IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: spanish

XIAO TIME, 30 October 2013: ANG KAIBIGANG KAPRE NI HENERAL EMILIO AGUINALDO

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Kapre ni Madilumad.

Kapre ni Madilumad.

30 October 2013, Wednesday: http://www.youtube.com/watch?v=85vnd8dfPG8

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Dahil malapit na ang Undas, magkakaroon tayo ng Todos Los Santos specials ngayon at sa mga susunod na araw.   Isa sa mga mahiwagang mga nilalang sa ating mga kwentong bayan ay ang mga kapre.  Ang kapre ay isang engkanto na nakatira sa mga punong malalaki tulad ng acacia, mangga, kawayan at balete.

Kapre.  Mula sa Filway's Philippine Almanac (1994).

Kapre. Mula sa Filway’s Philippine Almanac (1994).

Kapre.  Mula sa frenchlivinginthephilippines.blogspot.com.

Kapre. Mula sa frenchlivinginthephilippines.blogspot.com.

Lagi itong inilalarawan na nakabahag at sobrang tangkad, 7-9 feet tall, imagine!  Nagyoyosi siya sa malaking pipang ganja na sa sobrang lakas ng amoy ay maaaring maamoy ng tao.  Sa ibang bersyon, ang kapre ay may hawak na mahiwagang puting bato na maliit pa sa itlog ng pugo.  Kung mapasakamay ito ng tao, maaari niyang bigyan ang tao ng kanyang kahilingan.

Kapre.  Mula kay cloudminedesign.

Kapre. Mula kay cloudminedesign.

Kung kaibiganin ka ng kapre, babantayan ka niya habambuhay.  Ang mga kaibigan lamang ng kapre ang nakakakita sa kanya. Itong kapre ay mapagbiro, nagwawala ng mga tao sa kakayuhan o sa kabundukan, maging sa mga lugar na pamilyar ang isang binibirong tao.

Ang kapre at ang kanyang kaibigan. Mula sa definitelyfilipino.com.

Ang kapre at ang kanyang kaibigan. Mula sa definitelyfilipino.com.

Nagpaparamdam ang mga kapre sa pamamagitan ng paggalaw ng mga puno kahit na wala namang hangin, pagaparinig ng pagtawa, pagkakaroon ng usok sa ibabaw ng puno, at pagpapakita ng malaking pulang mga mata sa puno.

Kapre sa kalunsuran.  Mula sa legendakota.blogspot.com.

Kapre sa kalunsuran. Mula sa legendakota.blogspot.com.

Kapre.  Mula sa bagoh2.deviantart.com.

Kapre. Mula sa bagoh2.deviantart.com.

Ayon sa mga kwento, si Heneral Emilio Aguinaldo ay mayroong kaibigan kapre na inalagaan sa kanyang mansyon sa Kawit, Cavite.  Ayon sa artikulo ni Dr. Isagani Medina na “Aguinaldo para kay Aguinaldo,” ang kapre raw ay nakatira sa ilalim ng tulay ng marulas hindi kalayuan sa bahay ng mga Aguinaldo.

Dr. Isagani Medina.  Mula sa National Commission for Culture and the Arts.

Dr. Isagani Medina. Mula sa National Commission for Culture and the Arts.

Sa gitnang bintana ng mansyon na ito ng mga Aguinaldo ipinroklama ang Independencia ng Pilipinas noong June 12, 1898.  Mula sa Retrato Filipinas Photo Collection.

Sa gitnang bintana ng mansyon na ito ng mga Aguinaldo ipinroklama ang Independencia ng Pilipinas noong June 12, 1898. Mula sa Retrato Filipinas Photo Collection.

Nakikita raw ang kapre kapag maliwanag ang buwan, nananabako sa may sanga ng punong kabalyero.  Sinasabing ang kapreng ito ang nagbigay ng anting-anting kay Aguinaldo.  Kaya nga kapag binabaril siya ng mga kalaban ay tumatagos lamang ang bala.  Sa gabi bago makipaglaban sa mga Espanyol, makikita si Aguinaldo na nakikipag-usap sa isang puting anino sa may bintana, nagpapayo ang kapre sa kanya kung paano manalo sa laban.

Hen. Emilio Aguinaldo.  Mula sa Studio 5 Designs.

Hen. Emilio Aguinaldo. Mula sa Studio 5 Designs.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi.  Kuha ni G. Angelo Aguinaldo, apo sa tuhod ng heneral.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi. Kuha ni G. Angelo Aguinaldo, apo sa tuhod ng heneral.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi.  Kuha ni Jun Tulao ng Cavote Camera Club.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi. Kuha ni Jun Tulao ng Cavite Camera Club.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi.  Kuha ni Jun Tulao ng Cavote Camera Club.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi. Kuha ni Jun Tulao ng Cavite Camera Club.

Nang minsan daw na magtangka ang mga Espanyol na pasukin ang Kawit gamit ang tulay ng Marulas, may nakitang malaking binti na nakaharang sa tulay.  Nang barilin ito ng mga Espanyol, bumalik lamang ang mga bala sa kanila.  Kaya hindi na muli pang ginambala ng mga Espanyol ang bahay ni Aguinaldo.  Gayundin, si Aguinaldo ay nakikita na nakasakay sa isang puting kalabaw ng mga kalaban sa labanan.  Kaya nga naging simbolo raw ni Aguinaldo ang kalabaw at maraming beses na makikita sa kanyang tahanan.

Kalabaw sa ibabaw ng balkonahe.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa ibabaw ng balkonahe. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa tagiliran ng bahay.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa tagiliran ng bahay. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa ilalim ng balkonahe.

Kalabaw sa ilalim ng balkonahe.

Nang siya ay mawalan nang hininga sa Veteran’s Memorial Hospital noong 1964, mayroon daw lumabas na bato na singlaki ng holen sa kanyang bibig.  Ito raw ang kanyang anting-anting.

Mas matandang Don Emilio, kuha ng Life magazine isang taon bago siya mamatay noong 1964.

Mas matandang Don Emilio, kuha ng Life magazine isang taon bago siya mamatay noong 1964.

Si Heneral Emilio Aguinaldo habang dinadala sa Veterans' Memorial Hospital isang araw bago bawian ng buhay noong February 6, 1964.  Mula sa Aguinaldo-Suntay Museum sa Lungsod ng Baguio.

Si Heneral Emilio Aguinaldo habang dinadala sa Veterans’ Memorial Hospital isang araw bago bawian ng buhay noong February 6, 1964. Mula sa Aguinaldo-Suntay Museum sa Lungsod ng Baguio.

Hindi natin masabi kung totoo ang mga alamat ukol kay Heneral Aguinaldo.  Hindi niya ito itinanggi at hindi rin naman niya ito pinatunayan.  Ang mahalaga marahil ay makita na para sa atin ang mga dakilang Pilipino ay para ring mga bayani natin sa epiko, maalamat at astig.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Miguel Hall, DLSU Manila, 29 October 2013)

XIAO TIME, 8 August 2013: INTRAMUROS: LUNGSOD SA LOOB NG MGA PADER

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

The Building of Intramuros.  Obra maestra ni Fernando Amorsolo.  Mula sa Pacto de Sangre.

The Building of Intramuros. Obra maestra ni Fernando Amorsolo. Mula sa Pacto de Sangre.

8 August 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=j2bltcomixg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  441 years ago, August 20, 1572, sumakabilang buhay si Miguel Lopez de Legaspi, ang conquistador ng mga Islas Filipinas, isang taon lamang matapos nilang itatag ng mga Espanyol ang kolonyal na Lungsod ng Maynila mula sa kaharian ni Rajah Soliman. 

Representasyon ng pagkamatay ni Miguel Lopez de Legaspi sa kanyang nitso sa Simbahan ng San Agustin na nilikha ng Espanyol na iskultor na si Juan Manuel Iriarte sa kagandahang loob ng Ministry of Froeign Affairs ng Espanya.  Mula sa Koleksyon ng Aklatan ng Sinupang Xiao Chua.

Bago siya mamatay, ang lungsod na pinabakuran niya ng kawayan ay mayroon nang mga 150 na mga kabahayan na nakapaloob sa mga parisukat sa pagitan ng mga nagkukrus na daan tulad sa Europa—Roman Grid Pattern, at ang simbahan at monasteryo ng mga unang paring tumungo sa Pilipinas, ang mga Agustino. 

Ang pagtatayo ng mga Espanyol ng mga pader na kahoy sa paligid ng Lungsod ng Maynila.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagtatayo ng mga Espanyol ng mga pader na kahoy sa paligid ng Lungsod ng Maynila. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Noong 1574, ayon sa pinakamadaling basahin at pinakakomprehensibong gabay sa lungsod na isinulat ni Jose Victor Torres, ang Ciudad Murada, ang lungsod na ito ay binigyan ng titulo o karangalan ng Haring Felipe II, sa kanya ipinangalan ang ating bansang Pilipinas, bilang Insigne y siempre leal ciudad (katang-tangi at laging tapat na lungsod). 

Si Xiao Chua at Jose Victor Torres, 2013, mula sa Koleksyon ng Aklatan ng Sinupang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at Jose Victor Torres, 2012, mula sa Koleksyon ng Aklatan ng Sinupang Xiao Chua.

Pabalat ng Ciudad Murada.  Mula sa Aklatan ng Sinupang Xiao CHua.

Pabalat ng Ciudad Murada ni Dr. Vic Torres. Mula sa Aklatan ng Sinupang Xiao Chua.

Haring Felipe Segundo.  Obra maestra ni Antonio moro batay kay Pantoja de la Cruz.

Haring Felipe Segundo. Obra maestra ni Antonio moro batay kay Pantoja de la Cruz.

Ang coat of arms ng Maynila na nagpapakita ng  isang kastilyo bilang sagisag ng Kaharian ng Castille, ang pinakamalaking kaharian sa Espanya, at ang merlion, o ang ultramar na simbolo ng mga Espanyol para sa kapuluang Pilipinas.  Mula kay Dr. Ambeth R Ocampo.

Noong 1574, sumalakay ang piratang Tsino na kinatatakutan ng mga Portuges sa Malacca, mga Olandes, maging ng mga Muslim, si Limahong, kasama ng ilang indio tulad ni Rajah Soliman.  Bagama’t nabigo, kamuntik nang maagaw ang Maynila.  Noong 1587, isang pasaway na kandila ang hindi nabantayan sa burol ni Gob Hen. Gonzalo Ronquillo de Peñalosa sa Simbahan ng San Agustin.  Sinunog nito ang simbahan, sinunog din nito ang buong lungsod. 

Ang pagsalakay ni limahong sa Maynila.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagsalakay ni limahong sa Maynila. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagsalakay ni Limahong.  Detalye mula sa mural ni Carlos V. Francisco na pinamagatang "Filipino Struggles Through History" na nasa Bulwagang Katipunan ng City Hall ng Lungsod ng Maynila.

Ang pagsalakay ni Limahong. Detalye mula sa mural ni Carlos V. Francisco na pinamagatang “Filipino Struggles Through History” na nasa Bulwagang Katipunan ng City Hall ng Lungsod ng Maynila.

Napagtanto ang pangangailangan na gawing mas matibay ang lungsod.  Ang gumawa ng plano ay ang Heswitang si Padre Antonio Sedeño at sinimulang ipatupad ni Goberndor Heneral Santiago de Vera sa pagpapatayo ng mga tanggulang adobe na Fuerza Santiago, at ang pabilog na Nuestra Señora de Guia o Baluarte de San Diego) kapwa sa batong adobe

Baluarte de San Diego.  Planong gawing watch tower (bantayan) ngunit hindi itinuloy, ibinaon sa lupa hanggang aksidenteng madiskubre noong 1979.  Tinanggal  ang lupa at muling isinaayos ng Intramuros Administration.

