IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

XIAOTIME, 25 February 2013: BERTDEY NI GUIDO, Ang Tagumpay ng Himagsikang People Power sa EDSA

Broadcast of Xiaotime news segment last Monday, 25 February 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Bertdey ni Guido, isang kwentong pambata na isinulat ni Rene Villanueva at inilathala ng Lampara Books.

Bertdey ni Guido, isang kwentong pambata na isinulat ni Rene Villanueva at inilathala ng Lampara Books.

25 February 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=OGYoCCmiKis

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  27 years ago ngayong araw, February 25, 1986, nagtagumpay ang Himagsikang People Power sa EDSA.  Sa makasaysayang araw na ito, dalawang pangulo ang nanumpa sa katungkulan bilang pangulo noong umagang iyon.  Si Cory Aquino sa Club Filipino, at si Ferdinand Marcos sa Palasyo ng Malacañan.  Ngunit lingid sa kaalaman maging ng mga taga-suporta ng Pangulo, nagpasya na pala ang mga Marcos na umalis noong madaling araw pa lamang na iyon nang magparamdam ang America na bibitawan na ang suporta nila sa rehimen.

Napangiti si Cory Aquino sa pagtatapos ng kanyang panunumpa sa katapatan niya bilang pangulo sa Club Filipino, February 25, 1986.  Kuha ni Kim Komenich

Napangiti si Cory Aquino sa pagtatapos ng kanyang panunumpa sa katapatan niya bilang pangulo sa Club Filipino, February 25, 1986. Kuha ni Kim Komenich

Matapos ang kanyang panumumpa ng katapatan sa panunungkulan, binigkas ni Pangulong Marcos ang kanyang talumpating pampasinaya sa kanilang huling araw sa palasyo, February 25, 1986.  Mula sa Breakaway.

Matapos ang kanyang panumumpa ng katapatan sa panunungkulan, binigkas ni Pangulong Marcos ang kanyang talumpating pampasinaya sa kanilang huling araw sa palasyo, February 25, 1986. Mula sa Breakaway.

Kinagabihan, umalis din ang Pangulong Marcos at ang kanyang mga kabig sa Palasyo at di naglaon, tumungo sa Estados Unidos.  Nagtagumpay ang himagsikan ng bayan.  Yun lang naman ang hiningi natin, at nakuha naman natin ito.  Well, kapag nagkukuwentuhan tayo tungkol sa EDSA, lagi na lamang kwento ng mga pinuno at matatanda ang pinapakinggan natin.

Batang EDSA.  Mula sa Nine Letters.

Batang EDSA. Mula sa Nine Letters.

Ngunit, ano kaya ang karanasan ng mga bata sa EDSA.  May ginawang children’s book ang yumaong tagapaglikha ng Batibot na si Rene Villanueva na pinamagatang “Bertdey ni Guido.”

Rene Villanueva, ni Joel Jason O. Chua

Rene Villanueva, ni Joel Jason O. Chua

Kwento ito ng isang bata na nilista na ang mga nais anyayahan at ang mga nais niyang ipahanda sa kanyang nalalapit na ika-sampung taong kaarawan—“coke, ice cream, hotdog, spaghetti…”  Ngunit sa kanyang paggising dalawang araw bago ang kanyang kaarawan, wala ang kanyang mga magulang.  Tinanong niya ang kanilang kasambahay kung nasaan ang mga ito at kailangan pang ihanda ang mga imbitasyon.  Sabi ng kasambahay, tumungo sa EDSA dahil nagsimula na ang himagsikan.  Dahil sa pagod ng kanyang mga magulang pag-uwi ng mga ito mula sa mga exciting na nangyari sa EDSA, hindi na niya nabanggit pa ang party.  Nalungkot si Guido.

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Nawalan pa ng pasok ng February 24 kaya hindi na niya maiimbita ang kanyang mga kaklase.  Nagkaroon ng pag-asa si Guido nang mabalitaan na si Marcos ay umalis na.  Makakapagparty na siya bukas.  Ngunit mali pala ang balita.  Hindi pa uuwi ang nanay at tatay niya.  Naging miserable si Guido.  Ngunit, kinabukasan, ipinangako ni tatay kay Guido, “bibigyan kita ng pinakamalaking bertdey party sa buong mundo.”  Dinala siya ng kanyang mga magulang sa EDSA at namigay siya ng pagkain sa mga tao doon at binili pa siya ng bertdey keyk ng kanyang hinipan sa gitna ng People Power.  Aakalaing kathang isip ang kwentong ito ngunit batay pala ito sa totoong kwento ni Guido Santos, ang larawan ng kanyang bertdey party na pinakamalaki sa mundo ay nasama pa sa sikat na aklat na “People Power:  The Philippine Revolution of 1986, An Eyewitness History.”

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Ang aktwal na bertdey ni Guido Santos sa mga barikada sa EDSA.  Mula sa GMA News.

Ang aktwal na bertdey ni Guido Santos sa mga barikada sa EDSA. Mula sa GMA News.

Si Guido at mga pinsan sa EDSA.  Mula sa GMA News.

Si Guido at mga pinsan sa EDSA. Mula sa GMA News.

Pamimigay ni Guido ng pagkaian sa EDSA para sa kanyang ika-sampung taong kaarawan.  Mula sa People Power:  An Eyewitness History.

Kamakailan lamang, kinapanayam si Guido at ito ang kanyang pagbabalik tanaw sa kanyang kakaibang karanasan at sa mga aral nito, “Bilang bata gusto ko may mga clown, mga balloon, andami kong bisita…  [Ang EDSA] naging isang malaking pamilya.  Ramdam mo na yung katabi mo, hindi mo kilala pero maakbayan mo.  Nararamdaman mong kapatid mo ang kapwa mo Pilipino.  Mahirap ang pinagdadaanan ng karamihan sa atin ngayon pero huwag nating patayin ang pag-asa.”

Si Guido Santos ngayon.  Mula sa GMA News.

Si Guido Santos ngayon. Mula sa GMA News.

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Guhit ni John Crisostomo, Lampara Books

Ang batang nagbibigay ng bulaklak sa sundalo noong Himagsikang EDSA na nailagay sa likuran ng lumang limandaang piso.  Mula sa People Power:  An Eyewitness History.

Ang batang nagbibigay ng bulaklak sa sundalo noong Himagsikang EDSA na nailagay sa likuran ng lumang limandaang piso. Mula sa People Power: An Eyewitness History.

Happy birthday Kuya Guido!  Happy birthday rin bayan, sa ating lahat.  Ang EDSA ay hindi lamang isang katapusan, katapusan ng mahabang pakikibaka sa kadiliman, ang EDSA rin ay isang simula, ang pagsilang ng liwanag at ng pangako na may maidudulot na kaginhawaan ang mga nakamit nating tagumpay sa apat na araw na iyon ng Pebrero.

Kuha ni Kim Komenich

Kuha ni Kim Komenich

Isang plakard na namamanatang ipaglalaban ang kalayaan para sa kanyang mga anak.  Mula sa People Power:  An Eyewitness History.

Isang plakard na namamanatang ipaglalaban ang kalayaan para sa kanyang mga anak. Mula sa People Power: An Eyewitness History.

Isang simulain na hindi pa nagtatapos at dapat pa nating ituloy.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(McDonald’s Visayas Ave., 15 February 2013)

XIAOTIME, 22 February 2013: ELEMENTO NG ATING KULTURA AT ANG EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 22 February 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang EDSA ay larawan ng magandang katauhan natin bilang mga Pilipino--damayan, malasakit, mapagmahal sa kapayapaan.  Mula sa Bayan Ko!

Ang EDSA ay larawan ng magandang katauhan natin bilang mga Pilipino–damayan, malasakit, mapagmahal sa kapayapaan. Mula sa Bayan Ko!

22 February 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=kxg2dRl5z-I

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Maligayang kaarawan sa aking mga pinsan na sina Raschel “Bong” Briones-Almujere ngayong araw, February 22, at sa kapatid niyang si Reynold “Choy” Briones tuwing February 29!  27 years ago ngayong araw, February 22, 1986, nagsimula ang Himagsikang People Power sa EDSA.  Ilang taon na ang nakalilipas, may isang dokumentaryo na nilikha si Maria Montelibano at ang yumaong Teddy Benigno para sa anibersaryo ng EDSA noong taong 2000.  Kinapanayam nila para sa palabas na iyon ang antropolohista na si Felipe Landa Jocano, at ang iskolar ng sining Pilipino Felipe de Leon, Jr.

Xiao Chua at si Prop. F. Landa Jocano, July 9, 2007.

Xiao Chua at si Prop. F. Landa Jocano, July 9, 2007.

Xiao Chua at si Prop. Felipe de Leon, Jr., March 10, 2006.

Xiao Chua at si Prop. Felipe de Leon, Jr., March 10, 2006.

Ayon sa mga ekspertong ito, bagama’t sa unang tingin, pulitikal na pangyayari ang EDSA, mas mauunawaan ito sa lente ng ating sariling kultura.  Halimbawa, naka-identify ang marami sa trahedya at sakripisyo ni Ninoy Aquino, kaya sa kanilang pakiramdam, tila may kapamilya silang nasaktan.

Isang babaeng tumatangis nang unang buksan ang kabaong at tumambad sa kanila ang sugatang katawan ni Ninoy.  Mula sa EDSA 25.

Isang babaeng tumatangis nang unang buksan ang kabaong at tumambad sa kanila ang sugatang katawan ni Ninoy. Mula sa EDSA 25.

At ang pasensyosong mga Pilipino, 14 na taong nagtimpi, ay biglang nagalit.  Ayaw din daw ng Pinoy na may taong ang tingin sa kanyang sarili ay siya lamang ang magaling at puwedeng maging lider.  Sa Pilipino raw, hindi ka puwedeng magyabang, oras na magyabang ka, ibabagsak ka ng Pilipino.

Kapag mayabang ka, ibabagsak ka ng Pilipino.  Mula sa Bayan Ko!

Kapag mayabang ka, ibabagsak ka ng Pilipino. Mula sa Bayan Ko!

