IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

XIAO TIME, 13 December 2013: MGA ARAL SA BUHAY NI NELSON MANDELA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Nelson Rolihlahla Mandela, 1918-2013

Nelson Rolihlahla Mandela, 1918-2013

13 December 2013, Friday: http://www.youtube.com/watch?v=zvhwvCjBonQ

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alam niyo ba na hindi si Crisostomo Ibarra ang bayani ni Jose Rizal sa kanyang mga nobela?  Ayon kay Heneral Jose Alejandrino, nabanggit sa kanya ni Rizal na pinagsisihan niya na pinatay niya si Elias at hindi si Crisostomo Ibarra sa kanyang unang nobela na Noli Me Tangere.

Jose Rizal at Jose Alejandrino sa Madrid.  Mula sa Vibal Foundation.

Jose Rizal at Jose Alejandrino sa Madrid. Mula sa Vibal Foundation.

Jose Alejandrino.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Jose Alejandrino. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Si Ibarra (na kamukha ni Rizal) sa unang eksena ng Noli Me Tangere sa bahay ni Kapitan Tiago.  Obra maestra ni Leonardo Cruz.

Si Ibarra (na kamukha ni Rizal) sa unang eksena ng Noli Me Tangere sa bahay ni Kapitan Tiago. Obra maestra ni Leonardo Cruz.

Si Ibarra at Elias sa pinilakang tabing.

Si Ibarra at Elias sa pinilakang tabing.

Kung alam lamang niya na makakapagsulat siya ukol sa himagsikan dapat daw ay binuhay niya si Elias dahil siya ang nagtataglay ng mga kinakailangang katangian ng isang tao na namumuno sa isang himagsikan:  noble character, patriotic, self-denying and disinterested.  Si Ibarra raw kasi ay makasarili, na kumilos lamang nang masaktan ang kanyang interes, at ang kanyang mga mahal sa buhay.  Sa mga katulad raw ni Ibarra na paghihiganti ang naiisip, walang tagumpay na dapat maasahan sa kanilang mga kilos.

Si Elias, si Maria Clara at si Crisostomo Ibarra.  Obra maestra ni Carlos "Botong" Francisco.

Si Elias, si Maria Clara at si Crisostomo Ibarra. Obra maestra ni Carlos “Botong” Francisco.

Si Rizal at si Elias.

Si Rizal at si Elias.

Nakakatuwa na sa kasaysayan ng daigdig, mayroong isang tao na tumumpak sa katangian ng isang Elias:  si Nelson Rolihlahla Mandela, na sumakabilang buhay noong nakaraang December 5 at magkakaroon ng state funeral sa Linggo, December 15 sa Qunu, South Africa.

NOW HAPPENING AS I BLOG:  Family members stand near former South African President Nelson Mandela's casket during his funeral service in Qunu, South Africa, Dec. 15, 2013.  Associated Press.

NOW HAPPENING AS I BLOG: Family members stand near former South African President Nelson Mandela’s casket during his funeral service in Qunu, South Africa, Dec. 15, 2013. Associated Press.

Si Mandela ay isinilang sa isang pamilya ng mga datu noong 1918.  Ngunit dahil ang Timog Africa ay nasa pamumuno noon ng mga Kolonyalistang British, naging malupit maging para sa kanya ang lipunan.  Noong 1948, isinabatas ang Apartheid, mula sa salitang “apart,” ang pagbubukod ang paghihiwalay sa mga puti at mga itim halimbawa sa mga pampublikong lugar, mga banyo, mga bus at mga paaralan.  Naglalagay ng mga karatulang “For whites only.”

Si Mandela bilang abogado.

Si Mandela bilang abogado.

Si Mandela bilng boksingero.

Si Mandela bilng boksingero.

Sampol ng paghihiwalay batay sa Apartheid.  Mula sa Wikipedia.

Sampol ng paghihiwalay batay sa Apartheid. Mula sa Wikipedia.

Gayundin, nararanasan din nilang maduraan o hindi pagbentahan sa tindahan.  Naging rebolusyunaryo si Mandela at nakibaka laban sa Apartheid.  Bagama’t naniniwala siya sa mapayapang pakikibaka tulad ng ginawa ni Gandhi, naniniwala siyang taktika ito kaysa prinsipyo.  Kung hindi magtatagumpay ang mapayapang pakikibaka, wala itong silbi.  Tulad ni Andres Bonifacio, ang marahas na himagsikan ay isang huling opsyon.

Si Mandela ay inaresto.

Si Mandela ay inaresto.

Si Mandela na tumutungo sa kanyang paglilitis suot ang tradisyunal na kasuotan ng kanyang dugong bughaw na pamilya.

Si Mandela na tumutungo sa kanyang paglilitis suot ang tradisyunal na kasuotan ng kanyang dugong bughaw na pamilya.

Ilang beses ikinulong hanggang sa mapatawan ng habangbuhay na pagkakabilanggo at ikinulong sa notoryus na Robben Island Prison kung saan siya ay araw-araw na ibinulid sa mahirap na pagtatrabaho sa ilalim ng mainit na sikat ng araw.  Sa loob ng kulungan, nakibaka siya para matanggal ang hard labor na ito sa mga bilanggo.

Robben Island Prison.

Robben Island Prison.

Mabigat na pagtatrabaho ng pagsisibak ng mga bato sa piitan ng islan ng Robben.

Mabigat na pagtatrabaho ng pagsisibak ng mga bato sa piitan ng islan ng Robben.

Si Mandela habang inaayos ang kanyang kasuotan sa piitan.

Si Mandela habang inaayos ang kanyang kasuotan sa piitan.

Si Mandela bilang isang preso.

Si Mandela bilang isang preso.

Si Mandela at si Pangulong William Jefferson Clinton na nagmo-moment sa loob ng naging piitan ni Nelson Mandela sa Robben Island.

Si Mandela at si Pangulong William Jefferson Clinton na nagmo-moment sa loob ng naging piitan ni Nelson Mandela sa Robben Island.

27 taon siyang nakakulong ngunit nang siya ay pinalaya noong 1990, hindi naghiganti.  Nakipag-usap siya sa bagong pinuno ng South Africa na si F.W. de Clerk sa tuluyang pagbabasura sa Apartheid, at dahil dito nagtamo sila kapwa ng Nobel Peace Prize.  At nang ganapin ang unang halalan na isinama ang mga itim noong 1994, nahalal si Mandela na Pangulo.

Nang mapalaya si Nelson Mandela mula sa piitang Victor Verster habang hinahawak ang kamay ng kanyang asawa na si Winnie, 11 February 1989.

Nang mapalaya si Nelson Mandela mula sa piitang Victor Verster habang hinahawak ang kamay ng kanyang asawa na si Winnie, 11 February 1990.

Si Mandela at si Pangulong F. W. de Clerk habang tinatanggap ang kanilang mga premyo Nobel, 1993.

Si Mandela at si Pangulong F. W. de Clerk habang tinatanggap ang kanilang mga premyo Nobel, 1993.

Itinatag niya ang mga Truth and Reconciliation Commission na siyang kumuha ng testimonya ng mga biktima ng pag-abuso sa karapatang pantao sa harapan ng mga bumiktima sa kanila at kung saan maaari ring humingi ng amnestiya ang mga nambiktima.  Dahil napag-usapan ang mga alaalang sumugat, naging salik ito sa pagkahilom ng mga ito at sa pagkakaisa ng mga puti at itim sa Timog Africa.

Si Arsobispo Desmond Tutu, kaibigan at kaisa sa pakikibaka ni Mandela, at ang kanyang mga kasama sa Truth and Reconciliation Commission.

Si Arsobispo Desmond Tutu, kaibigan at kaisa sa pakikibaka ni Mandela, at ang kanyang mga kasama sa Truth and Reconciliation Commission.

Ang unang pagpupulong ng Truth and Reconciliation Commission sa London.

Ang unang pagpupulong ng Truth and Reconciliation Commission sa London.

Si Nelson Mandela at si Pangulong Corazon Aquino ng Pilipinas.

Si Nelson Mandela at si Pangulong Corazon Aquino ng Pilipinas.

Tutol si Mandela sa dominasyon ng mga puti ngunit tutol din siya sa dominasyon ng mga itim.  Mula 1994 hanggang 1999, nagtagumpay siya na ipunla ang mga reporma at pagkakapantay-pantay sa kanyang bansa at dahil dito, siya ang kinilalang Ama ng Sambayanang Timog Aprikano.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pasay Rotonda, 12 December 2013)

Si Nelson Mandela, ang Ama ng Sambayanang Timog Aprikano.