Isang larawan sa Furza Santiago noong 1903.  Mula sa Wikipedia.

Isang larawan sa Furza Santiago noong 1903. Mula sa Wikipedia.

Ang humalili sa kanya, si Gobernador Heneral Gomez Perez Dasmariñas, ang siyang nagsimulang magpalibot ng buong lungsod sa pader noong Hunyo 1590 sa utos na rin ng hari.  Dalawang beses din kasi siyang pinagtangkaang kikilan ng tributo ng pinunong Hapones na si Hideyoshi.  Hindi lang pader ang kanyang ipinalibot sa lungsod kundi pati na rin mga ilog-ilogan o moat tulad sa mga midyibal na mga kastilyo sa Europa. 

Hideyoshi.  Mula a Wikipedia.

Hideyoshi. Mula a Wikipedia.

Ilog-ilogan na may drawbridge na parang mga kastilyo sa Europa, ito ang Ravelin Real de Bagumbayan.  Mula kay intrepiddreamer.wordpress.com.

Ilog-ilogan na may drawbridge na parang mga kastilyo sa Europa, ito ang Ravelin Real de Bagumbayan. Mula kay intrepiddreamer.wordpress.com.

Ikonikong gareta o bantayan ng Intramuros.

Ikonikong gareta o bantayan ng Intramuros.

Lumang mapa ng Intramuros noong 1713 na ginawa ni Antonio Fernandez Rojas mula sa orihinal ni Antonio Fernandez Rojas.  Nagpapakita ito ng kaayusan ng mga kalsada ayon sa Roman Grid Pattern at ang mga ilog-ilogan o moat na hindi basta-basta ilog kundi may mga harang na maliliit na isla.  Mula sa Ciudad Murada.

Siyempre, hindi ang mga mananakop ang nagtayo nito, kundi ang mga indio.  Sila ang kumuha ng mga batong adobe mula sa Guadalupe sa San Pedro de Makati, sila ang nagpaanod ng mga ito sa ilog, ang nagbuhat at nagtayo ng mga ito.  Ngunit nang matapos, tanging mga pari, opisyal at mga sundalong Espanyol lamang ang tumira at nakinabang. 

Ang pagpapaanod ng mga troso sa mga dagat at ilof ng mga indio sa pagtatatag ng Intramuros.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagpapaanod ng mga troso sa mga dagat at ilof ng mga indio sa pagtatatag ng Intramuros. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagbuhat ng mga indio sa batong adobeng gagamitin sa pagtatayo ng mga pader na nagmula sa Guadalupe sa San Pedro de Makati.

Ang pagbuhat ng mga indio sa batong adobeng gagamitin sa pagtatayo ng mga pader na nagmula sa Guadalupe sa San Pedro de Makati.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagtatayo ng mga indio ng Intramuros.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagtatayo ng mga indio ng Intramuros. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang mga pari at mga opisyal Espanyol ng pamahalaang kolonyal ang tumira sa Intramuros.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang mga pari at mga opisyal Espanyol ng pamahalaang kolonyal ang tumira sa Intramuros. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang mga mayayamang Espanyol ang siyang tumira sa Intramuros.  Nasa Plaza Mayor sila sa harapan ng Palacio del Gobernador.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang mga mayayamang Espanyol ang siyang tumira sa Intramuros. Nasa Plaza Mayor sila sa harapan ng Palacio del Gobernador. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Nakilala ang lungsod sa tawag na Intramuros—nakapaloob sa mga pader.  Ito lamang noon ang lungsod ng Maynila, kung saan naroroon ang lahat ng mahahalagang mga tanggapan ng pamahalaan, mga kumbento at monasteryo, mga paaralan.  Umabot sa mahigit pito ang bilang ng simbahan sa loob nito, ang labas nito ay tinawag na mga arabal o suberbs

Intramuros--Sa Loob ng mga pader. Itong 64 ektaryang lupain na ito ang tanging Lungsod ng Maynila noon.

Intramuros–Sa Loob ng mga pader. Itong 64 ektaryang lupain na ito ang tanging Lungsod ng Maynila noon.

Ang Plaza Complex ng Intramuros ang pinakasentro ng Imperyong Espanyol sa Asya!!!  Mga gusali mula sa kaliwa:  Ayuntamiento (City Hall), Katedral ng Maynila at Palacio del Gobernador.  Mula sa National Media Production Center.

Ang Plaza Complex ng Intramuros ang pinakasentro ng Imperyong Espanyol sa Asya!!!  Mga gusali mula sa kaliwa:  Ayuntamiento (City Hall), Katedral ng Maynila at Palacio del Gobernador.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang San Agustin Church, ang pinakamatandang simbahan sa Pilipinas.  Mula sa San Agustin.

Ang San Agustin Church, ang pinakamatandang simbahan sa Pilipinas. Mula sa San Agustin.

Ang Calle Real.  Mula sa Intramuros of Memory.

Ang Calle Real. Mula sa Intramuros of Memory.

Ang Puerte del Parian kung saan bumbili ang mga Espanyol sa mga mangangalakal na Tsino sa labas ng intramuros.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang Puerte del Parian kung saan bumbili ang mga Espanyol sa mga mangangalakal na Tsino sa labas ng intramuros. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang mga pader ng Intramuros mula sa Binondo at ilog Pasig.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang mga pader ng Intramuros mula sa Binondo at ilog Pasig. Mula sa Pacto de Sangre.

Mapa ng Intramuros at mga Arabales, 1898.

Mapa ng Intramuros at mga Arabales, 1898.

Sa loob ng tatlong siglo, pinrotektahan ng pader ang Pamahalaang Espanyol mula sa lahat ng banta, at ipinakita na mula sa Intramuros dumaloy ang ginhawa para sa kolonya, ang sentro ng Emperyong Espanyol sa Silangan!  Ang Intramuros ay bahagi po ng ating kasaysayan, ingatan po natin ito.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time. (Pook Amorsolo, UP Diliman, 27 July 2013)

Katedral ng Maynila ngayon sa perspektiba ng isang pool ng tubig-ulan.  Mula sa The Intramuros Collection.

Katedral ng Maynila ngayon sa perspektiba ng isang pool ng tubig-ulan. Mula sa The Intramuros Collection.

XIAO TIME, 11 October 2013: FR. PATRICK PEYTON AT ANG FAMILY ROSARY CRUSADE

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Fr. Patrick Peyton at ang paborito niyang larawan ng Madonna and the Child ni Bartolome Esteban Murillo (nasa Galleria Palatina, Florence, Italya).

Fr. Patrick Peyton at ang paborito niyang larawan ng Madonna and the Child ni Bartolome Esteban Murillo (nasa Galleria Palatina, Florence, Italya).

11 October 2013, Friday: http://www.youtube.com/watch?v=y69dejB96Js

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  367 years ago, October 3, 1646, nagwagi ang dalawang outdated na barkong Espanyol laban sa malaking hukbong pandagat ng mga Olandes sa mga karagatan ng Pilipinas matapos ang limang labanan.

Ang Battle of La Naval.  Mula sa aklat na "The Saga of La Naval:  Triumph of a People's Faith."

Ang Battle of La Naval. Mula sa aklat na “The Saga of La Naval: Triumph of a People’s Faith.”

Ang sinasabing mahimalang pangyayari na ito ay dahil diumano sa sama-samang pagdarasal ng mga tao sa mahal na Birhen ng Sto. Rosario sa Sto. Domingo Church sa Intramuros.  Kaya naman tinawag ang birhen na La Naval at ang pista nito ay ipinagdiriwang tuwing ikalawang linggo ng Oktubre hanggang ngayon na nailipat na ang Simbahan sa Lungsod Quezon.

Nuestra Señora del Santissimo Rosario de La Naval de Manila, kuha ni Aldwin Ong mula sa aklat na "The Saga of La Naval:  Triumph of a People's Faith."

Nuestra Señora del Santissimo Rosario de La Naval de Manila, kuha ni Aldwin Ong mula sa aklat na “The Saga of La Naval: Triumph of a People’s Faith.”

Nang umusad ang panahon at naging moderno na ito, tila unti-unting nawawala ang tradisyon ng sama-samang pagdarasal.  Isang dayuhan ang tutulong naman na ipalaganap muli ang pagdarasal ng rosaryo ng mga pamilya ng sama-sama.  Naaalala niyo ba si Fr. Patrick Peyton, yung paring Holy Cross na lumalabas-labas sa TV noon?

Father Patrick Peyton, CSC., Servant of God.

Father Patrick Peyton, CSC., Servant of God.

Well, naniniwalang binibiyayaan ng Diyos ang mga pamilyang sama-samang nagdarasal.  Isinilang noong 1909 sa Ireland, pang-anim sa siyam na anak ni John at Mary Payton.  Mahirap, laging natutulog ng gutom ngunit bawat gabi ang nanay niya ay tatawagan sila para sa pananalangin at pangungunahan ng kanilang ama ang pagdarasal ng rosaryo.  Ayon kay Fr. Patrick, “Praying to God was as natural to him as breathing the air.”  Malaki ang impak ng pananampalatayang ito ng kanyang mga magulang.

Pamilya ni John at Mary Payton, si Patrick ay nasa kaliwa ng kanyang ina (kanan sa nakatingin).  Mula sa Family Rosary Crusade.

Pamilya ni John at Mary Payton, si Patrick ay nasa kaliwa ng kanyang ina (kanan sa nakatingin). Mula sa Family Rosary Crusade.

Upang makaraos sa kahirapan, nagtungo sa Amerika kasama ang kapatid noong 1928 sa Scranton, Pennsylvania at naging janitor sa Katedral ng St. Joseph.  Makalipas ang isang taon, pumasok kasama ng kapatid sa Holy Cross Seminary sa Notre Dame, Indiana.  Biglang natigil ang pagaaral ng isang taon nang lumala ang kanyang tuberculosis.  Mamamatay na siya nang manalangin siya kay Maria at ipinangako na kung gumaling siya, gagawin niya ang lahat upang ipalaganap ang muling pagdarasal ng pamilya ng sama-sama.  Matapos ang isang linggo, gumaling na siya at nakabalik agad sa pag-aaral.

Nakababatang Fr. Patrick Peyton.

Nakababatang Fr. Patrick Peyton.

The Savior, The Redeemer at the Master ay mga pelikula ukol sa buhay ni Hesukristo na nasa misteryo ng Santo Rosaryo.  Sino bang hindi nakapanood ng mga ito kapag Holy Week?  Mula sa Family Rosary Crusade.

Isang Rosary Rally kung saan milyon ang dumadayo upang makinig kay Padre Peyton.

Isang Rosary Rally kung saan milyon ang dumadayo upang makinig kay Padre Peyton.

Isang video grab mula sa Manila Rally noong Disyembre 1985 (Marian Year) kung saan dalawang milyong tao ang dumagsa sa Luneta upang makiisa kay Father Peyton.  Matapos ang dalawang buwan, nagka-EDSA na.

Itinatag niya ang Family Rosary Crusade noong 1942, at noong 1947 Family Theater na nagpapalabas ng mga radio show at pelikula na may kapupulutang aral, tulad noong Jesus Christ na hindi nakikita ang mukha kapag mahal na araw.  Malalaking artista sa Hollywood ang sumuporta sa kanyang mga gawain.  Noong 1948, sinimulan niya ang mga malalaking rosary rally na nang maglaon ay dinaluhan ng 28 Milyong tao sa iba’t ibang bansa sa mundo, 6 Milyon mula sa iba’t ibang pagbisita niya sa Pilipinas, pinakamalaking bilang sa alinmang bansang kanyang napuntahan.  Namatay siya noong June 3, 1992 sa San Pedro, California.