Makikita din na lumabas ang pinakamagagandang katangian natin sa krisis ng apat na araw noong Pebrero 1986.  Nang pumasok si Jaime Cardinal Sin sa eksena, kumatawan siya sa esprituwalidad ng Pinoy.  Naaantig tayo sa bagay na may kinalaman sa Diyos.  Lagi tayo ay laging nakikinig sa mga alagad ng Diyos at mga pinuno panrelihiyon, tulad ng pakikinig natin sa mga babaylan.

Jaime Cardinal Sin.  Mula sa Bayan Ko!

Jaime Cardinal Sin. Mula sa Bayan Ko!

Pakikiusap ng pari sa EDSA.  Mula sa Bayan Ko!

Pakikiusap ng pari sa EDSA. Mula sa Bayan Ko!

Babayan.  Gihit ni Christine Bellen.

Babayan. Gihit ni Christine Bellen.

Tila ang debosyon natin sa Mahal na Panginoong Hesus na makikita tuwing prusisyon sa Pista ng Nazareno, sa ating pagpapanata, pagbasa ng pasyon at pagpepenitensya ay nakita din natin sa EDSA.  Nakita natin sa EDSA na ang pinakamataas na value para sa atin ay ang pakikipagkapwa.  Tuwing may okasyon sa barangay dapat naroroon ka, the presence is enough.  Kaya pati usisero may ambag din sa himagsikan, walang hindi kasali.  Nakita natin sa EDSA ang pakikiramay ng Pinoy, parang sa mga lamay na tila may malungkot at may binabantayan.  Pero hindi nawawala ang kainan at tawanan, na hindi ka humihiwalay.

Pati meron, lahat kasama.  Mula sa Bayan Ko!

Pati meron, lahat kasama. Mula sa Bayan Ko!

Mula sa Bayan Ko!

Pakikiramay sa EDSA.  Mula sa Bayan Ko!

Nakita natin sa EDSA ang pagiging masiyahin ng Pinoy.  Kapag nagkikita sa iisang layunin ang Pinoy, masayang-masaya tayo.  Nagdalahanan ng pagkain ala pot luck at nagbigayan ng bulaklak.  Kaya kahit delikado ang himagsikan, nawala ang kaba dahil festive ang mood.

Ang saya-saya.  Mula sa Bayan Ko!

Ang saya-saya. Mula sa Bayan Ko!

Pot luck para sa mga rebelde,  Mula sa Bayan Ko!

Pot luck para sa mga rebelde, Mula sa Bayan Ko!

Saan ka nakakita ng himagsikan na papakitaan mo ng krus ang mga tangke na parang multo?

Babaeng nagpapakita krus sa kanyang kamay.  Video grab mula sa People Power:  The Philippine Experience/

Babaeng nagpapakita krus sa kanyang kamay. Video grab mula sa People Power: The Philippine Experience.

Nakita natin sa EDSA na mapagmahal tayo sa kapayapaan at hindi confrontational people.  Hindi tayo nadadaan sa sigaw, sa galit at pagsermon.  Pinakamabisa sa Pinoy ang pakiusap, nanggagaling sa kalooban ang pakiusap.  Kaya hindi bumaril ang militar kasi ang mga tao ay nakaluhod, nakikiusap.

Di tayo nadadaan sa galit.  Pinakamabisa sa atin ang pakiusap.  Mula sa Bayan Ko!

Di tayo nadadaan sa galit. Pinakamabisa sa atin ang pakiusap. Mula sa Bayan Ko!

Nanggagaling sa kalooban ang pakiusap.  Mula sa James Reuter Foundation.

Nanggagaling sa kalooban ang pakiusap. Mula sa James Reuter Foundation.

Sa EDSA nakita natin ang pagiging malikhain ng Pinoy, na sa krisis lumalabas ang galing natin.  Ang mga rebolusyon sa ating bayan, kahit seryoso, ay laging parang piyesta.  Makulay, may mga palamuti, iba’t ibang aktibidad, at kung ano-anong ibinarikada sa mga tangke.

Malaking plakard na kamay na naka-Laban sign.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Malaking plakard na kamay na naka-Laban sign. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Kotseng puno ng mga poster ni Ninoy.  Mula sa Nine Letters.

Kotseng puno ng mga poster ni Ninoy. Mula sa Nine Letters.

Poster na nantutuya kay Gng. Imelda Marcos.  Mula sa Nine Letters.

Poster na nantutuya kay Gng. Imelda Marcos. Mula sa Nine Letters.

Dyipni na puno ng poster ni Ninoy at Cory.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Dyipni na puno ng poster ni Ninoy at Cory. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ang direktor na si Lino Brocka habang suot ang kanyang fashion statement.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Ang direktor na si Lino Brocka habang suot ang kanyang fashion statement. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Sa lahat ng ito nakita natin ang bayanihan.  Na nang sabihin nating “Bahala na!” Lusong na iyon.  Kaya kung tutuusin, ang tunay na diwa ng EDSA ay ito ay isang larawan at kwento ng ating pagka-Pilipino, na ayon nga kay F. Landa Jocano, “very HUMBLE, very SUPPORTIVE, may PAGKABAHALA, may PANANAGUTAN, may PAGKALINGA at may PAKIKIBAKA.  At ang HIGHEST FORM at ng isang BAYANI is may PAGMAMALASAKIT.”

Bahala na at Bayanihan.  Mula sa James reuter Foundation.

Bahala na at Bayanihan. Mula sa James reuter Foundation.

Babalik pa din sa pagmamalasakit sa kapwa.  Mula sa Bayan Ko!

Babalik pa din sa pagmamalasakit sa kapwa. Mula sa Bayan Ko!

"I'm a MOTHER FIGHTING FOR MY CHILDREN"  Mula sa James Reuter Foundation.

“I’m a MOTHER FIGHTING FOR MY CHILDREN” Mula sa James Reuter Foundation.

Ang kasaysayan ay hindi lamang balon ng mga salaysay ng nakaraan, may mapupulot din tayong mga mabuting ugali natin na ginaya ng iba pang People Power sa buong mundo.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(McDonald’s Visayas Ave., 15 February 2013)

XIAOTIME, 21 February 2013: HIMAGSIKAN SA EDSA, BAKIT NGA BA ISANG MALAKING JIGSAW PUZZLE?

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 21 February 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang tunay na bayani, ang bayan.  Mula sa Nine Letters.

Ang tunay na bayani, ang bayan. Mula sa Nine Letters.

21 February 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=0sGAZaUrefE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  27 years ago bukas, February 22, 1986, nagsimula ang Himagsikang People Power sa EDSA na nagpatalsik sa diktadura ni Pangulong Ferdinand E. Marcos at muling nagpanumbalik ng ating mga demokratikong institusyon.  Marami ang nagsasabi na sila ang dahilan kung bakit nagtagumpay ang EDSA.  Sabi ng mga militar, kung hindi dahil sa kanila, hindi mangyayari ang EDSA.  Sabi ng simbahan, himala ito ng Diyos.  Sabi ng iba, pakana lahat ito ng CIA at ng mga Amerikano.  Sabi ng Unang Ginang Imelda Marcos, si Pangulong Marcos mismo ang bayani dahil sa kabila ng lahat, pinili niyang hindi patayin ang mga tao.  Sino nga ba talaga ang tunay na bayani???

Ang pagtiwalag nina Ramos at Enrile sa Camp Aguinaldo, February 22, 1986.   Mula sa Bayan Ko!

Oo nga’t ang naging mitsa ng Himagsikang EDSA ay ang pagtiwalag nina Defense Minister Juan Ponce Enrile at Heneral Fidel Ramos noong February 22, 1986.  Ngunit, panahon pa lamang ng Batas Militar, marami nang nagbuwis ng buhay at nakibaka upang mapatag ang landas ng EDSA.  Isang linggo na ring pinangungunahan ni Cory Aquino ang isang civil disobedience campaign ng pagboykot ng mga kumpanyang sumusuporta kay Pangulong Marcos upang iprotesta ang diumano ay pandaraya sa snap elections.  Hindi nga agad naniwala ang mga tao na ang dalawang pinuno na ito na 14 na taong tinulungan ang pangulo sa pagpapatupad ng kanyang diktadura ay tumiwalag na, akala nila isa itong moro-moro o zarzuela.

Happier times:  Pangulong Marcos, Chief of Staff Fabian Ver, Enrile.  Mula sa Bayan Ko!

Happier times: Pangulong Marcos, Chief of Staff Fabian Ver, Enrile. Mula sa Bayan Ko!

Happier times:  Si General Ver at Ramos.  Mula sa Bayan Ko!

Happier times: Si General Ver at Ramos. Mula sa Bayan Ko!

Ngunit nang itaya ni Jaime Cardinal Sin ang kanyang kredibilidad at nagpatawag ng suporta para sa dalawa, doon lamang dumating ang mga taong hinanda na ng mga martir ng Batas Militar, isinisigaw ang pangalan ni “Cory” bilang pangulo at ang alaala ni Ninoy bilang simbolo.

Cool:  Si Cory Aquino sa isang Press Conference.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Cool: Si Cory Aquino sa isang Press Conference. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Jaime Cardinal Sin.  Mula sa Bayan Ko!

Jaime Cardinal Sin. Mula sa Bayan Ko!

Bagama’t maraming Amerikano ang naging kaibigan ng demokrasya at tinulungan tayo sa Kongreso nila tulad nina Sen. Richard Lugar sa kabila ng pagiging close friends nina Marcos at Pangulong Ronald Reagan, tila nagmasid lamang ang sa mga nangyayari ang State Department at ang tangi nilang ginawa ay mabigyan ng ligtas na pag-alis ang mga Marcos sa Pilipinas na kung hindi nila ginawa ay maaaring naging madugo ang katapusan ng EDSA.

