XIAO TIME, 9 May 2013: ANG MASALIMUOT NA BUHAY NI GREGORIA DE JESUS

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Gregoria de Jesus.

Gregoria de Jesus.

9 May 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=RpQEJVZQ96w Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  138 years ago, May 9, 1875, isinilang si Gregoria de Jesus, Ka Oriang, sa Kalookan.  Huh???  Who’s that Pokemón???  Siya po ang pangalawang asawa ng Supremo ng Katipunan at Ama ng Sambayanang Pilipino Andres Bonifacio.

Gregoria de Jesus.  Mula sa bahaynakpil.org

Gregoria de Jesus. Mula sa bahaynakpil.org

O anong sakit kung kanyang alalahanin na ang kanyang kaarawan ay pumapatak isang araw bago ang araw ng kamatayan ng kanyang mahal.  Kung si Andres ay halos walang naiwang pagkukuwento ng kanyang sariling buhay, buti na lamang at noong 1928, isinulat ni Oriang ang “Mga Tala ng Aking Buhay.”  Gobernadorcillo ang ama ni Oriang.

Paglalarawan ng Adarna kay Gregoria de Jesus sa kanyang kabataan.

Paglalarawan ng Adarna kay Gregoria de Jesus sa kanyang kabataan.

Isang matalinong estudaynte, nagwagi siya sa isang test na ibinigay ng Gobernador Heneral at ng cura parroco at nagkamit siya ng isang isang medalyang pilak.  Dahil tatlo silang magkakapatid, tumigil siya sa pag-aaral upang magpatuloy ang dalawang kapatid na lalaki.  Inasikaso na lamang niya ang bukid ng ama at nagpasahod ng kanilang mga kasama.  Nananahi, naghahabi at tumutulong sa ina sa gawaing bagay.  Ngunit, noong siya ay 18 years old, niligawan siya ng balong si Andres Bonifacio.

Andres Bonifacio.  Mula sa Kasaysayan The Story of the Filipino People.

Andres Bonifacio. Mula sa Kasaysayan The Story of the Filipino People.

Gregoria de Jesus.  Mula sa bahaynakpil.org.

Gregoria de Jesus. Mula sa bahaynakpil.org.

After six months, mahal na niya si Andres, ngunit hindi siya makapagtapat sa mga magulang.  Iyon pala, kinakausap na ni Andres ang mga magulang niya.  Nga lang, may sabit.  Nalaman ng ama na Oriang na mason si Bonifacio.  Noon, ang mason ay itinutumbas sa masamang taong walang Dios, paratang na hindi totoo.

Paglalarawan kay Bonifacio bilang miyembro ng Masoneriya.

Paglalarawan kay Bonifacio bilang miyembro ng Masoneriya.

Pumayag din ang kanyang mga magulang nang sabihing ikakasal sila sa Simbahan ng Binondo, 1893, ngunit sa sumunod na linggo, kinasal rin sa Katipunan at sa gabing iyon, inanib sa samahan sa sagisag pangalang “Lakambini.”

Si Andres at Oriang sa harapan ng Simbahan ng Binondo.  Mula sa Adarna.

Si Andres at Oriang sa harapan ng Simbahan ng Binondo. Mula sa Adarna.

Isang paglalarawan ng kasal sa Katipunan ni Andres at Oriang.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.  Larawan ng babaylan obra ni Christine Bellen.

Isang paglalarawan ng kasal sa Katipunan ni Andres at Oriang. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista. Larawan ng babaylan obra ni Christine Bellen.

Siya ang nagtago ng mga sandata at kasulatan ng Katipunan, isang mapanganib na gawain noong mga panahon na iyon.  Matapos ang isang taon, nagkaanak, si Andres Jr. ngunit nang masunugan ng bahay, nagpalipat-lipat sila at sa bahay ng ninong ng bata na si Pio Valenzuela, namatay ang kanilang sanggol dahil sa smallpox.  Sa kasagsagan ng himagsikan, nakunan si Oriang sa kanyang sanang pangalawang anak.

Gregoria de Jesus.  Mula sa Wikipedia.

Gregoria de Jesus. Mula sa Wikipedia.

Si Andres at Oriang.  Obra ni Joel Jason O. Chua para sa Adarna.

Si Andres at Oriang. Obra ni Joel Jason O. Chua para sa Adarna.

Isang papel ng kababaihan sa Katipunan bilang panlinlang sa mga Espanyol.  Mula sa Adarna.

Isang papel ng kababaihan sa Katipunan bilang panlinlang sa mga Espanyol. Mula sa Adarna.

Si Oriang bilang bukal ng aliw kay Andres sa gitna ng Himagsikan.  Paglalarawan ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Si Oriang bilang bukal ng aliw kay Andres sa gitna ng Himagsikan. Paglalarawan ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Nang pumutok ang himagsikan noong 1896, ayon sa kanya, “Ako’y nagsanay ng pagsakay sa kabayo at nag-aral na mamaril at humawak ng ilang uri ng sandata na nagamit ko rin naman sa maraming pagkakataon.  Napagdanasan ko rin naman ang matulog sa lupa ng walang kinakain sa boong maghapon, uminom …ng maruming tubig o kaya’y katas ng isang uri ng baging sa bundok na tutoong mapakla na nagiging masarap din dahil sa matinding uhaw.  …Sapagka’t wala akong nais ñg panahong yaon kundi ang mawagayway ang bandila ng kasarinlan ng Pilipinas.”

Mula sa Women of the Revolution.

Mula sa Women of the Revolution.

Si Aling Oriang habang inaalagaan ang asawang si Andres Bonifacio sa Indang.  Obra ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Si Aling Oriang habang inaalagaan ang asawang si Andres Bonifacio sa Indang. Obra ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Isang buwang naghanap sa asawa sa mga kabundukan ng Maragondon, Cavite nang lihim nila patayin si Bonifacio noong 1897 ngunit inaruga ng matalik na kaibigan ni Bonifacio na si Julio Nakpil, at kinasal sila noong 1898.

Julio Nakpil.  Mula sa bahaynakpil.org.

Julio Nakpil. Mula sa bahaynakpil.org.

Ang paglalarawan ng kasal nina Julio at Oriang sa Simbahang Katoliko noong 1898. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ang paglalarawan ng kasal nina Julio at Oriang sa Simbahang Katoliko noong 1898. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Mula sa bahaynakpil.org:  Family Portrait ca. 1900 - L to R: Daughter Julia, only son Juan, and Gregoria de Jesus holding her infant daughter Francisca on her lap. Photo courtesy of Roberto Tañada

Mula sa bahaynakpil.org: Family Portrait ca. 1900 – L to R: Daughter Julia, only son Juan, and Gregoria de Jesus holding her infant daughter Francisca on her lap. Photo courtesy of Roberto Tañada

Si Ka Oriang habang kinakapanayam ng mga iskolar ng bayan na nagsusulat sa Philippine Collegian.  Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

Si Ka Oriang habang kinakapanayam ng mga iskolar ng bayan na nagsusulat sa Philippine Collegian. Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

Namatay si Ka Oriang noong March 15, 1943.  Sa kabila ng kanyang mga naranasan sa kanyang masalimuot na buhay, hindi tumigil sa pagmamahal sa bayan, nag-iwan ng sampung utos kung paano mahalin ito.  Isa sa mga ito, “Matakot sa kasaysayan pagka’t walang lihim na di nahahayag.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime. (Pook Amorsolo, UP Diliman, 4 May 2013)