Si Padre Peyton habang nananalangin.  Mula sa Family Rosary Crusade.

Si Padre Peyton habang nananalangin. Mula sa Family Rosary Crusade.

Noong taong iyon, Grade 2 ako, nanonood na ako ng kanilang programa sa telebisyon.  Walang cable noon kaya ito lang ang mapapanood ng Sabado ng umaga.  Sinulatan ko pa nga sila at sumagot naman sila.  At kahit na hindi na ako Katoliko, ang mga kwento ni Bernard Factor Cañaveral sa “Once Upon A Saint” ay naging inspirasyon sa akin na patuloy na maging malaab sa aking mga paniniwala.

Sagot sa sulat ko sa Family Rosary Crusade noong Grade 2 ako.  Walong taong gulang pa lamang ako noon.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Sagot sa sulat ko sa Family Rosary Crusade noong Grade 2 ako. Walong taong gulang pa lamang ako noon. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua kasama ang idoloniyang si Bernard Factor Canaveral.  Kuha ni Xiao Chua.

Si Xiao Chua kasama ang idolo niyang si Bernard Factor Canaveral. Kuha ni Xiao Chua.

Si Padre Peyton sa harapan ng billboard ng Family Rosary Crusade sa Pilipinas.

Si Padre Peyton sa harapan ng billboard ng Family Rosary Crusade sa Pilipinas.

Iiwan ko kayo sa pamamagitan ng mga sikat na habilin lagi ni Fr. Patrick, “The family that prays together, stays together,” at “The World at Prayer is a world at peace.”    Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 5 October 2013)

XIAO TIME, 5 July 2013: ANG PAPEL NI MIGUEL LOPEZ DE LEGAZPI SA ATING KASAYSAYAN

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Miguel Lopez de Legazpi.  Mula sa La Ilustracion Filipina.

Miguel Lopez de Legazpi. Mula sa La Ilustracion Filipina.

5 July 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=ikjETWEEbVk

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Matapos ang pagkasawi ni Magellan sa Mactan, nagpadala ang Hari ng Espanya ng iba pang mga ekspedisyon patungo sa mga kapuluang ito—ang mga ekspedisyon nina Loaysa, Cabot, Saavedra at Villalobos na may tatlong pangunahing misyon:  Makipagkasundo sa mga bayan; magpaumanhin sa mga taga-Cebu sa nangyaring panggagahasa ng mga tauhan ni Magellan; ibalik ang mga labi ni Magellan.

Ang kamatayan ni Magellan, mula sa facebook ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ang kamatayan ni Magellan, mula sa facebook ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Lahat sila ay nabigo.  Marami pa sa mga pinuno nito ay nabihag ng mga karibal na Portuges na hawak ang kalapit na Moluccas o Spice Islands.  Ngunit inutusan ng Hari ng Espanya, Felipe Segundo ang Viceroyalty ng Nueva España sa Mexico na muling magpadala ng isa pang ekspedisyon sa Pilipinas.

Felipe II (Segundo).  Mula sa Pacto de Sangre

Felipe II (Segundo). Mula sa Pacto de Sangre

At si Adelantado Miguel Lopez de Legazpi ang napili.  Naging katuwang niya ang isang paring Agustino, si Padre Andres de Urdaneta, na bago maging pari ay beterano na ng Ekspedisyong Loaysa kaya alam na niya ang ruta patungong Pilipinas at pamilyar na sa pasikot-sikot sa kapuluan.

Isang paglalarawan kay Andres de Urdaneta bilang isang sundalo ni Antonio Valverde.

Isang paglalarawan kay Andres de Urdaneta bilang isang sundalo ni Antonio Valverde.

Padre Andres de Urdaneta

Padre Andres de Urdaneta

Padre Andres de Urdaneta.  Mula sa san Agustin Church.

Padre Andres de Urdaneta. Mula sa San Agustin Church.

Siya ang magiging alas ng ekspedisyon.  Umalis sila ng Mexico noong November 1864 at matapos ang dalawang buwan, nakarating sa Samar noong February 20, 1565.  Sa Bohol, sa pag-aakalang sila ay mga Portuges, nagsilikas sa kabundukan o nag-ilihan ang mga tao ngunit nang malaman ni Rajah Sikatuna na ibang mga tao ito, siya ay nakipagsandugo kay Legazpi, isang punto sa ating kasaysayan ni ipininta ni Juan Luna at ang obra maestra ngayon ay nasa Palasyo ng Malacañan.

Pacto de Sangre.  Ang modelo para kay Legazpi ay ang bayaw ng pintor na si Trinidad Pardo de Tavera.  Si Sikatuna si Jose Rizal.  Obra maestra ni Juan Luna.

Pacto de Sangre. Ang modelo para kay Legazpi ay ang bayaw ng pintor na si Trinidad Pardo de Tavera. Si Sikatuna si Jose Rizal. Obra maestra ni Juan Luna.

Si Pangulong Noynoy Aquino matapos na umakyat sa Palasyo ng Malacanan, nasa likuran niya ang Pacto de Sangre ni Juan Luna.  Mula sa Yes! Magazine.

Si Pangulong Noynoy Aquino matapos na umakyat sa Palasyo ng Malacanan, nasa likuran niya ang Pacto de Sangre ni Juan Luna. Mula sa Yes! Magazine.

Ang tradisyunal na sayt ng Sanduguan na pinatayuan ng monumento na obra maestra ni Napoleon V. Abueva.

Ang tradisyunal na sayt ng Sanduguan na pinatayuan ng monumento na obra maestra ni Napoleon V. Abueva.

Si Prop. Ambeth Ocampo sa aktwal na sayt ng Sanduguan.

Si Prop. Ambeth Ocampo sa aktwal na sayt ng Sanduguan.

Kung para sa mga Boholano, tunay na kapatid na ang turing nila sa mga Espanyol bilang isang dugo na lamang sila, wala naman itong kahulugan sa mga Espanyol at tumalikod din sa kapatirang ito tulad ng binaggit ni Andres Bonifacio sa kanyang “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog.”

Ang ruta ng mga galyon mula Maexico patungong Pilipinas na nadiskubre ni Urdaneta.

Ang ruta ng mga galyon mula Maexico patungong Pilipinas na nadiskubre ni Urdaneta.

Ang ruta ng Ekspedisyon ng Legazpi sa Pilipinas.

Ang ruta ng Ekspedisyon ng Legazpi sa Pilipinas.

Noong April 27, dumating sila sa Sugbu ngunit nilabanan ng mga tauhan ni Rajah Tupas.  Ngunit hindi naglaon, dahil sa mas diplomatikong approach ni Legazpi, nakipagkasundo rin sa mga Espanyol si Rajah Tupas.  Kalaunan, ang Cebu ang naging pinakaunang kolonyal na lungsod sa Pilipinas noong 1571.

Obra maestra ni Fernando Amorsolo na nagpapakita ng pakikitungo ng Legazpi sa mga Pilipino (expolorer-philippines.com)

Obra maestra ni Fernando Amorsolo na nagpapakita ng pakikitungo ng Legazpi sa mga Pilipino (expolorer-philippines.com)

Fort San Pedro sa Cebu, na may monumento ni Legazpi.  Mula sa driftwoodjourneys.com.

Fort San Pedro sa Cebu, na may monumento ni Legazpi. Mula sa driftwoodjourneys.com.

Isang liham ni Miguel Lopez de Legazpi.  Mula sa www.travelandpositiveliving.com.

Isang liham ni Miguel Lopez de Legazpi. Mula sa http://www.travelandpositiveliving.com.

Pirma ni Legazpi.  Mula sa www.travelandpositiveliving.com.

Pirma ni Legazpi. Mula sa http://www.travelandpositiveliving.com.

Ngunit hindi ibig sabihin na nasakop ang Cebu ay nasakop na ang buong Pilipinas, simula lamang ito ng mahabang proseso ng Conquista.  Lumipat siya sa Panay noong 1569, at ginamit ang mga dayuhan ng mga mandirigmang Panayanhon upang tulungan sila sa paggalugad at pananakop ng mga kalabang Moro sa Mindoro at Luzon na nilulusob sila.  Pinamunuan sila ng apo ni Legazpi na si Juan de Salcedo at Martin de Goiti.  Tampuhan ng Bisaya at Tagalog, noon pa pala iyon???

Juan de Salcedo.  Obra maestra ni Dan Dizon.

Juan de Salcedo. Obra maestra ni Dan Dizon.

Rajah Matanda kasama si Legazpi.  Obra ni Dan Dizon.

Rajah Matanda kasama si Legazpi. Obra ni Dan Dizon.

Martin de Goiti, ang namuno sa mga Espanyol na sumagupa sa mga Macabebe.  Mula sa Ayala Museum.

Martin de Goiti, ang namuno sa mga Espanyol na sumagupa sa mga Macabebe. Mula sa Ayala Museum.

"Entrevista de Goiti y Rajah Soliman," and encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Obra maestra ni Fernando Amorsolo.  Mula sa Pacto de Sangre.

“Entrevista de Goiti y Rajah Soliman,” and encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Obra maestra ni Fernando Amorsolo. Mula sa Pacto de Sangre.

Isang taon matapos na matalo ni de Goiti sina Rajah Soliman at ang mga taga-Maynila noong 1570, tumungo doon mismo si Legazpi at itinatag niya kasama ni Padre Urdaneta ang Lungsod ng Maynila, 442 years ago, June 24, 1571 na ginugunita ngayon bilang Araw ng Maynila.

Pagdating ni Legazpi at Urdaneta sa Maynila, 1571.  Mula sa Simbahan ng San Agustin.

Ang sagisag ng kolonyal na Lungsod ng Maynila.

Ang sagisag ng kolonyal na Lungsod ng Maynila.  Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Namatay siya sa kanyang lungsod makalipas ang isang taon, August 20, 1572 at inilibing sa Simbahan ng San Agustin.  Ngayon, ang lumang monumento nina Legazpi at Urdaneta ay ninanakawan at kinakalakal ang mga bakal.  Naku!  Magtigil po kayo!  Bahagi po yan ng kasaysayan!

Ang libingan ni Legazpi at iba pang mga personahe sa San Agustin Church.

Ang libingan ni Legazpi at iba pang mga personahe sa San Agustin Church.

Monumento ni Legazpi at Urdaneta sa Luneta na ipinagawa noong huling bahagi ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas. Mula sa Pacto de Sangre.

Monumento ni Legazpi at Urdaneta sa Luneta na ipinagawa noong huling bahagi ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas. Mula sa Pacto de Sangre.

Ang dating kinalalagyan ng plake at ang estatwa ngayon sa ilalim ng Legazpi-Urdaneta monument noong wala na ito.  Pati daliri nawala.  Kaloka.  Mula sa nostalgiafilipinas.blogspot.com.

Ang dating kinalalagyan ng plake at ang estatwa ngayon sa ilalim ng Legazpi-Urdaneta monument noong wala na ito. Pati daliri nawala. Kaloka. Mula sa nostalgiafilipinas.blogspot.com.

Ang monumento ni Legazpi at Urdaneta ay unti-unting kinikilo.   Mula sa nostalgiafilipinas.blogspot.com.

Ang monumento ni Legazpi at Urdaneta ay unti-unting kinikilo. Mula sa nostalgiafilipinas.blogspot.com.

Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 8 June 2013)

XIAO TIME, 3 July 2013: ANG PISO NI ANITA PARA SA AMANG SI MARCELO DEL PILAR

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Xiao Chua bilang tagapagsalita para sa anibersaryo ng kapanganakan ni Marcelo H. del Pilar sa kanyang pook sinilangan sa Bulakan, Bulacan kasama ang ilang lokal na mga personalidad tulad ng historyador na si Ian Alfonso, Direktor ng Bahay Saliksikan ng Bulacan Dr. Agnes Crisostomo, Curator ng Pook Pangkasaysayang Marcelo H. del Pilar Ka Alex Balagtas, at mga kaanak ng mga del Pilar.

1 July 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=5Iq4vKuVIKo

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  117 years ago, July 4, 1896, sa isang sanatorium sa Espanya, namatay sa sakit na tuberculosis si Marcelo Hilario del Pilar, ang dakilang propagandista.  Marami ang nakakalimot sa mga nagawa ni del Pilar liban marahil sa kanyang Mr. Suave na bigote.  Bakit kaya?  Si Rizal, a-patay ng mga Espanyol, si Bonifacio, a-tapang a tao, pero del Pilar namatay sa ibang bansa?

Marcelo H. del Pilar.

Marcelo H. del Pilar.

Marcelo Hilario del Pilar, ang founder ng Pringles???

Marcelo Hilario del Pilar, ang founder ng Pringles???

Kinulayang bersyon ng sikat na larawan ng tatlong repormista:  Rizal, del Pilar at Ponce.  Mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas.

Kinulayang bersyon ng sikat na larawan ng tatlong repormista: Rizal, del Pilar at Ponce. Mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas.

Andres Bonifacio y Castro.

Andres Bonifacio y Castro.

Kung kikilalanin lamang ng mahusay ang manunulat na nakilalang si Plaridel, mas matagal siyang nanatili sa Pilipinas na harapan na sumusulat at nagrarally pa laban sa mga mapang-abusong prayle at mga opisyales na sibil bago siya tumungo sa Espanya noong 1888 at itatag ang dyaryong La Solidaridad.  Kumbaga a-tapang a tao din ito.

Diariong Tagalog.  Mula sa Revolt of the Masses ni Teodoro Agoncillo.

Diariong Tagalog. Mula sa Revolt of the Masses ni Teodoro Agoncillo.

Super liwanag na scan ng La Solidaridad mula sa koleksyon ng larawan ni Dr. Vic Torres.

Super liwanag na scan ng La Solidaridad mula sa koleksyon ng larawan ni Dr. Vic Torres.

Ang Gobernador Heneral Ramon Blanco mismo ang nagwika na si del Pilar ay ang “pinakamatalinong pinuno, ang tunay na kaluluwa ng mga separatista, mas superyor pa kay Rizal.”  Kung ngayon ang tawag natin sa galit ang salita, ay nag-aalat, si Lolo Marcelo naman ay maanghang kaya nag-alyas din siya na “Siling Labuyo.”  Ngunit ayon kay Dr. Jaime Veneracion, tumamlay ang mga tao at natigil ang mga suportang isandaang piso kada buwan para sa La Solidaridad nina Apolinario Mabini at ng Cuerpo de Compromisarios na mula sa Pilipinas 1894 pa lamang.  Lubos na nakiusap si Del Pilar sa mga sulat kay Mabini na ituloy ang suporta lalo na at tila nahihinog na ang mga pangyayari.

Apolinario Mabini.  Mula sa A Question of Heroes ni Nick Joaquin, sa koleksyon ng Bahay Saliksikan ng Bulacan.

Apolinario Mabini. Mula sa A Question of Heroes ni Nick Joaquin, sa koleksyon ng Bahay Saliksikan ng Bulacan.

Xiao Chua at Dr. Jaime Veneracion sa Baler, 2005.

Xiao Chua at Dr. Jaime Veneracion sa Baler, 2005.

Kung minsan, nagyoyosi na lamang siya ng mga pinulot na upos ng sigarilyo upang makalimutan ang gutom.  Ngunit nagsara ang dyaryo noong May 1895.  Madalas din niyang napapanaginipan ang lupang tinubuan at ang kanyang mga anak na sina Sofia at Anita.  Ayon sa kanya, “Si Sofia hindi sumusulat sa akin. Wala akong balita sa ineng kong si Anita. Parati kong napapanaginip na kandong ko si Anita at kaagapay si Sofia, sa paghahali-halili kong hinahagkan, ay inuulit-ulit rau sa akin ng dalawa: ‘Dito ka na sa amin, tatay, huag kang bumalik sa Madrid.’ Nagising akong tigmak sa luha, at gayon mang sinusulat ko ito ay di ko mapigil-pigil ang umaagos na luha sa mga mata ko.”

Paglalarawan ng Neo- Angono Artists Collective kay Marcelo H. del Pilar bilang modernong peryodista na nagpupulot ng upos ng sigarilyo upang hithitin at makalimutan ang gutom, habang nakatanggap ng isa pang sulat mula sa pamilya.  Nakalagay sa National Press Club Bulding.

Si Plaridel habang humihitit ng upos.  Guhit ni Albert Gamos  mula sa Adarna.

Si Plaridel habang humihitit ng upos. Guhit ni Albert Gamos mula sa Adarna.

Si Plaridel habang nanlalamig malayo sa lupang tinubuan.  Guhit nina Albert E. Gamos at Leo A. Cultura/  Mula sa Adarna.

Si Plaridel habang nanlalamig malayo sa lupang tinubuan. Guhit nina Albert E. Gamos at Leo A. Cultura/ Mula sa Adarna.

Magugunita na nang malaman ang pagkagutom ng ama, binasag ni Anita ang kanyang alkansya at ang pisong naipon ay ipinakiusap sa ina na ipadala sa kanya.  Napaluha ang ama nang matanggap ang piso ng bunso.

Ang pag-aalay ng Piso ni Anita para sa amang si Plaridel.  Guhit nina Albert E. Gamos at Leo A. Cultura/  Mula sa Adarna.

Ang pag-aalay ng Piso ni Anita para sa amang si Plaridel. Guhit nina Albert E. Gamos at Leo A. Cultura/ Mula sa Adarna.

Lupaypay sa pagod at gutom, natagpuang patay si del Pilar na nakaupo, nagpipilit magsulat pa.  Malaki ang naging epeko nito sa kanyang anak na si Anita.  Sa kwento ng kanyang anak na si Padre Vicente del Pilar Marasigan, S.J., nang ang kanyang amang si Vicente ay magnais na lumabas sa mga Hapones nang bumagsak ang Bataan, nag-away ang mag-asawa.  Para sa kabutihan ng bayan ito sabi ni Vicente.  Tumaghoy si Anita, “Lagi na lang bang para sa kabutihan ng bayan?” 

Ang pagkamatay ni del Pilar sa paglilok ni Guillermo Tolentino.  Mula kay Antonio Valeriano.

Ang pagkamatay ni del Pilar sa paglilok ni Guillermo Tolentino. Mula kay Antonio Valeriano.

Malungkot na larawan ni Anita del Pilar de Marasigan sa kanyang kasal kay Vicente Marasigan.  Fixed marriage kasi.  Pero matututunan niya ring mahalin si Vicente.  Mula sa filipinoscribbles.wordpress.com.

Monumento ni Marcelo H. del Pilar sa kanyang kasalukuyang libingan sa kanyang Dambana sa Bulakan, Bulacan, kung saan siya isinilang.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcelo H. del Pilar, na pinangangasiwaan ni Ka Alex Balagtas.

Oo nga naman, nawalan siya ng ama para sa kabutihan ng bayan.  Tayo, bayan, pinapahalagahan ba natin ang sakripisyo nila?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time. (Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)

XIAO TIME, 28 June 2013: ANG ARAW NG PAGKAKAIBIGANG PILIPINO-ESPANYOL (ANG SIEGE OF BALER)

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler kung saan naganap ang isang makasaysayang pangyayari na halos nalimot na ng mga Pilipino.  Mula kay Ian Alfonso.

Ang Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler kung saan naganap ang isang makasaysayang pangyayari na halos nalimot na ng mga Pilipino. Mula kay Ian Alfonso.

28 June 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=lVicfCDia5I

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  114 years ago, June 30, 1899, naglabas ng proklamasyon si Heneral Emilio Aguinaldo mula sa kanyang punong himpilan sa Tarlac, Tarlac na tumitiyak sa kaligtasan ng mga huling sundalong Espanyol sa Pilipinas na sumuko matapos ang isang-taong Pagkubkob sa Baler.

Ang mga huling Espanyol na sumuko sa mga Pilipino sa Baler, 1899.

Ang mga huling Espanyol na sumuko sa mga Pilipino sa Baler, 1899.

Ayon kay Dr. Jaime B. Veneracion, nang siya ay tumungo sa Espanya, nasorpresa siya na liban sa Maynila, ang tanging lugar sa Pilipinas na alam ng mga Espanyol ay ang Baler na ngayon ay nasa lalawigan ng Aurora.  Ngunit bakit ang liblib na lugar na ito?  Para sa mga Espanyol, bayani ang kanilang mga sundalong huling sumuko sa Pilipinas at isinapelikula pa ang buhay nila doon “Los Ultimos de Filipinas”—ang mga pinakahuling nagtanggol sa Pilipinas.

Si Xiao Chua kasama si Dr. Jaime B. Veneracion sa Baler, 2006.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua kasama si Dr. Jaime B. Veneracion sa Baler, 2006. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang poster ng pelikulang Los Ultimos de Filipinas.

Ang poster ng pelikulang Los Ultimos de Filipinas.

Bakit kamangha-mangha ang kwentong ito sa mga Espanyol?  Matapos lumaban muli sina Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo sa mga Espanyol at iproklama ang kasarinlan, nagkuta ang ilang mga sundalong Espanyol sa lumang Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler.

Isang paglalarawan ng Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler sa panahon ng mga kaganapan noong 1898-1899.

Isang paglalarawan ng Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler sa panahon ng mga kaganapan noong 1898-1899.

Ang kampana sa bukana ng bayan ng Baler noong panahon ng Espanyol.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang kampana sa bukana ng bayan ng Baler noong panahon ng Espanyol. Mula sa Pacto de Sangre.

Noong June 26, 800 mga katipon sa pangunguna ni Teodorico Novicio Luna, kamag-anak nina Juan at Antonio Luna, ang kumubkob sa simbahan.  Dahil nabalitaan ng pinuno ng Katipunan Cirilo Gomez Ortiz ang kaawa-awang kalagayan ng mga sundalong Espanyol na nagsisiksikan sa isang maliit na lugar, nag-alok siya ng mga pagkain at damit sa mga ito para sa pagtigil ng laban.  Upang patunayan ang sinseridad, nagpadala pa siya ng mga yosi at minatamis.  Tinanggihan ng mga Espanyol ang alok, sinabing tuloy ang laban, at kasama ng sagot ay isang alak na sherry upang matungga ng mga Pilipino.

Pinaniniwalaang ang rebolusyunaryong may espada ay si Teodorico Luna.  Mula kay Luis Tecson.

Pinaniniwalaang ang rebolusyunaryong may espada ay si Teodorico Luna. Mula kay Luis Tecson.

Ang Pagkubkob sa Baler.

Ang Pagkubkob sa Baler.

Ang mga rebolusyunaryo ng Baler. Mula sa Amistad Duradera

Ang mga rebolusyunaryo ng Baler. Mula sa Amistad Duradera

Ang punong himpilan ng nga mapanghimagsik sa Baler.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang punong himpilan ng nga mapanghimagsik sa Baler. Mula sa Pacto de Sangre.

Kapitan Enrique de las Morenas.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Kapitan Enrique de las Morenas, ang unang komender ng mga pwersang Espanyol sa Baler na namatay ilang buwan matapos silang magkuta sa simbahan. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Ang mga uniporme ng mga sundalong Espanyol sa Baler.