24 Bagama’t maraming Amerikano ang naging kaibigan ng demokrasya 25 at tinulungan tayo sa Kongreso nila tulad 26 nina Sen. Richard Lugar sa kabila ng

In fairness, may punto rin ang dating unang ginang sa pagsasabi na hindi nais patayin ni Pangulong Marcos ang mga sibilyan.  Ayon kay Randy David, alam ni Pangulong Marcos na huhusgahan siya ng kasaysayan at nais niyang mag-iwan pa rin ng mas magandang pangalan kaya hindi niya ninais patayin ang mga tao.  Ngunit totoo ring may ilang taong inutusan na pulbusin ang ilang daang rebelde na nasa mga kampo militar sa EDSA sa lupa man o sa era.  Yun nga lang, pumagitna ang mamamayan at nakaligtas sina Enrile at Ramos.  At may mga pinunong militar rin tulad nina Artemio Tadiar, Antonio Sotelo, Braulio Balbas na gumawa ng paraan upang hindi sumunod sa mga utos na ito.

Ang mga kanyong handa nang paputukan mula sa Camp Crame sa ilalim ni Baulio Balbas.  Mula sa Breakaway.

Ang mga kanyong handa nang paputukan mula sa Camp Crame sa ilalim ni Baulio Balbas. Mula sa Breakaway.

Imbes na bombahin ang Crame, tumiwalag sila at sumama sa himagsikan.  Mula sa Breakaway.

Imbes na bombahin ang Crame, tumiwalag sila at sumama sa himagsikan. Mula sa Breakaway.

Artemio Tadiar.  Mula sa Mga Tinig ng Himagsikan.

Artemio Tadiar. Mula sa Mga Tinig ng Himagsikan.

Antonio Sotelo.  Mula sa James Reuter Foundation.

Antonio Sotelo. Mula sa James Reuter Foundation.

Braulio Balbas.  Mula sa Mga Tinig ng Himagsikan.

Braulio Balbas. Mula sa Mga Tinig ng Himagsikan.

Ang madalas nating kalimutan, ang totoong mga bayani—ang dahilan kung bakit napilitan ang America na kagyat na paalisin ang Pangulong Marcos, ang dahilan kung bakit naligtas ang mga rebeldeng sundalo sa kampo, ang dahilan kung bakit si Cory Aquino ang naupo bilang pangulo—ang dalawang milyong Pilipino na nakibaka sa EDSA.

Ang taumbayan sa Ortigas, malapit sa Philippine Overseas Employment Administration, kung nasaan ngayon ang Robinson's Galleria.  Mula sa James Reuter Foundation.

Ang taumbayan sa Ortigas, malapit sa Philippine Overseas Employment Administration, kung nasaan ngayon ang Robinson’s Galleria. Mula sa James Reuter Foundation.

Ang taumbayan ng EDSA.  Mula sa Breakaway.

Ang taumbayan ng EDSA. Mula sa Breakaway.

Sabihin na lamang natin, na ang EDSA ay isang jigsaw puzzle.  Kung wala o hindi nangyari ang isa man sa nabanggit, babagsak ang puzzle.  Ngunit, walang himala!  Walang aparisyon ng mahal na birhen!  Kung naghimala man ang Diyos sa EDSA, ito ay ang himala na nangyari sa puso ng bawat Pilipino noong apat na araw na iyon!

Babaeng nananalangin sa Panginoon humaharang sa tangke.  Mula sa James Reuter Foundation.

Babaeng nananalangin sa Panginoon humaharang sa tangke. Mula sa James Reuter Foundation.

Medieval morality play, ang mabuti laban sa masama, ang krus laban sa bala.  Mula sa Nine Letters.

Medieval morality play, ang mabuti laban sa masama, ang krus laban sa bala. Mula sa Nine Letters.

Si Gringo Honasan, Juan Ponce Enrile, Fidel Ramos at ang mahal na birhen.  Mula sa Bayan Ko!

Si Gringo Honasan, Juan Ponce Enrile, Fidel Ramos at ang mahal na birhen. Mula sa Bayan Ko!

Alam nating ang taumbayan ang bayani sa EDSA, ngunit hindi pa ata siya lubos na nananalo at nakikinabang dito.  Nariyan na ang kalayaan, ang tanging dapat gawin ay tuloy-tuloy natin itong gamitin upang bigyan ng ginhawa ang lahat.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(McDonald’s Visayas Ave., 15 February 2013)

Kailangan pang mapakinabangan nang mas nakararami ang Diwa ng EDSA.  Ang demokrasya ay gamitin sa kaginhawaan ng mas nakararami.  Para sa susunod na henerasyon.  Mula sa James Reuter Foundation.

Kailangan pang mapakinabangan nang mas nakararami ang Diwa ng EDSA. Ang demokrasya ay gamitin sa kaginhawaan ng mas nakararami. Para sa susunod na henerasyon. Mula sa James Reuter Foundation.

XIAOTIME, 20 February 2013: KABIHASNANG PANDAGAT NG PILIPINAS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 20 February 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Xiao Chua, sa harap ng Butuan 1, ang pinakamatandang bangka na natagpuan sa Pilipinas, nang idisplay ito sa Pambansang Sinupan ng Sining.  Kuha ni Camille Conde.

Xiao Chua, sa harap ng Butuan 1, ang pinakamatandang bangka na natagpuan sa Pilipinas, nang idisplay ito sa Pambansang Sinupan ng Sining.

20 February 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=QXDTN8Ht1pQ

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nauna na nating natalakay na tayong mga Pilipino ay hindi nanggaling sa mga Aeta, Indones at Malay tulad ng natutunan  natin noon sa eskwelahan, kundi sa mga Austronesians.  Isang ebidensya na tayo ay mga Austronesians ay ang ating maritime cultureMaritime culture??? Huh??? What’s that Pokémon.  Ito ang ating kulturang pandagat ng paggawa ng mga Bangka at paglalayag.

Balanghay

Balanghay

Sa ngayon, kung nais niyong makipagkalakalan, manligaw, at kumuha ng impormasyon, ang daluyan o network ninyo para dito ay ang cyberspace—sa twitter, facebook o ebay.  Noong panahon ng ating mga ninuno, ang network ng pakikipagkalakalan, diplomasiya at pakikipag-ugnayan ay ang katubigan—ang mga ilog at ang mga dagat.  Kaya naman hindi totoo ang una nang sinabi sa atin na kaya tayo nagkawatak-watak bilang isang mamamayan at bilang isang bansa ay dahil tayo ay isang archipelago.  Mali po.  Mas madaling maglakbay sa tubig kaysa sa isang malaking masa ng lupa na nahahati sa mga bundok.  Noong panahon na iyon, ang katubigan ang nagtakda na kahit hiwa-hiwalay ang pulitika ng mga bayan-bayan, may makikitang patterns sa ating kultura at wika na magkakapareho.  Ayon kay Peter Bellwood, sa Pilipinas nagsimulang maging sopistikado ang kultura sa paglalayag nang maimbento ng ating mga ninuno ang outrigger canoe o bangkang may katig.  Mas naging stable ang mga bangka natin kaya ang lahing Austronesyano ay kumalat sa buong Timog Silangang Asya, mga isla sa Pasipiko, New Zealand, Hawaii hanggang singlayo ng Madagascar sa Africa at Easter Island sa Timog America.

Ang katig na inobasyon sa bangka ng mga Pilipino, para mas balanse ang bangka.

Ang Mundong Austronesyano.  Mula kay Peter Bellwood.

Ang Mundong Austronesyano. Mula kay Peter Bellwood.

Ang ebidensya ng ating lumang kultura sa paglalayag ay ilang lumang piraso ng kahoy na nahukay ng Ministry of Public Works and Highways na noong una ay napagkmaliang mga kabaong ngunit nang suriin ng National Museum, mga balanghay pala ito na nagmula pa noong 320 A.D.  Nakalagak ito sa Museo sa Libertad, Butuan.  Lahat-lahat, sampung Bangka ang nahukay sa Butuan.  Ang mga iba pang bangkang natagpuan ay noon pang 1250, kahit 990 A.D.  Pinagbuklod lamang ang mga bangkang ito, hindi ng mga pako, kundi ng mga “woden pegs.”

Wooden pegs ng balanghay ng Butuan.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Wooden pegs ng balanghay ng Butuan. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Scale model ng balanghay ng Butuan sa Pambansang Sinupan ng Sining.  Kuha ni Xiao Chua.

Scale model ng balanghay ng Butuan sa Pambansang Sinupan ng Sining. Kuha ni Xiao Chua.

Arkeolohikal na patunay ang mga ito ng isang sopistikadong teknolohiya at kultura ng paglalayag sa kapuluang ito.  Inulit ng Mt. Everest Team ang paggawa ng bangkang ito at naglakbay pa sa Timog Silangang Asya.

Ang Mt. Everest Team ay sa kanilang "Voyage of the Balangay."

Ang Mt. Everest Team ay sa kanilang “Voyage of the Balangay.”

Paraw

Paraw

Karakoa

Karakoa

Matitibay, matutulin at hinahangaan ang mga bangkang nagmula sa Pilipinas—mga balanghay, mga paraw at mga karakoa, o ang malalaki nating mga war ship.  Kakaibat nito, ayon sa namayapang si Dr. Dante Ambrosio, ang pagbasa ng mga bituwin ay hindi lamang natin nakuha sa Kanluran.  May sarili na tayong etnoastronomiya.

Si Xiao Chua at ang isa sa kanyang mga mentor, ang yumaong Dr. Dante Ambrosio, 2005.

Si Xiao Chua at ang isa sa kanyang mga mentor, ang yumaong Dr. Dante Ambrosio, 2005.

Ayon nga kay Sir Dante, “Kapag tumingala sa langit ang mga sinaunang Pilipino, hindi lamang basta langit ang kanilang nakikita.  Nakikita nila ang sarili nilang kabihasnan dito…”  Sa “Orion’s Belt” ang tawag nila ay “Balatik,” ang sinaunang patibong sa baboy damo, at ang “Big Dipper” naman ay ang “Bubu,” ang sinaunang fish trap.  Wow, may constellations!

Balatik.  Mula kay Dr. Dante Ambrosio.

Balatik. Mula kay Dr. Dante Ambrosio.

Balatik, panghuli ng hayup.  Mula kay Dr. Dante Ambrosio.

Balatik, panghuli ng hayup. Mula kay Dr. Dante Ambrosio.

"Orion's Belt" o Balatik bilang bituwin.  Mula kay Dr. Dante Ambrosio.

“Orion’s Belt” o Balatik bilang bituwin. Mula kay Dr. Dante Ambrosio.

