasyahan kung hangal nga ba si Puli o hindi.

Sa Tayabas, nais simulan ang kampanya upang mabuksan ang causa para sa kanoninisasyon ni Puli. Ang kaso niya ay malapit sa kaso ni San Joan de Arc ng Pransiya, ang mandirigmang mistiko na sinunog din bilang isang erehe, iyon pala ay tatanghalin ding Santo at Patron pa ng Pransiya!

Ngunit hindi maikakaila ang kalinisan ng intensyon ng Cofradia na manalangin at mag-alay para sa bayan, at ang kabayanihan ni Puli na ipaglaban ang kanilang karapatang manalangin. Na sila ay kinailangang lumaban at malipol ay dahil mayroong panahon sa ating kasaysayan na wala tayong kalayaan. Ito ang konteksto ni Puli kaya siya isang kahanga-hangang bayani na hindi dapat kalimutan.

  1. Ang Pelikula bilang sandata ng pagkatuto at pagpapalalim.

Lahat ng historikal na pelikula ay may mga anakronismo o mga naipapakitang hindi nababagay sa panahon. Dahil sa kakulangan sa budget o dahil sa pagnanais na maintindihan ng mga kapanahon ang pelikula, at dahil na rin imposible naman talaga na maibalik ng eksakto ang nakaraan.

Sa Puli mayroon din, katulad ng pagkakaroon ng guardia civil. Wala pa ito noong panahon ni Puli. Ang mga uniporme ng mga sundalo. Ang sutana ni Puli na hindi dapat brown kundi gray sa kanyang pagiging donado ng Cofradia ng San Juan de Dios. Totoo kayang umibig sa kanya ang kanyang labandera na si Hermana Lina?

Para mas madaling maikuwento ang kasaysayan sa pelikula, kailangang magdagdag ng mga dayalogo, mga pangyayari, mga pagpapatawa na wala sa mga dokumento ng kasaysayan dahil liban sa iilan lamang ang mga primaryang mga sulatin ukol kay Hermano Puli, ay kailangan talagang mapunan ang mga laktaw sa kanyang kuwento.

Kailangan ding hirayain ng direktor at mga aktor ang katauhan nila dahil ni walang tunay na larawan o bidyo na maaaring pagbatayan ng pagkilos at pagsasalita. Ang tawag dito ay artistic license. Kinakailangan talaga ito. Hindi libro o dokumetaryo ang ginagawa kundi isang pelikula, at ang historical consultant, sa kasong ito ay si Prop. Rhina Boncocan, ay nagseguro lamang na hindi mabababoy ang istorya at mananatiling tumpak sa diwa ng nasa kasaysayan.

Ang pelikula ay hindi dapat magsabi sa atin ng lahat ng impormasyon ukol sa isang historikal na pigura, kundi nilalayon nito na bigyan tayo ng inspirasyon na magbasa pa ukol kay Puli. Nariyan ang aklat ni Reynaldo Ileto na “Pasyon and Revolution,” at ang mga aklat ni inedit nina Atoy Navarro, Dwight Diestro at Ryan Palad, ang historyador ng Tayabas.

Ang mga aklat ng mga historyador ay nariyan upang basahin, ngunit sa pelikula lamang maaaring maramdaman ang pagkatao ng mga aktor ng kasaysayan, mararamdaman ang kanilang mga struggles sa buhay. Ito ang talagang nagustuhan ko sa pelikula—ito ay kuwento ng isang tao—taong nagsumikap na piliin ang tama kahit napakasarap na piliin ang mali. Ito ang nagtakda ng kanyang kabayanihan.

Kaya sana masuklian ang pagsugal ni Ginoong Rex Tiri sa paggawa ng pelikulang ito sa pamamagitan ng pag-invest din sa ating panonood sa mga sinehan. Dahil kung masuportahan ng tao ang paggawa ng ganitong pelikula, mas marami pang bayani ang gagawin ng iba pang mga prodyuser. Sa huli, tulad ng sinasabi ni Direk Jerrold Tarog ng “Heneral Luna,” nakakapag-ambag tayo sa cultural growth ng bansa.

Ang pelikula kadalasan ay maaaring behikulo upang tumakas sa pang-araw araw na hilahil ng buhay at nang maaliw, ngunit mabisa at makapangyarihan din siyang sandata ng pagkatuto at pagpapalalim.

