IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: tayabas

XIAO TIME, 2 August 2013: ANG MAKULAY NA KARERA NI MANUEL LUIS QUEZON

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang gwapong mestisuhin na tinawag na "Kastila" bilang Resident Commissioner ng Pilipinas sa Estados Unidos.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ang gwapong mestisuhin na tinawag na “Kastila” bilang Resident Commissioner ng Pilipinas sa Estados Unidos. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

2 August 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=nGy3n-qkITI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  135 years ago, August 19, 1878, isinilang si Manuel Luis Quezon y Molina sa Baler Tayabas.  Ang ama niya ay retirading sarhento ng Hukbong Espanyol at parehong guro rin ang kanyang mga magulang.  Minsan daw nakita ng ama na nakipag-away sa mga kapwa bata.  Nang itanggi niya ito nang tanungin, talagang sinampal siya ng kanyang ama at sinabing, “Hindi dapat igalang ang sinungaling at dapat pa ngang insultuhin.  Magsabi palagi ng totoo, anuman ang ibunga nito.”  At dito raw natutunan ni Quezon ang maging tapat.  Well, nag-aral siya sa Letran, summa cum laude si koya.  Sa UST, nakasalumuha niya sina Sergio Osmeña at Emilio Jacinto.  Sa panahon ng Himagsikang Pilipino, napatay ang kanyang ama at kapatid.  Sa kabila nito, lumaban sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano sa panig ng ating republika.

Manuel Quezon ar Sergio Osmena.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Manuel Quezon ar Sergio Osmena. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Manuel Quezon, rebolusyunaryo.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Piknik sa Baler para kay Manuel, 1906.  Si Quezon ang Mr. Suave, si Aurora ang babaeng nakaupo sa kaliwa.  Siya ang pinsan at future wife niya.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Nang mabalitaan niya na sumuko na si Heneral Aguinaldo, hindi siya makapaniwala.  Kaya siya sumuko at pinuntahan sa kulungan ng Malacañan si Heneral Emilio Aguinaldo, kumbinsido na siya.  Nang makapasa sa eksaminasyong bar, nagbalik siya sa Tayabas at nagbigay ng libreng serbisyo sa mahihirap at naglantad ng mga ilegal na kabulastugan ng isang Amerikanong abogado.  Nahalal siyang piskal at gobernador ng Tayabas at noong 1907 nahalal na kinatawan ng Tayabas sa unang Philippine Assembly at naging majority floor leader nito.  Si Sergio Osmeña naman ay naging Speaker.  Dito na nagsimula ang kanilang kalahating siglong pamamayagpag ng magkaribal na ito sa pulitika ng Pilipinas.

Quezon bilang Kinatawan ng Tayabas.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Quezon bilang Kinatawan ng Tayabas. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon bilang Ispiker ng Kapulungang Pilipino.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon bilang Ispiker ng Kapulungang Pilipino. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Quezon at Osmena.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Quezon at Osmena. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon bilang Majority Floor Leader.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon bilang Majority Floor Leader. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Sa kalaunan si Quezon ay naging Resident Commissioner sa Washington (1909-1916) at Pangulo ng Senado (1918).  Nang ikampanya ni Osmeña sa Senado ng Estados Unidos ang Hare-Hawes Cutting Act na siyang magbibigay sa atin ng sampung taong komonwelt bago isauli ng mga Amerikano ang kasarinlan natin, hinarang ito ni Quezon at nagtagumpay sa kampanyang huwag itong manalo sa plebisito.  Nang siya naman ang nagkaroon ng pagkakataong mag-lobby para sa Batas Tydings-McDuffie, kahit walang ipinagkaiba ito, ikinampanya pa rin niya ito, nagtagumpay at siya ang nakakuha ng pagkilala ng bayan.

Si Quezon bilang Resident Commissioner.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Farewell speech ni Quezon bilang Resident Commissioner sa Kongreso ng Amerika.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Farewell speech ni Quezon bilang Resident Commissioner sa Kongreso ng Amerika. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon bilang Pangulo ng Senado.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon bilang Pangulo ng Senado. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Osmena at Quezon kasama si Gobernador Heneral Francis Burton Harrison.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Osmena at Quezon kasama si Gobernador Heneral Francis Burton Harrison. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Osmena habang ikinakampanya ang Hare-Hawes-Cutting Act.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Osmena habang ikinakampanya ang Hare-Hawes-Cutting Act. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ang pagkampanya ni Quezon laban sa Hare-Hawes-Cutting Act.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ang pagkampanya ni Quezon laban sa Hare-Hawes-Cutting Act, in fairness naka-jacket. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Nang itatag ang pamahalaang Komonwelt noong 1935, siya ang nanumpang pangulo at si Osmeña naman ang pangalawang pangulo.  Maraming kontradiksyon sa kasaysayan ni Quezon.  Na siya raw ang unang tunay na diktador sa Pilipinas sa lakas ng kanyang panguluhan, na kahit nangampanya siya para sa kalayaan ay kinonsidera niya na isali tayo sa British Commonwealth kapag umalis ang mga Amerikano, na siya raw ang template ng modernong tradisyunal na pulitiko.