Bubu, panghuli ng isda.  Mula kay Dr. Dante Ambrosio.

Bubu, panghuli ng isda. Mula kay Dr. Dante Ambrosio.

"Big dipper" o Bubu bilang bituwin.  Mula kay Dr. Dante Ambrosio.

“Big dipper” o Bubu bilang bituwin. Mula kay Dr. Dante Ambrosio.

Kaya naman masasabi natin na ang ating mga kaharian natin na malapit sa dalampasigan—Vigan, Lingayen, Maynila, Sugbu, Butuan, Sulu ay naging bahagi pa ng Southeast Asian Trade route to China dahil sa paggalang nila sa kulturang ito.

Ang mga kaharian sa Pilipinas na malapit sa mga ilog at dagat bilang bahagi ng Southeast Asian Trade Route to China.  Mula kay Dr. Zeus A. Salazar.

Ang mga kaharian sa Pilipinas na malapit sa mga ilog at dagat bilang bahagi ng Southeast Asian Trade Route to China. Mula kay Dr. Zeus A. Salazar.

Pakikipagkalakalan ng mga Tsino sa sinaunang bayan.  Diorama sa Bahay Tsinoy sa Intramuros, Maynila.

Pakikipagkalakalan ng mga Tsino sa sinaunang bayan. Diorama sa Bahay Tsinoy sa Intramuros, Maynila.

Hindi lamang ito patunay na hindi tayo mga bobo tulad ng sinabi sa atin ng tradisyunal na mga historia, may ambag pa tayo sa kasaysayang pandaigdig.  Ayon kay Dick Teresi sa kanyang aklat na Lost Discoveries:  The Ancient Roots of Modern Science—From The Babylonians To The Maya naging mahalaga sa paglalayag ng mga Europeo noong Age of Discovery ang sinaunang kaalaman sa paggawa ng bangka at paglalayag ng mga Indian, Javanese, Arabe, at mga Filipino.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(North Conserve, DLSU Manila, 15 February 2013)

Artikulo mula sa Business Week na nagbabalita ukol sa aklat na nagbabanggit kung papaanong ang sinaunang kasanayan ng mga Pilipino sa paglalayag ay nakapag-ambag sa Age of Discovery ng Europa.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

XIAOTIME, 19 February 2013: ANG BAYANING SI JOSÉ ABAD SANTOS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 19 February 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

José Abad Santos.  Mula sa gov.ph.

José Abad Santos. Mula sa Mula sa Official Gazette.

19 February 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=i2y2RHMewTY

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  127 years ago ngayong araw, February 19, 1886, isinilang sa San Fernando, Pampanga si José Abad Santos.  Huh??? Who’s that Pokémon??? Siya ay isa sa mga bayani na nasa ating isanlibong pisong papel.

Si José Abad Santos kasama sina Josefa Llanes Escoda at Vicente Lim sa ating New Generation Bills na isanlibong piso.

Si José Abad Santos kasama sina Josefa Llanes Escoda at Vicente Lim sa ating New Generation Bills na isanlibong piso.

Ngunit bakit nga ba siya nasa ating pera?  Sa kabila ng katotohanang nakapagsilbi lamang siya na Punong Mahistrado ng Korte Suprema sa loob lamang ng limang buwan at hindi naman niya nagampanan ng regular ang kanyang pinakamataas na katungkulan sa hudikatura, si José Abad Santos ay mananatiling pinakakilala sa mga Punong Hurado dahil sa kanyang kabayanihan bilang unang martir-mahistrado.

Bantayog kay José Abad Santos sa Kapitolyo ng Pampanga.

Bantayog kay José Abad Santos sa Kapitolyo ng Pampanga.

Bantayog kay José Abad Santos sa harapan ng Museo ning Angeles sa Pampanga.  Kuha ni Xiao Chua.

Bantayog kay José Abad Santos sa harapan ng Museo ning Angeles sa Pampanga. Kuha ni Xiao Chua.

Dahil sa kanyang angking katalinuhan, napili siya na maging isa sa 18 mga iskolar o pensionados na tumungo sa Estados Unidos noong 1904 upang mag-aral at tapusin ang kanyang hayskul.  Nag-aral siya ng mga kurso sa abogasya sa University of Illinois, Northwestern University at George Washington University kaya napabilang sa United States Bar.

José Abad Santos

José Abad Santos

Ngunit piniling bumalik sa Pilipinas upang simulan ang kanyang mahabang karera ng pagsisilbi para sa hudikatura ng kanyang bayang tinubuan.  Mula sa pagiging clerk ng Archives Division ng Executive Bureau at Bureau of Justice, umangat hanggang maging Kalihim ng Katarungan noong 1922.  Dahil sa kanyang hidwaan kay Goberndaor Heneral Leonard Wood, siya at iba pang kasama ay nagsipagbitiw sa puwesto sa tinatawag na “Cabinet Crisis of 1923.”

Leonard Wood.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Leonard Wood. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Bumalik sa pribadong praktis ngunit noong 1928, muling nahirang na Kalihim ng Katarungan.  Noong 1932, nahirang na Kasamang Mahistrado ng Korte Suprema.  Ngunit mula 1938 hanggang 1941, “hiniram” siya ni Pangulong Manuel Quezon upang maging maging Kalihim ng Katarungan sa ikatlong pagkakataon. Para kay Abad Santos, ang batas ay isang instrumento upang maibsan ang kahirapan at magbigay ng ginhawa sa bayan, lalo na sa mga mahihirap.  Bagama’t kaibayo sa paniniwala, dito kanyang kaisang-diwa ang kanyang radikal na kuya na si Pedro Abad Santos.

José Abad Santos .  Mula sa Legacy of Heroes.

José Abad Santos . Mula sa Legacy of Heroes.

Ang nakatatandang kuya ni José Abad Santos, ang radikal na si Pedro Abad Santos.

Ang nakatatandang kuya ni José Abad Santos, ang radikal na si Pedro Abad Santos.

Inilarawan siya na may hindi pangkaraniwang talento, integridad, at sigasig na maglingkod sa kanyang bayan.  Nang sumiklab ang World War II, bisperas ng Pasko 1941:  bago lumuwas patungong Corregidor ang Pangulong Manuel Quezon, hinirang niya si Abad Santos na maging Punong Mahistrado ng Korte Suprema.  Gayundin, sabay niyang tinanganan ang Kalihiman ng Katarungan, at ang Pananalapi, Pagsasaka at Pangangalakal.

Ang pagsumpa ni José Abad Santos bilang Punong Mahistrado sa harapan ni Pangulong Manuel Quezon.  Habang nakamasid sina Jorge Vargas, José P. Laurel ay Claro M. Recto sa Palasyo ng Malacañan.  Sa bintana makikita ang Bahay Pangarap, December 24, 1941.  Mula sa gov.ph.

Sa pag-alis ni Quezon patungong Estados Unidos, pinili niyang manatili sa bansa kaya hinirang siya ni Quezon na mamuno sa bansa, “to act on all matters of government” bilang isa sa itinuturing niyang pinakamahusay na tauhan sa serbisyong pampamahalaan.

Mula sa kaliwa:  Jose Avelino (Secretary of Labor), Benigno S. Aquino Sr. (Secretary of Agriculture), Rafael Alunan (Secretary of the Interior), Quezon, Manuel Roxas (Secretary of Finance), Jose Abad Santos (Secretary of Justice) at Jorge Bocobo (Secretary of Public Instruction).  Mula sa The Pinoy Warrior,

Nadakip siya ng mga Hapones malapit sa Carcar, Cebu at tatlong linggong ipinailalim sa matinding imbestigasyon.  Nang himukin siya ng mga Hapones na pasukuin si Manuel Roxas, tumanggi siya at sinabing “Nanaisin ko pang mamamatay kaysa mabuhay sa kahihiyan.”  Dinala siya sa Malabang, Lanao del Sur kung upang patayin.  Kasama niya noon ang kanyang anak na si Jose Jr. o Pepito na nang malaman ang sasapitin ng ama ay napaiyak.

José Abad Santos, Jr. o Pepito sa panayam ng Department of Defense para sa Legacy of Heroes habang inaalala ang pagkamatay ng kanyang ama.

José Abad Santos, Jr. o Pepito sa panayam ng Department of Defense para sa Legacy of Heroes habang inaalala ang pagkamatay ng kanyang ama.

Sabi sa kanya ng ama, “Huwag kang umiyak, Pepito.  Ipakita mo sa mga taong ito na matapang ka.  Bihira ang pagkakataon na mamatay para sa ating bayan.  Hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon, anak.”  Parehas silang lumuhod at nanalangin, at matapos ay nagyakap.  Dinala na si Abad Santos ng mga Hapones at umakyat naman sa bahay si Pepito at kinuha ang aklat dasalan.

Ang pabalat ng Filipino Heroes Comic Series ukol kay Abad Santos ni Manuel Franco at inilathala ng National Book Store, Inc. noong 1974 na nagpapakita ng mga huling sandali ni Abad Santos.  Mula sa Komiklopedia.

Habang binabasa ang panalangin para sa mga namatay, narinig na niya ang sunod-sunod na putok.  2:00 ng hapon ng 2 Mayo 1942 noon, alam na ni Pepito na wala na ang kanyang ama, namatay na isang bayani.  Sabi nila, marami raw abogado sa impiyerno.  Hindi siguro isa doon si José Abad Santos.  Tunay na huwaran, sana dumami pa ang mga abogado kalahi niya.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Jollibee DLSU Taft, 15 February 2013)

Ang larawan ni Abad Santos na nasa Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas.  Obra Maestra ni Dominador Dionisio Hilario Castañeda.  Mula sa Philippine History in Art.

Ang larawan ni Abad Santos na nasa Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas. Obra Maestra ni Dominador Dionisio Hilario Castañeda. Mula sa Philippine History in Art.

XIAOTIME, 18 February 2013: PASYON AT EDSA REVOLUTION

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 18 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Pasyon at EDSA Revolution:  Si Ninoy at ang Inang Bayan bilang Pieta ng banal na mag-ina.  Regalo sa mga Aquino na nakalagak ngayon sa The Aquino Center sa San Miguel, Tarlac City.  Kuha ni Xiao Chua.

