IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Month: February, 2013

XIAOTIME, 14 February 2013: PAG-IBIG SA KATIPUNAN

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 14 February 2013, at News@1 at News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Puso.  Mula sa poster ni Mayo Baluyut.

Puso. Mula sa poster ni Mayo Baluyut.

14 February 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=a51zLDW95Z4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayon po ay araw ng mga puso na itinaon sa St. Valentine’s Day.  Ang kwento sa amin noong bata kami, namartir ang obispo ng Roma na si Valentinius dahil sa pagkasal at pagkalinga sa mga Kristiyano na noon ay ipinagbabawal ng emperyo.  Actually, dalawa talaga ang santong may pangalang Valentinius.

San Valentino ng Roma

San Valentino ng Roma

Ngunit noong 1969, tinanggal sa kalendaryo ng mga pistang ipinagdiriwang sa buong mundo ang araw ni St. Valentinius dahil ayon sa Vatican, wala naman talaga tayong historikal na nalalaman sa taong ito kundi siya ay inilibing sa Via Flaminia on February 14.

Bungo ni St. Valentine.  Mula sa Sacred Destinations.

Bungo ni St. Valentine. Mula sa Sacred Destinations.

Tsk.  Gayundin, taliwas sa sinasabi ng iba na may kinalaman Ang Valentine’s Day sa paganong pista ng fertility, Lupercalia, na ipinagdiriwang ng Ferbruary 13-15 noon, wala namang romantikong konotasyon ang pista ni St. Valentinius hanggang isulat ni Geoffrey Chaucer noong 1382 ang isang tula para sa unang anibersaryo ng engagement ng hari ng Inglatera na nagsasabing, “For this was on Saint Valentine’s Day, when every bird cometh there to choose his mate.” Ayun, ganun pala nakabit ang araw na ito sa pag-ibig at mga puso. Kailangan ding liwanagin na sa mga tipikal na depiksyon kay St. Valentinius, hindi puso at mga puso, rosas at kupido ang kasama nito kundi hawak nito ang isang espada!

Ang orgy sa fertility feast na Lupercalia ng Romano.  Mula sa naturalbookcraft.wordpress.com.

Ang orgy sa fertility feast na Lupercalia ng Romano. Mula sa naturalbookcraft.wordpress.com.

Geoffrey Chauser

Geoffrey Chauser

Mga kung anu-anong kasweetan:  tsokolate, puso, pagmamahal.  Mula sa Wikipedia.

Mga kung anu-anong kasweetan: tsokolate, puso, pagmamahal. Mula sa Wikipedia.

Antique Valentine's Card.  Mula sa Wikipedia.

Antique Valentine’s Card. Mula sa Wikipedia.

St. Valentine.  Mula sa Saints:  A Visual Guide.

St. Valentine. Mula sa Saints: A Visual Guide.

Dito naman sa Pilipinas, punong-puno pala ng mensahe ng pag-ibig ang rebolusyunaryong samahan ni Andres Bonifacio, ang Katipunan.  Huh?  Hindi ba wala namang gusto ang Katipunan kundi pumatay ng mga Espanyol at maging bayolente??? Well, ayon sa pag-aaral nina Bomen Guillermo, Atoy Navarro, at Mary Jane Rodriguez-Tatel, makikita sa mga literature na isinulat sa loob ng Katipunan na pangunahing itinuturo sa mga Katipon, may tatlong uri ng pag-ibig:  Pag-ibig sa Maykapal, pag-ibig sa Inang Bayang Tinubuan, at pag-ibig sa kapwa (kabilang na ang sa kapatid, kabiyak, at sa kaibigan).

Pabalat ng Wika, Panitikan, Sining at Himagsikan na inedit nina Atoy Navarro at Raymund Arthur Abejo at inilathala ng UP LIKAS kung saan matatagpuan ang sanaysay na "Pag-ibig sa Katipunan"

Pabalat ng Wika, Panitikan, Sining at Himagsikan na inedit nina Atoy Navarro at Raymund Arthur Abejo at inilathala ng UP LIKAS kung saan matatagpuan ang sanaysay na “Pag-ibig sa Katipunan” nina Bomen Guillermo, Atoy Navarro at Mary Jane Rodriguez.

Ang Kartilya ni Emilio Jacinto ay nagtuturo ng pag-ibig sa kapwa at paggalang sa kababaihan, na wala nang hihigit pa kung hindi ang pag-ibig sa tinubuang lupa.  Paalala ni Andres Bonifacio, “Sumampalataya sa MayKapal ng taimtim sa puso at gunamgunamin sa sarili tuina, na ang matapat na pag sampalataya sa Kanya ay ang pag ibig sa lupang tinubuan, sa pagkat ito ang tunay na pag ibig sa kapwa.”

Emilio Jacinto

Emilio Jacinto

Andres Bonifacio

Andres Bonifacio

At sa limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan ni Jacinto, binanggit sa isang talata, “Dito’y isa sa mga kaunaunahang utos ang tunay na pag-ibig sa bayang tinubuan at lubos na pagdadamayan ng isa’t isa.”  Ang pangunahing aral ng Katipunan ay hindi ang makipagdigma lamang, kundi ang umibig.

Limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan ni Jacinto.  Mula sa Tragedy of the Revolution.

Limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan ni Jacinto. Mula sa Tragedy of the Revolution.

Kaya naman pala pusong mamon tayong mga Pilipino pagdating sa pag-ibig, kahit sa preyambolo ng ating Saligang Batas 1987, nakatatak ang salitang “pag-ibig,” na sinasabing natatangi sa lahat ng mga konstiitusyon sa daigdig.

Ang preambolo ng Saligang Batas ng 1987:  Mayroong salitang "love.

Ang preambolo ng Saligang Batas ng 1987: Mayroong salitang “love.

Mga sawi:  Kulaog Band ng Pusong Bato fame.

Mga sawi: Kulaog Band ng Pusong Bato fame.

Kaya naman, sa mga nasa bahay lamang, walang date ngayong gabi kaya pinapanood niyo ako ngayon, ok lang yan!  Mahalin na lang natin ang bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Razon’s, UP-Ayala Technohub, 5 February 2013)

XIAOTIME, 13 February 2013: ANO NGA BA ANG ANG KAHULUGAN NG ASH WEDNESDAY AT ANG KAUGNAYAN NITO SA KATUTUBONG PANINIWALA

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 13 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ash Wedensday sa Baclaran.  Mula sa http://flickr.com/photos/johnhanscom/.

Ash Wedensday sa Baclaran. Mula sa http://flickr.com/photos/johnhanscom/.

13 February 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=A4Bzz25m-MU

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayon po ay Ash Wednesday, ang simula ng kuwaresma.  Na nagpapaalala sa atin na sa abo tayo ay nagmula at sa abo rin magbabalik (Genesis 3:9).

Genesis 3:9 sa Wikang Latin.

Genesis 3:9 sa Wikang Latin.

Nakakatuwang malaman na ang mga abo na ginagamit ng pari sa ating noo sa araw na ito ay nanggaling sa mga palaspas na binasbasan noong Domingo de Ramos o Palm Sunday noong nakaraang taon!  Kailangang banggitin na ang ating mga palaspas ay hindi lamang paggunita sa maluwalhating pagpasok ni Hesus sa Herusalem kundi anting-anting ito laban sa masama at sa kidlat!

Domingo de Ramos sa Pilipinas.  Mula sa manila-beyond.blogspot.com.

Domingo de Ramos sa Pilipinas. Mula sa manila-beyond.blogspot.com.

Linggo ng Palaspas.  Mula sa isang palabas sa teatro.  Kuha ni richardbalonglong.multiply.com

Linggo ng Palaspas. Mula sa isang palabas sa teatro. Kuha ni richardbalonglong.multiply.com

Diyan natin makikita na ang Katolisismo na pamana sa ating ng mga Espanyol ay humahalo sa dati na nating pananampalatayang bayan.  Ang tawag sa sinkretismo o paghahalo na ito ay Folk Catholicism.  Isa pang manipestasyon ng pagpapatuloy at pananatili ng pananampalatayang bayan sa kabila ng Katolisismo ay ang mga Rizalista.  Huh?  Pagsamba kay Rizal?  Weird!!!

Si Rizal bilang Kristong Tagalog.  Mula sa lfrbonn.blogspot.com.

Si Rizal bilang Kristong Tagalog. Mula sa lfrbonn.blogspot.com.

Ang Samahang Sagrada Familia ng Calamba, Laguna sa pangunguna ni Nanay Gloria Bibat.  Kuha ni Dennis Villegas.

Ang Samahang Sagrada Familia ng Calamba, Laguna sa pangunguna ni Nanay Gloria Bibat. Kuha ni Dennis Villegas.

Pero sa totoo lang, hindi dapat sila tawaging weird o sa negatibong tawag na kulto.  Sapagkat ayon sa ilang iskolar, lalong-lalo na sina Floro Quibuyen, Prospero Covar, Zeus Salazar at Nilo Ocampo, pinakikita ng mga Rizalista ang nagpapatuloy na diwa ng katutubong pananampalataya—ang pagsasamahan batay sa kapatiran, paniniwala sa kaluluwa o anito, mga anting-anting, paniniwala sa mga banal na tinig, ginagamit ang mga kweba at pagsamba sa kabundukan sa paniniwalang ang kalikasan ay tahanan ng mga anito at iba pang paniniwala na nag-uugat sa kwentong bayan.

Mga koleksyon ng anting-anting ni Zeus A. Salazar.  Kuha ni Xiao Chua.

Mga koleksyon ng anting-anting ni Zeus A. Salazar. Kuha ni Xiao Chua.

Bundok Banahaw.  Ang Bagong Herusalem sa mga Rizalista.  Mula kay mirageide

Bundok Banahaw. Ang Bagong Herusalem sa mga Rizalista. Mula kay mirageide.