Ang mga uniporme ng mga sundalong Espanyol sa Baler.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Isang paglalarawan ng Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler sa panahon ng mga kaganapan noong 1898-1899.  Mula sa Pacto de Sangre.

Isang paglalarawan ng Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler sa panahon ng mga kaganapan noong 1898-1899. Mula sa Pacto de Sangre.

Halos isang taon na hindi sumuko ang mga Espanyol kahit hindi tumigil ang mga Pinoy na salakayin sila lagi at umarkila pa ng dalawang magtatalik sa harap mismo ng simbahan upang takamin ang mga Espanyol na sumuko na.  Dumating ang mga Amerikano upang iligtas ang mga huling Espanyol upang sumuko sa kanila ngunit tinambangan sila ng mga Pilipino.  Hanggang makarating ang isang diyaryo, sa wakas, sa pinuno ng mga Espanyol na si Tinyente Saturnino Martin Cerezo kaya nagdesisyon itong sumuko sa mga Pilipino nang malamang wala na ang mga Espanyol.

Isang paglalarawan ng Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler sa panahon ng mga kaganapan noong 1898-1899.  Mula sa Pacto de Sangre.

Isang paglalarawan ng Simbahan ng San Luis Obispo de Tolosa sa Baler sa panahon ng mga kaganapan noong 1898-1899. Mula sa Pacto de Sangre.

Tinyente Saturnino Martin Cerezo.  Mula sa Pacto de Sangre.

Tinyente Saturnino Martin Cerezo. Mula sa Pacto de Sangre.

Ang mga huling Espanyol na sumuko sa mga Pilipino sa Baler, 1899.

Ang mga huling Espanyol na sumuko sa mga Pilipino sa Baler, 1899.

Ang mga huling Espanyol na sumuko sa mga Pilipino sa Baler, 1899.

Ang mga huling Espanyol na sumuko sa mga Pilipino sa Baler, 1899.

Ikinuwento ni Luis Zamora Tecson sa kanyang aklat kung paanong ang kanyang lolo na si Koronel Simon Tecson ay pumayag na hindi tratuhin na mga bihag ang mga Espanyol na 337 days na nagkuta sa simbahan.  Sa mahigit 50 sundalong unang nagkuta sa Baler, 31 na lamang ang lumabas ng buhay noong June 2, 1899.  Ngunit nasorpresa sila sa kanilang paglabas, sinalubong sila ng mga Pinoy nang sumisigaw, “Amigos, amigos!”  At sa Tarlac, opisyal na ipinahayag ni Pangulong Aguinaldo, “Ang nasabing pangkat ay hindi dapat ituring na mga bihag, sa halip dapat tanggapin sila na mga kaibigan.”  Nakabalik ng maluwalhati ang mga sundalo sa Espanya.

Luis Tecson, sinasabing apo ni Simon Tecson, ang pinuno ng mga taga San Miguel de Mayumo, Bulacan na nagpasuko sa mga huling Espanyol sa Baler.

Luis Tecson, sinasabing apo ni Simon Tecson, ang pinuno ng mga taga San Miguel de Mayumo, Bulacan na nagpasuko sa mga huling Espanyol sa Baler.

Simon Tecson.  Mula kay Luis Tecson.

Simon Tecson. Mula kay Luis Tecson.

Ang Casa Gobierno de Tarlac, ang punong himpilan ni Heneral Emilio Aguinaldo kung saan niya inilabas ang proklamasyon ng June 30, 1899.

Ang Casa Gobierno de Tarlac, ang punong himpilan ni Heneral Emilio Aguinaldo kung saan niya inilabas ang proklamasyon ng June 30, 1899.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ang Proklamasyon ni Heneral Aguinaldo ng June 30, 1899 mula sa Tarlac, Tarlac.

Ang Proklamasyon ni Heneral Aguinaldo ng June 30, 1899 mula sa Tarlac, Tarlac.

Sa pagsisikap ng mga katulad ni Exequiel Sabarillo, residenteng Pilipino sa Madrid, at Dr. Veneracion, naisabatas ni Senador Edgardo Angara, tubong Baler, ang pagkakaroon ng Philippine-Spanish Friendship Day tuwing June 30 dahil sa araw na iyon, ipinakita kapwa ang tapang ng mga Espanyol at ang kabutihan ng mga Pilipino.

Si Senador Edgardo Angara, pinapagitnaan ni G. Ronnie Amuyot at ni Xiao Chua, Baler, Aurora, June 29, 2005.

Si Senador Edgardo Angara, pinapagitnaan ni G. Ronnie Amuyot at ni Xiao Chua, Baler, Aurora, June 29, 2005.

Si Xiao Chua kasama si Senador Edgardo J. Angara sa Museo de Baler, June 30, 2005.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua kasama si Senador Edgardo J. Angara sa Museo de Baler, June 30, 2005. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua (dulong kanan) kasama sina Prop. Raymund Arthur G. Abejo, Dr. Jaime B. Veneracion, Governor Bellaflor Angara, Senator Edgardo Angara, Dr. Regino Paular at Dr. Ferdinand Llanes. kasama ang ang Batang Baler sa Moro Watchtower, June 30, 2006.  Mula sa Batang Baler.

Si Xiao Chua (dulong kanan) kasama sina Prop. Raymund Arthur G. Abejo, Dr. Jaime B. Veneracion, Governor Bellaflor Angara, Senator Edgardo Angara, Dr. Regino Paular at Dr. Ferdinand Llanes. kasama ang ang Batang Baler sa Moro Watchtower, June 30, 2006. Mula kay Batang Baler, Joseph T. Gonzales.

Si Congressman, ngayon ay Senador Juan Edgardo "Sonny" Angara bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng Araw ng Pagkakaibigang Pilipino-Espanyol sa Baler, June 30, 2006.  Mula kay Batang Baler

Si Congressman, ngayon ay Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng Araw ng Pagkakaibigang Pilipino-Espanyol sa Baler, June 30, 2006. Mula kay Batang Baler, Joseph T. Gonzales.

Si Congressman, ngayon ay Senador Juan Edgardo "Sonny" Angara bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng Araw ng Pagkakaibigang Pilipino-Espanyol sa Baler, June 30, 2006.

Si Congressman, ngayon ay Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng Araw ng Pagkakaibigang Pilipino-Espanyol sa Baler, June 30, 2006.  Mula kay Batang Baler, Joseph T. Gonzales.

Ang mga kaguruan noon ng Up Departamento ng Kasaysayan kasama ang mga Angara, Museo de Baler, June 30, 2006.

Ang mga kaguruan noon ng UP Departamento ng Kasaysayan kasama ang mga Angara, Museo de Baler, June 30, 2006.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua sa Baler, June 30, 2006.

Si Xiao Chua sa Baler, June 30, 2006.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Pinakita rin na hindi natatapos ang kolonyalismong Espanyol sa pagsuko ng Espanya sa Amerika sa isang pekeng labanan, kundi doon sa Baler noong 1899 sa pagsuko ng kanilang mga sundalo sa nagsasariling Pamahalaang Pilipino.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)

XIAO TIME, 4 June 2013: SI BAMBALITO, ANG UNANG DOKUMENTADONG MARTIR PARA SA KALAYAAN NG BANSA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

"Rajah Sulayman's Last Stand at Maynila, June 3, 1521."  Isang obrang watercolor na ginawa ni Dan H. Dizon na lumitaw sa In The Grade School Magazine, 1964.  Sa kagandahang loob ni Director Robby Tantingco ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

“Rajah Sulayman’s Last Stand at Maynila, June 3, 1521.” Isang obrang watercolor na ginawa ni Dan H. Dizon na lumitaw sa In The Grade School Magazine, 1964. Sa kagandahang loob ni Director Robby Tantingco ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.  Hindi si Rajah Soliman kundi si Bambalito.

3 June 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=J7iNNLWpSUU

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  442 years ago, June 3, 1571, naganap ang Battle of Bangkusay sa Tondo sa pagitan ng mga Kapampangan at mga Espanyol.  Sa mga primaryang batis tulad ng sinulat ni Miguel Lopez de Legaspi, hindi pinangalanan ang kabataang pinuno ng mga Makabebe na namatay sa laban.  Ngunit, hanggang ngayon, pinapakalat na ang pinunong napatay ay si Rajah Soliman, ang Hari ng Maynila.  Nakakaloka lang kasi after a few years, 1574, si Rajah Soliman ay makikita na sumabay sa pag-atake ng Tsinong piratang Limahong sa Maynila.  Huh???  Patay nabuhay??? Ano yun multo???

Rajah Soliman, mula sa "History of Manila" mural ni Carlos "Botong" Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal.  Nasa City Hall ng Maynila.

Rajah Soliman, mula sa “History of Manila” mural ni Carlos “Botong” Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal. Nasa City Hall ng Maynila.

Nakalagay sa caption ng isang lupang opisyal na publikasyon ng Pamahalaang Panlungsod ng Manila, Building a Better Manila, na si Rajah Soliman ang namatay sa Labanan sa Bangkusay.  Mali.

Nakalagay sa caption ng isang lupang opisyal na publikasyon ng Pamahalaang Panlungsod ng Manila, Building a Better Manila, na si Rajah Soliman ang namatay sa Labanan sa Bangkusay. Mali.  Obra ni Botong Francisco.

Si Rajah Soliman at si Limahong sa mural ni Botong Francisco "History of Manila."

Si Rajah Soliman at si Limahong sa mural ni Botong Francisco “History of Manila.”

Ang confusion ay nagsimula nang pangalanan ni Pedro Paterno sa kanyang Historia de Filipinas ang pinuno bilang si “Toric Soleiman.”  So ayun, kaya inakala ng mga taga Maynila na ito ang kanilang huling hari.  Naisulat ito sa mga libro, napatayuan ng mga monumento, nailagay sa mga likhang-sining, si Rajah Soliman, ang bayani ng Maynila, ang bayani ng Bangkusay!

Monumento para sa palabang si Rajah Soliman sa Liwasang Rajah Sulayman sa harap ng Simbahan ng Malate sa Maynila.  Sa totoo lang, isinuko niya rin sa huli ang Maynila sa mga Espanyol.

Ang busto para kay Rajah Soliman sa Luneta na nagpapakita sa bakal na siya ang bayaning namatay sa Labanan sa Bangkusay.

Ang busto para kay Rajah Soliman sa Luneta na nagpapakita sa bakal na siya ang bayaning namatay sa Labanan sa Bangkusay.

Ang busto para kay Rajah Soliman sa Luneta na nagpapakita sa bakal na siya ang bayaning namatay sa Labanan sa Bangkusay.  Inilagay ang mga ito noong panahon ng Sentenaryo kasama ng iba pang hindi masyadong kilalang bayani.

Muli, ang bayani ng Bangkusay ay hindi si Rajah Soliman kundi isang kabataang pinunong Makabebe.  At ito ang kanyang kwento.  Nang muling bumalik ang mga Espanyol sa pamumuno ni Legaspi upang tuluyang masakop ang Maynila noong 1571, ayon sa mga tala, nag-organisa ang mga Makabebe ng pwersang lalaban sa mga mananakop at sinamahan sila ng mga kaharian sa tabi ng Ilog Pampanga tulad ng mga taga Hagonoy sa Bulacan.  Ang pwersa nila ay umabot ng 2,000 katao sakay ng 40 karakoa, ang sinaunang warship ng mga ninuno natin, na nagpapakita ng kapangyarihang naval ng mga Kapampangan noon.

Encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570.  Mula sa Pacto de Sangre.

Encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Mula sa Pacto de Sangre.

Miguel Lopez de Legaspi.  Mula sa La Ilustracion Filipina.

Miguel Lopez de Legaspi. Mula sa La Ilustracion Filipina.

