XIAOTIME, 5 February 2013: ANG BATTLE FOR THE LIBERATION OF MANILA

by xiaochua

Broadcast of Xiaotime news segment last Tuesday, 5 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

5 February 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=g2UgBVfVckI

Nasusunog na ang timog na bahagi ng Maynila,  Ang San Sebastian Church mula sa tore ng Sto. Tomas.  Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Nasusunog na ang timog na bahagi ng Maynila, Ang San Sebastian Church mula sa tore ng Sto. Tomas. Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  68 years ago noong Linggo, February 3, 1945, dumating ang mga Amerikano sa Maynila at sinimulang bawiin ito mula sa mga Hapones.  Ang labanan na ito na tumagal ng isang buwan ay tinawag na Battle for the Liberation of Manila.  Sa araw na iyon, agad na napalaya sa gabi ng mga Amerikano ang civilian internment camp sa Unibersidad ng Sto. Tomas kung saan nakakulong ang mga nangangayayat na na mga sibilyang Amerikano sa Maynila.  Sa pagpasok ng mga Amerikano, may pagkakahati nang naganap sa Hukbong Hapones.  Inatasan na ni Heneral Tomoyuki Yamashita, Pangkalahatang Tagapamuno ng Lahat ng Hukbong Hapones sa Pilipinas ang lahat ng pwersang Hapones na iwan na ang Maynila at tumungo sa kabundukan upang doon na lamang ipagpatuloy ang pakikibaka.

Heneral Tomuyuki Yamashita. Mula sa Warsaw of Asia:  The Rape of Manila.

Heneral Tomuyuki Yamashita. Mula sa Warsaw of Asia: The Rape of Manila.

Ang hukbong katihan o army, kung saan nabibilang ang kumander ng buong pwersa na si Yamashita, ay sumunod sa kanya at lumalayo na ang Maynila.  Ngunit, ang hukbong pandagat o navy sa pamumuno ni Rear Admiral Sanji Iwabuchi ng Manila Naval Defence Force, ay nagpasaway kay Yamashita at nanatili sa Maynila upang ipagtanggol ito.

Rear Admiral Sanji Iwabuchi.  Mula sa Warsaw od Asia:  The Rape of Manila.

Rear Admiral Sanji Iwabuchi. Mula sa Warsaw od Asia: The Rape of Manila.

Dali-daling pinakalat ni Iwabuchi ang mga navy na walang kasanayan sa pakikipagdigma sa lupa.  Binomba at pinabagsak nila ang mga tulay kaya lubos na nahirapan ang mga pwersang Amerikano.  Noong February 23 lamang umabot ang mga Amerikano sa Intramuros at upang maiwasan ang mas maraming kamatayan, imbes na eroplano, kinanyon nila ito ng artillery shells, at dahil wala namang pinipiling kakampi o kalaban ang mga bomba, marami pa rin ang namatay sa mga labanang ito.  Pinanghaharang ng mga Hapones ang kanilang mga bihag sa mga pader upang sila ang unang makanyon.

Mula sa Intrmuros of Memory.

Mula sa Intrmuros of Memory.

Sa pagkubkob ng Fort Santiago noong February 25, torch blower ang ginamit nila sa bawat kwarto upang lumabas ang mga Hapones.  600 bihag na sundalong Pilipino-Amerikano ang iniwan ng mga Hapones sa isang masikip na kwarto hanggang sila ay mamatay sa gutom at suffocation.  Inilibing sila sa ilalim na marmol na krus na ito.

Ang marmol na krus na tanda na ito ang huling hantungan ng 600 mga sundalo na natagpuang patay sa lugar na iyan.  Luha ni Xiao Chua.

Ang marmol na krus na tanda na ito ang huling hantungan ng 600 mga sundalo na natagpuang patay sa lugar na iyan. Luha ni Xiao Chua.

At sa pagkahuli nga ng mga huling sundalong Hapones sa Gusali ng Finance, nagtapos ang labanan sa Maynila noong March 3, 1945.  Sa matagal na panahon, ang mga Hapones naman ay inakala natin na naging marahas sa pagpatay ng mga tao dahil desperado na sila sa pagdating ng mga Amerikano.  Ngunit, sa mga insidente ng atrocities dito sa Maynila makikita na sistematiko ang pagpatay na ito na maaaring may basbas pa mula sa Tokyo—sistematiko ang paglusob sa mga kabahayan, mga ospital at mga simbahan upang pumatay ng mga tao, ibayoneta ang mga bata at gahasain ang mga babae.

Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Sa lahat-lahat, 16,665 ang namatay mula sa Hukbong Hapones, 1,010 lamang mula sa  Hukbong Amerikano, at ang totoong naging biktima ng kapwa pagbomba ng mga Amerikano at ng sistematikong pangmamasaker ng mga sibilyan ay 100,000 tao.  Ang lubos na nagbaka ng kasawian ay ang mga Manileño.  Ang Maynila ang naging IKALAWANG PINAKAGUMUHONG “ALLIED” NA LUNGSOD SA DAIGDIG, pangalawa lamang sa Warsaw, Poland.

Ang pagguho ng Letran College sa Intramuros.

Ang pagguho ng Letran College sa Intramuros.

Ang Fort Santiago.

Ang Fort Santiago.

Ang lumang gusali ng Kongreso. Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Ang lumang gusali ng Kongreso. Mula sa War Crimes in Manila ni David Griffin.

Ang Maynila matapos ng Liberasyon--nawasak ng kapwa mga Hapones at Amerikano.

Ang Maynila matapos ng Liberasyon–nawasak ng kapwa mga Hapones at Amerikano.

Ngunit, ang ”Rape of Manila” ay tila hindi na natin natatandaan.  Hindi natin napapagtanto na katulad din nito ang naging karanasan ng napakaraming mga bayan sa Pilipinas noong digmaan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Andrew Bldg., DLSU Manila, 28 January 2013)