XIAO TIME, 5 June 2013: ANG PATAKSIL NA PAGPASLANG KAY ANTONIO LUNA

by xiaochua

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pabalat ng pananaliksik  ni Antonio Abad, "Ang Mahiwagang Pagkamatay ni Hen. Antonio Luna."  Mula kay Dr. Vic Torres.

Ang pabalat ng pananaliksik ni Antonio Abad, “Ang Mahiwagang Pagkamatay ni Hen. Antonio Luna.” Mula kay Dr. Vic Torres.

5 June 2013, Wednesday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  114 years ago, June 5, 1899, isang trahedya ang nangyari sa Cabanatuan.  Pinaslang ng mga mismong mga mapanghimagsik na kanyang pinamumunuan si Heneral Antonio Luna.  Maraming kaaway si Antonio, tulad ni Kapitan Pedro Janolino ng Batalyong Kawit, personal na mga gwardiya ng Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo, na hindi siya sinipot sa isang labanan.

Si Antonio Abad habang kinakapanayam si Pedro Janolino ukol sa pagkamatay ni Heneral Antonio Luna.  Mula kay Dr. Vic Torres.

Si Antonio Abad habang kinakapanayam si Pedro Janolino ukol sa pagkamatay ni Heneral Antonio Luna. Mula kay Dr. Vic Torres.

Ang Batalyong Kawit, mula sa Great Lives Series.

Ang Batalyong Kawit, mula sa Great Lives Series.

Nang hindi naparusahan ni Heneral Aguinaldo ang kapitan, asar-talo si Luna.  Mahilig si Antonio na manampal ng mga kawal na walang disiplina o pasaway, maging ang mga kasama niya sa gabinete na hindi niya makasundo tulad ni Felipe Buencamino.

Si Heneral Antonio Luna sa likuran ni Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo sa pagpapasinaya ng Kongreso ng Malolos, September 15, 1898.  Mula kay Dr. Vic Torres.

Si Heneral Antonio Luna sa likuran ni Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo sa pagpapasinaya ng Kongreso ng Malolos, September 15, 1898. Mula kay Dr. Vic Torres.

Si Felipe Buencamino at ang mga anak niyang babae sa kanyang tahanan sa San Miguel de Mayumo, Bulacan.  Kuha ng Kapaskuhan, 1904.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Si Felipe Buencamino at ang mga anak niyang babae sa kanyang tahanan sa San Miguel de Mayumo, Bulacan. Kuha ng Kapaskuhan, 1904. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Felipe Buencamino

Felipe Buencamino

Pedro Paterno.  Mula sa Instituto Cervantes/

Pedro Paterno. Mula sa Instituto Cervantes/

Asar din si Luna sa mga nagmungkahi na sumuko na lamang sila sa mga Amerikano.  Nang minungkahi ni Antonio na ilikas sa Bayambang, Pangasinan ang republika mula sa mga naghahabol na Amerikano, natakot ang ilan na baka “the moves” na niya ito upang kunin ang pamumuno ng himagsikan mula kay Aguinaldo.  Nagbalak ang kanyang mga kaaway.  Ayon kay Vivencio Jose, biographer ni Antonio, nakipagpulong si Aguinaldo noong May 27 sa mga kabig nina Pedro Paterno at Buencamino sa mismong kumbento ng Cabanatuan.  Hindi natin alam ang pinag-usapan nila ngunit pumosisyon ang mga tapat kay Aguinaldo sa iba’t ibang bayan upang ambusin ang mga tao ni Luna at siya mismo sakaling makaligtas.

Si Xiao Chua, kasama sina Kidlat Tahimik, Vivencio Jose at Jimuell Naval sa International Rizal Conference sa UP Asian Center, June 2011.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua, kasama sina Kidlat Tahimik, Vivencio Jose at Jimmuel Naval sa International Rizal Conference sa UP Asian Center, June 2011. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang mga bayan kung saan pumosisyon ang mga tauhan na tapat kay Heneral Aguinaldo upang ambusin at yariin ang mga tagasunod ni Heneral Luna.  Mula sa National Centennial Commission.

Ang mga bayan kung saan pumosisyon ang mga tauhan na tapat kay Heneral Aguinaldo upang ambusin at yariin ang mga tagasunod ni Heneral Luna. Mula sa National Centennial Commission.

Ang itsura ng kumbento ng Cabanatuan nang patayin doon si Antonio Luna.  Mula kay Dr. Vic Torres.