Si Quezon at kabiyak na si Aurora sa kanilang pagdating sa kanyang inagurasyon.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon at kabiyak na si Aurora sa kanilang pagdating sa kanyang inagurasyon. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ang panunumpa ni Quezon bilang Pangulo ng Komonwelt sa harapan ng gusali ng lehislatura (ngayon ay National Art Gallery) noong November 15, 1935.  Mula kay Carlos Quirino.

Ang panunumpa ni Quezon bilang Pangulo ng Komonwelt sa harapan ng gusali ng lehislatura (ngayon ay National Art Gallery) noong November 15, 1935. Mula kay Carlos Quirino.

Si Quezon habang umaastang astig.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon habang umaastang astig. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon habang nagsusuot ng Barong Tagalog.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon habang nagsusuot ng Barong Tagalog. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Isang larawan ni Quezon habang nagtatalumpati.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Isang larawan ni Quezon habang nagtatalumpati. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ngunit, hindi rin maikakaila ang kanyang malaking kontribusyon sa bayan, ang kanyang konsepto ng “Social Justice”—ipinabili niya sa pamahalaan ang mga malalaking lupain at ibinebenta ito sa mga kasama sa mababang halaga, sinuportahan niya ang karapatan ng mga kababaihan na bumoto, at ginawa niyang batayan ang Tagalog upang maging wikang pambansa.

Si Quezon sa isa kanyang mga inspection trips.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon sa isa kanyang mga inspection trips. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon habang nilalagdaan ang pagboto ng mga kababaihan.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon habang nilalagdaan ang pagboto ng mga kababaihan. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Lumikas nang sumiklab ang digmaan at tumungo sa Estados Unidos kung saan niya itinatag ang Philippine Governement-in-exile, kung saan na siya naabutan ng kamatayan, 69 years ago, August 1, 1944.

Ang Philippine Commonwealth Government-in-Exile.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ang Philippine Commonwealth Government-in-Exile. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Pangulong Quezon habang nagsasalita sa Kongreso ng Amerika.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Pangulong Quezon habang nagsasalita sa Kongreso ng Amerika. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon kasama ang kanyang gabineta sa kanyang sick bed.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon kasama ang kanyang gabineta sa kanyang sick bed. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Isa sa mga huling larawan ni Quezon na buhay ay kasama pa rin niya ang kanyang karibal at matalik na kaibigan na si Osmena.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Isa sa mga huling larawan ni Quezon na buhay ay kasama pa rin niya ang kanyang karibal at matalik na kaibigan na si Osmena. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon habang nakaburol sa Amerika.  Mula sa Quezon City Council:  History and Legacy.

Si Quezon habang nakaburol sa Amerika. Mula sa Quezon City Council: History and Legacy.

Quezon Memorial Monument.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Quezon Memorial Monument. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Quezon Sarcophagus.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Quezon Sarcophagus. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ngayon nakalibing si Quezon sa ilalim ng monumentong ito sa lungsod na ipinangalan sa kanya, na tulad ng dakilang si Napoleon, nakaangat ang kanyang puntod sa lupa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 27 July 2013)

Si Xiao Chua sa harapan ng Quezon Memorial Monument na may 66 metrong taas na kumakatawan sa 66 na taon sa buhay ni Quezon.  Ang tatlong anghel ay kumakatawan sa pagluluksa at pagpupugay ng Luzon, Visayas at Mindanao.  Kuha ni Florenda Pangilinan mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua sa harapan ng Quezon Memorial Monument.  Kuha ni Florenda Pangilinan mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua sa harapan ng Quezon Memorial Monument. Kuha ni Florenda Pangilinan mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua sa harapan ng sarcophagus ng bangkay ni Quezon sa ilalim ng Quezon Memorial Monument.  Kuha ni Florenda Pangilinan mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua sa harapan ng sarcophagus ng bangkay ni Quezon sa ilalim ng Quezon Memorial Monument. Kuha ni Florenda Pangilinan mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