Si Nelson Mandela, ang Ama ng Sambayanang Timog Aprikano.

BAKIT PARANG AYAW KONG PANIWALAAN SI LAZARO MAKAPAGAL KAHIT SIYA ANG NANGUNA SA PAGPATAY KAY ANDRES BONIFACIO?

Michael Charleston “Xiao” Chua

Historical Consultant, Katipunan (GMA Network)

Lumilitaw na may ilang bersyon ang pagpatay kay Gat Andres Bonifacio.  Nangyari ito dahil hindi naging transparent ang mga kinauukulan sa nangyari at maaari pang may pagnanais na ikubli ito.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan.  Mula kay Jim Richardson.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan. Mula kay Jim Richardson.

Procopio Bonifacio.  Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Procopio Bonifacio. Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Ayon sa mga ilang mga historyador, na may punto rin naman:  isa lang ang taong dapat paniwalaan pagdating sa pagkamatay ni Andres Bonifacio, dahil eyewitness siya.  Ang pinuno mismo ng pagpatay kay Andres Bonifacio na si Lazaro Makapagal.  Ito ang nanaig sa historiyograpiya.  Dinala niya sa bundok ang magkapatid na Andres at Procopio dala ang isang selyadong sulat mula sa Conseho de Guerra ng pamahalaan ni Heneral Emilio Aguinaldo, na nagtataglay pala ng hatol na barilin ang patayin ang magkapatid.

Komandante Lazaro Makapagal, mula kay Isagani Medina.

Komandante Lazaro Makapagal, mula kay Isagani Medina.

Pero ang eyewitness na ito.  Dalawa ang ibinigay na version ng pagpatay: Una, sa isang testimonya na ibinigay niya kay Santiago Alvarez para sa isang dyaryo, mga tatlong dekada matapos ang pangyayari, nang malaman ang hatol, nanangis na yumakap raw ang Procopio at sinabing “Kuya, paano tayo?”  Di raw nakakibo ang Andres at “umaagos ang mapapait na luha sa dalawang mata.”  Tumalikod raw si Makapagal sa habag sa magkapatid at hindi tingnan ang pagbaril sa Supremo.

"The Verdict," obra ni Rody Herrera. Ayon sa testimonya ni Lazaro Makapagal. Makikita sa aklat na Fine Artists of the Philippines 1999 ni Marlene Aguilar at Larry Bortles.

“The Verdict,” obra ni Rody Herrera. Ayon sa testimonya ni Lazaro Makapagal. Makikita sa aklat na Fine Artists of the Philippines 1999 ni Marlene Aguilar at Larry Bortles.

Nag-iba ng testimonya ang lolo mo nang sumulat siya kay Jose P. Santos.  Nang basahin raw niya ang hatol sa magkapatid, napatalon daw at nagsabi si Procopio ng “Naku Kuyang!” Napaluhod raw si Bonifacio at akmang yayakapin siya at umiiyak na nagsabing, “Kapatid, patawarin mo ako.”  Unang binaril si Procopio.  Muli raw nagmakaawa nang nakaluhod si Bonifacio at sinabing “Kapatid, patawarin mo ako!”  Sagot ni Makapagal, “Wala akong magagawa!”  Noo’y tumakbo ang Supremo at tinugis nila sa kakahuyan at malapit sa ilog ay binaril nila hanggang mamatay.

Ok, dalawa ang version niya.  Sorry naman,  tao lang siya.  Sa pangalawa hindi na siya tumalikod, hinabol nila ang tumakbong Supremo.  Sabi ng historiyograpiya, malaki ang timbang para sa testimonya  ng eyewitness.  Primary source kasi siya.  Tapos ang kwento. Pero ang natutunan ko rin sa historiyograpiya sa UP ang nagsasabi sa akin na huwag akong maniwala sa lahat ng nababasa ko, maging kritikal ako, at gamitin ang pagsusuri ng mga batis.  Internal o external criticism.

Pero bakit gusto kong pagdudahan ang testimonya niya:

Una:  Sa testimonya ni Makapagal, naglalakad ag Supremo patungo sa bundok.  Pinalilitaw niya na mababa at iisa ang sugat ni Andres Bonifacio.  Sa gunita ni Emilio Aguinaldo na isinulat niya noong matanda na siya, nagdadrama ang Andres at nagpabuhat sa duyan kahit na ang sugat niya ay isang sentimetro lamang ang lalim.  Ok.  Pero sa eyewitness accounts mula sa paglilitis at sa nakolekta ni Santiago Alvarez, nang mabaril sa balikat ang Supremo at sinaksak ni Intsik Paua sa leeg, sumulimpat ang dugo at malubha ito.  Dinala siya sa duyan mula sa pagkakahuli sa Limbon ng 28 Abril, 1897.  Hindi ginamot ang mga sugat nila.  Pero hindi makikita ang epekto ng gangrene na ito sa testimonya ni Makapagal.  Ayon kay Artemio Ricarte, bagama’t hindi si Makapagal ang pinangalanan niya na pumatay kay Bonifacio kundi si Agapito Bonzon at Paua na mga humuli kay Bonifacio sa Limbon, may kwento siya na DALA-DALA SA DUYAN si Andres Bonifacio.

Pangalawa:  Oo, primaryang batis nga si Lazaro, pero  HINDI LAHAT NG PRIMARYANG BATIS AY MAGSASABI NG TOTOO.  May motibo ba na magsinungaling si Lazaro?  Sa aking palagay oo.  Kung ako si Lazaro, gugustuhin kong palitawin na kahit papaano, hindi ako super engot o mali sa ginawa ko.  Or in short, na tama ang ginawa ko.  Kung gayon, palilitawin kong DUWAG SI ANDRES BONIFACIO, nagluluhod.  Kahit na sa aksyon ni Bonifacio ayon sa ibang nakakita, atapang-a-tao siya.  Bakit siya hihingi ng tawad kung sa buong pagtigil niya sa Cavite, iginiit niya na siya ang tunay na pinuno ng himagsikan?  Tumakbo pa?  E hindi ba atapang-a-tao nga. Pangatlo:  Ang tagal ng paglipas ng panahon ng pagkakuwento.

Lazaro Makapagal.

Lazaro Makapagal.

PERO WALA TAYONG MAGAGAWA SIYA ANG PRIMARYANG BATIS. May mga sekundaryang batis na pwedeng makita.  Isinulat mismo ni Emilio Aguinaldo sa kanyang talambuhay ni Andres Bonifacio na ipinasok niya sa contest bilang si “Dalomag,” mayroon daw kwento si Paciano Rizal na ayaw na barilin ng Katipunero ang Supremo, kaya kinuha ni Jose Clemente Zulueta ang baril at ipinutok ito sa Supremo.  Kung isinulat ito ni Aguinaldo, na malamang sa malamang pinag-ulatan ng pagpatay kay Supremo ni Makapagal, dapat itong paniwalaan.  Pero sabi ni Aguinaldo, hindi na niya alam ang nangyari dahil sa araw ng pagpatay, lumusob ang mga Espanyol sa Maragodon, ang bayan kung saan din nilitis at pinatay ang Supremo.   Pero bakit hindi tumutugma ang kwento nilang mag-amo?  Tapos, sa kanyang mga gunita, sasang-ayon din siya na si Lazaro Makapagal nga ang nanguna sa pagpatay sa Supremo.  Mayroon bang bersyon na tinatawag kong “Luis Dery” hypothesis.  Ipinangalan sa tagapanguna nito na si Dr. Luis Camara Dery na naniniwala na dahil sa mas maagang date nang paggunita noon sa pagkamatay ng Supremo, 23 Abril 1897 (at ang nakalagay sa matandang marker sa Maragondon kung saan nakalagay na inilibing ang mga labi doon ng 26 Abril), ay sa pag-aresto sa Limbon kung saan tinamaan raw ang carotid vein sa leeg ng Supremo, Limbon palang patay na!  Para sa akin, kailangan pa ng karagdagang pag-aaral dito dahil sa mismong sulat ni Gregoria de Jesus, asawa ni Bonifacio, kay Emilio Jacinto, na dinala ang Supremo “kinbukasan ng tanghali nila inalis ang dalawang magkapatid, at bandang hapon na ay nagkaroon ng laban sa mabas ng bayanna di malayo sa aking kinalalagyan.  Saka lamang ako pinakawalan.”  Ibig sabihin tumutugma ito sa testimonya ni Aguinaldo at Makapagal:  10 Mayo, ang araw ng paglusob ng mga Espanyol sa Maragondon, niyare ang magkapatid na Bonifacio.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Gregoria de Jesus.  Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Bahay Nakpil-Bautista.