Pasyon at EDSA Revolution: Si Ninoy at ang Inang Bayan bilang Pieta ng banal na mag-ina. Regalo sa mga Aquino na nakalagak ngayon sa The Aquino Center sa San Miguel, Tarlac City. Kuha ni Xiao Chua.

18 February 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=xZu7E45L6O0

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ilang araw na lamang mula ngayon, atin nang ipagdiriwang ang 27th anniversary ng Himagsikang People Power o Kapangyarihang Bayan sa EDSA noong 1986.  Kamakailan lamang noong February 8-9, ginanap sa Ateneo de Manila University ang isang pandaigdigang kumperensya na nagpupugay sa kontribusyon ng historyador na si Dr. Reynaldo Ileto at sa kanyang aklat na Pasyon and Revolution, Popular Movements in the Philippines, 1840-1910.

Xiao Chua at Dr. Rey Ileto (pangalawa mula kaliwa), kasama sina Prop. Atoy Navarro at Dr. Zeus Salazar, Kenny Roger's Katipunan.  Kuha ni Dr. Preciosa de Joya.

Xiao Chua at Dr. Rey Ileto (pangalawa mula kaliwa), kasama sina Prop. Atoy Navarro at Dr. Zeus Salazar, Kenny Roger’s Katipunan. Kuha ni Dr. Preciosa de Joya.

Ang kopya ni Xiao Chua ng Pasyon and Revolution ni Reynaldo Ileto.

Ang kopya ni Xiao Chua ng Pasyon and Revolution ni Reynaldo Ileto.

Opisyal na backdrop ng kumperensyang nagpupugay kay Dr. Reynaldo C. Ileto.  Rip-off ng pabalat ng pamosong libro.

Opisyal na backdrop ng kumperensyang nagpupugay kay Dr. Reynaldo C. Ileto. Rip-off ng pabalat ng pamosong libro.

Bago ang panahon ni Sir Rey, ang mga historyador ay napako sa posistibistang dictum “No documents, no history,” kaya puro pulitikal na kasaysayan ang lumilitaw gamit ang mga tradisyunal na batis at mga nakasulat na dokumento na siyempre, sinulat ng mga edukado at elit.  Si Sir Rey ang isa sa unang pagpakita sa atin sa pamamagitan ng pagbasa sa mga literatura, tula at awit na nilikha at binasa ng mga kilusang bayan sa panahong iyon, makikita natin ang tunay na saloobin at kaisipan ng bayan.  Ang tawag dito ay “history from below.”

Ang pagtangkilik ng bayan sa Pasyong Mahal ni Hesukristo sa mga pabasa tuwing mahal na araw.  Kuha ni Sidney Snoeck.

Ang pagtangkilik ng bayan sa Pasyong Mahal ni Hesukristo sa mga pabasa tuwing mahal na araw. Kuha ni Sidney Snoeck.

Kopya ni Xiao Chua ng Pasyong Mahal.

Kopya ni Xiao Chua ng Pasyong Mahal.

Nakumpiskang anting-anting na nakasuot sa Katipunero.

Nakumpiskang anting-anting na nakasuot sa Katipunero.

Ang nakumpiskang anting-anting ni Macario Sakay na nakalagak sa isang artsibo sa Estados Unidos.  Mula sa Pasyon and Revolution.

Ang nakumpiskang anting-anting ni Macario Sakay na nakalagak sa isang artsibo sa Estados Unidos. Mula sa Pasyon and Revolution.

Kung ganito ang lenteng ating gagamitin, ang isang himagsikan ay hindi lamang tunggalian ng mga uri, ng mayaman, mahirap at mga pulitikal na mga pwersa, kundi isa ring kultural na pangyayari.  Dito natin naintindihan na kaiba sa pagbasa ng mga Marxista na ang relihiyon ang opyo ng lipunan at nakakapagpapigil sa pag-unlad ng tao, kung titingnan ang kaisipan ng bayan, ang kanilang mga paniniwala ay instrumental pa nga upang palakasin ang kanilang loob at bigyan sila ng pag-asa sa kanilang pakikibaka.

Karl Marx

Karl Marx

Kung titingnan, sa Katipunan, hindi nawawala ang esprituwalidad, hanggang sa Himagsikang EDSA lumitaw ang naratibo ng Pasyon.  Na para sa mga tao, laban ito ng mabuti at masama.  Na ang sakripisyo nina Rizal at Ninoy para sa bayan ay tulad din ng pagsasakripisyo ni Hesus.  Ang Inang Bayan ay ang Mahal na Birhen.  Kaya sa EDSA, naroon ang mga rosaryo, ang Birheng Maria, mga krus at Bibliya.  Mga pari, madre, layko, maging mga Muslim na nakaluhod sa harap ng tangke, nananalangin.

Medieval morality play:  Laban ng masama at mabuti.  Mula sa Nine Letters.

Medieval morality play: Laban ng masama at mabuti. Mula sa Nine Letters.

Ang paralelismo na ibinigay ng bayan:  Si Jose Rizal at Ninoy Aquino.  Mula sa Mr. & Ms. Special edition.

Ang paralelismo na ibinigay ng bayan: Si Jose Rizal at Ninoy Aquino. Mula sa Mr. & Ms. Special edition.

Inang Maria sa gitna ng Himagsikang EDSA 1986.

Inang Maria sa gitna ng Himagsikang EDSA 1986.

Isang babaeng nagrorosaryo habang nakaluhod sa isang tangke noong Himagsikang EDSA.  mula sa James Reuter Foundation.

Isang babaeng nagrorosaryo habang nakaluhod sa isang tangke noong Himagsikang EDSA. mula sa James Reuter Foundation.

Banal na Bibliya sa EDSA.  Mula sa People Power The Filipino Experience.

Banal na Bibliya sa EDSA. Mula sa People Power The Filipino Experience.

Ang mga tao habang nakaluhod sa harapan ng tangke.  Mula sa Nine Letters.

Ang mga tao habang nakaluhod sa harapan ng tangke. Mula sa Nine Letters.

Mayaman o mahirap man, tila lumitaw ang ganitong kaisipan.  Nagbigay ako ng presentasyon sa nasabing kumperensya ukol sa aking pag-aaral ng nagpapatuloy na tradisyon ng pagsasadula ng mga urban poor sa Metro Manila sa kalsada tuwing Pasko at Mahal na Araw.  Sa Panuluyan, kanilang nakikita na matapos maghanap ang banal na mag-asawa ng mapagsisilangan kay Hesus, nakahanap din sila.  Sa Kalbaryo, sa kabila ng matinding pagdurusa at hilahil ng mahal na Panginoon, matapos ang tatlong araw, nabuhay din siyang muli.

Xiao Chua, Dr. Rey Ileto, at kanyang mga nakasama sa sesyon, February 9, 2013.

Xiao Chua, Dr. Rey Ileto, at kanyang mga nakasama sa sesyon, February 9, 2013.

26 ukol sa aking pag-aaral ng nagpapatuloy na tradisyon ng pagsasadula ng mga urban poor sa Metro Manila

Panunuluyan ng mga Maralitang Tagalungsod, December 2011, Plaza Hernandez, Tondo Maynila.  Kuha ni Xiao Chua.

Panunuluyan ng mga Maralitang Tagalungsod, December 2011, Plaza Hernandez, Tondo, Maynila.  Itinataguyod sa pamumuno ng TriCorps kasama ang Urban Poor Associates. Kuha ni Xiao Chua.

Panunuluyan ng mga Maralitang Tagalungsod, December 2011, Plaza Hernandez, Tondo Maynila.  Kuha ni Xiao Chua.

Panunuluyan ng mga Maralitang Tagalungsod, December 2011, Plaza Hernandez, Tondo Maynila. Kuha ni Xiao Chua.

Pagbubuhat ng napakalaking krus.  Kalbaryo ng mga Maralitang Tagalungsod, April 2011, Quiapo.  Kuha ni Xiao Chua.

Pagbubuhat ng napakalaking krus. Kalbaryo ng mga Maralitang Tagalungsod, April 2011, Quiapo. Kuha ni Xiao Chua.

Mga maralitang nakamaskara ng Kristo.  Kalbaryo ng mga Maralitang Tagalungsod, April 2011, Quiapo.  Kuha ni Xiao Chua.

Mga maralitang nakamaskara ng Kristo. Kalbaryo ng mga Maralitang Tagalungsod, April 2011, Quiapo. Kuha ni Xiao Chua.

Nagbibigay ito ng mensahe na may pag-asa sa maralita ng disenteng tahanan at tunay na kaginhawaan.  Kaya nagpapadayon at nagpapatuloy lamang sila makibaka.  Kung tutuusin, ang ipinakita ni Sir Rey sa Pasyon and Revolution ay patuloy na makikita at lalong napapatunayan sa dami ng mga pag-aaral na inangkla sa kanyang sinumulan.

Reynaldo C. Ileto

Reynaldo C. Ileto.  Mula sa Philippine Studies.

Sir Rey, salamat po at itinuro niyo sa aming mga historyador na bago namin pakinggan ang ibang tao, pakinggan muna dapat namin ang tinig ng mga maliliit ar ordinaryong tao.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Leong Hall, ADMU, 8 February 2013)

XIAOTIME, 15 February 2013: ANG PAGGAROTE SA TATLONG PARING GOMBURZA

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 15 February 2013, at News@1 at News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre José Apolonio Burgos, malamang sa malamang composite na larawan.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre José Apolonio Burgos, malamang sa malamang composite na larawan. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

15 February 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=6PAtXRwo8Ds

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  141 years ago sa linggo, February 17, 1872, binitay ang tatlong paring martir na kolektibo nating tinatawag na GomBurZa.  Tagapagtaguyod sila ng sekularisasyon para makuha ng mga sekular na pari noon ang pagiging kura paroko mula sa mga Espanyol na miyembro ng mga relihiyosong orden o mga paring regular.

Mga prayleng Dominikano sa Piat, Cagayan, 1875-1880.  Mula sa philhistorypics.blogspot.com.

Mga prayleng Dominikano sa Piat, Cagayan, 1875-1880. Mula sa philhistorypics.blogspot.com.

