IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

XIAO TIME, 27 March 2013: ANG HULING PASYON NI HESUKRISTO (Historikal at Medikal na Pananaw)

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pako na nakabaon pa rin sa buto ng sakong ng isang Hudyong si Jehohanan na napako sa krus noong unang siglo.  Six and a half inches ang haba nito.  Mula sa Jesus:  The Evidence ni Ian Wilson.

Ang pako na nakabaon pa rin sa buto ng sakong ng isang Hudyong si Jehohanan na napako sa krus noong unang siglo. Six and a half inches ang haba nito. Mula sa Jesus: The Evidence ni Ian Wilson.

27 March 2013, Holy Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=QOq7Ftj0-CQ

Para sa 1984th anniversary ng pagkapako sa krus ng ating Panginoong Hesukristo sa petsang Nisan 14 (kalendaryo lunaryong Hudyo na papatak sa linggong ito ng Semana Santa 2013) .

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa huling gabi ng kanyang pasyon, ang Mahal na Panginoong Hesukristo ay nanalangin sa Ama nating Diyos sa Hetsemani na sana lampasan na lamang siya ng kupita ng pagdurusa.  Sa sobrang stress ang mga blood vessels niya ay pumutok at humalo sa sweat glands kaya pinawisan siya ng dugo, ito ay tinatawag na hematidrosis.  Ngunit kanya pa ring sinabi, “Thy Will Be Done.”

Si Obispo Fulton J. Sheen habang nananalangin sa Hardin ng Hetsemani.  Kuha ni Yousuf Karsh mula sa This Is The Holy Land.

Si Obispo Fulton J. Sheen habang nananalangin sa Hardin ng Hetsemani. Kuha ni Yousuf Karsh mula sa This Is The Holy Land.

Ang tradisyunal na bato kung saan nanalangin si Hesus sa Hetsemani.  Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Ang tradisyunal na bato kung saan nanalangin si Hesus sa Hetsemani. Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Si Hesukristo habang pinapawisan ng dugo.  Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Si Hesukristo habang pinapawisan ng dugo. Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

The Agony in the Garden ni Giovanni Domenico Tiepolo.  Nasa Museo Nacional del Prado.

The Agony in the Garden ni Giovanni Domenico Tiepolo. Nasa Museo Nacional del Prado.

Nang maaresto, dahil kating-kati ang mga paring Hudyo na parusahan ang taong nagsasabing siya ang “Anak ng Diyos,” mabilis ang paglilitis at ayon kay Earle Wingo sa aklat na The Illegal Trial of Jesus, 18 batas ng mga Hudyo ang kanilang nilabag.

Si Hesus sa harap ng Sanhedrin.

Si Hesus sa harap ng Sanhedrin.

Ang bahay ni Annas, tatay ni Caiaphas, na ngayon ay Simbahan ng Banal na Arkanghel sa Herusalem.  Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Ang bahay ni Annas, tatay ni Caiaphas, na ngayon ay Simbahan ng Banal na Arkanghel sa Herusalem. Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Ang aklat na The Illegal Trial of Jesus ni Earle L. Wingo.

Ang aklat na The Illegal Trial of Jesus ni Earle L. Wingo.

Dahil hindi pa rin nila mabitay si Hesus sa kanilang sariling batas, ipinasa siya kay Poncio Pilato, ang gobernador ng mga mananakop na Romano sa salang rebelyon, pagpapanggap na hari.  May ebidensya na tunay na nag-exist ang taong ito sa labas ng mga Ebanghelyo.  Natagpuan noong 1961 ang isang bato sa isang teatro sa Caesaria Maritima ang mga katagang PONTIVS PILATVS PRAEFECTVS IVDAEAE.

Isang representasyon diumano kay Poncio Pilato.

Isang representasyon diumano kay Poncio Pilato.