Gregoria de Jesus. Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Bahay Nakpil-Bautista.

Ngunit bakit ba lumitaw ang tula na “Andres Bonifacio, atapang-a-tao, a-putol-a-kamay, hindi atakbo.  A-putol-a-paa, hindi atakbo.”  Alam naman natin na si Andres Bonifacio ayon kay Makapagal ay binaril.  Ngunit bakit meron nitong tula?

Ito ang alternatibong bersyon ng pagpatay sa Supremo.  Ayon sa kaibigan ng Supremo na si Heneral Guillermo Masangkay, kinausap siya ng dalawa sa apat na Katipon na kasama ni Makapagal sa pagpatay sa Supremo.  At ayon sa kanila, inuna raw nilang patayin si Procopio sa pamamagitan ng pagbaril, ngunit, si Andres Bonifacio, ay nakatungo sa kakahuyan, at nakitang nagkukubli sa pagitan ng dalawang bato.  At dahil sa ayaw nilang masayang ang bala, dito na nila inundayan ng mga panaksak si Bonifacio.

Nang mag-field work naman ang namayapang Prop. Danilo “Piwi” Aragon sa Maragondon, kinapanayam niya ang ilang matatanda na nagsasabi sa kanilang ang kwento sa kanila ng kanilang ninuno ay may isang nakakita sa pagpatay sa Supremo, na tinataga ng limang tao. Alternatibong bersyon ng pagpatay kay Bonifacio batay sa testimonya ng dalawang  sinasabing pumatay sa Supremo kay Hen. Guillermo Masangkay, na siya ay tinaga hanggang mamatay.  Sinuportahan ito ng papel ni Danilo Aragon ukol sa kwento ng mga matatanda sa Maragondon na tila pinagbatayan ng tulang "Andres Bonifacio, a-tapang a-tao."  Maraming bersyon ang pagpatay kay Bonifacio liban sa opisyal na tanging eyewitness account ni Lazaro Makapagal.  Para sa akin, anumang bersyon ang tama ay hindi na mahalaga.

“Ang Wakas ni Andres Bonifacio” ni Carlos Valino Jr.

Kaya ang pinili ng mga producers ng Katipunan ay ang bersyon ng nagsumbong kay Masangkay.  Sa unang bersyon ng script pinag-usapan ang dalawang bersyon kaya nagmukhang akademiko.  Sa aking mga lektura, bagama’t may pagkiling ako sa pagtaga, akin nang iniiwan sa mga nakikinig ang mga datos at ang pagdedesisyon.  Wala ako doon kaya hindi ko rin masabi with finality.  Ngunit ako yun bilang historyador, iniwan ko sa producers ng Katipunan ang pagdedesisyon, bagama’t marami naman akong kilalang mga tunay na historyador, eksperto at mga guro sa kasaysayan na mas pinaniniwalaan ang bersyong ito, kaya hindi lang ako ito.  Marami na ring beses na ikinuwento ang bersyon ni Macapagal sa telebisyon at pelikula kaya pagbibigay din ito sa publiko na hindi iisa ang bersyon sa pagpatay sa Supremo.  Gayundin, hindi naman masisiyahan ang lahat ng panig at laging magiging kontrobersyal anumang bersyon ang piliin.  Anuman, ang ginagawa nila ay hindi diskursong akademiko kudi isang serye sa telebisyon.

Ang pagpaslang kay Procopio at Andres Bonifacio sa serye ng GMA Network na "Katipunan."  Sa kagandahang loob ni Jayson Bernard Santos.

Ang pagpaslang kay Procopio at Andres Bonifacio sa serye ng GMA Network na “Katipunan.” Sa kagandahang loob ni Jayson Bernard Santos.

Masaya ako na pinili kong ituloy ang pagiging consultant ng Katipunan kasama si Dr. Lars Raymund Ubaldo.  May mga kakulangan man dahil sa kawalan ng sapat na pondo at oras, sinikap ng Katipunan na ibatay sa batis ang mga historikal na eksena hanggang sa maraming maliliit na detalye, na itinatawag pa sa amin sa telepono kahit wala kami sa shoot.  Ngunit mas importante, naipalaganap nito ang diwa ni Andres Bonifacio, ang Ama ng Sambayanang Pilipino, na unang naghiraya ng isang bansang may kapatiran, kabutihang-loob, kaginhawaan at kalayaan.

14 Disyembre 2013, 10:38 PM, Pook Amorsolo, UP Campus, Diliman, Lungsod Quezon Habang nanonood ng huling episode ng Katipunan

PANATA NG MANGGAGAWA (Batay sa mga salita nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at Julio Nakpil)

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Caloocan.  Nililok ni Guillermo Tolentino.  Mula kay Isagani Medina.

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Caloocan. Nililok ni Guillermo Tolentino. Mula kay Isagani Medina.

Ako ay manggagawang Pilipino

Mahigpit akong nanunumpa na maging masipag sa pag hahanap-buhay

Sapagkat ito ang siyang tunay na pag ibig at pag mamahal sa sarili sa asawa, anak at kapatid o kababayan

Ngunit hindi ako papaapi at hindi ako makikiapi

Ipagtatanggol ko ang inaapi at kakabakahin ang umaapi sa kapwa manggagawa

Gagawin ko ito ng malamig ang aking loob, matiyaga, makatuwiran at maypag-asa

Sapagkat dito nagbubuhat ang ikagaganap ng mabuting ninanais.

Magkakawanggawa ako, iibig ako sa kapwa

Isusukat ko ang bawat kilos gawa at pangungusap sa talagang katuwiran

Sapagkat isinusulong ko ang tunay na puri at kabanalan

Ipagwawagi ko ang kahusayan, upang matupad ang layon ng Katipunan

Na itampok at tubusin ang bayan

Hindi ko gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba

Ang hindi ko ibig gawin sa asawa, anak at kapatid ko

Hindi ko sasayangin ang panahon

Sisikapin kong magkaroon ng magandang asal

May isang pangungusap, may dangal at puri

Sapagkat sa kabutihang-loob nagmumula ang tunay na kaginhawaan

Babahaginan ko ng makakaya ang alin mang nagdaralita

Iibigin ko ang kapwa ko bilang aking kapatid

At aampunin ko ang bayan dahil ang nais ko ay lunas

Sapagkat ang kaginhawaan ng bayan ay ang kalayaan ng lahat

Itinataya ko ang aking dangal sa ipagkakaisa ng loob at kaisipan ng mga Anak ng Bayan

Kasihan nawa ako ng Maykapal

Binuo ni Michael Charleston “Xiao” Chua, batay sa mga sinulat nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at Julio Nakpil, ngayong 30 Nobyembre 2013, ika-150 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, 4:44 AM sa kahilingan ng NAGKAISA! para sa kanilang pagkilos sa araw na ito.

IKA-150 TAONG KAARAWAN NI GAT ANDRES BONIFACIO, GUGUNITAIN BUKAS: SPECIAL REPORT

Text of the broadcast of Xiao Chua’s special report for News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan.  Mula kay Jim Richardson.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan. Mula kay Jim Richardson.

29 November 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=NIgF4twsSXM

Gat Andres Bonifacio, isang pangalan na nagpapagunita sa atin ng isang a-tapang a-tao, ngunit madalas, ng isang matayog na rebulto o matigas na mukha sa barya.  Ngunit, kilala ba natin talaga siya?  Madalas na ipakilala bilang Ama ng Katipunan, Unang Naggalaw ng Paghihimagsik, ngunit nakilala din bilang bobong bodegero na walang pinanalong laban dahil walang pinag-aralan at walang kakayahang militar.