Sa pagdating ng mga Espanyol, inangkin ng ilan sa mga samahan na namundok ang Katolisismo habang ipinagpapatuloy ang mga dating gawi.  Nang mamatay si Dr. José Rizal, dahil sa kanyang tindig laban sa mga Espanyol, tila ginawa siyang anito ng mga samahan, isang anito na hindi namatay kundi nabubuhay, isang Kristong Tagalog!

Si Rizal bilang Kristong Kayumanggi.  Kuha ni Dennis Villegas.

Si Rizal bilang Kristong Kayumanggi. Kuha ni Dennis Villegas.

Isa pang diwa ng pananampalatayang bayan na nagpapatuloy sa mga samahan at kapatiran ay ang pagkakaroon ng mga pinunong babae.  Tandaan natin na sa Katolisismo, hindi maaaring maging mga pari o obispo ang mga babae.  Ngunit tulad ng sabay na paglabas ng lalaki at babae sa kawayan sa ating mga mito ng pinagmulan, may semblance ng pagkakapantay-pantay sa kasarian.

Malakas at Maganda ni Nestor Redondo.

Malakas at Maganda ni Nestor Redondo.

Babaylan.  Guhit ni Christine Bellen.

Babaylan. Guhit ni Christine Bellen.

Nanay Mercedes, ang Durable ng Sta. Lucia, Dolores, Quezon.

Nanay Mercedes, ang Durable ng Sta. Lucia, Dolores, Quezon.

Monumento ni Gabriela Silang sa Makati.  Mula sa Ayala Triangle.

Monumento ni Gabriela Silang sa Makati. Mula sa Ayala Triangle.

One Billion Rising.

One Billion Rising.

Kaya may mga babaylan o katalonan, kaya ang mga manang ay astig na mga babae, kaya uso dito ang mga ander na lalaki, kaya mayroon tayong mga Gabriela Silang, Teresa Magbanua, Trinidad Tecson, Tarhata Kiram at Cory Aquino.  Bukas titindig ang isang bilyong kababaihan sa daigdig to strike, dance, rise.

Si Xiao Chua at si Nanay Isabel Suarez, ang "Suprema" ng Suprema de la Iglesia del Ciudad Mystica de Dios.

Si Xiao Chua at si Nanay Isabel Suarez, ang “Suprema” ng Suprema de la Iglesia del Ciudad Mystica de Dios.

Ang loob ng Simbahan ng Suprema de la Iglesia del Ciudad Mystica de Dios.  Kuha ni Sidney Snoeck.

Ang loob ng Simbahan ng Suprema de la Iglesia del Ciudad Mystica de Dios. Kuha ni Sidney Snoeck.

Reyna Yolanda Manalo, Pinuno ng Celyo Rizal, Incorporada, ang pampbansang pederasyon ng mga Rizalista.

Reyna Yolanda Manalo, Pinuno ng Celyo Rizal, Incorporada, ang pampbansang pederasyon ng mga Rizalista.

Ang mga pinunong Rizalista na nagtataglay ng diwa ng babaylan na aking nakilala ay sina Nanay Isabel Suarez ng Suprema de la Iglesia del Ciudad Mystica de Dios at si Reyna Yolanda Manalo ng Celyo Rizal, Incorporada, ang Pambansang Pederasyon ng mga Rizalista.  Napagkaisa ni Reyna Yolanda ang mga hiwa-hiwalay na grupo sa pagpapakita na ang mga tingting ay walang magiging silbi kung hindi magsasama-sama bilang isang walis.  Siya ang nanguna sa pagtatanghal ng pinakamalaking bandilang tao at mapang tao ng Pilipinas tuwing kaarawan ni Rizal.  Nakita ko mismo ang reyna habang itinatanghal ang kanyang pakikipag-usap sa mga kaluluwa, at kanyang sinabi ang mensahe ng espiritu, “Ang panginoong Diyos, ang Inang Bayan, at si José Rizal ay iisa!”  Malalim ang mensaheng ito na may malaking katotohanan, sa Rizalista napag-isa ang sinaunang bayan, ang katolisismo at ang pagmamahal sa bayan ni Rizal.

Ang sagisag ng Celyo Rizal, Inc.

Ang sagisag ng Celyo Rizal, Inc.

Ang pakikipag-usap ni Reyna Yolanda sa espiritu.  Calamba, Laguna, June 18, 2009.

Ang pakikipag-usap ni Reyna Yolanda sa espiritu. Calamba, Laguna, June 18, 2009.

Si Xiao Chua at si Reyna Yolanda noong ika-150 kaarawan ni Jose Rizal sa Calamba, Laguna, June 19, 2011.

Si Xiao Chua at si Reyna Yolanda noong ika-150 kaarawan ni Jose Rizal sa Calamba, Laguna, June 19, 2011.

Happy 60th Birthday Reyna Yolanda sa linggo, February 17!  Sana maisapuso namin ang halimbawa ninyong mga Rizalista—na kung tunay naming mahal ang Panginoon, mahal din namin si Inang Pilipinas.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Leong Hall, ADMU, 8 January 2013)

XIAOTIME, 12a February 2013: KASAYSAYAN NG HALALAN AT PANGANGAMPANYA SA PILIPINAS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 12 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Pangulong Ramon Magsaysay, ang kampeon ng karaniwang tao ang siyang arkitekto ng pangangampanyang lumalapit sa mas maraming tao.  Ang kampanyang nalalamn natin ngayon.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Si Pangulong Ramon Magsaysay, ang kampeon ng karaniwang tao ang siyang arkitekto ng pangangampanyang lumalapit sa mas maraming tao. Ang kampanyang nalalaman natin ngayon. Mula sa Papogi ng PCIJ.

12 February 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=6Ga00rKJi0Q

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayong araw na ito, February 12, 2013, ang opisyal na pagsisimula ng pangangampanya para sa halalang 2013.  Sabi ng isang awit ni Heber Bartolome, sa Pilipinas mayroon daw tatlong panahon—Panahon ng tag-ulan, tag-araw, at eleksyon!

Heber Bartolome

Heber Bartolome

Ang ikatlong panahon sa Pilipinas:  Ang eleksyon.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang ikatlong panahon sa Pilipinas: Ang eleksyon, isang malaking karnabal at zarzuela. Mula sa Papogi ng PCIJ.

Tunay nga naman, ang halalan ay hindi lamang pulitikal na ehersisyo kundi isang zarzuela, karnabal, pelikula at piyesta na pinagsama-sama.  Isang box-office hit na may bida at kontabida, at production numbers–sayawan!  Paano ba naging ganito ang halalan natin?

Ang pamosong pagsasayaw ni frank Chavez, kumandidatong senador.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang pamosong pagsasayaw ni frank Chavez, kumandidatong senador. Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang pamosong sayaw ni Pangulong Gloria Arroyo at ng kanyang alter ego na si Tita Glow.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang pamosong sayaw ni Pangulong Gloria Arroyo at ng kanyang alter ego na si Tita Glow. Mula sa Papogi ng PCIJ.

Tinatalakay ang mga ito sa isang dokumentaryo mula sa Jesuit Communications, Eleksyong Pinoy.  Ayon kay Dr. Stephen Henry Totanes, noong panahon ng mga Espanyol, ang mga indiyong pinuno o mga principalia lamang ang nakakaboto ng mga cabeza de barangay at mga pinunong bayan o gobernadorcilloSo sa isang bayan, mga tinatayang 12-13 katao lamang ang nagbobotohan sa isa’t isa.  Kaya kung makikita niyo ang listahan ng mga gobernadorcillo sa anumang bayan sa Pilipinas noon—iilang pamilya lamang ang nagpapalitan sa puwesto.  Aba, e parang ngayon lang a!

Gobernadorcillo.  Mula sa Bayang Magiliw ng Adarna.

Gobernadorcillo. Mula sa Bayang Magiliw ng Adarna.

Mga principalia.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Mga principalia. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ang masasabing unang pambansang halalan ay nangyari sa bahay ni Tandang Sora sa Sitio Gulod, Barrio Banlat, Caloocan noong August 24, 1896 nang ang katas-taasang sanggunian ng Kaptipunan, kasama ng isanlibong mga kasapi nito ang naghalal sa Supremo Andres Bonifacio bilang unang pangulo ng pambansang pamahalaang mapanghimagsik by acclamation—o viva voce!  Sa palakasan ng boses.

Sa pulong ng kataas-taasang kapulungan ng Katipunan, nahalal by acclamation si Bonifacio bilang unang pangulo ng pamahalaang rebolusyunaryo, ang unang pamahalaang pambansa sa Pilipinas.  Mula sa City Hall ng Maynila.

Inagaw sa kanya ang kapangyarihan sa pamamagitan ng Halalan sa Tejeros noong March 22, 1897.  Ayon sa ibinulong sa Supremo ni Diego Moxica, mayroon nang mga nakasulat na mga boto sa mga balota bago pa maghalalan at sobra ang balota sa dami ng tao na naroon.  Naku!  Sa isa sa unang halalan na nagtatag ng ating bansa, tsismis ng dayaan sa eleksyon???

Halalan sa Tejeros, nahalal si Mariano Trias na pangalawang pangulo.  Ang masayang tagpong ito ay magwawakas nang insultuhin pa ang Supremo Bonifacio sa kanyang pagkapanalo sa pinakamababang posisyon na Direktor ng Interyor.  Nasa Tejeros Hall ng AFP Commissioned Officer's Club.

Halalan sa Tejeros, nahalal si Mariano Trias na pangalawang pangulo. Ang masayang tagpong ito ay magwawakas nang insultuhin pa ang Supremo Bonifacio sa kanyang pagkapanalo sa pinakamababang posisyon na Direktor ng Interyor. Nasa Tejeros Hall ng AFP Commissioned Officer’s Club.

Tsk, meron na pala noon!  Gayundin ang mga pangyayari sa Tejeros ang nagbunsod sa isang political killing—ang pagpatay kay Supremo Andres Bonifacio noong May 10, 1897, isang petsang ginagamit o malapit sa mga eleksyon natin ngayon!!!

