IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

XIAO TIME, 12 April 2013: ANG IKA-50 TAON NG PAGYAO NG KAPATID NA FELIX Y. MANALO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Ka Felix Manalo noong kanyang kabataan.  Mula sa Pasugo.

Ang Ka Felix Manalo noong kanyang kabataan. Mula sa Pasugo.

12 April 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=VyNSnnFt-Pk

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  50 years ago ngayong araw, April 12, 1963, sumakabilang-buhay ang Kapatid na Felix Y. Manalo, ang itinuturing ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo na huling sugo ng Diyos na muling nagtatag ng simbahang itinatag ng ating Panginoong Hesukristo sa Israel dalawang libong taon na ang nakalilipas.  Nagdalamhati at lubos itong ikinalungkot ng kapatiran lalo na at sa susunod na taon, ipagdiriwang ang ika-50 taon ng pagkakarehistro ng Iglesia sa Pilipinas.  Sinasabing nagsaya naman ang mga tagapag-usig at kaaway ng INC dahil sa pagkawala ng tagapamahala nito, babagsak na ang samahan.

Ang pagsasaya ng mga tagapag-usig ng iglesia ni Cristo.  Guhit ni Nestor Malgapo, Sr. sa LIWANAG komiks:

Ang pagsasaya ng mga tagapag-usig ng iglesia ni Cristo. Guhit ni Nestor Malgapo, Sr. sa LIWANAG komiks.

Kalahating siglo matapos mamatay ng Ka Felix, ang Iglesia ni Cristo ang sinasabing pinakamalaking organisadong relihiyon sa Pilipinas liban sa Iglesia Catolica na may tinatayang dalawang milyong mga kasapi.  Isa rin siyang pandaigdigang relihiyon na kinikilala ng mga pinuno ng daigdig, ang mga katangi-tanging bahay sambahan nito ay makikita hindi lamang sa mga malalayo at liblib na baryo sa bansa kundi sa iba’t ibang lungsod sa daigdig.

Ang logo ng Kapatirang Iglesia ni Cristo.

Ang logo ng Kapatirang Iglesia ni Cristo.

Ang bahay sambahan ng Distrito Eklesiyastiko ng Tarlac sa Lungsod ng Tarlac.

Ang bahay sambahan ng Distrito Eklesiyastiko ng Tarlac sa Lungsod ng Tarlac.

Ang lokal ng Mauban, Quezon sa burol.  Mula sa skyscrapercity.com.

Ang lokal ng Mauban, Quezon sa burol. Mula sa skyscrapercity.com.

Ang bahay sambahan ng Iglesia ni Cristo sa San Francisco, California, U.S.A.  Ang unang kongregasyon sa mainland United States.

Ang bahay sambahan ng Iglesia ni Cristo sa San Francisco, California, U.S.A. Ang unang kongregasyon sa mainland United States.

Ang templo sentral ng Iglesia ni Cristo na dinisenyo ni Arkitekto Carlos A. Santos-Viola habang tinatapos pa lamang.  Mula sa Skyscrappercity.

Ang templo sentral ng Iglesia ni Cristo na dinisenyo ni Arkitekto Carlos A. Santos-Viola habang tinatapos pa lamang. Mula sa Skyscrapercity.

Ang templo sentral na nayari noong 1984.  Mula sa arkitektura.ph.

Ang templo sentral na nayari noong 1984. Mula sa arkitektura.ph.

Ang kongregasyon sa loob ng templo sentral ng Iglesia ni Cristo.

Ang kongregasyon sa loob ng templo sentral ng Iglesia ni Cristo.

Ang grand evangelical mission ng Iglesia ni Cristo ng Rizal Park sa Luneta noong February 28, 2012.

Ang grand evangelical mission ng Iglesia ni Cristo ng Rizal Park sa Luneta noong February 28, 2012.

Ngunit ano ang abang simula ng kapatirang ito?  Ang Ka Felix ay isinilang noong 1886 sa isang pamilya na nagmula sa Taguig.  Panahon iyon na ang kinagisnang pananampalatayang Katoliko lamang ang maaaring aniban, bawal basahin ang mismong Biblia ng mga tao.  Ngunit panahon din iyon ng pagbabago at matinding pagmamahal sa bayan.  Kahit na mahirap, kung minsan asin lamang ang iniuulam sa kanin, ang ka Felix ay naging palaaral, binasa niya si Voltaire at nahalina sa teyolohiya at Biblia na ipinalaganap ng mga Amerikano.  Nagtanong, nagsaliksik, naghanap ng tamang landas, palipat-lipat sa mga samahang Protestante, naging pastor pa at evangelista at hinanap din ang katotohanan sa Bundok Banahaw.  Nadismaya siya nang mahuli na ang Santong Boses na kanilang naririnig sa bundok ay tao rin pala.