Ang orihinal na Bantayog sa Balintawak, "Sa alaala ng mga Bayani ng 1896."  Hindi po ito si Bonifacio.  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ang orihinal na Bantayog sa Balintawak, “Sa alaala ng mga Bayani ng 1896.” Hindi po ito si Bonifacio. Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Sino nga ba ang tunay na Andres Bonifacio.  Isinilang siya noong November 30, 1863 sa Tondo, Maynila sa isang bangkero, sastre at naging teniente mayor na si Santiago Bonifacio, at isang mestisang Espanyola na puno ng isang sangay ng pagawaan ng sigarilyo na si Catalina de Castro.  Isinilang na middle class si Andres at nakapag-aral kay Guillermo Osmeña at nakaabot hanggang sa mataas na paaralan hanggang sa siya ay matigil dahil sa pagkamatay ng kanyang mga magulang noong siya ay 14.  Bilang panganay sa anim na magkakapatid, tumayo siyang kapwa ama at ina nila, gumagawa at nagbebenta ng mga baston at pamaypay sa mga maykaya sa labas ng simbahan.

Si Andres habang nagbebenta ng baston at abaniko sa patio ng simbahan.  Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Si Andres habang nagbebenta ng baston at abaniko sa patio ng simbahan. Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Naging empleyado ng dalawang international company sa Maynila.  Ito ang dahilan bakit sa kanyang tanging larawan, siya ay naka-amerikana at postura.  Sa pagitan ng pagtatrabaho at paggawa ng mga baston, binuklat niya ang mga aklat at nagbasa ukol sa batas, medisina, mga nobela ni Jose Rizal, Kasaysayan ng Amerika at Rebolusyong Pranses, kasama na ang Les Miserables.

Nagsikap si Bonifacio na matuto sa sarili at naging palabasa.  Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Nagsikap si Bonifacio na matuto sa sarili at naging palabasa. Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Dahil dito lumawak ang kanyang pag-iisip at nangarap, nagkaroon siya ng ideya na kung dati rati kapag isinilang ang indio, mamamatay pa rin siyang alipin, sa kanyang pinangarap na bansa, ang bayan, tayo, hari, ang makapangyarihan.  Sumapi siya sa Masoneriya, at sa La Liga Filipina ni Rizal noong itatag ito noong July 3, 1892 upang magtulungan ang mga kababayan.

Pagtatatag ng La Liga Filipina.  Mula sa Koleksyon ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Bonifacio.

Pagtatatag ng La Liga Filipina. Mula sa Koleksyon ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Bonifacio.

Ngunit matapos lamang ang tatlong araw, inaresto si Rizal kaya kinabukasan, July 7, 1892, isinakatupran nila ang matagal na nilang binabalak ayon sa mga dokumentong nanggaling sa Archivo Militar ng Madrid, ang pormal na pagtatag ng Kataastaasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan na sa loob ng apat na taon ay lumaganap at nagkaroon ng kasapian sa Luzon, Visayas ay Mindanao.  Hindi lamang simpleng samahang mapanghimagsik ang Katipunan, sa tulong ng kanyang mga kapanalig tulad nina Emilio Jacinto, Pio Valenzuela, Aurelio Tolentino at iba pa, naging proyekto ito ng pagbubuo ng isang bansang tunay na malaya, may kaginhawaan, mabuting kalooban at kapatiran.

Isang paglalarawan kay Emilio Jacinto.  Mula sa isang malaganap na postcard.

Isang paglalarawan kay Emilio Jacinto. Mula sa isang malaganap na postcard.

Dr. Pio Valenzuela

Dr. Pio Valenzuela

Bago ka lumaban sa Espanya, kailangan handa at mabuti muna ang kalooban ng bawat isa.  Naging code name niya ang Maypagasa.  Dumating ang oras, August 1896, nabisto ang Katipunan at isanlibong tao ang nagpunit ng sedula sa Unang Sigaw sa Balintawak, Kalookan.

Unang Bugso ng Himagsikan

Unang Bugso ng Himagsikan

Si Bonifacio ang nagtakda ang istratehiya ng himagsikan.  May mga laban ang Katipunan na nagtagumpay at nabigo subalit hindi nanamlay ang mga Anak ng Bayan.  Sa pagtatangka niyang ayusin ang sigalot sa mga balanghay sa Cavite bilang Pangulo ng Haring Bayan, naipit siya sa pilitika at pinaslang noong May 10, 1897.

Ang pagpatay sa Supremo Bonifacio ang political killing na nagsilang sa pamamayani ng demokrasyang elit sa bansa.  Mula sa Encyclopedia of Philippine Art.

Ang pagpatay sa Supremo Bonifacio ang political killing na nagsilang sa pamamayani ng demokrasyang elit sa bansa. Mula sa Encyclopedia of Philippine Art.

Lagi nating naaalala si Gat Andres bilang a-tapang a-tao. Nakaligtaan natin na tinuruan din niya tayong umibig.  Maligayang ika-150 kaarawan, Supremo.  Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 24 November 2013)

ANG DIWA NG KATIPUNAN: “Kapatiran, Kabutihang-Loob, Kaginhawaan, Kalayaan!”

Andres Bonifacio.  Mula sa La Ilustracion Espanola y Americana.

Andres Bonifacio. Mula sa La Ilustracion Espanola y Americana.

Ang papel na ito ang aking abang ambag sa pagdiriwang ng ika-150 taong kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, Unang Pangulo ng Pilipinas at Ama ng Sambayanang Pilipino.

Download full paper here:  Xiao’s Bonifacio Conference UP 2013 Kabutihang Loob

Abstract:

ANG KAUGNAYAN NG MABUTING KALOOBAN SA DALUMAT NG KALAYAAN AT PAGKABANSA NG KATIPUNAN

Marami ang nag-stereotype sa Katipunan bilang samahan ng mga bobong masa na sugod ng sugod at walang ibang alam na gawin kung hindi maging bayolente.  Ngunit sa mga pananaliksik ng mga historyador at iba pa sa Agham Panlipunan sa mga nakaraang tatlong dekada, makikita na lumilitaw na ang tunay na mukha ng Katipunan hindi lamang bilang isang samahang mapanghimagsik kundi isang proyekto sa pagbubuo ng bansa.  Sa pananaliksik ni Teresita Maceda, kanyang kinonekta, batay sa mga batis ng Katipunan mismo, na ang tunay na kalayaan ng bayan ay maiuugat sa kaginhawaan.  Sa pagbanggit naman sa mga pag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino tulad nang kay Zeus A. Salazar, makikita na ang batis ng ginhawa ay ang mabuting kalooban.  Kung pag-uugnayin ang mga ito, makikita ang kumpletong larawan ng konsepto ng Katipunan ng Kalayaan:  Walang tunay na kalayaan kung walang kaginhawaan, at wala namang kaginhawaan kung walang mabuting kalooban.  At dito makikita kung bakit mahalaga ang Kartilya ng Katipunan sa pagpapanatili ng asal ng tao, ang mga anting-anting bilang proteksyon ng kalooban, at ang sanduguan bilang sagisag ng kapatiran at pagiging magka-loob.  Na hindi sapat na humawak lamang ng sandata ang mga Katipunero kundi kailangan na mayroon din silang banal, kapuri-puri at marangal na mga hangarin para sa bayan.  Na ang pagkabansa ay nagsisimula sa kapasyahan ng kalooban na palayain ang sarili at umibig sa Maykapal at sa kapwa.  Lagi nating naaalala ang Supremo Bonifacio bilang a-tapang a-tao. Nakaligtaan natin na tinuruan din niya tayong umibig.

Binasa sa pambansang kumperensya-pagtatanghal ng Unibersidad ng Pilipinas, BONIFACIO 150: ALAY SA BAYAN Nobyembre 22, 2013 sa GT-Toyota Asian Cultural Center, Unibersidad ng Pilipinas Diliman.

Binasa sa pambansang kumperensya-pagtatanghal ng Unibersidad ng Pilipinas, BONIFACIO 150: ALAY SA BAYAN Nobyembre 22, 2013 sa GT-Toyota Asian Cultural Center, Unibersidad ng Pilipinas Diliman.

XIAO TIME, 6 November 2013: JOSE PALMA, BAYANING SINGER

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Jose Palma.  Mula fcebook page ni Dr. Jose Victor Torres.

Jose Palma. Mula fcebook page ni Dr. Jose Victor Torres.

6 November 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=cP-yT6O8orI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayong buwan ng Bonifacio @ 150, ginuguita rin natin ang mga bayani ng himagsikang kanyang sinimulan.  Well, 150 years ago sa taon ding ito, June 3, 1863, isinilang si José Velásquez Palma, nakababatang kapatid ng naging Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas, Rafael Palma.  Habang siya ay isinisilang, naganap ang isa sa pinakamalakas na lindol na yumanig sa Maynila.