Mariing tinutulan ito ng mga orden marahil dahil sa kapangyarihan ng kura paroko sa isang bayan, hindi nila mabitawan ito.  Kung tutuusin, hindi na nila kailangan ang kanilang ipinaglalaban.  Si Padre José Burgos ay kura paroko ng Katedral ng Maynila, si Jacinto Zamora naman ng Marikina at si Padre Mariano Gomes ng Bacoor, Cavite.  Napakataas na ng kanilang mga posisyon sa Simbahang Pilipino.

José Apolonio Burgos.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

José Apolonio Burgos. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.

Padre Jacinto Zamora.

Padre Jacinto Zamora.

Padre Mariano Gomes.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Padre Mariano Gomes. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Simbahan ng Bacoor, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Simbahan ng Bacoor, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Ngunit ginamit ang pangalan ni Padre Burgos upang manghikayat ng sasama sa nabigong Cavite Mutiny noong January 20, 1872.  Si Padre Gomes naman ayon sa ilang eksperto ay maaaring may kaalaman sa mutiny bilang pinaghihingahan ng sama ng loob at pinagkukumpisalan ng mga manggagawa sa Cavite.  Si Jacinto Zamora naman bagama’t isa sa mga nagtatatguyod ng sekularisasyon ay nadawit dahil nang i-raid ang kanyang tahanan, nahulihan siya ng isang sulat na nag-iimbita sa kanya na magdala ng “bala at pulbura.”  Mahilig sa sugal ng baraha si Zamora at ang imbitasyon na iyon ay code nilang magbabarkada para sa pera sa sugal.  Tsk, dahil sa sugal naging biktima pa siya ng mistaken identity.  Nagbigay sa kanila ng mga abogado na ibinenta lamang sila sa hukuman at sinabing umamin sila sa kanilang pagkakasala.  Napatunayan silang nagkasala at hinatulan sila ng kamatayan noong February 15, 1872 upang bitayin matapos ang dalawang araw.  Nang si Padre Gomes ay tinanong kung kanino niya nais mangumpisal, kanyang sinabi, “Piliin niyo na ang pinakamahigpit naming kaaway para mabatid nila ang kalinisan ng aming budhi.”

Monumento ni Padre Gomes sa Bacoor, Cavite.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Padre Gomes sa Bacoor, Cavite. Kuha ni Xiao Chua.

Nang hilingin ng Gobernador Heneral Rafael Izquierdo na ipahubad sa Arsobispo ng Maynila Meliton Martinez ang abito ng mga pari upang hindi sila mamatay na pati, tumanggi ang arsobispo at iniutos pa na patunugin ang lahat ng kampana sa oras ng kanilang kamatayan.   Sa araw ng pagbitay, ang nagsangkot sa mga pari sa rebelyon, si Zaldua, ang unang binitay, akala niya ililigtas siya ng mga Espanyol.  Si Gomes naman ang sinunod at sinabi ayon sa pananaliksik ni Luis Dery kanyang sinabi sa pamangkin, “Huwag kang lumuha anak, ang taong tunay na nagmamahal sa lupang tinubuan ay hindi namamatay sa higaan.”  Maluwag niyang tinaggap ang kamatayan sa edad na 72.  Si Zamora naman ay nakatulala na parang isang maamong tupa, nabaliw na siya sa mga nangyari sa kanya.

Monumento ni Padre Burgos sa Plaza Burgos, Vigan, Ilocos Sur.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Padre Burgos sa Plaza Burgos, Vigan, Ilocos Sur. Kuha ni Xiao Chua.

Si Burgos ang iyak ng iyak.  Sa lahat ng tinamo niyang pitong digri, dalawa sa mga ito ay doktorado, sa edad ng 35 ito lang pala ang sasapitin niya.  Ipinipilit niya na wala siyang kasalanan.  Nang si Benito Corominas ay sumagot, “Maging si Kristo ay walang kasalanan.”  Sabat ni Burgos sa kanya, “Duwag!”  Ayon sa marker na ito sa pinagpatayan, strangulation ang pagpatay sa garote.  Ayon sa historian na si Ambeth Ocampo, pagbali ito sa leeg na nagbubunsod ng kagyat na kamatayan sa biktima.

Isang diorama ng Gomburza na tumutungo sa kanilang kamatayan.  Kuha ni Xiao Chua sa Burgos Museum, Vigan, ilocos Norte.

Garrote Vil

Garrote Vil

Ang marker na Ingles sa obelisk ng sayt ng paggarote sa GomBurZa na nagsasabing pagsakal at mabagal ang pagkitil ng buhay sa garrote.

Ang marker na Ingles sa obelisk ng sayt ng paggarote sa GomBurZa na nagsasabing pagsakal at mabagal ang pagkitil ng buhay sa garrote.

Sa aklat na ito, ibinigay ni Ambeth Ocampo ang mga tala na nagsasabing ang garrote ay hindi mabagal na pagsakal kundi mabilis na pagputol ng spine.

Sa aklat na ito, ibinigay ni Ambeth Ocampo ang mga tala na nagsasabing ang garrote ay hindi mabagal na pagsakal kundi mabilis na pagputol ng spine.

Paggarote sa tatlong paring martir.  Isang bas relief sa Quezon Memorial Monument sa Lungsod ng Quezon.  Kuha ni Xiao Chua.

Paggarote sa tatlong paring martir.  Dapat may takip ang mukha ng biktima.  Isang bas relief sa Quezon Memorial Monument sa Lungsod ng Quezon. Kuha ni Xiao Chua.

Paggarote sa tatlong paring martir.  Detalye ng monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Caloocan na nilikha ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Xiao Chua.

Paggarote sa tatlong paring martir. Detalye ng monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Caloocan na nilikha ni Guillermo Tolentino. Kuha ni Xiao Chua.

Tahimik na tumangis ang buong bayan, ayaw man lang banggitin ang taong iyon sa takot.  Ngunit hindi nila ito nakalimutan.  Iaalay ni Rizal ang ikalawa niyang nobela sa tatlo at gagawing password ang Gomburza sa Katipunan ni Bonifacio.  Ang kanilang pag-aalay ng buhay ay isa sa mga inspirasyon ng Himagsikan ng mga Anak ng Bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Leong Hall, ADMU, 8 February 2013)

XIAOTIME, 14 February 2013: PAG-IBIG SA KATIPUNAN

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 14 February 2013, at News@1 at News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Puso.  Mula sa poster ni Mayo Baluyut.

Puso. Mula sa poster ni Mayo Baluyut.

14 February 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=a51zLDW95Z4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayon po ay araw ng mga puso na itinaon sa St. Valentine’s Day.  Ang kwento sa amin noong bata kami, namartir ang obispo ng Roma na si Valentinius dahil sa pagkasal at pagkalinga sa mga Kristiyano na noon ay ipinagbabawal ng emperyo.  Actually, dalawa talaga ang santong may pangalang Valentinius.

San Valentino ng Roma

San Valentino ng Roma

Ngunit noong 1969, tinanggal sa kalendaryo ng mga pistang ipinagdiriwang sa buong mundo ang araw ni St. Valentinius dahil ayon sa Vatican, wala naman talaga tayong historikal na nalalaman sa taong ito kundi siya ay inilibing sa Via Flaminia on February 14.

Bungo ni St. Valentine.  Mula sa Sacred Destinations.

Bungo ni St. Valentine. Mula sa Sacred Destinations.

Tsk.  Gayundin, taliwas sa sinasabi ng iba na may kinalaman Ang Valentine’s Day sa paganong pista ng fertility, Lupercalia, na ipinagdiriwang ng Ferbruary 13-15 noon, wala namang romantikong konotasyon ang pista ni St. Valentinius hanggang isulat ni Geoffrey Chaucer noong 1382 ang isang tula para sa unang anibersaryo ng engagement ng hari ng Inglatera na nagsasabing, “For this was on Saint Valentine’s Day, when every bird cometh there to choose his mate.” Ayun, ganun pala nakabit ang araw na ito sa pag-ibig at mga puso. Kailangan ding liwanagin na sa mga tipikal na depiksyon kay St. Valentinius, hindi puso at mga puso, rosas at kupido ang kasama nito kundi hawak nito ang isang espada!

Ang orgy sa fertility feast na Lupercalia ng Romano.  Mula sa naturalbookcraft.wordpress.com.

Ang orgy sa fertility feast na Lupercalia ng Romano. Mula sa naturalbookcraft.wordpress.com.

Geoffrey Chauser

Geoffrey Chauser

Mga kung anu-anong kasweetan:  tsokolate, puso, pagmamahal.  Mula sa Wikipedia.

Mga kung anu-anong kasweetan: tsokolate, puso, pagmamahal. Mula sa Wikipedia.

Antique Valentine's Card.  Mula sa Wikipedia.

Antique Valentine’s Card. Mula sa Wikipedia.

St. Valentine.  Mula sa Saints:  A Visual Guide.

St. Valentine. Mula sa Saints: A Visual Guide.

Dito naman sa Pilipinas, punong-puno pala ng mensahe ng pag-ibig ang rebolusyunaryong samahan ni Andres Bonifacio, ang Katipunan.  Huh?  Hindi ba wala namang gusto ang Katipunan kundi pumatay ng mga Espanyol at maging bayolente??? Well, ayon sa pag-aaral nina Bomen Guillermo, Atoy Navarro, at Mary Jane Rodriguez-Tatel, makikita sa mga literature na isinulat sa loob ng Katipunan na pangunahing itinuturo sa mga Katipon, may tatlong uri ng pag-ibig:  Pag-ibig sa Maykapal, pag-ibig sa Inang Bayang Tinubuan, at pag-ibig sa kapwa (kabilang na ang sa kapatid, kabiyak, at sa kaibigan).

Pabalat ng Wika, Panitikan, Sining at Himagsikan na inedit nina Atoy Navarro at Raymund Arthur Abejo at inilathala ng UP LIKAS kung saan matatagpuan ang sanaysay na "Pag-ibig sa Katipunan"

Pabalat ng Wika, Panitikan, Sining at Himagsikan na inedit nina Atoy Navarro at Raymund Arthur Abejo at inilathala ng UP LIKAS kung saan matatagpuan ang sanaysay na “Pag-ibig sa Katipunan” nina Bomen Guillermo, Atoy Navarro at Mary Jane Rodriguez.