Ang pagpatay sa Supremo Bonifacio ang political killing na nagsilang sa pamamayani ng demokrasyang elit sa bansa.  Mula sa Encyclopedia of Philippine Art.

Ang pagpatay sa Supremo Bonifacio ang political killing na nagsilang sa pamamayani ng demokrasyang elit sa bansa. Mula sa Encyclopedia of Philippine Art.

Noong 1907, sa unang halalan para sa Philippine Assembly sa ilalim ng mga Amerikano ay limitado sa mga taong 23 taong gulang at pataas, lalaki, may ari-arian, nagbabayad ng buwis, may edukasyon, at marunong ng Ingles at Espanyol ang mga nakaboboto.  Kaya naman, 1-2 % lamang ng mga tao ang nakaboto noon at diyan nagsimula ang halos kalahating siglong pamamayani nina Manuel Quezon at Sergio Osmeña sa ating pulitika.

Ang unang Philippine Assembly sa Ayuntamiento, 1907.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Ang unang Philippine Assembly sa Ayuntamiento, 1907. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Si Manuel Quezon, Gobernador Heneral Francis Burton Harrision at Sergio Osmena.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Si Manuel Quezon, Gobernador Heneral Francis Burton Harrison at Sergio Osmena. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Mahal na Pangulong Manuel Quezon at kabiyak na Dona Aurora.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Mahal na Pangulong Manuel Quezon at kabiyak na Dona Aurora. Mula sa Papogi ng PCIJ.

Noong 1936, nakakolekta ng mahigit na 300,000 na mga pirma ang mga kababaihan upang sila ang makaboto at dahil dito nakaboto sila sa lokal na halalan noong 1937.

Ang mga kababaihan nang makaboto.  Mula sa Eleksyong Pinoy.

Ang mga kababaihan nang makaboto. Mula sa Eleksyong Pinoy.

Dati sapat na ang mangampanya lamang sa mga lalawigan ang mga kinatawan mo o ng iyong partido, ngunit nang si Ramon Magsaysay ay tumakbo, gamit ang CIA na si Edward Lansdale, binago nila ang pangangampanya.  Nakisalamuha at nakipagkamay siya sa mga tao, pumunta sa mga malalayong barrio.  Nagpagawa pa ng jingle kay Raul Manglapus—ang Mambo Magsaysay, sinasayaw na ng mga tao ang pangalan ng kanilang pinuno.

Ramon Magsaysay at ang masa, karaniwang tao.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Ramon Magsaysay at ang masa, karaniwang tao. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ang Kampeon ng Masa.  Mula sa Papogi ng PCIJ

Ang Kampeon ng Masa. Mula sa Papogi ng PCIJ

40 sinasayaw na ng mga tao ang pangalan ng kanilang pinuno

Magsaysay, nagpapahinga kasama ni Lansdale.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Magsaysay, nagpapahinga kasama ni Lansdale. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ang CIA (Central Intelligence Agency ng USA) na si Edward Landsdale, nagamit ni Magsaysay.  Mula sa The Marcos Dynasty.

Ang CIA (Central Intelligence Agency ng USA) na si Edward Landsdale, nagamit ni Magsaysay. Mula sa The Marcos Dynasty.

Raul Manglapus, gumawa ng Mambo Magsaysay.

Raul Manglapus, gumawa ng Mambo Magsaysay.

Isang minentor ni Magsaysay, isang hindi gaanong kilalang batang gobernador na si Ninoy Aquino, nang tumakbo sa pagkasenador, ay pumangalawa pa dahil sa bilis mangampanya sa maraming lugar gamit ang isang chopper.

Si Ninoy Aquino, naka-chopper.  Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Si Ninoy Aquino, naka-chopper. Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Talagang ang kampanya at halalan ay kailangang magimik ngunit sana hindi makalimutan ng lahat ang tunay na diwa ng halalan:  Na tayo, ang bayan, ang tunay na hari.  Ang pumipili ng mga pinuno.  At dahil dito, ang mga pulitiko ay hindi dapat maghari-harian kundi mga lingkod-bayan na dapat ipaglaban ang ating interes tungo sa landas ng katuwiran at tunay na kaginhawaan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Leong Hall, ADMU, 8 February 2013)

Ang bayan ang hari.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang bayan ang hari. Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang bayan ang dapat pagsilbihan tungo sa daang matuwid at maginhawa.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang bayan ang dapat pagsilbihan tungo sa daang matuwid at maginhawa. Mula sa Papogi ng PCIJ.

XIAO TIME, 12b February 2013: ANG MASAKER SA DE LA SALLE COLLEGE

Ang aktwal na larawan ng bahaging unang palapag ng De La Salle College na malapit sa hagdan at cellar nang abutan ito ng mga Amerikano noong February 15, 1945.  Ang isang larawan naman ang nagpapakita ng parehong lugar na ginugunita ni Xiao Chua bilang si Brother Flavous Leo sa LaSallian Historical Tour nitong February 4-7, 2013.

Ang aktwal na larawan ng bahaging unang palapag ng De La Salle College na malapit sa hagdan at cellar nang abutan ito ng mga Amerikano noong February 15, 1945. Ang isang larawan naman ang nagpapakita ng parehong lugar na ginugunita ni Xiao Chua bilang si Brother Flavius Leo sa LaSallian Historical Tour nitong February 4-7, 2013.

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 12 February 2013, at News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

11 February 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=G5zj8t4N3gI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  68 years ago, February 12, 1945, minasaker ng Hukbong Pandagat na mga Hapones ang mga Christian Brothers at mga refugee sa De La Salle College sa Maynila.  Noong isang linggo, isang serye ng tour ang aking isinagawa kasama ng College of Liberal Arts na nag-aalala sa kasaysayan ng DLSU at sa trahedyang ito.   Ngunit bakit nga ba nangyari ang masaker?

Arsobispo Michael O' Doherty

Arsobispo Michael O’ Doherty

Borther Egbert Xavier, Director ng De La Salle College.

Borther Egbert Xavier, Director ng De La Salle College.

Nang parating na ang mga Amerikano noong Pebrero 1945, inudyok ni Arsobispo Michael Doherty na umalis na ang mga nasa De La Salle College at baka manganib ang buhay nila sa magiging labanan.  Ngunit nagpasya ang direktor nilang si Brother Egbert Xavier na manatili na lamang sa gusaling dinisenyo ni Tomas Mapua dahil sa tibay at kapal ng mga pader nito, maaari lamang silang manganib kung direct hit ang mangyari.  Malaking konsiderasyon din na nais ng mga brothers na mapanatili ang eskwelahan para sa pagtatapos ng digmaan, makakapagsimula na agad ng klase.

De La Salle College, gusaling dinisenyo ni Tomas Mapua at ipinatayo noong 1921.  Mula kay Sunny Velasco.

De La Salle College, gusaling dinisenyo ni Tomas Mapua at ipinatayo noong 1921. Mula kay Sunny Velasco.

Ang gusaling tadtad ng bala.  Mula kay Sunny Velasco.

Ang gusaling tadtad ng bala. Mula kay Sunny Velasco.

Ang gusali sa panahon ng digmaan.  Tinatawag ito ngayong St. La Salle Hall.  Mula kay Sunny Velasco.

Ang gusali sa panahon ng digmaan. Tinatawag ito ngayong St. La Salle Hall. Mula kay Sunny Velasco.

Noong February 6, nagtanong ang mga Hapones kay Brother Xavier kung ilan ang mga tao sa loob ng gusali.  Ang sagot niya ay 101.  Nang binilang, 68 lamang pala ang mga ito.  Naghinala ang mga Hapones na baka nagtatago ng mga sniper ang mga brothers.  Nababaril daw sila sa katabing Nippon Club.  Kinabukasan, kinapkapan ang lahat ng tao at dinala ng mga Hapones si Judge Carlos at si Brother Xavier.  Hindi na sila nakita pa ng buhay.  Noong February 12, bumalik ang mga Hapones, naghahanap ng gerilya, nakakain pa ng tanghalian at umalis.  Sa kanilang pagbalik, nilusob nila, pinagsasaksak at pinagbabaril ang mga tao sa gusali.  Sa malapit sa hagdanan ng South Wing, sa may cellar, napagtanto na ni Brother Flavius Leo na mamamatay na sila kaya humingi siya ng absolusyon sa katabi niya noon, ang kapelyan na si Father Francis Cosgrave.  Habang nagdadasal si Father Cosgrave, inundayan na sila ng saksak ng mga Hapones.

Brother Flavius Leo

Brother Flavius Leo, ang unang namatay sa mga martir ng De La Salle College.

Monumento ng paggunita sa masaker sa De La Salle College na nagpapakita ng isang pari na nagbibigay absolusyon sa isang namamatay na Borther.

Monumento ng paggunita sa masaker sa De La Salle College na nagpapakita ng isang pari na nagbibigay absolusyon sa isang namamatay na Brother.

Fr. Francis Cosgrave, CSSR.  Mula sa These Hallowed Halls ni Andrew Gonzales, FSC at Alejandro Reyes.

Fr. Francis Cosgrave, CSSR. Mula sa These Hallowed Halls ni Andrew Gonzales, FSC at Alejandro Reyes.

Katabi nila ang Vasquez-Prada Family na pinatay rin.  Ang kanilang ilaw ng tahanan, si Helen, sa kanyang kakasigaw ay pinaglaruan pa ng mga Hapones, pinutol-putol ang mga bahagi ng kanyang katawan habang pinagtatawanan siya.  Nagkunwaring patay ang limang taong gulang na anak niyang si Fernando.  Namatay siya makalipas pa ang dalawang araw.  Pinalabas ang mga nasa cellar at pinagsasaksak.  Buhay si Father Cosgrave at ilang taong hindi lumabas sa cellar.

Ang patong-patong nakatawan sa hagdanan malapit sa Cellar.  Mula sa De La Salle, 1911-1986 ni Carlos Quirino.