Rafael Palma, kapatid ni Jose, Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas.  Painting mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas.

Rafael Palma, kapatid ni Jose, Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas. Painting mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas.

Maagang namatay ang kanyang ina kaya naging maramdamin at tahimik, limang taon pa lamang siya noon.  Nag-aral sa Ateneo Municipal ngunit huminto sa pag-aaral, sumapi rin sa Katipunan nang maakit ng kisig sa pakikidigma ni Heneral Gregorio del Pilar.  Isang buwang nawala noong 1897 sa hindi malamang kadahilanan.  Sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, nakipaglaban siya sa Angeles at Bamban sa ilalim ni Heneral Servillano Aquino, ang lolo sa tuhod ng ating mahal na pangulo.

Heneral Gregorio del Pilar

Heneral Gregorio del Pilar

Heneral Servillano Aquino

Heneral Servillano Aquino

Ngunit nakitaan ng kahinaan ng katawan kaya ayun, pinakanta na lamang siya ng mga kundiman upang maaliw ang mga sundalo sa pagitan ng mga labanan.  Mahilig din siya na maglapat ng sarili niyang mga titik sa mga sikat na tugtugin noon.  Sa loob ng isang railway depot sa Bautista, Bayambang, Pangasinan, napagtripan niyang lagyan ng titik ang martsa na sinulat ni Julian Felipe sa Cavite isang taon na ang nakalilipas na naging Marcha Nacional Filipina.

Julian Felipe

Julian Felipe

Ang piyesa para sa Marcha Nacional ni Felipe.  Mula sa Mansyong Aguinaldo.

Ang piyesa para sa Marcha Nacional ni Felipe. Mula sa Mansyong Aguinaldo.

Lumabas ang kanyang tulang pinamagatang “Filipinas” sa unang anibersaryong edisyon ng pahayagang La Independencia noong September 3, 1899.  Nagsimula ang tula sa mga katagang “Tierra adorada, hija del sol de oriente.”  Lumaganap ang mga titik kahit magsara ang diyaryo dulot ng pagtatagumpay ng mga Amerikano.  At dahil ang titik at musika ay naging sagisag ng pakikibaka laban sa mga Amerikano, ano pa kundi bi-nan nga ng kolonyal na pamahalaan ang pagpapatugotog at pag-awit ng Marcha at ang pagpapakita ng pambansang bandila sa pamamagitan ng Act 1696 na inaprubahan ng Philippine Commission bilang ang Flag Law.

La Independencia.  Mula kay Pinoy Kolektor.

La Independencia. Mula kay Pinoy Kolektor.

Mga titik ng Hymno Nacional Filipino.  Mula sa http://filipinoway.blogspot.com/2011/03/hymno-nacional-filipino.html.

Mga titik ng Hymno Nacional Filipino. Mula sa http://filipinoway.blogspot.com/2011/03/hymno-nacional-filipino.html.

Marami ang naaresto dahil sa batas na ito na pinawalang-bisa lamang noong 1917.  Mismong mga Amerikano na rin ang nagpasalin ng tula patungong Ingles noong Dekada 1920 kina Camilo Osias at Mary A. L. Lane na ginawang opisyal ng Kongreso noong 1938, ito yung awit na nagsisimula sa, “Land of the Morning, child of the sun returning.”  Noong 1948, isinalin nina Ildefonso Santos at Julian Cruz Balmaceda bilang “Diwang Pilipino” na pinaglaruan naman ng komite ng mga musikero, manunulat at pangkat tekniko sa direksyon Kagawaran ng Edukasyon na nagsalin ng opisyal na bersyon Pilipino, ang Lupang Hinirang, na sinimulang isalin noong May 26, 1956, naging opisyal na lamang na may kasamang pagwawasto noong December 19, 1963.

Camilo Osias

Camilo Osias

Julian Cruz Balmaceda mula sa poemhunter.com

Julian Cruz Balmaceda mula sa poemhunter.com

Piyesa ng Pambansang Awit ng Pilipinas bilang "Lupang Hinirang."

Piyesa ng Pambansang Awit ng Pilipinas bilang “Lupang Hinirang.”

Si Palma naman ay patuloy na nagsulat at nagtatag ng mga pahayagan, kasama na ang El Renacimiento kasama ng kanyang kapatid na si Rafael noong 1900.  Ngunit ilang taon lamang ang lilipas, yayao rin sa buhay na ito si Jose Palma noong 1903.

Isang sipi ng El Renacimiento Filipino.

Isang sipi ng El Renacimiento Filipino.

Hindi lamang mga kawal ang may papel sa pakikibaka para sa kalayaan, kundi maging ang mga artista, at  mga singer dahil bagama’t hindi man sila humahawak ng armas, sila ang nagpapadaloy ng diwa at damdamin nating mga Pilipino.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 25 May 2013/ People’s Television Network, 3 November 2013)

XIAO TIME, 1 November 2013: KASAYSAYAN NG KONSEPTO NG ASWANG

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

1 November 2013, Friday: http://www.youtube.com/watch?v=RWX_oiJmNCM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong isang linggo ay nagtungo ako sa Roxas City sa Capiz para sa magsalita sa unang Borres Youth Leadership Institute Social Science Camp.  Nang sabihin ko sa isang mahal sa buhay na nagmula ako sa Capiz, tinanong ba naman sa akin, “nakakita ka ba ng aswang?  Maraming aswang sa Capiz.”

Si Xiao Chua habang nagsasalita sa Borres Youth Leadership Institute Social Science Camp sa Capiz National High School sa Lungsod ng Roxas, October 25, 2013.  Dito nag-aral ng hayskul si Pangulong Manuel A. Roxas.  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Matandang Capiz.  Mula sa jes9.wordpress.com.

Matandang Capiz. Mula sa jes9.wordpress.com.

Hindi na naalis sa Capisnon ang stigma na sila ay bayan ng mga aswang, therefore, bayan ng mga delikadong tao.  Ano ba ang ugat ng konseptong ng “aswang.”  Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga kwentong bayan at tala ng mg Espanyol, ipinakita ni Prop. Randy R. Gigawin sa kanyang papel na “Debunking the Myth of Aswang in Capiz.” Ito ay bilang tugon sa hamon ng pagtuturo ng lokal na kasaysayan ng Capiz sa Araling Panlipunan sa Grade 7 sa ating K+12 kung saan kabilang ang “aswang.”

Si Xiao Chua kasama si Prop. Randy R. Gigawin, October 25, 2013.  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua kasama si Prop. Randy R. Gigawin, October 25, 2013. Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Bago pa man dumating ang mga Espanyol, mayroon nang mga kwentong bayan sa Capiz na binabanggit ang aswang.  Ang isa ay binabanggit na may mga naghari sa isla ng Panay na kahahango pa lamang noon mula sa Dakilang Baha, sina Agurang, ang mabuting kaluluwa nakagagaling, at Asuwang, ang masamang kaluluwa na maaaring makasama o makamatay.  Ang pangalawa naman ay sa “Humadapnon” kung saan na binaggit na isang aswang si Paglambuhan, isang matapang, kagalang-kagalang at batikang mandirigma o hangaway na iniipon ang mga buto ng mga taong natalo niya sa isang mano manong labanan at kinikilalang datu ng lipunan.  Kung titingnan ang aswang ay ikinakabit sa kahit na sinong kinatatakutan o iniiwasan ng bayan.  Sa depinisyon sa mga diskyunaryong isinulat ng mga prayleng Espanyol ang aswang ay “hechicero, brujo, y fantasma” na ang kahulugnan ay “sorcerer,” “witch,” at “ghost.”

Aswang.  Mula kay Carlene  Collis-Smith aka sassyangel.

Aswang. Mula kay Carlene Collis-Smith aka sassyangel.

Aswang.  Kinulayan ng totmoartstudio.

Aswang. Kinulayan ng totmoartstudio.

Aswang.  Mula sa philippinesplus.com.

Aswang. Mula sa philippinesplus.com.

Mula sa mga pagbasang ito, makikita na ang pinapatungkulan ng mga Espanyol na mga aswang ay yung mga babaylan.  Ang mga dating esprituwal na pinuno ng bayan na dahil nais nilang palitan ay siniraan nila upang tawaging “may sa demonyo.”  Malakas kasi ang babaylanismo sa Panay at magtutungo sila at ang kanilang mga tagasunod sa kabundukan upang umiwas sa Katolisismo at kolonyalismo.  Kaya naman ang mga taga-bundok ay tatawaging mga masasamang tao.