Muntik nang mawalan ng paniniwala sa Diyos ngunit matapos magmuni-muni, nagsimula nang magturo sa Punta, Santa Ana at magbautismo sa Ilog Pasig.  Pinaniniwalaang nang INC na nang irehistro ni Ka Felix ang samahan noong 1914, natupad sa kanya ang hula ng Propeta Isaias, na dadalhin ang bayan ng Diyos sa Malayong Silangan, na ayon naman kay Mateo ay mangyayari sa panahon ng digmaan.

Ang Ka Felix sa kanyang tatlong araw na quiet time nang walang patid, walang tulog at walang kain.  Matapos nito, sinasabing nagpasya siya na muling itatag ang Iglesia ni Cristo sa malayong silangan.  Guhit ni Nestor Malgapo, Sr. sa LIWANAG komiks.

Ang pagkakarehistro ng INC sa Pilipinas noong July 27, 1914 ay kasabay ng pagsisimula ng World War I.  Guhit ni Nestor Malgapo, Sr. sa LIWANAG komiks.

Ang pagkakarehistro ng INC sa Pilipinas noong July 27, 1914 ay kasabay ng pagsisimula ng World War I. Guhit ni Nestor Malgapo, Sr. sa LIWANAG komiks.

Ang Ka Felix kasama ang mga manggagawa ng iglesia sa mga unang taon nito.  Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/

Ang Ka Felix kasama ang mga manggagawa ng iglesia sa mga unang taon nito. Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/

Pabalat ng Pasugo na may larawan ng Ka Felix Manalo.

Pabalat ng Pasugo na may larawan ng Ka Felix Manalo.

Malay ba nilang noong 1914 nagsisimula na ang Unang Digmaang Pandaigdig sa Europa.  Isang kaibahan ng kanyang turo sa ibang mga Kristiyano ay ang paniniwalang hindi maaaring maging Diyos ang tagapagligtas na si Hesukristo, sapagkat iisa lamang ang Diyos, at ito ang Diyos Ama.  Sa kabila ng pag-uusig, minsan binabato pa, matapang na humarap sa debate ang Ka Felix, kaya mula Taguig, Pateros, Pasig at Maynila, sa unang dekada pa lamang nito, 45 lokal na ang natatatag sa Luzon, kakalat sa Visayas kalagitnaan ng 1930s at noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, umabot ng Mindanao.

Guhit ni Nestor Malgapo, Sr. sa LIWANAG komiks.

Guhit ni Nestor Malgapo, Sr. sa LIWANAG komiks.

Guhit ni Nestor Malgapo, Sr. sa LIWANAG komiks.

Guhit ni Nestor Malgapo, Sr. sa LIWANAG komiks.

Ang Ka Felix, isa mismong intelligence officer laban sa mga Hapones, kasama ng mga bayaning beterano ng digmaan.  Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com

Ang Ka Felix, isa mismong intelligence officer laban sa mga Hapones, kasama ng mga bayaning beterano ng digmaan. Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com.

Inusig ng mga Hapones, may mga ministro siyang naging martir ng pananampalataya, pinaghukay pa ng sariling libingan bago binaril, ngunit nagpakatatag ang Ka Felix at ang kanyang mga kapatid.  Tila isa siyang datu ng bayang banal na naging daluyan ng kapanatagan, ginhawa at mabuting kalooban.

Mula sa Pasugo.

Mula sa Pasugo.

Ang Ka Felix bilang isang epektibong tagapagsalita sa isang mamamahayag.  Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/

Ang Ka Felix bilang isang epektibong tagapagsalita sa isang mamamahayag. Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/

Noon pa man, makikita na ang dami ng mga kasapi at impluwensya ng INC sa Dakilang Pamamahayag nito  noong February 11, 1955 sa Lungsod ng Dagupan.  Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/

Noon pa man, makikita na ang dami ng mga kasapi at impluwensya ng INC sa Dakilang Pamamahayag nito noong February 11, 1955 sa Lungsod ng Dagupan. Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/

Isa sa mga pagbisita ng Ka Felix sa mga lalawigan.  Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/

Isa sa mga pagbisita ng Ka Felix sa mga lalawigan. Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/

Ang Ka Felix sa isang Dakilang Pamamahayag, pinagigitnaan ng kanyang anak na si Ka Erano "Ka Erdy" G. Manalo na magiging kahaliling Tagapamahalang Pangkalahatan, Ka Cipriano P. Sandoval at Ka Teofilo C. Ramos Sr. Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/