Ang patong-patong nakatawan sa hagdanan malapit sa Cellar. Mula sa De La Salle, 1911-1986 ni Carlos Quirino.

Umakyat din ang mga Hapones sa chapel at pinagpapatay ang mga tao doon, liban sa mga nakaakyat sa hagdanan sa altar.  Sa railings na ito, iniwan ng mga Hapones ang mga brothers na unti-unting mamatay.

Ang Kapilya ni San Jose sa De La Salle College.  Mula sa De La Salle, 1911-1986 ni Carlos Quirino

Ang Kapilya ni San Jose sa De La Salle College. Mula sa De La Salle, 1911-1986 ni Carlos Quirino

Mula sa De La Salle, 1911-1986 ni Carlos Quirino.

Mula sa De La Salle, 1911-1986 ni Carlos Quirino.

Ang hagdanan na nagligtas sa marami.  Mula sa These Hallowed Halls ni Andrew Gonzales, FSC at Alejandro Reyes.

Ang hagdanan na nagligtas sa marami. Mula sa These Hallowed Halls ni Andrew Gonzales, FSC at Alejandro Reyes.

Sa communion railing na ito pinagsasaksak ang ilang mga brother at hinayaang mamatay sa kanilang mga sugat habang patuloy sa pagtawa sa kanila ang mga Hapones.  Mula kay Sunny Velasco.

Sa communion railing na ito pinagsasaksak ang ilang mga brother at hinayaang mamatay sa kanilang mga sugat habang patuloy sa pagtawa sa kanila ang mga Hapones. Mula kay Sunny Velasco.

Ang bahagi ng pader sa kanang bahagi ng altar na may mga bakas ng dugo.  Ilang dekada rin na hindi matanggal ang mga dugong ito.  Mula kay Dr. Vic Torres.

Ang bahagi ng pader sa kanang bahagi ng altar na may mga bakas ng dugo. Ilang dekada rin na hindi matanggal ang mga dugong ito. Mula kay Dr. Vic Torres.

Kinagabihan, ang nakapagtago sa CR na si Enrique Vazquez-Prada ay nakitang buhay pa ang kanyang anak na si Fernando at pinakain niya ito.  Muling bumalik ang mga Hapones at pinatay ang ginoo.  Hindi na pinansin si Fernando na akala nila’y mamamatay din sa mga sugat na natamo.  Lahat-lahat, sa trahedyang nangyari, 16 brothers ang namatay, 25 sibilyan.

Larawan ng 16 na mga brothers na nasawi.

Larawan ng 16 na mga brothers na nasawi.

28 25 sibilyan

Ayon kay Prop. José Victor Jimenez, ang historyador ng DLSU, ang nangyaring masaker ay bahagi ng isang sistematiko, at hindi desperadong, paglipol ng mga sibilyan sa buong Maynila na maaaring may basbas ng Tokyo.

Prop. José Victor Jimenez

Prop. José Victor Jimenez

Ang pagkawasak ng Maynila, makikita ang De La Salle College at Rizal memorial Stadium sa bandnag itaas ng larawan.  Mula kay Sunny Velasco.

Ang pagkawasak ng Maynila, makikita ang De La Salle College at Rizal memorial Stadium sa bandnag itaas ng larawan. Mula kay Sunny Velasco.

Anuman, hindi lamang biktima ang mga Christian Brothers, bayani sila ng mga Lasalyano sapagkat dahil sa kanila, nanatiling nakatayo ang paaralan hanggang umabot ito ng isandaang taon noong 2011.  Gayundin, bayani ang mga brothers ng bayan, nagbibigay ng suporta sa pamamagitan ni Brother Xavier sa mga gerilyang tagapagtanggol ng kalayaan, kahit na sila mismo ay kapos na.

Ang frontpage na larawan ng Philippine Daily Inquirer sa selebrasyon ng sentenaryo ng De La Salle University, June 16, 2011.  Makikita si Xiao Chua na kumukuha ng larawan ng kanyang sarili sa loob ng chapel sa bandang kaliwa, ilalim.

Plake na gumugunita sa pangalan ng 16 na bayaning borthers.  Mula kay Dr. Vic Torres.

Plake na gumugunita sa pangalan ng 16 na bayaning borthers. Mula kay Dr. Vic Torres.

Pagpapatuloy ng kabayanihang Lasalyano sa pagtulong sa mga biktima ng Ondoy, Setyembre 2009.  Kuha ni Andrew Pamorada.

Pagpapatuloy ng kabayanihang Lasalyano sa pagtulong sa mga biktima ng Ondoy, Setyembre 2009. Kuha ni Andrew Pamorada.

Mabuhay ang mga bayaning Lasalyano.  Animo La Salle!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiaotime.

(People’s Television, 5 February 2013)

XIAOTIME, 8 February 2013: SINO SI PADRE JOSÉ BURGOS?

Broadcast of Xiaotime news segment last Friday, 8 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

José Apolonio Burgos.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

José Apolonio Burgos. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

8 February 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=NCIx_f72m_o

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Para sa ating mga guro sa kasaysayan, bisitahin po natin ang filipinana.net, ang corporate social responsibility component ng Vibal Publishing, Inc., na nagbibigay ng libreng mga historikal na larawan at mga primaryang mga dokumento na ating magagamit sa pagtuturo tulad ng mga kumpletong sinulat ni José Rizal at ang Philippine Revolutionary Records.  Muli, bisitahin ang filipinana.net, the premiere digital library of the Philippines.

Filipiniana.net homepage.

Filipiniana.net homepage.

176 years ago bukas, February 9, 1837, isinilang sa Vigan, Ilocos Sur si Padre José Apolonio Burgos.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Siya ang pangunahing tagapagtaguyod ng sekularisasyon para makuha ng mga sekular na pari noon ang pagiging kura paroko mula sa mga Espanyol na miyembro ng mga relihiyosong orden o mga paring regular.  Isa siya sa tatlong paring binitay noong February 17, 1872 na nakilala natin sa kolektibong tawag na GomBurZa.

Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre José Apolonio Burgos, malamang sa malamang composite na larawan.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre José Apolonio Burgos, malamang sa malamang composite na larawan. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Opisyal ng hukbong Espanyol ang ama ni Burgos, habang mestiza naman ang kanyang ina.  Ang bahay kung saan siya lumaki ay tinatayang dalawang siglo na ang tanda at hanggang ngayon at nakatayo pa rin, isa nang museo na maaaring mabisita sa likod ng kapitolyo ng Ilocos Sur.  Natuto siyang magbasa sa kanyang ina at nag-aral sa Colegio de San Juan de Letran at Unibersidad ng Sto. Tomas.

Burgos Museum sa Vigan, ilocos Sur.

Burgos Museum sa Vigan, ilocos Sur.

Bukana ng Colegio de San Juan de Letran noong panahon ng mga Espanyol.

Bukana ng Colegio de San Juan de Letran noong panahon ng mga Espanyol.

Bukana ng Unibersidad ng Sto. Tomas sa Intramuros noong Panahon ng mga Espanyol.

Bukana ng Unibersidad ng Sto. Tomas sa Intramuros noong Panahon ng mga Espanyol.

Isa sa pinakamatalinong Pilipino ng kanyang panahon, nagtapos siya ng pitong mga digri, dalawa dito ay doktorado.  Dahil dito naging examiner ng mga nais magpari.  Siya ay naging mahistradong kanonikal ng Katedral ng Maynila

Katedral ng Maynila kung saan naging kura paroko si Burgos,

Katedral ng Maynila kung saan naging kura paroko si Burgos,

kaya kung tutuusin, hindi naman niya kailangan ang mga bagay na kanyang ipinaglalaban, napakataas na ng kanyang posisyon sa Simbahang Pilipino, ngunit hindi niya ito inalintala at itinaguyod ang mga sekular na pari tulad ng nauna sa kanya na si Padre Pedro Pelaez na sa kasamaang palad ay namatay sa katedral noong lindol ng 1863.

Padre Pedro Pelaez, mula sa Kasaysayang:  The Story of the Filipino People.

Padre Pedro Pelaez, mula sa Kasaysayang: The Story of the Filipino People.

Dapat kasi bitawan na ng marami sa mga regular na pari ang mga parokya upang ang mga sekular na pari ay makapagpraktis na sa pamumuno nito, ngunit marahil dahil sa kapangyarihan ng kura paroko sa isang bayan, hindi nila mabitawan ito.  Sa kanyang kasikatan, ginamit ang kanyang pangalan ni Francsico Zaldua nang ito ay magrekluta para sa pag-aalsa sa Cavite na naganap noong January 20, 1872.

Pag-aalsa sa Cavite.  Mula sa Filway's Philippine Almanac.

Pag-aalsa sa Cavite. Mula sa Filway’s Philippine Almanac.

Dali-daling nakakita ang mga kaaway ni Burgos, lalo na si Padre Benito Corominas, rector ng San Juan de Letran ng pagkakataon, pinaaresto si Padre Burgos at nagbigay ng abogado para sa kanya na ibinenta siya at sinabing umamin siya.

Monumento ni Burgos sa Plaza Burgos, Vigan, Ilocos Sur.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Burgos sa Plaza Burgos, Vigan, Ilocos Sur. Kuha ni Xiao Chua.

Tumayo si Burgos sa harap ng Konseho de Guerra at pinabulaanan nito ngunit hinatulan pa rin siya ng kamatayan.  February 17, 1872, sa Luneta, humahagulgol na binalian ng leeg sa pamamagitan ng garote si José Burgos.

Ang pagbitay sa GomBurza ni Elmer Borlongan, bahagi ng Rizalpabeto na isinulat ni Vim Nadera.

Ang pagbitay sa GomBurza ni Elmer Borlongan, bahagi ng Rizalpabeto na isinulat ni Vim Nadera.