  1. Kuwento ng pag-ibig: Kaya mong maging dakila

Marahil, kailangang sabihin na hindi “Heneral Luna” ang “Hermano Puli.” Hindi dapat hanapin ang mga bagay na nagustuhan sa “Heneral Luna” sa “Hermano Puli.” Una magkaibang-magkaiba ang dalawang bayani, at ito marahil ang isang leksyon na puwedeng ituro ng guro ukol sa pelikula—hindi iisang porma ang kabayanihan.

Hindi lamang pamumuno sa labanan bilang heneral, o paghawak ng sandata, o pagiging cool. Puwede rin sa pag-asam na maging mabuting tao at bigyang inspirasyon ang iba na maging mabuting tao rin, na hindi lamang nagmamahal sa Diyos kundi nag-aasam na magkaroon ng liwanag at kaginhawaan sa bayan sa pamamagitan ng pananalangin at pagdamay sa kapwa.

25.jpg

Ang landas ng kalayaan ay hindi lamang dahil sa pakikibaka gamit ang sandata kundi pinanday din ng mga ideya at pananampalataya.

At dahil hindi nagmumura si Hermano Puli, puwedeng-puwede pong ipapanood ito sa ating mga mas nakababatang estudyante. PG (parental guidance) po ang rating nito.

Tulad sa pelikulang “Heneral Luna,” nabigyan ako ng pagkakataon kahit wala akong kinalaman sa paggawa ng pelikula na maging isa sa mga historyador na nag-ikot sa preview ng pelikula sa mahigit 45 paaralan sa buong bansa kasama ng samahang Dakila.

Dahil dito, kinailangan kong panoorin ang unang draft ng pelikula. Sa unang pulong kasama si Direk Gil at ang prodyuser na si Rex Tiri, aking sinabi na hindi lamang ukol sa Rebolusyon sa Relihiyon ang kuwento ng pelikula, kundi isa talaga itong kuwento ng pag-ibig.

Kuwento ng pag-ibig ng isang propeta sa kanyang Diyos, ng isang bayan sa kanilang kultura, ng isang indio sa kanyang bayan.

Samakatuwid, ang kuwento ni Puli ay kuwento nating lahat ng nagkaroon ng struggle sa buhay, na nangahas umibig. At ang kabayanihan ay nagsisimula sa pag-ibig.

Ibig sabihin, kahit hindi tayo astig na pinunong militar, o di kaya ay magaling na manunulat, kaya nating maging dakila.

(Prof. Michael Charleston “Xiao” Briones Chua is an assistant professorial lecturer at De La Salle University. He is a historian who worked as a consultant for the TV5 program “History with Lourd.” He is an author, along with Ryan Palad, of the supplementary book for the film “Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli” — “Hermano Puli: Who You? How To Be You Po?”)

20180723_081652

Si Xiao Chua habang nakahandang magsalita bilang panauhing pandangal sa pag-aalay ng bulaklak para sa panlalawigang pagdiriwang sa ika-203 taong guning kaarawan ni Hermano Puli sa Plaza Rizal sa kanyang bayang sinilangan ngayong 23 July 2018 sa Lucban, Quezon (dating Tayabas).

20180723_083319

Si Xiao Chua kasama si Acting Mayor Armando V. Abutal sa panlalawigang pagdiriwang sa ika-203 taong guning kaarawan ni Hermano Puli sa Plaza Rizal sa kanyang bayang sinilangan ngayong 23 July 2018 sa Lucban, Quezon (dating Tayabas).

20180723_083459

Si Xiao Chua kasama si Acting Mayor Armando Abutal at ang mga miyembro ng pulisya sa panlalawigang pagdiriwang sa ika-203 taong guning kaarawan ni Hermano Puli sa Plaza Rizal sa kanyang bayang sinilangan ngayong 23 July 2018 sa Lucban, Quezon (dating Tayabas).