Ang Kartilya ni Emilio Jacinto ay nagtuturo ng pag-ibig sa kapwa at paggalang sa kababaihan, na wala nang hihigit pa kung hindi ang pag-ibig sa tinubuang lupa.  Paalala ni Andres Bonifacio, “Sumampalataya sa MayKapal ng taimtim sa puso at gunamgunamin sa sarili tuina, na ang matapat na pag sampalataya sa Kanya ay ang pag ibig sa lupang tinubuan, sa pagkat ito ang tunay na pag ibig sa kapwa.”

Emilio Jacinto

Emilio Jacinto

Andres Bonifacio

Andres Bonifacio

At sa limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan ni Jacinto, binanggit sa isang talata, “Dito’y isa sa mga kaunaunahang utos ang tunay na pag-ibig sa bayang tinubuan at lubos na pagdadamayan ng isa’t isa.”  Ang pangunahing aral ng Katipunan ay hindi ang makipagdigma lamang, kundi ang umibig.

Limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan ni Jacinto.  Mula sa Tragedy of the Revolution.

Limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan ni Jacinto. Mula sa Tragedy of the Revolution.

Kaya naman pala pusong mamon tayong mga Pilipino pagdating sa pag-ibig, kahit sa preyambolo ng ating Saligang Batas 1987, nakatatak ang salitang “pag-ibig,” na sinasabing natatangi sa lahat ng mga konstiitusyon sa daigdig.

Ang preambolo ng Saligang Batas ng 1987:  Mayroong salitang "love.

Ang preambolo ng Saligang Batas ng 1987: Mayroong salitang “love.

Mga sawi:  Kulaog Band ng Pusong Bato fame.

Mga sawi: Kulaog Band ng Pusong Bato fame.

Kaya naman, sa mga nasa bahay lamang, walang date ngayong gabi kaya pinapanood niyo ako ngayon, ok lang yan!  Mahalin na lang natin ang bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Razon’s, UP-Ayala Technohub, 5 February 2013)

XIAOTIME, 13 February 2013: ANO NGA BA ANG ANG KAHULUGAN NG ASH WEDNESDAY AT ANG KAUGNAYAN NITO SA KATUTUBONG PANINIWALA

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 13 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ash Wedensday sa Baclaran.  Mula sa http://flickr.com/photos/johnhanscom/.

Ash Wedensday sa Baclaran. Mula sa http://flickr.com/photos/johnhanscom/.

13 February 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=A4Bzz25m-MU

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayon po ay Ash Wednesday, ang simula ng kuwaresma.  Na nagpapaalala sa atin na sa abo tayo ay nagmula at sa abo rin magbabalik (Genesis 3:9).

Genesis 3:9 sa Wikang Latin.

Genesis 3:9 sa Wikang Latin.

Nakakatuwang malaman na ang mga abo na ginagamit ng pari sa ating noo sa araw na ito ay nanggaling sa mga palaspas na binasbasan noong Domingo de Ramos o Palm Sunday noong nakaraang taon!  Kailangang banggitin na ang ating mga palaspas ay hindi lamang paggunita sa maluwalhating pagpasok ni Hesus sa Herusalem kundi anting-anting ito laban sa masama at sa kidlat!

Domingo de Ramos sa Pilipinas.  Mula sa manila-beyond.blogspot.com.

Domingo de Ramos sa Pilipinas. Mula sa manila-beyond.blogspot.com.

Linggo ng Palaspas.  Mula sa isang palabas sa teatro.  Kuha ni richardbalonglong.multiply.com

Linggo ng Palaspas. Mula sa isang palabas sa teatro. Kuha ni richardbalonglong.multiply.com

Diyan natin makikita na ang Katolisismo na pamana sa ating ng mga Espanyol ay humahalo sa dati na nating pananampalatayang bayan.  Ang tawag sa sinkretismo o paghahalo na ito ay Folk Catholicism.  Isa pang manipestasyon ng pagpapatuloy at pananatili ng pananampalatayang bayan sa kabila ng Katolisismo ay ang mga Rizalista.  Huh?  Pagsamba kay Rizal?  Weird!!!

Si Rizal bilang Kristong Tagalog.  Mula sa lfrbonn.blogspot.com.

Si Rizal bilang Kristong Tagalog. Mula sa lfrbonn.blogspot.com.

Ang Samahang Sagrada Familia ng Calamba, Laguna sa pangunguna ni Nanay Gloria Bibat.  Kuha ni Dennis Villegas.

Ang Samahang Sagrada Familia ng Calamba, Laguna sa pangunguna ni Nanay Gloria Bibat. Kuha ni Dennis Villegas.

Pero sa totoo lang, hindi dapat sila tawaging weird o sa negatibong tawag na kulto.  Sapagkat ayon sa ilang iskolar, lalong-lalo na sina Floro Quibuyen, Prospero Covar, Zeus Salazar at Nilo Ocampo, pinakikita ng mga Rizalista ang nagpapatuloy na diwa ng katutubong pananampalataya—ang pagsasamahan batay sa kapatiran, paniniwala sa kaluluwa o anito, mga anting-anting, paniniwala sa mga banal na tinig, ginagamit ang mga kweba at pagsamba sa kabundukan sa paniniwalang ang kalikasan ay tahanan ng mga anito at iba pang paniniwala na nag-uugat sa kwentong bayan.

Mga koleksyon ng anting-anting ni Zeus A. Salazar.  Kuha ni Xiao Chua.

Mga koleksyon ng anting-anting ni Zeus A. Salazar. Kuha ni Xiao Chua.

Bundok Banahaw.  Ang Bagong Herusalem sa mga Rizalista.  Mula kay mirageide

Bundok Banahaw. Ang Bagong Herusalem sa mga Rizalista. Mula kay mirageide.

Sa pagdating ng mga Espanyol, inangkin ng ilan sa mga samahan na namundok ang Katolisismo habang ipinagpapatuloy ang mga dating gawi.  Nang mamatay si Dr. José Rizal, dahil sa kanyang tindig laban sa mga Espanyol, tila ginawa siyang anito ng mga samahan, isang anito na hindi namatay kundi nabubuhay, isang Kristong Tagalog!

Si Rizal bilang Kristong Kayumanggi.  Kuha ni Dennis Villegas.

Si Rizal bilang Kristong Kayumanggi. Kuha ni Dennis Villegas.

Isa pang diwa ng pananampalatayang bayan na nagpapatuloy sa mga samahan at kapatiran ay ang pagkakaroon ng mga pinunong babae.  Tandaan natin na sa Katolisismo, hindi maaaring maging mga pari o obispo ang mga babae.  Ngunit tulad ng sabay na paglabas ng lalaki at babae sa kawayan sa ating mga mito ng pinagmulan, may semblance ng pagkakapantay-pantay sa kasarian.

Malakas at Maganda ni Nestor Redondo.

Malakas at Maganda ni Nestor Redondo.

Babaylan.  Guhit ni Christine Bellen.

Babaylan. Guhit ni Christine Bellen.

Nanay Mercedes, ang Durable ng Sta. Lucia, Dolores, Quezon.

Nanay Mercedes, ang Durable ng Sta. Lucia, Dolores, Quezon.

Monumento ni Gabriela Silang sa Makati.  Mula sa Ayala Triangle.

Monumento ni Gabriela Silang sa Makati. Mula sa Ayala Triangle.

One Billion Rising.

One Billion Rising.

Kaya may mga babaylan o katalonan, kaya ang mga manang ay astig na mga babae, kaya uso dito ang mga ander na lalaki, kaya mayroon tayong mga Gabriela Silang, Teresa Magbanua, Trinidad Tecson, Tarhata Kiram at Cory Aquino.  Bukas titindig ang isang bilyong kababaihan sa daigdig to strike, dance, rise.

Si Xiao Chua at si Nanay Isabel Suarez, ang "Suprema" ng Suprema de la Iglesia del Ciudad Mystica de Dios.

Si Xiao Chua at si Nanay Isabel Suarez, ang “Suprema” ng Suprema de la Iglesia del Ciudad Mystica de Dios.

Ang loob ng Simbahan ng Suprema de la Iglesia del Ciudad Mystica de Dios.  Kuha ni Sidney Snoeck.

Ang loob ng Simbahan ng Suprema de la Iglesia del Ciudad Mystica de Dios. Kuha ni Sidney Snoeck.

Reyna Yolanda Manalo, Pinuno ng Celyo Rizal, Incorporada, ang pampbansang pederasyon ng mga Rizalista.

Reyna Yolanda Manalo, Pinuno ng Celyo Rizal, Incorporada, ang pampbansang pederasyon ng mga Rizalista.

Ang mga pinunong Rizalista na nagtataglay ng diwa ng babaylan na aking nakilala ay sina Nanay Isabel Suarez ng Suprema de la Iglesia del Ciudad Mystica de Dios at si Reyna Yolanda Manalo ng Celyo Rizal, Incorporada, ang Pambansang Pederasyon ng mga Rizalista.  Napagkaisa ni Reyna Yolanda ang mga hiwa-hiwalay na grupo sa pagpapakita na ang mga tingting ay walang magiging silbi kung hindi magsasama-sama bilang isang walis.  Siya ang nanguna sa pagtatanghal ng pinakamalaking bandilang tao at mapang tao ng Pilipinas tuwing kaarawan ni Rizal.  Nakita ko mismo ang reyna habang itinatanghal ang kanyang pakikipag-usap sa mga kaluluwa, at kanyang sinabi ang mensahe ng espiritu, “Ang panginoong Diyos, ang Inang Bayan, at si José Rizal ay iisa!”  Malalim ang mensaheng ito na may malaking katotohanan, sa Rizalista napag-isa ang sinaunang bayan, ang katolisismo at ang pagmamahal sa bayan ni Rizal.

Ang sagisag ng Celyo Rizal, Inc.

Ang sagisag ng Celyo Rizal, Inc.

Ang pakikipag-usap ni Reyna Yolanda sa espiritu.  Calamba, Laguna, June 18, 2009.