Ayon kay Dr. Luis Camara Dery, Pangulo ng Philippine Historical Association, nang dumating ang karwahe ng bangkay ni Burgos sa kanilang tahanan, ang kanyang inang si Florencia Garcia na naghihintay mula sa taas ng hagdan ay dahan-dahan na gumapang pababa at sa kanyang paghihinagpis kinalong ang anak na namatay na parang isang sanggol at dinala sa ikalawang palapag upang ihiga sa kama.  Trahedya man ang nangyari kay Padre Burgos, isa siyang taong dapat nating ipagdiwang bilang Pilipino, isang napakatalinong tao na hindi sarili lamang ang inisip, bagkus inalay ang kanyang talino sa kanyang kapwa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(North Conserve, DLSU Manila, 5 February 2013)

XIAOTIME, 7 February 2013: MGA NAGANAP NOONG 1986 SNAP ELECTIONS

Broadcast of Xiaotime news segment last Thursday, 7 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang medieval morality play ng masama at mabuti sa snap elections ng 1986:  Marcos-Tolentino, Cory-Doy.  Mula sa Bayan Ko!

Ang medieval morality play ng masama at mabuti sa snap elections ng 1986: Marcos-Tolentino, Cory-Doy. Mula sa Bayan Ko!

7 February 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=25knyX0JjRQ

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  27 years ago ngayong araw, February 7, 1986, ginanap ang snap presidential elections sa pagitan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos at ang balong si Gng. Corazon Aquino.

Si Pangulong Marcos at ang kanyang mga anak habang bumoboto sa Ilocos Norte noong snap presidential elections ng 1986.  Mula sa Bayan Ko!

Si Pangulong Marcos at ang kanyang mga anak habang bumoboto sa Ilocos Norte noong snap presidential elections ng 1986. Mula sa Bayan Ko!

Si Cory Aquino habang bumoboto sa Tarlac noong snap presidential elections ng 1986.  Mula sa Nine Letters.

Si Cory Aquino habang bumoboto sa Tarlac noong snap presidential elections ng 1986. Mula sa Nine Letters.

Kung tutuusin, kahit sabihin pang diktador ang Pangulong Marcos, ilang eleksyon din ang naganap sa ilalim niya.  Ngunit ayon sa mga kritiko, walang paraan ang oposisyon na manalo sa mga halalan na ito.  Tawag nila dito ay “Lutong Macoy.”  Noong 1985, malakas pa rin si Marcos, dalawang taon matapos na magalit ang bayan sa pagkamatay ni Ninoy Aquino, nakaupo pa rin siya sa puwesto.  Subalit, dahil pinagdududahan na ng Estados Unidos kung may mandato pa siya sa bayan, nais niyang ipakita sa mga Amerikano na may gahum pa siya, na malakas pa siya.  Matagal nang handa si Salvador Laurel at ang makinarya niya noon na tumakbo sa ilalim ng partidong UNIDO, ngunit may ilan sa oposisyon na naniniwalang si Cory Aquino lamang, at ang alaala ng namartir niyang asawa, ang maaaring tumalo kay Pangulong Marcos.  Ngunit sabi ni Cory, tatakbo lamang siya kung makakakolekta ng isang milyong lagda, at kung magpapatawag ng snap elections ang pangulo.  Alam niyang hindi mangyayari ang kanyang mga kondisyon.  Nagsimulang mangolekta si Don Chino Roces ng Manila Times ng mahigit isang milyong lagda.

Ang paglagda nang mga tao upang tumakbo si Cory Aquino.  Mula sa Nine Letters.

Ang paglagda nang mga tao upang tumakbo si Cory Aquino. Mula sa Nine Letters.

Ilan lamang sa mahigit isang milyong lagda na kinolekta ni Don Chono Roces.  Makikita sa Aquino Center, Tarlac City.

Ilan lamang sa mahigit isang milyong lagda na kinolekta ni Don Chono Roces. Makikita sa Aquino Center, Tarlac City.

Pagbendisyon sa higit isang milyong lagda upang tumakbo si Cory Aquino.  Mula sa Bayan Ko!

Pagbendisyon sa higit isang milyong lagda upang tumakbo si Cory Aquino. Mula sa Bayan Ko!

At nangyari ang hindi inaasahan.  Noong November 3, 1985, habang natutulog ang bansa, sa isang Amerikanong palabas, the David Brinkley show, kanyang ipinahayag na handa siyang magpatawag ng snap elections sa mga susunod na buwan.

Si Marcos sa David Brinkley show, November 3, 1986.  Mula sa EDSA 25.

Si Marcos sa David Brinkley show, November 3, 1986. Mula sa EDSA 25.

Ayon sa mga historyador, ang halalan na ito ay hindi para sa mga Pilipino kundi isang palabas para sa mga Amerikano.  Kaya naman ang mga makakaliwang radikal, nagpatawag ng boykot.  Magiging Lutong Macoy lamang daw ang lahat.

Protesta ng mga militante sa mismong bukana ng embahada ng Estado Unidos.  Mula sa Nine Letters.

Protesta ng mga militante sa mismong bukana ng embahada ng Estado Unidos. Mula sa Nine Letters.

Nagboykot sa snap elections ang kaliwa.  Nagsisihan sila sa huli.  Mula sa Nine Letters.

Nagboykot sa snap elections ang kaliwa. Nagsisihan sila sa huli. Mula sa Nine Letters.

Ngunit, tinupad ni Cory ang pangako, tatakbo siya sa pagkapangulo.  Ngunit ayaw magback-out ni Doy Laurel.  Doon kinausap ni Jaime Cardinal Sin si Doy at sinabing kung magsasama sila ni Cory sa isang ticket, mas mananalo ang bayan.

Ang Kardinal.  Mula sa Bayan Ko!

Ang Kardinal. Mula sa Bayan Ko!

Kaya ang nagkakaisang oposisyon sa tiket na Cory-Doy ay lumaban sa tiket ni Marcos at Arturo Tolentino bilang kandidato sa pagkapangulo at pagkapangalawang pangulo.

Si Pangulong Marcos at Arturo Tolentino sa kampanya.  Mula sa Bayan Ko!

Si Pangulong Marcos at Arturo Tolentino sa kampanya. Mula sa Bayan Ko!

Si Cory Aquino at Doy Laurel sa harapan ng busto ni Marcos sa Pugo, La Union.

Si Cory Aquino at Doy Laurel sa harapan ng busto ni Marcos sa Pugo, La Union.

Ang galing palang mangampanya ng pribadong balo, naging simbolo ng kung ano ang hindi ang Pangulong Marcos sa marami.  Si Pangulong Marcos naman, kahit sinasabing mahina na sa sakit, nang makita ko ang ilang talumpati niya sa video, ay hindi pa rin kumukupas ang pagsasalita ang retorika.  Nagmukhang medieval morality play ang lahat—laban ng masama at mabuti.

Si Cory Aquino sa kampanya.  Mula sa Bayan Ko!

Si Cory Aquino sa kampanya. Mula sa Bayan Ko!

Kwelang Cory.  Kuha ni Kim Komenich.

Kwelang Cory. Kuha ni Kim Komenich.

Si Pangulong Marcos. balit ng benda, binubuhat sa kampanya pero astig pa rin.  Mula sa Bayan Ko!

Si Pangulong Marcos. balit ng benda, binubuhat sa kampanya pero astig pa rin. Mula sa Bayan Ko!

At sa araw ng halalan, February 7, marami ang hindi nakaboto, nawala ang mga pangalan nila sa listahan.  May mga kaso ng pagbili ng boto sa halagang 50 pesos at tangkang pang-aagaw ng mga balota, nakuha pa ang ilan sa mga ito ng media sa dyaryo at telebisyon.

Para lang box-office hit sa takilya. Eksena sa halalan.  Mula sa Bayan Ko!

Para lang box-office hit sa takilya. Eksena sa halalan. Mula sa Bayan Ko!

Pagbili ng boto sa halagang Php 50 hanggang Php 100.  Mula sa Nine Letters.

Pagbili ng boto sa halagang Php 50 hanggang Php 100. Mula sa Nine Letters.

Pagtutok ng baril upang agawin ang balota.  Aktwal na kuha.  Mula sa Bayan Ko!

Pagtutok ng baril upang agawin ang balota. Aktwal na kuha. Mula sa Bayan Ko!

Karahasan sa Cavite Nuevo, Makato City.  Mula sa People Power:  The Filipino Experience.

Karahasan sa Cavite Nuevo, Makato City. Mula sa People Power: The Filipino Experience.

Namatay ang magsasakang NAMFREL volunteer na si Rodrigo Ponce ng Capiz, kabilang siya sa 15 NAMFREL volunteer na nagbuwis ng buhay sa halalan na ito.  Brutal din na tinugis at pinatay ang dating gobernador ng Antique na si Evelio Javier, na nagbabantay ng pagbilang ng boto para kay Cory ilang araw ang nakalipas.

Ang balo ni Gobernador Evelio Javier sa harap ng asawa, ang bayani ng Antique.  Mula sa Bayan Ko!

Ang balo ni Gobernador Evelio Javier sa harap ng asawa, ang bayani ng Antique. Mula sa Bayan Ko!

Bagama’t noong una naniniwala ang Pangulong Reagan na nagkaroon ng dayaan sa dalawang panig, isang komento na ikinagalit ng marami, sa huli nagpahayag din sila ng pagkilala sa panalo ni Cory.  Kung tutuusin, hindi na natin malalamang ang katotohanan kung sino ba ang totoong nanalo.

Si Reagan habang sinasabi na may posibilidad na nandadaya ang dalawang panig "both sides" noong halalang 1986.  Ngunit ito ay tinutulan naman ng mga US observers tulad nina Richard Lugar at John Kerry na sumama.  Mula sa A Dangerous Life.

Si Reagan habang sinasabi na may posibilidad na nandadaya ang dalawang panig “both sides” noong halalang 1986. Ngunit ito ay tinutulan naman ng mga US observers tulad nina Richard Lugar at John Kerry na sumama. Mula sa A Dangerous Life.

Ang NAMFREL count kung saan nanalo si Cory ay hindi naman kumpleto.  Ang COMELEC at Batasan count kung saan nanalo naman si Pangulong Marcos ay lubos na pinagdududahan.