Ebidensya na nag-exist si Poncio Pilato, isang batong natagpuan sa isang teatro ng unang siglo si Caesaria Maritima, nakaukit ang kanyang pangalan.  Natagpuan ito noong 1961 ng mga arkeologong Italyano.

Dahil wala siyang nakitang pagkakasala ni Hesus, inutos ni Pilato na ipahagupit na lamang si Hesus.  39 na beses siyang hinagupit, ngunit hindi ito latigo lamang.  Ang gamit ng mga Romano noon ay isang leather whip na may mga piraso ng matatalim na bakal at buto, sa bawat hagupit, dumidikit at pumapalupot ang mga matutulis na bagay sa balat, at sa paghila, napupunit maging ang mga muscle at natatamaan ang mga arteries.  Marami na ang namamatay sa ganitong parusa lamang.

Ang panghagupit na gamit ng mga Romano na may mga nakadikit na mga matutulis na bato at buto.  Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Ang panghagupit na gamit ng mga Romano na may mga nakadikit na mga matutulis na bato at buto. Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Pinutungan din siya ng kronang tinik na hanggang 6 inches ang haba ng mga tinik mula sa halamang may scientific name na Ziziphus spina-christi o mas kilala bilang punong jujube.  Ngunit ayaw siyang pakawalan ng mga Hudyo, naghugas kamay si Pilato.  Ipinabuhat sa kanya ang kahoy kung saan siya isasabit.

20 Pinutungan din siya ng kronang tinik na hanggang 6 inches ang haba ng mga tinik

Ziziphus spina-christi

Ziziphus spina-christi

Ecce Homo ni Antonio Ciseri.  Pinapili kung ang kaaawa-awang si Hesus o ang rebolusyunaryong si Barabbas ang paipiliin.  Ang pinili ng tao ay si Barabbas.

Ecce Homo ni Antonio Ciseri. Pinapili kung ang kaaawa-awang si Hesus o ang rebolusyunaryong si Barabbas ang paipiliin. Ang pinili ng tao ay si Barabbas.

Paghuhugas ng kamay ni Pilato.

Paghuhugas ng kamay ni Pilato.

Via Dolorosa.  Ang daan kung saan nagbuhat ng kahoy si Hesus tungo sa kanyang kamatayan.  Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Via Dolorosa. Ang daan kung saan nagbuhat ng kahoy si Hesus tungo sa kanyang kamatayan. Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Nanghihina na sa kanyang mga sugat at duguan ngunit pinabuhat pa rin ng mabigat na kahoy kung saan siya ibababyubay.  Mula sa The Gift ni Jack T. Chick

Nanghihina na sa kanyang mga sugat at duguan ngunit pinabuhat pa rin ng mabigat na kahoy kung saan siya ibababyubay. Mula sa The Gift ni Jack T. Chick

Sa aklat na Jesus:  The Evidence, isinulat ni Ian Wilson na sa sobrang brutal ng pagpapako sa krus, ginagawa lamang ito ng mga Romano sa mga nagkasala na alipin o hindi mamamayan ng Roma, tulad ni Hesus na isang Hudyo.  Ayon sa graffiti na ito sa Naples at sa magical gem na ito noon pang panahon ng Romano mayroon tayong ideya ng brutalidad nito.

Pabalat ng Jesus:  The Evidence ni Ian Wilson.

Pabalat ng Jesus: The Evidence ni Ian Wilson.

Ang tradisyunal na sayt ng kamatayan ni Hesus sa loob ng Simbahan ng Banal na Sepulkro sa Herusalem.  Ang mga bato sa ilalim ng altar ay mula sa orihinal na Golgotha o Kalbaryo.  Kuha ni ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Sa Naples natagpuan ang graffito na ito ng nakapakong tao na nakahiwalay ang mga binti at nakaharap sa krus.  Mula sa Jesus:  The Evidence ni Ian Wilson.

Sa Naples natagpuan ang graffito na ito ng nakapakong tao na nakahiwalay ang mga binti at nakaharap sa krus. Mula sa Jesus: The Evidence ni Ian Wilson.