XIAOTIME, 2 November 2012: ANG PAGBITAY KAY HERMANO PULE

Broadcast of Xiaotime news segment last Friday, 2 November 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Apolinario de la Cruz a.k.a. Hermano Pule, larawan sa kagandahang loob ni G. Ryan Palad

2 November 2012, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=4GCg7HOks04&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay po ang episode na ito kay G. Ryan Palad, Direktor ng GSIS Museum at ng Tayabas Studies Center.  171 years ago sa Linggo, November 4, 1841, binitay ng mga Espanyol ang relihiyosong si Apolinario de la Cruz a.k.a Hermano Pule.  Paano nangyari ito?  Si Hermano Pule ay isang lay brother ng Ospital ng San Juan de Dios na nagpakita ng kagustuhan na maging isang pari.

Ospital ng San Juan de Dios sa loob ng Intramuros, ngayon ay nasa sayt ng Lyceum of the Philippines.

Hindi siya pinahintulutan at tinanggal pa sa ospital.  Kaya noong 1832, itinatag niya ang Cofradia de San José, isang “kapatiran” na indio lang ang puwedeng sumali.  Karamihan ng mga kasapi nito ay mga magsasaka at naging alternatibo sa relihiyong Espanyol, na madalas mang-api sa kanila.  Mula sa headquarters nito sa Bundok Banahaw, nagkaroon sila ng malawak na ng kasapian sa Tayabas, Laguna at Batangas.  Sa paglakas ng samahan napraning ang mga Espanyol sa kabila ng paghiling niya na kilalanin ng pamahalaan at simbahan ang kanyang kasapian sa tulong ng Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas na si Domingo Roxas, ang nagtatag ng Roxas y Cia na ngayon ay Ayala Corporation.

Domingo Roxas

Itong si Domingo ay isang pasaway na creole, sinuportahan ang Andres Novales Revolt at sila ni Pule ang dalawa sa unang nagsulong ng nasyunalismo sa Pilipinas, nauna pa kay Rizal!  Ang chaplain o capellan ni Hermano Pule ay pari din ni Roxas!  Noong Oktubre 1841, sinalakay ng mga Espanyol ang Cofradia.  Inipon ni Pule ang apat na libong mga kasapi sa Alitao at matagumpay na nakipaglaban sa mga Espanyol, ngunit nang dumating ang mga reinforcements na Espanyol, walang awa nilang minasaker ang mga matatanda, mga babae at mga bata na kasama nila Pule.  Nahuli si Pule sa Barrio Guibanga at hinatulang mamatay sa Casa Tribunal ng Tayabas.

Casa Tribunal ng Tayabas, pinaglitisan kay Hermano Pule.

Matapos siyang barilin sa edad na 26, ang katawan niya ay kinwarter o pinaghati-hati, inilagay sa mga kawayan at ibinandera sa mga lugar na madaling makita upang maging warning sa mga nag-iisip na mag-alsa.

Quartering, paghahati-hati ng katawan. Paglalarawan ng ginawa sa mga pinuno ng Basi Revolt noong 1807 na ipininta ni Esteban Pichay Villanueva, ngayon ay nakasabit sa Pambansang Sinupan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Nakulong naman si Domingo Roxas dahil sa pag-aalsa ni Pule at noong 1843 sumalakay naman ang rehimiyentong Tayabas sa Fort Santiago, sinasabing may kinalaman din siya dito.  Ang kaibigan ni Pule na si Domingo Roxas ay namatay sa Fort Santiago noong 1843, hindi na inabutan ang perdon na naihingi para sa kanya sa Espanya ng kanyang panganay na anak na si Doña Margarita Roxas de Ayala.  Ilang bagay ang ipinapakita sa atin ng pag-aalsa ni Hermano Pule:  Hindi natulog ang mga Pilipino sa dilim ng 333 years na pananakop ng mga Espanyol, isa lang ang pag-aalsa ni Pule sa kulang-kulang 200 pag-aalsa na naganap.  At sa ating mga pakikibaka para sa kalayaan, magmula sa pag-aalsa ng mga babaylan sa Visayas, pag-aalsa ni Pule, sa Katipunan, at sa Rebolusyong EDSA, hindi nawawala ang ating ugaliu na kumapit sa Maykapal upang ipaglaban ang ating bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Andrew Hall, DLSU Manila, 25 October 2012)

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 7,897 other followers