Ang NAMFREL quick cound blackboard ay naroroon pa rin sa St. Benilde Gym sa La Salle Greenhills.  Kinunan ang larawan noong burol ni Tita Cory, August 2009.

Ang NAMFREL quick cound blackboard ay naroroon pa rin sa St. Benilde Gym sa La Salle Greenhills. Kinunan ang larawan noong burol ni Tita Cory, August 2009.

Pinangunahan ni Speaker Nicanor Yniguez ang pagbibilang ng boto sa Kongreso.  Mula sa Cory Magic.

Pinangunahan ni Speaker Nicanor Yniguez ang pagbibilang ng boto sa Kongreso. Mula sa Cory Magic.

Tatapusin ang lahat ng debate ng isang himagsikan sa apat na araw na iyon ng Pebrero.    Ang pagpapatawag ng snap election ang isa sa pinakamalaking pagkakamali ni Apo Marcos.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Razon’s, UP-Ayala Technohub, 5 February 2013)

Mula sa Nine Letters.

Mula sa Nine Letters.

XIAOTIME, 6 February 2013: ANG MAKASAYSAYANG BAHAY NI HENERAL EMILIO AGUINALDO

Broadcast of Xiaotime news segment last Wednesday, 6 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi.  Kuha ni G. Angelo Aguinaldo, apo sa tuhod ng heneral.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi. Kuha ni G. Angelo Aguinaldo, apo sa tuhod ng heneral.

6 February 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=UMbuwdHhaIk

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Pagbati kina Ate Gina, Kuya Vener at kay Sir Angelo Aguyinaldo, mga tagapag-alaga ng Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite.

Si Xiao kasama si Kuya Vener Vales at Ate Gina Ayran.

Si Xiao kasama si Kuya Vener Vales at Ate Gina Ayran.

Si Xiao Chua habang ipinapasa ang Watawat ng Pilipinas kay Sir Angelo Aguinaldo sa mismong balkonahe ng bintana kung saan ipinroklama ng lolo niya sa tuhod ang independensya.

Si Xiao Chua habang ipinapasa ang Watawat ng Pilipinas kay Sir Angelo Aguinaldo sa mismong balkonahe ng bintana kung saan ipinroklama ng lolo niya sa tuhod ang independensya.

49 years ago ngayong araw, February 6, 1964.  Namatay si Heneral Emilio Aguinaldo, el presidente dela Republica Filipina sa edad na 95 years old!  Namatay siya tatlong araw bago magtanghal ang Beatles sa unang pagkakataon sa Ed Sullivan Show sa New York.  Biruin niyo inabot pa niya ang Beatles!  Si Heneral Aguinaldo ay namatay sa Veterans Memorial Hospital sa Lungsod Quezon, sa piling ng iba pang maysakit na mga beterano, ang kapakanan nila ay kanyang itinaguyod sa kanyang buong buhay.

Ang mahal na Pangulong Emilio Aguinaldo isang taon bago sumakabilang-buhay.  Mula sa LIFE.

Ang mahal na Pangulong Emilio Aguinaldo isang taon bago sumakabilang-buhay. Mula sa LIFE.

Isang taon bago mamatay ang heneral, noong 1963, ibinigay niya sa pamahalaan bilang donasyon ang kanyang mansyon sa Kawit, Cavite, kung saan sa gitnang bintana nito ipinroklama ang independencia sa pagwawagi ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol noong June 12, 1898.

09 sa pagwawagi ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol noong June 12, 1898

Ang bahay na ito ay naitayo na noong 1849 pa lamang at nagpapakita na maykaya ang kanyang mga magulang, mga principalia na namumuno ng bayan.  Liban pa dito, nasa malapit sa simbahan ang kanyang bahay at nasa mismong camino real o main road patungong Maynila.  Sa mga larawan noong 1898, makikita nang naipatayo na noon ang ekstensyon ng bahay na tinatawag na family wing, pawid pa lamang ang bubungan.

Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Ngunit wala pa ang pamosong balkonahe at tore na pitong palapag ang taas, imagine!  Maidadagdag ito noong maagang 1920s.

Ang disenyong kabibe na nagbubukas upang maging hawakan ng paso o baso.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Ang disenyong kabibe na nagbubukas upang maging hawakan ng paso o baso. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Si Xiao Chua habang minomonstra ang pagbubukas ng kabibe.  Nakuha niya kay Kuya Vener ang teknik na ito.

Si Xiao Chua habang minomonstra ang pagbubukas ng kabibe. Nakuha niya kay Kuya Vener ang teknik na ito.

Dahil walang nais na sayanging espasyo ang heneral, naglagay siya ng mga taguan ng mga dokumento o sandata sa mga upuan, mga disenyong kabibe na nagbubukas bilang flower holder, mga sikretong pintuan na nagbubukas tungo sa ibang mga kwarto, mga kisame na maaaring pagtakasan, at bilang paghahanda sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naglagay siya ng lagusan patungo sa air raid shelter na lulusot patungong simbahan mula sa bumubukas na mesang ito.  Cool!

Butas na nagpapakita ng air raid shelter ni Hen. Aguinaldo.

Butas na nagpapakita ng air raid shelter ni Hen. Aguinaldo.

Si Xiao habang ipinapakita ang pagbubukas ng mesa at ng butas na lagusan patungo sa air raid shelter.

Si Xiao habang ipinapakita ang pagbubukas ng mesa at ng butas na lagusan patungo sa air raid shelter.

Dahil si Heneral Aguinaldo ay alam din ang kanyang mahalagang papel sa kasaysayan, nag-iwan ng ilang disenyo ang heneral sa bahay na nagpapakita ng kanyang buhay at ng ating kasaysayan—ang mga bintanang nagpapakita ng mga karanasan niya at ng kanyang pamilya at dalawang naging asawa, ang representasyon ng Inang Bayan at ng walong sinag ng araw sa kisame na kumakatawan sa walong unang lalawigan na lumaban sa mga Espanyol noong Himagsikan, at isang relief map ng Pilipinas sa may hapag kainan!  Far out!

Representasyon ng isa sa dalawang naging asawa ng heneral.

Representasyon ng isa sa dalawang naging asawa ng heneral.

Bas relief ng Inang Bayan.

Bas relief ng Inang Bayan.

Ang disenyong araw na may walong sinag na nagpapakita ng mga pangalan ng walong lalawigan na pinatawan ng Batas Militar noong Himagsikang 1896.

Ang disenyong araw na may walong sinag na nagpapakita ng mga pangalan ng walong lalawigan na pinatawan ng Batas Militar noong Himagsikang 1896.

May ilang mahalagang artifak na naiwan sa bahay:  Ang mga bandila na nagpapakita ng orihinal na araw na may mukha na kanyang dinisenyo, ang espada ni Heneral Aguirre na kanyang nakuha at nang kanyang makita ay kaedad niya at ginawa sa Toledo noong 1869!  At isang bato na mahilig niyang pahinghan sa Palanan, Isabela kung saan siya nahuli noong 1901.

Ang awakan ng espada ni Heneral Aguirre na nakuha ni Aguinaldo, nilinang noong 1869 sa Toledo, sa taon na isinilang ang heneral.

Ang awakan ng espada ni Heneral Aguirre na nakuha ni Aguinaldo, nilinang noong 1869 sa Toledo, sa taon na isinilang ang heneral.

Ang matandang Don Emilio hawak ang kanyang paboritong trophy--ang espada ni Heneral Aguirre.  Sa kanyang tagumpay sa labang iyon siya napatanyag.  Mula sa Philippines Free Press.

Ang matandang Don Emilio hawak ang kanyang paboritong trophy–ang espada ni Heneral Aguirre. Sa kanyang tagumpay sa labang iyon siya napatanyag. Mula sa Philippines Free Press.

Bato raw sa Palanan, Isabela na pinagpapahingahan ni Heneal Aguinaldo.

Bato raw sa Palanan, Isabela na pinagpapahingahan ni Heneral Aguinaldo.

Kapansin-pansin din na paborito niya ang disenyo ng kalabaw, paborito niyang hayup.  Sumakay kasi siya minsan sa kalabaw at pinagkamalang magsasaka lamang noong rebolusyon kaya siya naligtas sa pagkahuli at may mga alamat na nakita raw siya sa isang laban nakasakay sa isang puting kalabaw.

Kalabaw sa ilalim ng balkonahe.

Kalabaw sa ilalim ng balkonahe.

Kalabaw sa ibabaw ng balkonahe.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa ibabaw ng balkonahe. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa tagiliran ng bahay.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa tagiliran ng bahay. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Inilibing si Heneral Aguinaldo sa likuran ng kanyang bahay na kanyang ipinamana para sa kasaysayan.  Kontrobersyal man siyang pigura sa maraming tao, nararapat lamang siyang kilalanin na isa sa lumaban sa mga dayuhan sa revolucion, ang Ama ng ating Pambansang Watawat at Pambansang Awit, at tinanggap ang hamon na pamunuan ang gobierno sa murang edad na 28.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(McDonald’s Philcoa, 29 January 2013)

Si Heneral Aguinaldo sa harap ng pinaniniwalaang unang watawat ng Pilipinas.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Si Heneral Aguinaldo sa harap ng pinaniniwalaang unang watawat ng Pilipinas. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

XIAOTIME, 5 February 2013: ANG BATTLE FOR THE LIBERATION OF MANILA

Broadcast of Xiaotime news segment last Tuesday, 5 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

5 February 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=g2UgBVfVckI

Nasusunog na ang timog na bahagi ng Maynila,  Ang San Sebastian Church mula sa tore ng Sto. Tomas.  Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Nasusunog na ang timog na bahagi ng Maynila, Ang San Sebastian Church mula sa tore ng Sto. Tomas. Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  68 years ago noong Linggo, February 3, 1945, dumating ang mga Amerikano sa Maynila at sinimulang bawiin ito mula sa mga Hapones.  Ang labanan na ito na tumagal ng isang buwan ay tinawag na Battle for the Liberation of Manila.  Sa araw na iyon, agad na napalaya sa gabi ng mga Amerikano ang civilian internment camp sa Unibersidad ng Sto. Tomas kung saan nakakulong ang mga nangangayayat na na mga sibilyang Amerikano sa Maynila.  Sa pagpasok ng mga Amerikano, may pagkakahati nang naganap sa Hukbong Hapones.  Inatasan na ni Heneral Tomoyuki Yamashita, Pangkalahatang Tagapamuno ng Lahat ng Hukbong Hapones sa Pilipinas ang lahat ng pwersang Hapones na iwan na ang Maynila at tumungo sa kabundukan upang doon na lamang ipagpatuloy ang pakikibaka.