Magical gem sa panahon ng mga Romano na nagpapakita ng brutalidad ng krusipiksyon.  Nakatalikod sa krus ngunit pinaghiwalay pa rin ang mga binti.  Mula sa Jesus:  The Evidence ni Ian Wilson.

Magical gem sa panahon ng mga Romano na nagpapakita ng brutalidad ng krusipiksyon. Nakatalikod sa krus ngunit pinaghiwalay pa rin ang mga binti. Mula sa Jesus: The Evidence ni Ian Wilson.

Isa sa mga teroya kung paano ipinapako ang isang tao sa panahon ng mga Romano batay sa mga labi ni Jehohanan.  Mula sa Jesus:  The Evidence ni Ian Wilson.

Isa sa mga teroya kung paano ipinapako ang isang tao sa panahon ng mga Romano batay sa mga labi ni Jehohanan. Mula sa Jesus: The Evidence ni Ian Wilson.

Sa bangkay ng isang nagngangalang Jehohanan, natagpuan na nakabaon pa rin sa buto ng kanyang sakong ang pako na may sukat na 6 inches.  Makalawang ito at nagkakaroon ng gangrene at nagkakatetano ang mga biktima.  Ayon kay Dr. Gerald H. Bradley, “This was the most agonizing death man could face…  He had to support himself in order to breathe… The flaming pain caused by the spikes hitting the median nerve in the wrists explodes up his arms, into his brain and down his spine.  …Exhaustion, shock, dehydration and paralysis destroy the victm.”

Malamang sa malamang sa carpal bones ng wrists at hindi sa palad ipinako si Hesus.  Mapupunit ang kamay at hindi masusuportahan kung sa palad lamang ipinangako ang bigat ng biktima.  Sa Roma ang wrist ay bahagi ng kamay.  Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Si Hesus, dahil sobra nang naghirap ay namatay matapos ang tatlong oras.  Ang ibang biktima ay ilan araw pang nagtatagal sa pagkabayupay sa krus.  Madalas pang makain ng mga bwitre habang nakabilad sa init at lamig, sa ulan at sikat ng araw.  Kapag hindi pa namamatay ang biktima, binabalian na ng mga binti upang mamatay na.  Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Ang "The Passion of the Christ" na idinirehe ni Mel Gibson at ginanapan ni Jim Caviesel ay naaayon sa historikal at medikal na mga tala ng pagpapahirap sa Panginoon.

Ang “The Passion of the Christ” na idinirehe ni Mel Gibson at ginanapan ni Jim Caviesel ay naaayon sa historikal at medikal na mga tala ng pagpapahirap sa Panginoon.

IMG_1679

Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Mula sa The Gift ni Jack T. Chick.

Ngayong semana santa, kung tayo ay Kristiyano, magmuni tayo sa pagmamahal ng Diyos at sakripisyo ni Kristo sa atin upang mabuhay tayo ng may pag-asa sa kaligtasan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 March 2013)

Si Obispo Fulton J. Sheen habang nasa isang libingang Hudyo sa panahon ni Herodes, sa ganitong libingan hinimlay at nabuhay na mag-uli ang ating Panginoon.  Kuha ni Yousuf Karsh mula sa This Is The Holy Land.

Ang walang lamang libingan ni Hesus sa Simbahan ng Santo Sepulkro sa Herusalem.  Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Ang walang lamang libingan ni Hesus sa Simbahan ng Santo Sepulkro sa Herusalem. Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Paalala sa mga bisita ng Garden Tomb, isa pang katulad na libingan sa panahon ni Hesus.  Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

Paalala sa mga bisita ng Garden Tomb, isa pang katulad na libingan sa panahon ni Hesus. Kuha ni Ken Duncan mula sa Where Jesus Walked.