Ang pakikipag-usap ni Reyna Yolanda sa espiritu. Calamba, Laguna, June 18, 2009.

Si Xiao Chua at si Reyna Yolanda noong ika-150 kaarawan ni Jose Rizal sa Calamba, Laguna, June 19, 2011.

Si Xiao Chua at si Reyna Yolanda noong ika-150 kaarawan ni Jose Rizal sa Calamba, Laguna, June 19, 2011.

Happy 60th Birthday Reyna Yolanda sa linggo, February 17!  Sana maisapuso namin ang halimbawa ninyong mga Rizalista—na kung tunay naming mahal ang Panginoon, mahal din namin si Inang Pilipinas.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Leong Hall, ADMU, 8 January 2013)

XIAOTIME, 12a February 2013: KASAYSAYAN NG HALALAN AT PANGANGAMPANYA SA PILIPINAS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 12 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Pangulong Ramon Magsaysay, ang kampeon ng karaniwang tao ang siyang arkitekto ng pangangampanyang lumalapit sa mas maraming tao.  Ang kampanyang nalalamn natin ngayon.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Si Pangulong Ramon Magsaysay, ang kampeon ng karaniwang tao ang siyang arkitekto ng pangangampanyang lumalapit sa mas maraming tao. Ang kampanyang nalalaman natin ngayon. Mula sa Papogi ng PCIJ.

12 February 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=6Ga00rKJi0Q

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayong araw na ito, February 12, 2013, ang opisyal na pagsisimula ng pangangampanya para sa halalang 2013.  Sabi ng isang awit ni Heber Bartolome, sa Pilipinas mayroon daw tatlong panahon—Panahon ng tag-ulan, tag-araw, at eleksyon!

Heber Bartolome

Heber Bartolome

Ang ikatlong panahon sa Pilipinas:  Ang eleksyon.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang ikatlong panahon sa Pilipinas: Ang eleksyon, isang malaking karnabal at zarzuela. Mula sa Papogi ng PCIJ.

Tunay nga naman, ang halalan ay hindi lamang pulitikal na ehersisyo kundi isang zarzuela, karnabal, pelikula at piyesta na pinagsama-sama.  Isang box-office hit na may bida at kontabida, at production numbers–sayawan!  Paano ba naging ganito ang halalan natin?

Ang pamosong pagsasayaw ni frank Chavez, kumandidatong senador.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang pamosong pagsasayaw ni frank Chavez, kumandidatong senador. Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang pamosong sayaw ni Pangulong Gloria Arroyo at ng kanyang alter ego na si Tita Glow.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang pamosong sayaw ni Pangulong Gloria Arroyo at ng kanyang alter ego na si Tita Glow. Mula sa Papogi ng PCIJ.

Tinatalakay ang mga ito sa isang dokumentaryo mula sa Jesuit Communications, Eleksyong Pinoy.  Ayon kay Dr. Stephen Henry Totanes, noong panahon ng mga Espanyol, ang mga indiyong pinuno o mga principalia lamang ang nakakaboto ng mga cabeza de barangay at mga pinunong bayan o gobernadorcilloSo sa isang bayan, mga tinatayang 12-13 katao lamang ang nagbobotohan sa isa’t isa.  Kaya kung makikita niyo ang listahan ng mga gobernadorcillo sa anumang bayan sa Pilipinas noon—iilang pamilya lamang ang nagpapalitan sa puwesto.  Aba, e parang ngayon lang a!

Gobernadorcillo.  Mula sa Bayang Magiliw ng Adarna.

Gobernadorcillo. Mula sa Bayang Magiliw ng Adarna.

Mga principalia.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Mga principalia. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ang masasabing unang pambansang halalan ay nangyari sa bahay ni Tandang Sora sa Sitio Gulod, Barrio Banlat, Caloocan noong August 24, 1896 nang ang katas-taasang sanggunian ng Kaptipunan, kasama ng isanlibong mga kasapi nito ang naghalal sa Supremo Andres Bonifacio bilang unang pangulo ng pambansang pamahalaang mapanghimagsik by acclamation—o viva voce!  Sa palakasan ng boses.

Sa pulong ng kataas-taasang kapulungan ng Katipunan, nahalal by acclamation si Bonifacio bilang unang pangulo ng pamahalaang rebolusyunaryo, ang unang pamahalaang pambansa sa Pilipinas.  Mula sa City Hall ng Maynila.

Inagaw sa kanya ang kapangyarihan sa pamamagitan ng Halalan sa Tejeros noong March 22, 1897.  Ayon sa ibinulong sa Supremo ni Diego Moxica, mayroon nang mga nakasulat na mga boto sa mga balota bago pa maghalalan at sobra ang balota sa dami ng tao na naroon.  Naku!  Sa isa sa unang halalan na nagtatag ng ating bansa, tsismis ng dayaan sa eleksyon???

Halalan sa Tejeros, nahalal si Mariano Trias na pangalawang pangulo.  Ang masayang tagpong ito ay magwawakas nang insultuhin pa ang Supremo Bonifacio sa kanyang pagkapanalo sa pinakamababang posisyon na Direktor ng Interyor.  Nasa Tejeros Hall ng AFP Commissioned Officer's Club.

Halalan sa Tejeros, nahalal si Mariano Trias na pangalawang pangulo. Ang masayang tagpong ito ay magwawakas nang insultuhin pa ang Supremo Bonifacio sa kanyang pagkapanalo sa pinakamababang posisyon na Direktor ng Interyor. Nasa Tejeros Hall ng AFP Commissioned Officer’s Club.

Tsk, meron na pala noon!  Gayundin ang mga pangyayari sa Tejeros ang nagbunsod sa isang political killing—ang pagpatay kay Supremo Andres Bonifacio noong May 10, 1897, isang petsang ginagamit o malapit sa mga eleksyon natin ngayon!!!

Ang pagpatay sa Supremo Bonifacio ang political killing na nagsilang sa pamamayani ng demokrasyang elit sa bansa.  Mula sa Encyclopedia of Philippine Art.

Ang pagpatay sa Supremo Bonifacio ang political killing na nagsilang sa pamamayani ng demokrasyang elit sa bansa. Mula sa Encyclopedia of Philippine Art.

Noong 1907, sa unang halalan para sa Philippine Assembly sa ilalim ng mga Amerikano ay limitado sa mga taong 23 taong gulang at pataas, lalaki, may ari-arian, nagbabayad ng buwis, may edukasyon, at marunong ng Ingles at Espanyol ang mga nakaboboto.  Kaya naman, 1-2 % lamang ng mga tao ang nakaboto noon at diyan nagsimula ang halos kalahating siglong pamamayani nina Manuel Quezon at Sergio Osmeña sa ating pulitika.

Ang unang Philippine Assembly sa Ayuntamiento, 1907.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Ang unang Philippine Assembly sa Ayuntamiento, 1907. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Si Manuel Quezon, Gobernador Heneral Francis Burton Harrision at Sergio Osmena.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Si Manuel Quezon, Gobernador Heneral Francis Burton Harrison at Sergio Osmena. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Mahal na Pangulong Manuel Quezon at kabiyak na Dona Aurora.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Mahal na Pangulong Manuel Quezon at kabiyak na Dona Aurora. Mula sa Papogi ng PCIJ.

Noong 1936, nakakolekta ng mahigit na 300,000 na mga pirma ang mga kababaihan upang sila ang makaboto at dahil dito nakaboto sila sa lokal na halalan noong 1937.

Ang mga kababaihan nang makaboto.  Mula sa Eleksyong Pinoy.

Ang mga kababaihan nang makaboto. Mula sa Eleksyong Pinoy.

Dati sapat na ang mangampanya lamang sa mga lalawigan ang mga kinatawan mo o ng iyong partido, ngunit nang si Ramon Magsaysay ay tumakbo, gamit ang CIA na si Edward Lansdale, binago nila ang pangangampanya.  Nakisalamuha at nakipagkamay siya sa mga tao, pumunta sa mga malalayong barrio.  Nagpagawa pa ng jingle kay Raul Manglapus—ang Mambo Magsaysay, sinasayaw na ng mga tao ang pangalan ng kanilang pinuno.

Ramon Magsaysay at ang masa, karaniwang tao.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Ramon Magsaysay at ang masa, karaniwang tao. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ang Kampeon ng Masa.  Mula sa Papogi ng PCIJ

Ang Kampeon ng Masa. Mula sa Papogi ng PCIJ

40 sinasayaw na ng mga tao ang pangalan ng kanilang pinuno

Magsaysay, nagpapahinga kasama ni Lansdale.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Magsaysay, nagpapahinga kasama ni Lansdale. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ang CIA (Central Intelligence Agency ng USA) na si Edward Landsdale, nagamit ni Magsaysay.  Mula sa The Marcos Dynasty.

Ang CIA (Central Intelligence Agency ng USA) na si Edward Landsdale, nagamit ni Magsaysay. Mula sa The Marcos Dynasty.

Raul Manglapus, gumawa ng Mambo Magsaysay.

Raul Manglapus, gumawa ng Mambo Magsaysay.

Isang minentor ni Magsaysay, isang hindi gaanong kilalang batang gobernador na si Ninoy Aquino, nang tumakbo sa pagkasenador, ay pumangalawa pa dahil sa bilis mangampanya sa maraming lugar gamit ang isang chopper.

Si Ninoy Aquino, naka-chopper.  Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Si Ninoy Aquino, naka-chopper. Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Talagang ang kampanya at halalan ay kailangang magimik ngunit sana hindi makalimutan ng lahat ang tunay na diwa ng halalan:  Na tayo, ang bayan, ang tunay na hari.  Ang pumipili ng mga pinuno.  At dahil dito, ang mga pulitiko ay hindi dapat maghari-harian kundi mga lingkod-bayan na dapat ipaglaban ang ating interes tungo sa landas ng katuwiran at tunay na kaginhawaan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Leong Hall, ADMU, 8 February 2013)

Ang bayan ang hari.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang bayan ang hari. Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang bayan ang dapat pagsilbihan tungo sa daang matuwid at maginhawa.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang bayan ang dapat pagsilbihan tungo sa daang matuwid at maginhawa. Mula sa Papogi ng PCIJ.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 10,416 other followers