Heneral Tomuyuki Yamashita. Mula sa Warsaw of Asia:  The Rape of Manila.

Heneral Tomuyuki Yamashita. Mula sa Warsaw of Asia: The Rape of Manila.

Ang hukbong katihan o army, kung saan nabibilang ang kumander ng buong pwersa na si Yamashita, ay sumunod sa kanya at lumalayo na ang Maynila.  Ngunit, ang hukbong pandagat o navy sa pamumuno ni Rear Admiral Sanji Iwabuchi ng Manila Naval Defence Force, ay nagpasaway kay Yamashita at nanatili sa Maynila upang ipagtanggol ito.

Rear Admiral Sanji Iwabuchi.  Mula sa Warsaw od Asia:  The Rape of Manila.

Rear Admiral Sanji Iwabuchi. Mula sa Warsaw od Asia: The Rape of Manila.

Dali-daling pinakalat ni Iwabuchi ang mga navy na walang kasanayan sa pakikipagdigma sa lupa.  Binomba at pinabagsak nila ang mga tulay kaya lubos na nahirapan ang mga pwersang Amerikano.  Noong February 23 lamang umabot ang mga Amerikano sa Intramuros at upang maiwasan ang mas maraming kamatayan, imbes na eroplano, kinanyon nila ito ng artillery shells, at dahil wala namang pinipiling kakampi o kalaban ang mga bomba, marami pa rin ang namatay sa mga labanang ito.  Pinanghaharang ng mga Hapones ang kanilang mga bihag sa mga pader upang sila ang unang makanyon.

Mula sa Intrmuros of Memory.

Mula sa Intrmuros of Memory.

Sa pagkubkob ng Fort Santiago noong February 25, torch blower ang ginamit nila sa bawat kwarto upang lumabas ang mga Hapones.  600 bihag na sundalong Pilipino-Amerikano ang iniwan ng mga Hapones sa isang masikip na kwarto hanggang sila ay mamatay sa gutom at suffocation.  Inilibing sila sa ilalim na marmol na krus na ito.

Ang marmol na krus na tanda na ito ang huling hantungan ng 600 mga sundalo na natagpuang patay sa lugar na iyan.  Luha ni Xiao Chua.

Ang marmol na krus na tanda na ito ang huling hantungan ng 600 mga sundalo na natagpuang patay sa lugar na iyan. Luha ni Xiao Chua.

At sa pagkahuli nga ng mga huling sundalong Hapones sa Gusali ng Finance, nagtapos ang labanan sa Maynila noong March 3, 1945.  Sa matagal na panahon, ang mga Hapones naman ay inakala natin na naging marahas sa pagpatay ng mga tao dahil desperado na sila sa pagdating ng mga Amerikano.  Ngunit, sa mga insidente ng atrocities dito sa Maynila makikita na sistematiko ang pagpatay na ito na maaaring may basbas pa mula sa Tokyo—sistematiko ang paglusob sa mga kabahayan, mga ospital at mga simbahan upang pumatay ng mga tao, ibayoneta ang mga bata at gahasain ang mga babae.

Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Sa lahat-lahat, 16,665 ang namatay mula sa Hukbong Hapones, 1,010 lamang mula sa  Hukbong Amerikano, at ang totoong naging biktima ng kapwa pagbomba ng mga Amerikano at ng sistematikong pangmamasaker ng mga sibilyan ay 100,000 tao.  Ang lubos na nagbaka ng kasawian ay ang mga Manileño.  Ang Maynila ang naging IKALAWANG PINAKAGUMUHONG “ALLIED” NA LUNGSOD SA DAIGDIG, pangalawa lamang sa Warsaw, Poland.

Ang pagguho ng Letran College sa Intramuros.

Ang pagguho ng Letran College sa Intramuros.

Ang Fort Santiago.

Ang Fort Santiago.

Ang lumang gusali ng Kongreso. Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Ang lumang gusali ng Kongreso. Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Ang Maynila matapos ng Liberasyon--nawasak ng kapwa mga Hapones at Amerikano.

Ang Maynila matapos ng Liberasyon–nawasak ng kapwa mga Hapones at Amerikano.

Ngunit, ang ”Rape of Manila” ay tila hindi na natin natatandaan.  Hindi natin napapagtanto na katulad din nito ang naging karanasan ng napakaraming mga bayan sa Pilipinas noong digmaan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Andrew Bldg., DLSU Manila, 28 January 2013)

XIAOTIME, 4 February 2013: ANG UNANG PUTOK NG PHILIPPINE AMERICAN-WAR

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 4 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Priate William Grayson habang minimonstra kung paano niyo estupidong binaril ang isang sundalong Pilipinong wala namang sinagawa sa kanya.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Si Priate William Grayson habang minimonstra kung paano niyo estupidong binaril ang isang sundalong Pilipinong wala namang sinagawa sa kanya. Mula kay Arnaldo Dumindin.

4 February 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=WWQm7EySsNk

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  114 years ago ngayong araw, February 4, 1899, nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano.  Noon tinawag itong insureksyon ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano.  Ngunit kung tatanggapin natin ito, sinasabi natin na nasa ilalim na nga tayo noon ng mga Amerikano.  Pinalitan ito ng mga historyador na Pilipino ng “Philippine-American War” sapagkat ang Estados Unidos noon ay nakikipaglaban na sa isang republika, ang republika ng mga Pilipino sa Malolos.

Kongreso ng Malolos.  Kinulayan ng Opisina ng Pangulo ng Pilipinas.

Kongreso ng Malolos. Kinulayan ng Opisina ng Pangulo ng Pilipinas.

Noong mga panahon na iyon, nakita na ng mga Pilipino ang interes ng mga Amerikano na sakupin ang Pilipinas sa kabila ng pagtulong nila sa atin upang magapi ang mga Espanyol.  Hindi sila pinapasok ng mga Amerikano sa Maynila at pinagsarhan pa ang ating mga diplomat ng pinto sa Paris sa mga usapan para sa pagbili ng America sa Pilipinas mula sa Espanya.

Hindi pinapasok ang mga kawal na Pilipino sa Intramuros nang makuha ito ng mga Amerikano.  Mula sa Ayala Museum: The Diorama Experience.

Hindi pinapasok ang mga kawal na Pilipino sa Intramuros nang makuha ito ng mga Amerikano. Mula sa Ayala Museum: The Diorama Experience.

Nilagdaan ang tratado noong December 10, 1898.  Subalit, hindi pa agad ito epektibo, ito ay kailangan munang aprubahan ng Kongreso ng Estados Unidos.  Mainit ang mga naging debate.  Para kina William Jennings Bryan at mga Democrats, mga anti-imperialist sila.  Hindi dapat kunin ang Pilipinas.

William Jennings Bryan

William Jennings Bryan

Ngunit ang mga Republicans naman ang mga pro-imperialist, kailangan nila tayong masakop upang ituro sa atin ang demokrasya at pamamahala, to Christianize and civilize our little brown brothers.  Ito ang tinatawag nilang white man’s burden—obligasyon ng puti na gawin ito sa mga iba ang kulay.  Nais nila tayong sakupin nang may mabuting hangarin—benevolent assimilation.  Tsk, mga sentimental imperialists.   Noong gabi ng February 4, 1899, isang Amerikanong may dugong Ingles na si Private William Grayson ay nakakita ng isang Pilipinong naglalakad malapit sa tinatawag na Blockhouse 7.

Private William Grayson.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Private William Grayson. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ayon sa kanya, “I yelled ‘Halt!’ and made it pretty loud, for I was accustomed to challenging the officer of the guard in approved military style. I challenged him with another loud ‘halt!’ Then he shouted ‘halto!’ to me. Well, I thought the best thing to do was to shoot him. He dropped. If I didn’t kill him, I guess he died of fright.”

Unang putok ng Digmaang Pilipino Amerikano.  Mula sa Ayala Museum:  The Diorama Experience.

Unang putok ng Digmaang Pilipino Amerikano. Mula sa Ayala Museum: The Diorama Experience.

May pagka-estupido rin itong Amerikanong ito, paano titigil ang Pinoy kung sa Ingles niya sinabi ang kanyang warning.  Si Corporal Anastacio Felix ng 4th Company, Batalyong Morong ang unang tinamaan ng bala.  Nagkabarilan na ang mga pwersang Pilipino na nagmula sa direksyon San Juan del Monte at ang mga Amerikano.

Tulay ng San Juan.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Tulay ng San Juan. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Nga pala, hindi ito nangyari sa Tulay ng San Juan tulad ng matagal na nating alam kundi sa may bandang Sta. Mesa na nga kung saan matatagpuan ang Blockhouse 7, sa Kalye Silencio pagitan ng Sociego sa Sta. Mesa, Maynila.

Silencio kalye ng Sociego, Sta Mesa, Maynila.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Silencio kalye ng Sociego, Sta Mesa, Maynila. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Kinabukasan, sa tulay ng San Juan at iba pang mga lugar sa Maynila at mga kalapit na lugar, tumindi na ang bakbakan.  Ang daming namatay.  At dahil pinakalat ng mga Amerikano na tayong mga Pilipino ang unang nagpaputok ng baril, ayun, lumakas ang suporta para sa pagsakop ng Pilipinas at noong February 6, 1899, naratipika ang Tratado ng Paris sa Kongreso ng Estados Unidos at naging legal sa mga Amerikano ang pananakop nila ng Pilipinas. Ito ang medyo nakakabwisit na pagsisimula ng ating pakikidigma sa mga Amerikano, isang digmaan na kumitil ng tinatayang 200,000 mga Pilipino.