XIAO TIME, 26 March 2013: ANG TEJEROS CONVENTION

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Nagwaging Pangalawang Pangulo si Mariano Trias habang iginagalang ng Supremo Andres Bonifacio ang pasya ng kapulungan.  Painting ng Tejeros Convention sa bukana ng Tejeros Hall, Armed Forces of the Philippines Commissioned Officers' Club.  Kuha ni Xiao Chua.

Nagwaging Pangalawang Pangulo si Mariano Trias habang iginagalang ng Supremo Andres Bonifacio ang pasya ng kapulungan. Painting ng Tejeros Convention sa bukana ng Tejeros Hall, Armed Forces of the Philippines Commissioned Officers’ Club. Kuha ni Xiao Chua.

26 March 2013, Holy Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=93Cv7tjXFfc

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Happy birthday po Architect Jelane Gay Espinosa Chua mula sa Tito kong si Jojo Chua.  116 years ago noong Biyernes, March 22, 1897, ginanap ang Tejeros Convention sa Casa Hacienda de Tejeros sa Rosario, Cavite.   Ito ang isa sa pinakaunang halalan ng nasyong Pilipino na naglalayong ayusin ang hidwaan ng mga balanghay sa lalawigan ng Cavite—ang Magdiwang at Magdalo.  Ito rin ang itinuturing na pagsilang ng Philippine Army.

Casa Hacienda de Tejeros sa Rosario, Cavite  Ang pinakamalaking friar house ng mga rekoleto  sa Pilipinas noon.  Mula kay Isagani Medina.

Casa Hacienda de Tejeros sa Rosario, Cavite Ang pinakamalaking friar house ng mga rekoleto sa Pilipinas noon. Mula kay Isagani Medina.

Casa Hacienda de Tejeros.

Casa Hacienda de Tejeros.

Ilustrasyon ng Casa Hacienda de Tejeros, mula kay Isagani Medina.

Ilustrasyon ng Casa Hacienda de Tejeros, mula kay Isagani Medina.

Nagtalo-talo sa simula ng pulong kung ano nga ba ang Katipunan, isang pamahalaan o isang kilusan ng mga bandido.  Upang maresolba ang usapin, nang maupo bilang tagapangasiwa ng pulong ang Pangulo ng Haringbayan na si Andres Bonifacio, dahil demokratiko at hindi diktatoryal ang Supremo, pumayag siya na magbuo ng bagong pamahalaan basta igagalang ang pasya ng nakararami—anuman ang katayuan o pinag-aralan ng mahahalal.  Sumang-ayon ang lahat.

Bas relief sa bakal ng Kapulungan sa Tejeros sa sayt nito sa Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Bas relief sa bakal ng Kapulungan sa Tejeros sa sayt nito sa Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Andres Bonifacio, Unang pangulo ng Pamahalaang  Mapanghimagsik na itinatag noong August 24, 1896 .  Ibig sabihin gobyerno rebolusyunaryo na ito bago pa man ang Tejeros.  Mula sa Studio 5.

Andres Bonifacio, Unang pangulo ng Pamahalaang Mapanghimagsik na itinatag noong August 24, 1896 . Ibig sabihin gobyerno rebolusyunaryo na ito bago pa man ang Tejeros. Mula sa Studio 5 Desings.

Isang lantad na kaaway ng Supremo, si Daniel Tirona—Da-da-da-Dan Tirona, ang nangasiwa ng pagbibigay ng mga balota.  Nabalaan ng kabigan niyang si Diego Moxica si Bonifacio, may mga nakasulat na raw na mga pangalan sa mga balotang ipinamamahagi.  Huh???  Tsismis ng dayaan sa halalan sa ating unang eleksyon???  Hanggang ngayon mayroon niyan huh!  Ang kanyang daing ay hindi na napansin ng Supremo. At ang nahalal na pangulo, ay hindi ang Supremo kundi si Heneral Emilio Aguinaldo, na nasa labanan sa Salitran sa Pasong Santol, lumalaban sa mga Espanyol sa kanyang ika-28 kaarawan.  Iminungkahi ni Severino delas Alas na ang Supremo na ang gawing Pangalawang Pangulo sapagkat siya naman ang sumunod na nagtamo ng pinakamaraming boto.  Nanahimik ang lahat at walang sumegunda sa proposisyon na ito.  Nahalal na Pangalawang Pangulo si Mariano Trias, at Kapitan Heneral si Artemio Ricarte.