THE BONIFACIO PRESIDENTIAL LETTERS RESOURCES

This page pertains to resources on the Bonifacio Letters put to auction last 3 March 2018 at the Leon Gallery.  For more Bonifacio letters and documents, please visit Jim Richardson’s Katipunan site:  http://www.kasaysayan-kkk.info/home

THIS IS THE FIRST SITE TO OFFER THE SCANS OF THE LETTERS IN THE POSSESSION OF EMMANUEL ENCARNACION BASED ON FACSIMILES IN THE BOOK “TRAGEDY OF THE REVOLUTION”

Introduction by Xiao Chua from “Walking History” column, Manila Times, 10 February 2018:

Bonifacio Presidential Letters: The most important historical collectibles

I WAS given a great opportunity to fulfill a long-time dream—to make the state documentary on the life of President Andres Bonifacio to be narrated by the iconic voice that inspired me to become a historian—Joonee Gamboa. On February 20, 2018, the National Historical Commission of the Philippines and Red Root Artists and Artisans Cooperative will premiere “May pagasa: Ang Bantayog ni Andres Bonifacio” at the Museo ng Katipunan, Pinaglabanan, San Juan. The documentary will be made available to everyone for free via the NHCP YouTube.

The release of our documentary coincides with the announcement by Leon Gallery that they will be auctioning in five lots the Andres Bonifacio Presidential Letters from the Emmanuel Encarnacion Collection. The letters were used extensively in the Maypagasa documentary.

These four letters and an envelope bear the roundel escutcheon seal of Andres Bonifacio with the Baybayin “K” that emanates the light of freedom, like the sun with the words “Haring Bayang Katagalugan Kataas-taasang Kapulungan” (Sovereign Nation of the Tagalogs, Executive Cabinet) and his signature “Andres Bonifacio Maypagasa.” The different letters also tell us of his titles in the first national revolutionary government—P. (Pangulo) ng K. (Kataastaasan) Kapulungan (President of the Executive Cabinet), Ang K. (Kataastaasang) Plo. (Pangulo) (His Excellency, The President), and “Ang Plo. (Pangulo) ng H. B. (Haring Bayan) (The President of the Sovereign Nation). His appointment papers for Emilio Jacinto as General-in-Chief of the “Hilagaan” High Council of Manila dated April 15, 1897 is not just evidence of a Katipunan government which existed outside of Cavite at the time but also of the claim made by Andres Bonifacio that he founded the Katipunan. The letterhead reads “M. ANDRES BONIFACIO MAYPAGASA PANGULO NANG HARING BAYANG KATAGALUGAN, MAYTAYO NANG K. K. KATIPUNAN NANG MGA ANAK NANG BAYAN AT UNANG NAG GALAW NANG PANGHIHIMAGSIK.”

Aside from the envelope and the appointment papers, there were letters from Andres Bonifacio to Emilio Jacinto dated March 8, April 16 and April 24, 1897, written in the last weeks of his life where he related his feelings about the Cavite affair, which eventually led to his death. Each of the five items will be sold separately in an auction on March 3, 2018.

How did Emmanuel Encarnacion get the documents? Provenance shows that Epifanio de los Santos, the great historian, bought this from a relative of Emilio Jacinto. Even Gregoria de Jesus, the wife of Bonifacio, authenticated as being from husband the document, “Dekalogo ng Katipunan” that used to be with the letters. For 60 years, the family of De los Santos, including his son, Jose P. Santos, owned the documents and had photos of some of them published in different newspapers. Then they came into the possession of leading antique dealer Severina “Viring” de Asis, who legally sold two sets of the Jacinto and Bonifacio documents to Mariano Cacho (who got Bonifacio’s “Dekalogo,” “Acta de Tejeros” and a handwritten copy of the “Kartilya ng Katipunan”), and Emmanuel Encarnacion (who got the rest of the letters).

In fairness to collectors Cacho and Encarnacion, they made these documents available for free to researchers and allowed the publication of their contents and facsimiles to the general public for various uses, including children’s books on Bonifacio. These documents were used in the 1990s by Encarnacion, together with historians Milagros Guerrero and the late Ramon Villegas, to reconstruct the evidence that prove the existence of a national revolutionary government led by Andres Bonifacio, who rarely, if not never, signed himself as “Supremo.”

These documents, once doubted by Glenn May in his book Inventing a Hero: The Posthumous Re-Creation of Andres Bonifacio, is now verified as authentic by the documents in the recent book by Jim Richardson, The Light of Liberty, which sheds light on other Bonifacio papers at the Archivo General Militar de Madrid in Spain, bearing the same embellished handwriting, signature and seal.

Being just a few of the only ones that remain in the Philippines, the Bonifacio Presidential Letters is probably one of the—if not the—most important historical collectibles ever.