Ang Babaylan.  Obra ni R. Aguilar oara sa Museo ng Negros.  agboiblogspot.com.

Ang Babaylan. Obra ni R. Aguilar oara sa Museo ng Negros. agboiblogspot.com.

Ang babaylan na inilarawan dito na lumilipad.

Ang babaylan na inilarawan dito na lumilipad.

Paglalarawan sa babaylan bilang tagapamagitan ng tao sa Maykapal.

Paglalarawan sa babaylan bilang tagapamagitan ng tao sa Maykapal.

Paglalarawan sa tatlong pangunahing papel sa lipunang Pilipino noong sinaunang bayan ayon kay Dr. Zeus A Salazar:  Datu, Babaylan at Panday.

Paglalarawan sa tatlong pangunahing papel sa lipunang Pilipino noong sinaunang bayan ayon kay Dr. Zeus A Salazar: Datu, Babaylan at Panday.

Ang pagdating mga mga prayle at ng Katolisimo sa Pilipinas.

Ang pagdating mga mga prayle at ng Katolisimo sa Pilipinas.

Ang babaylan ang ang prayle na gustog pumalit sa kanya.

Ang babaylan ang ang prayle na gustog pumalit sa kanya.

Kaya gumawa na ng iba’t ibang kwento ang mga prayle na katulad ni Juan de Plasencia na nagsasabing ang mga aswang ay nakikitang lumilipad, pumapatay ng mga tao at kinakain ang kanilang mga laman.  Kay Ortiz, ang aswang ay lumilipad sa bubong ng bahay, nilalabas ang dila na parang sinulid at ipinapasok sa puwitan ng bata upang kainin ang mga lamang-loob nito.

Aswang.  Mula sa villains.wikia.com.

Aswang. Mula sa villains.wikia.com.

Aswang.  Mula sa websayt ng GMA News.com/

Aswang. Mula sa websayt ng GMA News.com.

Binabanggit din ng mga prayle na nagiging aso ito, minsan pusa o ipis upang makalapit sa bata.  Kinakain din daw nila ang mga maysakit at ang mga patay.  Sa huli, ayon kay Alicia Magos, eksperto sa kasaysayan ng Panay, dalawang babaylan sa Panay ang siyang tumutol na sumailalim sa mga Espanyol, sina Conitnit and Cauayuay at dahil sa patuloy na pagpapraktis nila ng katutubong paniniwala, ibinigay sa kanila ng mga Espanyol ang pinakamalaking insulto sa mga Panayanhon, ang katawagang aswang.

Aswang.  Mula kay Alamat ng Lakan.

Aswang. Mula kay Alamat ng Lakan.

Si Xiao Chua at Dr. Alicia Magos, November 28, 2012, Guimaras.  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at Dr. Alicia Magos, November 28, 2012, Guimaras. Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Nanay Lilia Cuntapay ay madala sna gumanap na aswang sa pelikula.  Mula sa Philippine Daily Inquirer/

Si Nanay Lilia Cuntapay ay madala sna gumanap na aswang sa pelikula. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Muli, paninirang puri ng mga Espanyol ang salitang aswang sa mga ninuno nating babaylan.  Hindi sila masasamang tao.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(At the taxi and People’s Television Network, 29 October 2013)

XIAO TIME, 31 October 2013: ANG KAHULUGAN NG SALITANG “UNDAS”

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Undas.  Mula sa Filway's Philippine Almanac (1995).

Undas. Mula sa Filway’s Philippine Almanac (1995).

31 October 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=3nTKRscMGhw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!   Ipinagdiriwang sa daigdig ang Halloween tuwing October 31.  Ang salitang ito ay nagmula salitang “All Hallow’s Evening,” ang kahulugan ng “hallow” ay saint dahil gabing bisperas nga ito ng All Saints’ Day.

Hallow--hindi walang laman, hindi rin "shallow" (korne) kundi banal, ala "hallowed by thy name."  Therefore "all hallows" ay "all saints."

Hallow–hindi walang laman, hindi rin “shallow” (korne) kundi banal, ala “hallowed by thy name.” Therefore “all hallows” ay “all saints.”

Kasabay nito ang bisperas ng pista ng mga patay na ipinagdiriwang pa ng mga sinaunang Celtic bilang “Samhain” kung kalian pinaniniwalaan nilang bumabalik sa mga tahanan nila ang kaluluwa ng mga ninuno nila.  Ginugunita nila ito sa pamamagitan ng “trick or treat,” kumbaga, kung may kakatok sa iyo at hindi mo bigyan ng kahit ano ay maaari ka nilang lokohin ng mga pranks.  Upang kumatawan sa mga kaluluwa na maaari kang saktan kung maging maramot ka, nagsusuot ng kung anu-nong nakakatakot na costume ang mga bata.

Samhain

Samhain

Trick or Treat.  Mula sa cheboygan.com.

Trick or Treat. Mula sa cheboygan.com.

Si Gillianne Cowenn Manlutac Calma noong Undas 2010 sa Garden of the Ascension, Lungsod ng Tarlac.

Si Gillianne Cowenn Manlutac Calma noong Undas 2010 sa Garden of the Ascension, Lungsod ng Tarlac.

Gayundin, gumagawa ng mga inukitang kalabasa o pumpkin ang mga Kanluranin upang pantaboy sa mga masasamang demonyo na naglipana sa tuwing Holloween.  1866 unang nabanggit ang koneksyon ng Hollween at pumpkin sa Amerika.  Mapapansin din na sa kwentong bayan sa Kanluran, ang mga mangkukulam ay may nakaugalian na gawing mga pumpkin ang mga tao.

Pumpkin o jack-o-lantern.  Mula sa National Geographic.

Pumpkin o jack-o-lantern. Mula sa National Geographic.

Dahil sa komersyalisasyon at globalisasyon, umabot ang mga Kanluraning praktis na ito sa Pilipinas.  Ang pista ng patay sa Pilipinas ay tinatawag nating “Undas.”  Nang tanungin ko si Dr. Lars Raymund Ubaldo, na nag-aral ng mga praktis sa burol ng mga Ilokano, ang salitang “Undas” ay nagmula sa Espanyol na “honras funebres” o funeral honors na sa ibang lalawigang Tagalog ay naging “honras” at “undras,” at sa Ilocos ay “atang” na tinatawag ding “umras.”

Prop. Dr. Lars Raymund Ubaldo noong DLSU History Department Teacher Training Workshop noong October 19, 2013.  Kuha ng opisyal na potograpo ng De La Salle University Manila, Kuya Greg (Taga Litrato).

Prop. Dr. Lars Raymund Ubaldo noong DLSU History Department Teacher Training Workshop noong October 19, 2013. Kuha ng opisyal na potograpo ng De La Salle University Manila, Kuya Greg (Taga Litrato).

Dahil sa impluwensyang Katoliko ng mga Espanyol, naitali sa Todos Los Santos o All Saints Day ang paggalang natin sa patay na tila ang ating mga namatay na ninuno ay itinuturing na rin natin na mga santo na nasa langit kasama ng Panginoon.  Ang doktrina ng Santa Iglesia Catolica Romana ay nagsasabi na ang namatay na mahal sa buhay ay ipinapanalangin upang mahango sa purgatoryo, mapunta sa langit o magabayan ang kanilang mga kaluluwa sa kabilang buhay.

Recuerdos de Patay (souvenir of the dead) sa Pampanga noong panahong sinauna.  Pansinin kung papaano inaangat ang patay upang masilayan sa larawan.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies.

Recuerdos de Patay sa Pampanga.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies.

Recuerdos de Patay sa Pampanga. Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies.

Prusisyon ng patay sa Pampanga.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies.

Ngunit hindi ba kayo nagtataka, kapag undas ay nagdadasal tayo mismo sa kamag-anak natin at kinakausap natin sila?  Ito na ang pananatili ng sinaunang kulturang Pilipino na mas matanda pa sa Katolisismo sa Pilipinas.  Naniniwala tayo na tayong ay may mga kaluluwa ngunit kapag tayo ay namatay ay naglalakbay tayo sa mga ilog at dagat gawa nga na tayo ay isang maritime culture tulad ng makikita sa bangang Manunggul.  Ang mga namatay na kaluluwa ay itinuturing na anito na nagbabalik sa kalikasan, sa mga ilog, sa mga bundok, sa mga bato at sa mga punongkahoy.  Sila ay kinakatawan ng mga estatwa at inaalayan at dinadasalan natin ang mga ninuno natin na ito.  At pinaniniwalaan na nakikipag-usap pa ang mga anito sa atin noon sa pamamagitan ng mga babaylan at catalonan.