Panandang Pangkasaysayan para kay Diego Mojica.  Mula kay Isagani Medina.

Panandang Pangkasaysayan para kay Diego Mojica. Mula kay Isagani Medina.

Heneral Artemio Ricarte.  Mula kay Isagani Medina.

Heneral Artemio Ricarte. Mula kay Isagani Medina.

Dahil maggagabi na, pinatayo na lamang sa magkabilang dulo ng silid ang mga delegado sa kanilang pagpili.  At sa wakas, sa pinakamababang posisyon, nahalal ang Supremo na Direktor ng Interyor.  Palakpakan.  Edi ayos na.  Pero sumigaw si Daniel Tirona para sa katahimikan at kanyang sinabi, “Mga kapatid, ang tungkuling director del interior ay totoong malaki at maselan, at hindi maaaring hawakan ng hindi abogado.  Mayroon dito sa ating isang abogado, siya ay si G. José del Rosario, kaya’t ating tutulan ang katatapos pang nahalal, na walang anumang katibayan ng pinag-aralan.  Ihalal natin ang abogadong si G. del Rosario!”

Daniel Tirona.  Mula kay Isagani Medina

Daniel Tirona. Mula kay Isagani Medina

Atty. Jose del Rosario.  Mula kay Isagani Medina.

Atty. Jose del Rosario. Mula kay Isagani Medina.

Nasaktan ang amor propio ng Supremo, pinagkayarian na igagalang ang napagpasyahan ng nakararami.  Hiniling niya kay Tirona na bawiin ang kanyang insulto.  Nagpawala-wala sa dami ng tao si Tirona, kaya bumunot ng baril ang Supremo at tinutukan si Tirona tulad ng ginagawa noon ng mga maginoo na natatapakan ang kanilang amor propio.

Tinutukan ng Supremo ng baril si Tirona.  Mula kay Artemo Ricarte.

Tinutukan ng Supremo ng baril si Tirona. Mula kay Artemio Ricarte.

Mula kay Alfredo Saulo.

Mula kay Alfredo Saulo.

Mula Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite.

Mula Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite.

Napigilan siya ni Heneral Ricarte at bilang pangulo ng kapulungan at Pangulo ng Katipunan ay ipinawalang bisa niya ang halalan at nag-walk-out kasama ang mga kabig.  Sa mga elitista sa pulong, si Emilio Aguinaldo na ang pangulo, para sa Supremo Bonifacio at mga kasama, siya pa rin ang pangulo.  Ang pagkakahating ito ang magbubunsod sa isang tunggalian ng kapangyarihan na magbibigay daan sa pasyon at Via Crucis tungo sa kamatayan ng Unang Pangulo at Ama ng Sambayanang Pilipino—Andres Bonifacio.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 16 March 2013)

Ang pag-walk-out ni Bonifacio sa kapulungan matapos ipawalang bisa ito,  Mula sa Aklat Adarna

Ang pag-walk-out ni Bonifacio sa kapulungan matapos ipawalang bisa ito, Mula sa Aklat Adarna

Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo.  Mula sa Studio 5 Designs.

Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo. Mula sa Studio 5 Designs.

Wala na ang Casa Hacienda, nakatayo na sa sayt nito ang Tejeros Convention Center na binuksan sa sentenaryo ng Kumbensyon noong 1997.  Kuha ni Xiao Chua.

Wala na ang Casa Hacienda, nakatayo na sa sayt nito ang Tejeros Convention Center na binuksan sa sentenaryo ng Kumbensyon noong 1997. Kuha ni Xiao Chua.