That said, I really wish that the government could afford to buy the documents to become part of the patrimony of the Filipino people. I am speculating that these were offered beforehand to government agencies. But since the documents were legally acquired, we hope that the ones who will eventually own these letters will not be foreigners, and that whoever will own them will decide to loan them to a museum. Because, as Encarnacion wrote, “This legacy is extremely important since it represents the birth of the Filipino nation, and our national heritage of the very first Filipino-run national government.”

For the words encoded in these relics—Haring Bayan—embodied our founding fathers’ imagination, when they first dreamed of a democratic nation—where the people have power.

xxx

The documents in jpeg  pdf and word (transcription and English translation from Jim Richardson) format.  For hi-resolution scans with all the documents please download from here),

8 March 1897 Andres Bonifacio to Emilio Jacinto

1897-03-08 Bonifacio to Jacinto page 1

1897-03-08 Bonifacio to Jacinto page 2

1897-03-08 Bonifacio to Jacinto

1897-03-08 Bonifacio to Jacinto transcription and translation from Jim Richardson

xxx

15 April 1897 Appointment paper of Emilio Jacinto from Andres Bonifacio

1897-04-15 Jacinto Appointment Paper by Bonifacio

1897-04-16 Bonifacio to Jacinto transcription and translation from Jim Richardson

xxx

16 April 1897 Andres Bonifacio to Emilio Jacinto

1897-04-16 Bonifacio to Jacinto page 1

1897-04-16 Bonifacio to Jacinto page 2-3

1897-04-16 Bonifacio to Jacinto page 4

1897-04-16 Bonifacio to Jacinto page 5

1897-04-16 Bonifacio to Jacinto page 6-7

1897-04-16 Bonifacio to Jacinto page 8

1897-04-16 Bonifacio to Jacinto page 1-4

1897-04-16 Bonifacio to Jacinto page 5-8

1897-04-16 Bonifacio to Jacinto transcription and translation from Jim Richardson

xxx

24 April 1897 Andres Bonifacio to Emilio Jacinto

1897-04-24 Bonifacio to Jacinto page 1

1897-04-24 Bonifacio to Jacinto page 2

1897-04-24 Bonifacio to Jacinto page 3

1897-04-24 Bonifacio to Jacinto page 4

1897-04-24 Bonifacio to Jacinto

1897-04-24 Bonifacio to Jacinto transcription and translation from Jim Richardson

xxx

UPDATES:

6 February 2018:

Tomorrow, Leon Gallery will announce in a press conference that they will put into auction for 5 lots the different letters by President Andres Bonifacio written in the last weeks of his life.

The Bonifacio Presidential Letters bearing the seal and signature of Bonifacio, where he related his feelings about the Cavite affair, was once owned by the historian Epifanio de los Santos and came to the possession of Emmanuel Encarnacion.

These documents, once doubted by Glenn May, is now verified as authentic by the documents in the recent book by Jim Richardson, The Light of Liberty, which sheds light to other Bonifacio papers in Spain which bears the same flourished handwriting, signature, and seal.

Being just a few of the only ones that remain in the Philippines, the Bonifacio Presidential Letters is probably one of the, if not, the most important historical collectible ever.

The auction will be on 3 March 2018.

#BonifacioPresidentialLetters #LeonGallery

3 March 2018:

Statement of the former custodian of the Bonifacio Presidential Letters Emmanuel Encarnacion on the auction of the papers today:

“Please tell them I am doing this as a SIGN OF PROTEST against people who think that government is a better custodian of National Treasures than many in the private sector.

“Government values restoration of churches & old buildings but does not give a damn of keeping Important National Treasures

“Yes. Now out of my hands. If FB people sincerely believe that government should have the Bonifacio Presidential Letters, they should bid on March 3 at Leon Gallery auction & have the privilige of donation.

“By selling the letters in the biggest auction house in town, President Andres Bonifacio will surely get his media mileage. Thank you everyone.”

#BonifacioPresidentialLetters

THE WINNER OF THE AUCTION IS ANDRES BONIFACIO!