Ang Ka Felix sa isang Dakilang Pamamahayag, pinagigitnaan ng kanyang anak na si Ka Erano “Ka Erdy” G. Manalo na magiging kahaliling Tagapamahalang Pangkalahatan, Ka Cipriano P. Sandoval at Ka Teofilo C. Ramos Sr. Mula sa http://www.iglesianicristowebsite.com/

Ang Ka Felix sa kanyang tanggapan, nakapalibot sa kanya ang kanyang aklatan, mga personal na pirmadong larawan mula sa mga pangulo ng Pilipinas at mga rebulto nina Bonifacio, Maria Clara at Rizal.  Mula sa Philippines Free Press.

Ang Monumento ng Ka Felix Manalo.

Ang Monumento ng Ka Felix Manalo.

Anuman ang ating pananampalataya, bilang isang Pilipino, dangal ng bayan ang INC sa daigdig at isang halimbawa ng maaaring marating ng Pilipinas kung ito ay disiplinado at mabuti.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Andrew Bldg., DLSU Manila, 3 April 2013)

ALAY SA ISANG DAKILANG PINUNO: Ang may-akda habang nag-aalay ng saludo sa harap ng mga labi ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo Eraño “Ka Erdy” Manalo sa Templo Sentral ng INC, gabi ng 3 Setyembre 2009 (TV grab mula sa Net25 sa kagandahang loob ni Charlemagne John Chua).

Basahin din:  https://xiaochua.wordpress.com/2012/09/01/ka-erdy/

XIAO TIME, 11 April 2013: ANG MASALIMUOT NA BUHAY NI LEONOR RIVERA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Leonor Rivera.  Mula sa Vibal Foundation.

Leonor Rivera. Mula sa Vibal Foundation.

11 April 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=t-G5wrkB49U

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  146 years ago ngayong araw, April 11, 1867, isinilang sa Camiling, Tarlac si Leonor Rivera.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Well, siya lang naman ang minalas na naging long-time gf ng ating Heroé Nacional na si José Rizal, ang tanging problema doon ay iniwan siya ng nobyo dahil may misyon ito para sa bayan.  Pinsan ng ama ni Rizal ang tatay ni Leonor na si Antonio Rivera at sa parehong paaralan nag-aral ang mga kapatid na babae ni Rizal at si Leonor, sa Concordia.

Antonio Rivera.  Mula sa Vibal Foundation.

Antonio Rivera. Mula sa Vibal Foundation.

Ilang mga madereng guro at mga estudyante ng Colegio de la Inmaculada Concepcion de la Concordia sa Maynila.

Ilang mga madereng guro at mga estudyante ng Colegio de la Inmaculada Concepcion de la Concordia sa Maynila.

Noong 1880, nagkakilala si Leonor at si José o si Pepe, 13 years old pa lamang ang dalaga noon na tinawag niyang “munting kasera” dahil anak siya ng may-ari ng isang paupahang bahay para sa mga estudyante sa Intramuros.

Si Jose Rizal sa tabi ng painting kasama ng kanyang mga border sa Casa Tomasina.

Si Jose Rizal sa tabi ng painting kasama ng kanyang mga border sa Casa Tomasina.

Actually, dalawang Leonor ang niligawan ni Pepe noon, pati si Leonor Valenzuela, doble Leonor system LOL, ngunit nanaig ang munting kasera.  Sa kanilang pagsusulatan, gumamit pa ng secret codes ang mag-irog bilang proteksyon nila sa mapagmatyag na ina ni Leonor na si Silvestra Bauson.  Ang code name para kay Leonor ng pinsang si Pepe ay Taimis.  Cousin-tahan talaga ang peg.

Leonor Rivera.  Mula sa Vibal Foundation.

Leonor Rivera. Mula sa Vibal Foundation.

Leonor Valenzuela.  Mula sa Lolo Jose.

Leonor Valenzuela. Mula sa Lolo Jose.

Si Leonor kasama ng kanyang inang si Silvestra  Bauzon.  Mula sa Vibal Foundation.

Si Leonor kasama ng kanyang inang si Silvestra Bauzon. Mula sa Vibal Foundation.

Si Pepe Rizal bilang binatilyo.  Mula sa Vibal Foundation.

Si Pepe Rizal bilang binatilyo. Mula sa Vibal Foundation.

Sketch ni Leonor na gawa ni Pepe.

Sketch ni Leonor na gawa ni Pepe.