Paglilibing sa Cordillera.  Mula sa Filway's Philippine Almanac (1995).

Paglilibing sa Cordillera. Mula sa Filway’s Philippine Almanac (1995).

Isang namatay sa Cordillera.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Isang namatay sa Cordillera. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Bullol, representasyon ng anito sa Ifugao.  Kuha ni Neil Oshima.

Bullol, representasyon ng anito sa Ifugao. Kuha ni Neil Oshima.

Illustration of the worldview and belief in the afterlife of early Filipinos in Palawan.  Photo from the Dante Ambrosio-Xiao Chua Archives.

Illustration of the worldview and belief in the afterlife of early Filipinos in Palawan. Photo from the Dante Ambrosio-Xiao Chua Archives.

Adoring the Manunggul Jar at the National Museum and learning about the common culture and belief of all Austronesians, the ancestors of Filipinos.

Adoring the Manunggul Jar at the National Museum and learning about the common culture and belief of all Austronesians, the ancestors of Filipinos.

Muli, ngayon alam niyo na ang UNDAS ay nagmula sa Honras Funebres, hindi sa binaligtad na “SADNU?”  Dahil hindi naman sad ang pista ng patay sa Pilipinas, hindi ba HAPPYNU ito?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Andrew Bldg., DLSU Manila, 29 October 2013)

Undas sa mga "apartment."  Mula sa kjrosales.blogspot.com.

Undas sa mga “apartment.” Mula sa kjrosales.blogspot.com.

Undas.

Undas.

Ang angkan ng mga Briones ng Lungsod ng Tarlac noong Undas 2010 sa Garden of the Ascension.  Hindi Sad Nu?  Happy Nu!  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang angkan ng mga Briones ng Lungsod ng Tarlac noong Undas 2010 sa Garden of the Ascension. Hindi Sad Nu? Happy Nu! Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

XIAO TIME, 30 October 2013: ANG KAIBIGANG KAPRE NI HENERAL EMILIO AGUINALDO

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Kapre ni Madilumad.

Kapre ni Madilumad.

30 October 2013, Wednesday: http://www.youtube.com/watch?v=85vnd8dfPG8

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Dahil malapit na ang Undas, magkakaroon tayo ng Todos Los Santos specials ngayon at sa mga susunod na araw.   Isa sa mga mahiwagang mga nilalang sa ating mga kwentong bayan ay ang mga kapre.  Ang kapre ay isang engkanto na nakatira sa mga punong malalaki tulad ng acacia, mangga, kawayan at balete.

Kapre.  Mula sa Filway's Philippine Almanac (1994).

Kapre. Mula sa Filway’s Philippine Almanac (1994).

Kapre.  Mula sa frenchlivinginthephilippines.blogspot.com.

Kapre. Mula sa frenchlivinginthephilippines.blogspot.com.

Lagi itong inilalarawan na nakabahag at sobrang tangkad, 7-9 feet tall, imagine!  Nagyoyosi siya sa malaking pipang ganja na sa sobrang lakas ng amoy ay maaaring maamoy ng tao.  Sa ibang bersyon, ang kapre ay may hawak na mahiwagang puting bato na maliit pa sa itlog ng pugo.  Kung mapasakamay ito ng tao, maaari niyang bigyan ang tao ng kanyang kahilingan.

Kapre.  Mula kay cloudminedesign.

Kapre. Mula kay cloudminedesign.

Kung kaibiganin ka ng kapre, babantayan ka niya habambuhay.  Ang mga kaibigan lamang ng kapre ang nakakakita sa kanya. Itong kapre ay mapagbiro, nagwawala ng mga tao sa kakayuhan o sa kabundukan, maging sa mga lugar na pamilyar ang isang binibirong tao.

Ang kapre at ang kanyang kaibigan. Mula sa definitelyfilipino.com.

Ang kapre at ang kanyang kaibigan. Mula sa definitelyfilipino.com.

Nagpaparamdam ang mga kapre sa pamamagitan ng paggalaw ng mga puno kahit na wala namang hangin, pagaparinig ng pagtawa, pagkakaroon ng usok sa ibabaw ng puno, at pagpapakita ng malaking pulang mga mata sa puno.

Kapre sa kalunsuran.  Mula sa legendakota.blogspot.com.

Kapre sa kalunsuran. Mula sa legendakota.blogspot.com.

Kapre.  Mula sa bagoh2.deviantart.com.

Kapre. Mula sa bagoh2.deviantart.com.

Ayon sa mga kwento, si Heneral Emilio Aguinaldo ay mayroong kaibigan kapre na inalagaan sa kanyang mansyon sa Kawit, Cavite.  Ayon sa artikulo ni Dr. Isagani Medina na “Aguinaldo para kay Aguinaldo,” ang kapre raw ay nakatira sa ilalim ng tulay ng marulas hindi kalayuan sa bahay ng mga Aguinaldo.

Dr. Isagani Medina.  Mula sa National Commission for Culture and the Arts.

Dr. Isagani Medina. Mula sa National Commission for Culture and the Arts.

Sa gitnang bintana ng mansyon na ito ng mga Aguinaldo ipinroklama ang Independencia ng Pilipinas noong June 12, 1898.  Mula sa Retrato Filipinas Photo Collection.

Sa gitnang bintana ng mansyon na ito ng mga Aguinaldo ipinroklama ang Independencia ng Pilipinas noong June 12, 1898. Mula sa Retrato Filipinas Photo Collection.

Nakikita raw ang kapre kapag maliwanag ang buwan, nananabako sa may sanga ng punong kabalyero.  Sinasabing ang kapreng ito ang nagbigay ng anting-anting kay Aguinaldo.  Kaya nga kapag binabaril siya ng mga kalaban ay tumatagos lamang ang bala.  Sa gabi bago makipaglaban sa mga Espanyol, makikita si Aguinaldo na nakikipag-usap sa isang puting anino sa may bintana, nagpapayo ang kapre sa kanya kung paano manalo sa laban.

Hen. Emilio Aguinaldo.  Mula sa Studio 5 Designs.

Hen. Emilio Aguinaldo. Mula sa Studio 5 Designs.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi.  Kuha ni G. Angelo Aguinaldo, apo sa tuhod ng heneral.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi. Kuha ni G. Angelo Aguinaldo, apo sa tuhod ng heneral.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi.  Kuha ni Jun Tulao ng Cavote Camera Club.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi. Kuha ni Jun Tulao ng Cavite Camera Club.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi.  Kuha ni Jun Tulao ng Cavote Camera Club.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi. Kuha ni Jun Tulao ng Cavite Camera Club.

Nang minsan daw na magtangka ang mga Espanyol na pasukin ang Kawit gamit ang tulay ng Marulas, may nakitang malaking binti na nakaharang sa tulay.  Nang barilin ito ng mga Espanyol, bumalik lamang ang mga bala sa kanila.  Kaya hindi na muli pang ginambala ng mga Espanyol ang bahay ni Aguinaldo.  Gayundin, si Aguinaldo ay nakikita na nakasakay sa isang puting kalabaw ng mga kalaban sa labanan.  Kaya nga naging simbolo raw ni Aguinaldo ang kalabaw at maraming beses na makikita sa kanyang tahanan.

Kalabaw sa ibabaw ng balkonahe.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa ibabaw ng balkonahe. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa tagiliran ng bahay.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa tagiliran ng bahay. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa ilalim ng balkonahe.

Kalabaw sa ilalim ng balkonahe.

Nang siya ay mawalan nang hininga sa Veteran’s Memorial Hospital noong 1964, mayroon daw lumabas na bato na singlaki ng holen sa kanyang bibig.  Ito raw ang kanyang anting-anting.

Mas matandang Don Emilio, kuha ng Life magazine isang taon bago siya mamatay noong 1964.

Mas matandang Don Emilio, kuha ng Life magazine isang taon bago siya mamatay noong 1964.

Si Heneral Emilio Aguinaldo habang dinadala sa Veterans' Memorial Hospital isang araw bago bawian ng buhay noong February 6, 1964.  Mula sa Aguinaldo-Suntay Museum sa Lungsod ng Baguio.