8 March 1897 letter of Bonifacio to Jacinto (Lot 128): Php 1.8 Million;

16 April 1897 letter of Bonifacio to Jacinto (Lot 129): Php 1.7 Million;

24 April 1897 letter of Bonifacio to Jacinto (Lot 130): Php 4.8 Million;

15 April 1897 appointment of Emilio Jacinto as Commander of the High Council of Hilagaan (Lot 131): Php 3.2 Million

Philatelic Envelope from President Bonifacio that once contained the appointment of Jacinto (Lot 132): Php 2.4 Million

Sa huli, bagama’t ang auction ay laro ng mga elit, nanalo pa rin si Andres Bonifacio. Bakit?

1. Dahil sa auction, dumaan sa maraming mata at eksperto ang mga sulat, ang halaga nito ay nagpakita lamang na authentic at hindi peke ang mga dokumentong Bonifacio tulad ng sinasabi ng isang historyador.

2. Nagkaroon ng kamalayan ang mga elit sa matagal nang alam ng marami sa bayan: ang katotohanang pinapakita ng mga liham: Na may pamahalaang mapanghimagsik si Bonifacio, ang Haring Bayang Katagalugan, na may sumusunod pa sa kanyang kapangyarihan sa hulig bahagi ng kanyang buhay at ang posisyon niya sa pamahalaan na ito ay Pangulo.

3. Bagama’t hindi matutumbasan ng salapi ang kabayanihan, ang mga auction ay isang masusukat na paraan upang malaman ang halaga ng isang personalidad sa pagkabili ng mga gamit na may kaugnayan sa kanya. Sa kabuuan Php 13.9 Million ang halaga ng lahat ng mga kagamitan. Mas mataas pa sa halaga ng sulat ni Rizal na isinubasta noong isang taon. Lumelevel si Bonifacio kay Rizal sa market value. Pagkilala ito maging ng kaelitan sa kadakilaan ni Bonifacio.

4. Sa huli, pinapahalagahan ko ang saloobin ng kaanak ni Andres Bonifacio na kasama ko kanina sa subasta, si Jojie Camacho. Ang mga sulat ay paalala pa rin sa malagim na sinapit ng Pangulong Andres. Ayon sa kanya: “Tandaan natin na yung mga sulat na yun ang huling tanikala sa buhay ni Lolo Andres. Parang nakawala si Lolo Andres sa auction na yan. After those letters pinatay siya. How happy I am nakawala na si Lolo Andres.”

Winner ka Pangulong Andres Bonifacio!!!

#BonifacioPresidentialLetters
#LeonGallery
@leongallerymakati

4 March 2018

ANG BONIFACIO LETTERS AT ANG MULTO NG PARISIAN LIFE

Bakit hindi binili ng pamahalaan ang#BonifacioPresidentialLetters. Hindi ko alam pero may nakikita akong isang multo marahil ay nasa kanilang isipan. Ang MULTO NG PARISIAN LIFE.

BAKIT??? Nang bilhin ng GSIS para maging asset nito sa halagang Php 46 Million ang painting ni Juan Luna noong 2002, ano ang sinabi niyo? “Bakit? Nakakain ba ang Juan Luna? Ano ba ang halaga niyan?” (Ang isang Jose Joya kahapon ay nabenta sa halagang Php 96 Million).

Isinakdal natin si Winston Garcia, kinuwestiyon ng COA ang pagbenta, tinawag siyang korap dahil sa isyu ng painting. Naabsuwelto rin siya sa mga asunto at naipagtanggol ang katuwiran ng pagbili ng GSIS sa painting ngunit matapos maipako sa krus dahil dito.

So ano ang nangyari? Sa maning pera para sa pamahalaan ang mga sulat ay hindi raw binili. Ito marahil ang espada ni Damocles na nakaamba sa sinumang bibili ng kasaysayan.

Kung NOON PA LAMANG NAAPRECIATE NA ANG GINAWA NG GSIS edi sana may sistema na kung paano bibilhin ang mga dokumento na iyan. Maaring may magcoordinate sa mga cultural agencies para maghanap ng pera sa mga GOCCs bilang bahagi ng kanilang Corporate Social Responsibility. Hindi itong nangangapa tayo ngayon kung paano hahabulin ang mga nakabili. Tapos na ang boksing. Tanggapin na natin.

PAHALAGAHAN ANG KULTURA AT KASAYSAYAN, HUWAG PANGHINAYANGAN ANG PERA NA INILALAGAY DITO AT SA MGA ALAGAD NITO.