Si Leonor, edad 15 taon, 8 buwan at 27 araw.  Mula sa Rizal Without The Overcoat.

Si Leonor, edad 15 taon, 8 buwan at 27 araw. Mula sa Rizal Without The Overcoat.

Sa likod ng larawan mababasang nakasulat sa Wikang Espanyol na “Para kay José mula sa kanyang tapat na pinsan sa edad na 15 taon, 8 buwan at 27 taon.  [Pirmado] Leonor Rivera” ngunit sa ibaba nakasukat sa code, “Para sa aking hindi malilimutan at pinakamamahal na mangingibig ang larawang ito ay inaalay ng kanyang tapat na Taimis.” Mula sa Rizal Without the Overcoat.

Napisan o na-engage ang dalawa ngunit nagpasya ang kuya ni Rizal na si Paciano sa tulong ng ama ni Leonor na si Pepe ay tumungo ng Europa upang maglingkod sa bayan noong 1882.  Hindi man lamang nakapagpaalam si Pepe.  Naging masasakitin, hindi makatulog at malungktin si Leonor.  Patuloy silang nagsulatan sa isa’t isa ngunit wala silang natatanggap sa mga sulatan na ito.  Iyon pala, sinuhulan ng ina ni Leonor ang lokal kartero na harangin ang sulatan ng dalawa at ibigay lahat ng ito sa kanya.

Isang natirang sulat ni Leonor kay Pepe.  Mula sa Vibal Foundation.

Isang natirang sulat ni Leonor kay Pepe. Mula sa Vibal Foundation.

Imagine, si Pepe noon ay tinuturing na pilibusterong nobelista at siyempre ayaw mong makasal ang anak mo sa isang rebelde. Inayos ng ina ang pagpapaksal ni Leonor sa inhinyero ng riles ng tren na si Charles Henry Kipping noong 1890.

Si Rizal.

Si Rizal.

Charles Henry Kipping

Charles Henry Kipping

Sa paniwalang kinalimutan na siya ni Rizal, pumayag ito ngunit sinabi niyang ang pagpapakasal na ito ay ikamamatay niya.  Nang may isang sulat ni Rizal ang nakalusot, napilitan ang ina na ipakita ang lahat ng kanilang pagsusulatan.  Itinuloy ni Leonor ang pagpapakasal sa kondisyong hindi na siya tutugtog ng piano at muling awit habambuhay, at tatabihan siya ng kanyang ina sa buong seremonya ng kasal.  Ayon sa mga kwento, sinunog ni Leonor ang mga sulatan nila ni Rizal, at habang naglalakad sa simbahan, nahuhulog ang mga abo ng mga ito mula sa laylayan ng kanyang trahe de boda.  Anuman, ilan sa mga abong ito ay nailagay sa isang maliit na kahon.  Tatlong taon ang lilipas, patay na si Leonor sa panganganak sa edad na 26.  Ang kahon na naglalaman ng mga abo ng sulatan ay inilibing kasama niya.

Maliit na kahon kung saan inilagay ni Leonor ang abo ng mga sulat.  Nakadisplay noon sa exhibit na Rizalizing The Future sa RCBC Museum.  Mula sa Probe Productions.

Maliit na kahon kung saan inilagay ni Leonor ang abo ng mga sulat. Nakadisplay noon sa exhibit na Rizalizing The Future sa RCBC Museum. Mula sa Probe Productions.

Leonor Rivera

Leonor Rivera

Si Rizal at ang mga karakter ng Noli Me Tangere--Elias, Maria Clara at Crisostomo Ibarra.  Detalye ng mural ni Carlos V. Francisco, "History of Manila."

Si Rizal at ang mga karakter ng Noli Me Tangere–Elias, Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Detalye ng mural ni Carlos V. Francisco, “History of Manila.”

Isang modela bilang si Maria Clara.  Mula sa isang lumang kalendaryo ng Petron 1998.

Isang modela bilang si Maria Clara. Mula sa isang lumang kalendaryo ng Petron 1998.

Lubos na dinamdam ni Pepe ang nangyari, nagkulong pa sa Dapitan ng buong gabi.  Minalas man si Leonor, sinwerte naman siya na maalala sa kasaysayan, ang makabasag pusong karanasan ng dilag mula sa Camiling ay inspirasyon daw para sa karakter na Maria Clara sa Noli Me Tangere ni Rizal.  Aral, mga magulang, gabayan ngunit huwag nang maghigpit sa anak pagdating sa lovelife, sige kayo baka ma-Leonor Rivera siya.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Andrew Bldg, DLSU Manila, 3 April 2013)