Mga nakangiting Amerkano, February 5, 1899.  Nakapose na mga Amerikano sa tabi ng mga namatay na mga Pinoy.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga nakangiting Amerkano, February 5, 1899. Nakapose na mga Amerikano sa tabi ng mga namatay na mga Pinoy. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga patay na Pilipino sa mga trintsera ng Sta. Ana.Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga patay na Pilipino sa mga trintsera ng Sta. Ana.Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga patay na Pilipino sa mga trintsera ng Sta. Ana, February 5, 1899.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga patay na Pilipino sa mga trintsera ng Sta. Ana, February 5, 1899. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga patay na Pilipino sa mga trintsera ng Pasay, February 5, 1899.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga patay na Pilipino sa mga trintsera ng Pasay, February 5, 1899. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga lumalaban na mga Amerikako sa mga Pilipino, 1899.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga lumalaban na mga Amerikako sa mga Pilipino, 1899. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Matatapos ang digmaan hindi pa sa pagkahuli kay Heneral Aguinaldo noong 1901 kundi sa huling laban ng mga Moro at Amerikano sa Bud Bagsak noong 1913.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiaotime.

(Andrew Bldg, DLSU Manila, 28 January 2013)

Pagkahuli ng mga Amerikano kay Hen. Aguinaldo, March 23, 1901.  Mula sa Ayala Museu,:  The Diorama Experience.

Pagkahuli ng mga Amerikano kay Hen. Aguinaldo, March 23, 1901. Mula sa Ayala Museu,: The Diorama Experience.

Labanan sa Bud Bagsak, 1913.  Mula sa Filipino Heritage.

Labanan sa Bud Bagsak, 1913. Mula sa Filipino Heritage.

PAGGAMOT SA GITNA NG PAGGAHASA: Ang mga Pagamutan Bilang Pook ng Brutalidad at Kabayanihan Noong Labanan Para sa Liberasyon ng Maynila (3 Pebrero – 3 Marso 1945)

Ang artikulong ito, ang ikatlong refereed publication ni Xiao Chua, ay nailathala sa Daluyan:  Journal ng Wikang Filipino, Blg. 1-2 (2009), 39-57.  Muling inilalathala sa websayt na ito bilang paggunita sa ika-68 anibersaryo ng Battle for the Liberation of Manila, kung saan ang Maynila ang naging ikalawang pinakagumuhong “Allied” na lungsod sa daigdig (Maraming mga Axis na lungsod ang mas nasira at iilan lamang talaga ang mga Allied na lungsod ang nasira, pinakanasira ang Warsaw, Poland).  Maaaring mai-download ang buong papel dito mismo: Chua – Kawaning Medikal 1945

Malate, Philippine Women's University at Remedios Circle matapos ang liberasyon.  Sa kabila ng pagkawasak, paggahasa at kamatayan na ito, patuloy na nagsilbi ang ating mga bayaning doktor.  Mula sa koleksyon ni Dr. Luis Camara Dery.

Malate, Philippine Women’s University at Remedios Circle matapos ang liberasyon. Sa kabila ng pagkawasak, paggahasa at kamatayan na ito, patuloy na nagsilbi ang ating mga bayaning doktor. Mula sa koleksyon ni Dr. Luis Camara Dery.

Mula sa introduksyon nina

Apolonio B. Chua at Galileo Zafra, Mga Patnugot ng Daluyan 2009

Kapuri-puri rin ang tagumpay ng pananaliksik sa wikang Filipino sa larang ng kasaysayan, partikular sa kasaysayan ng Filipinas.  Laman sa kasalukuyang isyu ang dalawang dagdag sa marami-rami na ring talaksan ng mga pananaliksik sa larang na ito sa wikang Filipino.  …napagtuonan ang dalumat ng karahasan at kabayanihan sa pagsasalaysay ni Michael Charleston B. Chua sa artikulong Paggamot sa Gitna ng Paggahasa:  Ang mga Pagamutan Bilang Pook ng Brutalidad at Kabayanihan Noong Labanan Para sa Liberasyon ng Maynila (3 Pebrero – 3 Marso 1945).  Naging tuon dito ang mga ospital, ang karahasan at kabayanihang umagos sa mga espasyong ito sa panahong tukoy sa pag-aaral. Lalong kumikinang ang disiplina ng kasaysayan at ang dalawang ambag na artikulo sa kasalukuyang isyu at konteksto ng muling pagsusuri at pagtatasa sa umiiral na sistema ng pag-aaral ng kasaysayan (ng Filipinas) sa kasalukuyan, lalo na sa antas tersiyaryo.  Sa pagdami ng pananaliksik sa kasaysayan ng Filipinas na nasusulat sa wikang Filipino, at hindi rin dahop ang mga nangaunang isyu ng Daluyan sa mga nailathala na, masasabing lalong nagiging higit na handa, kundi man, handang-handa na ang naturang disiplina na ituro ang kaalaman sa wikang Filipino.  Nabubuksan ang katunayan ng pagiging sulong na puwersa ng wika ng istoryador.  Nasa kaniya ang hamon, at kung panghahawakan pa niyang lalo ang pananaliksik at pagtuturo sa naturang disiplina sa wikang Filipino, ibayong pag-ungos ito.  Marahil, mayayanig ang ibang disiplina sa agham panlipunan na hindi pa ganon kasulong sa pagtataguyod ng pananaliksik sa kanilang disiplina sa wikang Filipino (vii-viii).

Abstract:

Hospitals were set afire after the patients had been strapped to their beds. The corpses of males were mutilated, females of all ages were raped before they were slain, and babies’ eyes were gouged out and smeared on walls like jelly.”

–Donald L. Miller

Mahigit kalahating dantaon na ang nakararaan, nabibigla pa rin tayo sa tuwing ating naririnig ang mga kuwento ng brutalidad na tulad ng naisalarawan ni Miller. Mga karanasang tila mga multong ninais kalimutan subalit patuloy na gumigitla sa atin.  Sa inyong nabasa, maging ang mga maysakit at ang mga pagamutan ay hindi pinatawad ng karahasan na isinagawa ng mga natatalong Hukbong Hapones sa labanan para sa “Liberasyon” ng mga Amerikano sa Maynila.

Sa tuwing pinag-uusapan ang mga digmaan sa kasaysayan, ating tinitingnan ang pagkilos ng mga kawal, ang mga pinuno, ang mga tagumpay at mga kabiguan sa labanan.  Nakakaligtaan na sa likod ng mga nakatalang mga pangyayaring ito sa mga digmaan, ay ang iba’t ibang walang pangalang mga tao na naging biktima ng karahasan, o di kaya’y nagsisilbi sa mga digmaan bilang mga kawaning propesyonal.

Bibigyang-pansin natin ngayon ang mga instalasyong medikal noong Liberasyon ng Maynila.  Kabilang sa mga minasaker ng Hukbong Hapones ang mga pasyente at kawani ng mga pagamutan.  Nadamay rin sa artillery shelling na isinagawa ng mga Amerikano ang mga ospital.  Nanganib ang mga gusaling ito sa karahasan subalit ang mga doktor at nars ay patuloy na nanilbihan sa mga pasyente, hindi ininda ang panganib na dulot ng labanan.  Nang kinailangan sila ng pagkakataon, sinunod nila ang tawag ng panahon, ilan sa kanila’y naging mga martir.  Ito ang kanilang kuwento.

Mula sa Warsaw of Asia:  The Rape of Manila.

Mula sa Warsaw of Asia: The Rape of Manila.

Mrs. Agerica at Dr. Antonio Gisbert.  Mula kay Jose Ma. Bonifacio M. Escoda.

Mrs. Agerica at Dr. Antonio Gisbert. Mula kay Jose Ma. Bonifacio M. Escoda.

Dr. Antonio G. Sison.  Larawan kinunan ni Xiao Chua mula sa Philippine General Hospital.

Dr. Antonio G. Sison. Larawan kinunan ni Xiao Chua mula sa Philippine General Hospital.

Honorato "Rety" Quisumbing.  Larawan kinunan ni Xiao Chua mula sa De La Salle University Manila.

Honorato “Rety” Quisumbing. Larawan kinunan ni Xiao Chua mula sa De La Salle University Manila.

Unang pagkikita ni Xiao Chua at Dr. Conrado Dayrit sa Nawawalang Paraiso, Tayabas, Quezon, August 19, 2005.

Unang pagkikita ni Xiao Chua at Dr. Conrado Dayrit sa Nawawalang Paraiso, Tayabas, Quezon, August 19, 2005.

Panayam ni Xiao Chua kay Dr. Conrado Dayrit para sa papel na ito.  Unilab, Mandaluyong City, March 15. 2006.

Panayam ni Xiao Chua kay Dr. Conrado Dayrit para sa papel na ito. Unilab, Mandaluyong City, March 15. 2006.

Pag-aalay

Ang papel na ito ay iniaalay kay Dr. Ricardo Trota José, guro, tagapayo, at pinakamahusay na nabubuhay na historyador ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Filipinas, na inspirasyon ko upang maging isang mabuting historyador at guro; at sa aking mga estudyante sa Kasaysayan 1 sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman sa loob ng tatlong taon (2005-2008), at KasPil 1 at KasPil 2 sa Unibersidad ng De La Salle Maynila (Simula 2008), mga nakasabay sa paglalayag sa Balanghay Pangkasaysaysan (BANGKA).  Nawa’y ang bagong henerasyong kanilang kinabibilangan ay hindi na magdanas ng lubhang kahayupan ng tao na tulad ng nangyari sa panahon ng digmaan.  Ang susi ng kinabukasan ay nasa kanila.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 7,897 other followers