Si Heneral Emilio Aguinaldo habang dinadala sa Veterans’ Memorial Hospital isang araw bago bawian ng buhay noong February 6, 1964. Mula sa Aguinaldo-Suntay Museum sa Lungsod ng Baguio.

Hindi natin masabi kung totoo ang mga alamat ukol kay Heneral Aguinaldo.  Hindi niya ito itinanggi at hindi rin naman niya ito pinatunayan.  Ang mahalaga marahil ay makita na para sa atin ang mga dakilang Pilipino ay para ring mga bayani natin sa epiko, maalamat at astig.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Miguel Hall, DLSU Manila, 29 October 2013)

XIAO TIME, 29 October 2013: ANG UNANG TV BROADCAST SA PILIPINAS

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

James Lindbergh, ang Ama ng Telebisyong Pilipino at tagapagtatag ng Bolinao Electronics Corporation.  Mula sa http://timerime.com/en/timeline/397360/Timeline+in+Philippine+Television/.

James Lindbergh, ang Ama ng Telebisyong Pilipino at tagapagtatag ng Bolinao Electronics Corporation. Mula sa http://timerime.com/en/timeline/397360/Timeline+in+Philippine+Television/.

29 October 2013, Tuesday: http://www.youtube.com/watch?v=t4XWxsn4Mik

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  60 years ago, October 23, 1953, lumabas ang pinakaunang broadcast ng telebisyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng DZAQ TV Channel 3.  Alam niyo ba na ang pinakaunang mga imahe na nakita sa telebisyon sa Pilipinas ay ang pagpaparty ng mga mayayaman sa hardin ni Judge Antonio Quirino sa Sitio Alto, at ang pinakaunang taong nakita sa telebisyon ay walang iba kung hindi ang kapatid ni Tony na si Pangulong Elpidio Quirino.

Pagsasalarawan ng unang broadcast ng DZAQ-TV (Mula sa ad ng ABS-CBN noong 2003 sa Philippine Daily Inquirer).

Pagsasalarawan ng unang broadcast ng DZAQ-TV (Mula sa ad ng ABS-CBN noong 2003 sa Philippine Daily Inquirer).

Elpidio Quirino.  Mula sa Wikipedia.

Elpidio Quirino. Mula sa Wikipedia.

Paano ba naisakatuparan ang makasaysayang pangyayaring ito?  Itinatag muna ni James Lindbergh noong 1946 ang isang radio station, ang Bolinao Electronics Corporation o BEC, taga-Bolinao, Pangasinan kasi ang misis niyang Pinay.  Sa Amerika, ang telebisyon ay una nang sinubukan ni Philo Farnsworth sa kanyang image dissector camera tube noong 1927, nang ipakita niya dito ang isang straight line.

Philo Farnsworth

Philo Farnsworth

Mga empleyado ng Bolinao Electronics Corporation habang nagsasalo sa pagkain.  Mula sa Nostalgia Manila.

Mga empleyado ng Bolinao Electronics Corporation habang nagsasalo sa pagkain. Mula sa Nostalgia Manila.

Maging ang mga pamantasan, ang Unibersidad ng Santo Tomas ay nag-eeksperimento na ng home-made receiver at ang Feati naman ay nagkaroon ng experimental TV station.  Naisip ni Lindbergh na ang susunod na hakbang para sa kanyang kumpanya ay pumasok sa telebisyon.  Si Judge Tony Quirino naman ay hindi nabigyan ng permit na magkaroon ng isang istasyong pantelebisyon dahil nangamba ang pamahalaan na baka gamitin ito para sa kampanya para sa ikalawang termino ni Elpidio Quirino.  Kaya nakipagsanib-pwersa si Tony Quirino kay Lindbergh at binili ang ilang bahagi ng shares ng BEC na muling pinangalanan na Alto Broadcastng System.

Radiowealth, unang distributor ng TV sa Pilipinas.  Mula sa http://timerime.com/en/timeline/397360/Timeline+in+Philippine+Television/.

Radiowealth, unang distributor ng TV sa Pilipinas. Mula sa http://timerime.com/en/timeline/397360/Timeline+in+Philippine+Television/.

Itsura ng mga unang telebisyon sa Pilipinas.  Mula sa http://timerime.com/en/timeline/397360/Timeline+in+Philippine+Television/.

Itsura ng mga unang telebisyon sa Pilipinas. Mula sa http://timerime.com/en/timeline/397360/Timeline+in+Philippine+Television/.

Muling hinarang ng Bangko Sentral ang pagpapahiram ng pautang na dolyar kay Quirino dahil masyado raw risky ang bagong negosyong papasukin, kaya humingi na lamang ng tulong sa Quirino sa Radio Corporation of America (RCA).  Nagtayo sila ng tore sa San Juan at nag-import at nagbenta ng tinatayang 150-300 TV sets.  At ito na nga ang naging daan upang mapanood ang pinakaunang TV broadcast na iyon kasama ang Pangulong Quirino.  Si Lindbergh ang kinilalang “Ama ng Telebisyong Pilipino” at noong araw na iyon, ang Pilipinas ang ika-15 bansa pa lamang na nagkaroon ng telebisyon sa mundo, pangalawa sa Asya.  Ang ABS noon ay nagkaroon ng opisina sa Roxas Blvd. at nagpalabas mula ika-anim hanggang ikasampu ng gabi.

1953, ang taon ng pagsisimula ng TV broadcast sa Pilipinas.

1953, ang taon ng pagsisimula ng TV broadcast sa Pilipinas.

Si Charlie Agatep at James Lindbergh.  Mula kay Charlie Agatep.

Si Charlie Agatep at James Lindbergh. Mula kay Charlie Agatep.

Opisina ng Alto Broadcasting Company sa Roxas Blvd.  Mula sa talambuhay Dolphy.

Opisina ng Alto Broadcasting Company sa Roxas Blvd. Mula sa talambuhay Dolphy.

Paanyaya sa mga test broadcast ng ABS DZAQ-TV Channel 3.

Paanyaya sa mga test broadcast ng ABS DZAQ-TV Channel 3.

Dati rati mga pelikulang banyaga ang madalas ipalabas sa telebisyon, hanggang ang makasaysayang Heswitang si Padre James Reuter ay gumawa ng kasaysayan at nagpalabas sa telebisyon ng isang live stage play, ang Cyrano de Bergerac, na tumagal ng tatlong oras at mga estudyante ang lahat ng aktor. Hindi naglaon sabayang ipinalabas sa telebisyon ang mga popular na programa sa radio tulad ng Tawag ng Tanghalan, Kuwentong Kutsero, at Student Canteen.

Padre James Reuter, S.J.

Padre James Reuter, S.J.

Mga host ng "Student Canteen" kasama ni Eddie Ilarde, sina Connie Reyes at Helen Vela.

Mga host ng “Student Canteen” kasama ni Eddie Ilarde, sina Connie Reyes at Helen Vela.  Mula sa Philippine Star.

Noong 1958, itinatag ng mga Lopez ang Chronicle Broadcasting Network (CBN) at binili nila ang ABS, na naging ABS-CBN.  Hindi naglaon, noong 1961 nagkaroon ng DZBB-TV-7 o Republic Broadcasting System (RBS) ni Bob Stewart na magiging GMA na ang pinakasikat na programa ay Gabi ng Lagim hanggang matatag noong 1974 ang DWGT-TV 4 na hindi naglaon ay magiging People’s Television o Telebisyon ng Bayan.

Si Eugenio Lopez, Jr, (kanan) Kapitan ng ABS-CBN.

Si Eugenio Lopez, Jr, (kanan) Kapitan ng ABS-CBN.

Uncle Bob Stewart.  Mula sa http://twicsy.com/i/oH4GJb.

Uncle Bob Stewart. Mula sa http://twicsy.com/i/oH4GJb.

Government Television, naging People's Television.  Mula sa http://timerime.com/en/timeline/397360/Timeline+in+Philippine+Television/.

Government Television, naging People’s Television. Mula sa http://timerime.com/en/timeline/397360/Timeline+in+Philippine+Television/.

Isang lumang telebisyon na tila isang cabinet.

Isang lumang telebisyon na tila isang cabinet.

At iyan ang pagsisimula sa bansa ng ngayon ay makapangyarihang impluwensya sa buhay nating lahat, ang telebisyon.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 12 October 2013)

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 7,898 other followers