Ang itsura ng kumbento ng Cabanatuan nang patayin doon si Antonio Luna. Mula kay Dr. Vic Torres.

Nakatanggap ng mensahe si Luna, pirmado raw ni Heneral Aguinaldo, pinapapunta siya sa Kumbento ng Cabanatuan upang mamuno na sa gabinete.  Bilang masunuring kawal, nagtiwala siya at pagdating doon, nagulat siya nang makita si Kapitan Janolino, sinabi niya dito, “Hindi ba’t ikaw ang kawal na dinis-armahan ko dahil sa iyong karuwagan?  Ang lakas ng loob mong harapin ako.  Sino ang nagpabalik sa iyo?”  Nang sabihin ni Janolino na ang mga nasa taas, dali-daling umakyat ng hagdan si Luna.  Si Buencamino ang kanyang naabutan.  Umalis na raw si Aguinaldo at hindi na siya kakausapin.  “Nag-aksaya lang tayo ng oras sa pagpunta ko dito,” kanyang sinabi, nagsigawan na sila ni Buencamino.

Antonio Luna, pinunong heneral ng rebolusyon

Antonio Luna, pinunong heneral ng rebolusyon

Heneral Antonio Luna.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Heneral Antonio Luna. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Bigla na lamang may narinig na putok si Luna kaya nanaog siya sa bahay at nang makita sa likod ng hagdan si Kapitan Janolino kanyang sinabi, “Sino ang nagpaputok?  Ngayon mas kumbinsido ako na hindi kayo marunong humawak ng baril.”  Bigla na lamang siyang tinaga ni Janolino.  Sinundan na siya ng kanyang mga tauhan sa pagbaril at pagsaksak sa heneral.  Nagtangka si Col. Francisco “Paco” Roman na iligtas ang kanyang bossing ngunit binaril din siya hanggang mamatay.

Ang pagtaga ni Janolino kay Heneral Antonio Luna.  Mula sa National Centennial Commission.

Ang pagtaga ni Janolino kay Heneral Antonio Luna malapit sa hagdanan. Mula sa National Centennial Commission.

Ang Plaza kung saan namatay si Antonio Luna.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang Plaza kung saan namatay si Antonio Luna. Kuha ni Xiao Chua.

Ang marker na gumugunita sa pagpatay kay Antonio Luna sa kumbento ng Cabanatuan.  Kuha ni Xiao Chua

Ang marker na gumugunita sa pagpatay kay Antonio Luna sa kumbento ng Cabanatuan. Kuha ni Xiao Chua

Ang kumbento ng Cabanatuan ngayon ay isang gusali ng Immaculate Conception College.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang kumbento ng Cabanatuan ngayon ay isang gusali ng Immaculate Conception College. Kuha ni Xiao Chua.

Nakalakad pa si Luna patungo sa plaza, nagpapaputok ngunit nanghina na.  Kanyang sinabi, “Mga duwag, mga mamamatay tao!”  Nakasarado ang kamao na tila nakikibaka sa mga taksil, pinatumba ng sunod-sunod na putok at namatay ang isa sa pinakamatapang na heneral ng himagsikan.  Napaulat na dumungaw sa bintana ang isang matandang babae at tinanong, “Nagalaw pa ba iyan?”  Siya raw ang ina ni Aguinaldo na si Trinidad.

Trinidad Famy Aguinaldo.  Mula sa Facebook ng Aguinaldo Shrine.  Isang version ng kanyang sinabi ay, "Nagalaw pa ba yan?  Mga masasama kayong tao!"

Trinidad Famy Aguinaldo. Mula sa Facebook ng Aguinaldo Shrine. Isang version ng kanyang sinabi ay, “Nagalaw pa ba yan? Mga masasama kayong tao!”

Trinidad Famy Aguinaldo.  Ina ng Pangulong Heneral.  Active sa pag-angat ng kanyang anak sa kapangyarihan.

Trinidad Famy Aguinaldo. Ina ng Pangulong Heneral. Active sa pag-angat ng kanyang anak sa kapangyarihan.

Ayon kay Aguinaldo, wala siyang kinalaman sa pangyayari, ang tanging pagkukulang niya ay hindi niya naparusahan ang mga maysala.  Anuman, hindi ba’t hanggang ngayon marami ang mga krimen ang hindi napagbabayaran dahil may kabig sa makapangyarihan ang mga taong ito, ang tawag dito ay impunity.  Mayroon na rin pala nito noon.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 1 June 2013)