Miguel Lopez de Legaspi.  Mula sa La Ilustracion Filipina.

Miguel Lopez de Legaspi. Mula sa La Ilustracion Filipina.

Sina Bambalito at ang mga taga Hagonoy, mula sa "Kasaysayan ng Bulakan Mural sa Hiyas ng Bulacan Museum, Capitol Complex, Malolos, Bulacan.  Obra ng mga tagapagtatag na kasapi ng Lakan-Sining ng Bulacan sa ilalim ni Guillermo Tolentino, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal, sa pananaliksik ni Jose P.W. Tantoco.  Kuha ni Xiao Chua.

Sina Bambalito at ang mga taga Hagonoy, mula sa “Kasaysayan ng Bulakan Mural sa Hiyas ng Bulacan Museum, Capitol Complex, Malolos, Bulacan. Obra ng mga tagapagtatag na kasapi ng Lakan-Sining ng Bulacan sa ilalim ni Guillermo Tolentino, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal, sa pananaliksik ni Jose P.W. Tantoco. Kuha ni Xiao Chua.

Karakoa

Karakoa

Karakoa, obra ni Bernard Lacanlale.  Mula kay Ian Christopher Alfonso.

Karakoa, obra ni Bernard Lacanlale. Mula kay Ian Christopher Alfonso.

Humimpil sila sa Bangkusay, sa Tondo at nakipag-usap kay Lakan Dula, na nauna nang ibinigay ang Tondo sa mga Espanyol.  Nakipagkasundo siya sa batang pinuno, kung makakapatay raw sila ng higit 50 mga Espanyol, sasama ang mga taga Tondo sa laban.  Nilapitan din ng mga emisaryong Espanyol ngunit kanyang sinabi sa kanila nang nakataas ang kanyang kampilan, “Nawa’y lintikan ako ng araw at hatiin sa dalawa, at nawa’y bumagsak ako sa kahihiyan sa harapan ng mga kababaihan upang kamuhian nila ako, kung maging sa isang sandali ay maging kaibigan ko ang mga Kastilang ito!”

"Brave Warrior."  Obra ni Dan H. Dizon, 1979.  Sa kagandahang loob ni Director Robby Tantingco ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

“Brave Warrior.” Obra ni Dan H. Dizon, 1979. Sa kagandahang loob ni Director Robby Tantingco ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Tsaka ang lolo mo ay lumundag sa bahay nang hindi gumagamit ng anumang hagdanan at tumungo na sa kanyang karakoa, nag-iwan ng habiling magtutuos sila sa Bangkusay.  Naghiyawan ang mga taumbayan.  Ngunit sa labanang iyon, sa kwento mismo ni Padre Gaspar de San Agustin, hindi nakitaan ang pinunong “pinakamatapang sa buong isla” ng anumang kahinaan o pagkalito sa pakikipaglaban nang malapitan sa mga Espanyol sakay ng kanyang karakoa hanggang ang kabataang pinuno ay matamaan ng bala at mamatay.

Pabalat ng "Conquistas de las Islas Filipinas, 1565-1615" ni Padre Gaspar de San Agustin.

Pabalat ng “Conquistas de las Islas Filipinas, 1565-1615″ ni Padre Gaspar de San Agustin.

Martin de Goiti, ang namuno sa mga Espanyol na sumagupa sa mga Macabebe.  Mula sa Ayala Museum.

Martin de Goiti, ang namuno sa mga Espanyol na sumagupa sa mga Macabebe. Mula sa Ayala Museum.

Nang makita ito ng mga tao niya, nagsipulasan na sila.  Sa isang dokumentong sinulat noong 1590, pinangalanan ang kabataang pinuno na ito na si Bambalito.  Si Lapulapu ang unang dokumentadong bayani na nakipaglaban sa mga mananakop, si Bambalito naman ang pinakaunang dokumentadong martir para sa kalayaan ng bansa.

Bambalito.  Obra ni Joel Pabustan Mallari mula sa Singsing:  Memorable Kapampangans ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Bambalito. Obra ni Joel Pabustan Mallari mula sa Singsing: Memorable Kapampangans ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Monumento para kay Bambalito sa Plaza ng Macabebe.  Kuha ni Ian Christopher Alfonso ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Monumento para kay Bambalito sa Plaza ng Macabebe. Kuha ni Ian Christopher Alfonso ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Inskripsyon sa monumento ni Bambalito sa Macabebe, Pampanga.  Kuha ni Ian Christopher Alfonso ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Inskripsyon sa monumento ni Bambalito sa Macabebe, Pampanga. Kuha ni Ian Christopher Alfonso ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Nakilala man ang mga Kapampangan sa pagiging hukbo ng mga Espanyol at siyang humuli kay Heneral Aguinaldo, mula kay Bambalito, Luis Taruc hanggang kay Ninoy Aquino, nakipaglaban din ang mga Kapampangan para sa kalayaan ng bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 25 May 2013, mula sa pananaliksik nina Robby Tantinco, Ian Alfonso at Vic Torres)

XIAO TIME, 22 May 2013: ANG KAHALAGAHAN NG BAHAY KUBO SA KULTURA NG MUNDO (Part 2)

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

William LeBaron Jenney, ang Ama ng modernong American Skyscraper.  Ano ang kinalaman ng Bahay Kubo sa kanya?  Basahin sa ibaba.

William LeBaron Jenney, ang Ama ng modernong American Skyscraper. Ano ang kinalaman ng Bahay Kubo sa kanya? Basahin sa ibaba.

22 May 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=bsA7wSdWUQw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Tulad ng nabanggit kahapon, ang Bahay Kubo o Bahay Austronesyano ay simbolo ng galing nating umangkop sa kapaligiran at klima sa ating bansa.  Na sa kabila ng tropical na init, magkamit tayo ng ginhawa.  Ngunit ano ang nangyari sa Bahay Kubo sa panahong ng Kolonyalismo at pagdating ng impluwensyang banyaga?  Akala natin, ang mga bahay na ipinatayo ng mga Espanyol sa Pilipinas ay tinawag na Spanish houses, ngunit sasabihin sa iyo ng Kastila, “Walang ganyan sa Spain…” LOL.

Bahay Austronesyano.  Isang paglalarawan.

Bahay Austronesyano. Isang paglalarawan.

Mga bahay na bato sa Calle Crisologo sa Vigan, tinatawag na "Spanish Houses."  Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Mga bahay na bato sa Calle Crisologo sa Vigan, tinatawag na “Spanish Houses.” Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Totoong mga bahay sa Espanya, hindi ganito ang mga bahay na bato.  Mula sa featurepics.com.

Totoong mga bahay sa Espanya, hindi ganito ang mga bahay na bato. Mula sa featurepics.com.

Spanish houses.  Mula sa i.teegraph.co.uk.

Spanish houses. Mula sa i.teegraph.co.uk.

Spanish houses sa Espanya.  Mula sa spanishinladproperties.com.

Spanish houses sa Espanya. Mula sa spanishinladproperties.com.

Kasi nang dumating ang Espanyol, ang mga bahay na bato na ipinatayo nila ayon kina Prop. Felipe de Leon, Jr. at Dr. Fernando Nakpil Zialcita, ay bahay kubo rin na nagbago, pero naroon pa rin ang diwa na magkaroon ng ginhawa–malalaking bubong, matataas na kisame, malalaking bintana, may silong at mga materyales na galing sa kalikasan sa ikalawang palapag na siyang tinitirhan.

Xiao Chua at si Prop. Felipe de Leon, Jr. Unibersidad ng Pilipinas Diliman, March 10, 2006.

Xiao Chua at si Prop. Felipe de Leon, Jr. Unibersidad ng Pilipinas Diliman, March 10, 2006.

Xiao Chua at si Dr. Fernando Nakpil Zialcita, Pamantasang Ateneo de Manila, July 24, 2008.

Xiao Chua at si Dr. Fernando Nakpil Zialcita, Pamantasang Ateneo de Manila, July 24, 2008.

Rekonstruksyon ng bahay na bato ng mga Rizal sa Dapitan.  Dinisenyo ni Arkitekto Juan Nakpil, Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura batay sa mga historikal na datos.  Mula sa Lolo Jose:  An Intimate Portrait of Jose Rizal ni Asuncion Lopez-Bantug.

Tulad sa bahay kubo, matataas ang bubong at kisame, at malalaki ang bintana ng mga kolonyal na bahay upang umangkop na mainit at tropikal na klima.  Mula sa Casas Filipinas de Acuzar.

Tulad sa bahay kubo, matataas ang bubong at kisame, at malalaki ang bintana ng mga kolonyal na bahay upang umangkop na mainit at tropikal na klima. Mula sa Casas Filipinas de Acuzar.

Mga bintanang capiz at iba pang mga materyales na mula sa kalikasan natin ang makikita sa bahay na bato, tulad din sa bahay kubo.  At ikalawang palapag lamang ang tinitirhan.  Mula sa aenet.org.

Mga bintanang capiz at iba pang mga materyales na mula sa kalikasan natin ang makikita sa bahay na bato, tulad din sa bahay kubo. At ikalawang palapag lamang ang tinitirhan. Mula sa aenet.org.

Tulad sa bahay kubo ang mga bahay na bato ay may mga silong na hindi tinitirhan.  Isang patio ng bahay sa Intramuros, ang lumang Maynila, 1900.  Koleksyon Dr. Luis Camara Dery.

Tulad sa bahay kubo ang mga bahay na bato ay may mga silong na hindi tinitirhan. Isang patio ng bahay sa Intramuros, ang lumang Maynila, 1900. Koleksyon Dr. Luis Camara Dery.

Mula sa ideasbeyondborders.com/

Mula sa ideasbeyondborders.com/

Mula sa ideasbeyondborders.com.

Mula sa ideasbeyondborders.com.

Hindi ibig sabihin na kung babalikan ang kulturang Pilipino, magbahay kubo na tayo ulit, kundi nagpapakita na nagbabago ang kultura sa pag-agos ng panahon.  Dinamiko.  Nasasalamin pa rin ang diwa ng Bahay Austronesyano maging sa mga gusaling Gabaldon, Palma at Melchor Hall ng UP, mga ordinaryong bungalow na nagbibigay ng ginhawa lalo kung may airconditioning, at inspirasyon ni Leandro Locsin ang hugis ng Bahay Kubo sa kanyang disenyo para sa teatro ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.

Ang diwa ng bahay Austronesyano o bahay kubo ay makikita pa rin sa...

Ang diwa ng bahay Austronesyano o bahay kubo ay makikita pa rin sa…

Mga gusaling pampaaralan na Gabaldon na ipinatayo noong panahon ng mga Amerikano.

Mga gusaling pampaaralan na Gabaldon na ipinatayo noong panahon ng mga Amerikano.

Ang Bulwagang Palma sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman na dinisenyo ni Arkitekto Cesar Concio.  Mula sa http://kahayl.tumblr.com/.

Ang Bulwagang Palma sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman na dinisenyo ni Arkitekto Cesar Concio. Mula sa http://kahayl.tumblr.com/.

Leandro Locsin, Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura.

Leandro Locsin, Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura.

Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.  Obra ni Arkitekto Leandro Locsin.  Inspirasyon ang alon ng dating dagat na pinagtayuan ng gusali at ang hugis ng bahay kubo.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Obra ni Arkitekto Leandro Locsin. Inspirasyon ang alon ng dating dagat na pinagtayuan ng gusali at ang hugis ng bahay kubo. Mula sa Marcos Presidential Center.

Ngunit kung kamagha-mangha ito, mas kamangha-mangha na may impluwensya sa buong mundo ang ating Bahay Austronesyano.  Huh???  Talaga.  Nabanggit sa akin ito ng manunulat na si A.Z. Juan Jose Jollico Cuadra na sumakabilang buhay nito lamang April 30, 2013.  Ito ang kwento ni William Le Baron Jenney.

Si Xiao Chua at si A.Z. Jollico Cuadra, Calamba, Laguna, June 19, 2009.

Si Xiao Chua at si A.Z. Jollico Cuadra, Calamba, Laguna, June 19, 2009.

Si A. Z. Jollico Cuadra (May 24, 1939-April 30, 2013), "Enfant terrible of Philippine art noong Dekada 1960 at tinaguriang Byron ng Literaturang Pilipino.  Mula kay Josephine Manapsal ng Celyo Rizal, Inc.

Si A. Z. Jollico Cuadra (May 24, 1939-April 30, 2013), “Enfant terrible of Philippine art noong Dekada 1960 at tinaguriang Byron ng Literaturang Pilipino. Mula kay Josephine Manapsal ng Celyo Rizal, Inc.

Isinilang noong 1832 sa Fairhaven, Massachusetts, sa isang amang nagmamay-ari ng isang kumpanya ng mga barko.  Siya ay kabilang sa engineering staff ni Heneral Ulysses Grant noong Digmaang Sibil sa Estados Unidos.

Firmadong larawan ni William LeBaron Jenney.

Firmadong larawan ni William LeBaron Jenney.

Heneral Ulysses Grant

Heneral Ulysses Grant

Ang nagpapakita ng First Minnesota Regiment noong digmaang sibil sa Estados Unidos.  Mula sa nationalguardmil.com.

Ang nagpapakita ng First Minnesota Regiment noong digmaang sibil sa Estados Unidos. Mula sa nationalguardmil.com.

Noong 1850, tatlong buwan na bumisita sa Pilipinas sakay ng isa sa barko ng kanyang ama, napansin ng arkitekto at inhinyerong si Jenney nang minsang bumagyo na ang istruktura ng mga bahay sa Pilipinas ay napakagaan at napaka-flexible.  Sumayaw-sumunod lamang sa lakas ng bagwis ng sigwa.  Ayon sa mga tala, ito ang nag-inspire sa kanya na gayahin ang flexibility ng frame ng Bahay Austronesyano.  Noong 1879, ipinatayo niya ang unang Leiter Building at noong 1884, ipinatayo niya sa Chicago ang Home Insurance Building, ang unang metal-frame skyscraper sa Estados Unidos.

William LeBaron Jenney, na naging inspirasyon ang Bahay Kubo sa kanyang pinausong disenyo ng gusali.  Itinuturing na Ama ng modernong American skyscraper.

William LeBaron Jenney, na naging inspirasyon ang Bahay Kubo sa kanyang pinausong disenyo ng gusali. Itinuturing na Ama ng modernong American skyscraper.

Leiter building 1 (1879).  Disenyo ni Jenney.  Mula sa artificeimages.com.

Leiter building 1 (1879). Disenyo ni Jenney. Mula sa artificeimages.com.

Home Insurance Building sa Chicago (1884), unang metal frame skyscraper sa Estados Unidos.  Inspirasyon mula sa bahay kubo.

Home Insurance Building sa Chicago (1884), unang metal frame skyscraper sa Estados Unidos. Inspirasyon mula sa bahay kubo.

Si Jenney ang tinuturing na Ama ng Modernong American Skyscraper na naging modelo ng mga matatayog na gusali sa daigdig, at noong 1998, nagtamo ng ranggong 89 sa aklat na 1,000 Years, 1,000 People: Ranking the Men and Women Who Shaped the Millennium.

36 nagpapakita sa atin na tunay na maipagmamalaki

Bahay Kubo.  Obra maestra ni Cesar Buenaventura.

Bahay Kubo. Obra maestra ni Cesar Buenaventura.

Bulkang Mayon at Bahay Kubo.  Obra ni Anna Baker mula sa fineartamerica.com.

Bulkang Mayon at Bahay Kubo. Obra ni Anna Baker mula sa fineartamerica.com.

Ang mga skyscraper sa downtown Manhattan.  Sino ang mag-aakalang ang mga matatayog na gusaling ito ay may batayang dinisenyo naghango ng inspirasyon mula sa bahay na Pilipino.  Mula sa famouswonders.com.

Pasakalye:  "Lunch Atop a Skyscraper."  Tanyag na larawan.

Pasakalye: “Lunch Atop a Skyscraper.” Pinapakita ang mga gusali sa Manhataan, New York at ang pamosong Central Park.  Tanyag na larawan.

Hanep pala ang ating bahay kubo, nagpapakita sa atin na tunay na maipagmamalaki ang arkitekturang Pilipino na hindi lamang pala nagbibigay ginhawa sa bayang ito, nagbigay pamana pa at nag-impluwensyahan ng arkitektura ng buong daigdig.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 11 May 2013)

XIAO TIME, 17 May 2013: ARISTON BAUTISTA @ 150

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Jose Rizal, Juan Luna at Ariston Bautista-Lin, detalye ng "Parisian Life" ni Juan Luna.  Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.  Kuha ni Xiao Chua.

Si Jose Rizal, Juan Luna at Ariston Bautista-Lin, detalye ng “Parisian Life” ni Juan Luna. Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Kuha ni Xiao Chua.

17 May 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=CeblM8hsAMg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  May isang kontrobersyal na painting na nabili ng pamahalaang Pilipino noong 2002 sa pamamagitan ng GSIS na ipininta ng bayaning si Juan Luna noong 1892.  Nabili natin ang obra maestrang “Parisian Life” sa halagang 46 Million Pesos!

Ang "Parisian Life" ni Juan Luna.  Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.  Kuha ni John Ray Ramos.

Ang “Parisian Life” ni Juan Luna. Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Kuha ni John Ray Ramos.

Nagpapakita ito ng isang babaeng nakaupo sa isang Parisian Café na pinagmamasdan ng tatlong lalake.  Ang mga lalaki pala na ito ay sina Jose Rizal, si Juan Luna ang pintor, at ang may-ari ng painting na si Ariston Bautista y Limpingco.  Huh???  Who’s that Pokemón???

Tingnan ang larawan na ito ni Ariston Bautista, lagyan mo lang ng sombrero, pati pose ay katulad ng hitsura ng ikatlong lalaki sa "Parisian Life."  Kuha ni Xiao Chua mula sa GSIS Museo ng Sining.

Tingnan ang larawan na ito ni Ariston Bautista, lagyan mo lang ng sombrero, pati pose ay katulad ng hitsura ng ikatlong lalaki sa “Parisian Life.” Kuha ni Xiao Chua mula sa GSIS Museo ng Sining.

Isa siya sa mga hindi kilalang bayani ng ating bayan.  Ngayong taon, ipinagdiwang natin ang 150th anniversary ng kanyang kapanganakan sa Sta Cruz, Maynila, February 25, 1863.  Bilang bahagi ng pagdiriwang, inanyayahan ako at ang isang bagong gradweyt ng BA History na ginawang tesis si Ariston Bautista na si Patricza Torio ng GSIS Museo ng Sining na magsalita ukol sa bayaning Tsinoy sa kanyang mismong bahay na ipinatayo, Ang Bahay Nakpil-Bautista Museum noong May 4.

Prop. Michael Charleston "Xiao" Chua

Prop. Michael Charleston “Xiao” Chua

Patricza "Pat" Torio

Patricza “Pat” Torio

Lektura sa pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ni Ariston Bautista-Lin.  Kuha ni John Ray Ramos.

Lektura sa pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ni Ariston Bautista-Lin. Kuha ni John Ray Ramos.

Si Prop. Bobbie Santos-Viola, kaanak ni Julio Nakpil, Ariston Bautista (standee), Xiao Chua at Joshua Duldulao.  Kuha ni John Ray Ramos.

Si Prop. Bobbie Santos-Viola, kaanak ni Julio Nakpil, Ariston Bautista (standee), Xiao Chua at Joshua Duldulao.  May dalawang eksibit ngayong taon ukol sa buhay ni Ariston Bautista-Lin, sa GSIS Museo ng Sining at sa mas maliit na replica nito sa Bahay Nakpil-Bautista.  Kuha ni John Ray Ramos.

Isang mayamang estudyante ng medisina, nang magkaroon ng epidemya ng kolera noong 1880s, ibinigay niya ang kanyang serbisyo sa paggamot sa mga may karamdaman ng libre.  Nagtungo siya sa Europa at naging bahagi ng Kilusang Propaganda at ng La Solidaridad.

Ang mga anak ni Manuel Lin Bautista kasama ang kanilang tiyo na si Ariston Bautista.  Clockwise mula sa pinaka-kanan:  Dr. Ariston, Petra Bautista, Mariano Bautista, Enrique Bautista, Ariston Bautista, at Marina Bautista.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.  Kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ang mga anak ni Manuel Lin Bautista kasama ang kanilang tiyo na si Ariston Bautista. Clockwise mula sa pinaka-kanan: Dr. Ariston, Petra Bautista, Mariano Bautista, Enrique Bautista, Ariston Bautista, at Marina Bautista. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Grupo ng mga propagandista sa Espanya, hanapin niyo nga si Rizal at si del Pilar?

Grupo ng mga propagandista sa Espanya, hanapin niyo nga si Rizal, Marcelo del Pilar at Ariston Bautista?

Si Ariston Bautista (gitna) kasama ng mga propagandista sa Espanya.  GSIS Museum

Si Ariston Bautista (gitna) kasama ng mga propagandista sa Espanya. GSIS Museum

Pinondohan ang ating pamahalaan sa kanilang paglaban sa mga Amerikano at nang matapos ang digmaan, ginamit ang kanyang pera upang magpadala ng mga Pilipinong iskolar patungo sa Estados Unidos, ang mga pensionados.  Mahilig siya sa kagandahan, mga kababaihan, sining at musika at sinuportahan ang mga alagad ng sining na Pinoy tulad ni Fabian dela Rosa.

"Tampuhan" ni Juan Luna, 1895.  Ang modelo para sa lalaki ay si Ariston Bautista-Lin.

“Tampuhan” ni Juan Luna, 1895. Ang modelo para sa lalaki ay si Ariston Bautista-Lin.

Pangulo siya ng isang factory ng sigarilyo, ang “Germinal” at bahagi ng lupon ng Agricultural Bank, pinayo niya sa pamahalaan na magbigay ng pautang sa mga nagtatanim ng asukal at naging instrumental sa pagtatag ng isang National Bank of the Philippines.  Ngunit lagi siyang tumutulong at nasa panig ng mga malilit, naging kilalang pilantropo.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa GSIS Museo ng Sining.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa GSIS Museo ng Sining.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Katibayan mula sa Germinal, firmado ni Ariston Bautista-Lin.  Koleksyon Patricza Torio, kuha ni Xiao Chua.

Katibayan mula sa Germinal, firmado ni Ariston Bautista-Lin. Koleksyon Patricza Torio, kuha ni Xiao Chua.

Naging pinuno din siya ng Clinical Department ng Kolehiyo ng Medisina ng UP at sa tuwing tatambay sa mga mahihirap na maysakit ng Philippine General Hospital, pinapasaya niya sa kanyang pagpapatawa ang mga pasyente.  May gamot pa siya na nagawa para sa kolera at tuberculosis ngunit hindi niya ito pinagkakitaan, ibinigay niya sa pamahalaan ng libre.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Napangasawa niya si Petrona Nakpil, at sa kanyang malaking bahay na ipinatayo sa tabi ng Estero de Quiapo noong 1913-1914, pinatuloy niya ang mga kapatid ni Petrona kabilang na ang Katipunerong si Julio Nakpil at ang kanyang asawa na balo ni Bonifacio na si Gregoria de Jesus.

Ang Bahay Nakpil habang itinatayo, 1913-1914.  Mula sa Bahay-Nakpil.

Ang Bahay Nakpil habang itinatayo, 1913-1914. Mula sa Bahay-Nakpil.

Bahay-Nakpil na may dekorasyon para sa isang pista, Dekada 1930s.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Bahay-Nakpil na may dekorasyon para sa isang pista, Dekada 1930s. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ang likuran ng Bahay-Nakpil, may dalawang naliligo sa Estero de Quiapo sa larawan.  Ngayon, gudlak!  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ang likuran ng Bahay-Nakpil, may dalawang naliligo sa Estero de Quiapo sa larawan. Ngayon, gudlak! Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Petrona Nakpil.  Mula a Bahay Nakpil-Bautista.

Petrona Nakpil. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Si Petrona Nakpil, kasama ang ilang bisita ng Bahay Nakpil, nasilip kung saan ang kanyang kapatid na si Julio Nakpil.   Mula kay Prop. Bobbie Santos-Viola.

Si Petrona Nakpil, kasama ang ilang bisita ng Bahay Nakpil, nasilip kung saan ang kanyang kapatid na si Julio Nakpil.  Makikita sa background ang orihinal na “Parisian Life.” Mula kay Prop. Bobbie Santos-Viola.

Julio Nakpil.  Mula sa bahaynakpil.org.

Julio Nakpil. Mula sa bahaynakpil.org.

Gregoria de Jesus.  Mula sa bahaynakpil.org.

Gregoria de Jesus. Mula sa bahaynakpil.org.

Hindi niya ipinagyabang ang kanyang mga mabuting gawa, naging inspirasyon siya sa marami.  Nang mamatay siya noong March 3, 1928, kahit walang pasabi, parang magic na sumulpot ang daang-daang tao upang nakiramay, naglakad pa ang mambabatas na si Sergio Osmeña noong kanyang libing sa Cementerio del Norte.

Ang mausoleong Bautista-Nakpil sa Cementerio del Norte.  Mula sa filhistory,com.

Ang mausoleong Bautista-Nakpil sa Cementerio del Norte. Mula sa filhistory,com.

Paalala si Ariston Bautista-Lin sa atin na ang mga maykaya sa atin ay hindi kailangan maging sakim, maaaring magkaroon ng puso para sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 11 May 2013)

XIAO TIME, 15 May 2013: ANG IKA-110 ANIBERSARYO NG PAGKAMATAY NI APOLINARIO MABINI

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Apolinario Mabini habang nasa kustodiya ng mga Amerikano matapos mahuli sa Nueva Ecija.  Obra maestra ni Angel Cacnio.  Nagtamo ng unang gantimpala para sa Apolinario Mabini Painting Contest.

Si Apolinario Mabini habang nasa kustodiya ng mga Amerikano matapos mahuli sa Nueva Ecija. Obra maestra ni Angel Cacnio. Nagtamo ng unang gantimpala para sa Apolinario Mabini Painting Contest, nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayan Apolinario Mabini sa Tanauan, Batangas.

15 May 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=YI913EZ36dI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Araw ng Halalan, May 13, 2013 ay 110th anniversary ng pagyao ni Apolinario Mabini, na namatay sa sakit na cholera noong taong 1903 sa kanyang tahanan sa Nagtahan, Maynila.

Kubo ni Mabini sa Nagtahan sa kanyang orihinal na sayt.  Mula sa Great Lives Series.

Kubo ni Mabini sa Nagtahan sa kanyang orihinal na sayt. Mula sa Great Lives Series.

Kubo ni Mabini nong Dekada 1960s.  Nailipat na ng apat na beses mula sa orihinal na sayt nito.  Ngayon ay nasa Mabini (Main) Campus ng Polytechnic University of the Philippines.  Mula kay Dr. Vic Torres.

Kilala ng lahat bilang ang “Dakilang Lumpo” na sa matagal na panahon ay nasa ating sampung piso.  Ngunit hanggang dun na lang yun.  Bakit nga ba dakila at bayani ang lumpong ito.  Kailangang matandaan na hindi laging lumpo ang taong ito.

Detalye ng sampung piso sa panahon ng Batas Militar sa seryeng "Ang Bagong Lipunan" na may larawan ni Mabini.  Ngayon nasa samung pisong barya pa rin siya kasama ni Supremo Andres Bonifacio.

Detalye ng sampung piso sa panahon ng Batas Militar sa seryeng “Ang Bagong Lipunan” na may larawan ni Mabini. Ngayon nasa samung pisong barya pa rin siya kasama ni Supremo Andres Bonifacio.

Isinilang siya sa Tanauan, Batangas noong July 24, 1864, mula sa isang pamilya ng magsasaka.  Masasakitin at hindi nahilig sa gawaing bukid si Pule, mas nais makasama ang mga aklat kaya sa edad na anim na taon, nagsimulang mag-aral.  Noong 1881, nagtamo ng iskolarsyip upang mag-aral ng hayskul sa Letran.

Si Xiao Chua sa harap ng replica ng kubong sinilangan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Si Xiao Chua sa harap ng replica ng kubong sinilangan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

San Juan de Letran:  Kung saan nag-aral si Mabini.  Mula sa Vibal Foundation.

San Juan de Letran: Kung saan nag-aral si Mabini. Mula sa Vibal Foundation.

Sa sipag mag-aral, muli niyang sinusulat ang kanyang mga lecture notes matapos ang klase at nagkaroon ng photographic memory, nagmemeorya ng isang buong aklat ng heyograpiya!  Hardcore!  Nagturo ng Latin para may extra money sa board and lodging.  Dahil tinuturing na baduy at sobrang mukhang indio sa mundo ng mga ilustrado, ang gurong minsan nag-akalang bobo siya ay napabilib niya, “Sana ang mga matatalinong utak na katulad nito ang manguna sa bayang ito.”  Bagama’t walang social life si Mabini, ayon kay Dr. Ambeth Ocampo, nag-aral siyang magsayaw, ngunit dahil walang babaeng dancing partner, silya ang ipinampapalit niya sa tuwing nagpapraktis.  Biruin mo, Mabini, dancer???

Isang pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na hindi gaanong nalalathala.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Isang pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na hindi gaanong nalalathala. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na nakatayo.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na nakatayo. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Nagbalik sa Tanauan upang maging guro at nang makaipon, tinapos ang pagaabogasya sa UST noong 1894 ngunit hindi na nakapunta ng Europa sa kakulangan ng salapi.  Pinatunayan niyang hindi kailangan ang edukasyon sa ibang bansa upang makatulong sa bayan. Naging kalihim ng muling tatag na Liga Filipina ni Rizal, ang Cuerpo de Compromisarios, at kumalap ng salapi upang suportahan ang La Solidaridad.

Paglalarawan kay Apolinario Mabini bilang isang mason.

Paglalarawan kay Apolinario Mabini bilang isang mason.

Aktwal na larawan ni Mabini noong 1894.  Nakakalakad pa siya rito.

Aktwal na larawan ni Mabini noong 1894. Nakakalakad pa siya rito.

Ang Dakilang Lumpo.  Obra maestra na nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Ang Dakilang Lumpo. Obra maestra na nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Sa panahon ng rebolusyong 1896, bigla na lamang ginupo ng mataas na lagnat si Mabini at naging paralisado.  Nagkaroon siya ng polio.  Dahil dito, arestado ngunit hindi ikinulong o pinahirapan.  Habang nagpapagaling sa Los Baños sa pangangalaga ni Heneral Paciano Rizal, pinatawag ni Emilio Aguinaldo at nagkita sa araw mismo ng proklamasyon ng kasarinlan, June 12, 1898.

Detalye ng diorama sa Ayala Museum na nagpapakita ng Proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898 na nagpapakita sa pagdating ni Mabini sa eksena.

Detalye ng diorama sa Ayala Museum na nagpapakita ng Proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898 na nagpapakita sa pagdating ni Mabini sa eksena.

Isang obra maestra na nagpapakita sa unang pagkikita nina Mabini at Heneral Aguinaldo, nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Isang obra maestra na nagpapakita sa unang pagkikita nina Mabini at Heneral Aguinaldo, nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Naging punong tagapayo at gumawa ng batas para sa Pamahalaan ni Aguinaldo, subalit, dahil hindi niya pinapaboran ang mga elitista at sobrang anti-Amerikano, siniraan si Mabini na nalumpo raw dahil sa STD na syphilis at napulitika hanggang sa maalis siya sa puwesto.

Memorandum sa wikang Tagalog mula kay Mabini para kay Aguinaldo.  Mula sa Apolinario Mabini Revolutionary ni Cesar Adib Majul.

Memorandum sa wikang Tagalog mula kay Mabini para kay Aguinaldo. Mula sa Apolinario Mabini Revolutionary ni Cesar Adib Majul.

Isa sa pinakamahalagang akda ni Mabini ang "El Verdadero Dekalogo."  Ang tunay na sampung kautusan.  Mula sa Apolinario Mabini Revolutionary ni Cesar Adib Majul.

Isa sa pinakamahalagang akda ni Mabini ang “El Verdadero Dekalogo.” Ang tunay na sampung kautusan. Mula sa Apolinario Mabini Revolutionary ni Cesar Adib Majul.

Obra maestra na nagpapakita kay Apolinario Mabini na itinatakas noong Digmaang Pilipino-Amerikano.  Nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Obra maestra na nagpapakita kay Apolinario Mabini na itinatakas noong Digmaang Pilipino-Amerikano. Nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Nahuli ng mga Amerikano sa Nueva Ecija at ibinalanggo.  Dahil ayaw manumpa sa bandila ng Amerika, ipinatapon sa Guam noong 1901 at sinulat ang kanyang alaala ng Himagsikang Pilipino.  Nang maramdamang hindi na magtatagal, nagpabalik siya ng Pilipinas at nanumpa ng katapatan sa Estados Unidos upang mamatay na lamang sa sariling bayan.

Larawan ni Apolinario Mabini, arestado sa loob ng Intramuros.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Larawan ni Apolinario Mabini, arestado sa loob ng Intramuros. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Obra maestra na nagpapakita kay Mabini sa ilalim ng kustodiya ng mga Amerikano.  Makasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Obra maestra na nagpapakita kay Mabini sa ilalim ng kustodiya ng mga Amerikano. Makasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Marmol na busto ni Mabini na nilikha ni G.T. Nepomuceno sa ilalim ng kontraktor na si L.G. de Leon and Sons.  Nasa libingan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Marmol na busto ni Mabini na nilikha ni G.T. Nepomuceno sa ilalim ng kontraktor na si L.G. de Leon and Sons. Nasa libingan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Si Xiao sa libingan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Si Xiao sa libingan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Monumento ni Mabini bilang unang Kalihim ng Ugnayang Panlabas sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa gawing Daang Mabini.  Mula sa Great Lives Series.

Monumento ni Mabini bilang unang Kalihim ng Ugnayang Panlabas sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa gawing Daang Mabini. Mula sa Great Lives Series.

Tila nagpapaalala siya sa atin ngayong halalan, “Ang Senado ay isang kapulungang lubos na kagalang-galang, na kinabibilangan ng mga piling tao dahil sa kagandahan ng pag-uugali at sa dami ng nalalaman sa iba’t ibang larangan ng karunungan at ekonomiya.  KAYAT WALANG SINUMAN ANG MAKAKATUNTONG SA MATAAS NA POSISYONG ITO KUNDI ANG MGA PILING MAMAMAYAN na nagpakita ng pambihirang karunugan at kasipagan.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 11 May 2013.  Salamat kay Ian Alfonso para sa sipi mula kay Mabini ukol sa Senado.)

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 7,898 other followers